Ang Kanyang Karanasan Mula sa Pagtataksil Nito Hanggang Sa Pagbabago (II)

Ang Kanyang Karanasan Mula sa Pagtataksil Nito Hanggang Sa Pagbabago (II)

(Pinagmumulan: www.freepik.com)

Lumitaw ang mga Bagong Suliranin

Gayunman ay walang nasusunod sa plano. Nang mag-umpisa ang bakasyon ng kanyang asawa at umuwi ito sa bahay, ibinigay nito kay Jiamei ang sahod nito kagaya ng nakagawian nito. Ngunit aksidenteng nabangga ni Jiamei ang jacket nitong bumagsak sa sahig at isang malaking bungkos ng pera ang nahulog mula sa bulsa nito. Nagulat, naisip ni Jiamei: “Saan nanggaling ang perang ito? Hindi ba’t nagkasundo kami na ako ang hahawak ng gastusin? May mga itinatago siya sa’kin!”

Galit, tinanong niya ang kanyang asawa: “Sinabi mong ibibigay mo sa’kin lahat ng pera, pero ngayon ay naglilihim ka sa’kin. Itinatago mo ba ang perang ito para sustentuhan ang babaeng iyon?” Bumulong ito, at hindi nilinaw ang kahit ano. Sa labas ay nagpapanggap si Jiamei na malakas, ngunit sa loob ay malapit na siyang malugmok. Noon ay palagi nitong ibinibigay sa kanya ang sahod nito, ngunit umabot na sa punto na niloloko na siya nito! Hindi papayag si Jiamei na matalo nang babaeng iyon. Naisip niya: “Noon ay namuhay akong matipid at hindi kailanman nag-abalang mag-ayos. Kung pagtutuunan ko ng pansin ang itsura ko, mababawi ko ang pagmamahal niya.” Pagkatapos noon, nag-umpisa siyang bumili ng mamahaling makeup at mga damit na mataas ang kalidad, nag-aayos ng maganda, at nag-umpisa siyang magluto ng mga paboritong pagkain ng asawa niya. Naisip niya na mababawi niya ang puso ng asawa niya at titigil ito sa pakikipagkita sa ibang babaeng iyon, ngunit hindi niya kailanman naisip ang sumunod na nangyari …

Isang araw, sinabi nito na may regalo ito kay Jiamei at sa loob niya ay nagbunyi siya, iniisip na nagbunga ang pagsisikap niya at nababawi na niya ang puso ng asawa niya. Ngunit nang buksan nito iyon at sinabing galing iyon sa kaibigan nito sa internet, nanlumo siya, nararamdamang malaking kahihiyan iyon. Nawala na sa kanya lahat ng pag-asa para sa kanilang pagsasama. Muli niyang binuksan dito ang ideya ng paghihiwalay, ngunit matatag ang pagtanggi nito, sinasabing: “Hinahayaan ng ibang babae ang mga asawa nila na magkaroon ng dalawang bahay at hindi nila sinasabing maghiwalay na sila. Hindi ba’t magandang buhay ito?” Hindi mailalarawan ang sakit na naramdaman ni Jiamei sa sinabi nito, binubuhay ang pagnanasang maghiganti. Naisip niya: “Gusto mong magkaroon ng higit pa sa isa, kaya kaya ko ring gawin iyon sa’yo! Matitikman mo ang sakit ng pagtataksil.” Ngunit nagbago ang kanyang isip—isa siyang Kristiyano at ang ganoong uri ng pag-uugali ay hindi naaayon sa kalooban ng Diyos. Sa kanyang sakit at pakikibaka, muling lumapit si Jiamei sa Diyos sa panalangin: “O Diyos! Hindi ko alam kung paano kong mararanasan ito. Labis akong nasasaktan, pakiusap gabayan Mo ako.…”

