Mag-subscribe

Menu

Ang mga Salita ng Diyos ay Lumutas ng Kanyang Kakatwang Mga Pananaw sa Pag-aasawa

Pansin ng Patnugot: Paano natin dapat pakitunguhan ang isang kalahati na inihanda ng Diyos para sa atin? Ito ay isang katanungan na nais maunawaan ng bawat may-asawa na Kristiyano. Sa buhay, sa iba’t ibang mga kadahilanan, madalas na hindi natin maayos na maitrato ang kalahati na inihanda ng Diyos para sa atin, kung kaya’t ang parehong magkatuwang ay nabubuhay sa pasakit. Hindi wastong tinatrato ng Kristiyanong si Qianhui ang kanyang asawa, kaya ang kanyang relasyon sa kanyang asawa ay naging mahirap at mistulang nakulong. Ngunit sa kabutihang palad, sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, sa wakas naintindihan niya na ang kasal na inayos ng Diyos para sa kanya ang pinakamahusay at ang kanyang tahanan ay naging mas maayos at komportable. Basahin natin ang tungkol sa kanyang karanasan.

Masayang Buhay na May-asawa ng isang Kristiyano

Isang umaga, ang sinag ng sikat ng araw ay nagliwanag sa bahay at pininturahan ang sahig ng ginintuang kulay. Binuksan ni Qianhui ang kanyang mga mata at nag-inat, ngunit ng kakabangon pa lang niya, tumunog ang telepono. Kinuha niya ito at narinig ang kaibigan niyang si Lili sa kabilang linya. “Qianhui, ikakasal na ako sa susunod na Linggo, kailangang pumunta ka! …”

Nang marinig niya ang magandang balita ng kasal ng kaibigan niya, masaya si Qianhui para sa kaibigan niya. Inisip niya, “Napakaraming tao ang sinubukang magpakilala ng isang kaibigang lalaki kay Lili, at lahat ng mga lalaki ay galing sa mabubuting pamilya, ngunit hindi siya kailanman nasiyahan. Ngayon ay ikakasal na ang kaibigan niya, kung kaya’t ang pamilya ng magiging asawa ng kaibigan niya ay napakayaman.”

Sa araw ng kasal ni Lili, maagang nagising si Qianhui para magbihis at maglagay ng makeup niya. Dumating siya sa bahay ni Lili ng bandang alas diyes, at nang pumasok na siya sa pintuan, nagulat siya sa bagong bahay na nakita niya, ang malawak na sala nito, magandang dekorasyon, at moderno, magarang kasangkapan …. Malalarawan lamang ang bahay bilang “maringal.” Ang binhi ng paghanga ay natanim sa puso niya: Kaya pala nagpakasal si Lili! Ang asawa ng kaibigan niya ay di hamak na napakayaman!

Pagkatapos, nang dumating si Qianhui sa kasal, lalo pa siyang nagulat sa karangyaan ng pagtatanghal: Idinaos ang kasal sa isang primera klaseng hotel, ang MC ay ang pinakasikat na tagapagpakilala sa lugar, at lahat ng mga kotseng pumarada ay pawang pinakamahal na modelo ng kilalang uri ng sasakyan. Sa pagtingin kung ano ang nasa harapan niya, parehong nainggit at nagselos si Qianhui. Hindi niya mapipigilan kundi mapabuntong-hininga at mag-isip, “Sa eskuwelahan, sa parehong grado at anyo, nakahihigit ako kaysa kay Lili, ngunit ngayon, nahuhuli ako sa lahat. Hindi na bale ang karangyaan ng kasal, kahit ang bahay na tinirhan ko ng mga taon ay isa pa lamang na bungalo. Makakapagtrabaho ako sa buong buhay ko at kailanman hindi pa makapamuhay ng kasing luho ng kay Lili.” Nakadama si Qianhui ng sobrang kawalan, at nagsimula siyang magsisi sa pagkakaroon ng mga simpleng pamantayan nang nagsimula siya sa paghahanap ng isang kasintahan. Hiningi lang niya na maging matapat ang kanyang magiging asawa at mamumuhay sila nang masayang magkasama sa hinaharap, na nagresulta sa isang walang ingat na paghahanap kung saan nakatagpo ng isang asawang walang kakayahang kumita ng pera. Kung magagawa lamang niya ulit ang lahat, naisip niya, maghahanap siya ng isang mayamang lalaiki na may bahay at kotse. Kaya lang, napakahuli na para doon ngayon. Napailing sa kawalang magawa si Qianhui. Para ilayo ang sarili sa pagkabaon sa damdamin ng kawalan, nakipag-kuwentuhan siya sa ilang kaibigang matagal na niyang hindi nakita. Ngunit ang mga kaibigan niya ay ipinagmamalaki rin ang trabaho, kita, mga bahay ng pamilya, kotse ng mga asawa nila …. Kumpara sa kanyang mga kaibigan, nadama ni Qianhui na wala siyang mahalagang maipagmamalaki. Lubhang nabigo ang paghanga sa sarili ni Qianhui, at nanlumo ang kalooban niya. Hindi na siya makakatagal pang umupo sa ngayon, kaya’t kumain na lang siya at agad na umalis.

