Ang Kalituhan ay Nagliwanag upang Ihayag ang Isang Ngiti: Pag-alaala sa Kuwento ng Aking Pag-aasawa (II)

Ni: Song Zhen, Tsina

Pagkakita sa isang Katibayan ng Pagsilang sa Maleta ng Aking Asawa

Isang umaga sa unang bahagi ng 2014 habang inaaayos ko ang opisina ng aking asawa, napansin ko na mayroon siyang kopya ng isang katibayan sa pagsilang ng isang bata sa loob ng kanyang maleta, ngunit nakasulat doon na siya ang ama. At isang 17 anyos na babae ang ina. Ang nakasulat na tirahan ay ang lugar kung saan niya itinira ang kanyang dating kalaguyo. Ang makita ang katibayan ng isa pang pagtataksil ay sumugat nang husto sa aking damdamin—nahirapan akong huminga at ang mga luha ay kusang tumulo sa aking mukha. Hindi ko lang maintindihan—bakit kailangan niya akong saktan nang paulit-ulit sa ganitong paraan? Ako ay lubos na nasaktan, at ang poot ay muling umapaw sa loob ko. Naisip ko, “Walang dangal sa hindi paghahangad na makaganti. Pinagtaksilan mo ako at sinaktan ako nang paulit-ulit, at sa pagkakataong ito walang pag-asa na pakakawalan kita nang gayon na lamang. Tiyak na kukuha ako ng abugado at idedemanda kita. Masyado kang walang pakiramdam, hindi mo ako masisisi kung ako ay malupit!” Sa sandaling iyon, gustung-gusto ko ng magpunta sa hukuman upang isuplong siya para sa kasong bigamya upang maibuhos ko ang aking poot na makita siyang nakakulong.

Taglay ang Poot na Sagad sa Aking mga Buto Pinaginhawa ng mga Salita ng Diyos ang mga Sugat sa Aking Puso

Nang nakalap ko ang matibay na ebidensya at naghahanda upang idemanda ko ang aking asawa, bigla kong naisip na ako ay isang tao na may pananampalataya at kapag nakakasagupa ng isang usapin, hindi ako maaaring maging mapusok o kumilos ayon sa init ng aking ulo—pinag-isip ako nito. Gayunpaman, napuno ng poot ang aking puso na nag-iwan ng lubos na kapighatian sa akin. Ang tanging magagawa ko ay ang hanapin ang dalawang kapatid na babae mula sa iglesia upang mailabas ang aking sama ng loob, at sinabi ko sa kanila ang tungkol sa aking iniisip. Sinabi ng isang nakatatandang kapatid na babae, na hawak ang aking kamay, “Kapatid ko! Kahit na idinemanda mo ang iyong asawa, hindi mo malulutas ang ugat ng usapin, at magdudulot lang ito sa iyo ng higit pang kapighatian. Ikaw ay napagtagumpayan ng panlilinlang ni Satanas—nais nito na mabuhay ka sa gitna ng poot, at itulak kayong mag-asawa na saktan ang isa’t isa at maging mag-kaaway, upang maglaban sa isang labanan na walang panalo, at sa gayon pareho kayong mabubuhay sa gitna ng pagdurusa na hindi ninyo matatakasan. Tayo ngayon ay mga mananampalataya, at malulutas ng mga salita ng Diyos ang lahat ng ating mga kahirapan. Sabay nating basahin ang Kanyang mga salita.”

binasa niya sa akin ang isang sipi ng mga salita ng Diyos.

