“Ikaw ba si Weiwei?”
“Jingyi?”
“Oh, Weiwei! Ang dati kong kapitbahay! Anong sorpresang ito na magkita tayo! Hindi tayo nagkita ng mga taon at nagkatagpo tayong muli dito pa sa ibang bansa. Talagang ito ay pagsasaayos ng Panginoon!”
“Oo nga! Salamat sa Panginoon!”
…
Ang pangalan ko ay Weiwei, at sa katapusan ng 2016 mag-isa akong dumating sa dayuhang bansa—Amerika—para magtrabaho. Ako ay isang Kristiyano, at kaya ang iglesia ang natural na naging tanging lugar kung saan ako komportable. Ngunit bigo akong makitang ang mga sermon ng pastor ay alinman tungkol lamang sa mga teorya sa teolohiya, o kung hindi man nagsalita siya ng tungkol sa pagpapakasasa ng sarili sa pagkain, pag-inom, at pagsasaya, at nagtakda pa ng partikular na halaga para sa aming donasyon. Pakiramdam ko na ang buhay ko ay hindi natustusan, at naramdaman ko ang malaking pag-aalipusta sa mga pamamaraang ito, at kaya’t sa paglipas ng panahon humantong ako sa padalang na padalang na pagpunta sa iglesia. Pagkaraang nagkita kami ni Jingyi, nalaman kong si Sister Jiang Ling mula sa aming nayon ay naninirahan din sa parehong lungsod ng sa amin, at ang kanyang tahanan ay isang pook ng pagpupulong. Masaya akong marinig ito, kaya’t magmula noon, dumalo ako ng mga pulong kasama si Jingyi sa bahay ni Jiang Ling.
Sa isang pulong, sinabi ni Jiang Ling sa akin nang taimtim: “Alam mo ba, Weiwei, na ang Panginoong Jesus ay naging tao at nagbalik na, at nagpapahayag ng Kanyang mga salita at ginagawa ang Kanyang gawain ng paghatol simula sa pamilya ng Diyos?”
Nabigla ako sa sinabi ni Jiang Ling, at sinabi ko, “Ang Panginoon ay naging tao at nagbalik na? Hindi maaari ito! Malinaw ang mga propesiya sa Biblia tungkol sa pagbabalik ng Panginoon: ‘Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo'y nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit’ (Mga Gawa 1:11). Pagkarang nabuhay na mag-uli ang Panginoong Jesus, ang Kanyang nananaig na Espiritu ay lumisan sa isang puting ulap. Kaya kapag bumalik ang Panginoon sa mga huling araw, tiyak na darating Siya sa Kanyang espirituwal na katawan. Paano magiging posible na ang Panginoon ay magkatawang-tao na muli?”
Ngumingiti, sinabi ni Jingyi, “Weiwei, hayaan akong basahin sa iyo ang mga salita ng Diyos. Sinasabi ng Diyos: ‘Isantabi ang inyong pananaw na “imposible”! Habang lalong naniniwala ang mga tao na imposible ang isang bagay, mas lalong maaari itong mangyari, sapagkat ang katalinuhan ng Diyos ay mas mataas pa sa mga kalangitan, ang naiisip ng Diyos ay higit pa sa mga naiisip ng tao, at ang gawain ng Diyos ay lampas pa sa kakayanan ng pag-iisip at pagkaintindi ng tao. Kapag ang isang bagay ay imposible, lalong higit na dapat hanapin ang katotohanan; kapag ang isang bagay ay lampas sa pagkaintindi at imahinasyon ng tao, lalong higit na ito ay naglalaman ng kalooban ng Diyos.’ Ang Diyos ay napaka-makapangyarihan sa lahat at marunong, at ang Kanyang pag-iisip ay lampas pa sa pag-iisip ng tao. Nagawa na tayong tiwali ni Satanas at ang ating pag-unawa sa Diyos ay puno ng mga pagkaunawa at imahinasyon, at wala tayong kakayahan na pasukin nang tuwiran ang espirituwal na mundo, kaya paano malalagyan ng hangganan ang mga pagkilos ng Diyos sa ganito o sa ganoon? Higit pa, ang mga propesiya sa Biblia ay naglalaman ng karunungan ng Diyos at mga misteryo, at hindi maaaring maging kasing-simple gaya ng ating iniisip, at lalo pang malamang na matutupad ayon sa literal na kahulugan ng mga salita. Halimbawa, mayroong maraming propesiya sa Lumang Tipan patungkol sa pagbabalik ng Mesiyas. Ang mga imahinasyon ng mga tao nagiging magulo kapag nabasa nila ang mga salitang ito: ‘Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan. Ang paglago ng kaniyang pamamahala at ng kapayapaan ay hindi magkakaroon ng wakas, sa luklukan ni David, at sa kaniyang kaharian, upang itatag, at upang alalayan ng kahatulan at ng katuwiran