Nang nakauwi siya sa bahay, lumutang sa isip ni Qianhui ang mga tagpong nakita niya sa kasalan. Lahat ng mga kaibigan niya ay mukhang mas may mabubuting buhay kaysa sa kanya. Wala siyang maraming pera, wala siyang kotse, at wala siyang kahit isa mang yunit ng condo sa isang gusali ng apartment, hindi na bale ang mga palamuti ng isang maluhong buhay. Habang mas inisip niya, mas nadama niya ang dalamhati. Inisip niyang nakadama siya ng sobrang kawalan sa ngayon dahil walang kakayahan ang asawa niya. Kung galing ang asawa niya sa isang pamilya na mayaman, o kung maaaring kumita siya ng maraming pera, kung gayon hindi ba magkakaroon siya ng bahay at kotse, at bahagyang burgis na istilo ng pamumuhay, at nakapagmamalaki sa harap ng mga kaibigan niya? Ang kaisipan ay nagawang pangit ang lahat nang makita niya sa bahay, lalo na ang walang ingat na katapatan, kahinaan, at kawalan ng kakayahan ng asawa niya, na nagpagalit nang labis sa kanya. Sa tuwing gumawa ng isang bagay ang asawa niya kahit napakaliit para magpasama ng loob, nakahanap siya ng dahilan para mainis sa kanya bilang paraang maihinga niya ang kawalan ng kasiyahan. Sa tuwing nakita ng asawa niya si Qianhui na hindi masaya, tatangkain ng asawa niyang aliwin siya. Bagaman alam ni Qianhui na natrato na siyang mabuti ng asawa niya at hinayaan siya sa lahat ng gusto niya, palaging nadama niya ang kahihiyan. Ayaw niyang mabuhay ng ganitong ordinaryong buhay, kung saan mukhang imposible ang pagtakas sa kahirapan. At kaya, ang kanyang dating maayos at maginhawang buhay ng pamilya ay nagugol ngayon sa pag-aaway. Unti-unti, nadama ni Qianhui na ang asawa niya ay nagbago na. Sa nakaraan, umuwi ang asawa niya mula sa tabaho at tinulungan siya sa mga gawaing-bahay habang nakipag-usap sa kanya, ngunit ngayon malamig sa kanya ang asawa niya. Nagsimula siyang maglaro sa kanyang telepono kapag wala siyang magawa, at bihira na siyang makipag-usap sa kanya. Ang kakaibang ugali ng asawa niya ay ginawa pa si Qianhui na mas bigo. Inisip niya, “Sapat nang nakakahiyang pakasalan ka, at ngayon tatratuhin mo ako ng ganito. Talagang hindi ko na kayang mabuhay ng ganito!” Habang mas naisip niya ang tungkol dito, mas nadama niya ang dalamhati at pagiging kaawa-awa. Hindi niya alam kung paano magpatuloy.

