Pag-aralan ang Mateo 25: Ano ang Matalinong Dalaga?
Pansin ng Patnugot: Katulad ng nakatala sa Kabanata 25 ng Mateo, ginamit ng Panginoon ang parabula ng sampung dalaga upang turuan tayo na sa mga huling araw, tanging ang mga matatalinong dalaga ang makasasalubong sa Panginoon. Gayon, alam mo ba ang susi kung bakit makasasalubong sa Panginoon ang mga matatalinong dalaga? Ang katanungang ito ay napakahalaga kung maaari nating masalubong ang pagbabalik ng Panginoon. Basahin ang artikulong ito upang matutuhan kung paano maging isang matalinong dalaga at magpiging kasama ang Panginoon.
Sister Mu Zhen,
Ang kapayapaan ng Panginoon ay sumaiyo! Nasisiyahan akong sumulat ka. Nabanggit mo sa iyong sulat na malapit na ang araw ng pagdating ng Panginoon, at ikaw ay sadyang nagbabasa ng Banal na Kasulatan at mas nananalangin, at gumagawa nang mas marami pang gawain para sa Panginoon upang ikaw ay mapabilang sa mga matatalinong dalaga na maingat na naghihintay sa pagdating ng Panginoon. Subali’t ang mga bagay na ito ay hindi nagpatalas sa iyong espirituwal na katalinuhan o nagpalago sa iyong pananampalataya o pagmamahal para sa Panginoon. Naguguluhan ka kung ikaw ba ay maaaring mapabilang na isang matalinong dalaga sa pamamagitan ng paghahanap sa daang ito, at nais mong malaman kung anong uri ng pagsasanay ang kailangan mo upang malugod mong masalubong ang Panginoon. Lahat tayo’y nagnanais na maging matatalinong dalaga na malugod na sasalubong sa Kanyang pagbabalik at dumalo sa piging ng kaharian ng langit kasama Niya—walang may nais na maging isang mangmang na dalaga at maisantabi ng Panginoon, nguni’t anong uri ng pagsasanay ang maging isang matalinong dalaga? Nais kong ibahagi ang personal kong pagkaunawa sa nasabing isyu-umaasa akong makatutulong ito sa iyo.
Sinabi ng Panginoong Jesus, “Kung magkagayon ay makakatulad ang kaharian ng langit ng sangpung dalaga, na kinuha ang kanilang mga ilawan, at nagsilabas upang salubungin ang kasintahang lalake. At ang lima sa kanila’y mga mangmang, at ang lima’y matatalino. Sapagka’t nang dalhin ng mga mangmang ang kanilang mga ilawan, ay hindi sila nangagdala ng langis: Datapuwa’t ang matatalino ay nangagdala ng langis sa kanilang sisidlan na kasama ng kanilang mga ilawan” (Mateo 25:1–4). Mula sa Banal na Kasulatan makikita natin na ang mga matatalinong dalaga ay yaong maingat na naghihintay sa pagdating ng Panginoon, aktibong naghahanda ng langis para sa kanilang mga ilawan; sa huli, malugod nilang nasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at nakadalo sa piging ng kaharian ng langit. Maraming mga kapatiran ang nagbasa ng nasabing talata at naunawaan nila ito ng ganito: Hangga’t madalas nating binabasa ang Banal na Kasulatan, nananalangin nang maingat, nananatili sa paraan ng Panginoon, nakikilahok sa gawain ng Panginoon at nagbabahagi ng mabuting balita, iyan ang paghahanda ng langis. Ang lahat ng gumagawa ng ganito ay mga matatalinong dalaga at sa pagbabalik ng Panginoon tunay na makadadalo sila sa piging ng Panginoon. Nguni’t ang tinutukoy nga kaya ng Panginoon na mga matatalinong dalaga ay tunay na ganito? Balikan natin ang mga Fariseo—palagi silang umaasa para sa pagdating ng Mesyas, at alang-alang sa malugod na pagtanggap sa Kanya, hindi lamang sila maalam sa Banal na Kasulatan at sinunod ang mga batas at kautusan, nguni’t madalas din nilang ipaliwanag ang Banal na Kasulatan sa mga mananampalataya at nanalangin para sa kanila, at gayon din nagbahagi ng mabuting balita ng Diyos na Jehova hanggang sa dulo ng daigdig. Kaya’t batay sa ganoong uri ng pag-unawa, ang mga kinilos ng mga Fariseo ay dapat na naituring bilang mga matatalinong dalaga na naghahanda ng langis, at dapat na may kakayahan sila upang malugod na sumalubong sa Mesyas at tumanggap sa kaligtasan ng Diyos. Nguni’t ito nga ba talaga ang tunay na kaso? Nang nagkatawang-tao ang Panginoong Jesus upang gumawa