mula ngayon hanggang sa magpakailan man. Isasagawa ito ng sikap ng Panginoon ng mga hukbo’ (Isaias 9:6–7). Kapag binasa ito, naniwala sila na ang Mesiyas na dumarating sa kapangyarihan ay ang Anak ng Amang nasa langit, na dapat Siyang maisilang sa isang palasyo, at Siya ay magiging nakahihigit, pambihira at kahanga-hanga ang katalinuhan, at kung paano Siya inisip nila ay humantong sa pagiging magkasalungat sa mga katotohanan. Ang Panginoong Jesus ay isinilang sa isang sabsaban sa isang ordinaryo, normal na katawan, at kung gayon ang mga tao sa panahong iyon ay hindi lamang sa hindi Siya tinanggap, ngunit isinumpa at tinanggihan Siya rin nila, at ipinako Siya sa krus, at sa huli nagdusa sila ng sakit ng pagkalupig ng buong bansa. Hindi ba ito nagsisilbi bilang aral para sa kabiguan ng pananampalataya ng isang tao na nagmumula sa pagpapaliwanag ng Biblia sa isang literal na paraan? Maaari bang ang ganitong limitadong pag-unawa tulad ng mayroon tayo ngayon ang maging aktwal na mga katunayan ng mga gawain ng Diyos kapag bumalik Siya? Kung gayon, hindi natin maaaring lagyan ng hangganan ang gawain ng Diyos sa pamamagitan ng ating sariling mga imahinasyon at pagkaunawa, ngunit sa halip ay sa pamamagitan lamang ng pagsisiyasat nang may naghahanap na puso na liliwanagan tayo ng Diyos upang maunawaan ang tunay na kahulugan ng mga kasulatan.”
Pagkaraang marinig si Jingyi, naisip ko na ang nasabi niya ay tila makatwiran. Ang pagdating ng Panginoon ay isang malaking bagay, at kailangan nating masiyasat ito nang mabuti. Sinabi ko, “Kaya mayroon bang anumang batayan sa Biblia sa sinasabi mo tungkol sa pagiging tao ng Panginoon kapag bumalik Siya?”
Sinabi ni Jiang Ling, na ngumingiti, “Maraming bersikulo sa kasulatan sa Biblia kung saan may propesiya na darating ang Panginoon sa katawang-tao, gaya ng: ‘Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka't sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating’ (Lucas 12:40). ‘Sapagka't gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa't kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito’ (Lucas 17:24-25). ‘Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya’ (Mateo 25:6). at iba pa. Ang ‘Anak ng tao’ at ang ‘lalaking ikakasal’ na binanggit sa mga bersikulong ito ay tumutukoy lahat sa Diyos na nagkatawang-tao. Ang ‘Anak ng tao’ ay tumutukoy sa isang tao na isinilang ng tao, at mayroong isang normal na pagkatao. Kapag tinukoy itong ‘Espiritu,’ kung gayon hindi ito masasabing ‘Anak ng tao.’ Halimbawa, si Jehova ay ang Espiritu, at kaya hindi matatawag na ‘Anak ng tao’; ang mga anghel ay mga nilalang na espiritu, at kaya hindi matatawag na ‘Anak ng tao; na may lahat ng imahe ng tao, at gayunman ay isang nilalang na espiritu, na hindi matatawag na ang ‘Anak ng tao.’ Ang nagkatawang-taong Panginoong Jesus ay tinatawag na ang Anak ng tao, at Cristo, dahil Siya ay ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos, at Siya ay naging ordinaryo, normal na tao at nanahan sa piling ng tao. Ito ang tiyak dahil ang Diyos sa katawang-tao ay napaka-ordinaryo at ang mga normal na tao ay hindi naniwalang ang Panginoong Jesus ay Diyos, at sinabi nilang anak lamang Siya ng isang karpentero. Kung kaya, kinutya nila at siniraan Siya, isinumpa at tinanggihan Siya, at sa huli Siya ay ipinako nila sa krus. Samakatuwid, ang ‘pagdating ng Anak ng tao’ at ‘ang Anak ng tao ay darating’ na binanggit ng Panginoong Jesus, ay nangangahulugang ang Panginoon ay darating sa katawang-tao kapag bumalik Siya sa mga huling araw. Kung ang isang nananaig na Espiritu ay bumaba sa isang puting ulap, kung gayon lahat ng tao ay magpapatirapa sa kanilang sarili sa pagsamba, dahil sino ba ang mangangahas na sumuway o sumumpa sa Kanya pagkatapos? At ang propesiya ng Panginoon, ‘Datapuwa't kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito’ ay hindi maaaring mangyari kung gayon.”
