Read more!
Read more!

Inililigtas Ako ng Diyos Mula sa Buhay ng Pagsasakripisyo ng Kalusugan para sa Pera

Noong nag-aaral ako, maraming tao sa baranggay namin ang lumipat sa mga apartment at bumili ng mga kotse, habang nananatiling nakatira sa lumang isang-palapag na bahay ang pamilya ko. Kaya naman, determinado akong magtrabaho ng husto upang yumaman kapag lumaki na ako. Nang dumating ang oras, nag-empake ako, sumakay sa tren papunta sa ibang lugar, at nag-umpisang lumaban para sa kinabukasan ko …

“Bilisan mo! Bilisan mo!” Paulit-ulit na sigaw ng kapatas mula sa pagawaan. Lahat ng empleyado ay binibilisan ang kilos hangga’t maaari. Pinunasan ko ang pawis sa aking mukha gamit ang isang kamay at hinawakan ang barena gamit ang isa pa. Pagkatapos ay lumiyad ako upang masahiin ang ibaba ng likod ko bago nag-umpisa sa susunod na gawain.

“Jie, bilisan mo! Bilisan mo! Huwag kang babagal-bagal! Ayaw mo bang makaalis sa trabaho?” Nagmula sa packing workshop ang tinig ng kapatas. Kakatapos ko lang ng isang tray ng mga karton na kahon nang dinala ng isang tauhan ang mataas na bunton ng mga materyales sa’kin. Tumingkayad ako at ibinaba ang ilang dosenang kahon. Nakaramdam ako ng pagod. Pero sa tuwing babagalan ko ang kilos ko upang makapagpahinga, maririnig ko ang tinig ng kapatas na hinihikayat akong magtrabaho pa ng husto. May 3,000 na mga kahong kailangang tapusin, yumuko ako at bantulot na itinuloy ang aking trabaho. Sa gabi, madalas akong makaramdam ng sakit sa mga daliri ko. Sinabi ko sa sarili ko na pinakamagaling sa lahat ang lalaki na kinakaya ang pinaka-matitinding paghihirap. Kaya kailangan kong kayanin. Magiging maayos ang lahat kapag mayaman na ako …

Isang araw, habang paalis ako matapos ang isang pagpupulong, bigla na lang nagdilim ang lahat at napatalungko ako sa sahig. Napansin ako ng kapatas at sumigaw, “Jie, anong nangyari sa’yo? Anong nangyari sa’yo?” Mabigat ang ulo ko at masama ang pakiramdam. Inabot ng ilang sandali bago bahagyang umayos ang pakiramdam ko. Gayunman, hindi ko iyon sineryoso, dahil naisip kong isa akong binata na puno ng buhay.

Para magkaroon ng mas mataas na sahod, nakahanap ako ng trabaho sa isang kompanya ng mga makinarya, nagtatrabaho bilang tagabantay sa bodega. Nakatoka ako sa pagtanggap, pagpapadala at pagtatabi ng ilang libong mga bagay. Bukod sa paunang sahod, mayroon ding bayad ang overtime ko. Upang mas kumita pa, halos gabi-gabi akong nagtatrabaho sa pagku-kuwenta.

Dahil sa dumadaming bilang ng mga produktong ginagawa ng kompanya namin, mabilis na napupuno ng mga paninda ang mga pasilyo ng bodega. Dahil dito, nagbago ang oras ko mula walong oras hanggang sampu at pagkatapos ay labing-dalawa, at minsan pa nga ay lagpas sa labing-dalawang oras. Habang pauwi ako mula sa trabaho, palagi akong mag-isang naglalakad kasama lamang ang katahimikan ng gabi. Ngunit nakakalimutan ko ang kapaguran at pagkahapo kapag naiisip ko ang lumalaking ipon ko. Naisip ko ang hindi malayong hinaharap kung saan mayroon na akong sariling bahay at kotse …

Isang araw, habang may hinahatak akong mabibigat na materyales, bigla akong hindi makahinga at naramdaman ang pagbilis ng pintig ng puso ko at sakit sa dibdib. Nagpatingin ako sa doktor at sinabing mayroon akong arrhythmia. Sinabi sa’kin ng doktor, “Binata, magpahinga ka ng husto at mabuhay ng normal. Kung hindi, magkakaroon ka ng mga komplikasyon kapag naging seryoso pa iyan.” Ginising ako niyon tungkol sa hindi magandang lagay ng kalusugan ko. Gayunman, hindi ako nakinig sa doktor at nagdesisyon na huwag isipin iyon hanggang sa mangyari talaga iyon. Kaya nagpatuloy ako sa matinding pagtatrabaho para sa pera at para magkaroon ng sariling bahay at kotse …

Isang araw sa trabaho, isang katrabaho ko, si Ginoong Xia, ang bumagsak dahil sa myocardial infarction habang nagtatrabaho siya at itinakbo sa ospital. Nagkasakit siya sa labis na pagtatrabaho at muntik nang bawian ng buhay. Matapos makita iyon, nag-umpisa akong mag-alala na baka mangyari din iyon sa’kin. Tinanong ko ang sarili ko, “Talaga bang mas mahalaga ang pera kaysa sa buhay? Kung lumala ang kalusugan ko, ano pang silbi ng pagkakaroon ng pera?” Araw-araw, habang naglalakad pauwi pagkatapos ng trabaho, lumiliko ako depende kung saan mas magandang dumaan sa magkasangang-daan ng eskinita. Pero anong direksiyon ang pipiliin ko ngayong nasa magkasangang-daan na ako ng buhay? Sa kauna-unahang beses, nakaramdam ako ng lungkot, walang-magawa, at pagkalito. Pagod na ang isip at katawan ko. Ganito na lang ba ang magiging buong buhay ko?

Habang nakakaramdam ako ng pagkalito at kawalang-magawa, dumating sa’kin ang ebanghelyo ng Diyos. Binasa ko ang sipi ng salita ng Diyos: “‘Pera ang nagpapaikot sa mundo’ ay isang pilosopiya ni Satanas at ito ay nananaig sa buong sangkatauhan, sa bawat lipunan ng mga tao. Maaari ninyong sabihin na ito ay isang kalakaran dahil ito ay ibinahagi sa lahat at ngayon ay nakatanim na sa kanilang puso. … Gaano man karaming karanasan mayroon ang isang tao sa kasabihang ito, ano ang negatibong epekto na dulot nito sa puso ng isang tao? … Ang estado ng mga tao ay base sa kung gaano karaming salapi ang mayroon sila bilang kanila ring pagiging kagalang-galang. Ang mga likod ng mahihirap ay nakayuko sa hiya, habang nagpapakasasa ang mga mayayaman sa kanilang mataas na estado. Nakatayo sila nang matuwid at mapagmataas, nagsasalita nang may kumpiyansa, at namumuhay nang may kahambugan. Ano ang dinadala ng kasabihan at kalakarang ito sa mga tao? Hindi ba nakikita ng marami na ang pagkakaroon ng salapi ay karapat-dapat sa anumang halaga?

Pagkatapos ay naintindihan ko ito: Ang “Pera ang nagpapatakbo sa mundo” at “Pera ang una” ay mga panuntunan sa buhay ni Satanas na sumira sa aking pananaw sa buhay at nilinlang ako upang maging layunin ko sa buhay ang maging mayaman. Sa ilalim ng impluwensiya ng mga ideya at pananaw na ito, naniwala ako na pinakamahalaga ang pera at maaari akong maging angat sa iba sa pamamagitan ng pera, gumawa ng pagbabago at maparangalan ang aking pamilya. Kaya naman, madalas akong magtagal sa trabaho at nagpagod ng husto para lamang kumita ng mas maraming pera at ni hindi ako nagpapahinga kahit na pagod at may sakit ako. Ginamit ng Diyos ang nangyari kay Ginoong Xia upang balaan ako na kahangalan ang isakripisyo ang kalusugan at buhay para lamang sa pera. Sinabi ng Panginoong Jesus: “Sapagka’t ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanglibutan at mawawalan siya ng kaniyang buhay? o ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay?(Mateo 16:26).

Naunawaan ito, hindi na ako ganoon kasigasig na habulin ang pera. Kalaunan, nag-umpisa akong dumalo sa mga pagpupulong sa simbahan, magbasa ng mga salita ng Diyos, at kumanta ng mga himno bilang papuri sa Diyos, ginagawa iyong mahalagang bahagi ng aking buhay. Nakatanggap ako ng isang uri ng katiyakan at kapayapaan sa aking puso na hindi ko pa natikman noon. Sinubukan kong pakawalan ang pagnanasa ko sa yaman, at hindi gaanong binigyan ng halaga ang pagtatrabaho ng husto; tuwing weekend, nag-umpisa akong magpahinga. Kaya naman, kalaunan ay gumaling ako paunti-unti. Gayunman, nag-alangan akong muli nang marinig ko na nakakatanggap ang mga katrabaho ko ng mas malaking sahod sa pagtatrabaho ng sagad. Hindi ko alam kung anong pipiliin: Magtrabaho ng sagad para sa pera o magpahinga para sa kalusugan ko...