at magpahayag, talagang walang paggalang sa kanilang mga puso ang mga Fariseo para sa Diyos, at bagama’t nakita nila na ang Kanyang mga salita at gawain ay nagtataglay ng kapangyarihan at awtoridad at nagmula sa Diyos, hindi lamang sa hindi sila naghanap at nagsiyasat nang may bukas na pag-iisip, nguni’t sa halip may katigasan ang ulong kumapit sila sa kanilang mga sariling paniwala at palagay, nag-iisip na hindi Panginoon ang sino mang hindi tinawag na Mesyas. Nilagyan din nila ng takda ang gawain at mga salita ng Diyos at ikinulong sa Banal na Kasulatan noong panahong iyon, hinatulan ang gawain ng Panginoon at ang Kanyang mga salita bilang taliwas sa Lumang Tipan kung kaya’t tinanggihan nila ito. Galit na galit silang gumawa ng mga kuwento-kuwento, nanirang puri, at nilapastangan ang Panginoong Jesus; at sa huli, ipinako Siya sa krus. Kaya’t, tinanggap nila ang sumpa at parusa ng Diyos. Nakikita natin mula sa katotohanan ng paglaban ng mga Fariseo sa Diyos na ang pagbabasa lamang ng Banal na Kasulatan, pagiging mapagbantay sa panalangin, pagsunod sa paraan ng Panginoon, at paggawa para sa Panginoon ay hindi sapat upang mapabilang na isang matalinong dalaga.
Kung gayon ano talaga ang isang matalinong dalaga? Tingnan natin ang isang talata mula sa Bibliya: Sinabi ng Panginoong Jesus, “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6). Ipinapakita ng mga salita ng Panginoon na ang mga matatalinong dalaga ay may mga puso na lubos ang paggalang sa Diyos, at sa usapin ng malugod na pagsalubong sa pagdating ng Panginoon, nakatuon ang kanilang pansin sa pakikinig sa tinig ng Panginoon. Kapag nakarinig sila na may nagpatotoo na ang Panginoon ay nagbalik na, at gumagawa at nagpapahayag, hindi nanghuhusga nang walang taros ang mga matatalinong dalaga. Sa halip, aktibo silang maghahanap at magsisiyasat, pag-iisipan nang mabuti, at mula dito makikilala nila ang tinig ng Panginoon, malugod na sasalubungin ang Kanyang pagbabalik, dadalhin sa harapan ng trono ng Diyos, at dadalo sa piging ng kaharian ng langit. Katulad ito ng kuwento ng babaeng Samaritano sa Bibliya. Nang marinig niya ang sinabi ng Panginoong Jesus sa kanya, “Sapagka’t nagkaroon ka na ng limang asawa; at ang nasa iyo ngayon ay hindi mo asawa: dito’y sinabi mo ang katotohanan” (Juan 4:18), nakilala niya mula sa Kanyang mga salita na ang Panginoong Jesus ang Kristo. Ito’y dahil sa alam niyang tanging ang Diyos lamang ang makakaalam ng lahat at makapagsasabi sa mga lihim na itinatago ng mga tao—tinuran Niya ang lahat ng kanyang nagawa, at maliban sa Diyos, walang sino mang may angking ganoong uri ng awtoridad at kapangyarihan. Ito ang paraan kung paano niya nakilala ang Panginoong Jesus bilang Kristo at Siya ang Mesyas na darating. Katulad nga ng sinabi ng babaeng Samaritano sa maraming tao, na nakatala sa Bibliya: “Magsiparito kayo, tingnan ninyo ang isang lalake, na nagsabi sa akin ng lahat ng mga bagay na aking ginawa: mangyayari kayang ito ang Cristo?” (Juan 4:29). Nakikita natin dito na ang talino ng babaeng Samaritano ay nakasalalay sa kanyang kakayahan na mabatid ang tinig ng Diyos. Nang marinig niyang tinig iyon ng Diyos, nagawa niyang tanggapin ito, at kaya naman natamo niya ang kaligtasan ng Panginoong Jesus. Ipinapakita sa atin ng Bibliya na nakilala din nina Pedro, Natanael, at iba pa ang tinig ng Diyos sa pamamagitan ng kung ano ang sinabi ng Panginoong Jesus, at natukoy nilang Siya nga mismo ang Diyos. Ito ang dahilan kung bakit isinuko nila ang lahat upang sumunod sa Panginoon—ang taong ito ay isang matalinong dalaga. Subali’t iyong mga mayayabang katulad ng mga Fariseo, na hindi nakaririnig sa tinig ng Diyos, o doon sa mga nakaririnig sa tinig ng Diyos nguni’t hindi naghahanap o tumatanggap nito, o kahi’t iyong mga nasusuklam at tumatanggi sa katotohanan, ay mga mangmang na dalaga at nakatadhana silang isantabi at iwaksi ng Panginoon.
