Bakit Nagkakasala Pa Rin Tayo Pagkatapos ng Pangungumpisal? Paano Tayo Makakatakas Sa Pagkaalipin sa Kasalanan?
Sinabi ng Panginoong Jesus, “Katotohanan, katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man” (Juan 8:34–35). Sinabi sa atin ng mga salita ng Diyos na kung hindi maiaalis ng mga tao ang kanilang sarili sa gapos at mga kadena ng kasalanan, at nagpatuloy sila sa paggawa ng kasalanan, kung gayon sila ay alagad ng kasalanan at hindi kailanman makakapasok sa kaharian ng Diyos. Sa pagbabasa ng talatang ito ng Kasulatan, maraming matapat na mga kapatid ang mag-iisip kung paano sila nagkakasala sa araw at nagtatapat sa gabi, at kaya sila ay mag-aalala na sila’y namumuhay sa kasalanan at hindi maaaring pumasok sa kaharian ng Diyos, at magdurusa sila sa kanilang mga puso. Naniniwala sila sa Panginoon, kaya bakit hindi nila maialis ang kanilang sarili sa kasalanan? Paano ba talaga natin maiaalis ang ating mga sarili mula sa mga kadena ng kasalanan? Pagbabahagian natin ang aspetong ito ng katotohanan.
- Quick Navigation
- Bakit Hindi Natin Magawa na Maialis ang mga Gapos ng Kasalanan sa Ating Paniniwala sa Panginoon?
- Paano Maiaalis ng mga Kristiyano ang Kanilang Sarili Mula sa Mga Gapos ng Kasalanan?
- Paano Nililinis at Hinahatulan ng Diyos ang Tao?
Bakit Hindi Natin Magawa na Maialis ang mga Gapos ng Kasalanan sa Ating Paniniwala sa Panginoon?
Pagdating sa katanungan ng bakit naniniwala tayo sa Panginoon subalit hindi magawa na maialis ang ating sarili sa kasalanan, basahin muna natin ang talatang ito ng mga salita ng Diyos: “Kahit na ang tao ay maaaring natubos at napatawad na sa kanyang mga kasalanan, ito ay maaaring ituring lamang bilang hindi pagkaalala ng Diyos sa mga paglabag ng tao at hindi pagtrato sa tao alinsunod sa mga paglabag ng tao. Subalit, kapag ang tao na namumuhay sa laman, ay hindi pa napapalaya mula sa kasalanan, siya ay maaaring magpatuloy lamang sa pagkakasala, na walang-katapusang hinahayag ang kanyang maka-satanas na disposisyon. Ito ang buhay ng tao, isang walang-katapusang pagpapaulit-ulit ng kasalanan at kapatawaran. Ang karamihan ng tao ay nagkakasala sa araw upang magtapat ng kasalanan sa gabi. Dahil dito, kahit na ang handog para sa kasalanan ay magpakailanmang mabisa para sa tao, hindi nito magagawang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging kalahati lang ng gawain ng pagliligtas ang nakumpleto, sapagkat ang tao ay mayroon pa ring tiwaling disposisyon” (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ipinapakita sa atin ng mga salita ng Diyos na bagaman sumailalim na tayo sa pagtubos ng Panginoong Jesus at napatawad ang ating mga kasalanan, at kahit na, matapos magkasala, nagdarasal tayo, nagtatapat at nagsisisi sa Panginoon at hindi na tayo tinitingnan ng Panginoon bilang mga makasalanan, ang ating makasalanang kalikasan ay umiiral pa rin; may kakayahan pa rin tayong madalas na magkasala, magbunyag ng ating mga tiwaling disposisyon, at ang mamuhay sa kasalanan sa araw upang ipagtapat lamang sa gabi. Halimbawa, kapag ang ibang tao ay nagsabi o gumawa ng mga bagay na nakakasakit sa ating sariling mga interes, kinamumuhian natin sila; alam na alam natin na minamahal ng Diyos ang mga matatapat, subalit madalas tayong nagsisinungaling at nandadaya para sa kapakanan ng ating mga sariling interes; kapag pinagpala ng Diyos, patuloy tayong nagpapasalamat sa Diyos; kapag nasasalanta ng mga kalamidad, nagsisimula tayong magmaktol sa Diyos, at maaari pa nga tayong magreklamo laban sa Diyos, hayagang nagpapakalat ng panlalait sa Kanya. At kaya maaaring makita na bagaman ang ating kasalanan ay napatawad, ang mga tiwaling disposisyon sa loob natin ay hindi pa nalinis, sapagkat ang ginawa ng Panginoong Jesus ay ang gawain ng pagpapapako at pagtubos sa sangkatauhan. Tayo ay ginawang tiwali ni Satanas sa loob ng libu-libong mga taon at ang ating mga maka-satanas na disposisyon ay matatag na nakaugat sa loob natin. Ang pagiging mayabang, katusuhan, katigasan, karahasan, kasamaan, at pagkasuklam sa katotohanan—lahat ng ito ay higit na suwail kaysa sa kasalanan at maaaring gawin ang taong direktang salungatin ang Diyos. Kung ang mga ugat na sanhing ito ay hindi napagtuunan, magkakasala tayo ngayon at gayundin ay magkakasala bukas, lubos na walang kakayahang makawala sa mga gapos at hadlang ng kasalanan.
