Ganito Matutupad ang Propesiyang Ang Pagdating ng Panginoon ay Parang Magnanakaw
- Quick Navigation
- 1. Paano Paparito ang Panginoon
- 2. Paano Matutupad ang Propesiya na Pagparito ng Panginoon gaya ng Magnanakaw?
- 3. Paano Matutupad ang Propesiya na ang Panginoon ay Darating sa mga Ulap?
- 4. Paano Sasalubungin ang Ikalawang Pagparito ng Panginoon
Paano Paparito ang Panginoon
Tungkol sa paano paparito ang Panginoon sa mga huling araw, karamihan sa mga kapatid ay tumitingin sa talata ng Biblia: “Mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian” (Mateo 24:30), at naniniwala na ang Panginoon ay paniguradong darating sa mga ulap sa Kanyang muling nabuhay na espiritwal na katawan na may kaluwalhatian. Ngunit mayroon pa ring ilang mga tao ang naguguluhan sa pahayag na ito, sapagkat ipinropesiya sa Pahayag, “Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw” (Pahayag 16:15). “Kaya’t kung hindi ka magpupuyat ay paririyan akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan ako sa iyo” (Pahayag 3:3). Malinaw na sinabi ng Panginoon na paparito Siya gaya isang magnanakaw. Kaya’t ibig sabihin, darating Siya sa oras na hindi nalalaman ng mga tao. Kung ang Panginoon ay dumating sa mga ulap, hindi ba makikita Siya ng lahat? Kung gayon, paano matutupad ang propesiya ng Panginoon na pagparito gaya ng magnanakaw? Ito ay isang misteryo sa maraming tao. Ngayon, tayo’y mag-fellowship tungkol sa mga problemang ito.
Paano Matutupad ang Propesiya na Pagparito ng Panginoon gaya ng Magnanakaw?
“Pumaparitong gaya ng magnanakaw” ay nangangahulugan na walang nakakaalam ng eksaktong oras ng pagbabalik ng Panginoon, at nangangahulugan din ito na ang Panginoon ay darating nang palihim bilang ang Anak ng tao. Maraming mga lugar sa Biblia na nagpropesiya sa lihim na pagdating ng Panginoon. Halimbawa, “Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40). “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24–25). Lahat ng mga propesiya na ito ay binabanggit “ang Anak ng tao.” Tungkol sa Anak ng tao, nangangahulugan ito na ipinanganak ng tao at mayroong normal na sangkatauhan. Ang isang espiritwal na katawan ay hindi matatawag na Anak ng tao, tulad ng ang Diyos na Jehova ay ang Espiritu, ang mga anghel ay mga espiritu, at ang espiritwal na katawan ng Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay ay ang Espiritu din. Ang lahat ng mga espiritwal na katawan ay hindi matatawag na Anak ng tao. Tanging ang Diyos na nagkatawang-tao, na ipinanganak ng tao, na may isang ama at ina, na naging isang normal na tao, at namumuhay kasama ng mga tao, ang matatawag na ang Anak ng tao. Katulad ng Panginoong Jesus na may mga magulang, na kumain, uminom, natulog at lumakad tulad ng isang normal na tao, na praktikal na namumuhay kasama ng mga tao. Kaya tinawag siyang Anak ng tao. Nabanggit din ng mga banal na kasulatan na “kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito.” Tanging kapag ang Diyos ay nagkatawang-tao upang gawin ang Kanyang gawain nang palihim na maaari Niyang pagdaanan ang mga pagdurusa. Kung ang Panginoon ay nagpakita sa mga tao ng publiko sa mga ulap sa Kanyang muling nabuhay na espiritwal na katawan, sino ang maglalakas-loob na tutulan at kondenahin Siya? Tiyak na lahat ay luluhod at sasamba sa Kanya, at hindi Siya itatakuwil o magdurusa. Ito ay tulad nang ang Panginoong Jesus ay unang dumating upang gumawa, kung Siya ay gumawa sa isang espirituwal na katawan, walang mangangahas na tutulan Siya. Sapagkat ang Panginoong Jesus ay nagpakita bilang ang Anak ng tao upang gawin ang Kanyang gawain, mukhang napaka-ordinaryo at normal ang hitsura, ang mga punong