Ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon ay higit na natupad ngayon, at pinapatunayan nito na ang Panginoon ay bumalik na. Kung gayon, saan nagpapakita ang Diyos at isinasagawa ang Kanyang gawain? Marahil ay maraming tao na ang nakarinig na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay laging nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay bumalik at na Siya ay nagkatawang-tao muli upang magpakita at gumawa sa Tsina, sa gayong paraan natutupad ang propesiya ng Panginoong Jesus: “Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:27). Maraming tao ang nahihirapang paniwalaan ang balitang ito. Naniniwala sila na, dahil ang huling dalawang yugto ng gawain ng Diyos ay nagawa sa Israel at ang Diyos ay hindi pa kailanman gumawa sa labas ng mga hangganan ng Israel, tiyak na babalik ang Panginoon sa Israel. Para sa kanila, hindi mawari na ang Panginoong Jesus ay magpapakita at gagawa sa Tsina. Bukod dito, naniniwala sila na dahil ang Tsina ay isang ateista na diktadura at ang bansa na lumalaban sa Diyos at ang pinakaumuusig sa mga Kristiyano, nagtataka sila kung paano maaaring nagkatawang-tao ang Diyos upang magpakita at gumawa sa Tsina. Ngunit tama ba ang pananaw na hinahawakan natin? Ang Diyos ay Diyos ng buong sangkatauhan, kaya’t maaari bang magpakita at gumawa lamang Siya sa Israel? Ano ang kahulugan sa likod ng pagpapakita at paggawa ng Diyos sa Tsina sa mga huling araw? Susuriin natin ngayon ang isyung ito sa pamamagitan ng fellowship.
Sapagkat si Jehova at ang Panginoong Jesus ay nagpakita at gumawa sa Israel, natitiyak natin na sa pagbabalik ng Panginoon, maaari lamang Siyang magpakita at gumawa sa Israel, at imposible para sa Kanya na magpakita at gumawa sa isang bansang kumakalaban sa Diyos gaya ng Tsina. Ngunit maaari nga kayang, sapagkat ang Diyos ay dating gumawa ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan sa Israel, at pagkatapos ay nagkatawang-tao sa Judea upang maisagawa ang gawain ng pagtubos, kailangan Niyang ganap na gawin ang Kanyang gawain sa Israel sa mga huling araw? Pag-isipan ito: Mayroon bang batayan sa mga salita ng Diyos upang tayo ay humayo sa ating mga sariling pagkaunawa at haka-haka at limitahan ang lokasyon ng gawain ng Diyos sa Israel? At kung ang pananaw na ito ay salungat sa kalooban ng Diyos, at hindi magpakita ang Panginoon sa Israel sa Kanyang pagbalik, kung gayon hindi ba malaki ang posibilidad na mawala sa atin ang ating pagkakataon na masalubong ang Panginoon? Sinasabi ng Bibliya, “Sapagka’t ang aking mga pagiisip ay hindi ninyo mga pagiisip, o ang inyo mang mga lakad ay aking mga lakad, sabi ni Jehova. Sapagka’t kung paanong ang langit ay lalong mataas kay sa lupa, gayon ang aking mga lakad ay lalong mataas kay sa inyong mga lakad, at ang aking mga pagiisip kay sa inyong mga pagiisip” (Isaias 55:8–9). Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang karunungan ng Diyos ay mas mataas pa sa mga kalangitan, ang mga iniisip ng Diyos ay higit pa sa mga iniisip ng tao, at ang gawain ng Diyos ay lampas sa mga hangganan ng pag-iisip at mga kuru-kuro ng tao. Habang mas imposible ang isang bagay, lalong higit na mayroon itong katotohanang mahahanap; habang mas lampas sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao ang isang bagay, lalong higit na ito ay naglalaman ng kalooban ng Diyos.” Ang karunungan ng Diyos ay magpakailanman mas mataas kaysa sa karunungan ng tao, at ang tao ay hindi maarok ang mga salita at gawain ng Diyos. Hindi alintana kung saan nagpapakita at gumagawa ang Diyos, palagi itong may kahulugan, at laging may hiwaga dito. Kung hindi natin hinahangad ang kalooban ng Diyos at nililimitahan natin ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa pamamagitan ng pag-asa sa ating sariling mga pagkaunawa at haka-haka, kung gayon magiging madali sa ating labanan ang Diyos. Nung dumating ang Panginoong Jesus upang gawin ang Kanyang gawain, halimbawa, ang mga Fariseo ay umaasa sa kanilang mga sariling pagkaunawa at haka-haka sa paniniwala na pagdating ng Mesiyas, tatawagin Siya na “Mesiyas,” na Siya ay ipapanganak sa isang palasyo, at na Siya ay darating na may kapangyarihan at aakayin sila na makaalis sa pamamahala ng Romano. Nang dumating ang Diyos, gayunpaman, hindi Siya tinawag na “Mesiyas,” ni ipinanganak Siya sa isang palasyo. Sa halip, Siya ay isinilang sa isang sabsaban at hindi kapani-paniwalang ordinaryo at normal. At sa gayon, dahil ang mga salita at gawain ng Panginoong Jesus ay hindi umaayon sa kanilang sariling mga pagkaunawa at haka-haka, hindi kinilala ng mga Fariseo na Siya ang Mesiyas, at malupit Siya nilang kinondena at nilabanan, at higit pa na ipinako Siya sa krus. Sa gayo’y nakagawa sila ng isang karumal-dumal na kasalanan at nasaktan ang disposisyon ng Diyos, at sa kalaunan ay isinumpa at pinarusahan ng Diyos. Makikita natin mula dito na nasa Diyos ang huling salita sa kung paano Siya talagang magpapakita at gagawa ng Kanyang gawain, at hindi Niya ginagawa ang Kanyang gawain ayon sa haka-haka ng tao. Samakatuwid, hindi tayo dapat humayo sa ating sariling mga pagkaunawa at haka-haka upang limitahan ang Diyos, na sinasabi na hindi Niya maaaring gawin ang Kanyang gawain sa Tsina. Kung ang lokasyon ng gawain ng Diyos sa mga huling araw ay umaayon sa ating mga sariling pagkaunawa o hindi, ang tanging matalinong bagay na dapat gawin ay ang piliin na magsaliksik at magpasailalim. Sabi ng Panginoong Jesus, “Magsihanap kayo, at kayo’y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y bubuksan” (Mateo 7:7). Hangga’t naghahanap tayo na may isang mapagpakumbabang puso, tiyak na gagabayan at liliwanagan tayo ng Diyos upang maunawaan at malaman natin ang Kanyang gawain.
Kaya’t bakit nagpakita at gumawa ang Panginoon sa Tsina nang Siya ay bumalik, at hindi sa Israel? Ang karunungan ng Diyos sa katunayan ay nasa likod ng Kanyang pagpili ng lugar upang gawin ang Kanyang gawain, at laging may katotohanan na makikita sa Kanyang pinili. Pagbabahaginan natin ngayon ang fellowship sa dalawang aspeto ng kahulugan sa likod ng pagpili ng Diyos na magpakita at gumawa sa Tsina sa mga huling araw.