Paano Maiaalis ng mga Kristiyano ang Kanilang Sarili Mula sa Mga Gapos ng Kasalanan?
Kaya paano ba talaga natin ganap na mapapalaya ang ating mga sarili mula sa mga kadena ng kasalanan? Ipinropesiya ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi Siya magsasalita ng mula sa Kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na Kaniyang marinig, ang mga ito ang Kaniyang sasalitain: at Kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13). “At kung ang sinomang tao’y nakikinig sa Aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi Ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi Ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47–48).
Sinasabi rin ng mga salita ng Diyos, “Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay” (Paunang Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Sinasabi sa atin ng mga salita ng Diyos na ang Diyos ay babalik sa mga huling araw upang magpahayag ng Kanyang mga salita at gampanan ang gawain ng paghatol, ganap na lulutasin ang mga tiwaling disposisyon ng tao at inililigtas siya mula sa kasalanan. Ngayon, ang Panginoong Jesus ay bumalik sa katawang-tao bilang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao. Batay sa gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, nagsagawa ng isang yugto ng Kanyang gawain ang Makapangyarihang Diyos, ang paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos. Ipinahayag Niya ang lahat ng katotohanan para sa paglilinis at pagliligtas ng sangkatauhan, nilulutas ang ating mga makasalanang kalikasan mula sa pinakaugat at tinutulutan tayong maunawaan ang katotohanan, alisin ang ating sarili sa kasalanan, tumigil sa paggawa ng kasalanan at paglaban sa Diyos, at maging mga taong sumusunod at gumagalang sa Diyos, na kung kailan tayo ay tunay na nakakamit ng Diyos. Kung tatanggapin lamang natin ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw tayo ay magkakaroon ng pagkakataong maialis sa ating sarili ang ating mga tiwaling disposisyon at malinis.
Paano Nililinis at Hinahatulan ng Diyos ang Tao?
