Bible Verse of the Day Tagalog
Sa tuwing binabasa natin ang talatang ito, ang ating puso ay napupuno ng pasasalamat sa Tagapagligtas na si Jesus, at tayo ay naaantig ng Kanyang walang pag-iimbot na pagmamahal. Upang matubos tayo sa ating mga kasalanan, personal na nagkatawang-tao ang Panginoong Jesus at naparito sa lupa, tiniis ang lahat ng sakit, at sa huli ay ipinako sa krus upang pasanin ang ating mga kasalanan. Kaya, ang ating mga kasalanan ay pinatawad; hindi na tayo hinahatulan ng batas at isinumpa; kuwalipikado tayong lumapit sa Diyos at manalangin sa Kanya, tamasahin ang kapayapaan at kagalakan ng kapatawaran ng kasalanan at masaganang biyaya at pagpapala ng Diyos, at makita ang disposisyon ng Diyos ng awa at pagmamahal. Ito ang dakilang pag-ibig ng Diyos sa atin. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Kung wala ang pagtubos ni Jesus, nabuhay na sana ang sangkatauhan sa kasalanan magpakailanman at naging mga anak ng kasalanan, mga inapo ng mga demonyo. Kung nagpatuloy ito, naging lupain na sana ni Satanas ang buong mundo, ang lupaing tirahan nito. Gayunman, ang gawain ng pagtubos ay nangailangan ng pagpapakita ng awa at kagandahang-loob sa sangkatauhan; sa pamamagitan lamang nito maaaring tumanggap ng kapatawaran ang sangkatauhan at sa huli ay magkaroon ng karapatang magawang ganap at lubos na makamit ng Diyos. Kung wala ang yugtong ito ng gawain, hindi na sana sumulong ang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala. Kung hindi ipinako si Jesus sa krus, kung nagpagaling lamang Siya ng mga maysakit at nagpalayas ng mga demonyo, hindi sana lubusang mapapatawad ang mga tao sa kanilang mga kasalanan. Sa tatlo’t kalahating taon na ginugol ni Jesus sa paggawa ng Kanyang gawain sa lupa, natapos lamang Niya ang kalahati ng Kanyang gawain ng pagtubos; pagkatapos, sa pagpapapako sa Kanya sa krus at pagiging kawangis ng makasalanang laman, sa pagpapasa sa Kanya roon sa masamang isa, natapos Niya ang gawain ng pagpapapako sa krus at napangibabawan ang tadhana ng sangkatauhan. Pagkatapos na ibigay Siya sa mga kamay ni Satanas, saka lamang Niya natubos ang sangkatauhan. Sa loob ng tatlumpu’t tatlo at kalahating taon na nagdusa Siya sa lupa, tinuya, siniraang-puri, at tinalikuran, maging hanggang sa punto na wala Siyang mahimlayan ng Kanyang ulo, walang lugar na mapagpahingahan, at kalaunan ay ipinako Siya sa krus, pati na ang Kanyang buong pagkatao—isang banal at walang-salang katawan—ay ipinako sa krus. Tiniis Niya ang lahat ng klase ng pagdurusa. Tinuya Siya at nilatigo ng mga nasa kapangyarihan, at dinuraan pa Siya ng mga sundalo sa mukha; datapuwat Siya ay nanatiling tahimik at nagtiis hanggang wakas, na sumusunod nang walang pasubali hanggang kamatayan, pagkatapos niyon ay tinubos Niya ang buong sangkatauhan. Noon lamang Siya tinulutang makapagpahinga. Ang gawaing ginawa ni Jesus ay kumakatawan lamang sa Kapanahunan ng Biyaya; hindi ito kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan, ni hindi ito panghalili sa gawain ng mga huling araw. Ito ang diwa ng gawain ni Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, ang ikalawang kapanahunan na napagdaanan ng sangkatauhan—ang Kapanahunan ng Pagtubos.”
Ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos, pinasimulan ang Kapanahunan ng Biyaya, at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Dahil sa pagtubos ng Panginoon, tayo ay pinatawad sa ating mga kasalanan, ngunit tayo ay madalas pa ring nabubuhay sa kasalanan at hindi makatakas sa pagkaalipin sa kasalanan o nakamit ang pagdadalisay. Ito ay isang katotohanan. Kung gayon ay pag-isipan natin ito: Matapos gawin ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos, ganap na bang natapos ang gawain ng pagliligtas ng Diyos? Paano natin maititigil ang pagkakasala, makamit ang pagdadalisay, at makapasok sa kaharian ng langit?
Kung gusto mong makuha ang mga sagot sa mga tanong na ito, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng online chat window sa ibaba ng website. Mag-usap tayo online.