Ang Kalituhan ay Nagliwanag upang Ihayag ang Isang Ngiti: Pag-alaala sa Kuwento ng Aking Pag-aasawa (I)

Ni: Song Zhen, China

Pansin ng Patnugot: Ang bawat babae ay umaasa na magkaroon ng isang napakaganda, masayang pag-aasawa kung saan nagmamahalan ang mag-asawa sa habambuhay, ngunit hindi ito palaging nangyayari na kagaya ng inaasahan ng mga tao. Bagamat ang bawat isa ay nangangako sa kanilang kasal na “hanggang sa papaghiwalayin tayo ng kamatayan,” naroon ang iba’t ibang uri ng pagbabago sa buhay pagkatapos ng kasal. Ang Kristiyanong si Song Zhen at ang kanyang asawa ay kasal na sa loob ng 20 taon. Pagkatapos siya nitong walang-awang pagtaksilan, paano niya nagawa, sa kabila ng matinding kapighatian, na hindi inisip kaagad ang tungkol sa diborsyo?

Isang Lihim na Dokumento ng Kasunduan

Isang araw bago matapos ang 2010, ang aking asawa ay bumiyahe para sa trabaho. Sa isang kaha sa kanyang opisina hindi ko sinadyang makita ang isang kahon na napakaganda ng pagkakagawa kasama ng isang dokumento ng kasuduan na nakatago sa pinakailalim. Pagkabukas nito, nakita ko na ito ay isang kasunduan sa “pagtustos” na kanyang ginawa kasama ng isang babae na nasa edad 20. Bigla akong nakarinig ng isang ugong sa aking ulo at ang aking utak ay lubos na naging blanko. Ang aking mga kamay ay nanginginig at ang aking mga paa ay nangangatog at kaagad akong natumba sa sahig, hindi makagalaw. Hindi ko talaga mapaniwalaan na pagtataksilan ako ng aking asawa na palagi kong naaasahan.
Naalala ko kung paano namin sinimulang dalawa ang isang negosyo sa piyesa ng mga kotse mula sa wala, sinusuporthan at hinihikayat ang isa’t isa sa bawat pagkakataon. Nagdaan kami sa napakaraming pagsubok upang makarating sa kinaroroonan namin noon. Napakarami ng mga pista opisyal at mga anibersaryo, at palagi akong binibilhan ng mga regalo ng aking asawa kagaya ng isang pilak o gintong alahas, sa paghahangad na mapasaya ako. Pagkatapos nang halos dalawang dekada ng pagiging mag-asawa, masasabi mo na magkasama naming nadaanan ang hirap at ginhawa. Hindi ko kailanman naisip na pagtataksilan niya ako kagaya ng gayon. Kagaya lamang ito ng isang patalim na inihahalukay sa aking puso—nakahiga ako sa kama na umiiyak nang malakas, hinahayaan ang aking unan na mababad sa luha. Hindi ko talaga matanggap ang katotohanang ito, ngunit iyak lang nang iyak nang paulit-ulit, “Paano niya itong nagawa? Bakit niya ako pagtataksilan? Marami na akong sakripisyo sa aming pamilya sa maraming taon ng aming pagiging mag-asawa subalit ganito niya ako pinakikitunguhan at ang aming tahanan. Mayroon pa bang anumang kapayapaan sa kanyang puso?”

Kagaya lamang ito ng isang patalim na inihahalukay sa aking puso Ang pagtataksil ng aking asawa ay gaya lamang ng isang patalim na biglang, buong lupit na isinaksak sa aking puso—masyado itong masakit na parang pinupunit ako. Puno ako ng poot para sa babaeng iyon na sumira sa aming tahanan. Ang kawalan ng anumang respeto sa sarili sa gayong murang edad—wala siyang kabuluhan! Pinalipas ko ang araw-araw pagkatapos niyon sa pahirap ng kapighatiang iyon, hindi makakain o makatulog, na parang wala sa sarili. Minsan kapag kakausapin ako ng aking mga anak, kung hindi rin lang ako tulala nang walang anumang tugon, magsasalita ako ng isang bagay na walang kabuluhan. Ang bawat araw na lumipas ay parang kagaya ng isang taon.

Ginagawa Ko ang Lahat Upang Mabawi Siya ngunit Siya ay Nakatalaga sa Kanyang Pagtataksil

Sa wakas, dumating ang oras ng pagbabalik ng aking asawa mula sa kanyang biyahe. Binalibag ko ang kasunduan sa mesa sa harap niya at tinanong siya kung ano ang nangyayari. Laking gulat ko, mahinahon niyang sinabi, “Sa kasalukuyan ang sinumang lalaki na mayroong mga pinagkukuhanan ay nagkakaroon ng isang kalaguyo, at ang sinumang wala ay walang kabuluhan. Isa lamang itong ugnayan ng isang sugar baby at sugar daddy sa pagitan naming dalawa, kaya hindi ako magkakaroon ng damdamin para sa kanya—ang tahanan natin ang siya pa ring aking pangunahing prayoridad. Dapat mong ipagmalaki na mayroon kang asawang kagaya ko!”