Tungkol sa unang aspeto ng kahulugan sa likod ng pagpapakita at gawain ng Diyos sa Tsina, basahin muna natin ang isang sipi ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang gawain ni Jehova ay ang paglikha sa mundo, ito ang simula; ang yugto na ito ng gawain ang katapusan ng gawain, at ito ang konklusyon. Sa simula, isinagawa ang gawain ng Diyos sa mga napiling tao sa Israel, at ito ang simula ng isang bagong panahon sa pinakabanal sa lahat ng lugar. Ang huling yugto ng gawain ay isinasagawa sa pinakamarumi sa lahat ng bansa, upang hatulan ang mundo at ihatid ang kapanahunan sa isang katapusan. Sa unang yugto, ang gawain ng Diyos ay isinagawa sa pinakamaliwanag na lugar sa lahat, at ang huling yugto ay isinasagawa sa pinakamadilim na lugar sa lahat, at ang kadilimang ito ay itataboy, dadalhin ang liwanag, at ang lahat ng tao ay malulupig. Kapag ang mga tao nitong pinakamarumi at pinakamadilim sa lahat ng lugar ay nalupig na, at ang buong populasyon ay kinilala nang mayroong Diyos, na Siyang tunay na Diyos, at ang bawat tao ay lubusan nang nakumbinsi, ang katotohanang ito ay gagamitin upang isagawa ang gawain ng panlulupig sa buong sansinukob. Ang yugtong ito ng gawain ay mayroong sinasagisag: Kapag natapos na ang gawain sa kapanahunang ito, ang gawain ng anim na libong taon ng pamamahala ay darating sa isang ganap na katapusan. Sa oras na yaong mga nasa pinakamadilim sa lahat ng lugar ay nalupig na, tiyak na ganoon din ang mangyayari sa iba pang lugar. Sa gayon, tanging ang gawain ng panlulupig sa Tsina ang nagtataglay ng makabuluhang pagsagisag. Kinakatawan ng Tsina ang lahat ng puwersa ng kadiliman, at ang mga tao sa Tsina ay kumakatawan sa lahat ng mula sa laman, kay Satanas, at sa mga mula sa laman at dugo. Ang mga Tsino ang siyang pinakalubos na ginawang tiwali ng malaking pulang dragon, ang siyang may pinakamasidhing pagsalungat sa Diyos, na ang pagkatao ay pinakamasama at marumi, at kaya sila ang tipikal na halimbawa ng buong tiwaling sangkatauhan. Hindi ito nangangahulugan na ang ibang mga bansa ay walang anumang mga suliranin ni anuman; ang mga kuru-kuro ng tao ay magkakaparehong lahat, at bagama’t ang mga tao sa mga bansang ito ay maaaring mayroong mahusay na kakayahan, kung hindi nila nakikilala ang Diyos, tiyak na kinakalaban nila Siya. … Sa mga tao sa Tsina naipakikita nang pinakabuong-buo at nabubunyag sa iba’t ibang mga anyo nito ang katiwalian, karumihan, di-pagkamakatuwiran, pagtutol, at ang pagiging mapanghimagsik. Sa isang banda, sila ay may mahinang kakayahan, at sa kabilang banda, ang kanilang mga buhay at pag-iisip ay paurong, at ang kanilang mga gawi, kapaligirang panlipunan, pamilya ng kapanganakan—ang lahat ay kaawa-awa at pinakapaurong. Ang kanilang katayuan ay mababa rin. Ang gawain sa lugar na ito ay may sinasagisag, at matapos maisagawa ang gawaing pagsusuri na ito sa kabuuan nito, ang susunod na gawain ng Diyos ay magiging higit na madali. Kung matatapos ang hakbang na ito ng gawain, ang susunod na gawain ay matitiyak. Sa oras na matapos na ang hakbang na ito ng gawain, lubos nang nakamit ang malaking tagumpay, at ang gawain ng panlulupig sa buong sansinukob ay dumating na sa isang ganap na katapusan. Sa katunayan, kapag nagtagumpay na ang gawain sa inyo, ito ay magiging katumbas ng tagumpay sa buong sansinukob. Ito ang kahalagahan ng kung bakit pinakikilos Ko kayo bilang huwaran at uliran.”
Maaari nating maunawaan mula sa mga salita ng Diyos na ang lokasyon na pinipili ng Diyos para sa Kanyang gawain sa bawat yugto ay laging nakabatay sa mga pangangailangan ng gawain mismo—ang lokasyong pinipili Niya ay may kinatawan na kahalagahan at palaging ang pinakaangkop na pinili. Halimbawa, ang dahilan kung bakit gumawa ang Diyos sa Israel sa Kapanahunan ng Kautusan at Biyaya ay dahil ang dalawang nakaraang yugto ng gawain na ito ay upang gabayan ang tao sa kanyang buhay sa mundo at pagkatapos ay upang matubos ang sangkatauhan. Sa Kapanahunan ng Kautusan ginamit ng Diyos si Moises upang ipahayag ang Kanyang mga kautusan at atas upang malaman ng tao kung ano ang kasalanan, kung paano sambahin ang Diyos, at iba pa. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang nagkatawang-tao na Panginoong Jesus ay ipinako sa krus alang-alang sa tao, at tinubos Niya ang tao mula sa kasalanan upang ang mga tao ay makatakas mula sa pagkondena at sumpa ng mga batas at maging akma na lumapit sa harapan ng Diyos upang magkumpisal at magsisi. Ang dalawang yugto ng gawain na ito ay nagawa lamang upang malaman ng tao ang kanilang mga kasalanan at ikumpisal ang mga ito, at hindi ang pagbabago ng satanikong tiwaling disposisyon ng tao. Ang mga Israelita ay unang pinili ng Diyos; sila ang pinakakaunti na naging tiwali sa buong sangkatauhan at pinakamaagang mga tao na sumamba sa Diyos. Kaagad nilang tinanggap at nagpasailalim sa gawaing ginawa sa kanila ng Diyos, bago ito ikalat sa mga Gentil upang mas maraming tao ang makatanggap ng kaligtasan ng Diyos. Ito ay kapaki-pakinabang sa pagpapalawak ng gawaing pang-ebanghelyo, at sa gayon ito ay pinakaangkop at makabuluhan para sa Diyos na pinili na gampanan ang nakaraang dalawang yugto ng gawain sa Israel.
