Mag-subscribe

Menu

Ang mga Salita ng Diyos ang Pumatnubay sa Akin Upang Malaman Ko Kung Paano Turuan ang Aking mga Anak

Quick Navigation
Magdasal at Ipagkatiwala ang Aking mga Anak sa Diyos
Inilagay ang Aking Sarili na Kapantay ng Aking mga Anak at Makipag-usap sa Kanila
Pinagpapala ng Diyos ang mga Nagpapahintulot sa Diyos na Gumamit ng Kapangyarihan sa Kanilang Tahanan

Mayroon akong dalawang anak na lalaki at sila ay may pagitan na isang taon. Upang mapalaki silang maayos at may magandang asal, kinausap ko ang aking asawa na maghanap ng magandang kindergarten para sa kanila.

Habang ang aking mga anak ay unti-unting lumalaki, nakita ko na sila ay ubod ng dominante at suwail. Halimbawa, nang dinala ko sila sa mall, kapag nakakita sila ng isang bagay na gusto nila, kinukuha na lamang nila ito. Kapag nakikipaglaro sila sa ibang mga bata, kapag nakakita sila ng isang bagay na gusto nila, aagawin nila ito mula sa iba. Kung ang ibang bata ay hindi ito ibibigay sa kanila, sasaktan nila ito. Mahigpit ko silang pinagsasabihan sa tuwing nangyayari ito. Gayunpaman, hindi lamang ito naging hindi mabisa, kundi ang aking mga anak ay naging mas hindi masunurin. Labis akong nalungkot tungkol dito. Paanong ang aking mga anak ay naging mapagmataas at masamang kumilos? Nakaramdam ako ng kawalan sa kung ano ang gagawin tungkol sa edukasyon ng aking mga anak at nakaramdam ako ng pagdurusa at pag-aalala.

Magdasal at Ipagkatiwala ang Aking mga Anak sa Diyos

Noong Marso 2017, tinanggap ko ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos. Nakita ko na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay nagsasabi, “Maliban sa pagsisilang at pagpapalaki ng anak, ang tungkulin ng mga magulang sa buhay ng isang bata ay ang bigyan lang sila ng isang pormal na kapaligiran na kalalakihan nila, sapagka’t walang may kaugnayan sa kapalaran ng tao maliban sa itinadhana ng Lumikha. Walang sinuman ang makakakontrol kung anong uri ang magiging kinabukasan ng isang tao; ito ay nauna nang naitadhana, at kahit na ang sariling mga magulang ay hindi mababago ang kapalaran ng isang tao” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Nang makita ko ang mga salita ng Diyos ay natanto ko na kahit na ang aking asawa at ako ay mga magulang ng aming mga anak, kami lamang ay magbibigay ng isang kapaligiran kung saan sila lalaki. At sa kung ano ang magiging kinabukasan nila, lahat ng ito ay nasa kamay ng Diyos. Ang Diyos ang namamahala sa kanilang patutunguhan at magpapasya sa kanilang kinabukasan, hindi ang kanilang mga magulang. Ang tanging magagawa ko lang ay ang manalangin sa Diyos, ipagkatiwala ang aking mga anak sa Diyos at umaasa na gagabayan sila ng Diyos sa kanilang paglaki. Nagnilay din ako kung paano ko tinatrato ang aking mga anak. Palagi kong ginagamit ang aking mga kakayahan upang piliting kontrolin at pasakitan ang aking mga anak at sa tuwing nakikita kong sumusuway ang aking mga anak, mahigpit kong pinagsasabihan sila, iniisip kong baguhin ang kanilang masasamang gawi at pagbutihin ang kanilang kalibre sa ganitong paraan. Ngunit hindi lamang sa ang aking mga anak ay hindi naging masunurin at matino, naging tunay din silang mas suwail. Ngayon parang hindi ko naiintindihan ang katotohanan at hindi ko alam ang pangangasiwa at pag-sasaayos ng Diyos, kaya hindi ko maturuan ang aking mga anak, lalo't hayaan silang lumaki nang malusog. Dapat kong baguhin ang aking paraan ng pagtuturo sa kanila at pakitunguhan sila na may wastong pag-uugali.