Nanginig sa galit ang buo kong katawan pagkarinig sa kanyang sinasabi ito nang walang kahihiyan. Para akong hiniya, ginawan ng mali, at nagdamdam—ang lahat ng mga ito ay magkakasamang umapaw sa aking puso. Gugustuhin ko sanang sugurin siya at bigyan siya ng ilang malakas, matunog na sampal sa mukha. Nagwawala, sinigawan ko siya, “Ang pagkakaroon ng isang asawa na kagaya mo ay isang kahihiyan sa akin! Nagsimulang bumalong ang mga luha sa aking mga mata bago pa man ako makatapos. Pagkatapos kong umiyak inisip ko kung paanong nagsikap ako nang husto sa 20 taon naming pagsasama, upang maliitin lang ng isang kalaguyo sa ganitong paraan. Hindi ko ito matanggap, kaya sinabi ko sa aking sarili, “Hindi ako yuyukod sa kalaguyong ito. Kailangan kong isalba ang aking kasal.”

Nagpunta ako pagkatapos sa China Mobile upang makakuha ng kopya sa mga nakatalang tawag ng aking asawa at natagpuan ang numero ng telepono ng babae. Ninais kong makipagkita sa kanya at kausapin siya. Sa hindi inaasahan, palagi niya akong iniiwasan at nagpalit pa ng bagong numero ng telepono. Naisip ko sa aking sarili, “Makatatakbo ka, ngunit hindi ka makapagtatago. Kung ayaw mong ipakita ang iyong mukha hahanap ako ng paraan upang hanapin ang iyong mga magulang at ihahayag ang pangit na katotohanan na nakikialam ka sa pagsasama ng ibang tao upang malaman ng lahat na ikaw ay maninira ng pamilya—sa gayon ay masisira ang iyong dangal!” Nagpunta ako sa istasyon ng pulis upang subukang hanapin ang kanyang tunay na pagkakakilanlan, ngunit hindi ko nagawa. Wala akong magawa kundi ang kalimutan ang planong iyon. Nakipagtalo ako sa aking asawa pagkatapos noon, at upang hindi ko siya makita, palihim siyang bumili ng isang bahay at nagsimulang makisama sa kanya. Muntikan na akong mabuwal nang matuklasan ko ang tungkol doon, hindi makatulog o makakain. Sa bawat pagkakataon na mayroong nakakita sa kanya at sa kanyang kalaguyo sa ilang bahay-aliwan o sa iba pa, mababaliw ako sa paghahanap sa kanila gaano man ito kalayo, maging ito man ay sa araw o sa gabi, o kahit pa nakandado lang sa bahay ang dalawang bata.

Sa buong panahong iyon kapwa pagod ang aking isip at katawan. Ang aking puso ay wala na sa aking trabaho sa anumang paraan, at sumagi rin sa isip ko ang kamatayan, ngunit sa bawat pagkakataon na makita ko ang mga mukha ng aking kawawang mga anak kalilimutan ko ang anumang kaisipan ng pagpapakamatay. Ngunit hindi ko pa rin matanggap ang mga pangyayari, kaya namalagi akong nagtatrabaho upang mabawi ko ang aking pag-aasawa. Sinubukan kong takutin ang aking asawa sa pamamagitan ng pagpapabaya sa mga bata, ngunit wala talaga siyang reaksyon. Nasa panig ko ang kanyang mga nakatatandang kamag-anak upang payuhan siya, ngunit hindi siya makikinig sa anumang payo at itataboy lang sila. Ang makita siya sa lubos na walang-pusong asal ay nakapagpapahina sa akin, ngunit kasabay nito, napuno ako ng poot at pagnanais na makaganti. Naisip ko, “Ginawan mo ako ng masama at ginawang miserable ang aking buhay, kaya titiyakin ko na gayundin ang sa iyo! Hindi lang sa idedemanda ko kayong dalawa, bagkus hihiyain ko kayo, at kakaladkarin ang inyong mga pangalan sa putikan. Hindi ko kayo patatahimiking dalawa!”

Isang Sinag ng Liwanag ang Nagningning sa Aking Desperadong Puso

Habang ako ay nagpupuyos sa poot at hindi maiahon ang aking sarili na nabubuhay sa kapighatian sa araw-araw, binigyan ako ng kapatid na babae ng asawa ko ng isang aklat ng mga salita ng Diyos at hiniling na madalas ko itong basahin, at sinabi na ang Diyos lamang ang makapagpapahilom sa bawat sugat ng aking puso. Nagpatugtog din siya ng isang awit para sa akin—bumalong ang aking mga luha nang marinig kong inawit ang mga titik na ito: “Blang isang manlalakbay, iniikot ko ang mundo, ang aking puso ay puno ng kadiliman at wala ni kapirasong pag-asa” (Ako ay Naglalakad sa Daan patungo sa Kaharian” sa Sundin ang Kordero at Umawit ng mga Bagong Awit). Dama ko na perpektong ipinahayag ng awiting ito ang aking kasalukuyang kalagayan sa buhay. Naisip ko kung paanong, para sa kapakanan ng pag-aasawa at para sa isang maligaya, masayang tahanan, tahimik kong naibigay kung ano ang aking makakaya at nagtrabaho nang husto nang walang reklamo, hindi kailanman inasahan na ang mahihita ko ay ang walang-pusong pagtataksil ng aking asawa. Siya ang pinakamalapit sa akin at siya ang nanakit sa akin nang husto. Hindi ko alam kung sino pa ba talaga ang mapagkakatiwalaan ko at dama ko na masyado akong nasaktan na malapit na akong hindi makahinga. Lubos akong nahapis at walang magawa at nawalan ng pag-asa sa buhay. Kung hindi lamang sa dalawa kong anak, hindi ko alam kung ano ang magiging dahilan ko upang patuloy na mabuhay.