Bumabalik sa mga huling araw, gagawin ng Panginoon ang gawain ng panlulupig at pagperpekto sa tao. Nangangahulugan ito na ipinahahayag Niya ang Kanyang mga salita upang hatulan at ilantad ang lahat ng iba’t ibang mga satanikong tiwali na disposisyon ng sangkatauhan at ang ating kalikasan na lumalaban sa Diyos, at nililigtas Niya tayo mula sa mga gapos ng kasalanan nang minsanan at magpakailanman. Ginagawa Niya ito upang tayo ay malinis at maging mga taong sumusunod at sumasamba sa Diyos, at sa huli ay lubos Niyang talunin si Satanas at mailigtas ang buong sangkatauhan. Iyon ang dahilan kung bakit ginawa ng Diyos ang gawaing ito sa isang bansang tulad ng Israel, kung saan ang mga tao ay naniniwala at sumasamba sa Diyos, kung gayon hindi Niya makakamit ang nais na epekto. Sa pamamagitan lamang ng paggawa ng Kaniyang gawain sa pinaka-tiwali at pinaka-lumalaban sa Diyos na lugar, at sa pamamagitan ng panlulupig sa mga tao sa lugar na iyon—na katumbas ng panlulupig sa buong sangkatauhan—ay maaaring mapahiya at talunin si Satanas. Ito ang pinaka-kapani-paniwala na paraan upang magawa ng Diyos ang Kanyang gawain. Sa buong mundo, ang Tsina ang pinakamadilim, ang pinaka-paatras na bansa na lubos na tumatanggi na kilalanin ang pagkakaroon ng Diyos. Palaging itinataguyod ng Tsina ang ateismo, at gumamit ng pormal na edukasyon at ang impluwensya ng dakila at tanyag upang doktrinahan ang mga tao nito ng mga satanikong kamalian gaya ng “Kayang malupig ng tao ang kalikasan at kalabanin ang langit at lupa,” “Walang Tagapagligtas sa mundo,” “Nagmula sa mga unggoy ang tao,” “Ako ang sarili kong panginoon sa buong langit at lupa,” “Hayaang lumago ang mga sumusunod sa akin at mamatay ang mga tumututol sa akin,” at “Ang manalo ang lehitimo; ang mga talo ang laging nasa mali.” Ginagawa nito iyon upang ang mga tao ay hindi maniwala sa pagkakaroon ng Diyos mula sa pagkabata at hindi alam na dapat silang maniwala at sumamba sa Diyos. Sa kabaligtaran, naniniwala ang mga tao na kaya nilang mag-ukit ng magandang hinaharap gamit ang kanilang sariling mga kamay, at itinuturing nila ang katanyagan, kayamanan, katayuan, at pera bilang mga layunin na ipaglaban at pagsikapan sa buong buhay. Hindi humihinto ang mga tao para sa kapakanan ng kanilang sariling mga interes, nakikipaglaban sila sa isa’t isa at sinisikap na linlangin ang bawat isa sa mga panlalansi, at kahit na makipag-away sa bawat isa at gumanti laban sa kahit anumang maliit na bagay, at iba pa. Ang mamamayang Tsino ay naging hindi kapani-paniwalang mapagmataas, makasarili, mapanirang-puri, mapanlinlang, at masama, at sila ang pinaka-mapanghimagsik at mayroong pinakasukdulang disposisyon na lumalaban sa Diyos sa buong sangkatauhan. Bukod dito, mula nang manungkulan ito, tinatakan ng CCP ang Kristiyanismo at Katolisismo bilang “xie jiao,” at palaging galit na galit na inaaresto at inuusig ang mga Kristiyano. Napakaraming mga Kristiyano ang nawasak ang mga pamilya at inuusig hanggang sa mamatay, at walang kabuluhan sinusubukan ng CCP na ipagbawal ang gawain ng Diyos sa Tsina at maitaguyod ang Tsina bilang isang atheist zone. Malinaw na ang