Nauunawaan natin ngayon mula sa katotohanang ito na ang pinakaimportanteng punto upang maging matatalinong dalaga ay ang kakayahang makarinig sa tinig ng Diyos—ito ang nagpapatalino sa kanila. Sa Pahayag talata 2 at 3, “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” ay nabanggit ng ilang beses, at sa Pahayag 3:20 sinasabing: “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko.” Nakikita natin sa mga propesiyang ito na sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw, magpapahayag pa Siya ng mas maraming salita, kung saan ang pagiging masigasig sa pakikinig sa mga salita ng Panginoon at pagkilala sa Kanyang tinig ay lubhang napakahalaga. May kaugnayan din ito sa napakahalagang katanungan kung malugod nga ba nating masasalubong ang Panginoon at madadala tayo paakyat sa harapan ng Kanyang trono. Kung gayon, paano natin makikilala ang tinig ng Diyos? Ang sunod, makipagbahaginan tayo sa ilang mga prinsipyo kung paano mababatid ang tinig ng Diyos.
1. Ang lahat ng binigkas ng Diyos ay katotohanan. Makapagbibigay ito ng kinakailangang kabuhayan sa mga tao, at magkakaloob sa kanila ng daan sa pagsasanay.
Sinabi ng Panginoong Jesus, “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko” (Juan 14:6). At sa Ebanghelyo ng Juan 1:1-2, nakasulat: “Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. Ito rin nang pasimula’y sumasa Dios.” Dagdag dito, nariyan ang Juan 1:4: “Nasa kaniya ang buhay; at ang buhay ay siyang ilaw ng mga tao.” Ang Diyos mismo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at ang lahat ng mga salita na binigkas Niya ay katotohanan. Makakapagkaloob ito ng kabuhayan para sa sangkatauhan ayon sa kanilang pangangailangan at bibigyan sila ng daan sa pagsasanay. Sa paglingon sa Panahon ng Batas, hindi naunawaan ng mga tao kung ano ang buhay, gayon din hindi nila alam kung paano sumamba sa Diyos. Ito ang dahilan kung bakit nagpalabas ng mga kautusan ang Diyos sa pamamagitan ni Moises, upang ang mga tao ay manatili sa pagsunod sa mga kautusan at iyan ang gagabay sa kanila sa kanilang mga buhay, at hahayaan silang matuto kung paano sumamba sa Diyos. Katulad nga ng sinasabi sa Sampung Utos: “Ako ang iyong Dios na si Jehova na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin. Huwag kang magkakaroon ng ibang mga Dios sa harap ko. ... Huwag mong yuyukuran sila o paglilingkuran man sila: sapagka’t akong Dios mo na si Jehova ay mapanibughuing Dios, na aking dinadalaw ang kasamaan ng mga magulang sa mga anak, sa ikatlo at sa ikaapat na salin ng nangapopoot sa akin; At pinagpapakitaan ko ng kaawaan ang libolibong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos” (Deuteronomy 5:6-7, 9-10). “Huwag kang papatay. Ni mangangalunya. … Ni sasaksi sa di katotohanan laban sa iyong kapuwa. Ni huwag mong iimbutin ang asawa ng iyong kapuwa; ni huwag mong pagnanasaan ang bahay ng iyong kapuwa, ang kaniyang bukid, ni ang kaniyang aliping lalake, o babae, ni ang kaniyang baka, ni ang kaniyang asno, ni anomang bagay ng iyong kapuwa” (Deuteronomio 5:17-18, 20-21). Ang mga batas at kautusan ang nagpakita sa mga tao na sila ay nilikha ng Diyos at dapat nilang sambahin Siya; natutuhan din nila na ang paglabag sa mga batas at kautusan ay isang pagkakasala. Sinabi din ng Diyos sa mga tao kung paano maghandog ng mga sakripisyo kapag sila’y nagkasala, at kapag hindi ay kung anong uri naman ng kaparusahan ang kanilang matatanggap. Tumanggap ng pagkain ng katotohanan ang mga tao noong panahon iyon at ng tiyak na daan sa pagsasanay. Unti-unting umayos ang buhay at kaugalian ng mga tao