
Nauugnay na mga Salita ng Diyos
Wala nang higit pang kinamumuhian ang Diyos kaysa sa mga dalangin ng relihiyosong seremonya. Ang mga dalangin sa Diyos ay tinatanggap lamang kapag taos-puso ang mga ito. Kung wala kang sasabihing taos-puso, kung gayon tumahimik ka; huwag kang palaging nagsasalita ng mga maling salita at pabulag na sumusumpa sa harap ng Diyos, na sinusubukan Siyang linlangin, na nagsasabi kung gaano mo Siya kamahal, kung gaano mo nais na maging tapat sa Kanya. Kung hindi mo kayang kamtin ang iyong mga ninanasa, kung wala ka ng ganitong paninindigan at tayog, huwag kang manalangin nang ganoon, anuman ang sitwasyon, sa harap ng Diyos. Iyan ay pangungutya. Ang ibig sabihin ng pangungutya ay ginagawa mong katawa-tawa ang isang tao, pinaglalaruan mo sila. Kapag nananalangin ang mga tao sa harap ng Diyos nang may ganitong uri ng disposisyon, kahit paano, ito ay panlilinlang. Ang pinakamalala, kung madalas mo itong ginagawa, kung gayon talagang kasumpa-sumpa ang pagkatao mo. Kung isusumpa ka ng Diyos, tatawagin iyong kalapastanganan! Walang pagpipitagan ang mga tao sa Diyos, hindi nila alam kung paano magpitagan sa Diyos, o kung paano Siya mahalin at palugurin. Kung hindi malinaw sa kanila ang katotohanan, o tiwali ang kanilang disposisyon, palalampasin ito ng Diyos. Nguni’t dinadala nila ang gayong pagkatao sa harap ng Diyos, at tinatrato ang Diyos tulad ng pagtrato ng mga walang pananampalataya sa ibang mga tao. Bukod pa riyan, taimtim silang lumuluhod sa Kanyang harapan sa pananalangin, gamit ang mga salitang ito upang subukang lansihin ang Diyos, at kapag tapos na sila, hindi lamang sila walang nadaramang pagsisisi, kundi wala rin silang pandama ng pagiging-seryoso ng kanilang mga pagkilos. Dahil diyan, kasama ba nila ang Diyos? Ang isang tao bang lubos na walang presensya ng Diyos ay maliliwanagan at maiilawan? Maliliwanagan ba sila ng katotohanan? (Hindi, hindi maaari.) Kung gayon ay may problema sila. Maraming beses ka na bang nakapanalangin nang gayon? Madalas mo bang ginagawa iyon? Kapag masyadong matagal ang panahong ginugugol ng mga tao sa panlabas na mundo, naaamoy sa kanila ang baho ng lipunan, nadaragdagan ang kanilang likas na karumihan, at napupuno sila ng mala-satanas na mga lason at pamamaraan ng pamumuhay; ang namumutawi sa kanilang bibig ay puro kasinungalingan at panlilinlang, nagsasalita sila nang hindi nag-iisip, o kung hindi man ay nagsasalita sila ng mga salitang palaging walang laman kundi sarili nilang mga motibo at mithiin, at bihirang may wastong mga motibo. Seryoso ang mga problemang ito. Kapag dinala ng mga tao ang mala-satanas na pilosopiya at paraan ng pamumuhay na ito sa harap ng Diyos, hindi ba nila nilalabag ang disposisyon ng Diyos?
Hinango mula sa “Kapag Kilala Mo ang Iyong Sarili, Saka Mo Lamang Hahangaring Matamo ang Katotohanan”
Natuklasan Ko ang problema ng lahat ng tao: Kapag may bagay na nangyayari sa kanila, lumalapit sila sa Diyos para magdasal, subalit, para sa kanila, ang pagdarasal ay isang bagay, at ang suliraning kinakaharap ay isa pa. Pinaniniwalaan nilang hindi nila dapat ilahad kung anong nangyayari sa kanila sa panalangin. Napakadalang ng inyong tapat na panalangin, at may ilang hindi man lang alam kung papaano. Katunayan, ang pagdarasal una sa lahat ay upang sabihin kung ano ang nasa iyong puso, na parang naglalahad ka tulad ng pangkaraniwan mong ginagawa. Gayunman, may mga tao na nakaliligtaan ang kanilang katayuan sa oras na magsimula silang magdasal; iginiit nila na bigyan sila ng Diyos ng isang bagay, hindi alintana kung ito ay naaayon sa Kanyang kalooban, at, bilang kinalabasan, ang kanilang mga panalangin ay nalanta sa pagdarasal. Kapag nagdarasal ka, anuman ang hinihiling mo sa iyong puso, anuman ang hinahangad mo; o, marahil, mayroong isang bagay na nais mong talakayin, ngunit wala kang pananaw, at hinihiling mo na bigyan ka ng Diyos ng karunungan o lakas, o na maliwanagan ka Niya—anuman ang iyong hiling, dapat may katuwiran ka sa pagbigkas nito. Kung hindi, at lumuluhod at sinasabi mong, “Diyos, bigyan Mo ako ng lakas; hayaan Mong makita ko ang aking likas na pagkatao; Nagmamakaawa ako sa Iyo na gumawa; nagmamakaawa ako sa Iyo para dito at doon; Nakikiusap ako sa Iyo na gawin akong ganito-at-gayon….” Ang iyong “pagmamakaawa” ay naglalaman ng pagpupumilit; ito ay isang pagtatangka na gipitin ang Diyos, upang pilitin Siya na gawin ang nais mo—kung kaninong mga tuntunin ang sarili mong pinagpasyahan nang maaga, walang duda. Tulad ng nakikita ng Banal na Espiritu, anong epekto ang maaaring matamo ng naturang panalangin, kapag naitakda mo na ang mga tuntunin at napagpasyahan ang nais mong gawin? Dapat manalangin ang isang tao nang may isang naghahanap, nagpapasakop na puso. Kapag may nangyari sa iyo, halimbawa, at hindi ka sigurado kung paano ito haharapin, maaari mong (s) sabihin na, “Diyos! Hindi ko alam kung ano ang gagawin tungkol dito. Nais kong palugurin Ka sa bagay na ito, at hanapin ang Iyong kalooban. Nawa ang Iyong kalooban ay matupad. Nais ko lamang gawin ang ayon sa kalooban Mo, hindi ang nais ko. Alam Mo na ang lahat ng kalooban ng tao ay salungat sa Iyo, at lumalaban sa Iyo, at hindi umaayon sa katotohanan. Hinihiling ko na liwanagan Mo ako, bigyan ako ng patnubay sa bagay na ito, at tulutan Mo akong hindi magkasala sa Iyo….” ’Yan ang naaangkop na tono para sa isang panalangin. Kung sasabihin mo lamang na, “Diyos, hinihiling ko sa Iyo na tulungan ako, gabayan ako, bigyan ako ng tamang kapaligiran at mga tamang tao, at hayaang gawin ko ang aking gawain nang maayos,” magkagayon, pagkatapos ng iyong panalangin, hindi mo pa rin mauunawaan ang kalooban ng Diyos, tulad ng iyong paghiling sa Diyos na kumilos ayon sa iyong sariling kalooban.
Hinango mula sa “Ang Kahalagahan at Pagsasagawa ng Panalangin”
Napakadalas na wala sa katwiran ang inyong mga panalangin; lagi kayong nagdarasal sa ganitong tono: “Diyos ko! Yamang pinagagampanan Mo na sa akin ang tungkuling ito, dapat Mong gawing angkop ang lahat ng ginagawa ko para hindi maabala ang Iyong gawain at hindi magdusa ang mga interes ng pamilya ng Diyos. Dapat Mo akong pangalagaan….” Ang gayong panalangin ay walang-wala sa katwiran, hindi ba? Gagawa ba ang Diyos sa iyo kung lalapit ka at mananalangin sa Kanya sa ganoong paraan? Makikinig ba Ako kung lumapit ka sa Akin at nagsalita sa ganoong paraan? Sisipain kita palabas sa pintuan! Hindi ka ba kapareho sa harap ng Espiritu gaya ng sa harap ni Cristo? Kapag ang isang tao ay lumalapit sa harapan ng Diyos upang manalangin, dapat nilang bigyang-pansin kung paano nila ito magagawa nang nasa katwiran, at kung paano nila maaayos ang kanilang panloob na kalagayan upang makamit ang kabanalan at may kakayahang magpasailalim. Kapag nagawa ito, mas mabuti para sa iyo na magpatuloy at manalangin; madarama mo ang presensya ng Diyos. Maraming beses, ang mga