Pagkatapos kong pakalmahin sandali ang aking sarili, binasa niya sa akin ang isang sipi ng mga salita ng Diyos. “Unti-unti, ang lahat ng mga kalakarang ito ito ay nagdadala ng isang masamang impluwensya na patuloy na nagpapahina sa tao, na nagiging sanhi upang patuloy na mawalan ng konsensya, pagkatao at katuwiran na lalo pang mas nagpapababa ng kanilang mga moral at ng kalidad ng kanilang pagkatao, hanggang sa masasabi nating karamihan ng mga tao ngayon ay walang dangal, walang pagkatao, ni sila ay mayroong anumang konsensya, at lalo’t higit ng anumang katuwiran. Kaya ano ang mga kalakarang ito? Hindi mo makikita ang mga kalakarang ito gamit ang karaniwang mata lamang. Kapag ang kasikatan ng kalakaran ay naglaho marahil maliit na bilang lamang ng mga tao ang magiging mga tagapagpauso. Nagsisimula sila sa paggawa ng ganitong uri ng bagay, tinatanggap ang ganitong uri ng ideya o ganitong uri ng pananaw. Ang karamihan ng mga tao, gayunpaman, sa gitna ng kanilang kawalan ng kamalayan, ay patuloy pa ring mahahawa, magiging bahagi at maaakit ng ganitong uri ng kalakaran, hanggang sa tatanggapin nilang lahat ito nang hindi namamalayan at nang hindi sinasadya, at ang lahat ay napasubo na at kontrolado na nito. Para sa taong wala sa matinong pangangatawan at pag-iisip, hindi kailanman nalalaman kung ano ang katotohanan, na hindi makapagsasabi ng kaibahan sa pagitan ng positibo at negatibong mga bagay, unti-unting ipatatanggap ng ganitong uri ng mga kalakaran sa kanilang lahat nang maluwag sa kalooban ang mga kalakarang ito, ang pananaw sa buhay, ang mga pagpapahalaga na nanggaling kay Satanas. Tinatanggap nila kung ano ang sinasabi sa kanila ni Satanas kung paano pakikitunguhan ang buhay at kung paano mabubuhay na “ipinagkakaloob” sa kanila ni Satanas. Wala silang taglay na lakas, ni mayroon silang kakayahan, lalo na ang kamalayang tumutol” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI”).

Ibinahagi ng kapatid na ito. “Napakalinaw ng mga salita ng Diyos. Ang dahilan kumbakit ang mga damdamin sa pagitan ng mga tao ay mahina at na pinagtataksilan noong una ng mga magsing-irog ang isa’t isa ay nag-ugat sa masasamang kalakaran na pinausbong ni Satanas. Sinasamantala ni Satanas ang lahat ng uri ng masasamang kasabihan at maling turo upang lituhin at lasunin ang mga tao, kagaya ng ‘Sumasama ang mga lalaki kapag nagkakaroon sila ng pera, at ang mga babae ay nakakakuha ng pera kapag sila ay nagpapakasama,’ “Ang pulang bandila sa bahay ay hindi nalalaglag, ang makukulay na bandila sa labas ay pumapagaspas sa simoy ng hangin,’ Huwag mong hilingin ang walang hanggan, maging masaya ka sa ngayon,’ ‘Nilalait ang kahirapan ngunit hindi ang prostitusyon,’ ‘Kung walang kalaguyo, ang isang lalaki ay walang gana sa buhay,’ at kung walang kabit ang isang babae ay hindi hihigit sa isang tanim.” Itinuro sa napakaraming mga tao ang ganitong mga maling ideya nang hindi man lamang nila ito namamalayan—ang kanilang pananaw sa buhay at mga pagpapahalaga ay napilipit. Iniisip ng napakaraming lalaki na ang pagkakaroon ng isang kalaguyo o ang pagsuporta sa isang kabit ay mga pagpapakita ng pagiging magaling, at kung wala ang gayon, hindi lang sa magmumukha silang walang silbi bagkus mamaliitin ng iba. Napakaraming mga babae ang nagiging mga kalaguyo o nakikisama sa isang mayamang kabit para sa kapakanan ng pera at materyal na kasiyahan, ipinagwawalang-bahala ang pagbebenta sa kanilang sariling mga katawan kapalit ng mga materyal na pakinabang. Nabubuhay sila na natatangay sa kanilang makalamang mga pagnanasa, lubos na isinasawsaw ang kanilang mga sarili at walang kahihiyang iniisip na ang kanilang alindog ay maipagpapalit nila ng pabor sa iba. Nilason ng ganitong mga mala-satanas, at masasamang saloobin at mga kalakaran, hindi na pinahahalagahan ng mga tao ang kasal at katapatan o ang mga pananagutan sa kanilang pamilya o mga kamag-anak, sa halip sa pagbibigay-kasiyahan sa kanilang makalamang mga pagnanasa at paglublob sa kahalayan at kasamaan. Palagi silang naghahanap ng kasiyahan, nabubuhay sa labis na paglalasing; unti-unti, nawawalan sila ng konsensya, katuwiran, pagkatao, at dignidad, lalong mas nagiging kulang sa pagkatao, at lalong sumasama at nagiging imoral. Sa kasalukuyang lipunan, ang pagiging mababa ang uri ay palaging papataas at ang masama ang may hawak ng kapangyarihan; ang mga bahagdan ng diborsyo at muling pag-aasawa ay palaging papataas at mas maraming mga tao ang nagkakaroon ng iba pang ugnayang sekswal. Sino ang nakakaalam kung ilang magsing-irog ang naging mahigpit na magkaaway at kung gaano karaming mga tahanan ang nasira dahil doon, na nagiging dahilan upang magkaroon ng hindi mabilang na mga bata na mayroong di-maburang mga sugat na espiritwal at nagreresulta sa sunud-sunod na kaso ng pagpatay. Ang lahat ng mga ito ay mga ibinunga ng panghihimasok at lason ng masasamang kalakaran. Kapag ang mga tao ay hindi mananampalataya at hindi nauunawaan ang katotohanan, wala silang pagkaunawa sa pagitan ng positibo at negatibong mga bagay. Sa ibabaw niyon, pagkatapos na tayo bilang tao ay pasamain ni Satanas, nagsimula tayong lahat na nasain ang makalamang mga kasiyahan at ibigin ang masama; sinasamantala ni Satanas ang pagkakatoang ito upang gamitin ang masasamang maling paniniwala upang akitin tayo, lituhin tayo, at pinsalain tayo upang ang ating kasamaan ay lumubha nang husto. Kagaya lang ng iyong asawa—palagi siyang naglalabas-masok sa mamahaling mga hotel at mga pangmayamang lugar-pangkasiyahan kagaya ng mga lugar ng karaoke, kaya siya ay napaliligiran ng tukso at mga pagsubok, at sa ibabaw niyon siya ay nakalubog at pininsala ng lahat ng mga mala-satanas na maling turo at maling paniniwalang iyon. Hindi na niya nakita na ang pagkakaroon ng kalaguyo ay isang kahiya-hiyang bagay, bagkus isang bagay na magmumukha siyang may kakayahan at tinanggap ito bilang medalya ng karangalan, hanggang sa puntong mawala niyang lahat ang katuwiran at konsensya at gumawa ng mga bagay upang saktan at pagtaksilan ka. Ang dapat nating kamuhian dito ay si Satanas sapagakat ito ang siyang pumipinsala at nakikipaglaro sa mga tao. Ito ang pangunahing salarin.”

