Sundan Kami

Mga Kaparehong Video

Araw-araw na mga Salita ng Diyos | "Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang mga Resultang Makakamtan ng Kanyang Gawain" | Sipi 15

Panimula

Malimit na Ipinapakahulugan ng mga Tao ang Diyos Batay sa Karanasan

Kapag nakikipagtalastasan sa paksang pagtukoy sa Diyos, may mapapansin kayo na isang bagay? Napansin ninyo ba na nagbago ang kasalukuyang saloobin ng Diyos? Hindi ba nababago ang saloobin ng Diyos sa sangkatauhan? Palagi bang magtitiis ang Diyos na tulad nito, na walang katapusang iniaabot ang Kanyang pag-ibig at awa sa tao? Nauugnay din ang bagay na ito sa diwa ng Diyos. … Kapag nalaman ng mga tao na mahal ng Diyos ang sangkatauhan, ipinakakahulugan nila ang Diyos bilang isang simbolo ng pag-ibig: Anuman ang ginagawa ng mga tao, paano man ang kanilang pagkilos, paano man ang pagtrato nila sa Diyos, at gaano man ang katigasan ng kanilang ulo, wala sa mga ito ang mahalaga dahil may pag-ibig ang Diyos, at ang pag-ibig ng Diyos ay walang hangganan at hindi masukat. May pag-ibig ang Diyos, kaya maaari Siyang maging mapagparaya sa mga tao; may pag-ibig ang Diyos, kaya maaari Siyang maging mahabagin sa mga tao, maawain sa kanilang kakulangan sa gulang, maawain sa kanilang kamangmangan, at maawain sa kanilang pagsuway. Ganito ba talaga ito? Para sa ilang mga tao, kapag naranasan nila ang pagiging matiisin ng Diyos nang isang beses, o ilang beses, pinupuhunan na nila ito sa kanilang sariling-pag-unawa sa Diyos, naniniwala sila na ang Diyos ay magtitiis sa kanila magpakailanman, mahahabag sa kanila, at sa landasin ng kanilang buhay ay kukunin nila ang pagkamatiisin ng Diyos at ituturing ito bilang batayan ng pagtrato ng Diyos sa kanila. Mayroon ding mga tao na, kapag naranasan nila minsan ang pagpaparaya ng Diyos, ay magpakailanman nilang ipapakahulugan ang Diyos bilang mapagparaya, at ang pagpaparayang ito ay walang hangganan, walang pasubali, at maging ganap na walang prinsipiyo. Tama ba ang mga paniniwalang ito? Sa tuwing natatalakay ang diwa o disposisyon ng Diyos, tila nalilito kayo. Medyo nagagalit ako kapag nakikita kayong ganito. Napakaraming katotohanan ang narinig ninyo tungkol sa diwa ng Diyos; napakarami rin ang narinig ninyo tungkol sa disposisyon ng Diyos. Gayunman, sa inyong mga isipan ang mga isyung ito, at ang katotohanan ng mga aspetong ito, ay pawang mga alaala lamang na batay sa teyorya at sa nakasulat na mga salita. Wala sa inyo ang kailanman ay nakaranas sa kung ano ang disposisyon ng Diyos sa inyong tunay na buhay, ni wala rin ang nakakita sa inyo kung ano nga ba ang disposisyon ng Diyos. Samakatuwid, kayong lahat ay naguguluhan sa inyong mga paniniwala, lahat kayo ay pikit-matang naniniwala, hanggang sa punto na kayo ay mayroong walang pakundangang saloobin tungo sa Diyos, na isinasantabi ninyo lang Siya sa isang sulok. Ano ang kahahantungan ng ganitong uri ng saloobin ninyo sa Diyos? Ito ay laging humahantong sa mga konklusyon ninyo tungkol sa Diyos. Sa sandaling nagkaroon kayo ng maliit na kaalaman, masyado na kayong nasisiyahan, pakiramdam