Tsina ay ang lugar kung saan ang mga tao ay ang pinakalabis na ginawang tiwali ni Satanas, at ang napakadilim at napakasama na pinakamalubhang kumakalaban sa Diyos. Yan ay kung bakit mas makabuluhan para sa Diyos na maging katawang-tao sa Tsina upang gawin ang Kanyang gawain ng paghatol, pagkastigo, panlulupig at pagperpekto sa tao. Sa Kanyang gawain sa mga huling araw, ang Diyos ay nagpapahayag ng Kanyang mga salita at ginagawa ang gawain ng paghatol, at ginagamit Niya ang Kanyang karunungan at kapangyarihan sa pugad ni Satanas upang lupigin at gumawa ng isang pangkat ng mga mananagumpay na may iisang pag-iisip sa Diyos. Ang mga taong ito na pinaka-mapanghimagsik at higit na kumakalaban sa Diyos ay ginagawa Niyang mga taong maaaring sumunod at sumamba sa Kanya, sa gayo’y makamit ang kaluwalhatian mula sa mga lubos na naging tiwali nang malalim. Ito ay ang bagay na labis na magsasanhi ng kahihiyan kay Satanas, at ito ay katibayan ng kabuuang tagumpay ng Diyos kay Satanas. Sa pamamagitan ng panlulupig sa mga tao sa Tsina na lubhang naging tiwali nang malalim, at gagawing mga modelo at halimbawa ng mga nakakakuha ng kaligtasan ng Diyos, ang mga tao ng mga bansa na sumasamba sa Diyos ay mas madaling lupigin, at sa gayon ang pagtatapos ng gawaing ito ay katumbas ng buong pagkumpleto ng gawain ng Diyos upang mailigtas ang buong sangkatauhan. Kung pinili ng Diyos na gumawa sa Israel sa mga huling araw, makukumbinsi ba si Satanas? Makakamit ba ang resulta na ito? Samakatuwid ito ay pinakaangkop para sa Diyos na gawin ang Kanyang gawain sa Tsina sa mga huling araw, at sa paggawa nito, ang karunungan at pagka-Diyos ng Diyos ay buong naipahayag.
Bukod sa aspetong ito, mayroon ding ibang aspeto ng kahulugan sa gawain ng Diyos sa Tsina sa mga huling araw. Basahin natin ang ilang mga talata ng mga salita ng Diyos, at pagkatapos ay mauunawaan natin. Sabi ng Diyos, “Kung dumating ang Tagapagligtas sa mga huling araw at Jesus pa rin ang tawag sa Kanya, at muli Siyang isinilang sa Judea at ginawa Niya ang Kanyang gawain doon, magpapatunay ito na nilikha Ko lamang ang mga tao ng Israel at tinubos lamang ang mga tao ng Israel, at na wala Akong kinalaman sa mga Gentil. Hindi kaya ito salungat sa Aking mga salita na “Ako ang Panginoon na lumikha ng mga kalangitan at ng lupa at ng lahat ng bagay”? Nilisan Ko ang Judea at ginagawa Ko ang Aking gawain sa mga Gentil dahil hindi lamang Ako Diyos ng mga tao ng Israel, kundi Diyos ng lahat ng nilalang. Nagpapakita Ako sa mga Gentil sa mga huling araw dahil hindi lamang Ako si Jehova, ang Diyos ng mga tao ng Israel, kundi, bukod diyan, dahil Ako ang Lumikha ng lahat ng hinirang Ko sa mga Gentil. Hindi Ko lamang nilikha ang Israel, Egipto, at Lebanon, kundi lahat ng bansang Gentil na lagpas pa ng Israel. Dahil dito, Ako ang Panginoon ng lahat ng nilalang. Ginamit Ko lamang ang Israel bilang panimulang punto para sa Aking gawain, kinasangkapan ang Judea at Galilea bilang matitibay na tanggulan ng Aking gawain ng pagtubos, at gayon ay ginagamit Ko ang mga bansang Gentil bilang himpilan na kung saan mula roon ay wawakasan Ko ang buong kapanahunan.”