Napagtanto ko mula sa mga salita ng Diyos at sa pagbabahagi ng kapatid na babaeng ito na ang aking asawa ay naapektuhan ng at nalublob sa kasamaan, mala-satanas na mga kalakaran sapagkat hindi niya naunawaan ang katotohanan at nagkulang ng pagkaunawa, at iyon ang tanging dahilan na napagtaksilan niya ako nang paulit-ulit. Naisip ko ang nakaraan—palagi niyang sinusubukang pag-igihin pa at talagang nagmamalasakit para sa pamilya. Siya ay kahanga-hanga sa akin at sa mga bata. Ngunit simula nang kami ay yumaman at nagsimulang palaging lumalabas kasama ng mga kaibigan at labas-masok sa mga bahay-aliwan, doon siya unti-unting nagsimulang sumunod sa pangkalahatang mga pagsasagawa ng masama sa lipunan. Ganap siyang nagbago at sinimulang makita na ang pagkakaroon ng isang kabit ay isang sagisag ng katayuan, at ang pagkakaroon ng isang kalaguyo bilang isang kagalakan sa buhay hanggang sa puntong nalubog siya sa masasamang kalakaran, naging lubos na masama na nabitiwan niya ang kanyang batayang moral, ang kanyang konsensyam at ang kanyang pagkatao. Nawala din niya ang kanyang pagiging responsable bilang isang ama at bilang isang asawa. Hindi ba’t ang pagkakaroon ng kalaguyo ng aking asawa ay isang klasikong halimbawa ng isang tao na pinasama ni Satanas at isang nakikiuso sa masasamang kalakaran? Nagpatuloy pa ako sa pag-iisip na ang kanyang mga kalaguyo ay mga biktima rin ng pagpapasama ni Satanas—iniisip nila na ang pagiging kabit ng isang tao ay nangangahulugan na kaibig-ibig at magaling sila para makasama ang isang mayamang tao, kung kaya kahit na alam nilang siya ay mayroong pamilya kasa-kasama pa rin nila siya nang walang kahihiyan. Ipinagmamalaki pa nila ito sa nakikita ng iba, ganap na walang anumang pagkatao o dignidad. Nakita ko na kapag wala tayong katotohanan, wala tayong magagawa kundi ang mabuhay sa ilalim ng pamamahala ni Satanas at pasasamain at mamanipulahin nito, samantalang iniisip na ito ay nakawiwili. Lubos talaga itong kahabag-habag, napakalungkot! Naramdaman ko bigla pagkatapos ang isang pagpapalaya sa aking puso pagkatapos masakal nang husto sa mahabang panahon, at nakakahinga pa ako nang mas maluwag. Salamat talaga sa Diyos—kung hindi lang sa Kanyang mga salita na inihahayag ang ugat ng suliranin mabubuhay pa rin sana ako sa gitna ng kapighatian at pagpapahirap sa aking sarili, pinaglalaruan ni Satanas at nagdurusa nang husto.