ninyo ay natamo na ninyo ang Diyos sa Kanyang kabuuan. Pagkatapos nito ay ipapakahulugan ninyong ganito ang Diyos, at hindi ninyo hinahayaan na kumilos Siya nang malaya. At sa tuwing may ginagawa ang Diyos na isang bagong bagay, hindi ninyo matanggap na Siya ay Diyos. Isang araw, kapag sasabihin ng Diyos: “Hindi Ko na mahal ang tao; hindi na Ako mag-aabot ng awa sa tao; wala na Akong anumang pagpaparaya o pagkamatiisin sa tao; Ako’y puspos ng matinding pagkamuhi at pagkainis sa tao,” sa kaibuturan ng puso ng tao hindi nila matanggap ang ganitong uri ng pahayag. Sasabihin pa ng ilan sa kanila: “Hindi na Ikaw ang Diyos ko ngayon; hindi na Ikaw ang Diyos na gusto kong sundin. Kung ganito ang sinasabi Mo, hindi Ka na kwalipikadong maging Diyos ko, at hindi ko na kailangang manatiling sumusunod sa Iyo. Kung hindi Mo ako bibigyan ng awa, hindi bibigyan ng pag-ibig, hindi bibigyan ng pagpaparaya, hindi na ako susunod sa Iyo. Maaari lamang Kitang sundin, at magkakaroon lamang ako ng tiwalang sumunod hanggang sa katapusan kung Ikaw ay mapagparaya sa akin nang walang hangganan, palaging matiisin sa akin, kung ipakikita Mong Ikaw ay pag-ibig sa akin, Ikaw ay pagkamatiisin, na Ikaw ang magpapaubaya. Dahil nasa akin ang Iyong pagkamatiisin at habag, ang aking pagsalangsang at kasalanan ay maaaring mapatawad nang walang hangganan, pagpasensyahan nang walang hangganan, at maaari akong magkasala sa anumang oras at kahit saan, magkumpisal at mapatawad sa anumang oras at kahit saan, at galitin Ka sa anumang oras at kahit saan. Hindi Ka dapat magkaroon ng anumang sarili Mong mga ideya o mga konklusyon tungkol sa akin.” Kahit na maaaring hindi mo iniisip ang tungkol sa ganitong uri ng tanong sa isang mapansarili at may kamalayan na paraan, tuwing itinuturing mo ang Diyos na isang kasangkapan para sa pagkapatawad ng iyong mga kasalanan at isang bagay na gagamitin para sa pagtamo ng isang magandang hantungan, inilagay mo na ang buhay na Diyos na pasalungat sa iyo, bilang kaaway mo. Ito ang nakikita Ko. Maaari mong patuloy na sinasabi, “Sumasampalataya ako sa Diyos”; “Nabubuhay ako na ayon sa katotohanan”; “Gusto kong baguhin ang aking disposisyon”; “Gusto kong makawala mula sa impluwensya ng kadiliman”; “Gusto kong masiyahan ang Diyos”; “Gusto kong sundin ang Diyos”; “Gusto kong maging tapat sa Diyos at gawin ang aking tungkulin nang mabuti”; at iba pa. Gayunpaman, kahit gaano man kaganda ang anumang sasabihin mo, gaano man kadami ang teyoryang nalalaman mo, gaano man kahanga-hanga ang teyorya na yan, kung gaano man karangal ito, ang katotohanan ay marami na sa inyo ang natutong gamitin ang regulasyon, ang doktrina, ang teyoryang pinagkadalubhasaan ninyo upang gumawa ng mga konklusyon tungkol sa Diyos, at ilagay Siya na kasalungat sa inyong sarili sa isang ganap na likas na paraan. Kahit na pinagkadalubhasaan mo ang mga liham at doktrina, hindi ka pa talagang pumasok sa reyalidad ng katotohanan, kaya napakahirap para sa iyo ang lumapit sa Diyos, ang makilala ang Diyos, ang maunawaan ang Diyos. Ito ay kalunus-lunos!

