Menu

Ang Pakikinig sa Tinig ng Diyos ay ang Tanging Paraan upang Masalubong ang Panginoon

Maraming mga Kristiyano ang sabik na sabik na naghihintay sa pagbabalik ng Panginoong Jesus at pinananabikan ang pagdating ng Tagapagligtas. Ang matagal na nating pinakahihitay ay sa wakas natupad na, sapagkat ang Panginoong Jesus ay matagal nang nagbalik bilang ang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos, at ang Makapangyarihang Diyos ay nagpapahayag ng katotohanan at nagsasagawa ng gawain ng paghatol na nagsisimula sa tahanan ng Diyos. Sabi ng Panginoong Jesus: “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig(Juan 10:27). Ang susi upang batiin ang Panginoon ay ang marinig ang mga salita ng Panginoon, gayunman may ilan na hindi alam kung paano maririnig ang tinig ng Panginoon, at hindi nila matukoy ang kaibahan sa pagitan ng mga salita ng Diyos at mga salita ng tao, at kung kaya’t hindi makasiguro na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang mga salita ng Diyos. Ngayon ay ifefellowship natin ang kaibahan sa pagitan ng mga salita ng Diyos at salita ng tao, upang tayo ay makasiguro tungkol sa mga katangian ng mga salita na binibigkas ng Diyos at masalubong ang pagbabalik ng Panginoon.

Pakikinig sa Tinig ng Diyos

1. Ang mga pagbigkas ng Diyos ay ang mga pagpapahayag ng Banal na Espiritu at kinakatawan ng mga ito ang pagkakakilanlan ng Diyos, at may pagkakaiba sa kakanyahan sa pagitan ng mga ito at mga salita ng tao.

Tulad ng pagkakaalam nating lahat, ang nagkatawang-taong Diyos ay ang Espiritu ng Diyos na nagsuot ng katawang-tao, Siya ang Diyos Mismo, at ang mga salita na ipinahayag ni Cristo ay ang mga pagbigkas ng Banal na Espiritu. Ang mga salitang ito ay katotohanan, nagtataglay ng parehong kapangyarihan at awtoridad, at maaari nating madama kapag naririnig natin ang mga ito. Nang marinig natin ang Panginoong Jesus na ginawa ang Kanyang pangako sa sangkatauhan, halimbawa, nang marinig natin ang Kanyang mga kautusan na ipinahayag sa sangkatauhan, ang mga salitang sinalita Niya nang sinaway Niya ang mga Fariseo, ang Kanyang mga pangaral, at marami pang iba, nadama natin agad na ang mga salita ng Panginoon ay katotohanan, na taglay ng mga ito ang kapanyarihan at awtoridad, pinukaw nito ang paggalang sa ating mga puso, at alam natin sa kaloob-looban na ang mga ito ay mga salita ng Diyos. Ang mga tao, gayunman, ay hindi nagtataglay ng kakanyahan ng Diyos, mas higit ang pagkakakilanlan ng Diyos. Kapag naririnig natin ang tao na nagsasalita, nauunawaan natin ito, ngunit hindi kailanman natin nadadama na ang mga salita ng tao ay nagtataglay ng kapangyarihan o awtoridad, mas higit na ang madama na ang mga ito ay katotohanan; ito’y ilang salita lamang na nagbebenepisyo sa atin, wala nang iba pa. Ito ang pinakamalaking kaibahan sa pagitan ng mga salita ng Diyos at mga salita ng tao, at kailangan lang natin makinig gamit ang ating mga puso upang matukoy ang kaibahan ng mga ito.