Di naglaon, tinanggap ni Qianhui ang ebanghelyo ng Diyos ng mga huling araw. Madalas siyang pumunta sa mga pulong kasama ng kanyang mga kapatid na lalaki at babae upang basahin ang mga salita ng Diyos. Habang nakikisalamuha siya sa kanyang mga kapatid, nakita niya na lahat ay napakatapat at napakabait. Kapag sinuman ang may problema at nalito, matatalakay nila nang bukas at sama-sama ang mga bagay at hahanapin ang katotohanan sa mga salita ng Diyos. Walang higit na kagalingan o kababaan sa pagitan nila, walang nagmaliit sa sino pa man, at lahat tumulong, sumuporta, at tumustos sa isa’t isa. Lahat ay naghangad ng katotohanan ayon sa mga salita ng Diyos at sa gayon isinabuhay ang isang kawangis ng tao. Natangay si Qianhui ng umiiral na kapaligirang ito, at nagsimulang maramdaman ang ginhawa at ligaya na hindi niya kailanman dating naramdaman.

Kalaunan, binasa ni Qianhui ang mga salitang ito ng Diyos, “Maraming tao ang nakakaharap ng isang tao sa kanyang buhay, subalit walang sinuman ang nakakaalam kung sino ang magiging kapareha niya sa pag-aasawa. Bagaman ang lahat ay may kani-kanilang sariling mga palagay at personal na pananaw tungkol sa paksa ng pag-aasawa, walang sinuman ang maaaring makahula kung sino sa wakas ang magiging kanilang tunay na kabiyak, at walang saysay ang sariling mga haka-haka. Matapos makatagpo ang isang taong gusto mo, maaari mong habulin ang taong iyon; subalit kung interesado ba ang taong iyon sa iyo, kung siya ba ay maaaring maging kapareha mo, ay hindi ikaw ang magpapasya. Ang nilalayon ng iyong pagsinta ay hindi kinakailangan ang taong iyong makakabahagi sa iyong buhay; samantala may isang kailanman’y hindi mo inaasahang darating nang tahimik sa iyong buhay at magiging iyong kapareha, magiging pinakamahalagang elemento sa iyong kapalaran, ang iyong kabiyak, kung kanino nakabigkis nang mahigpit ang iyong kapalaran. Kung kaya, bagaman milyun-milyon ang pag-aasawa sa mundo, bawat isa ay iba: Gaano karaming mga pag-aasawa ang hindi kasiya-siya, gaano karami ang maligaya; gaano karami ang masusukat sa Silangan at Kanluran, gaano karami sa Hilaga at Timog; gaano karami ang perpektong mga tambalan, gaano karami ang pantay na ranggo; gaano karami ang maligaya at nagkakasundo, gaano karami ang nasasaktan at nagdadalamhati; gaano karami ang kinaiinggitan ng iba, gaano karami ang mali ang pagkakaintindi at minamaliit; gaano karami ang puno ng kaligayahan, gaano karami ang lumuluha at sanhi ng kawalan ng pag-asa.… Sa hindi mabibilang na mga pag-aasawang ito, ibinubunyag ng mga tao ang katapatan at panghabambuhay na pangako sa pag-aasawa, o pagmamahal, pagkagiliw, at kawalan ng kakayahang maghiwalay, o pagbibitiw at kawalan ng pag-unawa, o pagkakanulo dito, pati na ng pagkamuhi. Kung ang pag-aasawa mismo ay magdadala ng kaligayahan o sakit, ang misyon ng bawat isa sa pag-aasawa ay itinadhana ng Manlilikha at hindi mababago; bawat isa ay dapat tupdin ito. At ang indibidwal na kapalaran na nasa likod ng bawat pag-aasawa ay hindi nagbabago; matagal na itong itinadhana ng Manililikha” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III”). Pagkaraang makita ang mga salita ng Diyos, nagkaroon si Qianhui ng biglang pagkatanto. Naunawaan niyang ang mga pag-aasawa ng mga tao ay itinalaga ng Diyos. Maraming tao ang nais na kasama ang isang taong mahal nila, ngunit kung paano o ano pa, humahantong sila sa pagpapakasal sa iba, at ito ang isang bagay kung saan wala silang pagpipilian. Ngayon, natanto ni Qianhui na nakatagpo siya, nakilala, at namuhay kasama ng asawa niya dahil ito ang pagsasaayos ng Diyos para sa kapalaran niya. Ngunit, kapag hindi nauunawaan ng mga tao ang pamumuno ng Diyos at hindi sumusunod sa mga pagsasaayos at kaayusan ng Diyos, mayroon silang sariling mga pangangailangan para sa buhay na may-asawa, pati na ang sariling mga kagustuhan at paghahangad. Ang ilang tao ay gusto ang guwapo, elegante, o magandang anyo, ang ilan ay gusto ang mga kapareha na magaling magsalita at maaaring mangalaga sa kanila, ang iba pa ay gusto ang mga kapareha na may kakayahan, makapangyarihan, matagumpay sa pananalapi, at iba pa. Kapag ang ating mga kapareha ay hindi tumutugon sa ating mga pangangailangan, nabubuhay tayo sa gitna ng ating mga hinaing, hindi sila pinapansin, o nagagalit, nakikipag-away, at kahit diborsiyohin sila, na nagdudulot sa ating sarili at ating mga pamilya na mabuhay sa sakit. Natanto ni Qianhui na dahil hindi niya naunawaan o sinunod ang pamumuno ng Diyos, palagi niyang dama na ang kanyang asawa ay walang kakayahan, hindi nagustuhan at hinamak niya, na nagsasanhi sa kanyang mabuhay sa matinding pagtitiis, at walang naipamalas sa kanya kundi ang isang malungkot na pagpapahayag sa bawat araw, na nagtutulak sa kanilang kaugnayan na palayo nang palayo. Ayaw ni Qianhui na mabuhay sa sobrang sakit, kaya’t nanalangin siya sa Diyos upang ipahayag na nais niyang tanggapin at sundin ang mga pagsasaayos at kaayusan ng Diyos, para hindi na maging walang kasiyahan sa sarili niyang buhay, na hindi na nagrereklamo tungkol sa kawalang kakayahan ng asawa niya, makisama nang payapa sa asawa niya, at mabuhay nang maligaya.