saserdote, mga eskriba, at mga Fariseo ay nabigong makilala Siya bilang si Cristo at sa gayon ay hindi Siya itinuring bilang Diyos. Bukod dito, sila din ay galit na galit na tinutulan at kinondena ang Panginoon ayon sa kanilang mga paniwala at imahinasyon. Sa huli, nakipag-sabwatan sila sa gobyerno ng Roma upang ipako sa krus ang Panginoong Jesus. Kaya, kapag binanggit ng mga banal na kasulatan ang “Anak ng tao” at “ang Anak ng tao ay darating,” nangangahulugan ito na sa mga huling araw ay darating ang Panginoon sa katawang-tao. Tulad ng ipinahayag ng Diyos ang Kanyang Sarili Mismo sa katawang-tao upang gawin ang Kanyang gawain, na mukhang ordinaryo at normal, ang mga tao ay hindi Siya nakikilala bilang Diyos Mismo, at sa gayon ang pagpapakita at gawain ng Diyos ay nakatago sa mga tao. Samakatuwid, perpektong angkop na gamitin ang parabula na “paparito gaya ng magnanakaw.” Kung ang Panginoon ay dumating nang publiko sa mga ulap sa Kanyang muling nabuhay na espirituwal na katawan, ang lahat ay makikilala Siya, at sa gayon ay hindi ito maaaring tawaging “paparito gaya ng magnanakaw.” Makikita na ang Panginoon ay magpapakita sa mga tao sa pamamagitan ng pagiging Anak ng tao sa katawang-tao na ganap na tinupad ang propesiya ng lihim na pagdating ng Panginoon.
Paano Matutupad ang Propesiya na ang Panginoon ay Darating sa mga Ulap?
Maaaring sabihin ng ilang mga tao na ang dalawang propesiya na ito ay tila magkasalungat, dahil ang isa ay tungkol sa lihim na pagparito ng Panginoon sa katawang-tao, at ang isa pa ay ang darating ang Panginoon sa mga ulap. Sa katunayan, walang pagkakasalungatan sa pagitan ng mga hula na ito, at lamang na ito ay matutupad isa matapos ang isa. Sa madaling salita, ang Panginoon ay unang paparito nang palihim sa katawang-tao, pagkatapos ay magpapakita ng publiko sa mga ulap. Ito ay may kinalaman sa gawaing gagawin ng Panginoon sa mga huling araw. Ngayon, tingnan natin ang ilang mga talata ng Biblia.
Sinabi ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13). “Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:48). Gayundin, sinabi ng 1 Pedro 4:17, “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios.” Sabi ng Juan 17:17, “Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo’y katotohanan.”
Makikita natin mula sa mga propesiyang ito na sa pagdating ng Panginoon sa mga huling araw, magpapahayag Siya ng maraming katotohanan at sasabihin sa atin ang lahat ng bagay na hindi natin naunawaan noon, at gagawin Niya ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa tahanan ng Diyos. Ito ay dahil kahit na ang ating kasalanan sa paglabag sa mga batas ay pinatawad na, ang ating mga satanikong disposisyon tulad ng pagmamataas, kapalaluan, kabuktutan, panlilinlang, pagka-makasarili, at kasamaan ay malalim pa rin na nakaugat sa atin at kinokontrol nila tayo na magkasala nang hindi sinasadya. Halimbawa, nais nating magkaroon ng panghuling kapasyahan sa lahat ng bagay sa ating buhay. Kapag may isang bagay na hindi sumasang-ayon sa atin, naiwawala natin ang ating pasensya. Maaari pa tayong magsinungaling at mandaya upang maprotektahan ang ating pansariling interes. Kapag nakakaranas tayo ng sakuna, sinisisi natin at ipinagkakanulo pa natin ang Diyos. Ipinapakita nito na hindi pa tayo nakalaya sa pagkaalipin ng kasalanan. Ngunit hindi natin maiaalis ang gapos ng kasalanan nang tayo lamang, at tanging ang Diyos ang makakapagligtas sa atin mula rito. Ang Diyos ay tapat. Dahil nais ng Diyos na iligtas tayo, gagawin Niya ito nang lubusan. Samakatuwid, kapag dumating ang Panginoon, Siya ay palihim na paparito sa katawang-tao, at magsasalita nang praktikal, at