Ang mga salita na ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw, ay ang lahat nang direktang mga pagpapahayag ng Espiritu ng Diyos. Maraming mga tao, matapos marinig ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nakilala ang mga ito na katotohanan, at nalaman na ang mga ito’y nagtataglay ng kapangyarihan at awtoridad, magkagayon lang nakilala ang mga ito bilang ang mga salita at pagbigkas ng Diyos. Tulad ng sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ginagawa Ko sa buong sansinukob ang Aking gawain, at sa Silangan, walang-katapusan ang paglabas ng dumadagundong na mga kalabog, yumayanig sa lahat ng bansa at mga denominasyon. Ang Aking tinig ang nag-akay sa lahat ng tao tungo sa kasalukuyan. Sasanhiin Kong malupig ng Aking tinig ang lahat ng tao, upang mangahulog sa agos na ito, at magpasakop sa Aking harapan, dahil matagal Ko nang binawi ang Aking kaluwalhatian mula sa buong daigdig at inilabas ito nang panibago sa Silangan. Sino ang hindi nananabik na makita ang Aking kaluwalhatian? Sino ang hindi balisang naghihintay sa Aking pagbabalik? Sino ang hindi nauuhaw sa Aking muling pagpapakita? Sino ang hindi nagmimithi sa Aking pagiging kaibig-ibig? Sino ang hindi lalapit sa liwanag? Sino ang hindi titingin sa kayamanan ng Canaan? Sino ang hindi nananabik sa pagbabalik ng Manunubos? Sino ang hindi sumasamba sa Dakilang Makapangyarihan sa lahat? Ang Aking tinig ay lalaganap sa buong daigdig; nais Ko, kaharap ang mga taong Aking hinirang, na magsalita pa ng marami pang salita sa kanila. Kagaya ng makapangyarihang mga kulog na yumayanig sa mga bundok at mga ilog, Aking winiwika ang Aking mga salita sa buong sansinukob at sa sangkatauhan. Kaya naman ang mga salita sa Aking bibig ay naging yaman ng tao, at minamahal ng lahat ng tao ang Aking mga salita. Kumikislap ang kidlat mula Silangan nang tuluy-tuloy hanggang Kanluran. Ang Aking mga salita ay ayaw isuko ng mga tao at kasabay nito ay nasusumpungang hindi nila maarok ang mga ito, ngunit mas nagagalak sa mga ito. Gaya ng isang bagong-silang na sanggol, masaya at nagagalak ang lahat ng tao, ipinagdiriwang ang Aking pagdating. Sa pamamagitan ng Aking tinig, dadalhin Ko ang lahat ng tao sa Aking harapan. Mula roon, pormal Akong papasok sa lahi ng mga tao nang sa gayon ay lumapit sila para sambahin Ako. Sa pamamagitan ng kaluwalhatiang nababanaag sa Akin at ng mga salita sa Aking bibig, Aking gagawin ito na anupa’t lahat ng tao ay lumalapit sa Aking harapan at nakikita na kumikidlat mula sa Silangan at na nakababa na rin Ako sa ‘Bundok ng mga Olivo’ ng Silangan. Makikita nila na matagal na Akong nasa daigdig, hindi na bilang Anak ng mga Judio kundi bilang Kidlat ng Silangan. Dahil matagal na Akong nabuhay na mag-uli, at lumisan na mula sa sangkatauhan, at nagpakitang muli sa mga tao nang may kaluwalhatian. Ako ang Siyang sinamba nang napakaraming panahon bago ngayon, at Ako rin ang sanggol na tinalikdan ng mga Israelita nang napakaraming panahon bago ngayon. Bukod pa rito, Ako ang lubos na maluwalhating Makapangyarihang Diyos sa kasalukuyang kapanahunan! Hayaang lumapit ang lahat sa harapan ng Aking luklukan at tingnan ang Aking maluwalhating mukha, marinig ang Aking tinig, at masdan ang Aking mga gawa. Ito ang kabuuan ng Aking kalooban; ito ang katapusan at rurok ng Aking plano, gayundin ang layunin ng Aking pamamahala. Hayaang sambahin Ako ng bawat bansa, kilalanin Ako ng bawat dila, panatilihin ng bawat tao ang kanyang pananampalataya sa Akin, at magpasakop sa Akin ang bawat tao!

