01 Ang Huling Trumpeta ay Tumunog Na at ang Panginoong Jesus ay Dumating na ng Lihim

Sa mga huling araw, ang mga sakuna ay umuusbong saanman. Mga lindol, mga salot, mga taggutom, mga pagbaha, mga tagtuyot, mga insektong salot, atbp. ay nangyayari ng madalas at nagiging mas higit pang seryoso. Ang iba’t ibang mga bansa sa buong mundo ay may kaguluhan. Ang mga pangitain ay lumitaw din sa mga bituin. Malinaw na, ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon ay nangatupad na, ang trumpeta ay tumunog na, at ang Panginoong Jesus ay dumating na ng lihim.

Mga Propesiya Tungkol sa mga Sakuna sa mga Huling Araw

“At samantalang siya’y nakaupo sa bundok ng mga Olivo, ay nagsilapit sa kaniya ng bukod ang mga alagad, na nagsisipagsabi, Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan? At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila…. At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka’t kinakailangang ito’y mangyari datapuwa’t hindi pa ang wakas. Sapagka’t magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba’t ibang dako. Datapuwa’t ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan. … Sapagka’t kung magkagayo’y magkakaroon ng malaking kapighatian, na ang gayo’y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanglibutan hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man” (Mateo 24:3-21).

At ako’y magpapakita ng mga kababalaghan sa langit at sa lupa, dugo, at apoy, at mga haliging usok. Ang araw ay magiging kadiliman, at ang buwan ay dugo, bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ni Jehova” (Joel 2:30-31).

At nang buksan niya ang ikaapat na tatak, ay narinig ko ang tinig ng ikaapat na nilalang na buhay na nagsasabi, Halika. At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputla: at ang nakasakay dito ay may pangalang Kamatayan; at ang Hades ay sumusunod sa kaniya. At sila’y pinagkalooban ng kapamahalaan sa ikaapat na bahagi ng lupa, na pumatay sa pamamagitan ng tabak, at ng gutom, at ng salot, at ng mga ganid na hayop sa lupa” (Pahayag 6:7-8).

Basahin ang iba pa

Mga Propesiya Tungkol sa Kung Paano Babalik ang Panginoong Jesus sa mga Huling Araw

“Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:27).

“Kaya nga kayo’y magsihanda naman; sapagka’t paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip” (Mateo 24:44).

“Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw. Mapalad siyang nagpupuyat, at nagiingat ng kaniyang mga damit, na baka siya’y lumakad na hubad, at makita nila ang kaniyang kahihiyan” (Pahayag 16:15).

“Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20).

“Narito, siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya. Gayon din, Siya nawa” (Pahayag 1:7).

Basahin ang iba pa

Nauugnay na mga Salita ng Diyos

Ibinigay Ko ang Aking kaluwalhatian sa Israel at pagkatapos ay inalis iyon, at pagkatapos ay dinala ang mga Israelita patungo sa Silangan, at ang buong sangkatauhan patungo sa Silangan. Nadala Ko silang lahat sa liwanag upang sila ay muling makaisa nito, at makasama nito, at hindi na muling mangailangan pang maghanap para dito. Pahihintulutan Ko ang lahat ng naghahanap na makitang muli ang liwanag at makita ang kaluwalhatian na mayroon Ako noon sa Israel; sila ay pahihintulutan Ko na makitang matagal na Akong nakababa mula sa isang puting ulap tungo sa kalagitnaan ng sangkatauhan, at hayaan silang makita ang hindi-mabilang na mga ulap na puti at masaganang kumpul-kumpol na prutas, at higit pa rito, hayaan silang makita si Jehova na Diyos ng Israel. Sila ay hahayaan Kong tumingin sa Panginoon ng mga Judio, ang kinasasabikang Mesiyas, at sa buong pagpapakita Ko na inusig na ng mga hari sa buong mga kapanahunan. Ako ay gagawa sa buong sansinukob at Ako ay gaganap ng dakilang gawain, ibinubunyag ang Aking buong kaluwalhatian at lahat ng Aking mga gawa sa tao sa mga huling araw. Ipakikita Ko ang Aking maluwalhating mukha sa kapuspusan nito sa mga naghintay sa Akin nang maraming taon, sa mga nanabik sa Akin na dumating sa ibabaw ng puting ulap, sa Israel na nanabik sa Akin na magpakitang muli, at sa buong sangkatauhan na siyang umuusig sa Akin, upang ang lahat ay makaaalam na matagal Ko nang inalis ang Aking kaluwalhatian at dinala ito sa Silangan, nang sa gayon ito ay wala na sa Judea. Sapagka’t ang mga huling araw ay nakarating na!

Ginagawa Ko sa buong sansinukob ang Aking gawain, at sa Silangan, walang-katapusan ang paglabas ng dumadagundong na mga kalabog, yumayanig sa lahat ng bansa at mga denominasyon. Ang Aking tinig ang nag-akay sa lahat ng tao tungo sa kasalukuyan. Sasanhiin Kong malupig ng Aking tinig ang lahat ng tao, upang mangahulog sa agos na ito, at magpasakop sa Aking harapan, dahil matagal Ko nang binawi ang Aking kaluwalhatian mula sa buong daigdig at inilabas ito nang panibago sa Silangan. Sino ang hindi nananabik na makita ang Aking kaluwalhatian? Sino ang hindi balisang naghihintay sa Aking pagbabalik? Sino ang hindi nauuhaw sa Aking muling pagpapakita? Sino ang hindi nagmimithi sa Aking pagiging kaibig-ibig? Sino ang hindi lalapit sa liwanag? Sino ang hindi titingin sa kayamanan ng Canaan? Sino ang hindi nananabik sa pagbabalik ng Manunubos? Sino ang hindi sumasamba sa Dakilang Makapangyarihan sa lahat? Ang Aking tinig ay lalaganap sa buong daigdig; nais Ko, kaharap ang mga taong Aking hinirang, na magsalita pa ng marami pang salita sa kanila. Kagaya ng makapangyarihang mga kulog na yumayanig sa mga bundok at mga ilog, Aking winiwika ang Aking mga salita sa buong sansinukob at sa sangkatauhan. Kaya naman ang mga salita sa Aking bibig ay naging yaman ng tao, at minamahal ng lahat ng tao ang Aking mga salita. Kumikislap ang kidlat mula Silangan nang tuluy-tuloy hanggang Kanluran. Ang Aking mga salita ay ayaw isuko ng mga tao at kasabay nito ay nasusumpungang hindi nila maarok ang mga ito, ngunit mas nagagalak sa mga ito. Gaya ng isang bagong-silang na sanggol, masaya at nagagalak ang lahat ng tao, ipinagdiriwang ang Aking pagdating. Sa pamamagitan ng Aking tinig, dadalhin Ko ang lahat ng tao sa Aking harapan. Mula roon, pormal Akong papasok sa lahi ng mga tao nang sa gayon ay lumapit sila para sambahin Ako. Sa pamamagitan ng kaluwalhatiang nababanaag sa Akin at ng mga salita sa Aking bibig, Aking gagawin ito na anupa’t lahat ng tao ay lumalapit sa Aking harapan at nakikita na kumikidlat mula sa Silangan at na nakababa na rin Ako sa “Bundok ng mga Olivo” ng Silangan. Makikita nila na matagal na Akong nasa daigdig, hindi na bilang Anak ng mga Judio kundi bilang Kidlat ng Silangan. Dahil matagal na Akong nabuhay na mag-uli, at lumisan na mula sa sangkatauhan, at nagpakitang muli sa mga tao nang may kaluwalhatian. Ako ang Siyang sinamba nang napakaraming panahon bago ngayon, at Ako rin ang sanggol na tinalikdan ng mga Israelita nang napakaraming panahon bago ngayon. Bukod pa rito, Ako ang lubos na maluwalhating Makapangyarihang Diyos sa kasalukuyang kapanahunan! Hayaang lumapit ang lahat sa harapan ng Aking luklukan at tingnan ang Aking maluwalhating mukha, marinig ang Aking tinig, at masdan ang Aking mga gawa. Ito ang kabuuan ng Aking kalooban; ito ang katapusan at rurok ng Aking plano, gayundin ang layunin ng Aking pamamahala. Hayaang sambahin Ako ng bawat bansa, kilalanin Ako ng bawat dila, panatilihin ng bawat tao ang kanyang pananampalataya sa Akin, at magpasakop sa Akin ang bawat tao!

