01Papaano tayo makapagpapatotoo sa pagdating ng Diyos at sasalubungin ang pagbalik ng Panginoon?
Pagdating sa pagsalubong sa Panginoon, maraming tao ay pinanabikang mamasdan ang pagpapakita ng Panginoong Jesus sa sangkatauhan sa Espiritu. Pero ito ba ang tamang landas sa pagsalubong sa Panginoon? Alam nating lahat na sinabi ni Job “Narinig kita sa pakikinig ng pakinig; nguni’t ngayo’y nakikita ka ng aking mata” dahil narinig niya ang tinig ni Jehova sa ipu-ipo. Narinig din ni Pedro ang tinig ng Panginoong Jesus, kaya’t nakilala niya si Jesus bilang Cristo. Makikita natin dito na kahit paano nagpapakita ang Diyos sa mga tao, matitiyak lamang nila na ito talaga ang pagpapakita ng Diyos sa pamamagitan ng pakikinig sa tinig ng Diyos. Maliwanag na ang kakayahang mapakinggan ang tinig ng Diyos ang tanging daan para masaksihan ang Kanyang pagpapakita at salubungin ang nagbalik na Panginoon.
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian
“Narinig kita sa pakikinig ng pakinig; nguni’t ngayo’y nakikita ka ng aking mata” (Job 42:5).
“Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20).
“Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin” (Juan 10:27).
“Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 2:7).
Masasangguning mga Video
02Ano ang tinig ng Diyos? Papaano natin masisiguro na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay siyang tinig ng Diyos?
Ang tinig ng Diyos ay tumutukoy sa Kanyang mga pagbigkas—tinutukoy nito ang katotohanan. Maging nagsasalita man ang Diyos sa Kanyang anyong katawang-tao o sa Kanyang anyong Espiritu, nakatayo Siya sa mataas na lugar na nagsasalita sa buong sangkatauhan. Ito ang tono at ang tanda ng mga salita ng Diyos, at ang naiibang paraan ng pagsasalita ng Panginoon ng paglikha. Sinumang may puso at espiritu ay mararamdam na katotohanan ang mga salita ng Diyos, na ang mga ito ay may awtoridad at makapangyarihan sa sandaling mapakinggan niya ang mga ito. Malalaman nila ang mga ito bilang tinig ng Diyos! Nakabalik na ang Panginoong Jesus—Siya ang Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw. Nagpapahayag Siya ng mga katotohanan at ginagampanan ang gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos. Kaya papaano natin mapatutunayan na ang mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos ay siyang tinig ng Diyos?
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian
“Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios” (Juan 1:1).
“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko” (Juan 14:6).
“Ang espiritu nga ang bumubuhay; sa laman ay walang anomang pinakikinabang: ang mga salitang sinalita ko sa inyo ay pawang espiritu, at pawang buhay” (Juan 6:63).
“Sapagka’t ang salita ng Dios ay buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso” (Mga Hebreo 4:12).
“Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo’y katotohanan” (Juan 17:17).
“At inyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohana’y magpapalaya sa inyo” (Juan 8:32).
1)Ang mga salita ng Diyos ay siyang daan, katotohanan, at buhay.
2)Ang mga salita ng Diyos ay isang pagpapahayag ng disposisyon ng Diyos. Ang mga ito ay makapangyarihan at may awtoridad.
3)Maipapahayag ng mga salita ng Diyos ang lahat ng hiwaga.
4)Ipinapahayag ng Diyos ang katotohanan at dinadala ang gawain ng paghatol at paglilinis sa mga huling araw.
Q&A tungkol sa Ebanghelyo
Tanong : Sabi ng Panginoong Jesus, “Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig” (Juan 10:27). Ang Panginoon ay nagbabalik para bumigkas ng mga salita upang tawagin ang Kanyang mga tupa. Ang susi sa paghihintay sa Panginoon ay hangaring marinig ang Kanyang tinig. Pero ngayon, ang mahirap ay di namin alam kung paano pakikinggan ang Kanyang tinig. Di rin namin nakikilala ang tinig ng Diyos, at ang tinig ng tao. Sabihin mo naman sa amin kung paano makatitiyak sa tinig ng Panginoon.
Masasangguning mga Video
03Anu-ano ang mga bunga ng pagbabatay lamang sa kung ano ang maaaring makita sa pagsalubong sa Panginoon?
Ang mga katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw, ay hayagang naipapamahagi na sa internet may ilang panahon na para mahanap at maimbestigahan ng mga tao sa buong mundo. Maraming tunay na tagasunod na nasasabik sa pagpapakita ng Diyos ay nakakita na ang lahat ng salita na ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay katotohanan, na ang mga ito ay makapangyarihan at may awtoridad. Kinikilala nila na ang mga ito bilang tinig ng Diyos at bumaling tungo sa Diyos, isa-isa. Gayunman, may ilan na iginigiit na ang Panginoon ay darating sa isang ulap at ayaw makinig sa tinig ng Diyos. Mayroong mga nakapakinig na nga sa tinig ng Diyos nguni’t hindi kinikilala na ito ang pagpapakita ng Diyos, at sinasalungat at kinokondena ang pagbalik ng Panginoon. Anu-ano ang magiging bunga nito?
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian
“Sapagka’t ako’y nakita mo ay sumampalataya ka: mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayon ma’y nagsisampalataya” (Juan 20:29).
“Ang sa Dios ay nakikinig ng mga salita ng Dios: dahil dito’y hindi ninyo dinirinig, sapagka’t kayo’y hindi sa Dios” (Juan 8:47).
“Narito, siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya. Gayon din, Siya nawa” (Pahayag 1:7).