Menu

Paano Maiiwasan ang Kasalanan: Nahanap Ko ang Landas

Tala ng Patnugot:

Bilang isang Kristiyano, namuhay siya nang miserable at nakakulong sa estado ng pagkakasala at pangungumpisal. At nalilito siya—kung magpapatuloy siya sa ganitong estado, magagawa ba niyang makapasok sa kaharian ng langit sa hinaharap? At paano naging posible para sa kanya na makalaya sa gapos ng kasalanan at makapasok sa kaharian ng langit?

Paano Maiiwasan ang Kasalanan

Makapapasok ba tayo sa kaharian ng langit kapag napatawad ang ating mga kasalanan?

Ang kasalanan, bilang isang Kristiyano, ay isang bagay na napaka-pamilyar na sa akin. Araw-araw iyong umaaligid sa akin, palagi iyong malapit, at hindi ko ito mapuksa! Ang walang katapusang paulit-ulit na pagkakasala at pangungumpisal ay palagi nang gumugulo sa akin, dahil kapag bumalik na ang Panginoon, makapapasok ba ako sa kaharian ng langit kung ganito? Sa paghihirap ko, naisip ko ang mga salita ni Pablo, "Sino ang magsasakdal ng anoman laban sa mga hirang ng Dios? Ang Dios ay ang umaaring-ganap; Sino ang hahatol?" (Roma 8:33–34). "Ngayon nga'y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus" (Roma 8:1). Oo, isa ako sa mga hinirang ng Panginoon, pinatawad na ng Panginoon ang lahat ng aking mga kasalanan, at kahit na kasalanan pa iyon sa nakaraan, kasalukuyan o sa hinaharap, pinapatawad Niyang lahat iyon. Hindi na makasalanan ang tingin Niya sa akin, at kapag dumating ang Panginoon, magagawa kong makapasok sa kaharian ng langit!

Kalaunan, nagkataong tinanong sa akin ito ng isang kaibigan sa iglesia, "Pinatawad na ng Panginoong Jesus ang ating mga kasalanan, ngunit nagkakasala pa rin tayo, hindi natin mapanatili ang paraan ng Panginoon. At sa pang-araw-araw nating buhay, nanlilinlang, nagsisinungaling, kumikilos sa baluktot, tusong paraan, nagpaplano at nagbabalak tayo ng masama. Naiinggit at nakikipagtalo sa isa't isa, at arogante at mapagmalaki sa sarili. Namumuhay tayo sa siklo ng pagkakasala tuwing umaga at pangungumpisal ng ating mga kasalanan tuwing gabi, at hindi tayo nakatakas sa ating makasalanang kalikasan at nadalisay. Sinabi ng Panginoong Jesus, 'Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang bawa't nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man' (Juan 8:34–35). Sa 1 Pedro 1:16, sinabi rin Niya, 'Sapagka't nasusulat, Kayo'y mangagpakabanal; sapagka't ako'y banal'. Sa mga salitang ito ay makikita natin na ang mga taong gaya natin na hindi nakatakas sa gapos ng kasalanan ay hindi makapapasok sa kaharian ng langit. Banal at makatuwiran ang Diyos, kaya tanging ang mga nakatakas lamang sa kasalanan ang maaaring makapasok sa kaharian ng langit. Dapat tayong maniwala sa Panginoon ayon sa mga salita ng Panginoon, hindi ayon sa mga salita ng tao. Disipulo lamang si Pablo, isang tiwaling tao. Hindi ba?"

Hindi ko mapigilang mapaisip dahil sa tanong ng kaibigan ko: Tama siya tungkol dito. Banal at makatuwiran ang Diyos, kaya hindi maaaring manatili ang mga makasalanan sa kaharian ng Diyos. Hawak ng Diyos ang susi sa tarangkahan ng kaharian sa langit, samantalang si Pablo ay isa lamang tiwaling tao. Paano magiging batayan ang mga salita niya pagdating sa pagpasok sa kaharian ng langit? Kung nais nating makapasok sa kaharian ng langit, kailangan nating alamin ang daan ayon sa mga salita ng Diyos, hindi sa mga salita ng isang tao.

Isa akong makasalanan at banal ang Diyos, na isang malaking golpo sa pagitan ko at ng Diyos. Paano ko magagawang umasa na makapasok sa kaharian ng langit habang naroon iyon? Niloloko ko lang pala ang sarili ko. Pagkatapos noon, sa tuwing makikita ko ang mga bersikulo sa Biblia gaya ng "Ang pagpapakabanal na kung wala ito'y sinoman ay di makakakita sa Panginoon" (Mga Hebreo 12:14) at "Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan" (Roma 6:23), ang aking puso ay tinusok ng paghihirap. Madalas akong hindi sinasadyang magkasala at lumaban sa Diyos, nakagapos ako sa kasalanan at walang lakas upang tumakas, at nangangahulugan ito na kailanman ay hindi ako magiging karapat-dapat na makita ang Diyos. Isa lamang pangarap para sa akin ang makapasok sa kaharian ng langit.

Sinubukan ko ang iba't ibang paraan upang makatakas sa gapos at paghadlang ng kasalanan. Minsan, nag-ayuno ako, umakyat sa tuktok ng isang bundok, at nanalangin sa Panginoon upang ikumpisal ang aking mga kasalanan, ngunit pagkatapos, nagkasala pa rin ako. Nagsikap din ako na isagawa ang mga salita ng Panginoon at maging isang tapat na tao at na pigilan ang sarili ko na magsinungaling, ngunit sa sandaling may kumuha ng pansin ko, nagsisinungaling pa rin ako nang hindi sinasadya at niloloko ang Diyos gayundin ang ibang tao. Hindi lang iyon, nang makita kong nangangaral nang mas magagandang sermon ang mga kapatid ko o nagbabahagi nang mas malinaw kaysa sa'kin, naninibugho ako, ayaw magpasailalim at palihim na sumubok makipagkumpitensiya sa kanila. Malinaw na alam kong ang paninibugho sa iba ay isang bagay na kinasusuklaman ng Diyos, at maraming beses akong nanalangin sa Diyos at sinubukang kontrolin ang aking sarili sa upang pigilan ang sarili kong magkasala. Ngunit sa tuwing nakikita ko na pinupuri ang mga kapatid ko, hindi ko mapigilan ang aking sarili na manibugho sa kanila.... Labis akong nabagabag dito, at hindi ko alam kung gaano karaming luha na ang iniluha ko sa harap ng Panginoon nang tumawag ako sa Kanya, "Panginoon, paano ako makakalaya sa gapos ng kasalanan at makapapasok sa kaharian ng langit?"

Paano makatakas sa gapos ng kasalanan at makapasok sa kaharian ng langit

Marahil ay narinig ng Panginoon ang mga panalangin ko. Isang araw, sumulat ako sa isang kaibigan sa iglesia na nasa ibang rehiyon upang sabihin sa kanya ang mga alalahanin ko. Sa sagot niya, sinabi niya, "Kapatid, mga nilikhang nilalang tayo. Kung tayo lang, wala tayong lakas na magapi ang kasalanan. Kung nais nating makatakas sa gapos ng kasalanan at madalisay, dapat tayong magmakaawa sa Diyos na ayusin at iligtas tayo. Ang mga nabuhay sa huling yugto ng Kapanahunan ng Kautusan, dahil mas malalim ang pagiging tiwali nila, ay walang sapat na alay upang tubusin ang kanilang mga kasalanan, at palagi silang nanganganib na mahatulan ng kamatayan dahil sa paglabag sa kautusan. Ang nagawa na lamang nila ay humingi ng tulong sa Diyos at magmakaawa sa Diyos na iligtas sila. Narinig ng Diyos ang kanilang mga panalangin, at upang tubusin ang mga tao mula sa mga kautusan, ang Diyos ay naging Panginoong Jesus na nagkatawang tao, ibinigay sa mga tao ang mayaman at masaganang biyaya, tinuruan ang mga tao na ikumpisal ang kanilang mga kasalanan at magsisi, at hinayaan ang Kanyang Sarili na maipako sa krus para sa tao, upang tubusin ang sangkatauhan mula sa kasalanan. Hangga't tinatanggap natin ang kaligtasan ng Panginoong Jesus, hindi na tayo hahatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng kautusan para sa ating mga kasalanan. Sa halip, maaari tayong manalangin na lamang sa Diyos, tamasahin ang awa at biyaya ng Panginoong Jesus, at mapatawad ang ating mga kasalanan. Ngunit malalim pa ring nakatanim sa loob natin ang ating tiwaling kalikasan, at dahil hindi pa dumarating ang oras, hindi ginawa ng Panginoon ang gawain ng pagtanggal sa ating kasalanan. Dapat nating hintayin ang pagbalik ng Panginoon upang ituloy ang gawain ng pagliligtas, para sa Kanyang karagdagang gawain upang dalisayin at iligtas ang sangkatauhan, bago pa natin tuluyang maalis sa ating mga sarili ang ating makasalanang kalikasan. Gaya ng prinopesiya ng Panginoong Jesus, 'Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating' (Juan 16:12–13). 'At kung ang sinomang tao'y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka't hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw' (Juan 12:47–48). Mula dito, makikita natin na babalik ang Panginoong Jesus sa mga huling araw upang magpahayag ng maraming katotohanan, gayundin ang hatulan at dalisayin ang ating mga kasalanan. Dapat nating tanggapin ang mga katotohanang ipinahayag ni Kristo sa mga huling araw upang makatakas sa ating pagiging makasalanan, tuluyang dalisayin ang ating mga sarili mula sa ating satanikong kalikasan, at tuluyang iligtas ng Diyos upang makapasok sa kaharian ng langit."

Nang mabasa hanggang sa puntong ito, naintindihan ko na ang dahilan kaya hindi ako makatakas sa gapos at kontrol ng aking pagiging makasalanan ay dahil ginawa lamang ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos, hindi ang pagdadalisay at pagbabago sa ating mga disposisyon. Tinubos lamang ng Panginoon ang mga tao mula sa kautusan, at ibinigay sa mga tao ang pagkakataon na makalapit ng direkta sa Diyos, manalangin sa Kanya, at tanggapin ang Kanyang kaligtasan. Para sa ating mga nakaririnig ng mga salita ng Panginoon ngunit hindi iyon magawang maisagawa, at namumuhay pa ring nakakulong sa siklo ng pagkakasala at pagsisisi, hindi tayo hinuhusgahan o hinahatulan ng Panginoon. Sa mga huling araw, babalik ang Panginoon, magsasalita ng maraming bagong salita, gayundin ang hahatulan, dadalisayin, at babaguhin tayo, hinahayaan tayo na makatakas nang tuluyan sa gapos ng kasalanan at mamuhay bilang isang tunay na tao. Sa mga sandaling ito, bigla akong naliwanagan, "Panginoon, salamat sa Iyo sa pangunguna at paggabay sa akin, at sa pagtulong sa akin na maintindihan kung paano makakatakas sa gapos ng kasalanan."

Pagkatapos, binasa ko ang sumusunod na sipi sa kanyang liham, "Sa mga huling araw, Si Cristo ay gumagamit ng sari-saring mga katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at mga gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba't ibang mga katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Lalung-lalo na, yaong mga salitang naglalantad kung papaanong tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinalita patungkol sa kung paanong ang tao ay isang pagsasakatawan ni Satanas at isang pwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang kalikasan ng tao sa pamamagitan ng ilang mga salita; inilalantad Niya, pinakikitunguhan, at pinupungusan ito nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhinan ng mga ordinaryong salita kundi ng katotohanan na hindi tinataglay ng tao kailanman. Ang ganitong uri ng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at higit pa ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagiging-mapanghimagsik. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na makatamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwaga na hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin ay matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagka't ang diwa ng ganitong gawain ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginawa ng Diyos".

Itinuloy niya ang kanyang sulat sa pamamagitan ng pagsusulat, "Kapag dumating ang Diyos sa mga huling araw upang gawin ang gawain ng paghatol at pagkastigo, pangunahing gagamitin Niya ang pagpapahayag ng mga salitang ito upang ihantad ang ating satanikong kalikasan, gayundin ang analisahin ang mga salita at gawa kung saan nilalabanan natin ang Diyos at pinagtataksilan ang katotohanan. Ituturo din Niya ang daan upang matakasan natin ang gapos ng kasalanan, gayundin ang ihantad ang bawa't isang katotohanan ng buhay sa atin. Sa gabay sa mga salitang ito mula sa Diyos, sa wakas ay makakamit natin ang tunay na kaalaman ng ating sariling mga tiwaling disposisyon at makasalanang kalikasan, at malalaman din natin na ang Diyos ay makatuwiran at banal, at malalaman natin kung paano tayo dapat magsagawa upang makamit ang pagsang-ayon ng Diyos. Sa ganoong paraan, kahit na gaano pa karaming karebeldehan o paglaban sa Diyos ang nasa loob natin, hangga't tinatanggap natin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, madadalisay tayo ng mga salita ng paghatol ni Kristo sa mga huling araw, sa huli ay tuluyang maililigtas ng Diyos, at papasok sa kaharian ng langit."

Sa wakas, sinabi ng kaibigan ko mula sa iglesia na babalik siya makalipas ang ilang araw, at magpapatuloy sa pagbabahagi kasama ko sa aspetong ito ng katotohanan. Natuwa ako, at hindi ko mapigilang mapabuntong-hininga at maisip, "Salamat sa paggabay ng Diyos, sa wakas ay mayroon nang pag-asa na makatakas ako sa gapos ng kasalanan!" Lahat ng papuri ay sa Diyos! Amen!

Mag-iwan ng Tugon