Read more!
Read more!

Bible Verse of the Day Tagalog - Paliwanag sa Mateo 27:53

Bible Verse of the Day Tagalog

At paglabas sa mga libingan pagkatapos na siya'y mabuhay na maguli ay nagsipasok sila sa bayang banal at nangapakita sa marami.

Malapit na ang Pasko ng Pagkabuhay. Pagkatapos basahin ang talatang ito, alalahanin natin ang nakaraan: Ang Panginoong Jesus ay nagkatawang-tao at naparito sa lupa upang gawin ang gawain ng pagtubos. Siya ay ipinako sa krus, naging handog para sa kasalanan ng sangkatauhan. Hangga't tayo ay nananalangin sa pangalan ng Panginoong Jesus, at nangungumpisal at nagsisisi sa Panginoon, ang ating mga kasalanan ay mapapatawad at matatamasa natin ang saganang biyaya ng Diyos. Makatuwiran na natapos na ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos pagkatapos na Siya ay ipako sa krus. Kaya bakit Siya muling nabuhay at nagpakita sa mga tao sa loob ng 40 araw? Ano ang kahalagahan ng paggawa nito ng Panginoong Jesus? Ang mga salita ng Diyos ay ibinunyag ang misteryong ito.

Sabi ng Diyos, “Ang unang bagay na ginawa ng Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang pagkabuhay na mag-uli ay tulutan ang lahat na makita Siya, na matiyak na umiiral Siya, at na matiyak ang katotohanan ng Kanyang pagkabuhay na mag-uli. Bukod pa rito, pinanumbalik ng pagkilos na ito ang Kanyang kaugnayan sa mga tao na tulad noong gumagawa pa Siya sa katawang-tao, noong Siya pa ang Cristo na nakikita at nahahawakan nila. Isang kinalabasan nito ay na walang pagdududa o anupaman ang mga tao na nabuhay na mag-uli ang Panginoong Jesus mula sa kamatayan pagkatapos na maipako sa krus, at wala rin silang pagdududa sa gawain ng Panginoong Jesus na tubusin ang sangkatauhan. Isa pang kinalabasan ay na ang katotohanan ng pagpapakita ng Panginoong Jesus sa mga tao pagkatapos ng Kanyang pagkabuhay na mag-uli at ang pagpapahintulot sa mga tao na makita at mahawakan Siya ay mahigpit na nagpatatag sa sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya, tinitiyak na, mula sa panahong ito, hindi na babalik ang mga tao sa nakaraang Kapanahunan ng Kautusan dahil sa ipinagpalagay na batayang ‘naglaho’ ang Panginoong Jesus o na Siya ay ‘lumisan nang walang pasabi.’ Sa gayon ay tiniyak Niyang magpapatuloy silang pasulong, na sinusunod ang mga turo ng Panginoong Jesus at ang gawain na Kanyang ginawa. Kaya, isang bagong yugto sa gawain sa Kapanahunan ng Biyaya ang pormal na nabuksan, at mula sa sandaling iyon, ang mga taong matagal nang namumuhay sa ilalim ng kautusan ay pormal nang lumabas mula sa kautusan at pumasok sa isang bagong kapanahunan, sa isang bagong pasimula. Ito ang sari-saring mga kahulugan ng pagpapakita ng Panginoong Jesus sa sangkatauhan pagkatapos ng pagkabuhay na mag-uli.

Mula sa mga salita ng Diyos, makikita natin ang malaking kahalagahan ng pagpapakita ng Panginoong Jesus sa mga tao pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay. Alam ng Diyos ang paghihirap ng tao. Habang sumusunod sa Panginoong Jesus, maraming tao ang umamin na ang Panginoong Jesus ay Cristo ngunit nanatili silang nag-aalinlangan na ang Panginoong Jesus ay ang Diyos Mismo at maaaring bumangon mula sa mga patay. Si Tomas ay isang tipikal na halimbawa. Hanggang sa nagpakita ang Panginoon at hiniling kay Tomas na hipuin ang sugat sa Kanyang tagiliran at ang mga bakas ng pako sa Kanyang kamay ay napawi ni Tomas ang kanyang pagdududa tungkol sa Diyos. Samakatuwid, sa pamamagitan ng Kanyang muling pagkabuhay at pagpapakita sa tao, tunay na napaniwala ng Panginoong Jesus ang lahat ng Kanyang mga tagasunod na Siya ay Diyos sa katawang-tao at ang Panginoon na lumikha ng langit, lupa, at lahat ng bagay. Bukod pa rito, ganap Niyang binuksan ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, at pinangunahan ang tao na lumabas mula sa batas at pumasok sa bagong kapanahunan, na nagpapatibay sa pananampalataya ng mga mananampalataya. Samakatuwid, nagsimula silang magpatotoo sa Panginoong Jesus at mangaral ng ebanghelyo, ipinalaganap ang katotohanan na ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan sa buong sansinukob at hanggang sa dulo ng mundo.

Share