Pagkatapos magkamit ng pagkaunawa sa lahat ng mga bagay na ito, nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos! Ngayon ko natanto na ang aking sariling kapighatian ay dahil sa pinsala ni Satanas. Mula ngayon ninanais ko na lalong mas umasa sa Iyo at mabuhay sa Iyong mga salita. O Diyos, pakigabayan Mo ako upang makalimutan ko ang aking poot para sa aking asawa at sa kanyang kalaguyo at huwag ng manipulahin at pinsalain pa ni Satanas.” Pagkatapos manalangin sinubukan kong kalimutan ang aking mga saloobin ng paghihiganti sa aking asawa, at sa bawat pagkakataon na ako ay nanlulumo mananalangin ako sa Diyos, makikinig sa mga awitin ng mga salita ng Diyos, at gayundin lalo pang magbabasa ng Kanyang mga salita. Pagkatapos mapanatili ang ganito sa loob ng ilang araw ang aking mga kabalisahan ay humupa. Sa takot na na ako ay nasa hindi pa mabuting kalagayan at baka gumawa pa ako ng isang bagay na kakaiba, madalas akong basahan ng mga salita ng Diyos ng aking mga kapatid at ibinahagi sa akin ang kalooban ng Diyos, tinutulungan akong maaninaw ang mga panlilinlang ni Satanas at huwag gumawa ng isang bagay sa bugso ng damdamin. Salamat sa Diyos, sa paggabay ng mga salita ng Diyos at ng aking mga kapatid na nasa aking tabi na tumutulong sa akin, huminahon ako nang husto.

