Read more!
Read more!

Job 42:2- Devotional Verses With Reflection Tagalog

Bible Verse of the Day Tagalog

Nalalaman ko na magagawa mo ang lahat ng mga bagay, at wala kang akala na mapipigil.

Mga Kaunawaan sa Talata Ngayong Araw…

Sinabi ni Job ang mga salitang ito sa Diyos nang ang Diyos ay magpakita sa kanya. Sa pagbasa ng bersikulong ito, ang aking sarili ay nawawala sa malalalim na pag-iisip: Hindi kailanman nakita ni Job ang Diyos. Wala pang Biblia sa panahong iyon at hindi nakikipagpulong si Job sa iba, ngunit paano niya nadarama ang pag-iral ng Diyos, makita ang Kanyang kapangyarihan at malaman ang Kanyang pamamahala sa lahat ng bagay? Ito ay nakatala sa Job, "Nasa Dios ang karunungan at kakayahan; kaniya ang payo at pagkaunawa. Narito, siya'y nagbabagsak at hindi maitayo uli; siya'y kumulong ng tao at hindi mapagbubuksan. Narito, kaniyang pinipigil ang tubig at nangatutuyo; muli, kaniyang binibitawan sila at ginugulo nila ang lupa" (Job 12:13-15). "Siya ay pantas sa puso, at may kaya sa kalakasan: sinong nagmatigas laban sa kaniya at guminhawa? Na siyang naglilipat ng mga bundok, at hindi nila nalalaman, pagka nililiglig niya sa kaniyang pagkagalit. Na siyang umuuga ng lupa sa kaniyang kinaroroonan, at ang mga haligi nito ay nangayayanig. Na siyang naguutos sa araw, at hindi sumisikat; at nagtatakda sa mga bituin. Na nagiisang inuunat ang langit, at tumutungtong sa mga alon ng dagat. Na lumikha sa Oso, sa Orion, at sa mga Pleyade, at sa mga silid ng timugan. Na gumagawa ng mga dakilang bagay na di masayod; Oo, mga kamanghamanghang bagay na walang bilang"(Job 9:4-10). "Nauunawa ng Dios ang daan niyaon, at nalalaman niya ang dako niyaon. Sapagka't tumitingin siya hanggang sa mga wakas ng lupa, at nakikita ang silong ng buong langit; Upang bigyan ng timbang ang hangin; Oo, kaniyang tinatakal ang tubig sa takalan. Nang siya'y gumawa ng pasiya sa ulan, at ng daan sa kidlat ng kulog" (Job 28:23-26).

Ang mga bersikulong ito ay ang kaalaman ni Job sa Diyos na Jehova. Mas pinagtutuunan nang pansin ni Job ang lahat ng mga bagay na nilikha ng Diyos at ang mga batas ng lahat ng bagay na itinakda Niya at totoong nadama at alam ang Kanyang kapangyarihan. Nakita niya na ang Diyos ang gumagawa ng pinatuyong tubig, inalis ang mga bundok at umuga sa lupa. Ang pagsikat at paglubog ng araw, buwan at mga bituin ay nasa mga kamay ng Diyos. Ang hangin at ulan, kulog at kidlat ay kontrolado ng Diyos. Napagtanto niya na ang mga gawa ng Diyos ay nasa lahat ng dako, ang Kanyang karunungan ay kahanga-hanga at hindi inaasahan at ang Kanyang kapangyarihan ay hindi maaaring malabag ng sinumang tao. Si Job ay nagkaroon ng ganitong kaalaman buhat sa kanyang mga karanasan na nadarama ng kanyang puso na ang lahat ng mga sitwasyon na itinakda ng Diyos sa kanyang buhay. Ang mga praktikal na kaalaman ang naging simula at sanhi ng totoong pananampalataya ni Job.

Share