Bible Verse of the Day Tagalog
Mga Kaunawaan sa Talata Ngayong Araw…
Ipinakikita sa akin ng mga talatang ito na ang mga nananampalataya sa Diyos ay dapat magkaroon ng isang pusong may takot sa Diyos, lalo na sa bagay kung paano pakikitunguhan ang gawain ng Diyos. Kapag hindi natin naiintindihan o hindi nakikita ang gawain ng Diyos, dapat tayong maging makatuwiran ngunit hindi ang sinasadyang hatulan,kondenahin, o pigilan ito. Katulad ng naitala sa mga talatang ito, nang ang mga eskriba ng mga Judio at ang mga Pariseo ay kusang sumalungat at kinondena ang gawain ng Panginoong Jesus, si Gamaliel, isang guro ng batas ng mga Judio, ay hindi tumayo sa tabi ng mga Pariseo ngunit nanindigan at sinabi ang ilang mga salita upang bigyan ng babala ang mga Pariseo noong ang mga apostol ng Panginoong Jesus ay nahuli. Mula rito, makikita na hindi niya sinasadyang hatulan o bulag na hinatulan ang bagay na hindi niya nakikita. Bukod dito, naisip ni Gamaliel, kung ito ay gawain ng mga tao, mawawala ito habang lumilipas ang oras nang hindi mapipigilan ng sinuman. Kung ang gawain ay mula sa Diyos, walang puwersa na maaaring pumigil dito, ngunit mas lalo itong umuunlad, at tatanggapin ng maraming tao. Ang saloobin ni Gamaliel patungo sa gawain ng Panginoong Jesus ay nagdudulot ng inspirasyon sa atin na naghihintay na tanggapin ang pangalawang pagdating ng Panginoon sa mga huling araw: Kung ang isang tao ay nagpapatotoo na ang Panginoon ay bumalik at gumawa ng bagong gawain, bagaman hindi natin naiintindihan o nakikita ng malinaw ito, hindi natin basta lang maaaring maghusga at maglapastangan. Kung hindi, magkakasala tayo sa disposisyon ng Diyos at parurusahan ng Diyos tulad ng mga Pariseo.
Kaya pagdating sa ating pakikitungo sa bagong gawain ng Diyos, bukod sa pagiging makatuwiran, dapat nating mapagpakumbabang hanapin at alamin ang pangunahing prinsipyo ng paghahanap ng tunay na daan. Tanging sa gayon lamang tayong maaaring magkaroon ng mas mahusay na kaalaman sa gawain ng Diyos at sundin ang mga yapak ng Kordero. Gusto kong ibahagi sa iyo ang isang sipi ng salita ng Diyos, “Ano ang pinaka-pangunahing alituntunin sa paghahanap sa tunay na daan? Kailangan mong tingnan kung naroon ang gawain ng Banal na Espiritu o wala, kung ang mga salitang ito ay pagpapahayag ng katotohanan, sino ang pinatototohanan, at kung ano ang maidudulot nito sa iyo. Ang pag-alam sa pag-itan ng tunay na daan at maling daan ay nangangailangan ng maraming aspeto ng pangunahing kaalaman, kung saan ang pinakasaligan ay ang pagsasabi kung naroon ang gawain ng Banal na Espiritu o wala. Sapagka't ang sangkap ng paniniwala ng tao sa Diyos ay ang paniniwala sa Espiritu ng Diyos, at kahit ang paniniwala niya sa Diyos na nagkatawang-tao ay dahil sa ang katawang-tao na ito ay ang pagsasakatawan ng Espiritu ng Diyos, na nangangahulugan na ang gayong paniniwala ay paniniwala pa rin sa Espiritu. May mga pagkakaiba sa pag-itan ng Espiritu at ng katawang-tao, nguni't dahil ang katawang-tao na ito ay nagmumula sa Espiritu, at ang Salita na naging katawang-tao, sa gayon anuman ang pinaniniwalaan ng tao ay ang likas na sangkap ng Diyos. Kaya't, sa pagkilala kung ito ay tunay na daan o hindi, higit sa lahat dapat mong tingnan kung naroon ang gawain ng Banal na Espiritu o wala, kung saan pagkatapos nito ay dapat mong tingnan kung naroon ang katotohanan sa daang ito o wala. Ang katotohanang ito ay ang disposisyon sa buhay ng normal na pagkatao, na ang ibig sabihin, yaong kinailangan sa tao nang lalangin siya ng Diyos sa pasimula, ang sumusunod, ang buong normal na pagkatao (kasama ang katinuan ng tao, panloob-na-pananaw, karunungan, at ang pangunahing kaalaman ng pagiging tao) . Ibig sabihin, kailangan mong tingnan kung dinadala ba ng daan na ito ang tao sa buhay ng normal na pagkatao o hindi, kung ang katotohanan na sinasalita ay kailangan ayon sa pagka-totoo ng normal na pagkatao o hindi, kung ang katotohanang ito ay praktikal at tunay o hindi, at kung ito ay talagang pinaka-napapanahon o hindi. Kung mayroong katotohanan, makakaya nitong dalhin ang tao sa normal at tunay na mga karanasan; higit pa rito, ang tao ay nagiging lalong higit na normal, ang katinuan ng tao ay lubos na nagiging ganap, ang buhay ng tao sa laman at ang espirituwal na buhay ay nagiging lalong higit na maayos, at ang emosyon ng mga tao ay nagiging lalong higit na normal. Ito ang ikalawang alituntunin. Mayroong isa pang alituntunin, na kung nadaragdagan ang pagkakilala ng tao sa Diyos o hindi, kung ang pagdanas ng ganoong gawain at katotohanan ay may kakayahang pumukaw ng pag-ibig sa loob niya para sa Diyos, at madala siya upang maging malapit sa Diyos o hindi. Sa ganito masusukat kung ito ang tunay na daan o hindi. Ang pinakasaligan ay kung ang daang ito ay makatotohanan sa halip na higit-sa-karaniwan, at kung ito ay nakapagkakaloob ng buhay ng tao o hindi. Kung ito ay kaayon sa mga alituntuning ito, maaaring mabuo ang konklusyon na ang daang ito ang tunay na daan.”