Ang buo kong mukha ay nabasa sa luha pagkatapos makinig sa awit, at pagkatapos ay binasa ng hipag ko ang isang sipi mula sa mga salita ng Diyos para sa akin: “Hindi alam ng sangkatauhan, na iniwan ang panustos ng buhay mula sa Makapangyarihan sa lahat, kung bakit sila umiiral, gayunma’y natatakot sa kamatayan. Walang suporta, walang tulong, ngunit ang sangkatauhan ay nag-aatubili pa ring magsara ng kanilang mga mata, naglalakas-loob pa rin, nagpapatuloy sa walang dangal na pag-iral sa mundong ito sa mga katawang walang kamalayan sa mga kaluluwa … Ang Makapangyarihan sa lahat ay may awa sa mga taong ito na malalim ang pagdurusa. Ganoon din, Siya ay sawang-sawa na sa mga tao na walang kamalayan, dahil kailangan pa Niyang maghintay ng napakahabang panahon para sa sagot ng mga tao. Hinahangad Niyang maghanap, hanapin ang iyong puso at ang iyong espiritu. Nais ka Niyang dalhan ng pagkain at tubig at gisingin ka, upang hindi ka na uhaw, hindi na gutom. Kapag ikaw ay nanghihina at kapag ikaw ay nagsimula nang maramdaman ang kapanglawan ng mundong ito, huwag nang maguluhan, huwag kang umiyak. Ang Makapangyarihang Diyos, ang Tagabantay, ang tatanggap sa iyong pagdating anumang oras” (“Ang Panaghoy ng Makapangyarihan sa Lahat”). Napahagulgol ako pagkarinig sa mga salitang ito na mula sa Diyos. Ang mga ito ay parang init na dumadaloy sa aking puso na nag-iiwan sa akin ng isang matinding damdamin ng pagiging magiliw at pagiging malapit. Kung kailan ang pagtataksil ng aking asawa ay nagdulot sa akin ng pagiging negatibo at panghihina ng loob tungkol sa mga tao sa mundong ito idagdag pa lalo na na walang sinumang masasandalan, ang pagliligtas ng Diyos ay dumating sa akin. Naranasan ko ang pag-ibig at pagmamalasakit ng Diyos sa akin sa pamamagitan ng pakikinig sa awit na iyon at sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, at napagtanto na palagi siyang nasa tabi ko na naghihintay at nagmamalasakit sa akin, naghihintay na bumalik ako sa panig Niya. Sa sandaling iyon, dama ko na para akong isang naulila, batang paslit na walang magawa na naririnig ang pagtawag ng kanyang ina—nadama ko na pagkatapos ng maraming taon ng pagkaligaw nakabalik na ako sa wakas sa piling ng aking ina.

nagbabasa ng mga salita ng Diyos at umaawit ang mga awitin ng pagpupuri sa Diyos

Pagkatapos tanggapin ang gawain ng Diyos sinimulan ko na ang madalas na pakikisalamuha sa mga kapatid, nagbabasa ng mga salita ng Diyos at umaawit ang mga awitin ng pagpupuri sa Diyos. Kapag ako ay nalulungkot mananalangin ako sa Diyos at sa pamamagitan ng paggabay ng Kanyang mga salita ang kalagayan ng aking pag-iisip ay umunlad nang husto—muli kong nadama na mayroon akong isang bagay na maaasahan sa buhay. Pagkalipas ng isang buwan, nabalitaan ko na ang kalaguyo ng aking asawa ay nanghihingi ng mga ari-arian at opisyal na katayuan, at nang hindi siya sumang-ayon naglaho na lamang siya. Sa gayong paraan natapos ang kanyang pambababae. Lihim akong nagalak sa pag-iisip na maisasaayos nito ang aking asawa sa isang tapat na landas mula sa sandaling iyon, at para sa kapakanan ng aming mga anak, nagtrabaho ako nang husto upang malimot ang nakaraan at gumawa ng isang bagong simula kasama niya.

Itutuloy …

Ikalawang Bahagi: Ang Kalituhan ay Nagliwanag upang Ihayag ang Isang Ngiti: Pag-alaala sa Kuwento ng Aking Pag-aasawa (II)

Contact Us

Ang dedikadong mga kinatawan namin ay narito 24/7 upang lutasin ang kalituhan at problema ninyo sa pananampalataya at buhay.

avatar
  Subscribe  
Notify of