—mula sa “Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nagpopropesiya na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob”

Sa loob ng ilang libong mga taon, pinananabikan na ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Pinananabikan na ng tao na mapagmasdan si Jesus na Tagapagligtas na nasa puting ulap habang Siya ay bumababa, nang personal, sa gitna niyaong mga nanabik na at naghangad sa Kanya sa loob ng libu-libong mga taon. Hinangad na ng tao na bumalik ang Tagapagligtas at muling makasama ng mga tao, iyon ay, na si Jesus na Tagapagligtas ay bumalik sa mga tao na napahiwalay sa Kanya sa loob ng libong mga taon. At umaasa ang tao na muli Niyang isasakatuparan ang gawain ng pagtubos na ginawa Niya sa gitna ng mga Judio, magiging mahabagin at mapagmahal sa tao, patatawarin ang mga kasalanan ng tao, papasanin ang mga kasalanan ng tao, at papasanin na pati lahat ng mga paglabag ng tao, at palalayain ang tao mula sa kasalanan. Pinananabikan nila na si Jesus na Tagapagligtas ay maging katulad ng dati—isang Tagapagligtas na kaibig-ibig, magiliw at kagalang-galang, na hindi kailanman napopoot sa tao, at hindi kailanman nanunumbat sa tao. Ang Tagapagligtas na ito ay nagpapatawad at nagpapasan ng lahat ng mga kasalanan ng tao, at namamatay pang muli sa krus para sa tao. Mula nang lumisan si Jesus, ang mga disipulo na sumunod sa Kanya, at lahat ng mga banal na naligtas salamat sa Kanyang pangalan, ay desperadong nangungulila sa Kanya at hinihintay Siya. Lahat niyaong mga naligtas sa pamamagitan ng biyaya ni Jesucristo sa Kapanahunan ng Biyaya ay nananabik sa masayang araw na yaon sa mga huling araw, kung kailan si Jesus na Tagapagligtas ay dumarating sa isang puting ulap at nagpapakita sa gitna ng tao. Mangyari pa, ito rin ang sama-samang inaasam ng lahat niyaong mga tumatanggap sa pangalan ni Jesus na Tagapagligtas ngayon. Sa buong sansinukob, lahat niyaong mga nakakaalam tungkol sa pagliligtas ni Jesus na Tagapagligtas ay desperado nang nananabik para sa biglaang pagdating ni Jesucristo, upang tuparin ang mga salita ni Jesus noong nasa lupa: “Babalik Ako tulad ng Aking paglisan.” Ang tao ay naniniwala na, kasunod ng pagkakapako sa krus at pagkabuhay na mag-uli, si Jesus ay bumalik sa langit sa ibabaw ng isang puting ulap, at naupo sa Kanyang luklukan sa kanan ng Kataas-taasan. Iniisip ng tao na kahalintulad nito, si Jesus ay bababang muli sakay ng isang puting ulap (ang ulap na ito ay tumutukoy sa ulap na sinakyan ni Jesus nang bumalik Siya sa langit), sa gitna niyaong mga desperado nang nananabik sa Kanya sa loob ng libong mga taon, at na tataglayin Niya ang larawan at pananamit ng mga Judio. Matapos ang pagpapakita sa tao, magkakaloob Siya ng pagkain sa kanila, at magsasanhi ng pagbukal ng tubig na nagbibigay-buhay para sa kanila, at mamumuhay kasama ng tao, puspos ng biyaya at pagmamahal, buhay at tunay. At iba pa. Datapwa’t hindi ito ginawa ni Jesus na Tagapagligtas; ginawa Niya ang kabaligtaran ng inisip ng tao. Hindi Siya dumating sa gitna niyaong mga naghangad sa Kanyang pagbabalik, at hindi nagpakita sa lahat ng tao habang nakasakay sa puting ulap. Siya ay nakarating na, subali’t hindi Siya kilala ng tao, at nananatiling walang alam tungkol sa Kanya. Ang tao ay walang layon na naghihintay lamang sa Kanya, hindi-nakakamalay na nakababa na Siya sakay sa isang “puting ulap” (ang ulap na ang Kanyang Espiritu, Kanyang mga salita, at Kanyang buong disposisyon at lahat ng kung ano Siya), at ngayon ay kasama ng isang grupo ng mga mananagumpay na Kanyang gagawin sa mga huling araw. Hindi ito alam ng tao: Bagaman ang banal na Tagapagligtas na si Jesus ay puno ng pagkagiliw at pagmamahal sa tao, paano Siya makakagawa sa mga “templo” na pinamamahayan ng karumihan at di-malinis na mga espiritu? Bagaman naghihintay na ang tao sa Kanyang pagdating, paano Siya makakapagpakita sa mga yaon na kumakain ng laman ng mga di-matuwid, umiinom ng dugo ng di-matuwid, nagsusuot ng mga damit ng di-matuwid, na naniniwala sa Kanya nguni’t hindi Siya kilala, at patuloy na nangingikil sa Kanya? Ang alam lamang ng tao ay na si Jesus na Tagapagligtas ay puno ng pagmamahal at habag, at ang handog para sa kasalanan na puspos ng pagtubos. Nguni’t ang tao ay walang ideya na Siya rin ay ang Diyos Mismo, na nag-uumapaw sa pagkamakatuwiran, kamahalan, matinding galit, at paghatol, at may angking awtoridad at puno ng dangal. At sa gayon bagaman ang tao ay masugid na naghahangad at nananabik para sa pagbabalik ng Manunubos, at kahit ang Langit ay naaantig sa mga dalangin ng tao, si Jesus na Tagapagligtas ay hindi nagpapakita sa mga yaon na naniniwala sa Kanya nguni’t hindi Siya nakikilala.

