Menu

Pagninilay sa Juan 20:29—Paano Maiwasan ang Pagkabigo ni Tomas’

Narito na tayo sa panghuling yugto ng mga huling araw, at sa pinaka-mahalagang oras na ito upang batiin ang Panginoon, may tumutubong damdamin nang pagmamadali sa puso ng mga Kristiyanong nagdarasal para sa pagbabalik ng Panginoong Jesus. Maraming tao ang sabik na inaasam ang pagdating ng Panginoon kasama ng mga ulap, subalit ang malalaking sakuna ay malapit nang dumating sa atin at hindi pa rin natin nakikita na ang Panginoon ay dumarating kasama ng mga ulap. Bakit ganoon? Hindi kaya mali ang ating pagsasanay upang batiin ang pagdating ng Panginoon? Ipinaalala nito sa akin si Tomas sa Biblia. Habang ang Panginoong Jesus ay gumawa sa katawang-tao, si Tomas ay palaging nagkikimkim ng mga pagdududa, at sa kanyang puso hindi sya naniniwala na ang Panginoong Jesus ang Cristo. Nang marinig ni Tomas na si Jesus ay muling nabuhay, hindi pa rin niya ito pinaniwalaan. Kinailangan pa niyang makita sa kanyang sariling mga mata ang espiritwal na katawan ng Panginoon bago siya maniwala, at sa huli binigkas ng Panginoon ang Kanyang hatol: “Sapagka’t Ako’y nakita mo ay sumampalataya ka: mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayon ma’y nagsisampalataya(Juan 20:29). Ang istorya ni Tomas ay babala sa bawat isa sa atin na nananabik sa pagbabalik ng Panginoon. Kung aasa lamang tayo sa ating mga mata at ‘di magsasaliksik ng katotohanan patungkol sa pagbati sa Panginoon, hindi ba natin ginagawa ang kahalintulad na pagkakamali ni Tomas? Kung nagawa natin ‘yun, malamang na mawawala natin ang ating pagkakataon upang maitaas bago ang mga sakuna. Samakatuwid, malinaw na kung nais nating batiin ang Panginoon, gayon napakahalaga na maunawaan natin ang punong ugat kung bakit nabigo si Tomas sa kanyang pananampalataya sa Diyos at maiwasang tahakin ang kahalintulad na maling landas gaya ng kay Tomas! Pagbahagian natin at siyasatin ang isyu na ito sa ibaba.

Pagninilay sa Juan 2029

Nakatala sa Biblia na nang sinabi ng mga disipulo kay Tomas ang balita ng muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus, sinabi ni Tomas, “Malibang aking makita sa kaniyang mga kamay ang butas ng mga pako, at maisuot ko ang aking daliri sa butas ng mga pako, at maisuot ko ang aking kamay sa kaniyang tagiliran, ay hindi ako sasampalataya” (Juan 20:25). Sinabi ng Panginoong Jesus sa kanya, “Sapagka’t ako’y nakita mo ay sumampalataya ka: mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayon ma’y nagsisampalataya(Juan 20:29). Sa katunayan, sa buong panahon ng pagsunod ni Tomas sa Panginoong Jesus, hindi niya alam kung paano marinig ang tinig ng Panginoon. Gaano man katayog o kapaki-pakinabang sa mga tao ang mga sermon ni Jesus, hindi kailanman naghanap si Tomas sa loob ng mga salita ng Panginoon upang malaman kung ang mga ito ay nagtataglay ng katotohanan o kung ang mga ito ay tinig ng Diyos, sa buong panahong iyon hindi pa rin niya nagawang makilala ang tunay na pagkakakilanlan ng Panginoong Jesus, at iyon ang dahilan kung bakit palagi siyang may pagdududa sa pagkakakilanlan ng Panginoon at hindi naniwala na si Jesus ang Cristo; ito ang punong ugat kung bakit nabigo si Tomas sa kanyang pananampalataya sa Diyos. Ito ay talagang sapagkat ’di alam ni Tomas kung paano marinig ang tinig ng Diyos at ’di kumbinsido sa pagkakakilanlan ng Panginoong Jesus na, nang sinabi ni Jesus sa Kanyang mga disipulo bago ang pagpako na Siya’y muling mabubuhay matapos ang Kanyang kamatayan, hindi naniwala si Tomas na ang mga salita ng Panginoon ay matutupad. At nang marinig niya ang ibang disipulo na nagsasabi na ang Panginoong Jesus ay muling nabuhay, nanatili siyang hindi naniniwala. Tanging nang makita niya ang espiritwal na katawan ng muling nabuhay na Panginoong Jesus na lumilitaw sa harapan ng kanyang sariling mga mata na sa wakas ay pinaniwalaan niya ito. Nang nagpakita sa kanya ang Panginoong Jesus sa anyo ng Kanyang espiritwal na katawan matapos Siyang muling nabuhay, nakita ni Tomas ang espiritwal na katawan ng Panginoon gamit ang kanyang sariling mga mata at nahawakan ang mga pilat na naiwan mula sa mga pako sa katawan ng Panginoon, at tanging nang matapos yun na naniwala siya na ang Panginoong Jesus ay muling nabuhay at naging sigurado na si Jesus ang Cristo. Ngunit ito’y huli na, at ang katapusan ni Tomas ay napagpasyahan na—nawala na niya ang pagpapala ng Diyos magpakailanman.