Kalaunan, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “May isang pinakasimpleng paraan upang mapalaya ang sarili mula sa ganitong katayuan: ang magpaalam sa dating sariling paraan ng pamumuhay sa buhay, na magsabi ng paalam sa sariling dating mga layunin sa buhay, lagumin at suriin ang sariling dating istilo ng pamumuhay, pilosopiya, mga pagsusumikap, mga pagnanais, at mga minimithi, at pagkatapos ay ihambing sila sa kalooban at mga hinihingi ng Diyos sa tao, at tingnan kung tugma ang alinman sa kanila sa kalooban at mga hinihingi ng Diyos, kung may alinman sa kanila ang naghahatid ng mga tamang prinsipyo sa buhay, nagdadala sa isang tao sa isang mas malaking pagkaunawa sa katotohanan, at hinahayaan siya na mamuhay kasama ang sangkatauhan at na kalarawan ng tao. Kapag paulit-ulit mong siniyasat at maingat na sinuri ang iba’t-ibang mga layunin sa buhay na kinakamit ng mga tao at ang kanilang sari-saring magkakaibang paraan ng pamumuhay, matutuklasan mo na ni isa sa kanila ay hindi akma sa orihinal na layon ng Manlilikha nang Kanyang likhain ang sangkatauhan. Lahat sila ay naglalayo sa mga tao mula sa dakilang kapangyarihan at pangangalaga ng Manlilikha; lahat sila ay mga hukay na kinababagsakan ng sangkatauhan, at siyang nagbubulid sa kanila sa impiyerno. Matapos mong makilala ito, ang gawain mo ay isantabi ang iyong lumang pagtanaw sa buhay, manatiling malayo sa sari-saring mga patibong, hayaan ang Diyos na mag-alaga sa iyong buhay at gumawa ng mga pagsasaayos para sa iyo, subukan lamang na magpasailalim sa mga pagsasaayos at paggabay ng Diyos, na magkaroon ng walang pagpipilian, at maging isang tao na sumasamba sa Diyos.

Habang nagninilay ako sa mga salita ng Diyos, paulit-ulit akong tumatango: “Napaka-praktikal ng mga salita ng Diyos. Noon, labis na nakabaon sa aking puso ang ideya ni Satanas na ‘Pera ang una’ at ginamit ko iyon bilang kasabihan sa buhay at nagpatuloy sa pagtatrabaho ng sagad sa oras. Isinakripisyo ko ang aking oras, kalayaan, at kalusugan para lamang kumita ng mas maraming pera. Matapos akong mag-umpisang maniwala sa Diyos, nagkaroon ako sa wakas ng isang normal na buhay. Kaya hindi ba’t kahangalan na bumalik ako sa mga dati kong gawi? Pinapamahalaan at inaayos ng Diyos ang kapalaran ng mga tao. Kaya hindi matatamo ang yaman sa pamamagitan ng pagsisikap ng tao. Ang kalooban ng Diyos ay bitawan ko ang pananaw na mabuhay lamang para sa pera upang makapagtrabaho ako ng normal at magkaroon ng regular na buhay sa araw-araw. Matututo ako na sundin ang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos.”

Pagkatapos noon, naging normal ang oras ng trabaho ko at regular ang aking pahinga. Kalaunan, naging malakas ang aking katawan at mas nagiging maganda ang aking itsura. Masayang masaya ang aking pakiramdam at lalong humusay sa trabaho. Masagana at payapa at pakiramdam ng aking puso sa halip na nag-aalala at nasisindak. Kalaunan, inayos ng kompanya ang sahod sa departamento ko, pero hindi nila sinabi sa’kin kung bakit. Kaunti ang oras ng trabaho ko ngunit mas malaki ang sahod, na kumumbinsi sa’kin na hindi natatamo ang kayamanan sa pamamagitan ng pagsisikap ng mga tao kundi desisyon ng Diyos. Masakit mamuhay sa ilalim ng pananaw sa buhay ni Satanas sa halip na magpasakop sa kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos. Kabaligtaran naman sa mga piniling sumunod sa Diyos at namuhay ayon sa Kanyang mga salita ay magkakaroon ng tunay na kapayapaan at kaligayahan.

Salamat sa Diyos sa pagliligtas sa’kin mula sa buhay ng kapaguran at pagsasakripisyo ng kalusugan para sa pera. Mahal kong kaibigan, para sa kalusugan, magpahinga ka!

Inirerekomenda para sa iyo:

Tagalog Gospel Video 2019 | "Pagpapalaya sa Puso"

Share