Habang pinakinggan kong nagsasalita si Jiang Ling, nababasa ko sa mga bersikulong ito ng Kasulatan, at ang puso ko ay sumang-ayon sa kanyang mga pananaw. Nagpatuloy si Jiang Ling, na sinasabi, “Sa mga huling araw, ayon sa mga pangangailangan ng tao, ang Diyos ay nagiging tao upang magpahayag ng Kanyang mga salita, gawin ang Kanyang gawain ng paghatol simula sa pamilya ng Diyos, magbunyag ng katiwalian at paghihimagsik ng tao sa Kanyang mga salita, humatol ng satanikong kalikasan ng tao na sumusuway sa Diyos, at sa huli lilinisin Niya ang tao, ililigtas ang tao at gagawing perpekto ang tao. Kung hindi siya dumating sa katawang-tao, hindi magiging posibleng makamit ang resultang ito. Basahin natin ang isang sipi ng mga salita ng Diyos.”
Kinuha ko ang aklat ng mga salita ng Diyos na inabot sa akin ni Jiang Ling, at taimtim na binasa: “Ang pagliligtas ng Diyos sa tao ay hindi direktang ginawa sa pamamagitan ng paraan ng Espiritu o bilang Espiritu, sapagka’t ang Kanyang Espiritu ay hindi maaaring mahawakan o makita ng tao, at hindi maaaring malapitan ng tao. Kung sinubukan Niyang direktang iligtas ang tao sa paraan ng Espiritu, hindi makakaya ng tao na tanggapin ang Kanyang pagliligtas. At kung hindi dahil sa Diyos na nagsuot ng panlabas na anyo ng isang nilalang na tao, hindi nila makakayang tanggapin ang kaligtasang ito. Sapagka’t walang paraan ang tao upang makalapit sa Kanya, katulad ng walang maaaring makalapit sa ulap ni Jehova. Tanging sa pamamagitan ng pagiging isang tao ng paglikha, iyan ay, ang paglalagay ng Kanyang salita sa Kanyang magiging laman, at saka lamang Niya personal na magagawa ang salita tungo sa lahat ng sumusunod sa Kanya. Saka lamang maaaring marinig ng tao para sa kanya mismo ang Kanyang salita, makita ang Kanyang salita, at matanggap ang Kanyang salita, at sa gayon sa pamamagitan nito ay lubusang mailigtas. Kung ang Diyos ay hindi naging laman, walang makalamang tao ang makakatanggap ng gayong dakilang kaligtasan, at wala rin kahit isang tao ang maliligtas. Kung ang Espiritu ng Diyos ay gumawa nang direkta sa tao, ang tao ay masasaktan o ganap na mabibihag ni Satanas dahil hindi kaya ng tao na makisama sa Diyos.” “Ang tao ay ginawang tiwali ni Satanas, at siya ang pinakamataas sa lahat ng mga nilalang ng Diyos, kaya ang tao ay nangangailangan ng kaligtasan ng Diyos. Ang pakay ng kaligtasan ng Diyos ay ang tao, hindi si Satanas, at ang maliligtas ay ang katawan ng tao, at ang kaluluwa ng tao, at hindi ang demonyo. Si Satanas ang layon ng paglipol ng Diyos, ang tao ay ang layon ng kaligtasan ng Diyos, at ang katawan ng tao ay ginawang tiwali ni Satanas, kaya ang unang ililigtas dapat ay ang katawan ng tao. Ang laman ng tao ay pinakamatinding ginawang tiwali, at ito ay naging isang bagay na lumalaban sa Diyos, na siyang lantarang sumasalungat at tinatanggihan ang pag-iral ng Diyos. Ang tiwaling laman-tao na ito ay talagang masyadong hindi mapaamo, at walang mas mahirap na pakitunguhan o baguhin kaysa sa tiwaling disposisyon ng laman. Pumasok si Satanas sa katawan ng tao upang lumikha ng gulo, at ginagamit ang laman ng tao upang abalahin ang gawain ng Diyos, at pahinain ang plano ng Diyos, at sa gayon ang tao ay naging si Satanas, at ang kaaway ng Diyos. Upang mailigtas ang tao, dapat muna siyang lupigin. Ito ang dahilan kung bakit humaharap ang Diyos sa hamon at pumasok sa katawang-tao upang gawin ang gawain na balak Niyang gawin, at labanan si Satanas. Ang Kanyang layunin ay ang kaligtasan ng sangkatauhan, na naging tiwali, at ang pagkatalo at pagkalipol ni Satanas, na naghihimagsik laban sa Kanya. Natatalo Niya si Satanas sa pamamagitan ng Kanyang gawaing panlulupig sa tao, at kasabay na inililigtas ang tiwaling sangkatauhan. Kung kaya, malulutas ng Diyos ang dalawang problema kaagad.”
