Tungkol sa Amin
Pinagmulan
Ang Sundan ang mga Yapak ni Jesus ay isang di-pangkalakal na Kristiyanong website. Sa patnubay ng Panginoon, itinatag ito noong Enero 2019 ng ilang kapatid sa Panginoon at pinangangalagaan at pinamamahalaan nila. sinabi ng Panginoong Jesus, “Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin” (Juan 10:27). “At ang mga ito'y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon.” (Pahayag 14:4). Matibay ang paniniwala namin na saanman nagpapakita at gumagawa ang Panginoon sa mga huling araw, kung mag-iingat at makikinig tayo sa mga salita ng Panginoon, masusundan natin ang mga yapak ng Panginoon at makakadalo sa piging ng kasalan ng Cordero.
Ang Ginagawa Namin
Ang aming website na Sundan ang mga Yapak ni Jesus ay sinusundang mabuti ang takbo ng gawain ng Banal na Espiritu, at nag-aalok ng saganang espirituwal na mga sangguniang pangdebosyonal sa mga Kristiyanong nagmamahal sa katotohanan. Ang aming website ay naglalaman ng mga bahaging tulad ng Pagkilala kay Jesus, Ikalawang Pagparito ni Jesus, Mga Videong Kristiyano, Mga Patotoo, at Mga Debosyonal. Kabilang sa nilalaman ng website na ito ang mga salita ng Diyos, mga artikulo ng mga patotoo tungkol sa karanasan sa buhay at mga artikulo ng mga ideya tungkol sa mga talata ng Biblia mula sa mga Kristiyano, musikang Kristiyano, mga music video, mga pelikula ng ebanghelyo, mga kuwento sa Biblia, talata sa Biblia ayon sa paksa, at magagandang larawan tungkol sa mga talata sa Biblia. Sana’y matulungan kayo ng aming website na malutas ang mga pang-araw-araw na problema at kalituhan ninyo sa inyong paniniwala at buhay (pamilya, pagsasama ng mag-asawa, trabaho, atbp.) para espirituwal kayong lumago at magtamo ng tunay na kapayapaan at kagalakan.
Ang Aming Misyon
Layon ng aming website na patototohanan ang ebanghelyo ng Diyos sa bawat bansa at tao. Sana’y makatulong ang aming website sa mas marami pang tao, na nahihirapan sa madilim at masamang mundong ito, na marinig ang tinig ng Diyos at tanggapin ang Kanyang gawain at salita, para makapamuhay sila, sa patnubay, suporta, pangangalaga, at pag-akay ng salita ng Diyos, na gaya ng isang tunay na tao—tapat at masunurin sa Diyos, tumatahak sa landas ng buhay ng tao—may takot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan, unti-unting iwinawaksi ang mga gapos at pagkontrol ng kasalanan, nakakamtan ang pagdadalisay at pagliligtas ng Diyos, at pumapasok sa kaharian ng langit.