at nagsimula silang mamuhay nang tama bilang mga tao. Sa Panahon ng Biyaya pagdating ng Panginoong Jesus upang gumawa, nagsalita Siya ng maraming beses patungkol sa mga pangangailangan ng mga tao ng panahon, tinuruan silang mangumpisal at magsisi, na dapat silang maging mapagpatawad at mapagpaubaya sa iba, magmahal sa iba katulad ng pagmamahal sa kanilang mga sarili, at maging ilaw at asin. Nang maunawaan ng mga tao ang katotohanan, nagkaroon sila ng bagong mga daan ng pagsasanay kapag naharap sila sa mga isyu at ito ang nagbibigay sa kanila ng suporta para sa kanilang mga buhay—hindi na sila napipilitan dahil sa batas. Bilang halimbawa, tinanong ni Pedro ang Panginoong Jesus, “Panginoon, makailang magkakasala ang aking kapatid laban sa akin na siya’y aking patatawarin? hanggang sa makapito?” (Mateo 18:21). Sinagot ni Jesus si Pedro, “Hindi ko sinasabi sa iyo, Hanggang sa makapito; kundi, Hanggang sa makapitongpung pito” (Mateo 18:22). Nakikita natin dito na ang mga salitang binigkas ng Panginoong Jesus ay pawang katotohanan, ang daan, at ang buhay; ito ang nagbigay-buhay sa ano mang kailangan ng mga tao at nagbigay sa kanila ng daan sa pagsasanay. Ito ang isa sa mga katangian ng mga salita ng Diyos.
2. Nagtataglay ng lahat ng kapangyarihan at awtoridad ang mga salita ng Diyos, at kapahayagan ng disposisyon ng Diyos.
Alam natin na sa simula, ginamit ng Diyos ang mga salita upang lumikha ng kalangitan, ng lupa, at ng lahat ng bagay. Pagkabigkas niya ng kataga, nangyari ito, katulad ng sinasabi sa Awit 33:9: “Sapagka’t siya’y nagsalita, at nangyari; siya’y nagutos, at tumayong matatag.” Sa panahon ng Lumang Tipan, ipinangako ng Diyos na ang mga binhi ni Abraham ay magiging katulad ng mga bituin sa langit at buhangin sa baybayin, at ang lahat ay naganap katulad ng ipinangako ng Diyos. Maging sa ngayon, ang mga binhi ni Abraham ay matatagpuan sa bawat sulok ng mundo, at ang bawat isang winika ng Diyos ay natupad, bawat isa. Sa Panahon ng Biyaya, ang mga hangin at karagatan ay maaaring payapain sa pamamagitan ng isa lamang pagbigkas ng Panginoong Jesus, at sa mga salitang, “Lazaro, lumabas ka” (Juan 11:43), si Lazarus, na apat na araw ng patay, ay naglakad palabas ng libingan. Ang lahat ng ito ay dahil sa awtoridad at kapangyarihan ng mga salita ng Diyos. Sinabi rin ng Panginoong Jesus, “Datapuwa’t ang sinomang umiinom ng tubig na sa kaniya’y aking ibibigay ay hindi mauuhaw magpakailan man; nguni’t ang tubig na sa kaniya’y aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig na bubukal sa kabuhayang walang hanggan” (Juan 4:14). “Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang kabuhayan: ang sumasampalataya sa akin, bagama’t siya’y mamatay, gayon ma’y mabubuhay siya; At ang sinomang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailan man” (Juan 11:25-26). “Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; nguni’t ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Dios ay sumasa kaniya” (Juan 3:36). “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ipatatawad ang lahat ng kanilang mga kasalanan sa mga anak ng mga tao, at ang mga kapusungan nila kailan ma’t sila’y mangagsasalita ng kapusungan: Datapuwa’t sinomang magsalita ng kapusungan laban sa Espiritu Santo ay walang kapatawaran magpakailan man, kundi may kasalanan ng isang kasalanang walang hanggan” (Marcos 3:28-29). Ang mga salita ng Panginoong Jesus ay nagtataglay ng kapangyarihan at awtoridad; kaya nitong kumbinsihin ang puso at isipan ng mga tao, at maririnig natin ang tinig ng Diyos na nakapaloob dito. Ang mga