Pagkatapos noon, bumuti ang saloobin ni Qianhui sa asawa niya. Kapag may isang bagay na hindi kasiya-siya sa buhay niya, hindi na siya wala sa katwiran kagaya ng dati, at hindi na siya nanisi at nagreklamo sa asawa niya. Sa halip, naniwala siyang ito ang pagsasaayos ng Diyos, at handa siyang sumunod, hayaan ang Diyos na akayin at patnubayan siya, at matutong mabuhay nang nakikiisa sa asawa niya. Nakita ng asawa niya ang pagbabago kay Qianhui, at bumuti rin ang saloobin ng asawa niya sa kanya.

Isang araw, sa pagdalaw ni Qianhui sa bahay ng mga magulang niya, tinanong siya ng kanyang kapitbahay, “Hindi kita nakita nang ilang taon. Nakatira ka pa rin ba sa parehong bungalo nang nag-asawa ka? Nakabili ka na ba ng isang yunit ng condominium?” Biglang kumirot ang puso ni Qianhui. Nakadama siya ng pagkahiya, at sinabi nang may atubiling pagtawa, “Hindi pa.” Sinabi ng kapitbahay, “Sa ngayon lahat ng mga kabataan ay gustong manirahan sa mga condominium. Ang mga ito ay malinis, komportable, at kaaya-aya.” Iniwasan ni Qianhui ang mga mata ng kapitbahay niya at nagdahilan, “Maysakit ang mga paa ng aking biyenang lalaki, kaya mahirap para sa kanyang umakyat. Sa tingin ko maayos naman ang mga bungalo. Marahil bibili ako ng isang yunit ng condominium sa hinaharap.” Matapos umalis ang kapitbahay niya, hindi mapipigilan ni Qianhui kundi ang mag-isip nang may pagkalungkot, “Saan ko naman kukunin ang pera para sa isang condominium?” Nang di namamalayan, nagsimulang sisihin ni Qianhui ang asawa niya para sa walang kakayahan niyang nakakahiya. Sa kanyang pagdurusa, lumapit si Qianhui sa harap ng Diyos at nanalangin, “Diyos ko, kakit na alam kong ang aking buhay na may-asawa ay Iyong itinalaga, kapag nakikita ko ang ibang mas nakakariwasa kaysa sa akin, nagkakaroon pa rin ako ng mga reklamo sa puso ko, at nadarama kong ang asawa ko ay hindi mabibigay sa akin ang masayang buhay na nais ko. Hindi ko alam kung paano matakasan ang sakit na ito, kaya mangyaring akayin at gabayan ako.”