Nagbigay ng pagbabahagi si Jiang Ling, na sinasabi, “Nagagawa nating sapat na maunawaan mula sa mga salita ng Diyos ang dahilang nagiging tao ang Diyos ay lahat dahil sa ating mga pangangailangan bilang tiwaling sangkatauhan, at sapagkat, kahit na natubos na tayo ng Panginoong Jesus at ang ating mga kasalanan ay napatawad na, ang ating mga makasalanang kalikasan ay nananatili at nagkaka-ugat pa rin sa loob natin, at wala lang tayong lakas na mapagtagumpayan ang kasalanan at palayain ang ating mga sarili mula sa ating laman. Ang ating laman ay nagawang tiwali ni Satanas, at ginagamit ni Satanas ang ating laman upang gambalain at sirain ang gawain ng Diyos, at kaya nagiging mga Satanas din tayo at nagiging mga kaaway tayo ng Diyos. Kung damating ang Diyos upang gumawa nang tuwiran sa pamamagitan ng Espiritu, papatayin Niya tayong lahat para sa ating karumihan at katiwalian; walang isa man taong mabubuhay, lalo pa ang magkamit ng kaligtasan. Tulad ng nakatala sa Lumang Tipan, nang pinamunuan ni David ang mga Israelita mula sa Baale sa Juda at dinala pabalik ang Kaban ng Tipan ng Diyos, dahil natisod ang baka, natumba si Uzza at inunat ang kanyang kamay at nahawakan ang Kaban, at pinatay ng Espiritu ng Diyos. ‘Ang Kaban ng Tipan’ na kumatawan sa Diyos nang panahong iyon; Ang Diyos ay banal, kaya paanong mahahawakan ng isang maruming tao ang Kaban? Bagaman si Uzza ay may magandang puso, nagkasala siya sa Diyos at kaya’t namatay. Samantala, nakatala sa Bagong Tipan na ang isang walang delikadesang babaeng may-asawa ay pinigil at dinala sa harap ng Panginoon; ngunit sa panahong iyon, hindi lamang sa hindi siya isinumpa ng Panginoon dahil sa kanyang mga kasalanan, ngunit sila ay pinatawad Niya, at sinabi sa babae na magkumpisal at magsisi, at huwag nang magkasala pang muli. Makikita natin sa dalawang halimbawang ito, sa Kapanahunan ng Kautusan, na ang Diyos ay gumawa sa Espiritu, at ang Espiritu ay hindi pahihintulutan ang maruming sangkatauhan upang umiral, ni hindi Niya papayagan ang tao na magkasala sa Kanya—anumang pagkakasala ay nangangahulugan ng kamatayan; sa Kapanahunan ng Biyaya, gayon pa man, ang Diyos ay gumawa nang naiiba sa katawang-tao. Nagawa Niyang gumamit ng naiibang pamamaraan sa mga tao, depende sa kanilang aktwal na mga kalagayan at sa tunay na konteksto ng kanilang mga sitwasyon. Ang ibig sabihin, na ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagawang magpamalas ng pag-unawa sa mga kahinaan ng tao, kaya’t magkakaroon sila ng pagkakataong magsisi. Samakatuwid, ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay higit pang kapaki-pakinabang sa tiwaling sangkatauhan kaysa sa tuwirang gawain ng Espiritu ng Diyos. Gayundin, ang ating mga kasalanan ngayon ay matagal nang nalampasan ang mga tao na iyon sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan, at nalampasan na nila ang mga tao ng Sodoma; ang kawalang delikadesa, kasamaan at paghihimagsik laban sa Diyos ay lahat nakaabot na sa kasukdulan nito. Dalhin kami mga kapatid na lalaki at babae sa Panginoon, halimbawa: Bagaman natubos na tayo ng Panginoong Jesus, dahil ang ating mga makasalanang kalikasan ay nagkakaugat pa rin sa loob natin, namumuhay pa tayo ng mga buhay kung saan nagkakasala tayo sa araw at nagkukumpisal sa gabi. Ang ilang tao ay humaharap sa labas na mapagkumbaba at matiisin, ngunit sa katunayan sila ay nagpapakana at nagbabalak laban sa isa’t isa, nagsasanhi ng mga naninibughong pagtatalo at sinusubukang paglalangan at dayain ang isa’t isa. May maraming kapatid na lalaki at babae na negatibo at mahina, at ang kanilang pananampalataya at awa ay pinahina nang paunti-unti. Isipin ito: Dahil naging tiwali sa paraang ito, kung ginamit ng Diyos ang Kanyang Espiritu para tuwirang gawin ang Kanyang gawain ng paghatol at paglilinis sa mga huling araw, hindi ba dapat nawasak na tayo nang matagal na panahon? Samakatuwid, ang Diyos ay dumating na namang muli sa katawang-tao upang gumawa sa gitna natin ayon sa pangangailangan ng tiwaling sangkatauhan at ayon sa antas kung saan naging tiwali na ang tao. Dahil sa pamamagitan lamang ng pagiging tao ng Diyos para gawin ang Kanyang gawain ay maaaring ipamalas Niya ang pag-unawa sa ating mga kahinaan, mabigyan tayo ng isang pagkakataong magsisi at magawa nating lubos na maligtas.”
Sa pakikinig sa pagbabahagi ni Jiang Ling sa ganitong paraan, labis akong naantig—bawat gawain ng Diyos at naglalaman ng Kanyang pag-ibig. Sinabi ko, “Nauunawaan ko na ngayon na ang mga pakinabang sa sangkatauhan ng pagiging tao ng Diyos upang gawin ang Kanyang gawain ay talagang mas mabuti kaysa sa Kanya na gumagawa sa Espiritu. Hindi kinakailangang biglang patayin tayo ng Espiritu ng Diyos dahil napaka-tiwali natin.”
Sa sandaling iyon, masayang nangusap si Jingyi kay Jiang Ling, na sinasabi, “Nauunawaan ni Weiwei! Salamat sa Diyos!”
Masayang sinabi rin ni Jiang Ling, “Tama iyan. Weiwei, may isa pang kabuluhan sa pagiging tao ng Diyos. Basahin natin ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos.”
Binasa ko, “Ang masamang disposisyon ng tao at ang kanyang paghihimagsik at paglaban ay nalalantad kapag nakikita niya si Cristo, at ang paghihimagsik at paglaban na nalantad sa sandaling ito ay higit na lubusan at ganap na nalantad kaysa sa anumang iba pa. Ito ay dahil si Cristo ay ang Anak ng tao—isang Anak ng tao na nag-aangkin ng karaniwang pagkatao—kaya hindi Siya pinararangalan ni iginagalang ng tao. Ito ay dahil ang Diyos ay nananahan sa katawang-tao kaya ang paghihimagsik ng tao ay nadadala sa liwanag nang lubusan at sa gayong ka-detalye na napakalinaw. Kaya Aking sinasabi na nahuhukay ng pagdating ni Cristo ang lahat ng paghihimagsik ng sangkatauhan at naisusuong ang kalikasan ng sangkatauhan tungo sa mabisang lunas. Ito ay tinatawag na ‘pag-akit sa tigre pababa sa bundok’ at ‘pag-akit sa lobo palabas sa yungib nito.’”
Sa pagninilay nito, tahimik kong sinabi, “Pag-akit sa tigre pababa sa bundok’ at ‘pag-akit sa lobo palabas sa yungib nito?”
Tumatawa, sinabi ni Jiang Ling, “Ang mga salitang ito ay nagbibigay ng napakalinaw na imahe! Ang Diyos Mismo ay pumarito sa mundo sa isang ordinaryo, normal na katawan, at dahil hindi natin kilala ang Diyos, natural na ipinapahayag natin ang maraming pagkaunawa at mga imahinasyon, pati na ang paghihimagsik at pagsuway. Kung darating ang Diyos sa mga huling araw sa isang dakila, nananaig na Espiritu upang gawin ang Kanyang gawain ng pagdadala sa katapusan ng kapanahunang ito, kung gayon ang bawat isa ay luluhod sa lupa at magpapatirapa sa kanilang mga sarili, dahil sino ba ang mangangahas na maghimagsik laban sa Kanya o sumuway sa Kanya kung gayon? Paano makikilala ang mabuti at masama? Samakatuwid, kung ginamit ng Diyos ang Kanyang Espiritu upang gawin ang ganitong gawain, hindi makakayang mailantad ang mga pagkaunawa, paghihimagsik at pagsuway ng mga tao. Tanging sa pamamagitan ng Diyos Mismo na dumarating sa mundo at kinukuha ang anyo ng isang ordinaryo, normal na katawan, naglalantad ng mga panloob na pagkaunawa, paghihimagsik at pagsuway ng tao at sa gayon hinahatulam at kinakastigo ang tao, ay magagawa Niya kung gayon na kumbinsihin ang mga tao sa puso at sa salita; yaong mga sumusunod at tumatanggap sa Kanya kung gayon ang magtatamo ng kaligtasan, at yaong mga naghihimagsik at sumusuway sa Kanya ang mapaparusahan. Tanging dahil ang Diyos na nagkatawang-tao ay normal at totoo at hindi nakikisang-ayon sa mga pagkaunawa ng mga tao ay maaaring mailantad ang kanilang paghihimagsik at pagsuway; kaya naman, ang Diyos ay sinasakop ang mga katotohanan, hinihiwalay ang mabuti mula sa masama, at sa wakas nakakamit ang Kanyang layunin ng paghihiwalay ng bawat isa sa kanilang sariling uri, at ng paggantimpala sa mabuti at pagparusa sa masama. Makikita natin kung gayon na ito ang karunungan ng gawain ng Diyos, at ang Kanyang pagkamakatuwiran. Kaya’t sa pamamagitan lamang ng pagiging tao ng Diyos at personal na pagganap ng Kanyang gawain ay maaaring mailantad ng Diyos ang mga tao nang ganap at mas lubusan, at makamit ang Kanyang layunin ng paglulupig ng tao; ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay mas kapaki-pakinabang sa gawain ng paghatol sa mga huling araw kaysa sa magiging gawain ng Espiritu.”
Sa sandaling iyon, nabuksan ang aking puso at mga mata, at tumatawa, na sinabi ko, “Nauunawaan ko na ngayon! Ang Diyos ay nagiging tao upang gawin ang Kanyang gawain dahil sa ating mga pangangailangan bilang tiwaling sangkatauhan, at tanging sa pamamagitan ng paraan ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay maaaring mailantad Niya ang paghihimagsik at pagsuway ng tao, at makamit sa ganyang paraan ang Kanyang layunin ng paggagantimpala sa mabuti at pagpaparusa sa masama. Salamat sa Diyos—lahat ng salitang ito ay isang misteryo na tanging ang Diyos ang makakapagbunyag. Naniniwala ako ngayon na talagang nagbalik na ang Diyos! Wow, ang pagdating ng Diyos ay ganoon kalaking bagay at wala talaga akong alam tungkol dito. Ang aking paniniwala sa Diyos ay masyadong mahina …”
Sinabi ni Jiang Ling, “Salamat sa Diyos na hindi pa masyadong huli para tanggapin ang Kanyang gawain!”
Masaya akong tumango.
Pagkaraan ng ilang panahong nakalipas, sa pamamagitan ng pagdalo sa mga pulong at panonood ng mga pelikula tungkol sa ebangheloyo, lubusan kong natiyak ang tungkol sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, tinanggap ko ang pagpapakita ng Panginoon at napuno ang puso ko ng kagalakan! Sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, lahat ng mga kapatid na lalaki at babae ay naghahangad ng katotohanan at nabubuhay sa mga salita ng Diyos, at sa malaking pamilyang ito ay nadama ko ang pag-ibig ng Diyos at ang init ng mapabilang sa isang pamilya. Ako ay labis na nagpapasalamat!
Inirerekomenda para sa iyo Mga Pelikula tungkol sa Ebangheloyo: