01Ang mundo ay napapaligiran ng kalamidad—dumating na nang lihim ang Panginoon
Ang mga salot, taggutom, lindol, baha at iba pang mga kalamidad ay naging karaniwan nang mga kaganapan sa buong mundo, at lalo pang tumitindi. Lumitaw na rin ang kakaibang mga kababalaghan sa langit. Natupad na halos ang mga propesiya tungkol sa pagbalik ng Panginoon. Dumating na nang lihim ang Panginoong Jesus; ipinahayag na Niya ang katotohanan at isinagawa na ang gawain ng paghatol simula sa bahay ng Diyos.
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian
“Sapagka’t magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba’t ibang dako. Datapuwa’t ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan” (Mateo 24:7–8).
“At ako’y magpapakita ng mga kababalaghan sa langit at sa lupa, dugo, at apoy, at mga haliging usok. Ang araw ay magiging kadiliman, at ang buwan ay dugo, bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ni Jehova” (Joel 2:30–31).
“At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak, at nagkaroon ng malakas na lindol; at ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim, at ang buong buwan ay naging gaya ng dugo; At ang mga bituin sa langit ay nangahulog sa lupa, gaya ng puno ng igos na isinasambulat ang kaniyang mga bungang bubot pagka hinahampas ng malakas na hangin” (Pahayag 6:12–13).
“Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40).
“Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan” (Juan 16:12–13).
“Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:48).
“Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos” (1 Pedro 4:17).
Q&A tungkol sa Ebanghelyo
Masasangguning mga Video
02Ang tanging pagkakataong maligtas at makapasok sa kaharian ng langit ay ang madala bago sumapit ang matinding kalamidad
Ang madala bago sumapit ang matinding kapighatian ang iisang pangarap ng lahat ng nasasabik sa pagpapakita ng Panginoon. Lahat ng sumusunod sa mga yapak ng Diyos at lumalapit sa Kanya, na tumatanggap sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, ay madadalang lahat sa harap ng luklukan ng Diyos bago sumapit ang matinding kapighatian. Sila lamang ang makakadalo sa piging ng Cordero at magagawang mga mananagumpay ng Diyos. Pagdating ng matinding kapighatian, poprotektahan at iingatan sila ng Diyos, at dadalhin sa kaharian ng Diyos.
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian
“At sinasabi niya sa akin, Isulat mo, Mapapalad ang mga inanyayahan sa paghapon sa kasalan ng Cordero. At sinasabi niya sa akin, Ang mga ito’y siyang tunay na mga salita ng Diyos” (Pahayag 19:9).
“At nakita ko ang ibang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay ang tatak ng Diyos na buhay: at siya’y sumigaw ng tinig na malakas sa apat na anghel na pinagkaloobang maipahamak ang lupa at ang dagat, Na nagsasabi, Huwag ninyong ipahamak ang lupa, kahit ang dagat, kahit ang mga punong kahoy, hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng ating Diyos. At narinig ko ang bilang ng mga natatakan, na isang daan at apat na pu’t apat na libo, na natatakan, sa bawa’t angkan ng mga anak ni Israel” (Pahayag 7:2–4).
“At tumingin ako, at narito, ang Cordero ay nakatayo sa bundok ng Sion, at ang kasama niya’y isang daan at apat na pu’t apat na libong may pangalan niya, at pangalan ng kaniyang Ama, na nasusulat sa kanikaniyang noo. … Ang mga ito’y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka’t sila’y mga malilinis. At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon. Ang mga ito’y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Diyos at sa Cordero. At sa kanikaniyang bibig ay walang nasumpungang kasinungalingan: sila’y mga walang dungis” (Pahayag 14:1, 4–5).
“Mapapalad ang nangaghuhugas ng kanilang damit, upang sila’y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay, at makapasok sa bayan sa pamamagitan ng mga pintuan” (Pahayag 22:14).
“Narito, ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao, at siya’y mananahan sa kanila, at sila’y magiging mga bayan niya, at ang Diyos din ay sasa kanila, at magiging Diyos nila: At papahirin niya ang bawa’t luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na” (Pahayag 21:3–4).