Isang araw, nabasa ko ang ilang salitang ito mula sa Diyos: “Ang mga damdamin ng sangkatauhan ay makasarili at kabilang sa mundo ng kadiliman. Hindi sila umiiral para sa kapakanan ng kalooban, lalong hindi para sa plano ng Diyos, kaya ang tao at Diyos ay hindi kailanman maaaring sabihing magkapareho. Ang Diyos ay magpakailanmang higit sa lahat at kailanman ay kagalang-galang, samantalang ang tao ay magpakailanmang mababang uri, magpakailanman walang halaga. Ito ay dahil ang Diyos ay magpakailanmang gumagawa ng mga sakripisyo at naglalaan ng Kanyang sarili para sa sangkatauhan; subalit ang tao ay magpakailanmang nangunguha at nagsisikap para sa kanyang sarili. Ang Diyos ay magpakailanman nagpapakasakit para sa kaligtasan ng sangkatauhan, ngunit ang tao ay hindi kailanman nag-aambag ng anumang bagay para sa kapakanan ng liwanag o para sa pagkamakatuwiran. Kahit na ang tao ay nagsisikap sa loob ng ilang panahon, napakahina nito na hindi nito makakayang matagalan ang isang hampas, dahil ang pagsisikap ng tao ay palaging para sa kanyang sariling kapakanan at hindi para sa iba. Ang tao ay palaging makasarili, samantalang ang Diyos ay magpakailanmang hindi makasarili” (“Napakahalaga na Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos”). Hindi talaga ako mapakali nang mabasa ko ito. Totoo talaga ito! Ang Diyos lamang ang banal at di-makasarili. Naisip ko kung paanong ang makapangyarihang Diyos ay dalawang ulit na nagkatawang-tao at namuhay kasama natin para sa kapakanan ng ating kaligtasan; nagdanas Siya ng kagila-gilalas na mga kahihiyan at napagtiisan Niya ang paghahabol at pag-uusig ng mga kapangyarihang umiiral gayundin ang paghatol, paninirang-puri, at pagtatakwil mula sa relihiyosong mundo. Nagdusa Siya nang husto, ngunit ang Diyos ay hindi kailangan humiling ng bayad-pinsala at hindi Niya kailanman nahiling ang anuman mula sa atin. Sa halip, ginagawa Niya nang lingid ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Ang esensya ng Diyos ay napakabanal, napakaganda at napakabuti! Ngunit bilang mga tao tayo ay makasarili at kasuklam-suklam sa kalikasan at nabubuhay tayong lahat para sa kapakanan ng pagbibigay kasiyahan sa ating sariling mga kahalayan. Anuman ang ating ginagawa, ginagawa natin ito na ang nilalayon ay ang ating sariling mga pakinabang. Nang ang aking asawa ay mabuti sa akin at nagagawang mabuhay kasama ko na may pagkakaisa, naisip ko na siya ay dakila; nang pagtaksilan niya ako, ang nais ko lang ay ang makaganti sa kanya at mabuhay sa mga kautusan upang mabuhay ni ni Satanas kagaya ng “Kung hindi ka mabait, hindi ako magiging makatarungan!” at “Walang dangal sa hindi paghahangad na makaganti.” Doon ko pa lamang napagtanto na minahal ko ang aking asawa sapagkat alagang-alaga ako sa kanya ay minahal ako; ito ay para sa aking sariling makalamang pakinabang. Ngunit nang ang aking sariling makalamang pakinabang ay nasira napuno ako ng galit para sa kanya at humangga pa sa paghahanap ng ebidensya upang idemanda siya at ang kanyang kalaguyo, at ang makita lamang na nakakulong silang dalawa ang makapagpapasaya sa akin. Hindi ba iyon lubos na pagiging makasarili at malisyoso? Hindi ba iyon nagkukulang sa wastong pagkatao sa kabuuan? Nang maintindihan ko ang mga bagay na ito nanalangin ako sa Diyos at itinigil ang pagpaplano kung paano makagaganti sa aking asawa. Ayaw ko na ring mapagtagumpayan ng mga panlilinlang ni Satanas, o ang manipulahin o pinsalain pa nito. Nagpasya akong lalo pang magbasa ng mga salita ng Diyos, pakawalan ang poot, at ang ipagpatuloy ang pagkatakot sa Diyos at paglayo sa masama, at maging isang tao na napalulugod at nakasasaksi sa Diyos.

Pagaala-ala sa Kuwento ng Aking Pag-aasawa

Pinalalala ng Kalaguyo ang mga Bagay at Hinaharap Ko ito nang Kalmado Gamit ang Pag-ibig at Pangangalaga ng Diyos

Kung kailan nagagawa ko ng kalimutan ang aking poot sa aking asawa at sa kanyang kalaguyo, isang pagsubok mula kay Satanas ang dumating sa akin.

Isang hapong nagpunta ako sa trabaho upang dikitan ng selyo ang isang dokumento ng isang tagatuos. Pagpasok ko sa opisina ng aking asawa nakita ko ang kanyang kalaguyo na buong-harot na kinakausap siya. Nang makita niya ako lumabas siya ng kanyang opisina, nang buong pagmamalaki, at ikinendeng ang kanyang mga balakang. Tila sinadya niyang daanan ako sa isang mapaghamon na paraan. Saglit akong nagalit nang husto at malakas na dinabog ang sahig gamit ang aking matataas na takong; gigil na gigil akong lapitan siya at ipahiya siya. Naisip ko, “Ikaw ang siyang naghahamon sa akin. Dapat mong malaman kung saan ka lulugar—kumpanya ko ito. Napakayabang mo! “Iniisip ko pa lang na sabihin sa kanya ang nasa loob ko, bigla kong naisip ang paninindigang itinakda ko kapag nananalangin sa Diyos. Taimitm akong tumawag sa Diyos upang bantayan ang aking puso upang hindi ako mapagtagumpayan ni Satanas, at huwag kumilos nang padalus-dalos. Sa pamamagitan ng pag-iingat ng Diyos, ang aking puso ay dahan-dahang kumalma.