—mula sa “Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng ‘Puting Ulap’

Ang mga huling araw ay dumating na, at ang mga bansa sa buong mundo ay nasa kaguluhan. Mayroong kaguluhang pulitikal, may mga taggutom, mga salot, mga pagbaha, at ang mga pagkatuyot na lumilitaw sa lahat ng dako. Mayroong malaking sakuna sa mundo ng tao; ang Langit ay nagpadala rin ng sakuna. Ito ang mga palatandaan sa mga huling araw. Nguni’t sa mga tao, para itong isang mundo ng saya at kaningningan, isa na nagiging mas higit pa. Ang mga puso ng mga tao ay naaakit dito, at maraming tao ang nakukulong at hindi magawang pakawalan ang kanilang mga sarili mula rito; napakalaking bilang ang malilinlang nilang mga nakikibahagi sa panlilinlang at salamangka.

—mula sa “Pagsasagawa (2)

Lahat ng sakuna ay isa-isang babagsak; lahat ng bansa at lahat ng lugar ay makakaranas ng mga sakuna—ang salot, gutom, baha, tagtuyot at mga lindol ay nasa lahat ng dako. Ang mga sakunang ito ay hindi lamang basta nangyayari sa isa o dalawang lugar, ni matatapos ang mga iyon sa loob ng isa o dalawang araw, bagkus ay lalawak ang mga iyon sa loob ng palawak nang palawak na mga lugar, at ang mga sakuna ay magiging patindi nang patindi. Sa loob ng panahong ito lahat ng anyo ng mga salot na insekto ay lilitaw nang sunud-sunod, at ang penomeno ng kanibalismo ay mangyayari sa lahat ng dako. Ito ang Aking paghatol sa lahat ng bansa at mga bayan.

—mula sa “Kabanata 65” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula

Ngayon, hindi lamang Ako bumababa sa bansa ng malaking pulang dragon, ibinabaling Ko rin ang Aking mukha sa buong sansinukob, kaya’t nanginginig ang buong pinakamataas na langit. Mayroon bang kaisa-isang lugar na hindi sumasailalim sa Aking paghatol? Mayroon bang kaisa-isang lugar na hindi umiiral sa ilalim ng mga hagupit na Aking inihahagis pababa? Saanman Ako pumunta nagpakalat na Ako ng lahat ng uri ng mga binhi ng sakuna. Isa ito sa mga paraan kung paano Ako gumagawa, at ito ay walang duda na isang gawa ng pagliligtas para sa tao, at kung ano ang ipinaaabot Ko sa kanya ay isang uri pa rin ng pag-ibig. Inaasam Kong magkaroon pa ng mas maraming tao na makakilala sa Akin, makakita sa Akin, at sa ganitong paraan igalang ang Diyos na hindi pa nila nakita sa loob ng maraming taon ngunit sino, ngayon, ay tunay.

—mula sa “Kabanata 10” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob

Pagkatapos ng Kapanahunan ng Biyaya, ang huling kapanahunan ay dumating na at pumarito na si Jesus. Paanong Siya pa rin ay tinatawag na Jesus? Paano Niya nakakaya pang magkatawan sa anyo ni Jesus sa gitna ng tao? Nakalimutan mo na ba si Jesus ay isa lang imahe ng Nazareno? Nakalimutan mo na ba si Jesus ay ang Tagapagtubos lamang ng sangkatauhan? Paano Niya maisasagawa ang gawain ng panlulupig at gawing perpekto ang tao sa mga huling araw? Si Jesus ay umalis sa isang puting ulap, ito ay katotohanan, nguni’t paano Siya makababalik sa isang puting ulap sa gitna ng tao at tatawagin pa ring Jesus? Kung Siya ay talagang dumating sa isang ulap, hindi ba Siya makikilala ng tao? Hindi ba Siya makikilala ng mga tao sa buong mundo? Kung magkagayon, hindi ba magiging Diyos si Jesus nang mag-isa? Kung magkagayon, ang larawan ng Diyos ay magiging ang kaanyuan ng isang Judio, at mananatiling gayon magpakailanman. Sinabi ni Jesus na Siya ay darating kung paanong Siya ay umalis, nguni’t nalalaman mo ba ang tunay na kahulugan ng Kanyang mga salita? Nasabi ba Niya talaga sa inyo? Nalalaman mo lamang na Siya ay darating kung paanong Siya ay umalis, nakasakay sa isang ulap, nguni’t nalalaman mo ba talaga kung paano ginagawa ng Diyos Mismo ang Kanyang gawain? Kung talagang nakikita mo, kung gayon paano maipaliliwanag ang mga salita ni Jesus? Sinabi Niya: Kapag ang Anak ng tao ay dumating sa mga huling araw, hindi Niya malalaman sa ganang Kanyang Sarili, hindi malalaman ng mga anghel, hindi malalaman ng mga sugo sa langit, at hindi malalaman ng lahat ng mga tao. Tanging ang Ama ang makakaalam, iyon ay, ang Espiritu lamang ang makakaalam. Hindi nalalaman maging ng Anak ng tao sa ganang Kanyang Sarili, nguni’t nagagawa mong makita at malaman? Kung may kakayahan kang makaalam at makakita gamit ang iyong sariling mga mata, ang mga salita bang iyon ay hindi sinabi nang walang kabuluhan? At ano ang sinabi ni Jesus ng panahong iyon? “Nguni’t tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang. At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. … Kaya nga kayo’y magsihanda naman; sapagka’t paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip.” Kapag dumating ang araw na yaon, hindi ’yon malalaman ng Anak ng tao Mismo. Ang Anak ng tao ay tumutukoy sa nagkatawang-taong katawan ng Diyos, na magiging isang normal at karaniwang tao. Maging ang Anak ng tao Mismo ay hindi alam, kaya paano mo malalaman? Sinabi ni Jesus na Siya ay darating kung paanong Siya ay umalis. Kapag Siya ay dumating, maging Siya sa Kanyang Sarili ay hindi nakakaalam, kaya maaari ba Niyang ipaalam sa iyo nang mas maaga? Nakikita mo ba ang Kanyang pagdating? Hindi ba iyon isang biro?

—mula sa “Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)

Maaaring walang pakialam ang maraming tao sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ninyo nang sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sa ibabaw ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyan ng matinding katuwaan sa inyo, subalit dapat ninyong malaman na ang sandali kung kailan nasasaksihan ninyong bumababa si Jesus mula sa langit ay iyon din ang sandali ng pagbaba ninyo sa impiyerno para maparusahan. Ibabadya nito ang pagtatapos ng plano ng pamamahala ng Diyos, at mangyayari kung kailan ginagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga palatandaan ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga palatandaan, at sa gayon ay napadalisay na, ay makakabalik na sa harap ng luklukan ng Diyos at makakapasok na sa yakap ng Lumikha. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na “Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo” ang sasailalim sa walang-katapusang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga palatandaan, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng malupit na paghatol at nagpapakawala ng tunay na landas ng buhay. Kaya maaari lamang silang pakitunguhan ni Jesus kapag hayagan Siyang bumabalik sa ibabaw ng puting ulap. Masyado silang sutil, masyadong tiwala sa kanilang sarili, masyadong mayabang. Paano magagantimpalaan ni Jesus ang gayon kababang-uri? Ang pagbabalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga kayang tumanggap ng katotohanan, nguni’t para sa mga hindi kayang tumanggap ng katotohanan, ito’y tanda ng paghuhusga.

—mula sa “Sa Sandaling Mamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa”

Basahin ang iba pa

Makipag-ugnayan sa Amin

Ngayon, ang mga salot, mga taggutom, mga sunog, mga insektong salot , atbp. ay nagaganap ng madalas sa palibot ng mundo. Malinaw, ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon ay pangunahing natupad na. Sa napakahalagang panahong ito, paano natin sasalubungin ang Panginoon upang madala bago ang mga sakuna at matamo ang Kanyang proteksyon? Malaya kaming kontakin upang talakayin ito at magkasamang mahanap ang paraan.

02 Paano Dapat Salubungin ng mga Matalinong Dalaga ang Panginoon Upang Madala Bago ang mga Sakuna

Sinabi ng Panginoong Jesus, “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6). Sinabi ng Bibliya, “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko” (Pahayag 3:20). Malinaw, sa mga huling araw, ang Panginoon ay magsasalita upang kumatok sa ating mga pintuan. Naririnig ng mga matalinong dalaga ang tinig ng Diyos at nasasalubong ang pagdating ng Panginoon, sumusunod sa mga yapak ng Kordero, at madala sa harap ng luklukan ng Diyos at dadalo sa piging ng kasal ng Kordero.

Ang mga Matalinong Dalaga ay Naririnig ang Tinig ng Diyos at Sinasalubong ang Panginoon

Mga Talata ng Bibliya para sa Sanggunian

Nauugnay na mga Salita ng Diyos

Dahil dito, yamang hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagbigkas ng Diyos—sapagka’t kung saan man naroon ang mga bagong salita na binibigkas ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saan man naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saan man naroon ang pagpapahayag ng Diyos, doon nagpapakita ang Diyos, at kung saan man nagpapakita ang Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Sa paghahanap ng mga yapak ng Diyos, nabalewala na ninyo ang mga salitang “Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.” At kaya, ang maraming tao, kahit pa tumatanggap sila ng katotohanan, hindi sila naniniwala na nakita na nila ang mga yapak ng Diyos, at lalo pang hindi nila kinikilala ang pagpapakita ng Diyos. Napakatinding pagkakamali! Ang pagpapakita ng Diyos ay hindi maipagkakasundo sa mga pagkaintindi ng tao, lalo pang hindi maaaring magpakita ang Diyos ayon sa utos ng tao. Ang Diyos ay gumagawa ng Kanyang sariling mga pagpili at Kanyang sariling mga plano kapag ginagawa Niya ang Kanyang gawain; bukod dito, Siya ay may sariling mga layunin, at sarili Niyang mga pamamaraan. Anupaman ang gawaing ginagawa Niya, hindi Niya kailangang talakayin ito sa tao o hingin ang kanyang payo, lalo na ang ipaalam sa bawat tao ang tungkol sa Kanyang gawain. Ito ang disposisyon ng Diyos, na dapat, higit pa rito, kilalanin ng lahat. Kung nais ninyong masaksihan ang pagpapakita ng Diyos, sundan ang mga yapak ng Diyos, kung gayon nararapat muna ninyong iwan ang inyong sariling mga pagkaintindi. Hindi dapat utusan ang Diyos na gawin ito o iyon, lalong hindi mo Siya dapat ikulong sa sarili mong hangganan at limitahan Siya sa sarili mong mga pagkaintindi. Sa halip, dapat ninyong itanong kung paano ninyo dapat hanapin ang mga yapak ng Diyos, kung paano ninyo dapat tanggapin ang pagpapakita ng Diyos, at kung paano kayo dapat magpasailalim sa bagong gawain ng Diyos; ito ang dapat na gawin ng tao. Dahil ang tao ay hindi ang katotohanan, at hindi nagtataglay ng katotohanan, dapat siyang maghanap, tumanggap, at sumunod.

—mula sa “Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan”

Ang gawain ng Banal na Espiritu ay nagbabago bawat araw, pataas nang pataas sa bawat hakbang; ang pahayag ng bukas ay mas mataas pa kaysa sa ngayon, isa-isang hakbang ay umaakyat nang lalo pang mataas. Ganyan ang gawain kung saan ay ginagawang perpekto ng Diyos ang tao. Kung hindi makakasabay ang tao, siya ay maaaring maiwan sa anumang sandali. Kung ang tao ay hindi nagtataglay ng masunuring puso, hindi siya makakasunod hanggang katapusan. Ang dating kapanahunan ay nakalipas na; ito ay isang bagong kapanahunan. At sa isang bagong kapanahunan, ang bagong gawain ay dapat na magawa. Lalung-lalo na sa huling kapanahunan kung saan ang tao ay gagawing perpekto, ang Diyos ay gaganap ng bagong gawain nang lalo pang mas mabilis. Samakatuwid, kung walang pagsunod sa kanyang puso, mahihirapan ang tao na sundan ang mga yapak ng Diyos. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa anumang mga alituntunin, ni itinuturing Niya ang anumang yugto ng Kanyang gawain bilang hindi-nababago. Bagkus, ang gawaing ginagawa Niya ay laging mas bago at laging mas mataas. Ang Kanyang gawain ay nagiging higit na praktikal sa bawat hakbang, paayon nang paayon sa tunay na mga pangangailangan ng tao. Pagkatapos lamang na nararanasan ng tao ang ganitong uri ng gawain na maaabot niya ang huling pagpapabago ng kanyang disposisyon. Ang kaalaman ng tao sa buhay ay umaabot sa lalo pang mas mataas na mga antas, kaya’t ganoon din ang gawain ng Diyos ay umaabot sa lalo pang mas mataas na mga antas. Sa ganitong paraan lamang na magagawang perpekto ang tao at nagiging angkop para sa paggamit ng Diyos. Gumagawa ang Diyos sa ganitong paraan sa isang banda upang salungatin at baligtarin ang mga pagkaunawa ng tao, at sa kabila ay upang akayin ang tao tungo sa isang mas mataas at mas makatotohanang kalagayan, tungo sa pinakamataas na dako ng paniniwala sa Diyos, upang sa katapusan, ang kalooban ng Diyos ay magagawa. Lahat niyaong may kalikasang masuwayin na sadyang sumasalungat ay maiiwan sa likuran ng yugtong ito ng mabilis at mahigpit na sumusulong na gawain ng Diyos; tanging yaong mga bukal-sa-kaloobang sumusunod at nagagalak na nagpapakumbaba ang makakasulong hanggang sa katapusan ng daan. Sa uring ito ng gawain, lahat kayo ay dapat matuto kung paano magpasakop at kung paano isantabi ang inyong mga pagkaunawa. Dapat kayong maging maingat sa bawat paghakbang ninyo. Kung pabaya kayo, tiyak na kayo ay magiging isang tinatanggihan ng Banal na Espiritu, isang gumagambala sa Diyos sa Kanyang gawain.