salita ng Diyos ay hindi lamang nagbibigay ng direksyon at namamahala sa lahat ng bagay, gayundin ito ay nagkakaloob ng buhay at katotohanan sa atin. Nagbibigay-pangako din ito ng mga pagpapala, at nagbibigay-sumpa sa lahat ng mga naghihimagsik at lumalaban sa Diyos. Ipinapakita ng Salita ng Diyos na pinakikitunguhan ng Diyos nang may awa at pag-ibig yaong mga naniniwala at nagmamahal sa Kanya, samantalang makikita naman ng mga mapanghimagsik at sumasalungat ang Kanyang kamahalan at poot. Nakikita natin ang matuwid at di malalabag na disposisyon ng Diyos—ang lahat ng Kanyang mga salita ay pagpapahayag ng Kanyang disposisyon, at kung anong mayroon Siya at kung ano Siya. Higit pa, nagtataglay ito ng natatanging awtoridad ng Lumikha. Ito ang dahilan, kung bakit sa pagtatangkang matukoy kung iyon nga ay tinig ng Diyos, kailangan nating makita kung ang mga salitang iyon ay nagtataglay ng kapangyarihan at awtoridad, at kung ang mga ito ay pagpapahayag ng disposisyon ng Diyos maging ng kung anong mayroon Siya at ano Siya.
3. Ang mga salitang ipinapahayag ng Diyos ay maaaring magbukas ng mga misteryo sa likod ng gawain ng pamamahala ng Diyos
Sinabi ng Panginoong Jesus, “Gayon din ang mangyayari sa katapusan ng sanglibutan. Susuguin ng Anak ng tao ang kaniyang mga anghel, at kanilang titipunin sa labas ng kaniyang kaharian ang lahat ng mga bagay na nangakapagpapatisod, at ang nagsisigawa ng katampalasanan. At sila’y igagatong sa kalan ng apoy: diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin. Kung magkagayo’y mangagliliwanag ang mga matuwid na katulad ng araw sa kaharian ng kanilang Ama. Ang may mga pakinig, ay makinig” (Mateo 13:40-43). “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). Sinabi sa atin ng Panginoong Jesus na sa katapusan ng mundo, magpapadala ng mga anghel ang Diyos upang ihiwalay ang mabuti sa masama, at ang lahat ng mga tao ay ibubukod ayon sa kanilang uri: ang trigo mula sa pangsirang damo, ang mabuting lingkod mula sa masasamang lingkod, at ang mga matatalinong dalaga mula sa mga mangmang na dalaga. Tanging ang mga sumusunod lamang sa panuntunan ng Ama sa Langit ang makapapasok sa kaharian ng langit. Dagdag pa dito, nasa propesiya ng Panginoong Jesus na Siya ay tiyak na babalik na muli, na sa mga huling araw ang Anak ng tao ang hahatol at lilikha ng grupo ng mga nagsipagtagumpay sa harap ng mga kalamidad, na ang tabernakulo ng Diyos ay nasa gitna ng sangkatauhan, at ang kaharian ng Diyos ay magpapakita. Ang lahat ng mga misteryong ito ay mga bagay na lingid sa ating kaalaman bilang mga tao, at wala ni isa man sa atin ang may kakayahang magpaliwanag sa mga ito, kung gayon paanong nasasabi ng Panginoong Jesus ang mga bagay na ito? Ito ay sa dahilang ang Panginoong Jesus mismo ang Diyos—Siya ang Panginoon ng langit, at tanging ang Diyos lamang ang nakaaalam kung anong uri ng mga tao ang makapapasok sa kaharian ng langit, kung paano gumagawa ang Diyos sa mga huling araw, at ano ang hantungan at kalalabasan ng tao. Tanging ang mga pagbigkas ng Diyos ang makapagbubunyag ng mga misteryo ng gawaing pamamahala ng Diyos. Minsan sinabi ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12-13). Maliwanag na sa pagbabalik na muli ng Panginoon, bibigkasin Niya ang lahat ng katotohanan na kinakailangan nating mga tao at bukas na ipahahayag ang mga misteryo ng buong plano ng pamamahala ng Diyos sa pagliligtas sa tao. Ang mga matatalinong dalaga ay may puso at espiritu, at kapag narinig nila ang mga salita ng Diyos, tiyak na makikilala nila ang Kanyang tinig doon sa mga salita.