Isang araw, binasa ni Qianhui ang mga salitang ito mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI”: “Unti-unti, ang lahat ng mga kalakarang ito ito ay nagdadala ng isang masamang impluwensya na patuloy na nagpapahina sa tao, na nagiging sanhi upang patuloy na mawalan ng konsensya, pagkatao at katuwiran na lalo pang mas nagpapababa ng kanilang mga moral at ng kalidad ng kanilang pagkatao, hanggang sa masasabi nating karamihan ng mga tao ngayon ay walang dangal, walang pagkatao, ni sila ay mayroong anumang konsensya, at lalo’t higit ng anumang katuwiran. Kaya ano ang mga kalakarang ito? Hindi mo makikita ang mga kalakarang ito gamit ang karaniwang mata lamang. Kapag ang kasikatan ng kalakaran ay naglaho marahil maliit na bilang lamang ng mga tao ang magiging mga tagapagpauso. Nagsisimula sila sa paggawa ng ganitong uri ng bagay, tinatanggap ang ganitong uri ng ideya o ganitong uri ng pananaw. Ang karamihan ng mga tao, gayunpaman, sa gitna ng kanilang kawalan ng kamalayan, ay patuloy pa ring mahahawa, magiging bahagi at maaakit ng ganitong uri ng kalakaran, hanggang sa tatanggapin nilang lahat ito nang hindi namamalayan at nang hindi sinasadya, at ang lahat ay napasubo na at kontrolado na nito. Para sa taong wala sa matinong pangangatawan at pag-iisip, hindi kailanman nalalaman kung ano ang katotohanan, na hindi makapagsasabi ng kaibahan sa pagitan ng positibo at negatibong mga bagay, unti-unting ipatatanggap ng ganitong uri ng mga kalakaran sa kanilang lahat nang maluwag sa kalooban ang mga kalakarang ito, ang pananaw sa buhay, ang mga pagpapahalaga na nanggaling kay Satanas. Tinatanggap nila kung ano ang sinasabi sa kanila ni Satanas kung paano pakikitunguhan ang buhay at kung paano mabubuhay na ‘ipinagkakaloob’ sa kanila ni Satanas. Wala silang taglay na lakas, ni mayroon silang kakayahan, lalo na ang kamalayang tumutol.” “Sa ganitong paraan, ang tao ay nagiging mas higit na ano? Higit na mas masama, mayabang, mapagmataas, makasarili, at malisyoso. Wala ng anumang pagmamahal sa pagitan ng mga tao, wala nang anumang pagmamahal sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya, wala nang anumang pagkakaunawaan sa pagitan ng mga kamag-anak at mga kaibigan; ang mga ugnayang pantao aypuno ng karahasan.

Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ni Qianhui na nangyayari ang lahat ng matinding paghihirap dahil ang sangkatauhan ay ginawang tiwali ni Satanas at itinataguyod ang masasamang makamundong kalakaran. Sa masamng lipunang ito, ang mga tao ay winawasak at naiimpluwensiyahan ng masasamang ideya gaya ng “Una ang pera,” “Hindi kalahatan ang pera, ngunit kapag wala ito, wala kang magagawa,” “Nakikipaglaban ang mga tao upang umangat, ngunit umaagos ang tubig nang pababa,” at “Habang nabubuhay ang puno para sa balat nito, nabubuhay naman ang tao para sa kanyang mukha,” sumasamba ang lahat sa pera at materyal na kasiyahan, itinataguyod ang pagsusuot ng mga kilalang tatak ng produkto, kumakain ng mamahaling piling pagkain, naninirahan sa mga bilya na may banyagang istilo, nagmamaneho ng mararangyang kotse, at namumuhay ng de-kalidad na buhay upang matamo ang puhunang umakyat sa hagdang panlipunan at makapagmalaki. Ang sinumang may pera at nagtatamasa ng pinakamaraming kaluguran ay mas magaling kaysa ibang tao, nagdadala ng bigat ang kanyang mga salita, at hinahangaan ng lahat at sinusubukang makisama sa kanya, samantalang ang mga walang talento o kasanayan ay tintingnan bilang mababa kaysa iba. Dahil winasak ng mga mali at di-makatwirang pananaw na ito, ang mga tao ay nagiging lalo pang mababaw, mayabang, makasarili, at sakim, ganap nilang winawala ang pagkatao, katwiran, at konsiyensiya, sa punto kung saan kapag pumipili sila ng kanilang mapapangasawa, ang ilang tao ay hinihingi sa magiging asawa nila na dapat mula sa isang magandang pamilya o may kakayahang kumita ng malaking halaga ng pera upang makakapamuhay sila ng isang masaganang istilo ng buhay na ginagawa ang ibang tingalain sila, gayon din ang pagtataguyod ng mga di-makatwirang teorya gaya ng “Ang mayayamang asawang lalaki ay nakakagawa ng mararangal na asawang babae” at “Mas mabuting mag-asawa nang mayaman kaysa mag-aral nang mabuti,” na ganap na binabaluktot ang ideya ng pag-aasawa. Ang katotohanan ay itinatalaga ng pag-aasawa ang dalawang tao na taos pusong nagmamahal sa isa’t isa at ibinabahagi ang isang kaloobang magtatag ng isang pamilya. Kinakailangang ang magkapareha ay pag-usapan ang mga pasanin at responsibilidad, paggalang, pagtulong, at pagmamahal sa isa’t isa, at panatilihin ang masayang buhay. Ngunit salamat sa impluwensiya ng masasamang kalakarang ito, na nagdaragdag sa mga tao ng napakaraming kondisyon sa pag-aasawa, at ang kaugnayan sa pagitan ng asawang lalaki at asawang babae ay nagiging hindi malinis at puno ng palitan at kasunduan. Ang mga tao ay nagpapakasal sa sino mang may pera o may kapangyarihan, at kung ang isang panig ay mabibigyang kasiyahan ang mga hinihingi ng kabilang panig na materyal na nais o karangyaan, kung gayon ang buhay na may-asawa ay maaaring manatili kahit may masamang loob, kung hindi man ang magkapareha ay masusuklam at pipinsalain ang isa’t isa, at maghihiwalay pa. Tumataas ang dami ng diborsiyo at pag-aasawang muli sa lipunan, at karaniwan nang naririnig ang tungkol sa mga lalaking may mga kerida at mga babaeng may mayayamang padrino. Hindi ba ito lahat dahil sa nabubuhay ang mga tao sa mga ganitong maling pag-iisip at pagkaunawa? Nang napagtanto niya ito, nakita ni Qianhui na natukso rin siya at napahamak ng mga masasamang kalakarang ito. Bago siya pumunta sa kasal ng kanyang dating kaklase, ang buhay niya kasama ng asawa niya ay matatag at kalmado, ngunit nang nakitang lahat ng mga kaibigan niya ay may mga kotse at condominium, na mas mayayaman lahat sila kaysa sa kanya, naramdaman niya na mababa siya, at hindi niya maaangat ang kanyang ulo sa gitna nila. Nang hindi mabibigay ng asawa niya ang kasiyahang nais niya, itinuring niya ang asawa na pangkaraniwan at walang kakayahan at nagkimkim ng mga hinaing laban sa kanya sa bawat araw, hindi lamang sa ginagawa ang sarili niyang kaawa-awa, ngunit nagdudulot din sa asawa niya ng walang katapusang sakit. Nagiging palayo nang palayo ang kanilang kaugnayan, at nawala sa kanilang tahanan ang pagkakaisa at ginhawa ng nakaraan.