Ngunit hangga’t ang lumang mundo ay patuloy na umiiral, ihahagis Ko ang Aking galit sa mga bansa nito, hayagang ipoproklama ang Aking mga atas administratibo sa buong sansinukob, at kakastiguhin ang sinumang lumalabag sa mga ito:

Kapag humaharap Ako sa sansinukob upang magsalita, naririnig ng buong sangkatauhan ang Aking tinig, at sa gayon ay nakikita nila ang lahat ng Aking ginawa sa buong sansinukob. Yaong mga sumasalungat sa Aking kalooban, ibig sabihin, yaong mga tumututol sa Akin taglay sa mga gawa ng tao, ay babagsak sa ilalim ng Aking pagkastigo. Kukunin Ko ang napakaraming bituin sa kalangitan at paninibaguhin ang mga ito, at dahil sa Akin ang araw at ang buwan ay mapapanibago—ang kalangitan ay hindi na magiging gaya ng dati; ang di-mabilang na mga bagay sa lupa ay mapapanibago. Lahat ay magiging ganap sa pamamagitan ng Aking mga salita. Ang maraming mga bansa sa loob ng sansinukob ay muling hahatiin at papalitan ng Aking bansa, kaya ang mga bansa sa ibabaw ng lupa ay maglalaho magpakailanman at magiging isang bansa na sumasamba sa Akin; lahat ng bansa sa lupa ay mawawasak, at titigil sa pag-iral. Sa mga tao sa loob ng sansinukob, lahat ng nauukol sa diyablo ay lilipulin; lahat ng sumasamba kay Satanas ay ilalapag sa Aking naglalagablab na apoy—ibig sabihin, maliban sa mga sumusunod sa agos, lahat ay magiging abo. Kapag kinakastigo Ko ang maraming bayan, yaong mga nasa relihiyosong daigdig, sa iba’t ibang lawak, ay bumabalik sa Aking kaharian, nalupig ng Aking mga gawain, dahil nakita na nila ang pagdating ng Banal na nakasakay sa puting ulap. Susunod ang buong sangkatauhan sa kanilang sariling uri, at makakatanggap ng mga pagkastigo na naiiba sa kung ano ang kanilang nagawa. Yaong mga kumalaban sa Akin ay malilipol na lahat; para naman sa mga yaon na hindi Ako isinama sa kanilang mga gawa sa lupa, dahil sa paraan nila ng pagpapawalang-sala sa kanilang sarili, patuloy na iiral sa lupa sa ilalim ng pamamahala ng Aking mga anak at ng Aking bayan. Ihahayag Ko ang Aking sarili sa napakaraming tao at sa napakaraming bansa, na nagpapahayag ng Aking sariling tinig sa ibabaw ng lupa upang ipahayag ang pagkumpleto ng Aking dakilang gawain para makita ng buong sangkatauhan sa sarili nilang mga mata.

Ang bawat salita na sinasabi ng Makapangyarihang Diyos ay nagtataglay ng kapangyarihan at awtoridad ng Diyos; ipinapahayag ng mga ito ang pagkakakilanlan ng Diyos at napupuno ng kadakilaan at galit ng Diyos. Ang mga ito ay mga salita na walang sinumang nilikha ang makapagsasabi, at ito’y bagay na walang sinumang nilikha ang makakaabot, sapagkat ito ay ang Diyos na bumibigkas ng Kanyang mga salita sa lahat ng sangkatauhan. Bukod sa Diyos, sino pa ang makapagbibigkas ng mga salita sa buong sangkatauhan? Sino ang makakapag-salaysay at makakapag-pahayag sa sangkatauhan ng kabuuang kalooban ng Diyos na mailigtas ang tao. Mararamdaman natin sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos na ang mga salitang ito ay sinalita para sa buong mundo at sa buong sangkatauhan sa pamamagitan ng pagkakakilanlan at katayuan ng Lumikha, at na ang mga ito’y lubusang ipinapahayag ang matuwid at dakilang disposisyon ng Diyos na hindi kumukunsinti ng pagkakasala. Kahit na hindi maunawaan ng mga tao ang katotohanan sa mga salita ng Diyos, matapos marinig ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay nararamdaman nila ang kapangyarihan at awtoridad sa loob nito, at nakikilala ang mga ito na mga salita ng Diyos at direktang pagpapahayag ng Espiritu ng Diyos.

2. Ang mga salita ng Diyos ay maaaring magsimula ng bagong kapanahunan at tapusin ang lumang kapanahunan, at maipapakita nito sa mga tao ang landas ng pagsasagawa sa bagong kapanahunan. Makatatayo lamang ang mga tao sa pundasyon ng mga salita at gawain ng Diyos upang makapagsalita ng iilan tungkol sa kanilang sariling mga karanasan at pang-unawa.

Ang mga salitang binigkas ng nagkatawang-taong Diyos ay makapagsisimula ng bagong kapanahunan at tatapos sa lumang kapanahunan, at naipapakita nito sa mga tao ang paraan nang pagsasagawa sa bagong kapanahunan. Ito ay tinukoy ng kakanyahan ng Diyos. Ang mga salita ng tao, sa kabilang banda, ay hindi makasimula ng bagong kapanahunan, ni maipakita sa mga tao ang landas ng pagsasagawa sa bagong kapanahunan. Ang nagagawa lang ng tao ay ang tumayo sa pamamagitan ng pundasyon ng mga salita at gawain ng Diyos upang ipahayag ang kanilang sariling mga pananaw at pagkaunawa, at hindi sila makalalagpas sa saklaw ng gawain at mga salita ng Diyos. Ito ay isa pang kaibahan sa pagitan ng mga salita ng Diyos at mga salita ng tao. Sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan, halimbawa, ang mga tao ay nakagagawa ng mas higit pang mga kasalanan, at maraming tao ang hindi makasunod sa mga kautusan at naharap na mahatulan at mapatay dahil sa mga batas. Ayon sa mga pangangailangan ng tao, ang Diyos Mismo noon ay nagkatawang-tao at isinagawa ang gawain ng pagtubos. Ang mga salita at gawain ng Panginoong Jesus ang nagdala sa Kapanahunan ng Kautusan sa katapusan at nagsimula sa Kapanahunan ng Biyaya. Hindi na Niya itinuro sa tao ang pagsunod sa mga batas, ngunit sa halip ipinakita sa mga tao ang bagong landas ng pagsasagawa: Hiningi Niya na ikumpisal nila ang kanilang mga kasalanan at magsisi, na mahalin nila ang kanilang mga kaaway, na maging mapagpakumbaba, mapagpasensya, mapagpatawad, at na dapat nilang mahalin ang kanilang kapwa tulad ng kanilang sarili, at marami pang iba. Ang mga salitang ito ay mas bago, mas mataas na mga salita na binigkas mula sa saligan ng Kapanahunan ng Kautusan. Mula noong sandaling iyon, lahat ng tao ay nagsalita ng kaunti tungkol sa kanilang sariling pag-unawa at kaalaman mula sa saligan ng mga salita at gawain ng Panginoong Jesus, subalit wala ni isa ang makalalagpas sa saklaw ng mga salita at gawain ng Diyos.

Bagaman ang sangkatauhan ay sumailalim sa pagtubos ng Panginoong Jesus noong Kapanahunan ng Biyaya, gayunman ang makasalanang kalikasan ng tao ay nanatiling malalim na naka-ugat sa loob. Ang mga tao ay patuloy na namumuhay sa isang buhay na nagkakasala sa umaga at nagkukumpisal sa gabi, na hindi makalaya mula sa mga gapos at pagpigil ng kasalanan. Sino sa sangkatauhan ang makapagsasabi ng mga salita na makapag-papalaya sa mga tao mula sa mga gapos ng kasalanan ng lubusan at magpakita sa kanila ng isang bagong landas ng pagsasagawa? Walang sinuman! Tanging ang mga salita ng Diyos ang makadadalisay at makaliligtas sa mga tao, magdadala sa lumang kapanahunan sa katapusan, at magpapakita sa tao ng paraan ng pagsasagawa sa bagong Kapanahunan. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Nang si Jesus ay naparito sa mundo ng tao, dinala Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Sa panahon ng mga huling araw, ang Diyos ay muling naging katawang-tao, at nang Siya’y naging katawang-tao sa panahong ito, tinapos Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at dinala ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang lahat ng tumatanggap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay madadala tungo sa Kapanahunan ng Kaharian, at personal na makakatanggap ng paggabay ng Diyos. Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na nagawang tiwali ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay bumalik na sa katawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na lupain. Ang lahat ng nagpapasailalim sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malalaking pagpapala. Sila’y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.

Sa gawain ng mga huling araw, ang salita ay mas makapangyarihan kaysa pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan, at ang awtoridad ng salita ay nahihigitan yaong sa mga tanda at mga himala. Inilalantad ng salita ang lahat ng tiwaling disposisyon na malalim na nakabaon sa puso ng tao. Hindi mo kayang kilalanin ang mga ito sa iyong sarili lamang. Kapag ang mga ito ay naibunyag sa iyo sa pamamagitan ng salita, natural na mapapagtanto mo ito; hindi mo maitatanggi ang mga iyon, at lubos kang makukumbinsi. Hindi ba ito ang awtoridad ng salita? Ito ang resultang nakamit sa pamamagitan ng kasalukuyang gawain ng salita. Samakatuwid, ang tao ay hindi maaaring ganap na mailigtas mula sa kanyang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagpapagaling ng sakit at pagpapalayas ng mga demonyo at hindi maaaring magawang ganap sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan. Ang awtoridad upang magpagaling ng mga sakit at magpalayas ng mga demonyo ay nagbibigay lamang ng biyaya sa tao, nguni’t ang laman ng tao ay nabibilang pa rin kay Satanas at ang tiwaling maka-satanas na disposisyon ay nananatili pa rin sa kalooban ng tao. Sa madaling salita, yaong hindi nagawang malinis ay kabilang pa rin sa kasalanan at karumihan. Tanging pagkatapos na nagawang malinis ang tao sa pamamagitan ng pagpapasya ng salita ay maaari siyang makamit ng Diyos at maging banal.

Ang Makapangyarihang Diyos, na nagkatawang-tao sa mga huling araw, ay pumarito sa lupa. Tinapos Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at sinimulan ang Kapanahunan ng Kaharian; Nagpahayag Siya ng milyun-milyong mga salita, ipinagkaloob sa tao ang lahat ng mga katotohanan na kanyang kinakailangan upang matamo ang ganap na kaligtasan, at ibinunyag ang lahat ng ating iba’t ibang mga tiwaling disposisyon; Sinabi Niya sa atin kung sino ang Kanyang iniibig at sino ang Kanyang kinapopootan, paano tayo magsasagawa upang malutas ang ating mga tiwaling disposisyon at ang ating makasalanang kalikasan, upang makatakas ng lubusan mula sa impluwensya ni Satanas, at nang madalisay at matamo ang ganap na pagliligtas ng Diyos; Sinabi Niya sa atin kung paano maging mga tao na ginagawa ang kalooban ng Ama sa langit, at kung ano ang tunay na pagsunod sa Diyos at kung ano ang tunay na pag-ibig sa Diyos. Sino ang makakapag-pahayag ng mga salita na makaliligtas at makadadalisay sa sangkatauhan? At sino ang makapagliligtas sa atin mula sa kasalanan? Walang sinumang tao ang makagagawa nito; tanging ang Diyos lang.

Nakikita natin ngayon ang mga salita ng Diyos ay makapagsisimula ng bagong kapanahunan at makatatapos sa luma, at na maililigtas nito at madadalisay ang mga tao, at maipapakita sa tao ang landas ng pagsasagawa sa bagong kapanahunan. Walang tao ang posibleng makapagsabi ng gayong mga salita, sapagkat ang kakanyahan ng tao ay tao, at ang mga salita ng tao ay hindi ang katotohanan. Ang magagawa lamang ng tao ay makatayo sa saligan ng gawain at mga salita ng Diyos upang magpahayag ng kaunti tungkol sa kanilang sariling mga pananaw at pagkaunawa, at hindi sila makalalagpas sa saklaw ng gawain at mga salita ng Diyos.

3. Ang mga salita ng Diyos ay makapagbubunyag ng mga hiwaga; ang mga salita ng tao ay hindi.

Nagkatawang-tao ang Diyos upang iligtas ang tao at kaya kinailangan Niyang magpahayag ng maraming katotohanan at ibunyag ang maraming misteryo. Iyon kung kaya sa t’wing nagkakatawang-tao ang Diyos, palagi Niyang inihahayag ang maraming katotohanan at mga misteryo, at ito ang bagay na walang sinumang tao ang makagagawa. Halimbawa, nang dumating ang Panginoong Jesus, ibinunyag Niya ang misteryo kung paano makapasok sa kaharian ng langit, at sinabi Niya rin sa atin kung anong gawain ang Kanyang gagawin sa Kanyang pagparito sa mga huling araw, at anong mga pangitain ang maglilitawan upang ipahiwatig ang Kanyang pagbabalik, at marami pang iba.

Ang mga salita na binigkas ng Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw, gayundin ang pagbubunyag sa maraming hiwaga. Halimbawa, Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang gawain na Aking napamahalaan nang libu-libong taon ay ganap na nabubunyag lamang sa tao sa mga huling araw. Ngayon Ko lamang nabuksan na ang buong misteryo ng Aking pamamahala sa tao. Batid ng tao ang layunin ng Aking gawain at bukod pa ay nakaunawa na sa lahat ng Aking mga misteryo. At nasabi Ko na sa tao ang lahat ng tungkol sa hantungan na kanyang inaalala. Nabuksan Ko na para sa tao ang lahat ng Aking mga misteryo na nakatago nang mahigit sa 5,900 taon.

Ang gayong hiwaga ay hindi mailalantad ng sinumang tao. Kahit na gaano pa kalawak ang pagkaunawa ng tao sa Biblia, nananatili itong mga salita lamang, dahil hindi nauunawaan ng tao ang diwa ng Biblia. Kapag ang tao ay nagbabasa ng Biblia, maaaring makatanggap siya ng ilang katotohanan, makapagpaliwanag ng ilang salita o makapaghimay ng ilang tanyag na mga talata at mga sipi, nguni’t hindi kailanman niya makukuha ang kahulugang nakapaloob sa mga salitang iyon, dahil lahat ng nakikita ng tao ay mga salitang walang buhay, hindi ang mga eksena ng gawain ni Jehova at ni Jesus, at hindi kayang lutasin ng tao ang hiwaga ng nasabing gawain. Samakatuwid, ang hiwaga ng anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ay ang pinakamalaking hiwaga, ang siyang pinakanatatago at lubusang hindi maiisip ng tao. Walang sinumang direktang makakaunawa sa kalooban ng Diyos, maliban kung Siya Mismo ang nagpapaliwanag at nagbubukas sa tao, kung hindi, mananatili ang mga yaong palaisipan sa tao magpakailanman at mananatiling mga hiwagang selyado magpakailanman. Huwag pansinin ang mga nasa relihiyosong mundo; kung hindi kayo nasabihan ngayon, hindi rin kayo makakaunawa. Ang gawaing ito ng anim na libong taon ay higit na misteryoso kaysa lahat ng mga hula ng mga propeta. Ito ang pinakadakilang misteryo simula pa ng paglikha, at walang dating propeta ang nakaya kailanman na arukin ito, sapagka’t ang misteryong ito ay malulutas lamang sa panghuling kapanahunan at hindi pa kailanman nabunyag noong una.