Kaya paano ba isinasagawa ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw ang gawain ng paghatol upang linisin at iligtas ang tao, tinutulutan ang taong mapalaya ang kanyang sarili mula sa kasalanan? Basahin natin ang isa pang talata ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos” (“Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Sa pagbanggit ng gawain ng paghatol, maaaring isipin ng ilang mga tao: Hindi ba pagkondena ng Diyos ang paghatol? Paanong ang isang tao ay maliligtas pa rin ng Diyos? Na mayroon tayong gayong mga saloobin dahil hindi natin alam ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Sinasabi sa atin ng mga salita ng Diyos na ang gawain ng paghatol na isinagawa ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay pangunahing pagpapahayag ng katotohanan upang hatulan at linisin ang tao, sa gayon ay tinutulutan tayo, mula sa mga paghahayag ng mga salita ng Diyos, na kilalanin ang ating sariling mga tiwaling disposisyon at malaman ang tunay na katotohanan ng ating katiwalian sa kamay ni satanas. Ang mga salita ng Diyos ay tulad ng isang espada na may dalawang talim; kapag binabasa natin ang mga salita ng Diyos, ito ay parang hinahatulan at inilalantad Niya tayo nang harapan, na pinahihintulutan tayong makilala ang ating sariling mga maka-satanas na tiwaling disposisyon, mga disposisyon na mapagmataas, tuso at masama. Nang magsimula tayong maniwala sa Panginoon, halimbawa, natatamasa natin ang biyaya ng Panginoon, mayroong kapayapaan at kagalakan sa ating mga puso, at partikular na matapos nating makita ang mga pagpapala at pangakong ibinigay sa atin ng Panginoon, lalo tayong naging masigasig sa paglalaan ng ating sarili para sa Kanya. Hindi natin pinalalampas ang isang pagtitipon o nilalaktawan ang pagbabasa ng Kasulatan; madalas nating sinusuportahan ang mga kapatid na mahina, nagpapakalat ng ebanghelyo saan man tayo magpunta, nagtitiyaga sa ating debosyon at kawanggawa, nagtitiwala na kung gugugulin natin ang ating sarili sa gayon, sisiguraduhin ng Panginoon na ang lahat ay ligtas at maayos para sa atin, at na kalaunan ay maaari tayong makapasok sa kaharian ng langit at makamit ang buhay na walang hanggan. Ngunit kapag ang kasawian ay dumarating sa atin, kapag hindi tayo binabantayan at pinoprotektahan ng Panginoon, pinanghihinayangan natin kung paano natin ginugol ang ating sarili para sa Panginoon noon, at nagsisimula pang sisihin ang Diyos sa ating mga puso. Kung tinanggap natin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, nakikita natin na sinasabi Niya, “Nasa ganitong uri ng kalagayan ang karamihan ng mga tao ngayon: ‘Upang makamit ang mga pagpapala, dapat kong gugulin ang aking sarili para sa Diyos at magdusa para sa Kanya. Upang makamit ang mga pagpapala, dapat kong talikdan ang lahat para sa Diyos; dapat kong tapusin ang ipinagkatiwala Niya sa akin, at tuparing mabuti ang aking tungkulin.’ Pinangingibabawan ito ng layuning magtamo ng mga pagpapala, na isang halimbawa ng paggugol sa sarili sa kabuuan para sa layunin ng pagkakamit ng mga gantimpala mula sa Diyos at pagkakamit ng isang korona. Hindi nagtataglay ng katotohanan ang mga puso ng ganoong mga tao, at tiyak na binubuo lamang ang kanilang pagkaunawa ng ilang salita ng doktrina na ipinangangalandakan nila saan man sila mapadako. Ang landas nila ay ang landas ni Pablo” (“Paano Lakaran Ang Landas ni Pedro” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). “Ang relasyon ng tao sa Diyos ay para lamang sa sarili nilang interes. Sa madaling salita, katulad ito ng relasyon sa pagitan ng empleyado at ng amo. Nagtatrabaho lamang ang empleyado para matanggap ang mga gantimpalang ipinagkakaloob ng amo. Walang pagmamahal sa gayong relasyon, transaksyon lamang. Walang nagmamahal o minamahal, kawanggawa at awa lamang. Walang pag-unawa, pigil na galit at panlilinlang lamang. Walang pagiging matalik, isang pagitan lamang na hindi matatawid” (“Maaari Lamang Maligtas ang Tao sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay diretso sa puntong inilalantad ang maling mga motibasyon at pananaw ng ating pananampalataya sa Diyos. Sa pamamagitan lamang ng pagsasalamin sa ating sarili mapagtatanto natin na hindi tayo nagsusumikap dahil sa ating