Sa pinakamahalagang oras na kung kailan babatiin natin ang Panginoon, tayo ngayon ay nakagagawa ng parehong pagkakamali gaya ni Tomas. Kapag naririnig natin ang ilan na nagpapatotoo na ang Panginoon ay nakabalik na sa katawang-tao, hindi natin ito pinaniniwalaan, at hindi tayo gumagawa ng inisyatibo na saliksikin upang marinig ang tinig ng Diyos at masalubong ang Panginoon. Sa halip, pinagpipilitan natin ang ating paniniwala na hanggat ‘di Siya dumarating na nakasakay sa isang puting ulap, kung gayon hindi ito ang Panginoong Jesus, at paniniwalaan lamang natin ito kapag nakita natin ang muling nabuhay na espiritwal na katawan ng Panginoon gamit ang ating sariling mga mata; ito ang pinaka-dahilan kung bakit hindi natin nababati ang Panginoon. Mayroon malamang na ilan na magsasabi, “Mali ba para sa atin na abangan ang pagdating ng Panginoon kasama ng mga ulap, tulad ng sinabi ng propesiya?” Dapat nating malaman na mayroong maraming propesiya sa Biblia na patungkol sa pagbabalik ng Panginoon. Hindi lamang ang propesiya na nagsasabi na ang Panginoon ay paparito kasama ng mga ulap, ngunit may mga propesiya din na nagsasabi na ang Panginoon ay paririto nang palihim sa katawang-tao, tulad ng iprinopesiya ng Panginoon: “Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw(Pahayag 16:15). “Kaya nga kayo’y magsihanda naman; sapagka’t paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip(Mateo 24:44). “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito(Lucas 17:24–25). Itong “Anak ng tao” ay nangangahulugan na Isa na isinilang ng tao at nagtataglay ng pangkaraniwang katauhan. Kung Siya ay dumating bilang Espiritu o sa anyo ng Kanyang muling nabuhay na espiritwal na katawan, kung gayon hindi posible na matawag Siya na ang “Anak ng tao.” Samakatuwid, ang mga propesiya na ito ay nangangahulugan na kapag bumalik ang Panginoon, Siya ay magkakatawang-tao bago ang mga sakuna at paparito upang tahimik na gumawa at sa lihim. Kung, tulad ng iniisip natin, ang Panginoon ay babalik na nakasakay sa ibabaw ng mga ulap sa Kanyang espiritwal na muling nabuhay na katawan, gayon paano matutupad ang mga propesiya patungkol sa Kanyang pagparito ng lihim? Noon, hindi naniwala si Tomas sa propesiya na ang Panginoon ay muling mabubuhay mula sa kamatayan; hindi rin ba tayo maniniwala na ang propesiya na nagsasabi na ang Panginoon ay darating sa lihim ay matutupad? Tatahakin pa rin ba natin ang landas ng pagkabigo ni Tomas? Malinaw na sinabi sa atin ng Panginoon: “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya(Mateo 25:6). “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko(Pahayag 3:20). “Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin(Juan 10:27). Makikita natin mula rito na kapag ang Panginoon ay bumalik, gagamitin Niya ang Kanyang mga pagbigkas upang kumatok sa ating mga pintuan, at ang pinakamahalagang bagay upang batiin ang Panginoon ay dapat nating pakinggan ang tinig ng Diyos. Samakatuwid dapat nating matutunan ang aral sa kabiguan ni Tomas; hindi tayo dapat maging mga taong naniniwala lamang kapag nakikita ang Panginoon na dumarating sa mga ulap gamit ang kanilang sariling mga mata. Dapat tayong tumuon sa pakikinig sa tinig ng Diyos at batiin ang Panginoon, at kapag narinig natin ang isang tao na nagpapatotoo na ang Panginoon ay bumalik sa katawang-tao, dapat tayong may inisyatiba upang hanapin at suriin ito. Sa sandaling makilala natin ang tinig ng Diyos, dapat nating tanggapin at magpasa-ilalim, sapagkat matapos lang yun na maaari nating tunay na mabati ang Panginoon at makadalo sa kapistahan kasama Niya. Gamitin ang mga alagad, halimbawa, tulad nina Pedro at Juan. Nang marinig nila ang awtoridad at kapangyarihan sa mga salita ni Jesus, nakilala nila ang Kanyang mga salita na tinig ng Diyos, at sumunod sila sa Panginoong Jesukristo at tinanggap ang Kanyang kaligtasan. Binati nila ang Panginoon sa pamamagitan ng pakikinig sa mga pagbikas na sinalita ng Diyos na nagkatawang-tao, at sa gayon sila ay pinaka-pinagpala.

Kapag hindi tayo kumilos ng ayon sa mga salita ng Diyos upang marinig ang tinig ng Diyos at masalubong ang Panginoon sa panahon na Siya ay dumating nang lihim upang gumawa, at tayo ay patuloy na kumikilos katulad ng ginawa ni Tomas, naghihintay para sa Panginoon na dumating sa mga ulap upang makita natin Siya sa ating sariling mga mata, ano ang mangyayari kapag talagang nakita natin Siya na dumarating sa mga ulap? Ipinropesiya ng Bibliya: “At kung magkagayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian(Mateo 24:30). “Narito, siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya(Pahayag 1:7). Makikita natin mula sa mga talatang ito na kapag nakita natin ang Panginoon na dumarating sa mga ulap gamit ang ating sariling mga mata, iyon ay kapag ang lahat ng mga angkan ay mananaghoy. Makatarungan na isipin na ang mga tao ay dapat bumati sa Panginoon nang may kagalakan kapag nakikita nila Siya, kaya bakit lahat ng mga angkan ay mananaghoy? Ito ay dahil, kapag ang Panginoon ay bumalik sa mga huling araw, una Siyang paparito nang palihim sa katawang-tao bago ang mga sakuna upang ipahayag ang katotohanan at maisagawa ang gawain upang hatulan at linisin ang tao. Ang mga nakikinig sa tinig ng Diyos at pagkatapos ay sinasaliksik at tinatanggap ito ay ang mga matalinong dalaga na madadala sa harap ng Diyos. Matapos silang hatulan at linisin at magawa ng Diyos bilang mga mananagumpay, ang gawain sa lihim na pagparito ng Diyos na nagkatawang-tao ay matatapos na. Gayon ay sisimulan ng Diyos na pakawalan ang malaking mga sakuna upang gantimpalaan ang mabuti at parusahan ang mga masasama, at iyon din ang oras na tutukuyin ang hantungan ng mga tao. Ang lahat ng nagawang mga mananagumpay bago ang mga sakuna ay mapapasa-ilalim sa pangangalaga ng Diyos at makaliligtas; ang mga pikit-matang naghihintay na ang Panginoon ay dumating sa isang ulap, na patuloy na tumatanggi na tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at pati na ang kumondena sa Cristo ng mga huling araw, ay lubos na tatalikuran at aalisin ng Diyos—ang naghihintay sa kanila ay ang matuwid na kaparusahan ng Diyos. Samakatuwid, kapag ang Diyos ay hayagang nagpapakita sa lahat ng mga bansa at mga tao pagkatapos ng mga sakuna at nakita nila na ang Cristo ng mga huling araw na kanilang tinanggihan ay tunay na ang bumalik na Panginoong Jesus, mananangis sila at magngangalit ng kanilang mga ngipin, at iyon ang oras na matutupad ang propesiya na ang Panginoon ay darating sa mga ulap: “Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa Kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kaniya(Pahayag 1:7).

Ngayon, tanging ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang lantarang nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay bumalik na bilang ang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos. Nagpahayag Siya ng katotohanan at nagsasagawa ng gawain ng paghatol at pagdadalisay ng tao sa mga huling araw, at gagawa Siya ng isang grupo ng mga mananagumpay bago dumating ang mga sakuna. Ito ang eksaktong katuparan ng mga propesiya ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12–13). “Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:48). At sabi sa 1 Pedro 4:17 “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios.” Ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay ang mga “sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” na ipinropesiya sa Pahayag, at matagal ng nagagamit ng publiko online para sa mga tao mula sa buong mundo upang maghanap at magsaliksik—ito ang Panginoon na kumakatok sa ating mga pintuan! Gayunpaman, gaano man ang katok ng Panginoon sa kanilang mga pintuan, may ilan na nagsasara ng kanilang mga tainga sa tinig ng Panginoon at na, tulad ni Tomas, ay paniniwalaan lamang ito kapag nakita nila ito sa kanilang sariling mga mata. Ang mga taong ito ay mapapalampas ang gawain ng lihim na kaligtasan ng Diyos bago ang mga sakuna, at sa araw na makikita nilang hayagang dumarating ang Panginoon sa mga ulap ay ang araw na sila ay parurusahan, at kahit gaano kalaki ang kanilang mararamdamang pagsisi pagkatapos, ito ay huli na. Tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus: “Sapagka’t ako’y nakita mo ay sumampalataya ka: mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayon ma’y nagsisampalataya(Juan 20:29). Pinayuhan din tayo ng Makapangyarihang Diyos, “Sinasabi Ko sa inyo, tiyak na yaong mga naniniwala sa Diyos nang dahil sa mga palatandaan ay tiyak na nasa kategorya ng mga daranas ng pagkawasak. Yaong mga hindi kayang tumanggap sa mga salita ni Jesus na nagbalik na sa katawang-tao ay tiyak na mga anak ng impiyerno, mga inapo ng arkanghel, ang kategorya na sasailalim sa walang-katapusang pagkawasak. Maaaring walang pakialam ang maraming tao sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ninyo nang sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sa ibabaw ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyan ng matinding katuwaan sa inyo, subalit dapat ninyong malaman na ang sandali kung kailan nasasaksihan ninyong bumababa si Jesus mula sa langit ay iyon din ang sandali ng pagbaba ninyo sa impiyerno para maparusahan. Sa panahong iyon magwawakas ang plano ng pamamahala ng Diyos, at mangyayari iyon kung kailan ginagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga palatandaan ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga palatandaan, at sa gayon ay napadalisay na, ay makakabalik na sa harap ng luklukan ng Diyos at makakapasok na sa yakap ng Lumikha. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na ‘Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo’ ang sasailalim sa walang-katapusang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga palatandaan, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng malupit na paghatol at nagpapakawala ng tunay na landas ng buhay. Kaya maaari lamang silang pakitunguhan ni Jesus kapag hayagan Siyang bumabalik sa ibabaw ng puting ulap. Masyado silang sutil, masyadong tiwala sa kanilang sarili, masyadong mayabang. Paano magagantimpalaan ni Jesus ang gayon kababang-uri?(Sa Sandaling Mamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa). Nais ba nating maging kasama sa mga yaong itinatatwa na ang Diyos ay dumating nang palihim sa katawang-tao bago ng mga sakuna, na basta na lamang naghihintay na makita ang Panginoon na dumarating sa mga ulap at mga dadanas ng kalamidad? O nais ba nating maging kasama sa mga yaong, sa kabila ng hindi nakita ang Panginoon na dumarating sa mga ulap, tinanggap ang gawain ng kaligtasan ng nagkatawang-tao na nagbalik na Panginoon at yaong magmamana ng pangako ng Diyos? Ang bawat isa sa atin ay dapat gawin ang desisyon na ito para sa ating sarili.

Inirerekomenda para sa iyo:

Mag-iwan ng Tugon