Ang Panganib sa Kanyang Buhay May-Asawa at ang Kontrabida sa Likod ng Lahat

Nakita ni Jiamei ang mga salita ng Diyos, “Sa mga ideyang idinudulot ng mga kalakarang panlipunan para sa mga tao, kung paaano nagiging sanhi ang mga ito sa mga tao sa paggawi ng kanilang mga sarili sa mundo, ang mga layunin sa buhay at pananaw na kanilang idinudulot sa mga tao. Ang mga ito ay napakahalaga; kinokontrol at iniimpluwensyahan ng mga ito ang kalagayan sa pag-iisip ng tao. Unti-unti, ang lahat ng mga kalakarang ito ito ay nagdadala ng isang masamang impluwensya na patuloy na nagpapahina sa tao, na nagiging sanhi upang patuloy na mawalan ng konsensya, pagkatao at katuwiran na lalo pang mas nagpapababa ng kanilang mga moral at ng kalidad ng kanilang pagkatao, hanggang sa masasabi nating karamihan ng mga tao ngayon ay walang dangal, walang pagkatao, ni sila ay mayroong anumang konsensya, at lalo’t higit ng anumang katuwiran. Kaya ano ang mga kalakarang ito? Hindi mo makikita ang mga kalakarang ito gamit ang karaniwang mata lamang. Kapag ang kasikatan ng kalakaran ay naglaho marahil maliit na bilang lamang ng mga tao ang magiging mga tagapagpauso. Nagsisimula sila sa paggawa ng ganitong uri ng bagay, tinatanggap ang ganitong uri ng ideya o ganitong uri ng pananaw. Ang karamihan ng mga tao, gayunpaman, sa gitna ng kanilang kawalan ng kamalayan, ay patuloy pa ring mahahawa, magiging bahagi at maaakit ng ganitong uri ng kalakaran, hanggang sa tatanggapin nilang lahat ito nang hindi namamalayan at nang hindi sinasadya, at ang lahat ay napasubo na at kontrolado na nito. Para sa taong wala sa matinong pangangatawan at pag-iisip, hindi kailanman nalalaman kung ano ang katotohanan, na hindi makapagsasabi ng kaibahan sa pagitan ng positibo at negatibong mga bagay, unti-unting ipatatanggap ng ganitong uri ng mga kalakaran sa kanilang lahat nang maluwag sa kalooban ang mga kalakarang ito, ang pananaw sa buhay, ang mga pagpapahalaga na nanggaling kay Satanas. Tinatanggap nila kung ano ang sinasabi sa kanila ni Satanas kung paano pakikitunguhan ang buhay at kung paano mabubuhay na ‘ipinagkakaloob’ sa kanila ni Satanas. Wala silang taglay na lakas, ni mayroon silang kakayahan, lalo na ang kamalayang tumutol.” “Ito ay dahil sa anong sikolohikal na pagkahilig sa puso ng tao? Ano ang itinataguyod ng tao? Nasisimulang magustuhan ng tao ang kasamaan at karahasan. Ayaw nila ng kagandahan at kabaitan, lalo na ng kapayapaan. Hindi nakahandang isabuhay ng tao ang simpleng buhay ng normal na pagkatao, sa halip nais na tamasahin ang mataas na katayuan at malaking kayamanan, ang magkatuwaan sa mga pagnanasa ng laman, hindi nag-aatubiling bigyan-kasiyahan ang sarili nilang laman, nang walang mga paghihigpit, walang mga gapos na pipigil sa kanila, sa madaling salita ginagawa ang anumang naisin nila. … ang tao ay mas lalong nagiging masama, mayabang, hambog, makasarili, at malisyoso. Wala ng anumang pagmamahal sa pagitan ng mga tao, wala nang anumang pagmamahal sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya, wala nang anumang pagkakaunawaan sa pagitan ng mga kamag-anak at mga kaibigan; ang mga ugnayang pantao aypuno ng karahasan.

Matapos basahin ang mga salita ng Diyos ay naintindihan ni Jiamei na ang pagkakaroon ng ibang babae, ng kabit, o ng kalaguyo ay isang pangyayari sa lipunan at lahat ng iyon ay mula sa pang-aakit at kontrol ng demonyo, ang mga satanikong kalakaran gaya ng “Ang pulang bandila sa bahay ay hindi nahuhulog, ang makukulay na bandila sa labas ay nagwawagayway sa hangin,” “Huwag hingin ang habambuhay, maging masaya sa ngayon,” at “Ayos lang ang magkaroon ng kaunting kasiyahan.” Bukod pa roon, matapos gawing tiwali ni Satanas, sumampalataya sa masama ang mga tao, minamahal at nag-iimbot sa kasiyahan ng laman. Ito ang dahilan kaya kinakaya nila ang moral na pamumuna para lamang mapaluguran ang kanilang sariling laman, ang kanilang pagnanasa, at kung bakit nila sinasaktan ang mga taong mahal nila. Lalong nagiging makasarili ang mga tao, masama, at buktot, nawawala ang kanilang pagiging tao at moralidad. Naisip ni Jiamei ang lahat ng mga taong kilala niya na nagkaroon ng ibang karelasyon na sumira ng mga pamilya, ang iba ay labis na nahihirapan na sinadya nilang mag-overdose at magpakamatay. Ang iba ay tumalon mula sa mga gusali at ang iba ay nagkaroon ng sakit sa pag-iisip nang hindi nila makayanan ang paghihirap. Maraming mga pamilya ang pininsala ng masasamang kalakaran ng mundong ito. Hindi naiiba ang sarili niyang asawa. Hindi nito napigilan ang sarili nito na sumunod sa mga masasama, satanikong kalakaran na iyon, isinasantabi ang pag-ibig na pinagsaluhan nila ng maraming taon upang humanap ng katuwaan. May nakita itong iba online, nasangkot ang emosyon, at nagpakasasa sa mahalay nitong kagustuhan. Nang imungkahi niya dito ang paghihiwalay, tumanggi ito, ngunit hindi rin nito gustong iwan ang babaeng iyon. Namumuhay itong sa kasamaan na may asawa sa bahay at may babae pa—mukhang ni hindi ito nahihiya. Noon naintindihan ni Jiamei na ang asawa niya ay isa na namang biktima ng masama, satanikong kalakaran. Dahil may kakulangan sa katotohanan ang mga tao, hindi nila malaman ang pagkakaiba sa mabuti at masama, kagandahan at kapangitan, o positibo at negatibo. Pinaglalaruan lang sila, pinipinsala, at tinatapakan ni Satanas. At ang sakit na iniinda rin niya ay mula sa pinsala ng mga ideyang “magkasamang tumanda, hawak kamay,” at “Pinakadakila ang pag-ibig.” Hinahanap niya ang isang perpektong pag-ibig, sinusubukang hanapin ang isang tunay na pag-ibig na para sa kanya lamang at magkasamang haharapin ang lahat ng bagay nang magkasama sa buong buhay nila. Matapos malaman ang tungkol sa pagtataksil ng kanyang asawa sa kanilang kasal ay nalubog siya sa pagkabalisa, madalas na nag-aalala tungkol sa kung kasama nito ang babaeng iyon. Labis siyang nahihirapan na nawalan na siya ng gana sa pagkain at hindi makatulog. Pakiramdam niya ay may nakadagan na higanteng bato sa puso niya, na parang hindi siya makahinga. Namumuhay siya sa sakit, umabot sa puntong naisip pa iya na lokohin ito para makapaghiganti. Kung wala ang paliwanag at gabay ng mga salita ng Diyos, hindi niya alam kung anong kinalabasan niya, anong uri ng masasamang bagay ang maaari niyang gawin. Kalaunan ay nabasa ni Jiamei ang mga salitang ito mula sa Diyos, “Bakit iniibig ng isang lalaki ang kanyang asawa? At bakit iniibig ng isang babae ang kanyang asawa? … Anong mga uri ng mga intensyon ang talagang tinataglay ng mga tao? Hindi ba ito upang masiyahan sa sariling mga plano at makasariling mga hangarin?” Noon niya naintindihan sa wakas na walang tunay na pag-ibig sa mga tao. Lahat ay mga huwad na relasyong nakabase sa pakinabang; transaksyon iyon, palitan. Dahil ang pag-ibig sa pagitan ng mag-asawa ay nakatayo sa pundasyon ng interes ng bawat isa, kapag hindi nila nakuha ang gusto nila, basta na lamang nawawala ang pag-ibig. Wala na ang mapayapang relasyon. Lahat ng iyon ay nagmumula sa pinsala ni Satanas. Nang malinaw iyong makita ni Jiamei ay labis siyang naginhawahan.

