Paano Maging Isang Matalinong Birhen Upang Salubungin ang Pagdating ng Panginoon
Kumusta kapatid na xiaona,
Sa kasalukuyan ay lalo pang lumalala ang mga kalamidad sa buong mundo at ang sitwasyon sa bawat bansa ay labis na nakakanerbiyos. Natupad na ang mga propesiya sa Bibia tungkol sa pangalawang pagdating ng Panginoon, gayunman ay hindi ko pa rin sinasalubong ang Panginoon. Natatakot ako na aabandunahin ako ng Panginoon. Kaya naman, gusto kong hingin ang inyong payo: Anong dapat kong gawin upang salubungin ang pangalawang pagdating ng Panginoon?
Jingxing
Kumusta Kapatid na Jingxing:
Ang tinanong mo ay katulad ng inaalala ng lahat ng mga kapatid na desperadong hinihintay ang pagbabalik ng Panginoon. Kung gusto nating salubungin ang pagdating ng Panginoon, ang pinakamahalagang bagay ay pagtuunan ng pansin ang pakikinig sa Kanyang tinig at makilala ang Kanyang tinig mula sa Kanyang mga salita. Noon lang natin masasalubong ang Kanyang pagpapakita at sumunod sa mga yapak ng Kordero. Sinabi ng Panginoong Hesus, “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20). At maraming ulit na binanggit sa Pahayag, “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 2-3). At sinabi rin ng Panginoong Hesus, “Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin” (Juan 10:27). Mula sa mga propesiyang ito, malinaw nating makikita na kapag nagbalik ang Panginoong Hesus, magsasalita Siyang muli, at na maririnig ng mga tupa ng Diyos ang Kanyang tinig at lalabas upang salubungin Siya at magagalak sa harapan ng Kanyang trono.
Magbalik-tanaw tayo kay Pedro. Mula sa mga salita at gawa ng Panginoong Hesus, nakilala niya na ang Panginoong Hesus ay si Kristo, anak ng Diyos, kaya nagawa niyang makilala ang Panginoong Hesus at sundan Siya. At ang babaeng Samaritano, ayon sa mga salita na sinabi sa kanya ng Panginoong Hesus, ay alam na Siya ang padating na Mesiyas. Noong una ay hindi kinilala ni Nathanael ang Panginoong Hesus, ngunit nang makipag-ugnayan siya sa Panginoon, nakilala nito mula sa mga salita Niya na ang Panginoong Hesus si Kristo. Gaya ng nakikita natin, lahat sila ay nagawang sundan ang mga yapak ng Diyos at nalaman na ang Panginoong Hesus ang Diyos dahil nakilala nila ang mga salita at gawa ng Diyos.
Alam nating lahat na mga mananampalataya na ang paraan ng pangangaral ng Panginoong Hesus, ang salitang Kanyang binigkas, ang mga misteryo ng kaharian ng langit na ibinunyag Niya, at ang mga kinakailangan Niya sa ating mga tao ay mga katotohanan lahat, lahat ay sariling tinig ng Diyos, at lahat ay mga paghahayag ng disposisyon sa buhay ng Diyos at lahat ng mayroon Siya at kung ano Siya. Ang mga himalang isinagawa Niya—pagpapagaling ng may sakit, pagtataboy sa mga demonyo, pagpapakalma ng hangin at dagat, pagpapakain sa limang libo ng limang pirasong tinapay at dalawang isda, at pagbuhay sa patay—ay mga pagpapahayag lahat ng sariling awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, na wala sa mga nilikhang tao ang nagtataglay o nakagagawa. Ang mga naghanap ng katotohanan ng mga panahong iyon, tulad ni Pedro, Juan, Mateo, at Nathanael, ay nakilala mula sa salita at gawa ng Panginoong Hesus na Siya ang ipinangakong Mesiyas, at kaya naman sinundan Siya at tinanggap ang Kanyang pagliligtas. Samantalang ang mga Fariseong Hudyo, sa kabila ng pagkarinig sa mga sermon ng Panginoong Hesus at makita Siyang magsagawa ng mga himala, nangunyapit pa rin sila sa mga sulat sa Biblia, iniisip na kapag dumating ang Diyos ay dapat Siyang tawaging Mesiyas at na darating Siya upang mamuno at gabayan sila upang makalaya mula sa pamumuno ng gobyernong Romano. Gayunman, nang dumating ang Panginoong Hesus, hindi Siya tinawag na Mesiyas, hindi ipinanganak sa palasyo at hindi kumilos bilang kanilang hari. Idagdag pa, mula sa labas, isa lang Siyang ordinaryong tao na walang kapangyarihan o tayog, hindi naaayon sa kanilang mga konsepto at imahinasyon. Bilang resulta, itinatwa nila ang Panginoong Hesus, marahas na hinatulan at nilabanan siya, at sa huli, ginawa nila ang pinakamalaking kasalanan sa pagpako sa Panginoong Hesus sa krus. Kailangang pagnilayan nang husto ang aral ng mga Fariseo!
Ang mga tunay na nananampalataya sa Diyos at minamahal ang katotohanan ay hindi binibigyang pansin ang mga panlabas na pormalidad ngunit sa halip ay itinutuon ang pansin nila sa tinig ng Diyos. Hangga’t naririnig nila ang tinig ng Diyos, maghahanap at susuriin iyon kaagad, makikilala ang Diyos mula sa Kanyang mga pagbigkas at susundan Siya. Kaya naman makakamit ng mga ganoong klase ng tao ang papuri ng Diyos. Kabaligtaran niyon, ang mga mapagmataas na tanging naghahanap lamang ng tinapay upang mapawi ang gutom at nakatuon sa kapangyarihan at estado, kapag nakita na ang anyo at gawain ng Diyos ay hindi naaayon sa kanilang mga pagkaintindi, ay tumatangging makinig sa tinig ng Diyos at labis na humahatol at lumalaban. Ang mga gayong tao ay hindi kailanman masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon.
Binalaan tayo ng Panginoong Hesus, “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6). Hindi natin alam kung paano kakatok ang Panginoon sa ating mga pintuan. Maaaring mula sa Internet o sa pamamagitan ng pakikinig ng ebanghelyo mula sa mga kapatid sa paligid natin o sa ating mga kamag-anak at kaibigan, maririnig natin ang tinig ng Diyos at makikita natin ang Kanyang mga salita sa lahat ng iglesia. Kaya, kung nais nating salubungin ang pagpapakita ng Diyos, kahit ano pang paraan ng pagkatok ng Panginoon sa ating mga pintuan, kahit na naaayon man iyon o hindi sa ating mga pagkaintindi o mga imahinasyon, dapat tayong maging matatalinong birhen at mapagkumbabang hanapin at siyasatin at pakinggan ang tinig ng Diyos. Hindi dapat natin panghawakan ang ating mga paniniwala at imahinasyon o bulag na makinig sa mga sabi-sabi at kaya naman tumatangging magsiyasat. Kapag ginawa natin iyon, mawawala sa’tin ang pagkakataon na salubungin ang Panginoon at malugod na pumasok sa kaharian ng langit. Tapat ang Diyos. Ang mga tapat na nananabik sa Kanyang pagpapakita ay tiyak na magagawang marinig ang Kanyang tinig, maitatayo sa harap ng Kanyang trono at dadalo sa piging ng Kordero.
Kapatid na Jingxing, umaasa ako na sana ay magawa kang tulungan ng pagbabahagi ko. Kung may hindi ka maintindihan, ipaalam mo sa’kin, at maaari tayong magbahagian muli. Nawa ay gabayan tayo ng Panginoon upang salubungin ang nalalapit na pagpapakita ng Diyos.
Xiaona,