Kaalaman sa Karunungan at Walang Hanggang Kapangyarihan ng Diyos Mula sa Katunayan ng Kanyang Dominyon at Pamamahala sa Espiritwal na Mundo
Pagdating sa espirituwal na daigdig, kung ang iba-ibang mga nilalang na narito ay nakagawa ng isang bagay na mali, kung hindi nila ginagawa ang kanilang trabaho nang tama, ang Diyos ay mayroon ding katumbas na mga panlangit na kautusan at mga atas upang makitungo sa kanila—ito ay tiyak. Kaya sa ilang libong taon ng gawaing pamamahala ng Diyos, ang ilang tagapamahala na gumawa ng masama ay nilipol, ang ilan, sa araw na ito, ay nakakulong pa rin at pinarurusahan. Ito ang dapat harapin ng bawat nilalang sa espirituwal na daigdig. Kapag sila ay gumawa ng mali o nakagawa ng kasamaan, sila ay pinarurusahan—na kaparehong-kapareho ng paglapit ng Diyos sa mga taong Kanyang pinili at sa mga taga-serbisyo. At kaya, maging ito man ay sa espirituwal na daigdig o sa materyal na mundo, ang mga prinsipyo kung paano kumikilos ang Diyos ay hindi nagbabago. Kahit na makikita mo man ang mga pagkilos ng Diyos o hindi, ang mga prinsipyo nito ay hindi magbabago. Sa kabuuan, ang Diyos ay may parehong mga prinsipyo sa Kanyang paglapit sa lahat ng bagay at sa Kanyang paghawak sa lahat ng bagay. Ito ay hindi nababago. Ang Diyos ay magiging mabait tungo sa mga taong hindi sumasampalataya na namumuhay lamang nang maayos, at maglalaan ng mga pagkakataon para sa kanila sa bawat relihiyon na nagpapakabait at hindi gumagawa ng masama, hahayaan silang gampanan ang kanilang tungkulin sa lahat ng bagay na pinamamahalaan ng Diyos, at gawin kung ano ang dapat nilang gawin. Sa parehong paraan, sa gitna ng yaong sumusunod sa Diyos, ang Kanyang hinirang na mga tao, ang Diyos ay hindi nagtatangi laban sa kaninumang tao alinsunod sa Kanyang mga prinsipyong ito. Siya ay mabait sa lahat na taimtim na sumusunod sa Kanya, at minamahal ang lahat na taimtim na sumusunod sa Kanya. Pero para sa ilang uri ng tao—ang mga taong hindi sumasampalataya, ang iba’t ibang tao na may pananampalataya, at ang hinirang na mga tao ng Diyos—kung ano ang ipinagkakaloob Niya sa kanila ay magkakaiba. Halimbawa ang mga hindi sumasampalataya: Bagamat hindi sila naniniwala sa Diyos, at tinuturing sila ng Diyos bilang mga alagaing hayop, sa gitna ng lahat ng bagay ang bawat isa sa kanila ay may pagkaing makakain, isang lugar na sarili nila, at isang normal na pag-inog ng buhay at kamatayan. Yaong mga nagsisigawa ng masama ay parurusahan, at yaong mga nagsisigawa ng mabuti ay pinagpapala at nakatatanggap ng kagandahang-loob ng Diyos. Hindi ba ganyan kung paano nangyayari? Para sa mga taong may pananampalataya, kung magagawa nilang mahigpit na sumunod sa relihiyosong mga panuntunan sa paulit-ulit na muling pagsilang, kung gayon pagkatapos ng lahat ng muling pagsilang na ito sa huli ang Diyos ay gagawa ng Kanyang pagbubunyag sa kanila. Sa parehong paraan, para sa lahat ng nakaupo dito sa araw na ito, sila man ay isa sa hinirang na mga mga tao ng Diyos o sa mga taga-serbisyo, gagawin din silang pare-pareho ng Diyos at pagpapasyahan ang kanilang katapusan alinsunod sa mga alituntunin at mga atas administratibo na itinakda Niya. Tingnan, sa gitna nitong ilang uri ng mga tao—ang iba’t ibang uri ng taong may pananampalataya, na kabilang sa iba’t ibang relihiyon—binigyan ba sila ng Diyos ng matitirahang lugar? Nasaan ang Judaismo? Nanghimasok ba ang Diyos sa kanilang pananampalataya? Hindi kailanman, tama ba? At paano naman ang Kristiyanismo? Lalong hindi Siya nanghimasok. Hinahayaan Niya sila na sumunod sa kanilang sariling mga pamamaraan, at hindi Siya nakikipag-usap sa kanila, o nagbibigay sa kanila ng anumang kaliwanagan, at, mangyari pa, hindi nagbubunyag ng anuman sa kanila: “Kung iniisip mong tama ito, kung gayon maniwala ka sa ganitong paraan.” Ang mga Katoliko ay naniniwala kay Maria, at sa pamamagitan ni Maria na ang balita ay naipasa sa Panginoong Jesus; gayon ang kanilang paraan ng pananampalataya. At itinama ba ng Diyos kailanman ang kanilang pananampalataya? Binibigyan sila ng Diyos ng kalayaan, hindi Niya sila binibigyan ng pansin, at binibigyan Niya sila ng isang tiyak na lugar upang manirahan. At tungo sa mga Muslim at mga Budista, ganoon din ba Siya? Siya ay nagtakda rin ng mga hangganan para sa kanila, at hinahayaan silang mamuhay sa loob ng kanilang sariling tinitirahang lugar, nang hindi nanghihimasok sa kanilang kani-kanyang mga pananampalataya. Ang lahat ay isinaayos. At ano ang inyong nakikita sa lahat ng ito? Na taglay ng Diyos ang awtoridad, ngunit hindi Niya inaabuso ang Kanyang awtoridad. Isinasaayos ng Diyos ang lahat ng bagay sa perpektong kaayusan, at ito ay mayroong sistema, at dito nakikita ang Kanyang karunungan at walang hanggang kapangyarihan.
—mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao