Mag-subscribe

Menu

Susunod

"Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos" | Sipi 36

242 2020-06-22

Araw-araw na mga Salita ng Diyos | “Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos” | Sipi 36

Sa sandaling ang Kapanahunan ng Kaharian ay nagsimula, sinimulan ng Diyos na pakawalan ang Kanyang mga salita. Sa hinaharap, ang mga salitang ito ay unti-unting matutupad, at sa panahong iyon, ang tao ay lalago sa buhay. Ang paggamit ng Diyos ng salita upang ibunyag ang tiwaling disposisyon ay mas totoo, at mas kinakailangan, at wala na Siyang ginagamit kundi salita upang gawin ang Kanyang gawain na maperpekto ang pananampalataya ng tao, pagkat ngayon ay ang Kapanahunan ng Salita, at ito ay nangangailangan ng pananampalataya, kapasiyahan at pakikipagtulungan ng tao. Ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ay ang paggamit ng Kanyang salita upang maglingkod at maglaan. Tanging pagkatapos ang Diyos na magkatawang-tao ay mangusap ng Kanyang mga salita saka masisimulan ang mga ito na matupad. Sa panahon na Siya ay nangungusap, ang Kanyang mga salita ay hindi natutupad, sapagkat kapag Siya ay nasa yugto ng katawang-tao, ang Kanyang mga salita ay hindi maaaring matupad, at ito ay upang makita ng tao ang Diyos sa katawang-tao at hindi sa Espiritu, upang sa gayon makita ng tao sa sarili niyang mga mata ang realidad ng Diyos. Sa araw na iyon na makumpleto ang Kanyang gawain, kapag ang lahat ng mga salita na dapat wikain Niya sa lupa ay nabigkas na, ang Kanyang mga salita ay magsisimulang matupad. Ngayon ay hindi ang kapanahunan ng katuparan, sapagkat hindi pa Siya natatapos magwika ng Kanyang mga salita. Sa gayon kapag nakita mo na ang Diyos ay nagbibigkas pa rin ng Kanyang mga salita sa lupa, huwag mong hintayin ang katuparan ng Kanyang mga salita; kapag huminto na ang Diyos sa pagwika ng Kanyang mga salita, and at kapag ang Kanyang gawain sa lupa ay nakumpleto na, yaon ang magiging panahon na ang Kanyang mga salita ay magsisimulang matupad. Sa salitang winika Niya sa lupa, mayroon, sa isang pagsasaalang-alang, paglalaan sa buhay, at sa kabila, mayroong hula—ang hula ng mga bagay na darating, ng mga bagay na magagawa, at ng mga bagay na kailangan pang matupad. Mayroon ding hula sa mga salita ni Jesus. Sa isa, nagbigay Siya ng buhay, at sa ibang pagsasaalang-alang, nangusap Siya ng hula. Ngayon, walang usapan nang pagsasakatuparan ng mga salita at mga katunayan na sabay-sabay sapagkat ang kaibahan sa pagitan ng yaong nakikita ng tao sa sarili niyang mga mata at yaong ginagawa ng Diyos ay napakalaki. Masasabi lamang na kapag ang gawain ng Diyos ay nakumpleto, ang Kanyang mga salita ay matutupad, at ang mga katunayan ay susunod pagkatapos ng mga salita. Sa lupa, ang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ay nagsasagawa ng ministeryo ng salita, at sa pagsasagawa ng ministeryo ng salita, tanging nangungusap Siya ng mga salita, at walang malasakit sa ibang mga bagay. Kapag nagbago ang mga gawain ng Diyos, ang Kanyang mga salita ay magsisimulang matupad. Ngayon ang mga salita ay unang ginagamit upang ikaw ay maging perpekto; kapag natamo Niya ang kaluwalhatian sa buong sansinukob, yaon ang panahon na ang Kanyang gawain ay makukumpleto, kapag ang mga salitang dapat bigkasin ay nasabi na, at lahat ng mga salita ay naging mga katunayan. Ang Diyos ay naparito sa lupa sa panahon ng mga huling araw upang gawin ang ministeryo ng salita, upang ang makilala Siya ng tao, at sa gayon makita ng tao kung ano Siya, at makita ang Kanyang karunungan at lahat ng Kanyang nakamamanghang mga gawain mula sa Kanyang salita. Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos pangunahin ang salita upang lupigin ang lahat ng mga tao. Sa hinaharap, ang Kanyang salita ay darating sa bawat sekta, grupo, bansa at taguri; ginagamit ng Diyos ang salita upang lupigin, upang ipakita sa lahat ng tao na ang Kanyang salita ay nagtataglay ng awtoridad at kapangyarihan—at kaya ngayon, hinaharap mo lamang ang salita ng Diyos.