Masasangguning mga Video
03Paano salubungin ang Panginoon bago sumapit ang matinding kapighatian at madala sa harap ng luklukan ng Diyos
Nakalahad sa propesiya ng Aklat ng Pahayag, “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20). Makikita natin mula sa talatang ito na ang pinakakritikal para salubungin ang pagdating ng Panginoon ay ang kakayahang marinig ang tinig ng Diyos. Ang pagtanggap, pagpapasakop at pagsunod sa sandaling matukoy mo na ito ang tinig ng Diyos ang tanging landas sa pagsalubong sa Panginoon bago sumapit ang kapighatian at maitaas sa harap ng luklukan ng Diyos.
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian
“Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20).
“Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6).
“Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin” (Juan 10:27).
“Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 2:7).
“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay” (Juan 14:6).
Q&A tungkol sa Ebanghelyo
Masasangguning mga Video
04Ang mga kahihinatnan ng pagkawala ng pagkakataong madala bago sumapit ang matinding kapighatian
Kapag nagbalik ang Panginoon sa mga huling araw para magsalita, magpakita at gumawa, yaong mga hindi naghahangad na marinig ang tinig ng Diyos—lalo na yaong mga nakakarinig sa tinig ng Diyos ngunit hibang pa ring nilalabanan at tinutuligsa ang Diyos, na ayaw tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw—ay sasayangin ang kanilang pagkakataong madala bago sumapit ang kapighatian. Kapag nagwakas ang gawain ng Diyos at bumuhos ang matinding kapighatian, kapag sinimulang gantimpalaan ang mabubuti at parusahan ang masasama, lahat ng hindi nadala bago sumapit ang kapighatian ay masasadlak sa kalamidad, nananangis at nagngangalit ang mga ngipin.
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian
“Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya. Nang magkagayo’y nagsipagbangong lahat ang mga dalagang yaon, at pinagigi ang kanilang mga ilawan. At sinabi ng mga mangmang sa matatalino, Bigyan ninyo kami ng inyong langis; sapagka’t nangamamatay ang aming mga ilawan. Datapuwa’t nagsisagot ang matatalino, na nangagsasabi, Baka sakaling hindi magkasiya sa amin at sa inyo: magsiparoon muna kayo sa nangagbibili, at magsibili kayo ng ganang inyo. At samantalang sila’y nagsisiparoon sa pagbili, ay dumating ang kasintahang lalake; at ang mga nahahanda ay nagsipasok na kasama niya sa piging ng kasalan: at inilapat ang pintuan. Pagkatapos ay nagsirating naman ang mga ibang dalaga, na nagsisipagsabi, Panginoon, Panginoon, buksan mo kami. Datapuwa’t sumagot siya at sinabi, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi ko kayo nangakikilala” (Mateo 25:6–12).
“Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7:22–23).
“At humihip ang ikalimang anghel, at nakita ko ang isang bituin na nahulog sa lupa mula sa langit: at sa kaniya’y ibinigay ang susi ng hukay ng kalaliman. At binuksan niya ang balon ng kalaliman; at napailanglang ang usok mula sa hukay, na gaya ng usok ng isang malaking lutuang-bakal; at nagdilim ang araw at ang himpapawid dahil sa usok ng hukay. At nangagsilabas sa usok ang mga balang sa lupa; at binigyan sila ng kapangyarihan, na gaya ng mga alakdan sa lupa na may kapangyarihan. At sinabi sa kanila na huwag ipahamak ang damo sa lupa, ni ang anomang bagay na sariwa, ni ang anomang punong kahoy, kundi ang mga tao lamang na walang tatak ng Diyos sa kanilang mga noo. At pinagkalooban silang huwag patayin ang mga ito, kundi pahirapan nilang limang buwan: at ang kanilang pahirap ay gaya ng pahirap ng alakdan kung kumakagat sa isang tao. At sa mga araw na yaon ay hahanapin ng mga tao ang kamatayan, at sa anomang paraa’y hindi nila masusumpungan; at mangagnanasang mamatay, at ang kamatayan ay tatakas sa kanila” (Pahayag 9:1–6).