Inisip ni Qianhui kung paano niya natrato na ang asawa niya at nadama ang labis na pagkalungkot, at kasabay nito nadama na ang istilo ng pamumuhay na hinangad niya upang masiyahan siya sa karangyaan ay pagkakamali, isang paraang ginamit ni Satanas upang magdusa siya. Kung hindi sa patnubay na natagpuan niya sa salita ng Diyos, palaging ihahambing ni Qianhui ang sarili niya sa mga kaibigan niya at sisisihin ang asawa niya kapag hindi niya nalampasan sila, at sa gayon mamumuhay sa sakit habang pinahirapan siya ni Satanas, o kahit magdusa ng kabiguan sa kanyang buhay na may-asawa. Napagtanto ni Qianhui na marami sa mga kaibigan niya, kahit na nakapag-asawa ng mayamang tao at nagtatamasa ng marangyang buhay, ay nasa anyo lamang ng isang maningning at magandang buhay, at hindi talagang maligaya sa realidad. Ang ilan sa kanilang mga asawa ay nagkaroon nang mga lihim na pag-iibigan, kerida, at nakipaglaro sa paligid habang hindi pinapansin ang kanilang mga may-bahay, wala talagang pakialam sa kanila. Ang iba pa ay walang katayuan at dignidad sa bahay, at kasing-baba ng mga katulong, hindi iginalang ng mga asawa nila at kanilang pamilya. Nagkaroon ang ilan ng mga asawang hindi katugma ang mga ugali at personalidad, walang mga tunay na damdamin sa pagitan nila, at madalas ang pagtatalo, at pag-aaway. Mayroon pang ibang mga halimbawa. Samakatuwid ang karangyaan nila ay nabigyang kasiyahan, ngunit sa likod nito ang walang katapusang kapaitan at kawalan ng magagawa. Matatawag bang kaligayahan ang ganoong buhay? Napailing si Qianhui. Hindi ito ang gusto niya. Nang naunawaan niya ito, handa niyang bitawan sa puso niya ang mararangyang bagay na ito at makipagkasundo sa asawa niya.

Di naglaon, binasa ni Qianhui ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos, “May isang pinakasimpleng paraan upang mapalaya ang sarili mula sa ganitong katayuan: ang magpaalam sa dating sariling paraan ng pamumuhay sa buhay, na magsabi ng paalam sa sariling dating mga layunin sa buhay, lagumin at suriin ang sariling dating istilo ng pamumuhay, pilosopiya, mga pagsusumikap, mga pagnanais, at mga minimithi, at pagkatapos ay ihambing sila sa kalooban at mga hinihingi ng Diyos sa tao, at tingnan kung tugma ang alinman sa kanila sa kalooban at mga hinihingi ng Diyos, kung may alinman sa kanila ang naghahatid ng mga tamang prinsipyo sa buhay, nagdadala sa isang tao sa isang mas malaking pagkaunawa sa katotohanan, at hinahayaan siya na mamuhay kasama ang sangkatauhan at na kalarawan ng tao. Kapag paulit-ulit mong siniyasat at maingat na sinuri ang iba’t-ibang mga layunin sa buhay na kinakamit ng mga tao at ang kanilang sari-saring magkakaibang paraan ng pamumuhay, matutuklasan mo na ni isa sa kanila ay hindi akma sa orihinal na layon ng Manlilikha nang Kanyang likhain ang sangkatauhan. Lahat sila ay naglalayo sa mga tao mula sa dakilang kapangyarihan at pangangalaga ng Manlilikha; lahat sila ay mga hukay na kinababagsakan ng sangkatauhan, at siyang nagbubulid sa kanila sa impiyerno. Matapos mong makilala ito, ang gawain mo ay isantabi ang iyong lumang pagtanaw sa buhay, manatiling malayo sa sari-saring mga patibong, hayaan ang Diyos na mag-alaga sa iyong buhay at gumawa ng mga pagsasaayos para sa iyo, subukan lamang na magpasailalim sa mga pagsasaayos at paggabay ng Diyos, na magkaroon ng walang pagpipilian, at maging isang tao na sumasamba sa Diyos” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III”).

Matapos nabasa ang mga salita ng Diyos, hindi mapipigilan ni Qianhui kundi mapuspos ng mga kumplikadong emosyon, “Sa nakaraan hinangad ko ang isang istilo ng buhay batay sa nais kong mga layunin na pinukaw ni Satanas, at napakasakit nito. Kapag kulang ako sa katotohanan, mapaglalaruan lamang ako ni Satanas, at sinayang ko ang buhay ko sa mga walang kuwentang paghahangad.” Doon lamang siya nagising, na nagdedesisyong bitawan niya ang mga maling pananaw sa buhay at pagpapahalaga, at hindi na sumunod sa masasamang kalakaran, at huwag ng hangarin ang isang mataas na kalidad na materyal na buhay. Sa halip, nais niyang sumunod sa mga pagsasaayos at kaayusan ng Diyos, tratuhin ang asawa niya nang tama, at maging kontento sa pagkakaroon ng sapat na pagkain at damit. Sa pagtimbang niya sa mga bagay na ito, naisip ni Qianhui na kahit na ang asawa niya ay walang masyadong pera, hindi makakapagbigay sa kanya ng isang maluhong materyal na buhay, at hindi mabibigyang-kasiyahan ang gusto niyang karangyaan, ang asawa niya ay praktikal, mapagkakatiwalaan, at maaasahan, isinaalang-alang ang mga bagay nang mabuti, at may tunay na damdamin para sa kanya. Kahit kapag kumilos siya nang wala sa katwiran, tiniis siya ng kanyang asawa at hinayaan siyang masunod ang gusto niya, at pinakamahalaga, hindi tumutol ang asawa niya sa kanyang paniniwala sa Diyos. Kumpara sa isang nakahihigit na materyal na buhay, pinakamaligaya siya na makatagpo ng isang lalaking makakapangalaga sa kanya, kaya naramdaman ni Qianhui na ang pag-aasawa na isinaayos ng Diyos para sa kanya ang pinakamabuti. Kung nakatagpo nga siya ng mayamang asawa at namuhay nang masagana, marahil ang buhay niya ay mapupuno ng pagkain, inumin, at laro, at hindi siya magkakaroon ng pagkakataon na lumapit sa Diyos, pakinggan ang tinig ng Maylikha, at maunawaan ang napakaraming misteryo ng katotohanan, ni hindi siya magkakaroon ng pagkilala kung paano ginagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan o ang masasamang kalakaran. Naunawaan sa wakas ni Qianhui na kahit gaano man kayaman o kahirap, ang pagkakaroon ng angkop na kapaligiran upang maniwala sa Diyos, sumamba sa Diyos, hangarin ang katotohanan, at tuparin ang mga tungkulin ng isang nilalang na nilikha para suklian ang pagmamahal ng Diyos ay ang tanging paraan upang makamit ang tunay na kaligayahan.

Nang naunawaan niya ang mga bagay na ito, mayroong isang pangunahing pagbabago sa saloobin niya tungo sa kanyang asawa. Hindi na siya nagreklamo tungkol sa kawalang kakayahan ng asawa niya, at nagkaroon na siya ng lalong higit na pangangalaga at pag-unawa para sa kanyang asawa. Unti-unti, nagsimula siyang makipag-usap sa asawa nang mas higit pa. Natuwa ang kanyang asawa sa pagbabago niya. Palagi siyang binati ng asawa nang nakangiti, at lalong naging mapayapa at maginhawa ang kanilang tahanan. Labis na nagpasalamat si Qianhui sa Diyos para sa Kanyang pagliligtas at patnubay. Ang tanging nais niya ngayon ay isagawa sa buhay niya ang ayon sa mga salita ng Diyos, magsikap nang buo niyang lakas upang hangarin ang katotohanan, at tuparin ang kanyang mga tungkulin, dahil ito ang pinakatamang landas sa buhay. Salamat sa Diyos!