4. Ang mga salita ng Diyos ang nagdadala sa katiwalaan at panloob na isipan ng tao sa ilalim ng liwanag.
Nilikha ng Diyos ang tao, at alam ng Diyos ang kaibuturan ng mga puso ng tao. Nakaturo ang Kanyang daliri sa pulso ng kaibuturan ng ating mga isipan—tanging ang mga salita ng Diyos ang magbubunyag ng katotohan ng ating kasamaan na gawa ni Satanas at inilalantad ang kasamaan na nananahan sa kaibuturan ng ating mga puso. Ito’y isang bagay na hindi magagawa ng sino mang tao. Katulad ng sinabi ng Panginoong Jesus, “Ang lumalabas sa tao, yaon ang nakakahawa sa tao. Sapagka’t mula sa loob, mula sa puso ng mga tao, lumalabas ang masasamang pagiisip, ang mga pakikiapid, ang mga pagnanakaw, ang mga pagpatay sa kapuwa-tao, ang mga pangangalunya, Ang mga kasakiman, ang mga kasamaan, ang pagdaraya, ang kalibugan, ang matang masama, ang kapusungan, ang kapalaluan, ang kamangmangan: Ang lahat ng masasamang bagay na ito ay sa loob nagsisipanggaling, at nangakakahawa sa tao” (Marcos 7:20-23). Pagkatapos tayong gawing masama ni Satanas, nagsimula tayong umasa sa ating sariling kayabangan, kabuktutan at pandaraya, pagiging makasarili at kasuklam-suklam, kasamaan at kasakiman, at iba pang mga disposisyon ni satanas sa ating mga salita at gawa, at pakikipag-ugnayan sa iba. Kapag ang mga salita o kilos ng iba ay tila nanghihimasok sa ating sariling anyo, katayuan, o interes, nakikisali tayo sa intriga; naninibugho tayo at nagiging palaban, o nagagawa nating mamuhi sa tao. Kapag isinuko natin ang mga bagay at ibigay ang ating mga sarili sa Panginoon at magsikap para sa Kanya sa mahabang panahon, mararamdaman natin na nakagawa tayo ng kapakinabangan. Nagsisimula tayong humingi ng mga gantimpala at mga pagpapala mula sa Diyos, at inaakala natin na ito ay bagay na tama at karapat-dapat sa atin. Kapag may ilang bagay naman na naganap taliwas sa ating pagkaunawa (katulad ng mga kaguluhang pananalapi sa bahay, mga kasawian sa buhay, mga kapahamakan o mga kalamidad) nagkakaroon pa rin tayo ng maling pagkaunawa at sinisisi natin ang Diyos. Kung minsan ikinakaila o kinakalaban natin Siya. Kung hindi ilalantad ng Diyos ang ganitong mga kasamaan at paghihimagsik, hindi natin ganap na makikilala ang ating mga sarili, at mamumuhay pa rin tayo sa ating mga sariling pagkaunawa at mga palagay, sa paniniwalang ang ating mga kilos ay naaayon sa kalooban ng Diyos. Hindi ba’t panloloko ito sa ating mga sarili at ibang tao, at pandaraya sa ating mga sarili? Inihayag ng Panginoong Jesus ang ating mga kasamaan na siyang tanging paraan upang makamtan natin ang tunay na pag-unawa sa ating mga sariling maka-Satanas na disposisyon, at makita ang katotohanan kung paano tayo ginawang masama ni Satanas. Tanging sa pamamagitan lamang nito mas maiwawaksi natin ang ating masamang disposisyon.