Pagkatapos nito, kapag ang aking mga anak ay nagkakamali, matiyaga ko silang kinakausap at pinapaalam ko sa kanila ang mga sariling pagkakamali. Kapag nakita ko silang yumuko ang kanilang mga ulo at tumigil sa pagsasalita, hindi ko na sila pinagsasabihan pa bagkus ipinagdarasal at ipinagkakatiwala ko sila sa Diyos. Unti-unti, napansin ko na sila ay mas tahimik kaysa dati at hindi na nila sinasaktan ang ibang mga bata at bihirang manumpa at magmura. Nang makita kong nagsisimula nang lumaki ng maayos ang aking mga anak, lubos akong nagpasalamat at alam ko na itong lahat ay dahil sa mga salita ng Diyos at mula sa kaibuturan ng aking puso ay nagpasalamat ako sa Diyos!

Inilagay ang Aking Sarili na Kapantay ng Aking mga Anak at Makipag-usap sa Kanila

Isang araw pagkatapos ng hapunan, tinuruan ko ang aking panganay na anak kung paano magbasa ng Chinese. Ilang beses ko siyang tinuruan, ngunit hindi pa rin niya ito maisulat. Isusulat lamang niya ang unang salita at pagkatapos ay kakalimutan ang susunod. Ang galit sa loob ko ay nangibabaw, sinimangutan ko siya at sumigaw ng malakas: “Ang bobo mo naman! Ni hindi mo matutunan ang ilang mga salita!” Ang aking panganay na anak na lalaki ay napatakbo sa takot at tumayo sa sulok. Pinagalitan ko siya, “Halika rito at magpatuloy na magsulat!” Ang aking panganay na anak ay hindi lumapit, kaya hinawakan ko siya at hinila siya sa upuan. Nang makita ang kalunos-lunos na hitsura ng aking panganay na anak, nakaramdam ako ng matinding kirot sa aking puso. Umiyak ako at bumalik sa aking kwarto at nanalangin sa Diyos: “Oh Diyos! Sa sandaling ang aking anak ay mapasama ang loob ko, hindi ko makontrol ang aking galit. Ayaw kong tratuhin ang aking anak ng ganito. Diyos ko, nawa’y tulungan Mo ako.” Pagkatapos magdasal, dahan-dahan akong huminahon.

Nang maglaon, tinuruan ko siya tulad ng dati, ngunit hindi pa rin siya natuto. Naalala kong manalangin sa Diyos at hindi na ako nagalit muli. Kasabay nito, sinimulan ko ring magnilay sa aking sarili. Bakit hindi ko makontrol ang aking galit kapag hindi ako sinusunod ng aking anak? Habang nagninilay nito, naisip ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Sa sandaling magkaroon na ng katayuan ang isang tao, madalas ay mahihirapan na siyang kontrolin ang kanyang damdamin, kaya’t masisiyahan siyang samantalahin ang mga pangyayari upang ipahayag ang kanyang kawalang-kasiyahan at ilabas ang kanyang mga damdamin; madalas siyang sumisiklab sa matinding galit kahit walang malinaw na dahilan, upang ibunyag lamang ang kanyang kakayahan at malaman ng ibang tao na ang kanyang katayuan at pagkakakilanlan ay iba roon sa mga ordinaryong tao. Siyempre, ang mga tiwaling tao na walang anumang katayuan ay malimit ding mawawalan ng kontrol. Ang kanilang galit ay kadalasang dulot ng pinsala sa kanilang indibiduwal na mga benepisyo. Upang mapangalagaan ang kanilang sariling katayuan at dignidad, madalas na ilalabas ng tiwaling sangkatauhan ang kanilang mga damdamin at ibubunyag ang kanilang mayabang na kalikasan. … May ilang nagsasanay ng pagpigil sa kanilang galit, samantalang ang iba ay mas mapusok at sumisiklab sa labis na galit sa tuwing nais nila nang walang kahit katiting na pagpipigil. Sa madaling salita, ang galit ng tao ay nagmumula sa kanyang tiwaling disposisyon. Ano man ang layunin nito, mula ito sa laman at sa kalikasan; wala itong kinalaman sa katarungan o kawalang-katarungan sapagkat walang anuman sa kalikasan at diwa ng tao ang umaayon sa katotohanan” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa pamamagitan ng ipinahayag na mga salita ng Diyos, nakita ko na labis akong napatiwali ni Satanas at sobra akong arogante at dominante, palaging pinipigilan at pinipilit ang aking mga anak sa aking pagkakakilanlan at katayuan bilang kanilang ina at sa sandaling hindi nila matugunan ang aking mga kahilingan at pamantayan o ang aking kagustuhan, hindi ko mapigilan ang aking sarili na magalit at pagsabihan sila. Ito ay dahil sa aking tiwaling disposisyon kaya hindi ko masunod ang Diyos at laging nais na makawala mula sa kapangyarihan at pag-sasaayos ng Diyos at nais kong ayusin ang kapalaran ng aking mga anak batay sa aking sariling kakayahan at sa huli ay dinala ang aking sarili at ang aking mga anak sa sobrang kalungkutan.