tao ay lumuluhod sa pagdarasal; ipinikit nila ang kanilang mga mata, at walang mga salitang dumarating sa kanila maliban sa, “Oh, Diyos! Diyos ko!" Bakit ka sumisigaw ng ganoon, walang salita, sa mahabang panahon? Ang iyong estado ay hindi tama. Ginawa mo ba ito kailanman? Alam mo ngayon kung ano ang maaari mong gawin at kung hanggang saan mo ito magagawa, at gumawa ka ng iyong sariling panukala, ngunit maraming beses na ikaw ay nasa abnormal na estado. Sa mga oras, kahit na ang iyong estado ay maaaring nabago, maaaring hindi mo alam kung paano ito nangyari, at, mas madalas kaysa sa hindi, walang mga salita na sumasapit sa iyo sa panalangin. Maaari mo ring maiugnay ito sa isang kakulangan ng edukasyon. Dapat bang edukado upang manalangin? Ang isang panalangin ay hindi isang sanaysay—magsalita lamang ng taos-puso, na may katwiran ng isang normal na tao. Tingnan mo ang mga panalangin ni Jesus (bagama’t hindi binabanggit dito ang Kanyang mga panalangin para pumalit ang mga tao sa Kanyang lugar o posisyon): Sa Halamanan ng Getsemani, ipinagdasal Niya, “Kung baga maaari….” Ibig sabihin, Kung magagawa.” Sinabi ito sa talakayan; hindi Niya sinabing, “Nagsusumamo Ako sa Iyo.” May puso at kalagayang nagpapasakop, ipinagdasal Niya, “Kung baga maaari, ay lumampas sa Akin ang sarong ito: gayon ma’y huwag ang ayon sa ibig Ko, kundi ang ayon sa ibig Mo” (Mateo 26:39). Ganito pa rin ang panalangin Niya sa pangalawang beses, at sa pangatlo ipinagdasal Niya, “Mangyari nawa ang Iyong kalooban.” Nang maunawaan ang mga layon ng Diyos Ama, sinabi Niya, “Mangyari nawa ang Iyong kalooban.” Nagawa Niyang lubos na magpasakop nang wala man lang anumang personal na pagpipilian. Sabi Niya, “Kung baga maaari, ay lumampas sa Akin ang sarong ito.” Ano ang ibig sabihin niyon? Nanalangin Siya sa gayong paraan dahil naisip Niya ang malaking pagdurusa ng pagdurugo sa krus hanggang sa Kanyang huling hininga—at patungkol ito sa kamatayan—at dahil hindi pa Niya lubos na naunawaan ang mga layon ng Diyos Ama. Dahil nagawa Niyang manalangin nang gayon sa kabila ng naisip na pagdurusa, talagang nagpasakop Siya nang husto. Ang Kanyang paraan ng pagdarasal ay normal; hindi Siya nagmungkahi ng anumang mga kundisyon sa Kanyang panalangin, ni hindi Niya sinabing alisin ang saro. Sa halip, ang Kanyang layunin ay hangarin ang mga layon ng Diyos sa isang sitwasyong hindi Niya naunawaan. Nang una Siyang manalangin, hindi Siya lubos na nakaunawa, at sinabi Niya, “Kung baga maaari … kundi ang ayon sa ibig Mo.” Nanalangin Siya sa Diyos na lubos na nagpapasakop. Sa pangalawang pagkakataon, nanalangin Siya sa gayon ding paraan. Sa kabuuan, tatlong beses Siya nanalangin (siyempre, ang tatlong panalanging ito ay hindi nangyari sa loob lamang ng tatlong araw), at sa Kanyang huling panalangin, lubos na Niyang naunawaan ang kalooban ng Diyos, pagkatapos niyon ay hindi na Siya nagsumamo ng anumang bagay. Sa Kanyang unang dalawang panalangin, naghahanap lamang Siya, at naghanap sa estado ng pagpapasakop. Gayunman, hindi talaga gayon manalangin ang mga tao. Sa kanilang mga panalangin, sinasabi ng mga tao, “Diyos ko, nagsusumamo ako na gawin Mo ito at iyon, at nagsusumamo ako na gabayan Mo ako sa ganito at ganoon, at nagsusumamo ako na ihanda Mo ang mga kundisyon para sa akin….” Marahil ay hindi Siya naghahanda ng angkop na mga kundisyon para sa iyo at hahayaan kang magdanas ng mga paghihirap. Kung palaging sasabihin ng mga tao, “Diyos ko, hinihiling ko na gumawa Ka ng mga paghahanda para sa akin at bigyan Mo ako ng lakas.” Ang gayong pagdarasal ay talagang hindi makatwiran! Dapat kang maging makatwiran kapag nagdarasal ka, at kailangan mong gawin iyon dahil nagpapasakop ka. Huwag limitahan ang iyong mga panalangin. Bago ka pa man magsimulang manalangin, nililimitahan mo na ito nang ganito: kailangan kong magsumamo sa Diyos at ipagawa sa Kanya ito at iyon. Ang ganitong paraan ng pagdarasal ay talagang hindi makatwiran. Kadalasan, ang Diyos ay hindi nakikinig sa mga panalangin ng mga tao, kaya’t kapag nagdarasal ang mga tao, wala silang nararamdaman.
Hinango mula sa “Ang Kahalagahan at Pagsasagawa ng Panalangin”