Ang mga salita na winika ng Diyos sa kapanahunang ito ay iba sa mga winika noong Kapanahunan ng Kautusan, at kaya, din, sila ay naiiba mula sa mga salita na winika noong Kapanahunan ng Biyaya. Sa Kapanahunan ng Biyaya, hindi ginawa ng Diyos ang gawain ng salita, ngunit payak naisinalarawan ang pagpapako sa krus upang tubusin ang lahat ng sangkatauhan. Ang Biblia ay isinasalarawan lamang kung bakit ipinako si Jesus, at ang mga paghihirap na dinaanan Niya sa krus, at kung paano ang tao ay dapat maipako para sa Diyos. Sa kapanahunang iyon, lahat ng gawain na ginawa ng Diyos ay nakasentro sa pagpapako sa krus. Sa Kapanahunan ng Kaharian, ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagwika ng mga salita upang lupigin ang lahat ng naniniwala sa Kanya. Ito “ang Salita na napakita sa katawang-tao”; ang Diyos ay naparito sa panahon ng mga huling araw upang gawin ang ganito, na ibig sabihin, Siya ay naparito upang tuparin ang aktwal na kabuluhan ng Salita na napapakita sa katawang-tao. Tanging nagwiwika Siya ng mga salita, at bihirang mayroong pagdating ng mga katunayan. Ito ang pinakasubstansya ng Salita na napakita sa katawang-tao, at nang ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagwika ng Kanyang mga salita, ito ang pagpapakita ng Salita sa katawang-tao, at ang Salita na naging katawang-tao. “Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. At nagkatawang-tao ang Verbo.” Ito (ang gawain ng pagpapakita ng Salita sa katawang-tao) ay ang gawain na tutuparin ng Diyos sa mga huling araw, at sa pangwakas na kabanata ng Kanyang buong plano sa pamamahala, at sa gayon ang Diyos ay naparito sa lupa at naghayag ng Kanyang mga salita sa katawang-tao. Yaong mga gagawin ngayon, yaong gagawin sa hinaharap, yaong tutuparin ng Diyos, ang huling hantungan ng tao, yaong maliligtas, yaong mga mawawasak, at iba pa—ang gawaing ito na dapat matamo sa pagtatapos ay maliwanag na nakasaad, at lahat ito ay upang tuparin ang aktwal na kabuluhan ng Salita na napakita sa katawang-tao. Ang atas ng pamamahala at saligang batas na dati nang nailathala, yaong mawawasak, yaong papasok sa pamamahinga—ang lahat ng mga salitang ito ay dapat matupad. Ito ang gawaing pangunahing natupad ng Diyos na nagkatawang-tao sa panahon ng mga huling araw. Pinaunawa Niya sa mga tao kung saan yaong mga itinadhana ng Diyos ay nabibilang at kung saan yaong mga hindi naitadhana ng Diyos ay nabibilang, kung paanong ang Kanyang mga tao at mga anak na lalaki ay dapat uriin, ano ang mangyayari sa Israel, ano ang mangyayari sa Egipto—sa hinaharap, bawat isa sa mga salitang ito ay matutupad. Ang mga hakbang ng mga gawain ng Diyos ay tumutulin. Ginagamit ng Diyos ang salita bilang mga paraan upang ibunyag sa tao kung ano ang gagawin sa bawat kapanahunan, kung ano ang gagawin ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw, at Kanyang ministeryo na dapat isagawa, at ang mga salitang ito lahat ay nasa ayos upang tuparin ang aktwal na kabuluhan ng Salitang napakita sa katawang-tao.

Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mag-iwan ng Tugon