01Naniniwala tayo sa Panginoon at napatawad na tayo sa ating mga kasalanan, kaya bakit nagkakasala pa rin tayo nang napakadalas?
Bagama’t napatawad na tayo sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa Panginoon, at kwalipikado tayong manalangin sa Diyos at magtamasa ng Kanyang biyaya at mga pagpapala, nakagapos pa rin tayo sa ating pagiging likas na makasalanan. Hindi natin mapigilang magkasala at kontrahin ang Diyos, at hindi maiaalis ang sarili sa pamumuhay sa kasalanan. Patuloy tayong nagsisinungaling at nililinlang natin ang Diyos alang-alang sa katayuan at reputasyon; lalo na kapag salungat ang gawain ng Diyos sa ating mga pagkaintindi, may tendesiya tayong sisihin Siya, husgahan Siya, at tanggihan o talikuran pa Siya. Malinaw na madalas magkasala at kumontra ang tao sa Diyos dahil sa kanilang pagiging likas na makasalanan.
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian
“Sapagka’t nalalaman ko na sa akin, sa makatuwid ay sa aking laman, ay hindi tumitira ang anomang bagay na mabuti: sapagka’t ang pagnanasa ay nasa akin, datapuwa’t ang paggawa ng mabuti ay wala” (Roma 7:18).
“Datapuwa’t nakikita ko ang ibang kautusan sa aking mga sangkap na nakikipagbaka laban sa kautusan ng aking pagiisip, at dinadala akong bihag sa ilalim ng kautusan ng kasalanan na nasa aking mga sangkap. Abang tao ako! sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan?” (Roma 7:23–24).
02Makakapasok ba ang mga tao sa kaharian ng Diyos kung ang kanilang pagiging likas na makasalanan ay hindi nalutas at hindi pa sila nalilinis?
Sinabi ng Diyos, “Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t Ako’y banal” (Levitico 11:45). “Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailanman: ang anak ang nananahan magpakailanman” (Juan 8:34–35). Ang Diyos ay banal at matuwid, at sa kaharian ng langit naghahari ang Diyos, ito ang banal na lupain; hindi maaaring payagan ng Diyos kailanman na makapasok sa Kanyang kaharian yaong mga likas na makasalanan at mahilig magkasala. Natutukoy ito ng Kanyang matuwid na disposisyon. Malinaw na kung hindi malutas ang pagiging likas na makasalanan ng tao, walang paraan para siya makatakas sa kasalanan, malinis, at makapasok sa kaharian ng langit.
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian
“Sapagka’t kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan, Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway” (Mga Hebreo 10:26–27).
“Hindi ang bawa’t nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa Akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa Iyong pangalan, at sa pangalan Mo’y nangagpalayas kami ng mga demonyo, at sa pangalan Mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang kamangha-mangha? At kung magkagayo’y ipahahayag Ko sa kanila, kailan ma’y hindi Ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7:21–23).
“Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t Ako’y banal” (Levitico 11:45).
“Kung walang kabanalan, walang taong makakakita sa Panginoon” (Mga Hebreo 12:14).
“Katotohanan, katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailanman: ang anak ang nananahan magpakailanman” (Juan 8:34–35).
03Paano tayo makakatakas sa kasalanan at malilinis?
Ipinopropesiya sa Biblia, “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan” (Juan 16:12–13). “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos” (1 Pedro 4:17). Pinangakuan tayo ng Diyos na paparito Siyang muli sa mga huling araw, na ipapahayag Niya ang lahat ng katotohanan para sa paglilinis at pagliligtas ng sangkatauhan, isasagawa ang gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos, lubos na lulutasin ang pagiging likas na makasalanan at satanikong disposisyon ng tao, at palalayain ang mga tao mula sa kasalanan para sila ay mapadalisay at madala sa kaharian ng langit.
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian
“Ay gayon din naman si Cristo; na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa’y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa Kanya” (Mga Hebreo 9:28).
“Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan” (Juan 16:12–13).
“Siya na nagtatakwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga salita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:48).
“Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos” (1 Pedro 4:17).
“Pakabanalin Mo sila sa pamamagitan ng Iyong katotohanan: ang salita Mo’y katotohanan” (Juan 17:17).
“At mangyayari, na sa buong lupain, sabi ni Jehova, dalawang bahagi ay mahihiwalay at mamamatay; nguni’t ang ikatlo ay maiiwan. At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila’y dadalisayin ko na parang pilak na dalisay, at sila’y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto. Sila’y magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang didinggin: aking sasabihin, Siya’y bayan ko; at kanilang sasabihin, Si Jehova ay aking Diyos” (Zacarias 13:8–9).
“Mapapalad ang mga gumagawa ng Kanyang mga utos, upang sila’y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay, at makapasok sa bayan sa pamamagitan ng mga pintuan” (Pahayag 22:14).