Pagkauwi sa bahay sa gabing iyon binasa ko ang sipi ng mga salita ng Diyos: “Sa bawa’t hakbang ng paggawa ng Diyos sa gitna ng mga tao, sa panlabas, mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na parang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panghihimasok ng tao. Nguni’t sa likod ng mga eksena, bawa’t hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at nangangailangan sa tao na manindigan sa kanilang testimonya sa Diyos” (“Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos”). Ipinaunawa sa akin ng mga salita ng Diyos na mayroong isang digmaang espiritwal sa likod ng mga kapaligiran gayundin sa mga tao, mga pangyayari, at sa mga bagay na aking nasasagupa sa araw-araw. Ito ay si Satanas at ang Diyos na nagpupustahan, at kailangan kong maging saksi para sa Diyos. Parang ang nasagupa ko sa araw na iyon ay ang paghahamon sa akin ng kalaguyo ng aking asawa. Ginagamit niya iyon para inisin ako upang muli akong mabuhay sa kapighatian at poot na hindi na ako makaalis doon, upang makipaglaban ako sa kanyang kalaguyo at pareho kaming matatalo. Sa gayon ay matatamo nito ang layunin nito na patuloy akong saktan at manipulahin ako. Si Satanas ay napakasama at lubos na kasuklam-suklam!

Binasa ko kinalaunan ang mga salitang ito mula sa Diyos: “Napakasimple nito ngayon: Tumingin sa Akin gamit ang iyong puso at kaagad magiging malakas ang iyong espiritu, magkakaroon ka ng landas sa pagsasagawa at gagabayan Ko ang bawa’t hakbang mo. Mabubunyag sa iyo ang Aking salita sa lahat ng sandali at sa lahat ng dako. Saanman o kailanman, o gaano man kasalungat ang kapaligiran, malinaw Kong ipakikita sa iyo at mabubunyag sa iyo ang Aking puso kung tumitingin sa Akin gamit ang iyong puso; sa ganitong paraan tatakbo ka sa daang nasa harapan at hindi kailanman maliligaw” (“Kabanata 13” ng mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula). Itinuro ng mga salita ng Diyos ang tamang landas ng pagsasagawa para sa akin: Umasa sa Diyos! Totoo ito—ang Diyos lamang ang tunay kong suporta, at ang Diyos lamang ang pinakamalapit sa akin. Anuman ang dumating sa akin, kailangan kong manalangin sa Diyos, hanapin Siya, at buksan ang aking puso sa Kanya. Pagkatapos niyon ay mahahanap ko na ang katotohanan upang lutasin ang aking mga suliranin, maisasagawa ang mga salita ng Diyos, at huwag mabuhay sa gitna ng di-pagkakasundo. Sa gayong paraan ay hindi na ako mapaglalaruan ni Satanas, at likas kong mapagtatagumpayan ang mga pagsubok ni Satanas.

Ang Paglimot sa Poot ay Nagpalaya sa Aking Puso

Sa sumunod na mga araw sinadya ko talagang kumilos ayon sa mga salita ng Diyos, lalong mas nananalangin sa Kanya at mas lumalapit sa Kanya, at kapag ang mga saloobin na hindi kaayon sa Kanyang kalooban ay dumating sa akin, nananalangin ako sa Diyos upang maitanggi ko ang aking sarili. Pagkatapos ay hahanapin ko ang kaugnay na mga salita ng Diyos at ang katotohanan na makalulutas sa aking mga suliranin. Nang matutunan kong kalimutan ang aking poot sa gayong paraan at isagawa ang mga salita ng Diyos, ang aking puso ay dahan-dahang nagliwanag. Nang pumasok ako sa trabaho hindi ko masyadong inaalala kung makakasalubong ko doon ang kalaguyo ng aking asawa, at kahit pa kapag nakita ko siya hindi ako naapektuhan sa kanya. Ginawa ko pa rin kung ano ang kailangan kong gawin at inisip ko lang ang tungkol sa paggawa sa sarili kong trabaho. Sinadya niya minsan na tumayo sa pintuan ng opisina ng aking asawa paharap sa aking opisina at malakas na sinabi, “Asawa ko, mahal ko.” Nanalangin lang ako nang taimtim sa Diyos at hiniling sa Kanya na ingatan akong huwag magalit o magselos upang maharap ko ito nang mahinahon. Kapag lumapit ako sa Diyos sa gayong paraan binabantayan Niya ang aking puso nang dahan-dahan na hindi na ako malungkot o magagalit na may kasamang pagseselos.