Nakita ko ang palabas na ito sa isang video: Nakahawak ang ilang mga kapatid na babae sa isang aklat na Ang Salita’y Nagpakita sa Katawang-tao, at hawak nila ito at itinataas nang napakataas. Hawak nila ang aklat na ito sa kanilang kalagitnaan, mas mataas kaysa sa kanilang mga ulo. Kahit na ito ay isang imahe lamang, ang ipinupukaw nito sa loob Ko ay hindi isang imahe. Sa halip, naisip Ko na ang itinataas ng bawat tao sa kanilang puso ay hindi salita ng Diyos, kundi ang aklat ng salita ng Diyos. Ito ay isang nakalulungkot na bagay. Ang ganitong paraan ng pagsasagawa ay hindi lamang isang kaso ng pagtaas sa Diyos. Ito ay dahil hindi ninyo naiintindihan ang Diyos kaya nga ang isang napakalinaw na tanong, isang napakaliit na tanong, ay nagdudulot sa inyong gumawa ng sarili ninyong mga kuru-kuro. Kapag humihingi Ako ng mga bagay sa inyo, kapag nagiging seryoso Ako sa inyo, tumutugon kayo sa inyong mga haka-haka at mga sariling imahinasyon; ang ilan pa sa inyo ay nagdududa at naniningil. Ito ang malinaw na kumukumpirma sa Akin na ang Diyos na pinaniniwalaan ninyo ay hindi ang tunay na Diyos. Matapos ang pagbabasa ng salita ng Diyos sa loob ng maraming taon, ginagamit ninyo ang salita ng Diyos, ginagamit ninyo ang gawain ng Diyos, at higit pang mga doktrina upang muling gumawa ng mga konklusyon tungkol sa Diyos. Dagdag pa rito, hindi ninyo sinubukang unawain ang Diyos; hindi ninyo sinubukang alamin ang mga layunin ng Diyos; hindi ninyo sinubukang unawain kung ano ang saloobin ng Diyos sa tao; o kung paano mag-isip ang Diyos, kung bakit Siya ay malungkot, kung bakit Siya ay galit, kung bakit Siya ay nasusuklam sa tao, at iba pang mga gayong katanungan. Bukod diyan, higit pang maraming tao ang naniniwala na ang Diyos ay palagian ng tahimik dahil pinapanood lamang Niya ang mga kilos ng sangkatauhan, dahil walang Siyang saloobin sa kanila, at wala Siyang sarili Niyang mga ideya. Ang isa pang grupo ay higit pang pinalalawig ito. Naniniwala ang mga taong ito na ang Diyos ay hindi makabigkas ng tinig dahil hindi Siya tumututol, ang Diyos ay hindi makabigkas ng tinig sapagkat Siya ay naghihintay, ang Diyos ay hindi makabigkas ng tinig dahil wala Siyang saloobin, dahil ang saloobin ng Diyos ay ganap nang naipaliwanag sa libro, naipahayag na ang kabuuan nito sa sangkatauhan, at hindi na kailangan pang paulit-ulit na sinasabi sa mga tao. Kahit tahimik ang Diyos, mayroon pa rin Siyang saloobin, may pananaw, at may pamantayan na hinihiling sa mga tao. Kahit hindi Siya sinusubukang unawain ng mga tao, at hindi Siya sinusubukang sundin, ang Kanyang saloobin ay napakalinaw. Isaalang-alang ang isang tao na minsan ay masigasig na sumusunod sa Diyos, ngunit sa isang punto ay inabandona Siya at lumisan. Kung nais ng taong ito na bumalik ngayon, anupat kagulat-gulat, hindi ninyo alam kung ano ang pananaw ng Diyos, at kung ano ang saloobin Niya. Hindi ba ito kalunus-lunos? Sa katunayan, ito ay isang medyo mababaw lamang na bagay. Kung tunay na nauunawaan ninyo ang puso ng Diyos, malalaman ninyo ang Kanyang saloobin para sa ganitong uri ng tao, at hindi kayo magbibigay ng isang hindi siguradong sagot. Dahil hindi niyo alam, pahintulutan niyo Akong ituro sa inyo.

Mula sa “Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao”

I-expand