Higit pa dito, ang mga salita ng Diyos ang ilaw. Ang ano mang madilim at masama ay maihahayag sa pamamagitan ng liwanag ng mga salita ng Diyos, at ang mga pandaraya ni Satanas ay mailalantad din sa pamamagitan ng Kaniyang mga salita. Katulad ng mga Fariseo na sa paningin ng mga Hudyong mananampalataya ay tila mga taong tapat na naglilingkod sa Diyos—nguni’t nakikita ng Panginoong Jesus ang tunay nilang kalikasan at diwa ng pagmamahal para sa ano mang hindi matuwid at namumuhi sa katotohanan. Inilantad Niya sila, nagsasabi ng mga bagay katulad ng “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t tulad kayo sa mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwa’t sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na karumaldumal” (Mateo 23:27). “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong makakampi; at kung siya’y magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impierno kay sa inyong sarili” (Mateo 23:15). Sa pamamagitan lamang ng naghahayag na mga salita ng Panginoong Jesus natin mapagtatanto na bilang mga tao, ang nakikita lamang natin ay ang panlabas na anyo ng iba, nguni’t ang Diyos ang nakakakita sa kaibuturan ng ating mga puso. Nasusuri Niya ang ating kalikasan at diwa; nakikita Niya kung sino ang may tunay na pananampalataya, sino ang naghahanap lang ng kasiyahan, at sino ang namumuhi sa katotohanan. Nauunawaan ng Diyos ang lahat ng ito. Sa pamamagitan ng inihahayag na mga salita ng Diyos natin nakakamit ang tunay na kabatiran sa kalikasan ng mga Fariseo at diwa ng pagiging ipokrito at mga kaaway ng Diyos.
Ang mga salita ng Diyos ay mga pahayag ng Lumikha para sa lahat ng sangkatauhan. Ito ay mga pagpapahayag ng katotohanan, ng daan, at ng buhay, at kaya nitong ipagkaloob ang lahat ng ating pangangailangan. Magagawa nitong lutasin ang lahat ng ating mga kahirapan at mga problema, nagtuturo sa atin ng isang daan ng pagsasanay. Ang mga salita ng Diyos ay nagtataglay ng kapangyarihan at awtoridad at nagbubukas ng lahat ng misteryo. Inilalantad nito ang mga katiwalian ng tao, nagbibigay-hatol sa kasamaan ng tao at nagliligtas sa atin mula sa kasamaan. Ang lahat ng ito ay mga natatanging katangian na tanging taglay lang ng mga salita ng Diyos. Kapag naunawaan natin ang mga prinsipyo sa pagbatid sa tinig ng Diyos, kapag narinig natin ang mga pananalita ng Diyos, mararamdaman natin ito sa ating mga kaluluwa. Makikita natin na ang mga salita ng Diyos ay mga bagay na hindi kayang bigkasin ng mga tao at ito ay nagtataglay ng mga misteryo na hindi kayang arukin ng mga tao sa sariling kakayahan. Kapag mayroon tayong ganoong pakiramdam, kailangan nating maingat na lumapit sa salita ng Diyos, at taimtim na hanapin at siyasatin ito. At hangga’t tukoy natin na tinig nga ito ng Diyos, na ito ay pagpapahayag ng katotohanan, kailangan nating tanggapin at magpasakop dito. Ito lang ang tanging paraan upang maging isang matalinong dalaga at ito lang ang tanging paraan na malugod nating masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon.
Kapatid na Mu Zhen, umaasa akong ang pagbabahaginang ito ay nakatulong sa iyo, at umaasa akong lahat tayo ay maging mga matatalinong dalaga na maingat na naghahanap at nakikinig sa tinig ng nagbabalik na Panginoon. Sa ganoong paraan, masasalubong natin nang malugod ang Panginoon sa lalong madaling panahon at makadalo sa piging kasama Niya!
Salamat sa kaliwanagan at patnubay ng Panginoon.
Si’en
Mayo 24, 2018
Matapos basahin ang artikulong ito, marahil alam mo ang karunungan ng mga matalinong dalaga at paano makikilala ang tinig ng Diyos. Kung nararamdaman mong ang artikulong ito ay nakatutulong sa iyo, huwag mag-atubiling ibahagi ang artikulong ito sa ibang mga kapatid na naghihintay na masalubong ang pagbabalik ng Panginoon.
Kung mayroon kang ibang kaunawaan sa parabula ng sampung dalaga, malayang talakayin ito kasama namin sa online o magkomento sa baba ng artikulo. Naglaan din kami ng mas maraming nilalalaman tungkol sa kung paano sinalubong ng mga matalinong dalaga ang pagbabalik ng Panginoon. Maaari mong i-bookmark ang aming artikulo upang maging mas madali itong mabasa sa oras ng iyong mga espiritwal na debosyon.