—mula sa “Yaong mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos”

Lahat niyaong nakakasunod sa kasalukuyang mga pagbigkas ng Banal na Espiritu ay mga pinagpala. Hindi alintana kung paano sila dati, o kung paano dating gumawa ang Banal na Espiritu sa loob nila—yaong mga nagkamit na sa pinakahuling gawain ng Diyos ay ang mga pinakapinagpala, at yaong mga hindi nakakasunod sa pinakahuling gawain sa kasalukuyan ay inaalis. Nais ng Diyos yaong nakakatanggap sa bagong liwanag, at nais Niya yaong mga tumatanggap at nakakaalam sa Kanyang pinakahuling gawain. Bakit sinabi na dapat kang maging isang dalagang malinis? Nagagawa ng isang dalagang malinis na hangarin ang gawain ng Banal na Espiritu at nauunawaan ang mga bagong bagay, at higit sa rito, nagagawang isantabi ang dating mga pagkaintindi, at sinusunod ang gawain ng Diyos sa kasalukuyan. Ang grupo ng mga taong ito, na tumatanggap ng pinakabagong gawain sa kasalukuyan, ay mga itinalaga ng Diyos bago pa ang mga kapanahunan, at ang mga pinakapinagpala sa lahat ng tao. Naririnig ninyo nang tuwiran ang tinig ng Diyos, at nakikita ang anyo ng Diyos, at kaya, sa kabuuan ng langit at lupa, at sa kabuuan ng mga kapanahunan, walang sinuman ang naging mas pinagpala kaysa sa inyo, ang grupo ng mga taong ito.

—mula sa “Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Kanyang mga Yapak”

Yamang naniniwala ang tao sa Diyos, dapat niyang sundang mabuti ang mga yapak ng Diyos, isa-isang hakbang; dapat siyang “sumunod sa Kordero saan man Siya pumaroon.” Ang mga ito lamang ang mga taong naghahanap ng totoong daan, sila lamang yaong mga nakakaalam sa gawain ng Banal na Espiritu. Ang mga taong labis na sumusunod sa mga titik at mga doktrina ay yaong mga naalis na ng gawain ng Banal na Espiritu. Sa bawat sakop ng panahon, ang Diyos ay magsisimula ng bagong gawain, at sa bawat panahon, magkakaroon ng bagong simula sa gitna ng tao. Kung ang tao ay sumusunod lamang sa mga katotohanan na “si Jehova ang Diyos” at “si Jesus ang Cristo,” na mga katotohanan na nailalapat lamang sa iisang kapanahunan, sa gayon ang tao ay hindi kailanman makakasabay sa gawain ng Banal na Espiritu, at magpakailanmang walang kakayahang magkamit ng gawain ng Banal na Espiritu. Hindi alintana kung paano gumagawa ang Diyos, ang tao ay sumusunod nang wala ni katiting na pag-aalinlangan, at siya ay sumusunod nang mabuti. Sa paraang ito, paano maaalis ng Banal na Espiritu ang tao? Hindi alintana kung ano ang ginagawa ng Diyos, hangga’t ang tao ay nakatitiyak na ito ay gawain ng Banal na Espiritu at nakikipagtulungan sa gawain ng Banal na Espiritu nang walang pag-aalinlangan, at sinusubukang tugunan ang mga kinakailangan ng Diyos, kung gayon, paano siya maparurusahan?

—mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao

Ang Diyos ay ang Diyos ng buong lahi ng tao. Hindi Niya ipinalalagay ang Sarili Niya bilang pribadong pag-aari ng anumang bansa o lahi, kundi ginagawa ang gawaing ayon sa Kanyang plano, nang hindi napipigilan ng anumang anyo, bansa, o lahi. Marahil hindi mo kailanman naisip na itong anyo, o marahil tinatanggihan sa iyong saloobin ang anyong ito, o marahil ang bansa kung saan ibinubunyag ng Diyos ang Kanyang Sarili at sa mga tao kung kanino ibinubunyag ang Kanyang Sarili ay sadya lamang hindi kinalulugdan ng lahat at sadya lamang na ang pinaka-napag-iiwanan sa lupa. Nguni’t ang Diyos ay may Kanyang karunungan. Sa Kanyang dakilang kapangyarihan at sa pamamagitan ng Kanyang katotohanan at Kanyang disposisyon, tunay na nagtamo na Niya ang isang grupo ng mga tao na kaisa Niya sa pag-iisip, at ng isang grupo ng mga tao na nais Niyang gawing ganap—isang grupong nalupig Niya, na, dahil natitiis ang lahat ng uri ng mga pagsubok at mga kapighatian at lahat ng uri ng pag-uusig, ay makakasunod sa Kanya hanggang sa katapus-tapusan. Ang layunin ng pagpapakita ng Diyos, malaya mula sa mga paninikil ng kahit na anong anyo o bansa, ay upang makaya Niyang matapos ang gawain alinsunod sa Kanyang plano. Gaya lamang ito nang ang Diyos ay nagkatawang-tao sa Judea, ang Kanyang pakay ay tapusin ang gawain ng pagpapapako sa krus upang tubusin ang buong sangkatauhan. Nguni’t naniwala ang mga Judio na imposibleng magawa ito ng Diyos, at inisip nila na imposibleng magiging katawang-tao ang Diyos sa anyo ng Panginoong Jesus. Ang kanilang “imposible” ang naging batayan ng kanilang paghatol at pagkontra sa Diyos, at sa kahuli-hulihan ay humantong sa pagkawasak ng Israel. Ngayon, maraming tao ang nakagawa na ng parehong pagkakamali. Buong-kalakasan nilang ipinahahayag ang nalalapit na pagpapakita ng Diyos, nguni’t sila rin ang bumabatikos sa Kanyang pagpapakita; ang kanilang “imposible” ang muling nagkukulong ng pagpapakita ng Diyos sa loob ng mga hangganan ng kanilang imahinasyon. At sa gayon nakita Ko na ang maraming tao na bumubunghalit sa pagtawa matapos matagpuan ang mga salita ng Diyos. Nguni’t hindi ba ang pagtawang ito ay walang ipinagkaiba sa pambabatikos at pagsalangsang ng mga Judio? Hindi kayo nagpipitagan sa harap ng katotohanan, lalong hindi ninyo hinahangad ang katotohanan. Ang ginagawa lamang ninyo ay nagsusuri nang walang pakundangan at walang-pakialam na naghihintay lamang. Ano ang mapapala ninyo sa pagsusuri at paghihintay nang ganito? Maaari kayang makuha ninyo ang personal na patnubay ng Diyos? Kung hindi mo matatalos ang mga pagbigkas ng Diyos, paano ka magiging karapat-dapat na saksihan ang pagpapakita ng Diyos? Kung saan man nagpapakita ang Diyos, naroon ang pagpapahayag ng katotohanan, at naroroon ang tinig ng Diyos. Tanging iyong mga makakatanggap sa katotohanan ang makaririnig sa tinig ng Diyos, at tanging ang mga ganitong tao ang karapat-dapat na makasaksi sa pagpapakita ng Diyos. Isantabi mo nga ang iyong mga pagkaintindi! Huminto at basahing mabuti ang mga salitang ito. Kung naghahangad ka para sa katotohanan, liliwanagan ka ng Diyos at mauunawaan mo ang Kanyang kalooban at Kanyang mga salita. Isantabi mo nga ang iyong mga pananaw tungkol sa “imposible”! Habang lalong naniniwala ang mga tao na imposible ang isang bagay, mas lalong maaari itong mangyari, sapagka’t ang karunungan ng Diyos ay mas mataas pa sa mga kalangitan, ang mga iniisip ng Diyos ay higit pa sa mga iniisip ng tao, at ang gawain ng Diyos ay lampas pa sa kakayanan ng pag-iisip at pagkaintindi ng tao. Mas imposible ang isang bagay, lalong higit na mayroon itong katotohanang mahahanap; mas lampas sa pagkaintindi at imahinasyon ng tao ang isang bagay, lalong higit na ito ay naglalaman ng kalooban ng Diyos. Ito ay dahil, kahit saan pa Niya ipinakikita ang Sarili Niya, ang Diyos ay nananatiling Diyos, at ang Kanyang sangkap ay hindi kailanman magbabago dahil lamang sa lugar o paraan ng Kanyang pagpapakita. Ang disposisyon ng Diyos ay nananatiling pareho saanman naroon ang Kanyang mga yapak, at nasaan man ang mga yapak ng Diyos, Siya ay ang Diyos ng buong sangkatauhan, gaya ng ang Panginoong Jesus ay hindi lamang ang Diyos ng mga Israelita, kundi ang Diyos din ng lahat ng tao sa Asya, Europa, at Amerika, at higit pa rito ay ang nag-iisa at natatanging Diyos ng buong sansinukob. Kaya hanapin natin ang kalooban ng Diyos at tuklasin ang Kanyang pagpapakita mula sa Kanyang mga pagbigkas, at sabayan ang Kanyang mga yapak! Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Ang Kanyang mga salita at Kanyang pagpapakita ay sabay na umiiral, at ang Kanyang disposisyon at mga yapak ay bukas sa sangkatauhan sa lahat ng sandali. Minamahal na mga kapatiran, umaasa Akong makikita ninyo ang pagpapakita ng Diyos sa mga salitang ito, at inuumpisahang sundan ang Kanyang mga yapak sa paghakbang ninyo tungo sa isang bagong kapanahunan, at pagpasok tungo sa magandang bagong langit at lupa na naihanda na ng Diyos para sa mga naghihintay sa Kanyang pagpapakita!