Ibinubunyag ng Makapangyarihang Diyos sa atin ang hiwaga ng Kanyang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala upang iligtas ang sangkatauhan, tulad ng kung ano ang Kanyang layunin sa Kanyang pamamahala sa sangkatauhan, paano Niya isinasagawa ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, ano ang kabuluhan ng gawain ng paghatol, ang mga hiwaga ng pagkakatawang-tao, ang kuwento sa loob ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos, at ugat na dahilan ng kasalanan ng sangkatauhan, ang katotohanan ng pagtiwali ni Satanas sa sangkatauhan, paano tiniwali ni Satanas ang sangkatauhan, paano inililigtas ng Diyos ang tao, paano maihihiwalay ang bawat tao ayon sa kanilang uri, paano pineperpekto ng Diyos ang grupo ng tao sa pagiging mga mananagumpay, paano maisasakatuparan ang kaharian ni Cristo, ang kagandahan ng Milenyong Kaharian, at marami pang iba. Ibinubunyag ng Diyos ang lahat ng mga hiwagang ito sa atin. Ang mga salitang ito ay ang mga katotohanan at hiwaga na hindi pa kailanman natin narinig noon na tumpak na tumutupad sa mga propesiya ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12–13).

Pag-isipan natin ang tungkol dito: Kung ang Diyos Mismo ay hindi pumarito upang isagawa ang Kanyang gawain at magsalita ng Kanyang mga salita, sino pa ang maaring ganap na makapagpahayag ng gawain ng Diyos Mismo? At sino pa ang makapagsasabi sa atin ng mga hiwagang ito? Ang mga misteryong ito ay mga bagay na nauugnay sa Diyos at sa kaharian ng langit, at nauugnay ito sa kung anong isasakatuparan ng Diyos sa hinaharap. Ang mga hiwagang ito ay konektadong lahat sa planong pamamahala ng Diyos, at bukod sa Diyos, walang sinuman ang makakaalam nito. Tulad nang nasasabi sa Aklat ng Pahayag 5:3–5: “At sinoman sa langit, o sa ibabaw man ng lupa, o sa ilalim man ng lupa, ay hindi makapagbukas ng aklat, o makatingin man. At ako’y umiyak na mainam, sapagka’t hindi nakasumpong ng sinomang marapat magbukas ng aklat, o makatingin man: At sinabi sa akin ng isa sa matatanda, Huwag kang umiyak; narito, ang Leon sa angkan ni Juda, ang Ugat ni David, ay nagtagumpay upang magbukas ng aklat at ng pitong tatak nito.” Tayong mga tao ay mga nilikha lamang ng Diyos, at hindi natin maibubunyag ang mga misteryo. Bago ibinunyag ng Diyos ang mga hiwagang ito sa atin, ang nababasa lamang natin sa Biblia ay pawang mga letra. Napakaraming mga dalubhasa ng teolohiya na nagtalaga ng kanilang mga sarili sa pag-aaral ng biblia, ngunit nananatiling ang nagagawa lamang nila ay maghinuha ng ilang mga literal na kahulugan ayon sa kanilang sariling mental na kapasidad at karanasan. Ito ang kaibahan ng kakanyahan sa pagitan ng Diyos at tao.

Makikita natin mula sa fellowship sa itaas na, sa kakanyahan, mayroong malaking kaibahan sa pagitan ng mga salita ng Diyos at mga salita ng tao, at kailangan lamang nating makinig gamit ang ating mga puso upang masabi kung ang mga salitang ating narinig ay ang mga salita ng Diyos.

Kung mayroon kang anumang kalituhan sa iyong pananampalataya, ‘wag mag atubiling tignan ang nilalaman ng Mga tanong at sagot tungkol sa Pananampalataya seksyon o ang sumusunod na artikulo. Welcome ka din na i-click ang pindutan sa kanang ibabang bahagi sa gilid ng screen upang makipag-live chat sa amin online.

Mag-iwan ng Tugon