Read more!
Read more!

Pinatototohanan mo na nagbalik na ang Panginoon Jesus bilang ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao, na ipinapahayag Niya ang lahat ng katotohanan na dumadalisay at nagliligtas sa sangkatauhan at ginagawa ang gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos, kaya paano natin dapat mahiwatigan ang tinig ng Diyos at paano natin dapat patibayan na ang Makapangyarihang Diyos nga ang nagbalik na Panginoong Jesus?

Sagot:

Napakahalaga ng tanong na ito. Para matanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at makita ang pagpapakita ng Diyos, kailangan nating malaman kung paano matutukoy ang tinig ng Diyos. Sa katunayan, ang ibig sabihin ng pagtukoy sa tinig ng Diyos ay pagkilala sa mga salita at binibigkas ng Diyos at pagkilala sa mga katangian ng mga salita ng Lumikha. Mga salita man ito ng Diyos na naging tao, o mga binigkas ng Espiritu ng Diyos, lahat ay pawang mga salitang sinambit ng Diyos sa sangkatauhan mula sa kaitaasan. Ganyan ang tono at mga katangian ng mga salita ng Diyos. Malinaw na ipinapakita ang awtoridad at identidad ng Diyos. Masasabi rin na ito ang natatanging paraan ng pagsasalita ng Lumikha. Talagang malawak ang saklaw ng mga binigkas ng Diyos tuwing Siya’y nagiging tao. Ang mga ito una sa lahat ay nauugnay sa mga hinihiling at babala ng Diyos sa tao, ang mga salita ng batas at kautusan ng pamamahala ng Diyos, ang Kanyang mga salita ng paghatol at pagkastigo, at ang Kanyang paghahayag tungkol sa tiwaling sangkatauhan. Mayroon ding mga salita ng mga propesiya at ng mga pangako ng Diyos sa sangkatauhan at iba pa. Ang mga salitang ito ay pawang pagpapahayag ng katotohanan, ng daan, at ng buhay. Lahat ng iyon ay paghahayag ng diwa ng buhay ng Diyos. Kumakatawan ang mga ito sa disposisyon ng Diyos at sa lahat ng mayroon ang Diyos at kung ano Siya. Nakikita natin mula sa mga salitang ipinahayag ng Diyos na ang mga salita ng Diyos ay katotohanan, at may awtoridad, at kapangyarihan. Kaya, kung gusto ninyong matiyak kung tinig nga ng Diyos ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, maaari ninyong tingnan ang mga salita ng Panginoong Jesus at ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Maaari ninyong paghambingin ang mga ito, at tingnan kung mga salita nga ito na ipinahayag ng iisang Espiritu, at kung gawain nga ito na ginawa ng iisang Diyos. Kung pareho ang pinagmulan ng mga ito, pinatutunayan nito na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay mga binigkas ng Diyos, at ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagpapakita ng Diyos. Tingnan natin ang mga salitang sinambit ni Jehova noong Kapanahunan ng Kautusan, at ang mga salita ng Panginoong Jesus noong Kapanahunan ng Biyaya. Ang mga ito ay kapwa direktang pagpapahayag ng Banal na Espiritu, at, bukod pa roon, ang mga ito’y gawain ng iisang Diyos. Pinatutunayan nito na ang Panginoong Jesus ay ang pagpapakita ng Diyos na si Jehova, ang pagpapakita ng Lumikha. Alam ng lahat ng nakabasa ng Biblia na sa mga salitang ipinahayag ng Panginoong Jesus noong Kapanahunan ng Biyaya, may mga salita ng babala, mga salita tungkol sa mga hinihiling ng Diyos sa tao, at mga salitang bumanggit sa mga batas ng pamamahala ng Diyos. Mayroon ding mga salita ng maraming propesiya at pangako. Lahat ng iyon ay isang kumpletong yugto ng gawaing isinagawa ng Diyos noong Kapanahunan ng Biyaya.

Naririnig ng mga tupa ng Diyos ang Kanyang tinig. Pagdating sa kung paano partikular na matutukoy ang tinig ng Diyos, magiging malinaw ang lahat kung titingnan natin ang mga salita ng Panginoong Jesus. Una, titingnan natin ang mga hinihiling at babala ng Panginoong Jesus sa tao. Halimbawa, sabi ng Panginoong Jesus, “Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit(Mateo 4:17). “Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. Ito ang dakila at pangunang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili. Sa dalawang utos na ito’y nauuwi ang buong kautusan, at ang mga propeta(Mateo 22:37–40). Sinabi rin ng Panginoong Jesus: “Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka’t kanila ang kaharian ng langit. … Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran: sapagka’t sila’y bubusugin(Mateo 5:3,6). “Mapapalad ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran: sapagka’t kanila ang kaharian ng langit. Mapapalad kayo pagka kayo’y inaalimura, at kayo’y pinaguusig, at kayo’y pinagwiwikaan ng sarisaring masama na pawang kasinungalingan, dahil sa akin. Mangagalak kayo, at mangagsayang totoo: sapagka’t malaki ang ganti sa inyo sa langit(Mateo 5:10–12).

Tingnan natin ang sinabi ng Panginoong Jesus tungkol sa mga batas ng pamamahala. Sa Mateo 12:31–32, sabi ng Panginoong Jesus: “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, Ang bawa’t kasalanan at kapusungan ay ipatatawad sa mga tao; datapuwa’t ang kapusungang laban sa Espiritu ay hindi ipatatawad. At ang sinomang magsalita ng isang salitang laban sa Anak ng tao, ay ipatatawad sa kaniya; datapuwa’t ang sinomang magsalita laban sa Espiritu Santo, ay hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating.” Gayon din, sa Mateo 5:22, sabi ng Panginoong Jesus: “Datapuwa’t sinasabi ko sa inyo, na ang bawa’t mapoot sa kaniyang kapatid ay mapapasa panganib sa kahatulan; at ang sinomang magsabi sa kaniyang kapatid, Raca, ay mapapasa panganib sa Sanedrin; at ang sinomang magsabi, Ulol ka, ay mapapasa panganib sa impierno ng apoy.

Dagdag pa sa mga salitang ito ng mga batas ng pamamahala, may mga salita rin ang Panginoong Jesus na nanghuhusga at naglalantad sa mga Fariseo. Sabi ng Panginoong Jesus: “Datapuwa’t sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagka’t kayo’y hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok(Mateo 23:13). “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong makakampi; at kung siya’y magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impierno kay sa inyong sarili(Mateo 23:15).

Bumanggit din ng ilang salita ng mga propesiya at pangako ang Panginoong Jesus sa tao. Sa Juan 14:2–3, sabi ng Panginoong Jesus: “Ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon.” Nariyan din ang Juan 12:47–48, kung saan sinabi rin ng Panginoong Jesus: “At kung ang sinomang tao’y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw.” Nariyan din ang Pahayag 21:3–4: “Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya’y mananahan sa kanila, at sila’y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila. At papahirin niya ang bawa’t luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na.

Mula sa iba’t ibang katotohanang ipinahayag ng Panginoong Jesus noong Kapanahunan ng Biyaya, makikita natin na ang Panginoong Jesus ay ang pagpapakita ng Tagapagligtas, at na ang mga salita ng Panginoong Jesus ay mga binigkas ng Diyos sa buong sangkatauhan. Direkta Niyang ipinahayag ang disposisyon ng Diyos at ang Kanyang kalooban para sa sangkatauhan, para pamunuan ang sangkatauhan, para maglaan sa sangkatauhan, at personal na tubusin ang sangkatauhan. Lubos itong kumakatawan sa pagkakakilanlan at awtoridad ng Diyos Mismo. Ang agarang pagbabasa nito ay nagpapadama sa atin na ang mga salitang ito ay totoo, at may taglay na awtoridad at kapangyarihan. Ang mga salitang ito ay tinig ng Diyos, mga binigkas ng Diyos sa sangkatauhan. Sa mga huling araw, nagbalik na ang Panginoong Jesus: pumarito ang Makapangyarihang Diyos para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Pinasimulan Niya ang Kapanahunan ng Kaharian, at winakasan ang Kapanahunan ng Biyaya. Batay sa gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, Natapos ng Makapangyarihang Diyos ang yugto ng gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos, at ipinahayag na ang lahat ng katotohanan para mapadalisay at mailigtas ang sangkatauhan. Ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay puno ng laman, at lubos na malawak ang saklaw. Tulad ng sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Makatarungang sabihin na ito ang unang pagkakataon mula sa paglikha na kinausap ng Diyos ang buong sangkatauhan. Hindi kailanman nangusap ang Diyos sa nilikhang sangkatauhan nang ganito kadetalyado at napakaayos. Siyempre, ito rin ang unang pagkakataon na marami Siyang sinabi, at napakahaba, sa buong sangkatauhan. Ito ay ganap na walang katulad. Bukod pa riyan, ang mga pagbigkas na ito ang unang tekstong ipinahayag ng Diyos sa sangkatauhan kung saan inilantad, ginabayan, at hinatulan Niya ang mga tao, at nagsalita Siya nang tapatan sa kanila, kaya ito rin ang unang mga pagbigkas kung saan ipinaalam ng Diyos sa mga tao ang Kanyang mga yapak, ang lugar kung saan Siya namamalagi, ang disposisyon ng Diyos, kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos, ang mga kaisipan ng Diyos, at ang pag-aalala Niya para sa sangkatauhan. Masasabi na ang mga ito ang mga unang pagbigkas na ipinahayag ng Diyos sa sangkatauhan na nagmula sa ikatlong langit simula noong paglikha, at ang unang pagkakataon na nagamit ng Diyos ang Kanyang likas na identidad upang magpakita at ipahayag ang tinig ng Kanyang puso sa sangkatauhan sa pamamagitan ng mga salita(Panimula sa Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay malawak at na walang katulad ang yaman. Sa mga iyon, naroon higit sa lahat ang paghatol, paghahayag sa tao, at mga batas at kautusan ng pamamahala sa Kapanahunan ng Kaharian, gayon din ang mga babala, hinihiling, at pangako ng Diyos sa tao, at mga propesiya rin. Basahin muna natin ang ilang talata ng mga salita ng Diyos tungkol sa mga babala at hinihiling ng Diyos sa tao at sa Kanyang gawain.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ngayon, yaong may tunay na pag-ibig sa Akin, ang mga taong gaya nito ay mapalad; mapalad yaong mga nagpapasakop sa Akin, sila ay tiyak na mananatili sa Aking kaharian; mapalad yaong mga nakakakilala sa Akin, sila ay tiyak na hahawak ng kapangyarihan sa Aking kaharian; mapalad yaong mga naghahangad sa Akin, tiyak na makaliligtas sila mula sa mga gapos ni Satanas at matatamasa nila ang pagpapala sa Akin; mapalad yaong mga kayang talikuran ang kanilang mga sarili, tiyak na papasok sila sa kung anong mayroon Ako, at mamanahin ang gantimpala ng Aking kaharian. Aalalahanin Ko yaong mga nagsusumikap para sa Aking kapakanan, yayakapin Ko nang may kagalakan yaong mga gumugugol para sa Aking kapakanan, bibigyan Ko ng mga kasiyahan yaong mga naghahandog sa Akin. Pagpapalain Ko yaong mga nasisiyahan sa Aking mga salita; tiyak na sila ang magiging haligi na magtataas ng tukod sa Aking kaharian, tiyak na magkakaroon sila ng walang-kapantay na gantimpala sa Aking bahay, at walang makakahambing sa kanila(“Kabanata 19” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na nagawang tiwali ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay bumalik na sa katawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na lupain. Ang lahat ng nagpapasailalim sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malalaking pagpapala. Sila’y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.