Kasunod nito, hindi na ako humiling ng sobra sa aking anak. Sa halip, matiyaga ko siyang tinuruan at ginawa ang aking makakaya bilang isang ina. Unti-unti, hindi na ako nag-aalala dahil ang aking mga anak ay hindi natututo, at nakadama ako ng kapanatagan at saya. Nang tingnan ko muli ang aking dalawang anak, napagtanto ko na sobrang nakatutuwa at masigla sila, at napagtanto ko noon kung gaano ako ka hindi patas sa aking mga anak kapag lagi ko silang pinapamuhay sa pamamaraan ko at lumaki sa pamantayang imahe sa aking isipan.

Kasunod nito, ang nakagulat sa akin ay ang aking mga anak ay nagsimulang magbago. Dati wala silang konsentrasyon sa kanilang pag-aaral at hindi maaaring umupo nang maayos kapag ginagawa ang kanilang takdang-aralin, isasandig ang ulo sa mesa at nais na maglaro pagkatapos magsulat ng ilang mga salita. Ngayon ay talagang nakaupo na sila at masigasig na ginagawa ang kanilang takdang-aralin. Sa mga nakaraang araw, ang aking panganay na lalaki ay hindi natutunan ang mga letrang Tsino na itinuturo ko sa kanya ng maraming beses, ngunit ngayon ay naaalala na niya ang mga ito pagkatapos kong sabihin ang mga ito ng isa o dalawang beses at kaya na niyang magbasa ng apat o limang salita. Nagulat talaga ako; hindi ko inaasahan, samantalang dati ang aking dalawang anak na lalaki ay madalas na nag-aaway kapag magkasama sila, ngayon ay biglang naging maayos ang pagkilos nila at hindi na nag-aaway. Ang aking panganay na anak ay kusang binibigay ang mga paboritong bagay niya sa kanyang nakababatang kapatid. Nang makita ng aking asawa ang pagbabago sa aming mga anak, namangha siya at tinanong niya ako kung paano ko tinuruan ang aming mga anak at kung bakit bigla silang naging matalino at matino. Naisip ko sa aking sarili: Paano ko ito naituro sa kanila? Ito ay isang kamangha-manghang gawa ng Diyos!

Pinagpapala ng Diyos ang mga Nagpapahintulot sa Diyos na Gumamit ng Kapangyarihan sa Kanilang Tahanan