—mula sa “Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan”

Basahin ang iba pa

Paano Makilala ang Tinig ng Diyos

Mga Talata ng Bibliya para sa Sanggunian

Nauugnay na mga Salita ng Diyos

Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ay magkakaroon ng diwa ng Diyos, at Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magkakaroon ng pagpapahayag ng Diyos. Yamang ang Diyos ay nagiging katawang-tao, ilalahad Niya ang gawaing dapat Niyang gawin, at yamang ang Diyos ay nagiging katawang-tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at nagagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban ng buhay ang tao, at ipakita sa tao ang daan. Ang katawan na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. Para masiyasat kung ito ang katawang-tao ng Diyos, kailangan itong matukoy ng tao mula sa disposisyon na Kanyang ipinapahayag at sa mga salitang Kanyang sinasambit. Ibig sabihin, kung ito nga ang katawang-tao ng Diyos o hindi, at kung ito nga ang tunay na daan o hindi, kailangan itong matukoy mula sa Kanyang diwa. Kaya nga, sa pagtukoy[a] kung ito ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, ang susi ay bigyang-pansin ang Kanyang diwa (Kanyang gawa, Kanyang mga salita, Kanyang disposisyon, at marami pang iba), sa halip na ang panlabas na anyo. Kung ang nakikita lamang ng tao ay ang Kanyang panlabas na anyo, at hindi niya napapansin ang Kanyang diwa, ipinapakita niyan ang kamangmangan at kawalang-muwang ng tao.

—mula sa “Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos”

Talababa:

a. Ang nakasaad sa orihinal na teksto ay “para sa.”

Kung ang mga salita man na sinabi ng Diyos ay payak o malalim sa tingin, lahat ng iyon ay mga katotohanang kailangang-kailangan ng tao sa pagpasok niya sa buhay; ang mga iyon ang pinagmumulan ng tubig na buhay na nagbibigay sa kanya ng kakayahang mabuhay kapwa sa espiritu at laman. Ipinagkakaloob ng mga ito ang kailangan ng tao para manatiling buhay; ang doktrina at paniniwala para sa pagpapatakbo ng pang-araw-araw na buhay; ang daan, layunin, at direksyon na dapat daanan upang makatanggap ng kaligtasan; bawat katotohanan na dapat niyang taglayin bilang isang nilikha sa harapan ng Diyos; at bawat katotohanan tungkol sa kung paano sumusunod ang tao at sumasamba sa Diyos. Ang mga iyon ang garantiya na tumitiyak ng pananatiling buhay ng tao, ang mga iyon ang pang-araw-araw na tinapay ng tao, at ang mga iyon din ang matibay na suportang nagsasanhi sa tao na maging malakas at tumayo. Sagana ang mga iyon sa katunayan ng katotohanan ng normal na pagkatao tulad ng pagsasapamuhay nito ng nilikhang sangkatauhan, mayaman sa katotohanan kung saan sa pamamagitan nito ang sangkatauhan ay nakakatakas mula sa kasamaan at nakakaiwas sa mga patibong ni Satanas, mayaman sa walang-pagod na pagtuturo, panghihikayat, pagpapalakas ng loob, at kaaliwan na ibinibigay ng Lumikha sa nilikhang sangkatauhan. Ang mga iyon ang mga parolang gumagabay at nagliliwanag sa mga tao para maunawaan ang lahat ng positibo, ang garantiya na tumitiyak na ang mga tao ay magsasabuhay at magtataglay ng lahat ng matuwid at mabuti, ang pamantayan kung saan ang mga tao, mga pangyayari, at mga bagay ay lahat sinusukat, at ang tanda sa paglalakbay na nag-aakay sa mga tao tungo sa kaligtasan at sa daan ng liwanag. Tanging sa tunay na karanasan sa mga salita ng Diyos natutustusan ang tao ng katotohanan at ng buhay; tanging dito siya nagkakaroon ng kaunawaan kung ano ang normal na pagkatao, ano ang isang makahulugang buhay, ano ang isang tunay na nilalang, ano ang tunay na pagsunod sa Diyos; tanging dito siya dumarating sa pagkaunawa kung paano siya dapat magmalasakit sa Diyos, paano tumupad ng tungkulin ng isang nilikhang kabuuan, at kung paano magtaglay ng wangis ng isang tunay na tao; tanging dito lamang siya dumarating sa pagkaunawa kung ano ang ibig sabihin ng tunay na pananampalataya at tunay na pagsamba; tanging dito lamang niya nauunawaan kung sino ang Naghahari sa kalangitan at lupa at lahat ng bagay; tanging dito siya dumarating sa pagkaunawa ng pamamaraan kung saan ang Isa na Panginoon ng lahat ng sangnilikha ay naghahari, nangunguna, at nagkakaloob para sa sangnilikha; at tanging dito siya nakakarating sa pagkaunawa at pagkatarok ng paraan kung saan ang Isa na Panginoon ng buong sangnilikha ay umiiral, nahahayag, at gumagawa…. Hiwalay sa tunay na karanasan ng mga salita ng Diyos, ang tao ay walang tunay na kaalaman o panloob na pananaw tungo sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan. Ang ganitong tao ay talagang isang buhay na bangkay, isang lalagyang walang kalaman-laman, at lahat ng kaalaman na may kaugnayan sa Lumikha ay walang anumang kinalaman sa kanya. Sa mga mata ng Diyos, ang ganitong tao ay hindi kailanman nanampalataya sa Kanya, ni hindi kahit minsan sumunod sa Kanya, kaya hindi siya kinikilala ng Diyos bilang Kanyang mananampalataya o Kanyang tagasunod, lalong hindi bilang isang tunay na nilalang.