Isang hapon noong Marso 2018, nagpunta ako sa opisina upang kunin ang isang dokumento. Nang maglakad ako papunta sa opisina ng aking asawa nakita ko na naroon mismo ang kanyang kalaguyo. Lubos akong naging kalmado. Nang makita niya akong pumasok, isinara niya ang pinto, at tahimik na tumalilis. Habang papaalis ako, naisip ko, “Wala akong pakialam kung lalayo ka man o kung hahamunin mo ako—hindi ako magsisimula ng anumang bagay sa iyo. Walang kuwentang makipagtalo sa iyo dahil sa bagay na ito.

Sa sandaling pakawalan ko ang aking poot lalong mas nagiging bukas ang aking isipan, at dahan-dahan, ang mga lason ni Satanas ng “Kung hindi ka mabait, hindi ako magiging makatarungan!” at “Walang dangal sa hindi paghahangad na makaganti” na tumimo sa aking puso ay unti-unting nawalan ng bisa sa akin. Kalaunan ay itinaas ako ng Diyos at nagawa kong tuparin ang aking tungkulin sa loob ng iglesia, at habang tinutupad ko ang aking tungkulin madalas akong lumapit sa Diyos. Ginugol ko ang halos lahat ng aking lakas sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, pakikinig sa mga sermon at pagbabahagi, at pagtupad sa aking tungkulin. Ang poot na aking nadama para sa aking asawa at sa kanyang kalaguyo ay humupa, at sa bandang huli ito ay unti-unting naglaho. Salamat sa Diyos, at lahat ng ito ay ang kinalabasang natamo ng mga salita ng Diyos sa akin.

At ngayon, ang mga pilat na naiwan sa akin mula sa pagtataksil ng aking asawa ay dahan-dahang naglaho. Tinutupad ko ang aking tungkulin sa loob ng iglesia at madalas na nagbabasa ng mga salita ng Diyos at nagbabahagi ng katotohanan sa mga kapatid. Ang bawat isa sa aking mga araw ay buo at masaya at ako ay nagiging lalong mas bukas ang isip. Gayunpaman, ang mga bagay ay hindi naging madali para sa aking asawa. Araw-araw niyang hinaharap ang mga usapin tungkol sa negosyo idagdag pa ang kailangan niyang isipin ang tungkol sa paghahatid at pagsundo sa paaralan sa anak ng kanyang kalaguyo. Kapag nasasagupa niya ang ilang uri ng kahirapan tumutulong ako kung kaya ko, at kung hindi ko kaya, pinaaalam ko sa kanya nang tuwiran at inaasikaso ito nang maayos. Nang ang mga bata ay nakadama ng hinanakit at pagkamuhi sa kanya, ginabayan ko sila na huwag mabuhay sa poot, at pagkatapos niyon napakawalan nila ang sama ng kanilang loob sa kanya. Malinaw sa puso ko na ang mga salita ng Diyos ang pumawi sa aking masasamang layunin na gumanti sa aking asawa at sa kanyang kalaguyo, na nagpahintulot sa akin upang isabuhay ang kawangis ng isang tao. Kung hindi lang sa kaliwanagan at paggabay ng mga salita ng Diyos, natitiyak ko na aking tatahakin ang paghihiganti sa kanila dahil sa poot. Kahit na hindi ko siya naipakulong mauuwi lang ito sa pakikipaglaban sa kanya hanggang sa kamatayan, at mabubuhay kaming lahat sa kapighatian, winawasak nang husto at minamanipula ni Satanas. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa Kanyang pagliligtas sa akin! Ang mga salita ng Diyos ang katotohanan at ang tanging magsasanggalang sa hinaharap kong buhay. Ang mga salita ng Diyos ang umakay sa akin upang kumawala nang dahan-dahan sa kumunoy ng pagtataksil ng aking asawa, na nagbigay-daan upang maipakita ko ang isang maninning na ngiti sa aking mukha at madama ang buhay na puno ng pag-asa.

Wakas.

 

Tala ng Editor:

Nakatutulong ba sa iyo ang nilalaman sa itaas? Kung may mga ikinalilito o tanong ka tungkol sa kasal, maaari mo kaming makausap sa pamamagitan ng pagpindot sa buton sa kanang sulok sa ibaba ng screen. Masaya kaming tumulong sa’yo.

Contact Us

Ang dedikadong mga kinatawan namin ay narito 24/7 upang lutasin ang kalituhan at problema ninyo sa pananampalataya at buhay.

avatar
  Subscribe  
Notify of