Matapos kong maranasan ito, huminahon ako upang magnilay sa mga nakaraang pamamaraan ko sa pagtuturo ng aking mga anak. Palagi ko silang tinuturuan at kinokontrol mula sa posisyon ko bilang isang ina, upang pakinggan nila ako at gawin nila ang sinasabi ko. Naisip ko na ito ang paraan upang maturuan nang maayos ang aking anak. Sa katunayan, nang tinuruan ko ang aking mga anak sa ganitong paraan, hindi lamang sa hindi nila nakamit, ngunit talagang naging mas lumalaban sila. Ngayon naiintindihan ko na ang Diyos lamang ang may awtoridad at ang mga salita lamang ng Diyos ang maaaring magpabago sa mga tao. Kaya't kailangang dakilain ko ang Diyos at hayaan ang Diyos na gumamit ng kapangyarihan sa aming tahanan. Tulad ng nasabi sa pagtitipon: “Kung dadalhin mo ang Diyos sa iyong totoong buhay, unahin mo Siyang dalhin sa iyong buhay sa tahanan. Sa iyong tahanan, kung may mga taong nagmamando sa iyong pamilya, dapat mo silang tanggalin sa kanilang mga puwesto. Dapat mong iwaksi ang lahat ng mga diyus-diyusan, gawin ang mga salita ng Diyos na panginoon ng iyong tahanan, at pahintulutang mamuno si Cristo. Ang mag-asawa, mag-ama, mag-ina—dapat nilang basahin at pag-usapan ang mga salita ng Diyos. Kung mayroong anumang mga problema o hindi pagkakasundo, ang mga ito ay maaaring malutas sa pamamagitan ng panalangin, pagbabasa ng mga salita ng Diyos, at pagpapahayag ng katotohanan. Huwag gawin tulad ng iyong nakasanayan, nakikinig sa isang tao. Hindi dapat kumilos ang mga tao dahil sa ito ang sinasabi ng ibang tao, dapat nilang luwalhatiin si Cristo, at hayaang ang mga salita ni Cristo na manguna sa kanilang pamilya, pahintulutan ang mga salita ng Diyos na mangasiwa sa kanilang tahanan. Hindi ba ito pagdadala ng mga salita ng Diyos sa iyong tunay na buhay? (mula sa pagbabahagi sa itaas).

Kaya, sinabi ko sa aking mga anak: “Mula ngayon, hindi na mawawalan ng pasensya si nanay nang walang dahilan o sisigaw muli sa inyo. Kung nagkamali kayo, si nanay ay matiyagang sasabihin sa inyo at kung si nanay ay nagkamali, si nanay ay hihingi ng tawad sa inyo. Pag-aralan natin ang salita ng Diyos nang magkasama at lumago sa mga salita ng Diyos nang magkakasama at huwag gawin ang mga bagay na hindi gusto ng Diyos, okay?” Masayang sinabi ng aking mga anak na lalaki na: “Okay!”

Nang maglaon, wala ng pagkakaiba sa katayuan sa pagitan ko at ng aking mga anak. Nang humarap kami sa ilang mga isyu,

lahat kami ay iginagalang ang Diyos na dakila at hinayaang gumamit si Cristo ng kapangyarihan sa aming tahanan. Minsan ay nakipag-usap ako sa kanila nang malakas at sinabi nila sa akin: “Nay, hindi ka mamahalin ng Diyos kapag ganyan ka.” Kapag nakagawa sila ng mali, ipapaliwanag ko rin sa kanila ang dahilan at sasabihin sa kanila kung paano tayo gustong kumilos ng Diyos at sa bawat oras sila ay nakikinig nang mabuti. Unti-unti, ang aking relasyon sa aking mga anak ay naging mas malapit. Madalas kong binabasa ang mga salita ng Diyos sa kanila at nakikinig kami ng mga himno ng salita ng Diyos ng magkakasama. Dati kapag bumalik sila sa paaralan, palagi silang nanonood ng mga cartoons tulad ng “Robots” sa iPad. Ngayon, madalas sabihin ng aking mga anak, “Nay, manonood muna kami ng iPad sandali pero hindi namin panonoorin ang hindi mo gusto. Pwede ba tayong manood ng mga videos ng mga himno ng salita ng Diyos?” Pagkatapos ay tahimik nila itong pinapanood, at minsan ay pinapanood nila ito ng mahigit isang oras.

Salamat sa Diyos sa pagbabago ng aking buhay at ng aking mga anak sa pamamagitan ng Kanyang mga salita! Ngayon naiintindihan ko na ang mga salita ng Diyos lamang ang maaaring makapagbago sa atin at magagawa tayong mamuhay sa anyo ng isang tunay na tao. Mula ngayon, ako ay matututong dakilain ang salita ng Diyos at dalhin ang mga bata na maniwala at sumunod sa Diyos.

Inirerekomenda para sa iyo:

Tagalog Christian Family Movie | "Ang Pag-ibig ng Isang Ina" | The True Story of a Christian

Mag-iwan ng Tugon