—mula sa “Pagkilala sa Diyos ang Landas tungo sa Pagkakaroon ng Takot sa Diyos at Pag-iwas sa Kasamaan”

Ang pagkilala sa Diyos ay dapat gawin sa pamamagitan ng pagbasa at pag-unawa sa salita ng Diyos. Sinasabi ng ilan: “Hindi ko pa nakikita ang Diyos na nagkatawang-tao, kaya paano ko makikilala ang Diyos?” Sa katunayan, ang salita ng Diyos ay isang pagpapahayag ng disposisyon ng Diyos. Mula sa salita ng Diyos ay nakikita mo ang pag-ibig ng Diyos at pagliligtas para sa sangkatauhan, at Kanyang pamamaraan ng pagliligtas sa kanila…. Ito ay dahil ang salita ng Diyos ay inihahayag ng Diyos Mismo kasalungat sa paggamit sa tao para isulat ito. Ito ay personal na inihahayag ng Diyos—inihahayag Niya ang sarili Niyang mga salita at Kanyang panloob na tinig. Bakit sinasabi na ang mga ito ay mga taos-pusong salita? Dahil ang mga ito’y nanggagaling sa kaibuturan, inihahayag ang Kanyang disposisyon, Kanyang kalooban, Kanyang mga iniisip, Kanyang pag-ibig sa sangkatauhan, Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan at Kanyang mga inaasahan sa sangkatauhan…. Kasama sa mga salita ng Diyos ay masasakit na salita, banayad at may pagsasaalang-alang na mga salita, at may ilang salitang nagbubunyag na hindi naaayon sa mga pantaong pagnanais. Kung titingnan mo lamang ang mga salitang nagbubunyag, mararamdaman mo na ang Diyos ay medyo mahigpit. Kung titingnan mo lamang ang mga banayad na salita, mararamdaman mo na walang masyadong awtoridad ang Diyos. Kaya, hindi mo dapat kuhanin ito nang wala sa konteksto, kundi tingnan ito mula sa bawat anggulo. Kung minsan nagsasalita ang Diyos mula sa isang banayad at mahabaging pananaw, at nakikita ng mga tao ang pag-ibig ng Diyos para sa sangkatauhan; kung minsan nagsasalita Siya mula sa isang istriktong pananaw, at nakikita ng mga tao ang disposisyon ng Diyos na hindi kukunsinti sa kasalanan. Ang tao’y kalunus-lunos sa karumihan at hindi karapat-dapat na tumingin sa mukha ng Diyos o humarap sa Diyos. Na nakakaharap ngayon sa Diyos ang mga tao ay tanging sa biyaya ng Diyos. Nakikita ang karunungan ng Diyos mula sa Kanyang paraan ng paggawa at sa kahulugan ng Kanyang gawain. Nakikita pa rin ng mga tao ang mga bagay na ito sa salita ng Diyos kahit hindi tuwirang nakikipag-ugnayan sa Kanya.

—mula sa “Paano Kikilalanin ang Diyos na Nagkatawang-tao

Sa pagkakataong ito, pumaparito ang Diyos upang gumawa ng gawain hindi sa espirituwal na katawan kundi sa isang napakakaraniwang katawan. Hindi lamang ito ang katawan ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, kundi ito rin ang katawan kung saan magbabalik ang Diyos. Ito ay isang napaka-ordinaryo na katawang-tao. Sa Kanya, wala kang makikitang anumang kaiba kumpara sa iba, nguni’t maaari kang makatanggap mula sa Kanya ng mga katotohanang hindi mo pa kailanman dating narinig. Ang hamak na katawang-taong ito ay ang pagsasakatawan ng lahat ng salita ng katotohanan mula sa Diyos, na siyang pumapasan sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at isang pagpapahayag ng kabuuan ng disposisyon ng Diyos para malaman ng tao. Hindi ba gustung-gusto mong makita ang Diyos sa langit? Hindi ba gustung-gusto mong maunawaan ang Diyos sa langit? Hindi ba gustung-gusto mong makita ang hantungan ng sangkatauhan? Sasabihin Niya sa iyo ang lahat ng lihim na ito na wala pang sinumang tao ang nakapagsabi sa iyo, at sasabihin din Niya sa iyo ang mga katotohanan na hindi mo nauunawaan. Siya ang iyong pintuan patungo sa kaharian, at ang iyong gabay patungo sa bagong kapanahunan. Ang gayong karaniwang katawang-tao ay nagtataglay ng maraming hindi maarok na mga hiwaga. Ang Kanyang mga gawa ay maaaring hindi mo maabot, nguni’t ang adhikain ng lahat ng gawaing Kanyang ginagawa ay sapat upang iyong makita na hindi Siya isang simpleng katawang-tao gaya ng inaakala ng tao. Sapagka’t kinakatawan Niya ang kalooban ng Diyos gayundin ang pangangalaga na ipinakita ng Diyos sa sangkatauhan sa mga huling araw. Kahit na hindi mo naririnig ang mga salitang Kanyang sinasabi na tila yumayanig sa langit at lupa, o nakikita ang Kanyang mga mata na tila mga naglalagablab na ningas, at kahit na hindi mo nararamdaman ang disiplina ng Kanyang bakal na pamalo, maririnig mo mula sa Kanyang mga salita ang galit ng Diyos at nalalaman na ang Diyos ay nagpapamalas ng pagkahabag sa sangkatauhan; nakikita mo ang matuwid na disposisyon ng Diyos at ang Kanyang karunungan, at higit sa lahat, natatanto ang pagmamalasakit at pag-aalaga ng Diyos sa buong sangkatauhan.