Ang Pagbabago ng Pananaw ay Nagreresulta sa isang Masayang Buhay May-asawa

Nabasa rin ni Jiamei sa salita ng Diyos kung saan sinasabing, “Matapos mong makilala ito, ang gawain mo ay isantabi ang iyong lumang pagtanaw sa buhay, manatiling malayo sa sari-saring mga patibong, hayaan ang Diyos na mag-alaga sa iyong buhay at gumawa ng mga pagsasaayos para sa iyo, subukan lamang na magpasailalim sa mga pagsasaayos at paggabay ng Diyos, na magkaroon ng walang pagpipilian, at maging isang tao na sumasamba sa Diyos.” Nagbigay ng daan kay Jiamei ang mga salita ng Diyos para magsagawa. Para mapalaya ang kanyang sarili mula sa mga pasakit ni Satanas at hindi na mapigilan ng mga maling pag-iisip at pananaw nito, upang mabuhay ng malaya at walang gapos, kailangan niyang isagawa ang mga salita ng Diyos. Kailangan niyang pakawalan ang mga nakaraang ideya niya sa kung anong dapat ipagpatuloy at ipaubaya sa Diyos ang kanyang tatahaking landas sa buhay sa hinaharap, magpasailalim sa pamumuno at pagsasaayos ng Diyos. Pagkatapos noon, nag-umpisa siyang magbasa ng mga salita ng Diyos araw-araw at nagtatag ng tamang relasyon sa Diyos. Dumalo siya ng mga pagtitipon at madalas na ipinakakalat ang ebanghelyo kasama ang mga kapatid. Paglipas ng panahon, hindi na kinokontrol ng pagkabalisa ang puso niya at unti-unti niyang pinakawalan ang pagtataksil ng kanyang asawa. Muli pang lumitaw sa kanyang mukha ang isang ngiti.

Isang araw, tumawag ang asawa niya upang sabihin na gusto nitong umuwi para sa anihan sa taglagas. Nang dumating ito, hindi na nag-umpisa si Jiamei na makipagtalo dito, ngunit nakipag-usap dito sa napaka-kalmado at mahinahong paraan. Gayunman, nang marinig niyang tinawagan ito ng kaibigan nito online at nanghiram ng pera dito, muling naramdaman ni Jiamei ang biglang sakit sa kanyang puso. Mawawalan na sana siya ng pasensiya ngunit napagtanto niyang hindi iyon naaayon sa kalooban ng Diyos, at ang pagsisimula ng walang katapusang gulo sa kanyang asawa ay magreresulta lamang sa pamumuhay nilang dalawa sa sakit. Kaya, nanalangin siya ng paulit-ulit sa Diyos, at pagkatapos ay unti-unting nakahanap ng kapayapaan sa kanyang puso. Nang gabing iyon, napaka-kalmadong sinabi ni Jiamei sa kanyang asawa: “Noon, nang malaman kong nakikipagkita ka sa ibang babae, nag-umpisa akong makipag-away sa’yo, gumawa ako ng mga problema, at kumilos ako upang mabawi ka. Ngunit, wala sa mga iyon ang nakabawi sa puso mo. Sobrang nakakapagod ang mamuhay ng ganito ng magkasama. Naintindihan ko sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos na lahat tayo ay sinaktan ni Satanas, at lahat tayo ay naakit ng masasamang kalakaran ni Satanas, na siyang dahilan kung bakit hindi natin mapigilang maging biktima ng mga bagay na ito. Mula ngayon, hindi na ako mamumuhi sa iyo o magsisimula ng away sa iyo.” Nakikita na hindi sinusubukan ni Jiamei na makipagtalo rito ngunit handang kalimutan ang lahat, kusa nitong inamin ang mga maling ginawa nito sa kanya. “Ako ang gumawa ng mali sa’yo. Magbabago ako, at magiging mabuti sa’yo.”

Mula noon, bumalik si Jiamei sa dating siya, maasikaso at maalaga sa kanyang asawa. Hindi na siya nagsisimula ng pagtatalo dito, o tinatawagan ang mga katrabaho nito, nagpipilit na malaman kung nasaan ito. Isang beses, nag-inom sa labas ang asawa niya at bumagsak agad sa higaan nang makauwi ito. Napansin ni Jiamei na palagi itong sobrang pagod, kaya dinalhan niya ito ng tubig, inaalagaan ito. Nakikita iyon, labis itong nakaramdam ng pagkakasala at umiyak sa labis na emosyon, sinasabing: “Huwag kang maging napakabait sa’kin. Binigo kita. Hinding hindi na ako makikipag-usap sa babaeng iyon, mula ngayon ay tamasahin na lang natin ang sandaling magkasama tayong dalawa.…” Tinapos nito ang relasyon nito sa ibang babae pagkatapos noon—hindi na sila nag-usap muli, at naging mas maganda ang pakikitungo nito kay Jiamei kaysa noon. Alam ni Jiamei na ang lahat ng iyon ay mabubuting gawain ng Diyos, at labis niyang naranasan na tanging sa paghahanap ng katotohanan at pagsasagawa ng mga salita ng Diyos lamang siya maaaring makalaya mula sa pagdurusa at mabuhay nang maligaya!

 

Contact Us

Ang dedikadong mga kinatawan namin ay narito 24/7 upang lutasin ang kalituhan at problema ninyo sa pananampalataya at buhay.

avatar
  Subscribe  
Notify of