pag-ibig para sa Diyos at dahil nais nating palugurin ang Diyos; sa halip, inaasahan natin na ang paglalaan ng ating mga sarili ay kapalit ng mga pagpapala at pangako ng Diyos—ang ating mabuting pag-uugali at pagkilos ay para makamit lamang ang ating sariling mga layunin. Sa gayong mga pagkakataon, nakikita natin kung gaano tayo kamakasarili at kawalang-dangal. Namumuhay tayo sa pamamagitan ng satanikong batas ng, “Bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba”; lahat ng ginagawa natin ay para sa ating sariling kapakanan, at kahit na iginugugol natin ang ating sarili nang kaunti sa ating pananampalataya sa Diyos, ito rin, ay upang makakuha ng mga benepisyo at pagpapala mula sa Diyos. Nais nating ipagpalit ang kaunting paggugol para sa malalaking pagpapala, at hinahangad nating makakuha ng makasangdaan sa buhay na ito at upang makatamo ng buhay na walang hanggan sa darating na mundo. Hindi talaga natin iginugugol ang ating sarili upang maisagawa ang ating tungkulin bilang nilikhang nilalang at suklian ang pag-ibig ng Diyos. Kapag ang ating sariling hangarin at kagustuhan ay hindi natutupad, maaari tayong maging negatibo, magreklamo, maghimagsik sa Diyos at salungatin ang Diyos. Kapag nakikita natin kung gaano tayo karumi at katiwali, na tayo ay nawalan ng konsiyensya at pangangatwiran at ganap na hindi karapat-dapat na makatanggap ng mga gantimpala at pagpapala ng Diyos, sa ating mga puso ay nakakaramdam tayo ng pagsisisi at pagpipigil sa sarili. Kinamumuhian natin ang ating sarili, at pinipilit na magpatirapa sa harapan ng Diyos upang aminin ang ating mga kasalanan, umaasa na magsimula muli, handang gugulin ang ating sarili para sa Diyos, at hindi na humihiling ng anumang kapalit. Sa pagdanas ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, nakikilala natin ang ating sariling mga maka-satanas na disposisyon, at nakikita natin na kinamumuhian ng Diyos ang mga kasalanan ng tao. Nakikita natin na saanman mayroong karumihan, naroon ang paghatol ng Diyos, at nalalaman natin ang banal na diwa ng Diyos at ang Kanyang katuwiran, hindi malalabag na disposisyon, at sa gayon ay nabubuo sa atin ang isang pusong may takot sa Diyos. Sa ilalim ng patnubay ng mga salita ng Diyos, unti-unting nauunawaan natin ang kalooban at mga kinakailangan ng Diyos, nakatatayo tayo nang matatag sa posisyon ng isang nilalang upang gampanan ang isang maliit na tungkulin ng tao, nagiging pakaunti nang pakaunti ang pakikipagtransaksyon sa ating pakikitungo sa Diyos, mas nagiging malapit na malapit ang relasyon natin sa Diyos, ang ating mga tiwaling disposisyon ay sumailalim sa ilang pagbabago, at sa huli ay ipinamumuhay natin ang pagkakatulad ng isang tunay na nilikhang tao.
Na nagagawa nating magbago tulad ng mayroon tayo ngayon ay epekto lahat na nakamit sa atin ng gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos. Lahat ng nakaranas ng paghatol at pagkastigo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at totoong nagmamahal sa katotohanan, makalipas ang maraming taon malinaw na nakikita nila ang isang pagbabago at umani ng bunga; sa kanilang mga puso, nadarama nila kung gaano kalaki ang pag-ibig ng Diyos para sa tao at kung gaano kadakila ang Kanyang pagliligtas sa tao, at nagkakaroon sila ng malalim na pagpapahalaga kung gaano katotoo ang gawain ng Diyos. Napagtanto nila na ang paghatol at pagkastigo lamang ng Diyos ang tunay na kaligtasan, at sa pamamagitan lamang ng pagtanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw at nararanasan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, maaari silang malinis at mabago—ito lamang ang landas na kung saan maaari nating maialis ang ating mga sarili sa kasalanan.
- Tala ng Patnugot:
-
Nalutas ba ng pagbabahaging ito ang iyong kalituhan? Nahanap mo ba sa pagbabahaging ito ang landas upang lubusang maialis ang iyong sarili sa kasalanan? Kung nadarama mo na nakatulong ito sa iyo, sundan ang website na ito at patuloy namin itong iuupdate ng bagong nilalaman. Kung sinuman sa kakilala mo ay nalito ring tulad mo, mangyaring pakibahagi ang artikulong ito sa kanila. Kung mayroon kang anumang mga katanungan o suliranin, mangyaring kontakin kami anumang oras, at babasahin namin ito at sisiyasatin nating magkasama!