01Anong uri ng tao ang makapapasok sa kaharian ng langit
Akala ng maraming tao na sa pamamagitan ng pananampalataya sa Panginoon at kapatawaran ng kanilang mga kasalanan, sila ay naligtas na sa pamamagitan ng biyaya. Akala nila na sa pamamagitan ng pagsisikap para sa Panginoon, sa pamamagitan ng pagsasakripisyo at paggugol ng kanilang mga sarili, na bagama’t hindi pa sila nakalaya sa mga gapos ng pagkakasala, sila’y tatangayin paakyat sa kaharian ng langit sa pagdating ng Panginoon. Ngunit iyon ba talaga ang mangyayari? Sinasabi ng Diyos, “Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t ako’y banal” (Levitico 11:45). Ang Diyos ay makatuwiran at banal, kung gayon ay paano Niya papapasukin ang mga taong palaging nagkakasala sa Kanyang kaharian? Anong uri ng tao ang talagang makapapasok sa kaharian ng langit?
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian
“Sapagka’t kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan, Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway” (Mga Hebreo 10:26–27).
“Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man” (Juan 8:34–35).
“Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7:21–23).
“Sapagka’t ako si Jehova ninyong Dios: magpakabanal nga kayo at kayo’y maging mga banal; sapagka’t ako’y banal” (Levitico 11:44).
“Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Malibang kayo’y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit” (Mateo 18:3).
“Ang mga ito’y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka’t sila’y mga malilinis. At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon. Ang mga ito’y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero” (Pahayag 14:4).
“Mapapalad ang nangaghuhugas ng kanilang damit, upang sila’y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay, at makapasok sa bayan sa pamamagitan ng mga pintuan” (Pahayag 22:14).
Q&A tungkol sa Ebanghelyo
Masasangguning mga Video
02Ang tanging daan papasok sa kaharian ng langit
Pinatawad lamang ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus ang mga kasalanan ng tao, ngunit hindi nito nilutas ang mga tiwaling disposisyon ng sangkatauhan. Nakatanim pa rin nang malalim ang makasalanang kalikasan ng sangkatauhan, at bagama’t palagi tayong nananalangin at nangungumpisal sa Panginoon, at nagsisikap sa paglilingkod sa Panginoon, hindi natin magawang itakwil ang mga tanikala ng kasalanan, at hindi natin magawang maging malinis at pumasok sa kaharian ng langit. Kaya, sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw, maghahayag Siya ng mga katotohanan at gagampanan ang gawain ng paghatol na magsisimula sa bahay ng Diyos upang ganap na lutasin ang makasalanang kalikasan at tiwaling disposisyon ng sangkatauhan, upang maitakwil ng mga tao ang kasalanan at maging malinis. Malinaw na ang pagtanggap at pagdanas sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos ang natatanging landas tungo sa ganap na kaligtasan at sa kaharian ng langit.
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian
“Na sa kapangyarihan ng Dios ay iniingatan sa pamamagitan ng pananampalataya sa ikaliligtas na nahanda upang ihayag sa huling panahon” (1 Pedro 1:5).
“Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13).
“Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo’y katotohanan” (Juan 17:17).
“At kung ang sinomang tao’y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47–48).
“Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Pedro 4:17).
“At nakita ko ang ibang anghel na lumilipad sa gitna ng langit, na may mabuting balita na walang hanggan upang ibalita sa mga nananahan sa lupa, at sa bawa’t bansa at angkan at wika at bayan; At sinasabi niya ng malakas na tinig, Matakot kayo sa Dios, at magbigay kaluwalhatian sa kaniya; sapagka’t dumating ang panahon ng kaniyang paghatol: at magsisamba kayo sa gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat at ng mga bukal ng tubig” (Pahayag 14:6-7).
“Yumaon ka ng iyong lakad, Daniel; sapagka’t ang mga salita ay nasarhan at natatakan hanggang sa panahon ng kawakasan. Marami ang magpapakalinis, at magpapakaputi, at magpapakadalisay; nguni’t ang masasama ay gagawa na may kasamaan; at wala sa masasama na makakaunawa; nguni’t silang pantas ay mangakakaunawa” (Daniel 12:9–10).
“At mangyayari, na sa buong lupain, sabi ni Jehova, dalawang bahagi ay mahihiwalay at mamamatay; nguni’t ang ikatlo ay maiiwan. At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila’y dadalisayin ko na parang pilak na dalisay, at sila’y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto. Sila’y magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang didinggin: aking sasabihin, Siya’y bayan ko; at kanilang sasabihin, Si Jehova ay aking Dios” (Zacarias 13:8–9).
“Ang liko, ay magpakaliko pa: at ang marumi, ay magpakarumi pa: at ang matuwid, ay magpakatuwid pa: at ang banal, ay magpakabanal pa. Narito, ako’y madaling pumaparito; at ang aking ganting-pala ay nasa akin, upang bigyan ng kagantihan ang bawa’t isa ayon sa kaniyang gawa” (Pahayag 22:11-12)
Q&A tungkol sa Ebanghelyo
Masasangguning mga Video
03Ang kagandahan ng kaharian ng langit
Inihahayag ng Cristo ng mga huling araw ang katotohanan, ginagampanan ang gawain ng paghatol, at gumagawa ng grupo ng mga mananaig, pagkatapos ay magpapaulan Siya ng lahat ng uri ng kalamidad upang gantimpalaan ang mabubuti at parusahan ang masasama. Ang lahat ng nilinis at ginawang ganap ng Diyos ay iniingatan at pinangangalagaan Niya sa gitna ng mga kalamidad, at papasok sila sa Kanyang kaharian. Sila ang mga tatanggap ng pangako at mga pagpapala ng Diyos, at kung magkagayon ang propesiyang ito ng Aklat ng Apocalipsis ay ganap na matutupad: “Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya’y mananahan sa kanila, at sila’y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila: At papahirin niya ang bawa’t luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na” (Pahayag 21:3–4).
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian
“At sa mga kaarawan ng mga haring yaon ay maglalagay ang Dios sa langit ng isang kaharian, na hindi magigiba kailan man, o ang kapangyarihan man niyao’y iiwan sa ibang bayan; kundi pagpuputolputulin at lilipulin niya ang lahat na kahariang ito, at yao’y lalagi magpakailan man” (Daniel 2:44).
“Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo: at siya’y maghahari magpakailan kailan man” (Pahayag 11:15).
“Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya’y mananahan sa kanila, at sila’y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila: At papahirin niya ang bawa’t luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na” (Pahayag 21:3–4).
“At ipinakita niya sa akin ang isang ilog ng tubig ng buhay, na maningning na gaya ng bubog, na lumalabas sa luklukan ng Dios at ng Cordero, Sa gitna ng lansangang yaon. At sa dako rito ng ilog, at sa ibayo nito, naroon ang punong kahoy ng buhay, na namumunga ng labingdalawang iba’t ibang bunga, na namumunga sa bawa’t buwan: at ang mga dahon ng punong kahoy ay pangpagaling sa mga bansa. At hindi na magkakaroon pa ng sumpa: at ang luklukan ng Dios at ng Cordero ay naroroon: at siya’y paglilingkuran ng kaniyang mga alipin; At makikita nila ang kaniyang mukha; at ang kaniyang pangalan ay sasa kanilang mga noo. At hindi na magkakaroon pa ng gabi, at sila’y hindi nangangailangan ng liwanag ng ilawan, ni ng liwanag man ng araw; sapagka’t liliwanagan sila ng Panginoong Dios: at sila’y maghahari magpakailan kailan man” (Pahayag 22:1–5).