“Ito ay upang sa huling kapanahunang ito, dadakilain ang Aking pangalan sa mga bansang Gentil, upang makita ng mga Gentil ang Aking mga gawa at tatawagin nila Akong ang Makapangyarihan sa lahat dahil sa Aking mga gawa, at upang ang Aking mga salita ay maaaring matupad sa lalong madaling panahon. Ipaaalam Ko sa lahat ng tao na hindi lamang Ako Diyos ng mga Israelita, kundi ang Diyos din ng lahat ng bansa ng mga Gentil, kahit na yaong Aking isinumpa. Hahayaan Kong makita ng lahat ng tao na Ako ang Diyos ng buong sangnilikha. Ito ang Aking pinakadakilang gawain, ang layunin ng Aking plano sa paggawa para sa mga huling araw, at ang tanging gawain na tutuparin sa mga huling araw.”
Makikita natin mula sa mga salita ng Diyos na ang Diyos ay gumagawa sa Tsina sa mga huling araw upang hindi natin siya limitahan, at upang itiwalag din ang ating mga sariling pagkaunawa at haka-haka. Dahil ang huling dalawang yugto ng gawain ng Diyos ay nagawa sa Israel, nililimitahan natin ang Diyos sa pagiging Diyos ng mga Israelita at gagawa lamang ng Kanyang gawain sa Israel. Kung ang Diyos ay magkatawang-tao sa mga huling araw upang gumawa muli sa Israel o sa Judea, kung gayon ay magiging sanhi ito sa mga tao upang limitahan ang Diyos nang higit na gumawa lamang sa Israel at maging Diyos ng mga Israelita, na walang kinalaman sa mga Gentil. Sa paggawa nito, malilimitahan natin ang Diyos sa mga hangganan ng Israel; ang Diyos ay walang lugar upang tumayo sa gitna ng mga Gentil, at walang makakikilala na ang Diyos ay Diyos ng lahat ng sangkatauhan, na Siya ang iisa, tunay na Diyos. Alam ng Diyos ang mga sariling pagkaunawa ng tao at sa gayon ay pipiliing gawin ang Kanyang gawain sa mga huling araw sa Tsina—ang bansang Gentil ng dakilang pulang dragon—at maglunsad doon ng isang bagong gawain. Sa paggawa nito, sinasalungat Niya ang mga sariling pagkaunawa ng tao at makikita natin na Siya ay hindi lamang Diyos ng mga Israelita, ngunit Siya rin ang Diyos ng lahat ng mga taong Gentil at ang Diyos ng lahat ng nilikha na nilalang. Pinapakita Niya sa atin na hindi Siya personal na pag-aari ng anumang isang bansa o bayan, at mayroon Siyang karapatang gawin ang gawaing nais Niyang gawin sa gitna ng anumang pangkat. Kung saan man gumawa ang Diyos, gayunpaman, ang Kanyang pagkakakilanlan at kakanyahan ay hindi nagbabago—palagi Siya ang Panginoon ng paglikha na dapat sambahin ng mga tao ng anumang bansa. Maaari nating makita mula dito na mayroong napakahusay na kahulugan sa likod ng pagpili ng Diyos upang gumawa sa Tsina, at ang Diyos ay napakatalino at makapangyarihan sa lahat!
