Bible Verse of the Day Tagalog
Sa iyong pang-araw-araw na buhay, kapag nakakatagpo ka ng iba't ibang mga pagsubok at paghihirap na nagdudulot sa iyo ng walang katiyakan kung paano magpatuloy, ano ang ginagawa mo? Huwag mabahala. Basahin ang mga sumusunod na nilalaman, at matutulungan ka nito.
Sinabi ng Diyos na Jehova, “Tumawag ka sa Akin, at Ako'y sasagot sa iyo, at Ako'y magpapakita sa iyo ng mga dakilang bagay, at mahihirap na hindi mo nangalalaman” (Jeremias 33:3). Ang siping ito ay sinabi ng Diyos kay propetang Jeremiah noong panahon ng kanyang pagkakahuli sa Babilonia. Tiniyak ng Diyos kay Jeremiah na kapag taos-puso nito Siyang hinanap sa pamamaagitan ng pagdarasal, matatanggap niya ang sagot at paghahayag ng Diyos. Binibigyang-diin ng talatang ito ang pagnanais ng Diyos para sa mga tao na tunay na tumawag sa Kanya, upang hanapin ang Kanyang karunungan at patnubay. Lalo na sa panahon ng paghihirap, mas kailangan pa nating taimtim na manalangin sa Diyos at humingi ng tulong sa Kanya upang malampasan ang mga paghihirap. Gaya noong pinangunahan ni Moises ang mga Israelita palabas ng Ehipto, hinarap nila ang Dagat na Pula na nasa harapan nila at ang humahabol na hukbong Ehipsiyo sa likuran nila. Taglay ang taimtim na puso, nanalangin si Moises sa Diyos at natanggap ang Kanyang tulong. Hinati ng Diyos ang Dagat na Pula, at ligtas na nakatawid ang mga Israelita. Karagdagan pa, nariyan ang halimbawa ni Daniel, na maling pinaratangan at itinapon sa yungib ng mga leon. Taglay ang taimtim na puso, nanalangin si Daniel sa Diyos, at nagpadala ang Diyos ng isang anghel upang isara ang mga bibig ng mga leon, na pinananatiling ligtas si Daniel. Mula sa mga halimbawang ito, makikita natin na kapag taos-puso tayong umaasa sa Diyos at nag-aalay ng ating mga panalangin sa Kanya, matatanggap natin ang Kanyang tulong.
Sa ating pang-araw-araw na buhay, bawat isa sa atin ay nahaharap sa iba't ibang hamon at paghihirap. Maaaring makatagpo tayo ng stress at problema sa ating trabaho, na nagdudulot sa atin na makaramdam ng kawalang-magawa at pagkalito. Dagdag pa, ang ating buhay may asawa at ating mga pamilya ay maaaring makaranas ng hindi pagkakasundo at hindi inaasahang mga pagbabago, na humahantong sa emosyonal na pagkabalisa at pagdurusa. Higit pa rito, ang hindi inaasahang mga panganib at paghihirap ay maaaring lumitaw sa buhay, na nagiging sanhi ng ating kawalang-lakas at pagkatakot. Gayunpaman, ang talatang ito ay nagbibigay sa atin ng landas ng pagsasagawa. Hangga't mayroon tayong tunay na pananampalataya sa Diyos, ipinagkakatiwala ang lahat ng ating mga paghihirap sa Kanyang mga kamay, at taimtim na tumatawag sa Kanya, matatanggap natin ang tugon ng Diyos at matatamo ang Kanyang tulong upang mapagtagumpayan ang ating mga hamon. Ito rin ang pangako ng Diyos sa atin. Tulad ng sabi ng Diyos, “Kapag ang isang tao ay nakakasagupa ng isang napakamasalimuot na paghihirap, kapag wala silang sinumang malalapitan, at kapag nadarama nila ang lalong kawalang-pag-asa, nagtitiwala sila sa Diyos bilang kanilang tanging pag-asa. Paano sila nananalangin? Ano ang kalagayan ng kanilang pag-iisip? Sila ba ay taimtim? Mayroon bang anumang di-dalisay sa panahong iyon? Kapag nagtitiwala ka sa Diyos na parang Siya ang huling hibla na makakapitan mo, umaasang tutulungan ka Niya, na taimtim ang iyong puso. Bagama’t maaaring hindi ka gaanong nagsasalita, ang iyong puso ay naaantig na. Ibig sabihin, ibinibigay mo ang iyong taimtim na puso sa Diyos, at ang Diyos ay nakikinig. Kapag nakikinig ang Diyos, nakikita Niya ang iyong mga paghihirap, liliwanagan ka Niya, gagabayan ka, at tutulungan ka.”
Kung gusto mong matuto ng higit pang mga katotohanan tungkol sa pagdarasal sa Diyos, mangyaring huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng online chat window sa ibaba ng aming website. Sama-sama, maaari nating pag-aralan ang salita ng Diyos at makipag-ugnayan sa isa’t isa online.