Bible Verse of the Day Tagalog
Mga Kaunawaan sa Talata Ngayong Araw…
Sinasabi sa atin ng talatang ito na anuman ang ating ginagawa, dapat tayong umasa sa ating pananampalataya sa halip na sa paningin. Gayunpaman, lagi nating tinitingnan ang "hindi pinaniniwalaan hangga‘t hindi nakikita" bilang isa sa ating mga prinsipyo ng pag-uugali. Ang gayong ideya ay hindi tama. Halimbawa, si Tomas ay isang taong may kaunting pananampalataya. Nakita lamang niya ang mga bagay sa paningin, hindi sa pamamagitan ng pananampalataya. Nang may nagsabi sa kanya na ang Panginoong Jesus ay muling nabuhay, hindi niya ito pinaniwalaan hanggang sa makita niya ang Panginoon gamit ang kanyang sariling mga mata. Nang magpakita sa kanya ang Panginoong Jesus at hiniling na hawakan ang Kanyang tadyang, siya ay napaluhod sa harap ng Panginoon at lubusang nahiya. Anong babala ang ibinibigay sa atin ng pagdududa at ng kaunting pananampalataya ni Tomas? Ang sabi ng Diyos, “Kung ano ang nangyari kay Tomas ay isang babala at isang babala para sa mga susunod na salinlahi nang upang mas maraming tao ang makakapagbabala sa kanilang mga sarili upang huwag maging mapagduda kagaya ni Tomas, at kung sila ay magkagayon, sila ay lulubog sa kadiliman. Kung ikaw ay sumusunod sa Diyos, ngunit gaya lamang ni Tomas, lagi mong nanaisin na mahipo ang tadyang ng Panginoon at madama ang Kanyang mga bakas ng pinagpakuan upang makatiyak, upang mapatunayan, upang manghula kung ang Diyos ba ay umiiral o hindi, pababayaan ka ng Diyos. Kaya, hinihiling ng Panginoong Jesus sa mga tao na huwag maging kagaya ni Tomas, pinaniniwalaan lamang kung ano ang kanilang makikita sa kanilang sariling mga mata, ngunit upang maging isang dalisay, tapat na tao, na huwag magkimkim ng mga pagdududa tungo sa Diyos, ngunit manampalataya lamang at sundin Siya. Ang ganitong uri ng tao ay pinagpala. Ito ay isang napakaliit na kahilingan na mayroon ang Panginoong Jesus para sa mga tao, at isang babala sa Kanyang mga tagasunod”(Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III).