—mula sa “Alam Mo Ba? Nakagawa ng Isang Dakilang Bagay ang Diyos sa mga Tao”

Alam Niyang lubos ang diwa ng tao, anupa’t kaya Niyang ibunyag ang lahat ng uri ng mga pagsasagawa na may kinalaman sa lahat ng uri ng mga tao. Mas mahusay pa nga Siya sa paghahayag ng tiwaling disposisyon ng tao at mapanghimagsik na pag-uugali. Hindi Siya namumuhay sa gitna ng makamundong mga tao, ngunit alam Niya ang kalikasan ng mga mortal at ang lahat ng katiwalian ng makamundong mga tao. Ito ay kung ano Siya. Kahit hindi Siya nakikitungo sa mundo, alam Niya ang mga tuntunin sa pakikitungo sa mundo, sapagkat lubos Niyang nauunawaan ang kalikasan ng tao. Alam Niya ang tungkol sa gawain ng Espiritu na hindi nakikita ng mga mata ng tao at hindi naririnig ng mga tainga ng tao, maging ngayon at noong nakaraan. Kasama rito ang karunungan na hindi isang pilosopiya sa buhay ng tao at himalang mahirap maarok ng mga tao. Ito ay kung ano Siya, ginawang bukas sa mga tao at nakatago rin sa mga tao. Ang Kanyang ipinahahayag ay hindi ang kung ano ang isang di-pangkaraniwang tao, kundi ang likas na mga katangian at kung ano ang Espiritu. Hindi Siya naglalakbay sa buong mundo ngunit alam ang lahat tungkol dito. Nakikipag-ugnayan Siya sa mga “unggoy na hawig sa tao” na walang kaalaman o pananaw, ngunit nagpapahayag Siya ng mga salita na mas mataas sa kaalaman at mas higit sa mga dakilang tao. Namumuhay Siya sa gitna ng pangkat ng mapupurol ang isip at manhid na mga tao na walang pagkatao at hindi nakakaunawa sa mga kalakaran at buhay ng tao, ngunit kaya Niyang hingin sa sangkatauhan na isabuhay ang normal na pagkatao, habang ibinubunyag ang hamak at mababang pagkatao ng sangkatauhan. Lahat ng ito ay kung ano Siya, mas mataas sa kahit anong laman-at-dugong tao. Para sa Kanya, hindi kailangang makaranas ng isang magulo, mahirap at nakakarimarim na buhay panlipunan upang gawin ang gawaing kailangan Niyang gawin at lubusang ibunyag ang diwa ng tiwaling sangkatauhan. Ang nakakarimarim na buhay panlipunan ay hindi nakapagtataas sa Kanyang katawang-tao. Ang Kanyang gawain at mga salita ay nagbubunyag lamang ng pagsuway ng tao at hindi nagkakaloob sa tao ng karanasan at mga aralin sa pakikitungo sa mundo. Hindi Niya kailangang suriin ang lipunan o ang pamilya ng tao kapag tinutustusan Niya ang tao ng buhay. Ang paglalantad at paghatol sa tao ay hindi isang pagpapahayag ng mga karanasan ng Kanyang katawang-tao; ito ay upang ibunyag ang di-pagkamakatuwiran ng tao pagkatapos alamin na pangmatagalan ang pagsuway ng tao at kapootan ang katiwalian ng sangkatauhan. Ang gawain na ginagawa Niya ay upang ibunyag ang Kanyang disposisyon sa tao at ipahayag ang kung ano Siya. Siya lamang ang maaaring gumawa nito, hindi ito isang bagay na maaaring makamit ng laman-at-dugong tao.

—mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao

Ang pagbabalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga kayang tumanggap ng katotohanan, nguni’t para sa mga hindi kayang tumanggap ng katotohanan, ito’y tanda ng paghuhusga. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at itakwil ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging isang mangmang at mapagmataas na tao, kundi isang taong sumusunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang. Pinapayuhan Ko kayo na tahakin nang maingat ang landas ng paniniwala sa Diyos. Huwag kayong magsalita nang tapos; bukod pa rito, huwag maging mapagwalang-bahala at walang-ingat sa inyong paniniwala sa Diyos. Dapat man lamang ninyong malaman na yaong mga naniniwala sa Diyos ay dapat maging mapagpakumbaba at mapitagan. Yaong mga nakarinig na sa katotohanan subali’t minamaliit ito ay mga hangal at mangmang. Yaong mga nakarinig na sa katotohanan subali’t walang-ingat na nagsasalita nang tapos o hinuhusgahan ito ay puno ng kayabangan. Walang sinumang naniniwala kay Jesus ang may karapatang sumpain o husgahan ang kapwa. Kayong lahat ay dapat maging isang taong makatwiran at tumatanggap sa katotohanan. Marahil, dahil narinig mo na ang daan ng katotohanan at nabasa na ang salita ng buhay, naniniwala ka na isa lamang sa 10,000 ng mga salitang ito ang naaayon sa iyong mga paniniwala at sa Biblia, at sa gayo’y dapat kang patuloy na maghanap sa ika-10,000 ng mga salitang ito. Pinapayuhan pa rin kita na maging mapagpakumbaba, huwag maging masyadong tiwala sa sarili, at huwag masyadong magmalaki. Kapag may kaunting paggalang sa Diyos sa puso mo, magtatamo ka ng higit na liwanag. Kung sinusuri mong mabuti at paulit-ulit na pinagninilayan ang mga salitang ito, mauunawaan mo kung ang mga iyon ay ang katotohanan o hindi, at kung ang mga iyon ay buhay o hindi. Marahil, dahil ilang pangungusap lamang ang nabasa, pikit-matang huhusgahan ng ilang tao ang mga salitang ito, nagsasabing, “Kaunting kaliwanagan lamang ito mula sa Banal na Espiritu,” o, “Huwad na Cristo ito na naparito upang linlangin ang mga tao.” Yaong mga nagsasabi ng gayong mga bagay ay nabubulagan ng kamangmangan! Kakaunti ang nauunawaan mo tungkol sa gawain at karunungan ng Diyos, at pinapayuhan kita na magsimula kang muli sa wala! Huwag ninyong pikit-matang husgahan ang mga salitang ipinahayag ng Diyos dahil sa paglitaw ng mga huwad na Cristo sa panahon ng mga huling araw, at hindi dapat maging isang tao na lumalapastangan sa Banal na Espiritu dahil sa takot kayong malinlang. Hindi ba’t masyadong kaawa-awa ang gayon? Kung, matapos ang maraming pagsusuri, naniniwala ka pa rin na ang mga salitang ito ay hindi ang katotohanan, hindi ang daan, at hindi ang pagpapahayag ng Diyos, sa kahuli-huliha’y mapaparusahan ka, at hindi magtatamo ng mga pagpapala. Kung hindi mo matatanggap ang gayong katotohanang sinambit nang lantaran at napakalinaw, hindi ba’t hindi ka naaakma sa pagliligtas ng Diyos? Hindi ba’t isa kang tao na hindi pinapalad nang sapat upang makabalik sa harapan ng luklukan ng Diyos? Pag-isipan mo ito! Huwag magpadalus-dalos at mapusok, at huwag ituring na laro ang paniniwala sa Diyos. Mag-isip alang-alang sa iyong hantungan, alang-alang sa iyong mga inaasahan, alang-alang sa iyong buhay, at huwag mong paglaruan ang iyong sarili. Matatanggap mo ba ang mga salitang ito?

—mula sa “Sa Sandaling Mamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa”

Basahin ang iba pa