Sa katunayan, gumagawa man ang Diyos sa Israel o bumalik sa mga huling araw upang magkatawang-tao at magpakita sa Tsina, ginagawa Niya lamang ito upang iligtas ang lahat ng sangkatauhan. Halos 30 taon na mula nang magpakita ang Makapangyarihang Diyos at sinimulan ang Kanyang gawain sa Tsina, at gumawa na Siya ng isang pangkat ng mga mananagumpay doon. Ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos at ang matagumpay na mga patotoo ng pinili ng Diyos sa Tsina ay nasa online na ngayon para sa lahat ng sangkatauhan upang saliksikin at siyasatin. Ang ebanghelyo ng kaharian ay kasalukuyang kumakalat nang malayo at malawakan sa lahat ng mga bansa sa buong mundo, at parami nang parami ang mga tao na nakakarinig ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at kinikilala ang mga ito na tinig ng Diyos, sunod-sunod na bumalik sa bahay ng Diyos. Talagang natutupad nito ang mga salitang ito mula sa Panginoong Jesus: “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin” (Juan 10:27). Kung nais nating maging matalinong dalaga na sumasalubong sa Panginoon, dapat nating bitawan ang ating mga sariling pagkaunawa at hanapin nang may bukas na puso, pagtuunan ng pansin ang tinig ng Diyos, at makatotohanang tingnan kung ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay tinig ng Diyos at ang katotohanan. Ito ang pinakatamang landas upang siyasatin ang tunay na daan. Kung, kahit na bago pa natin tingnan ito, ay nagpadala tayo sa ating mga sariling pagkaunawa at haka-haka upang magpasya na ang Panginoon ay hindi maaaring magpakita at gumawa sa Tsina sa Kanyang pagbalik, kung gayon malamang na mawawalan tayo ng ating pagkakataon na masalubong ang Panginoon pati na rin mawala ang kaligtasan ng Diyos sa mga huling araw. Tulad ng sinabi ng salita ng Diyos: “Pakawalan ninyo ang inyong mga pananaw tungkol sa ‘imposible’! Habang lalong naniniwala ang mga tao na imposible ang isang bagay, mas lalong maaari itong mangyari, sapagka’t ang karunungan ng Diyos ay mas mataas pa sa mga kalangitan, ang mga iniisip ng Diyos ay higit pa sa mga iniisip ng tao, at ang gawain ng Diyos ay lampas sa mga hangganan ng pag-iisip at mga kuru-kuro ng tao. Habang mas imposible ang isang bagay, lalong higit na mayroon itong katotohanang mahahanap; habang mas lampas sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao ang isang bagay, lalong higit na ito ay naglalaman ng kalooban ng Diyos. Ito ay dahil, kahit saan pa Niya ipinakikita ang Sarili Niya, ang Diyos ay nananatiling Diyos, at ang Kanyang diwa ay hindi kailanman magbabago dahil lamang sa lugar o paraan ng Kanyang pagpapakita. Ang disposisyon ng Diyos ay nananatiling pareho saanman naroon ang Kanyang mga yapak, at nasaan man ang mga yapak ng Diyos, Siya ay ang Diyos ng buong sangkatauhan, gaya ng ang Panginoong Jesus ay hindi lamang ang Diyos ng mga Israelita, kundi ang Diyos din ng lahat ng tao sa Asya, Europa, at Amerika, at higit pa rito ay ang nag-iisa at natatanging Diyos ng buong sansinukob. Kaya hanapin natin ang kalooban ng Diyos at tuklasin ang Kanyang pagpapakita mula sa Kanyang mga pagpapahayag, at sabayan ang Kanyang mga yapak! Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Ang Kanyang mga salita at ang Kanyang pagpapakita ay sabay na umiiral, at ang Kanyang disposisyon at mga yapak ay bukas sa sangkatauhan sa lahat ng sandali.”
Pansin ng Patnugot: Nagtitiwala kami na ang fellowship na ito ay naglinaw sa iyo nang usaping kung maaaring magpakita o gumawa ang Diyos sa Tsina, pati na rin ang kahulugan sa likod ng Kanyang pagpapakita at gawain sa Tsina. Kung nais mong malaman ang higit pa, mangyaring basahin Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao na ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, o makipag-ugnayan gamit ang online chat. Kami ay available anumang oras upang sagutin ang anumang mga katanungan na maaaring mayroon ka.