gagawa ng isang yugto ng gawain ng pagtanggal ng mga kasalanan batay sa gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus upang ang ating makasalanang kalikasan ay malinis at maaari tayong maging mga tao na sumusunod, sumasamba, at umaayon sa Diyos. Sa panahon ng lihim na gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos, makikilala ng mga matalinong dalaga ang tinig ng Diyos at babalik sa trono ng Diyos. Tutuparin nito ang mga propesiya sa Biblia: “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6). “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20). Tinatanggap nila ang gawain ng paghatol ng Diyos at sa gayon ay nalinis at nabago sa kanilang tiwaling disposisyon. Gayunpaman, ang mga mangmang na dalaga na ito ay hindi nakikinig sa tinig ng Diyos, hindi sinisiyasat ang gawain ng Diyos, at hinuhusgahan at kinokondena din nila ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Sila ang mga tumatanggi kay Cristo at malalantad at aalisin sa gawain ng Diyos. Ganito kung paano pinaghihiwalay ang trigo at pansirang-damo, ang tupa at kambing, tulad ng binanggit sa propesiya ng Panginoong Jesus. Kapag ang yaong mga tumatanggap ng gawain ng paghatol ng Diyos ay nagawang mga mananagumpay, ang natatagong gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay magwawakas, at pagkatapos ay ang Diyos ay hayagan na magpapakita kasama ng mga ulap sa lahat ng mga tao, magpapadala ng mga sakuna at magsisimulang gantimpalaan ang mabuti at parurusahan ang masama. Kapag ang mga kumondena at tumutol sa Diyos ay nakikita ang Isa na kanilang nilalabanan ay ang bumalik na Panginoong Jesus, sila ay mananangis at magngangalit ng kanilang ngipin at magsisisuntok sa kanilang mga dibdib. Matutupad nito ang mga propesiya ng pampublikong pagdating ng Panginoon sa mga ulap: “At kung magkagayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian” (Mateo 24:30). “Narito, siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya” (Pahayag 1:7).
Paano Sasalubungin ang Ikalawang Pagparito ng Panginoon
Sa puntong ito, naniniwala ako na dapat mong maunawaan kung paano matutupad ang mga propesiya ng “ang pagparito ng Panginoon gaya magnanakaw” at “darating kasama ng mga ulap”. Kaya, paano natin dapat salubungin ang pagbabalik ng Panginoon? Ngayon lamang ay finellowship natin na ang Panginoon ay palihim na paparito sa katawang-tao upang ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa tahanan ng Diyos. Kaya, pagdating ng Panginoon, tiyak na magsasalita siya ng mga salita. Kung naririnig natin ang tinig ng Diyos at tinatanggap ang bagong gawain ng Diyos sa mga huling araw, nangangahulugan ito na nasalubong natin ang pagbabalik ng Panginoon. Sinabi sa atin ng Panginoong Jesus, “Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka’t kanila ang kaharian ng langit” (Mateo 5:3). Kaya, kailangan nating sundin ang mga turo ng Panginoon. Kapag naririnig natin na may nagpapatotoo na ang Panginoon ay dumating na, dapat tayong magkaroon ng mapagpakumbabang naghahanap na puso upang makita kung ang kanilang daan ay may katotohanan at kung naroon nga ang tinig ng Diyos. Kung nakakasiguro tayo na naroon ang tinig ng Diyos, dapat nating mabilis na tanggapin ang tunay na daan. Sa ganitong paraan lamang natin maaaring masalubong ang pagbabalik ng Panginoon at makadalo sa pista kasama ang Panginoon. Tulad ng sinasabi ng Biblia, “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20).
Mas matuto pa sa aming Mga Propesiya sa Bibliya page, o sa sumusunod na nilalaman at mauunawaan mo kung paano ituring ang mga propesiya at magkaroon ng pagkakataon na masalubong ang pagbabalik ng Panginoong Jesus.