Kung ang mga tao ay mananatili sa Kapanahunan ng Biyaya, sila kailanman ay hindi magiging malaya mula sa kanilang tiwaling disposisyon, lalong hindi nila malalaman ang likas na disposisyon ng Diyos. Kung ang mga tao ay palaging namumuhay sa gitna ng kasaganaan ng biyaya subalit wala ang daan ng buhay na nagpapahintulot sa kanila na kilalanin ang Diyos at bigyang-kasiyahan ang Diyos, hindi nila Siya kailanman tunay na matatamo bagama’t nananalig sila sa Kanya. Kaawa-awa namang anyo ng pananalig iyon(Paunang Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Bago tinubos ang tao, marami sa mga lason ni Satanas ang naitanim na sa kalooban niya at, pagkatapos ng libu-libong taon na nagawang tiwali ni Satanas, nasa kanyang kalooban ang matatag at likas na pagkataong lumalaban sa Diyos. Samakatuwid, kapag natubos na ang tao, ito ay walang iba kundi pagtubos kung saan ang tao ay binili sa mataas na halaga, ngunit ang likas na lason sa kanyang kalooban ay hindi pa naaalis. Ang tao na lubhang nadungisan ay kailangang sumailalim sa isang pagbabago bago maging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling diwa sa kanyang sariling kalooban, at magagawa niyang lubos na magbago at maging malinis. Sa ganitong paraan lamang maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng luklukan ng Diyos(“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Walang sinumang aktibong naghahanap sa mga yapak at pagpapakita ng Diyos, at walang sinumang handang mabuhay sa pangangalaga at pagkalinga ng Diyos. Sa halip, nais nilang umasa sa paninira ni Satanas, ang diyablo, para makaangkop sa mundong ito, at sa mga patakaran ng buhay na sinusunod ng masamang sangkatauhan. Sa puntong ito, ang puso’t espiritu ng tao ay naging parangal na niya kay Satanas at siyang bumubuhay rito. Higit pa rito, ang puso’t espiritu ng tao ay naging lugar na kung saan si Satanas ay makakapanirahan at naging akmang palaruan niya ito. Sa gayon hindi alam ng tao na nawawala ang kanyang pag-unawa sa mga prinsipyo ng pagiging tao, at ang halaga at kahulugan ng buhay ng tao. Ang mga batas ng Diyos at ang tipan sa pagitan ng Diyos at ng tao ay unti-unting naglalaho sa puso ng tao, at tumitigil siya sa paghahanap o pakikinig sa Diyos. Sa paglipas ng panahon, hindi na nauunawaan ng tao kung bakit siya nilikha ng Diyos, ni hindi niya nauunawaan ang mga salitang nagmumula sa bibig ng Diyos at lahat ng nagmumula sa Diyos. Sa gayo’y nagsisimula ang tao na labanan ang mga batas at utos ng Diyos, at nagiging manhid ang kanyang puso’t espiritu…. Nawawala sa Diyos ang tao na orihinal Niyang nilikha, at nawawala sa tao ang ugat na kanyang pinagmulan: Ito ang pighati ng sangkatauhang ito(“Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Umunlad na ang sangkatauhan sa loob ng sampu-sampung libong taon ng kasaysayan upang makarating sa kinalalagyan nila ngayon. Gayunman, ang sangkatauhang dati Kong nilikha ay matagal nang nabaon tungo sa pagkabulok. Ayaw na nilang umayon sa nais Kong kahinatnan nila, at sa gayon ang sangkatauhan, sa Aking paningin, ay hindi na karapat-dapat na tawaging sangkatauhan. Bagkus ay sila ang dumi ng sangkatauhan na nabihag ni Satanas, ang naglalakad na bulok na mga bangkay na tinitirhan ni Satanas at sinasapian nito. Kahit kaunti ay hindi naniniwala ang mga tao sa Aking pag-iral, ni sumasalubong sa Aking pagdating. Napipilitan lamang tumugon ang sangkatauhan sa Aking mga kahilingan, pansamantalang sumasang-ayon sa mga iyon, at hindi taos-pusong nakikibahagi sa Akin sa mga kagalakan at kalungkutan ng buhay. Dahil ang tingin ng mga tao ay mahiwaga Ako, napipilitan silang magkunwaring nakangiti sa Akin, nagpapakita ng maginhawa sila doon sa may kapangyarihan. Ito ay dahil walang kaalaman ang mga tao tungkol sa Aking gawain, lalo na sa Aking kalooban sa kasalukuyan. Magiging tapat Ako sa inyo: Pagdating ng araw, ang paghihirap ng sinumang sumasamba sa Akin ay magiging mas madaling tiisin kaysa sa inyo. Ang laki ng inyong pananampalataya sa Akin, sa totoo lang, ay hindi nakahihigit kaysa kay Job—kahit ang pananampalataya ng mga Judiong Fariseo ay nakahihigit sa inyo—kaya nga, kung dumating ang araw ng apoy, magiging mas matindi ang inyong paghihirap kaysa sa mga Fariseo nang sinaway sila ni Jesus, kaysa sa 250 pinunong kumontra kay Moises, at kaysa sa Sodoma sa ilalim ng nakapapasong apoy ng pagkawasak nito(“Ano ang Kahulugan ng Maging Isang Tunay na Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Nawalan ng takot ang tao sa Diyos matapos siyang gawing tiwali ni Satanas at nawalan ng silbi na dapat taglayin ng isa sa mga nilalang ng Diyos, naging isang kaaway na suwail sa Diyos. Namuhay ang tao sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas at sumunod sa mga utos ni Satanas; kaya, walang paraan ang Diyos para kumilos sa gitna ng Kanyang mga nilikha, at lalo pang hindi nagagawang magkaroon ng takot ang Kanyang mga nilikha. Ang tao ay nilikha ng Diyos, at kailangang sumamba sa Diyos, ngunit ang tao ay talagang tumalikod sa Diyos at sumamba kay Satanas. Naging idolo si Satanas sa puso ng tao. Kaya nawalan ng lugar ang Diyos sa puso ng tao, na ibig sabihin ay nawalan ng kahulugan ang Kanyang paglikha sa tao, kaya upang maibalik ang kahulugan ng Kanyang paglikha sa tao kailangan Niyang ibalik ang tao sa orihinal wangis ng tao at alisin sa tao ang kanyang tiwaling disposisyon. Upang mabawi ang tao mula kay Satanas, kailangan Niyang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Sa ganitong paraan lamang Niya unti-unting maibabalik ang orihinal na wangis ng tao at ang orihinal na silbi ng tao, at sa huli ay maipanumbalik ang Kanyang kaharian. Ang panghuling pagwasak sa suwail na mga anak na iyon ay isasakatuparan din upang tulutan ang tao na mas sambahin ang Diyos at mamuhay nang mas maayos sa mundo. Yamang nilikha ng Diyos ang tao, hihikayatin Niyang sambahin Siya ng tao; dahil ibig Niyang ibalik ang orihinal na silbi ng tao, ipanunumbalik Niya ito nang lubusan, at nang walang anumang halo. Ang kahulugan ng pagpapanumbalik ng Kanyang awtoridad ay hikayatin ang tao na sambahin at sundin Siya; ibig sabihin ay bubuhayin Niya ang tao dahil sa Kanya at papatayin Niya ang Kanyang mga kaaway dahil sa Kanyang awtoridad; ibig sabihin ay pamamalagiin Niya ang bawat huling bahagi Niya sa sangkatauhan at nang walang anumang pagtutol ng tao. Ang kahariang nais Niyang itatag ay ang Kanyang sariling kaharian. Ang sangkatauhang inaasam Niya ay yaong sumasamba sa Kanya, yaong ganap na sumusunod sa Kanya at taglay ang Kanyang kaluwalhatian. Kung hindi Niya ililigtas ang tiwaling sangkatauhan, mawawalan ng saysay ang Kanyang paglikha sa tao; mawawalan Siya ng awtoridad sa tao, at ang Kanyang kaharian ay hindi na iiral sa lupa. Kung hindi Niya pupuksain ang mga kaaway na iyon na masuwayin sa Kanya, hindi Niya matatamo ang Kanyang ganap na kaluwalhatian, ni hindi rin Niya maitatatag ang Kanyang kaharian sa lupa. Ito ang mga simbolo ng pagtatapos ng Kanyang gawain at ang mga simbolo ng pagtatapos ng Kanyang dakilang pagsasakatuparan: upang lubos na mapuksa yaong mga kasama sa sangkatauhan na suwail sa Kanya, at madala sa kapahingahan yaong mga nagawa nang ganap(“Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Ang alam mo lang ay bababa si Jesus sa mga huling araw, ngunit paano ba talaga Siya bababa? Ang isang makasalanang tulad mo, na katutubos pa lang, at hindi pa nabago, at hindi pa nagawang perpekto ng Diyos, makakaayon ka ba ng puso ng Diyos? Para sa iyo, ang dating ikaw, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa pagliligtas ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka magiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, puno ka ng karumihan, kasakiman at kasamaan, ngunit ninanais mo pa ring bumaba na kasama ni Jesus—napakasuwerte mo naman! Nalagpasan mo ang isang hakbang sa iyong pananalig sa Diyos: Natubos ka lang, ngunit hindi pa nabago. Para maging kaayon ka ng puso ng Diyos, kailangan ay ang Diyos Mismo ang gumawa ng gawain ng pagbabago at paglilinis sa iyo; kung ikaw ay tinubos lamang, wala kang kakayahang magtamo ng kabanalan. Dahil dito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa magagandang biyaya ng Diyos, dahil nalagpasan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pagperpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang katutubos pa lang, ay walang kakayahang direktang manahin ang pamana ng Diyos(“Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Dapat mong malaman kung anong uri ng mga tao ang Aking nais; yaong mga hindi dalisay ay hindi pinapayagang makapasok sa kaharian, yaong mga hindi dalisay ay hindi pinahihintulutang dungisan ang banal na lupain. Kahit maaaring marami ka nang nagawa, at nakagawa na sa loob ng maraming taon, sa huli kung kalunus-lunos pa rin ang iyong karumihan—hindi katanggap-tanggap sa batas ng Langit na nais mong pumasok sa Aking kaharian! Mula sa pundasyon ng mundo hanggang ngayon, hindi Ako kailanman nakapag-alok ng madaling daan patungo sa Aking kaharian para sa mga nanunuyo ng pabor sa Akin. Ito ay isang panuntunan sa langit, at walang sinumang makakasuway rito! Kailangan mong hanapin ang buhay. Ngayon, yaong mga gagawing perpekto ay kauri ni Pedro: Sila yaong mga naghahanap ng mga pagbabago sa kanilang sariling disposisyon, at handang magpatotoo sa Diyos at gampanan ang kanilang tungkulin bilang nilalang ng Diyos. Ang ganitong mga tao lamang ang gagawing perpekto. Kung umaasa ka lang sa mga gantimpala, at hindi mo hinahangad na baguhin ang iyong sariling disposisyon sa buhay, lahat ng iyong pagsisikap ay mawawalan ng saysay—at ito ay isang katotohanang hindi mababago!(“Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Hinggil sa gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian, basahin naman natin ang ilang talata ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Sa mga huling araw, si Cristo ay gumagamit ng sari-saring katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat mabuhay nang normal ang tao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos(“Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol at pagkastigo upang makilala Siya ng tao, at para sa kapakanan ng Kanyang patotoo. Kung hindi sa Kanyang paghatol sa tiwaling disposisyon ng tao, hindi posibleng malaman ng tao ang Kanyang matuwid na disposisyon, na hindi nagpapalampas ng pagkakasala, ni hindi niya mapapalitan ng bago ang dati niyang pagkakilala sa Diyos. Para sa kapakanan ng Kanyang patotoo, at para sa kapakanan ng Kanyang pamamahala, ipinapakita Niya sa publiko ang Kanyang kabuuan, na nagbibigay-daan sa tao, sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakita sa publiko, na makilala ang Diyos, baguhin ang kanyang disposisyon, at magbigay ng matunog na patotoo sa Diyos. Ang pagbabago ng disposisyon ng tao ay nakakamit sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng gawain ng Diyos; kung wala ang mga pagbabagong iyon sa kanyang disposisyon, hindi magagawa ng tao na magpatotoo sa Diyos at maging kaayon ng nais ng Diyos. Ang pagbabago sa disposisyon ng tao ay tanda na napalaya na ng tao ang kanyang sarili mula sa pagkaalipin kay Satanas at mula sa impluwensya ng kadiliman, at tunay nang naging modelo at halimbawa ng gawain ng Diyos, isang saksi ng Diyos, at isang tao na kaayon ng nais ng Diyos(“Ang mga Nakakakilala Lamang sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Sa panghuli Niyang gawain ng pagwawakas sa kapanahunan, ang disposisyon ng Diyos ay ang pagkastigo at paghatol, na inihahayag Niya sa lahat ng masama, upang hayagang hatulan ang lahat ng tao, at gawing perpekto yaong mga tunay na nagmamahal nang tapat sa Kanya. Ang ganitong disposisyon lamang ang makapagwawakas sa kapanahunang ito. Dumating na ang mga huling araw. Lahat ng bagay na nilikha ay isasaayos ayon sa uri nila, at hahatiin sa iba’t ibang kategorya ayon sa kanilang likas na katangian. Ito ang sandali na ibubunyag ng Diyos ang kahihinatnan ng sangkatauhan at ang kanilang hantungan. Kung hindi sasailalim sa pagkastigo at paghatol ang mga tao, walang paraan para ilantad ang kanilang pagsuway at kasamaan. Sa pamamagitan lamang ng pagkastigo at paghatol mahahayag ang kahihinatnan ng lahat ng nilikha. Ipinapakita lamang ng tao ang kanyang tunay na kulay kapag siya ay kinakastigo at hinahatulan. Ang masasama ay isasama sa masasama, ang mabubuti sa mabubuti, at buong sangkatauhan ay isasaayos ayon sa kanilang uri. Sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol, ang kahihinatnan ng lahat ng nilikha ay mahahayag, para maparusahan ang mga masasama at magantimpalaan ang mabubuti, at lahat ng tao ay sumasailalim ng kapangyarihan ng Diyos. Ang buong gawaing ito ay kailangang magawa sa pamamagitan ng matuwid na pagkastigo at paghatol. Dahil umabot na sa sukdulan ang katiwalian ng tao at napakalala na ng kanyang pagsuway, ang matuwid na disposisyon lamang ng Diyos, yaong una sa lahat ay pinagsama-sama sa pagkastigo at paghatol, at inihahayag sa mga huling araw, ang lubos na mababago at magagawang ganap ang tao. Ang disposisyong ito lamang ang makapaglalantad sa kasamaan at sa gayon ay mapaparusahan nang matindi ang lahat ng makasalanan. … Sa mga huling araw, ang matuwid na paghatol lamang ang makapag-uuri sa tao at makapagdadala sa kanila sa bagong mundo. Sa ganitong paraan, ang buong kapanahunan ay magwawakas sa pamamagitan ng matuwid na disposisyon ng paghatol at pagkastigo ng Diyos(“Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Nauunawaan mo na ba ngayon kung ano ang paghatol at ano ang katotohanan? Kung naunawaan mo na, ipinapayo Ko na magpasakop ka nang masunurin na mahatulan, kung hindi ay hindi ka magkakaroon ng pagkakataon kailanman na papurihan ng Diyos o madala Niya sa Kanyang kaharian. Yaong mga tumatanggap lamang ng paghatol ngunit hindi kailanman maaaring mapadalisay, ibig sabihin, yaong mga nagsisitakas sa gitna ng gawain ng paghatol, ay kamumuhian at itatakwil ng Diyos magpakailanman. Ang kanilang mga kasalanan ay mas marami, at mas mabigat, kaysa roon sa mga Fariseo, sapagkat napagtaksilan nila ang Diyos at naghimagsik sila laban sa Diyos. Ang gayong mga tao na ni hindi karapat-dapat na magsagawa ng paglilingkod ay tatanggap ng mas mabigat na parusa, isang parusang bukod diyan ay pangwalang-hanggan. Hindi patatawarin ng Diyos ang sinumang taksil na minsan ay nagpakita ng katapatan sa mga salita subalit ipinagkanulo Siya pagkatapos. Ang ganitong mga tao ay gagantihan sa pamamagitan ng kaparusahan ng espiritu, kaluluwa, at katawan. Hindi ba ito mismo ang paghahayag ng matuwid na disposisyon ng Diyos? Hindi ba ito ang layunin ng Diyos sa paghatol sa tao, at pagbubunyag sa kanya? Ipapadala ng Diyos ang lahat ng gumagawa ng lahat ng uri ng masamang gawa sa panahon ng paghatol sa isang lugar na pinamumugaran ng masasamang espiritu, at hahayaan ang masasamang espiritung ito na sirain ang kanilang katawang laman ayon sa gusto nila. Ang kanilang katawan ay mangangamoy-bangkay, at iyon ang nararapat na ganti sa kanila. Isinusulat ng Diyos sa kanilang mga talaang aklat ang bawat isa sa mga kasalanan niyaong mga nananalig na hindi-tapat at huwad, mga huwad na apostol, at mga huwad na manggagawa; pagkatapos, sa tamang panahon, itatapon Niya sila sa gitna ng maruruming espiritu, at hahayaan ang maruruming espiritung ito na dungisan ang kanilang buong katawan ayon sa gusto nila, upang hindi na sila makapagkatawang-taong muli kailanman at hindi na makitang muli ang liwanag kailanman. Yaong mga ipokrito na minsang naglingkod ngunit hindi nanatiling tapat hanggang sa huli ay ibinibilang ng Diyos sa masasama, kaya nabubuhay sila sa payo ng masasama at nagiging bahagi ng kanilang nagkakagulong mga tao; sa huli, pupuksain sila ng Diyos. Isinasantabi at hindi pinapansin ng Diyos yaong mga hindi kailanman naging tapat kay Cristo o naglaan ng anumang pagsisikap, at pupuksain silang lahat sa pagbabago ng mga kapanahunan. Hindi na sila iiral sa lupa, at lalong hindi makapapasok sa kaharian ng Diyos. Yaong hindi kailanman naging tapat sa Diyos ngunit napilitan dahil sa kanilang kalagayan na humarap sa Kanya nang madalian ay ibinibilang sa mga yaon na naglilingkod para sa Kanyang bayan. Iilan lamang sa mga taong iyon ang mananatiling buhay, samantalang karamihan ay mamamatay na kasama ng mga yaon na ni hindi nararapat na maglingkod. Sa huli, dadalhin ng Diyos sa Kanyang kaharian ang lahat ng tao na ang isipan ay kaayon ng Diyos, ang mga tao at ang mga anak ng Diyos pati na yaong mga itinakda ng Diyos na maging mga saserdote. Gayon ang bungang nakamit ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang gawain. Patungkol sa mga yaong hindi kabilang sa anumang kategoryang inilatag ng Diyos, ibibilang sila sa mga hindi walang pananalig. At tiyak na maiisip ninyo kung ano ang kanilang kahihinatnan. Nasabi Ko na sa inyo ang lahat ng dapat Kong sabihin; kayo ang magpapasiya kung aling landas ang inyong pipiliin. Ang dapat ninyong maunawaan ay ito: Ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman naghihintay sa sinuman na hindi nakakasabay sa bilis ng Kanyang paghakbang, at ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi nagpapakita ng awa sa sinumang tao(“Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Basahin naman natin ang dalawang talata mula sa mga batas ng pamamahala na ibinigay ng Makapangyarihang Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian.

Ang Sampung Atas Administratibo na Dapat Sundin ng mga Taong Hinirang ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian

1. Hindi dapat ipagmalaki ng tao ang kanyang sarili, ni itaas ang kanyang sarili. Dapat niyang sambahin at dakilain ang Diyos.

2. Dapat mong gawin ang anumang bagay na kapaki-pakinabang sa gawain ng Diyos, at hindi ang anumang nakasasama sa mga interes ng gawain ng Diyos. Dapat mong ipagtanggol ang pangalan ng Diyos, ang patotoo ng Diyos, at ang gawain ng Diyos.

3. Ang pera, materyal na mga bagay, at lahat ng ari-arian sa sambahayan ng Diyos ay mga handog na dapat ibigay ng tao. Ang mga handog na ito ay walang sinumang maaaring magtamasa kundi ang saserdote at ang Diyos, dahil ang mga handog ng tao ay para sa kaluguran ng Diyos, ibinabahagi lamang ng Diyos ang mga handog na ito sa saserdote, at wala nang iba pang kwalipikado o nararapat na magtamasa ng anumang bahagi ng mga iyon. Lahat ng handog ng tao (pati na ang pera at mga materyal na bagay na maaaring matamasa) ay ibinibigay sa Diyos, hindi sa tao. Kaya nga, ang mga bagay na ito ay hindi dapat tamasahin ng tao; kung tatamasahin ng tao ang mga ito, nanakawin niya ang mga handog. Sinumang gumagawa nito ay isang Judas, sapagkat, bukod pa sa pagiging traidor, kinuha rin ni Judas ang inilagay sa supot ng pera.

4. Ang tao ay may tiwaling disposisyon at, bukod pa rito, siya ay may damdamin. Dahil dito, talagang ipinagbabawal sa dalawang kasaping magkaibang kasarian na magkasama sa trabaho habang naglilingkod sa Diyos. Sinumang matuklasan na gumagawa nito ay ititiwalag, nang walang pagtatangi—at walang sinumang makakalibre dito.

5. Huwag mong hatulan ang Diyos, ni basta-basta talakayin ang mga bagay na may kaugnayan sa Diyos. Dapat mong gawin ang nararapat gawin ng isang tao, at magsalita ayon sa nararapat na pagsasalita ng tao, at huwag kang lumampas sa iyong mga limitasyon ni lumabag sa iyong mga hangganan. Bantayan mo ang iyong sariling pananalita at mag-ingat sa iyong sariling paglakad. Lahat ng ito ay pipigil sa iyo na gumawa ng anumang bagay na susuway sa disposisyon ng Diyos.

6. Dapat mong gawin ang nararapat gawin ng tao, at isakatuparan ang iyong mga obligasyon, at tuparin ang iyong mga responsibilidad, at manangan sa iyong tungkulin. Yamang nananalig ka sa Diyos, dapat kang gumawa ng iyong kontribusyon sa gawain ng Diyos; kung hindi, hindi ka karapat-dapat na kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, at hindi ka karapat-dapat na manirahan sa sambahayan ng Diyos.

7. Sa gawain at mga usapin ng simbahan, bukod pa sa pagsunod sa Diyos, sa lahat ng bagay ay dapat mong sundin ang mga tagubilin ng tao na ginagamit ng Banal na Espiritu. Kahit ang pinakamaliit na pagsuway ay hindi katanggap-tanggap. Kailangan mong maging ganap sa iyong pagsunod, at huwag mong suriin ang tama o mali; anuman ang tama o mali ay walang kinalaman sa iyo. Kailangan mo lamang iukol ang iyong sarili sa ganap na pagsunod.

8. Ang mga taong nananalig sa Diyos ay dapat sumunod sa Diyos at sumamba sa Kanya. Hindi mo dapat dakilain o tingalain ang sinumang tao; hindi mo dapat unahin ang Diyos, ipangalawa ang mga tao na iyong tinitingala, at ipangatlo ang iyong sarili. Walang sinumang dapat magkaroon ng lugar sa iyong puso, at hindi mo dapat isaalang-alang ang mga tao—lalo na ang iyong mga iginagalang—na kapareho ng Diyos, na Kanyang kapantay. Hindi ito matitiis ng Diyos.

9. Ang iyong mga iniisip ay dapat maging tungkol sa gawain ng simbahan. Dapat mong isantabi ang mga inaasam ng iyong sariling laman, maging desidido tungkol sa mga usaping pampamilya, buong-pusong ialay ang iyong sarili sa gawain ng Diyos, at unahin ang gawain ng Diyos at pangalawa ang iyong sariling buhay. Ito ang kagandahang-asal ng isang banal.

10. Ang kamag-anak na iba ang pananampalataya (ang iyong mga anak, ang iyong asawa, iyong mga kapatid o magulang, at iba pa) ay hindi dapat piliting sumapi sa simbahan. Ang sambahayan ng Diyos ay hindi kulang sa mga kasapi, at hindi kailangang dagdagan ang bilang nila ng mga taong walang silbi. Huwag akayin sa simbahan ang lahat ng taong hindi masaya sa pananalig. Ang kautusang ito ay para sa lahat ng tao. Sa bagay na ito dapat ninyong siyasatin, subaybayan at paalalahanan ang isa’t isa, at walang sinumang maaaring lumabag dito. Kahit atubiling pumapasok sa simbahan ang kamag-anak na iba ang pananampalataya, huwag silang bigyan ng mga aklat o ng bagong pangalan; ang gayong mga tao ay hindi kabahagi ng sambahayan ng Diyos, at kailangan silang patigilin sa pagpasok sa simbahan sa anumang paraang kinakailangan. Kung may gulo dinala sa simbahan dahil sa paglusob ng mga demonyo, ikaw mismo ay ititiwalag o bibigyan ng mga pagbabawal. Sa madaling salita, lahat ay may responsibilidad sa bagay na ito, ngunit hindi ka rin dapat magpadalus-dalos, o gumamit nito para lutasin ang mga personal mong atraso(“Ang Sampung Atas Administratibo na Dapat Sundin ng mga Taong Hinirang ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Ihahagis Ko ang Aking galit sa mga bansa nito, hayagang ipoproklama ang Aking mga atas administratibo sa buong sansinukob, at kakastiguhin ang sinumang lumalabag sa mga ito:

Kapag humaharap Ako sa sansinukob upang magsalita, naririnig ng buong sangkatauhan ang Aking tinig, at sa gayon ay nakikita nila ang lahat ng Aking ginawa sa buong sansinukob. Yaong mga sumasalungat sa Aking kalooban, ibig sabihin, yaong mga tumututol sa Akin taglay sa mga gawa ng tao, ay babagsak sa ilalim ng Aking pagkastigo. Kukunin Ko ang napakaraming bituin sa kalangitan at paninibaguhin ang mga ito, at dahil sa Akin ang araw at ang buwan ay mapapanibago—ang kalangitan ay hindi na magiging gaya ng dati; ang di-mabilang na mga bagay sa lupa ay mapapanibago. Lahat ay magiging ganap sa pamamagitan ng Aking mga salita. Ang maraming mga bansa sa loob ng sansinukob ay muling hahatiin at papalitan ng Aking bansa, kaya ang mga bansa sa ibabaw ng lupa ay maglalaho magpakailanman at magiging isang bansa na sumasamba sa Akin; lahat ng bansa sa lupa ay mawawasak, at titigil sa pag-iral. Sa mga tao sa loob ng sansinukob, lahat ng nauukol sa diyablo ay lilipulin; lahat ng sumasamba kay Satanas ay ilalapag sa Aking naglalagablab na apoy—ibig sabihin, maliban sa mga sumusunod sa agos, lahat ay magiging abo. Kapag kinakastigo Ko ang maraming bayan, yaong mga nasa relihiyosong daigdig, sa iba’t ibang lawak, ay bumabalik sa Aking kaharian, nalupig ng Aking mga gawain, dahil nakita na nila ang pagdating ng Banal na nakasakay sa puting ulap. Susunod ang buong sangkatauhan sa kanilang sariling uri, at makakatanggap ng mga pagkastigo na naiiba sa kung ano ang kanilang nagawa. Yaong mga kumalaban sa Akin ay malilipol na lahat; para naman sa mga yaon na hindi Ako isinama sa kanilang mga gawa sa lupa, dahil sa paraan nila ng pagpapawalang-sala sa kanilang sarili, patuloy na iiral sa lupa sa ilalim ng pamamahala ng Aking mga anak at ng Aking bayan. Ihahayag Ko ang Aking sarili sa napakaraming tao at sa napakaraming bansa, na nagpapahayag ng Aking sariling tinig sa ibabaw ng lupa upang ipahayag ang pagkumpleto ng Aking dakilang gawain para makita ng buong sangkatauhan sa sarili nilang mga mata(“Kabanata 26” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Babasahin natin ang iba pang mga talata ng mga propesiya ng Makapangyarihang Diyos at ng Kanyang pangako sa tao. “Sa kaharian, ang napakaraming bagay na nilikha ay nagsisimulang sumigla at makabawi ng lakas sa buhay. Dahil sa mga pagbabago sa kalagayan ng daigdig, ang mga hangganan sa pagitan ng isang lupain at ng isa pa ay nagsisimula ring gumalaw. Dati-rati, nagpropesiya na Ako: Kapag ang lupain ay humihiwalay sa lupain, at ang lupain sumasama sa lupain, ito ang panahon na dudurugin Ko ang mga bansa nang pira-piraso. Sa panahong ito, paninibaguhin Ko ang lahat ng nilikha at hahati-hatiing muli ang buong sansinukob, sa gayo’y maisasaayos ang sansinukob, binabago ang dating kalagayan nito at ginagawang bago. Ito ang Aking plano. Ito ang Aking mga gawain. Kapag ang mga bansa at bayan sa mundo ay bumalik na lahat sa harap ng Aking luklukan, agad Kong kukunin ang lahat ng kasaganaan ng langit at ibibigay ito sa mundo ng tao, para, dahil sa Akin, ay mapuno ito ng walang-kapantay na kasaganaan(“Kabanata 26” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Habang nagaganap ang Aking mga salita, unti-unting nabuo ang kaharian sa mundo at unti-unting nabalik sa pagiging normal ang tao, at sa gayo’y naitatatag sa mundo ang kahariang nasa Aking puso. Sa kaharian, nababawi ng buong bayan ng Diyos ang buhay ng normal na tao. Wala na ang nagyeyelong taglamig, napalitan ng isang mundo ng mga lungsod sa tagsibol, kung saan tagsibol sa buong taon. Hindi na nahaharap ang mga tao sa malungkot at miserableng mundo ng tao, hindi na nila tinitiis ang maginaw na mundo ng tao. Hindi nag-aaway-away ang mga tao, hindi nagdidigmaan ang mga bansa, wala nang patayan at dugong dumadaloy mula sa patayan; lahat ng lupain ay puno ng kaligayahan, at sa lahat ng dako ay punung-puno ng init ng pagmamahal ang mga tao sa isa’t isa(“Kabanata 20” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Kapag ang sangkatauhan ay naibalik na sa kanilang orihinal na wangis, kapag makakaya nang tuparin ng sangkatauhan ang kani-kanilang mga tungkulin, napapanatili ang kanilang sariling lugar at nasusunod ang lahat ng plano ng Diyos, matatamo na ng Diyos ang isang grupo ng mga tao sa lupa na sumasamba sa Kanya, at maitatatag na rin Niya ang isang kaharian sa lupa na sumasamba sa Kanya. Siya ay magkakaroon ng walang-hanggang tagumpay sa lupa, at yaong mga kumokontra sa Kanya ay malilipol sa buong kawalang-hanggan. Ipanunumbalik nito ang Kanyang orihinal na layunin sa paglikha sa tao; ipanunumbalik nito ang Kanyang layunin sa paglikha ng lahat ng bagay, at ipanunumbalik din nito ang Kanyang awtoridad sa lupa, ang Kanyang awtoridad sa lahat ng bagay at ang Kanyang awtoridad sa Kanyang mga kaaway. Ito ang mga simbolo ng Kanyang kabuuang tagumpay. Simula ngayon papasok ang sangkatauhan sa kapahingahan at papasok sa isang buhay na sumusunod sa tamang landas. Ang Diyos ay papasok din sa walang-hanggang kapahingahan kasama ang tao at papasok sa isang buhay na walang hanggan na pagsasaluhan ng Diyos at ng tao. Ang karumihan at pagsuway sa lupa ay maglalaho, gayundin ang pananaghoy sa lupa. Lahat ng nasa lupa na kumokontra sa Diyos ay hindi iiral. Diyos lamang at yaong mga tao na Kanyang nailigtas ang mananatili; ang Kanyang nilikha lamang ang mananatili(“Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Ngayong narinig na natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nakita natin na ang Makapangyarihang Diyos at ang Panginoong Jesus ay iisa at pareho. Kapwa sila Diyos na nagkatawang-tao na nakatayo sa kaitaasan at nangungusap sa sangkatauhan. Pareho Nilang inihahayag ang disposisyon ng Diyos at ang Kanyang banal na diwa. At dito, lubos nilang ipinamalas ang awtoridad at pagkakakilanlan ng Diyos. Mula sa mga salita ng paghatol at paghahayag ng Panginoong Jesus sa mga Fariseo at sa mga salita ng paghatol at paghahayag ng Makapangyarihang Diyos sa tiwaling sangkatauhan, nakikita natin na kinamumuhian ng Diyos ang kasalanan, at kinasusuklaman ang katiwalian ng sangkatauhan. Nakikita natin ang matuwid at banal na disposisyon ng Diyos, at bukod pa rito, na inoobserbahan ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng tao. Pamilyar Siya sa katiwalian ng tao na gaya ng likod ng Kanyang palad. Mula sa mga babala at hinihiling ng Panginoong Jesus at ng Makapangyarihang Diyos sa sangkatauhan, nakikita natin ang mga inaasahan ng Diyos sa sangkatauhan, gusto ng Diyos yaong matatapat, at pinagpapala Niya yaong tunay na inilalaan ang kanilang sarili sa Kanya. Ipinapakita nito na inaalala at ililigtas ng Diyos ang sangkatauhan. Mula sa mga pangako ng Panginoong Jesus at Makapangyarihang Diyos para sa sangkatauhan, nakikita natin ang pagmamahal ng Diyos para sa sangkatauhan, At, bukod dito, nakikita natin ang awtoridad at kapangyarihan kung saan iniutos ng Diyos ang kapalaran ng sangkatauhan at pinamumunuan lahat ng bagay. Magkapareho ang tono at paraan ng pagsasalita ng mga binigkas ng Panginoong Jesus at Makapangyarihang Diyos, kapwa sila pagpapahayag ng disposisyon ng Diyos. Lubos nitong ipinamamalas ang pagkakakilanlan at diwa ng Diyos. Mag-isip tayo: Sino, bukod sa Lumikha, ang makapagsasalita sa buong sangkatauhan? Sino ang direktang makapagpapahayag ng kalooban ng Diyos, at makapag-uutos sa sangkatauhan? Sino ang makapagpapasiya sa katapusan ng tao? Sino ang makakakontrol kung mabubuhay sila o mamamatay? Sino ang makakakontrol sa mga bituin sa sansinukob, at may kapangyarihan sa lahat ng bagay? Bukod sa Diyos, sino ang makakakita sa katotohanan ng diwa ng tiwaling sangkatauhan? At sino ang makapaghahayag ng likas na kasamaang nakatago sa kaibuturan ng ating puso? Sino ang makatatapos ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw at lubusang makapagliligtas sa atin mula sa impluwensya ni Satanas? Ang Lumikha lamang ang may gayon awtoridad at kapangyarihan! Lubos na ipinamamalas ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang natatanging awtoridad at identidad ng Diyos. Matapos marinig ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nadarama nating lahat ang gayong pagpapatibay sa ating puso: Lahat ng salitang ito ay ipinahayag ng Diyos, ito’y tinig ng Diyos. Ang mga iyon ay pawang mga katotohanang ipinahayag ng Lumikha sa gawain ng paghatol sa mga huling araw. Sa ating puso, nagkaroon kaagad ng tunay na pagpipitagan sa Diyos. Matapos basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, gayon din ba ang pakiramdam ninyo? Sapat na patunay ito na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at mga salita ng Panginoong Jesus ay iisa ang pinagmulan. Pareho silang ipinahayag ng iisang Espiritu. Sinambit ang mga ito ng iisang Diyos sa sangkatauhan sa iba’t ibang kapanahunan. Sa mga huling araw, ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol mula sa tahanan ng Diyos batay sa pagkakatatag ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus. Ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanan para sa kaligtasan at pagdadalisay ng sangkatauhan, at inihahayag ang lahat ng misteryo ng plano sa pamamahala ng Diyos para sa kaligtasan ng sangkatauhan, at malinaw na sinasabi sa atin ang diwa ng iba’t ibang aspeto ng katotohanan. Iminumulat nito ang ating mga mata, at kinukumbinsi tayo nang husto. Ang salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos ay tinupad at tinapos na ang lahat ng propesiya ng Panginoong Jesus. Sa lahat ng salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos para sa gawain ng paghatol sa mga huling araw, nakikilala natin ang tinig ng Diyos, at natitiyak na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, ang nag-iisang tunay na Diyos na lumikha sa kalangitan at sa lupa at sa lahat ng bagay, ay pumarito upang gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Pumarito Siya para wakasan ang paghahari ni Satanas sa lupa, ang panahon ng kasamaan at kadiliman, at para simulan ang paghahari ng Diyos sa lupa, ang Kapanahunan ng Milenyong Kaharian. At isinasakatuparan nito ang magandang pangarap nating makapasok sa kaharian ng langit.

—mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian

Paano natin naririnig ang tinig ng Diyos? Ang katayugan ng ating mga katangian o ang haba ng ating karanasan ay hindi kabilang dito. Sa pananalig sa Panginoong Jesus, ano ang nadarama natin kapag naririnig natin ang marami sa Kanyang mga salita? Kahit wala tayong karanasan o kaalaman sa mga salita ng Panginoon, sa sandaling marinig natin iyon nadarama natin na ang mga iyon ang katotohanan, na may kapangyarihan at awtoridad ang mga iyon. Paano ito nadarama? Dahil ba sa ating karanasan? Epekto ito ng inspirasyon at intuwisyon. Sapat na patunay ito na nadarama ng lahat ng taong may puso’t espiritu na may kapangyarihan at awtoridad ang mga salita ng Diyos; ito ang pagdinig sa tinig ng Diyos. Bukod pa rito, ang pinakamalaking pagkakaiba ng tinig ng Diyos sa tinig ng tao ay na ang tinig ng Diyos ang katotohanan at may kapangyarihan at awtoridad; nadarama natin ito kaagad kapag narinig natin ito. Nailalarawan man natin ito sa mga salita, malinaw ang pakiramdam. Mas madaling mahiwatigan ang tinig ng tao o ni Satanas; pagkarinig natin dito, nadarama natin kaagad na ito ang katwiran ng tao, isang konsepto ng tao na maiintindihan at mauunawaan. Wala tayong nadarama ni katiting na kapangyarihan o awtoridad sa mga salita ng tao, at ni hindi natin mapagtitibay na katotohanan ang mga ito. Ito ang malaking kaibhan ng mga salita ng Diyos sa mga salita ng tao. Halimbawa, nakikita ninyo na may kapangyarihan at awtoridad ang mga salita ng Panginoong Jesus; pagkarinig ninyo rito, malalaman ninyo kaagad na katotohanan ang mga ito, malalim, mahiwaga, at hindi kayang unawain ng tao. Tingnan natin ang mga salita ng mga apostol sa Biblia. Hindi ito mga salita ng Panginoong Jesus. Kahit tama rin ang sinasabi nila, wala pa ring awtoridad o kapangyarihan ang mga ito; tama lang ang mga ito at may pakinabang sa tao. Hindi ba ito ang kaibhan ng mga salita ng mga apostol sa mga salita ng Panginoong Jesus? Masasambit ba ng tao ang mga salitang sinambit ng Panginoong Jesus? Walang sinumang makakagawa noon! Pinatutunayan niyan na ang mga salita ng Panginoong Jesus ay tinig ng Diyos. Masasambit ba ng sinumang nananalig sa Panginoong Jesus ang mga salitang sinambit ng mga apostol? May ilan naman na masasabi rin natin. Hindi ba ito tumutukoy sa pagkakaiba ng mga ito? Hindi ba madaling matukoy ang tinig ng Diyos sa tinig ng tao?

Basahin natin ang ilang talata ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at tingnan kung ang Kanyang mga salita ay ang katotohanan at tinig ng Diyos o hindi. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ginagawa Ko sa buong sansinukob ang Aking gawain, at sa Silangan, walang-katapusan ang paglabas ng dumadagundong na mga kalabog, yumayanig sa lahat ng bansa at mga denominasyon. Ang Aking tinig ang nag-akay sa lahat ng tao tungo sa kasalukuyan. Sasanhiin Kong malupig ng Aking tinig ang lahat ng tao, upang mangahulog sa agos na ito, at magpasakop sa Aking harapan, dahil matagal Ko nang binawi ang Aking kaluwalhatian mula sa buong daigdig at inilabas ito nang panibago sa Silangan. Sino ang hindi nananabik na makita ang Aking kaluwalhatian? Sino ang hindi balisang naghihintay sa Aking pagbabalik? Sino ang hindi nauuhaw sa Aking muling pagpapakita? Sino ang hindi nagmimithi sa Aking pagiging kaibig-ibig? Sino ang hindi lalapit sa liwanag? Sino ang hindi titingin sa kayamanan ng Canaan? Sino ang hindi nananabik sa pagbabalik ng Manunubos? Sino ang hindi sumasamba sa Dakilang Makapangyarihan sa lahat? Ang Aking tinig ay lalaganap sa buong daigdig; nais Ko, kaharap ang mga taong Aking hinirang, na magsalita pa ng marami pang salita sa kanila. Kagaya ng makapangyarihang mga kulog na yumayanig sa mga bundok at mga ilog, Aking winiwika ang Aking mga salita sa buong sansinukob at sa sangkatauhan. Kaya naman ang mga salita sa Aking bibig ay naging yaman ng tao, at minamahal ng lahat ng tao ang Aking mga salita. Kumikislap ang kidlat mula Silangan nang tuluy-tuloy hanggang Kanluran. Ang Aking mga salita ay ayaw isuko ng mga tao at kasabay nito ay nasusumpungang hindi nila maarok ang mga ito, ngunit mas nagagalak sa mga ito. Gaya ng isang bagong-silang na sanggol, masaya at nagagalak ang lahat ng tao, ipinagdiriwang ang Aking pagdating. Sa pamamagitan ng Aking tinig, dadalhin Ko ang lahat ng tao sa Aking harapan. Mula roon, pormal Akong papasok sa lahi ng mga tao nang sa gayon ay lumapit sila para sambahin Ako. Sa pamamagitan ng kaluwalhatiang nababanaag sa Akin at ng mga salita sa Aking bibig, Aking gagawin ito na anupa’t lahat ng tao ay lumalapit sa Aking harapan at nakikita na kumikidlat mula sa Silangan at na nakababa na rin Ako sa ‘Bundok ng mga Olivo’ ng Silangan. Makikita nila na matagal na Akong nasa daigdig, hindi na bilang Anak ng mga Judio kundi bilang Kidlat ng Silangan. Dahil matagal na Akong nabuhay na mag-uli, at lumisan na mula sa sangkatauhan, at nagpakitang muli sa mga tao nang may kaluwalhatian. Ako ang Siyang sinamba nang napakaraming panahon bago ngayon, at Ako rin ang sanggol na tinalikdan ng mga Israelita nang napakaraming panahon bago ngayon. Bukod pa rito, Ako ang lubos na maluwalhating Makapangyarihang Diyos sa kasalukuyang kapanahunan! Hayaang lumapit ang lahat sa harapan ng Aking luklukan at tingnan ang Aking maluwalhating mukha, marinig ang Aking tinig, at masdan ang Aking mga gawa. Ito ang kabuuan ng Aking kalooban; ito ang katapusan at rurok ng Aking plano, gayundin ang layunin ng Aking pamamahala. Hayaang sambahin Ako ng bawat bansa, kilalanin Ako ng bawat dila, panatilihin ng bawat tao ang kanyang pananampalataya sa Akin, at magpasakop sa Akin ang bawat tao!(“Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nagpopropesiya na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Kapag humaharap Ako sa sansinukob upang magsalita, naririnig ng buong sangkatauhan ang Aking tinig, at sa gayon ay nakikita nila ang lahat ng Aking ginawa sa buong sansinukob. Yaong mga sumasalungat sa Aking kalooban, ibig sabihin, yaong mga tumututol sa Akin taglay sa mga gawa ng tao, ay babagsak sa ilalim ng Aking pagkastigo. Kukunin Ko ang napakaraming bituin sa kalangitan at paninibaguhin ang mga ito, at dahil sa Akin ang araw at ang buwan ay mapapanibago—ang kalangitan ay hindi na magiging gaya ng dati; ang di-mabilang na mga bagay sa lupa ay mapapanibago. Lahat ay magiging ganap sa pamamagitan ng Aking mga salita. Ang maraming mga bansa sa loob ng sansinukob ay muling hahatiin at papalitan ng Aking bansa, kaya ang mga bansa sa ibabaw ng lupa ay maglalaho magpakailanman at magiging isang bansa na sumasamba sa Akin; lahat ng bansa sa lupa ay mawawasak, at titigil sa pag-iral. Sa mga tao sa loob ng sansinukob, lahat ng nauukol sa diyablo ay lilipulin; lahat ng sumasamba kay Satanas ay ilalapag sa Aking naglalagablab na apoy—ibig sabihin, maliban sa mga sumusunod sa agos, lahat ay magiging abo. Kapag kinakastigo Ko ang maraming bayan, yaong mga nasa relihiyosong daigdig, sa iba’t ibang lawak, ay bumabalik sa Aking kaharian, nalupig ng Aking mga gawain, dahil nakita na nila ang pagdating ng Banal na nakasakay sa puting ulap. Susunod ang buong sangkatauhan sa kanilang sariling uri, at makakatanggap ng mga pagkastigo na naiiba sa kung ano ang kanilang nagawa. Yaong mga kumalaban sa Akin ay malilipol na lahat; para naman sa mga yaon na hindi Ako isinama sa kanilang mga gawa sa lupa, dahil sa paraan nila ng pagpapawalang-sala sa kanilang sarili, patuloy na iiral sa lupa sa ilalim ng pamamahala ng Aking mga anak at ng Aking bayan. Ihahayag Ko ang Aking sarili sa napakaraming tao at sa napakaraming bansa, na nagpapahayag ng Aking sariling tinig sa ibabaw ng lupa upang ipahayag ang pagkumpleto ng Aking dakilang gawain para makita ng buong sangkatauhan sa sarili nilang mga mata.

… Nang nilikha Ko ang mundo, ginawa Ko ang lahat ng bagay ayon sa kanilang uri, na pinagsasama-sama ang lahat ng may anyong nakikita ayon sa uri nito. Habang nalalapit ang pagtatapos ng Aking plano ng pamamahala, Aking ipanunumbalik ang dating kalagayan ng paglikha, Aking ipanunumbalik ang lahat ng bagay sa orihinal nitong ayos, na gumagawa ng malaking pagbabago sa lahat ng bagay, upang lahat ng bagay ay bumalik sa pinagmulan ng Aking plano. Panahon na! Ang huling yugto ng Aking plano ay malapit nang matupad. Ah, maruming lumang mundo! Ikaw ay tiyak na babagsak sa ilalim ng Aking mga salita! Ikaw ay tiyak na mawawalan ng halaga sa pamamagitan ng Aking plano! Ah, ang napakaraming bagay ng paglikha! Kayong lahat ay magtatamo ng bagong buhay ayon sa Aking mga salita, kasama na ninyo ngayon ng Pinaka-makapangyarihang Panginoon! Ah, dalisay at walang-dungis na bagong mundo! Tiyak na muli kang mabubuhay ayon sa Aking kaluwalhatian! Ah, Bundok ng Sion! Huwag nang manahimik. Nakabalik na Ako nang matagumpay! Mula sa paglikha, sinisiyasat Ko ang buong mundo. Sa lupa, ang sangkatauhan ay nagsimula na ng bagong buhay, nagkamit na ng bagong pag-asa. Ah, Aking bayan! Paanong hindi kayo muling mabubuhay ayon sa Aking liwanag? Paanong hindi kayo tatalon sa kagalakan sa ilalim ng Aking patnubay? Ang mga lupain ay humihiyaw sa kagalakan, ang katubigan ay nag-iingay sa masayang paghalakhak! Ah, ang nabuhay na mag-uling Israel! Paanong hindi ka makakaramdam ng pagmamalaki dahil sa Aking itinakdang hantungan? Sino ang napaiyak? Sino ang napahagulgol? Ang dating Israel ay nawala na, at ang Israel sa ngayon ay nagbangon na, nakatayo at napakataas, sa mundo, ay napanindigan na sa puso ng buong sangkatauhan. Tiyak na maaabot ng Israel ngayon ang pinagmumulan ng pag-iral sa pamamagitan ng Aking bayan! Ah, kasuklam-suklam na Egipto! Siguro naman hindi ka na lumalaban sa Akin? Paano mo nagagawang samantalahin ang Aking awa at sinusubukang takasan ang Aking pagkastigo? Paanong hindi ka maaaring umiral ayon sa Aking pagkastigo? Lahat ng Aking iniibig ay tiyak na mabubuhay nang walang hanggan, at lahat ng lumalaban sa Akin ay tiyak na kakastiguhin Ko nang walang hanggan. Sapagkat ako’y isang mapanibughuing Diyos, hindi Ko basta patatawarin ang mga tao sa lahat ng kanilang nagawa. Babantayan ko ang buong daigdig, at, nagpapakita sa Silangan ng mundo nang may katuwiran, kamahalan, poot at pagkastigo, ihahayag ko ang Aking sarili sa napakaraming hukbo ng sangkatauhan!(“Kabanata 26” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Iisa ang damdamin nating lahat sa pagbabasa ng salita ng Makapangyarihang Diyos; dama nating lahat ito ang Diyos na nagsasalita sa buong sangkatauhan! Bukod sa Diyos, sino ang makapagsasalita sa buong sangkatauhan? Sino ang makapagsasabi sa sangkatauhan tungkol sa pakay ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan? Sino ang makapagpapahayag nang malinaw sa buong sangkatauhan ng plano ng Diyos para sa Kanyang gawain sa mga huling araw at sa kahihinatnan at hantungan ng sangkatauhan? Sino ang taimtim na makapagpapahayag sa buong sansinukob ng mga batas ng pamamahala ng Diyos? Maliban sa Diyos, walang makakagawa nito. Nagsasalita ang Makapangyarihang Diyos sa buong sangkatauhan at ipinadarama sa tao ang kapangyarihan at awtoridad ng mga salita ng Diyos; ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay direktang pagpapahayag ng Diyos, ito ang tinig ng Diyos! Lahat ng salitang binigkas ng Makapangyarihang Diyos ay parang ang Diyos ay nakatayo sa ikatlong langit at nagsasalita sa buong sangkatauhan; dito’y nagsasalita ang Makapangyarihang Diyos sa sangkatauhan bilang Lumikha, na ipinakikita sa sangkatauhan ang Kanyang di-masusuway na disposisyon ng katuwiran at kamahalan. Kapag naririnig ng mga tupa ng Diyos ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, kahit hindi nila nauunawaan ang katotohanan nito sa simula, at kahit wala silang karanasan dito, dama nila na bawat salita ng Makapangyarihang Diyos ay may kapangyarihan at awtoridad at matitiyak na ito ang tinig ng Diyos at ang direktang pagbigkas ng Banal na Espiritu. Kailangan lang marinig ng mga taong hinirang ng Diyos ang mga salita ng Diyos para matiyak na ito ay Kanyang tinig. Bakit tinutuligsa ng mga pastor at elder na iyon sa mga relihiyon ang Makapangyarihang Diyos? Tungkol sa iba’t ibang anticristo na hindi kumikilala sa pagkakatawang-tao ng Diyos, at hindi umaamin na kayang bigkasin ng Diyos ang katotohanan, kahit nakikita nila ang lahat ng katotohanang binibigkas ng Diyos at nadaramang may kapangyarihan at awtoridad ang Kanyang mga salita, hindi pa rin sila naniniwala na makapagsasalita ang Diyos sa ganitong paraan at hindi nila inaamin na lahat ng binibigkas ng Diyos ay katotohanan. Ano ang isyu rito? Alam ba ninyo? Ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ay maaaring mangusap sa buong sangkatauhan, ngunit ilan sa atin ang nakaririnig sa tinig ng Diyos? Sa ngayon maraming relihiyon ang nakakabasa sa mga binigkas ng Makapangyarihang Diyos, ngunit hindi nila mahiwatigan na ito ang tinig ng Diyos; itinuturing pa nilang mga salita ng tao ang mga salita ng Diyos, at ginagamit pa ang mga pagkaintindi ng tao sa paghatol, paninira at pagtuligsa sa Kanya. May takot ba sa Diyos ang mga taong ito sa puso nila? Hindi ba sila katulad ng mga Fariseo noong araw? Galit silang lahat sa katotohanan at tinutuligsa nila ang Diyos. Napakalaki ng awtoridad at kapangyarihan ng mga salita ng Diyos, at hindi nila kinikilala ni katiting na ang mga salitang ito ay ang tinig ng Diyos. Mga tupa ba ng Diyos ang ganitong mga tao? Bulag ang kanilang puso; kahit naririnig nila, hindi nila alam, at kahit nakikita nila, hindi nila nauunawaan. Paano pa magiging marapat na madala ang gayong mga tao? Binigkas na ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ang katotohanan, at inilantad ang lahat ng tao sa mga relihiyon. Ang mga tunay na nananalig at ang mga huwad, ang mga nagmamahal sa katotohanan at ang mga nasusuklam dito, ang matatalino at ang mga mangmang na dalaga ay natural na nahahati, bawat isa sa kanilang sariling uri. Tulad ng sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Lahat ng masama ay kakastiguhin ng mga salita sa bibig ng Diyos, lahat ng matuwid ay pagpapalain ng mga salita sa Kanyang bibig(“Nakarating na ang Milenyong Kaharian” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Dahil dito, ang mga nakakarinig sa tinig ng Diyos ay nakasalubong na sa ikalawang pagparito ng Panginoon, at nadala na sa harapan ng luklukan ng Diyos at dumadalo sa hapunan ng kasal ng Cordero. Ang mga taong ito ang matatalinong dalaga, at ang pinakamapalad sa sangkatauhan.

Para marinig ang tinig ng Diyos dapat kayong makinig sa puso at diwa sa malapit na pagniniig. Ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan, may kapangyarihan at awtoridad ang mga ito; ang mga may puso’t diwa ay tiyak na madarama ito. Maraming tao, matapos basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa loob lamang ng ilang araw, ay mapagtitibay na ito ang tinig at mga binigkas ng Diyos. Tuwing nagkakatawang-tao ang Diyos dumarating Siya upang gawin ang isang yugto ng gawain; hindi tulad ng mga propeta na naghahatid lang, dahil sa mga utos ng Diyos, ng ilang salita sa isang partikular na konteksto. Kapag nagkakatawang-tao ang Diyos para gumawa ng isang yugto ng gawain kailangan Siyang sumambit ng maraming salita; kailangan Siyang bumigkas ng mga katotohanan, magbunyag ng mga hiwaga at sumambit ng mga propesiya. Nangangailangan ito ng maraming taon o mga dekada pa nga para makumpleto. Halimbawa, sa paggawa ng gawain ng pagtubos, ipinangaral muna ng Panginoong Jesus ang mensaheng “Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit(Mateo 4:17), at tinuruan ang tao kung paano mangumpisal, magsisi, magpatawad, magtiis at magdusa at magpasan ng kanyang krus, at lahat ng iba pang dapat sundin ng tao sa Kapanahunan ng Biyaya. Ipinakita Niya ang disposisyon ng habag at awa ng Diyos, at ibinunyag din ang mga hiwaga ng kaharian ng langit, at ang mga kondisyon kung paano tayo papasok dito; noon lang ipako Siya sa krus, mabuhay na mag-uli at umakyat sa langit nakumpleto ang gawain ng pagtubos ng Diyos. Ang mga salitang binigkas ng Panginoong Jesus ay pawang katotohanang ipinagkaloob ng Diyos sa sangkatauhan sa Kanyang gawain ng pagtubos. Dumating na ang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at binigkas ang lahat ng katotohanan na naglilinis at nagliligtas sa sangkatauhan. Ginawa na Niya ang gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos, at inihayag sa tao ang Kanyang likas na disposisyon na katuwiran ang buod. Inilahad na Niya ang lahat ng dakilang hiwaga ng Kanyang plano ng pamamahala na umaabot nang anim na libong taon; sinimulan na Niya ang Kapanahunan ng Kaharian at winakasan ang Kapanahunan ng Biyaya. Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay likas na mga pagbuhos ng diwa ng buhay ng Diyos at pagpapahayag ng Kanyang disposisyon; ito ang buong yugto ng gawain ng salita na ginagawa ng Diyos sa mga huling araw para lubusang linisin at iligtas ang tao. Basahin natin ang ilan sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at pakinggan kung katotohanan ang mga ito at may kapangyarihan at awtoridad.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Nang ang Diyos ay naging tao sa panahong ito, ang Kanyang gawain ay upang ipahayag ang Kanyang disposisyon, una sa lahat sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol. Gamit ito bilang pundasyon, naghahatid Siya ng iba pang katotohanan sa tao, nagpapakita ng iba pang mga paraan ng pagsasagawa, at sa gayon ay nakakamit ang Kanyang layunin na lupigin ang tao at iligtas mula sa kanyang tiwaling disposisyon. Ito ang nasa likod ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian(Paunang Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Sa mga huling araw, si Cristo ay gumagamit ng sari-saring katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat mabuhay nang normal ang tao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos(“Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Dumating na ang mga huling araw. Lahat ng bagay na nilikha ay isasaayos ayon sa uri nila, at hahatiin sa iba’t ibang kategorya ayon sa kanilang likas na katangian. Ito ang sandali na ibubunyag ng Diyos ang kahihinatnan ng sangkatauhan at ang kanilang hantungan. Kung hindi sasailalim sa pagkastigo at paghatol ang mga tao, walang paraan para ilantad ang kanilang pagsuway at kasamaan. Sa pamamagitan lamang ng pagkastigo at paghatol mahahayag ang kahihinatnan ng lahat ng nilikha. Ipinapakita lamang ng tao ang kanyang tunay na kulay kapag siya ay kinakastigo at hinahatulan. Ang masasama ay isasama sa masasama, ang mabubuti sa mabubuti, at buong sangkatauhan ay isasaayos ayon sa kanilang uri. Sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol, ang kahihinatnan ng lahat ng nilikha ay mahahayag, para maparusahan ang mga masasama at magantimpalaan ang mabubuti, at lahat ng tao ay sumasailalim ng kapangyarihan ng Diyos. Ang buong gawaing ito ay kailangang magawa sa pamamagitan ng matuwid na pagkastigo at paghatol. Dahil umabot na sa sukdulan ang katiwalian ng tao at napakalala na ng kanyang pagsuway, ang matuwid na disposisyon lamang ng Diyos, yaong una sa lahat ay pinagsama-sama sa pagkastigo at paghatol, at inihahayag sa mga huling araw, ang lubos na mababago at magagawang ganap ang tao. Ang disposisyong ito lamang ang makapaglalantad sa kasamaan at sa gayon ay mapaparusahan nang matindi ang lahat ng makasalanan. … Sa mga huling araw, ang matuwid na paghatol lamang ang makapag-uuri sa tao at makapagdadala sa kanila sa bagong mundo. Sa ganitong paraan, ang buong kapanahunan ay magwawakas sa pamamagitan ng matuwid na disposisyon ng paghatol at pagkastigo ng Diyos(“Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Nauunawaan mo na ba ngayon kung ano ang paghatol at ano ang katotohanan? Kung naunawaan mo na, ipinapayo Ko na magpasakop ka nang masunurin na mahatulan, kung hindi ay hindi ka magkakaroon ng pagkakataon kailanman na papurihan ng Diyos o madala Niya sa Kanyang kaharian. Yaong mga tumatanggap lamang ng paghatol ngunit hindi kailanman maaaring mapadalisay, ibig sabihin, yaong mga nagsisitakas sa gitna ng gawain ng paghatol, ay kamumuhian at itatakwil ng Diyos magpakailanman. Ang kanilang mga kasalanan ay mas marami, at mas mabigat, kaysa roon sa mga Fariseo, sapagkat napagtaksilan nila ang Diyos at naghimagsik sila laban sa Diyos. Ang gayong mga tao na ni hindi karapat-dapat na magsagawa ng paglilingkod ay tatanggap ng mas mabigat na parusa, isang parusang bukod diyan ay pangwalang-hanggan. Hindi patatawarin ng Diyos ang sinumang taksil na minsan ay nagpakita ng katapatan sa mga salita subalit ipinagkanulo Siya pagkatapos. Ang ganitong mga tao ay gagantihan sa pamamagitan ng kaparusahan ng espiritu, kaluluwa, at katawan. Hindi ba ito mismo ang paghahayag ng matuwid na disposisyon ng Diyos? Hindi ba ito ang layunin ng Diyos sa paghatol sa tao, at pagbubunyag sa kanya? Ipapadala ng Diyos ang lahat ng gumagawa ng lahat ng uri ng masamang gawa sa panahon ng paghatol sa isang lugar na pinamumugaran ng masasamang espiritu, at hahayaan ang masasamang espiritung ito na sirain ang kanilang katawang laman ayon sa gusto nila. Ang kanilang katawan ay mangangamoy-bangkay, at iyon ang nararapat na ganti sa kanila. Isinusulat ng Diyos sa kanilang mga talaang aklat ang bawat isa sa mga kasalanan niyaong mga nananalig na hindi-tapat at huwad, mga huwad na apostol, at mga huwad na manggagawa; pagkatapos, sa tamang panahon, itatapon Niya sila sa gitna ng maruruming espiritu, at hahayaan ang maruruming espiritung ito na dungisan ang kanilang buong katawan ayon sa gusto nila, upang hindi na sila makapagkatawang-taong muli kailanman at hindi na makitang muli ang liwanag kailanman. Yaong mga ipokrito na minsang naglingkod ngunit hindi nanatiling tapat hanggang sa huli ay ibinibilang ng Diyos sa masasama, kaya nabubuhay sila sa payo ng masasama at nagiging bahagi ng kanilang nagkakagulong mga tao; sa huli, pupuksain sila ng Diyos. Isinasantabi at hindi pinapansin ng Diyos yaong mga hindi kailanman naging tapat kay Cristo o naglaan ng anumang pagsisikap, at pupuksain silang lahat sa pagbabago ng mga kapanahunan. Hindi na sila iiral sa lupa, at lalong hindi makapapasok sa kaharian ng Diyos. Yaong hindi kailanman naging tapat sa Diyos ngunit napilitan dahil sa kanilang kalagayan na humarap sa Kanya nang madalian ay ibinibilang sa mga yaon na naglilingkod para sa Kanyang bayan. Iilan lamang sa mga taong iyon ang mananatiling buhay, samantalang karamihan ay mamamatay na kasama ng mga yaon na ni hindi nararapat na maglingkod. Sa huli, dadalhin ng Diyos sa Kanyang kaharian ang lahat ng tao na ang isipan ay kaayon ng Diyos, ang mga tao at ang mga anak ng Diyos pati na yaong mga itinakda ng Diyos na maging mga saserdote. Gayon ang bungang nakamit ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang gawain. Patungkol sa mga yaong hindi kabilang sa anumang kategoryang inilatag ng Diyos, ibibilang sila sa mga hindi walang pananalig. At tiyak na maiisip ninyo kung ano ang kanilang kahihinatnan. Nasabi Ko na sa inyo ang lahat ng dapat Kong sabihin; kayo ang magpapasiya kung aling landas ang inyong pipiliin. Ang dapat ninyong maunawaan ay ito: Ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman naghihintay sa sinuman na hindi nakakasabay sa bilis ng Kanyang paghakbang, at ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi nagpapakita ng awa sa sinumang tao(“Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Pagkatapos basahin ang salita ng Makapangyarihang Diyos, hindi ba mas malinaw sa atin kung paano ginagawa ng Diyos ang Kanyang paghatol sa mga huling araw? Kung hindi ito hayagang ibinunyag at ipinahayag ng Diyos, paano tayo magkakaroon ng anumang ideya? Sa mga huling araw binibigkas ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan at ginagawa ang Kanyang gawain ng paghatol. Inihahayag ng Kanyang salita ang diwa at tunay na kalagayan ng matinding katiwalian ng sangkatauhan; ganap nilang inilalantad ang bawat pagkalaban ng tao sa Diyos at ang pagkababad ng tao sa disposisyon ni Satanas, at ipinakikita ng mga ito sa sangkatauhan ang hindi-masusuway na disposisyon ng kabanalan at katuwiran ng Diyos. Nakikita ng mga tao ang pagpapakita at gawain ng Diyos, bumabalik sila sa Diyos nang sunud-sunod at tinatanggap ang pagliligtas ng Diyos.

…………

Nakilala na natin mula sa paghatol ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang likas na pagkatao ni Satanas na nasa ating kalooban na lumalaban at naghihimagsik sa Diyos, at nakita na natin ang ating pagmamataas, pagpapahalaga sa sarili at panlilinlang at na sa lahat ng bagay ay nagpapakita tayo ng disposisyon ni Satanas. Kahit gumugol na tayo nang kaunti para sa Diyos, nagdusa nang kaunti, at nagbayad ng kaunting halaga, pinagsasamantalahan natin ang Diyos at nakikipagtawaran sa Kanya para magantimpalaan at makapasok sa kaharian ng langit; pinakikitunguhan natin ang Diyos nang walang konsiyensya o katwiran, wala ni katiting na pagmamahal o pagsunod. Katulad ba tayo ng mga tao kapag namumuhay tayo nang ganito? Tayo’y naging mga buhay na multo lamang, mga halimaw; nakita natin ang sarili nating nakasusuklam na kapangitan, at ang puso natin ay nasasaktang mabuti at puno ng kahihiyan dahil dito. Sa paghahayag at paghatol ng mga salita ng Diyos, nakikita natin na nakikita ng Diyos ang lahat ng bagay, at natatakot tayo at nanginginig ang ating puso kapag nadarama natin ang Kanyang matinding kabanalan, katuwiran at na ang Kanyang disposisyon ay hindi masusuway. Bilang isang taong kauri ni Satanas, hiyang-hiya tayong makita ang Diyos, at hindi tayo nararapat mabuhay sa Kanyang harapan; lumuluhod tayo sa lupa at tumatangis sa pagsisisi, isinusumpa pa ang ating sarili, at sinasampal ang sarili nating bibig, ipinagdarasal na hatulan tayo nang mas matindi ng Diyos, linisin at baguhin tayo; ayaw na nating mabuhay na may disposisyon ni Satanas. Nagsisimula tayong isagawa ang katotohanan, at hanapin ang katotohanan. Hindi natin alam na maraming bagay na tayong naranasan, at naunawaan na natin ang ilang katotohanan, at natamo ang ilang tunay na kaalaman tungkol sa Diyos. Nagbabago ang ating pananaw sa mga bagay-bagay. Nagsisimulang magbago ang ating disposisyon sa buhay, at umuusbong sa ating puso ang tunay na takot at pagsunod sa Diyos; hindi natin sinusubukang muli na makipagtawaran sa Diyos, buong katapatan nating magagawa ang ating bahagi sa pagtugon sa pagmamahal ng Diyos at nagsisimula tayong mabuhay bilang tunay na tao. Dahil dumaan na tayo sa landas na ito, talagang dama natin na kung hindi sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, hindi sana natin nakita kailanman ang tunay na larawan ng matinding pagtitiwali sa atin ni Satanas, hindi sana natin nalaman ang pinagmumulan ng ating pagkakasala at pagkalaban sa Diyos, at hindi rin sana natin nalaman kung paano palalayain ang ating sarili mula sa mga gapos ng kasalanan at sa pangingibabaw nito sa atin upang magkaroon ng takot at maging masunurin sa Diyos. Nadarama natin na kung hindi sa mahigpit na paghatol ng mga salita ng Diyos, hindi sana natin nalaman ang Kanyang matuwid, maringal at di-masusuway na disposisyon; ni hindi tayo magkakaroon ng pusong may takot sa Diyos, at ni hindi sana tayo naging isang taong may takot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan. Totoo ito. Kung hindi nagkatawang-tao ang Diyos, sino ang makakagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw? Sino ang makapagpapakita sa tao ng banal, matuwid, at di-masusuway na disposisyon ng Diyos? Kung hindi nagkatawang-tao ang Diyos, kaninong mga salita ang magkakaroon ng gayong kapangyarihan at awtoridad para tayo hatulan, linisin, at iligtas sa ating matinding katiwalian mula sa kasalanan? Ang mga salita at gawain ng Diyos ay ganap na nagpapakita ng Kanyang katayuan at identidad bilang Diyos, at nagpapakita na Siya ang Lumikha, at ang pagpapakita ng isang tunay na Diyos! Nakilala natin ang tinig ng Diyos sa pananalita ng Makapangyarihang Diyos, at nakita ang pagpapakita ng Diyos.

—mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian

Share