Banggitin ang “kaligtasan” at halos lahat ng tao ay iisipin na ang paniniwala sa Panginoon ay nagbibigay ng kaligtasan, at ibig sabihin nito ay pagkamit ng walang-hanggang kaligtasan ng Diyos dahil sabi sa Roma 10:10, “Sapagka’t ang tao’y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas.” Sa ating mga mata, sa pamamagitan ng paniniwala sa Panginoon sa ating mga puso at pagkilala sa Kanya sa ating mga salita, tayo ay napawalang-sala ng pananampalataya at nakamtan ang walang-hanggang kaligtasan, kaya kapag bumalik ang Panginoon, direktang dadalhin Niya tayo sa kaharian ng langit. Magiging tayo yaong mga nakatamo ng walang-hanggang kaligtasan mula sa Diyos. Gayunpaman, mayroong mga nagtaas ng ilang mga pagdududa tungkol dito; kahit na nailigtas tayo ng ating pananampalataya, nakakagawa pa rin tayo ng mga kasalanan, madalas na naiwawala ang ating mga pagpipigil, nakadarama ng paninibugho sa iba, at pagkakaroon ng masasamang kaisipan. Sinusunod din natin ang masasamang makamundong mga uso. Malinaw na sinabi ng Panginoong Jesus, “Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man” (Juan 8:34–35). Yaong mga madalas magkasala at mangumpisal ay lingkod pa rin ng kasalanan, at tiyak na hindi makakapasok sa kaharian ng langit. Kaya paano iyon mabibilang bilang pagtanggap ng walang-hanggang kaligtasan mula sa Diyos?
Nais naming magbahagi at tuklasin ang pinagtatalunang paksa na ito ngayon: Ang pagkamit ba ng kaligtasan mula sa Panginoong Jesus ay nangangahulugang pagkamit ng walang-hanggang kaligtasan mula sa Diyos? At paano tayo maaaring makakamit ng walang-hanggang kaligtasan ng Diyos?
Tayo ay mag-fellowship ng kaunti sa pinagmulan ng gawain ng Panginoong Jesus upang magbigay pansin sa kung ano ang mismong tinutukoy ng pagpapawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya. Alam ng lahat na sa pagtatapos ng Kapanahunan ng Kautusan, ang sangkatauhan ay naging mas malalim na nagawang tiwali ni Satanas; hindi nila nasunod ang batas at ang mga kautusan, at gumagawa ng maraming mga bagay na nakakasakit sa disposisyon ng Diyos. Sumasamba sila sa mga idolo, nakikiapid, at naghahandog pa ng mga sakripisyo tulad ng mga pilay o bulag na mga kalapati at tupa. Lahat ay nasa panganib na maparusahan at mapatay sa ilalim ng batas. Upang mailigtas ang sangkatauhan, ang Diyos ay personal na nagkatawang-tao bilang ang Panginoong Jesus batay sa mga pangangailangan ng sangkatauhan sa panahon na iyon, isinagawa ang hakbang ng gawain ng pagtubos, ipinahayag ang paraan ng pagsisisi, at nagbigay ng isang bagong direksyon na susundin para sa sangkatauhan. Itinuro Niya sa mga tao ang pagpaparaya at pagtitiis, mahalin ang kanilang mga kaaway, patawarin ang iba ng pitumpung beses na makapito, at higit pa. Pinagaling din ng Panginoong Jesus ang mga may sakit, nagpalayas ng mga demonyo, at nagsagawa ng lahat ng uri ng mga himala. Hangga’t ang isang tao ay tunay na nagkukumpisal ng kanilang mga kasalanan sa Panginoon, patatawarin ng Panginoong Jesus ang mga kasalanan na iyon sa Kanyang napakalawak na pagpapaubaya at pagtitiis. Sa huli, Siya ay ipinako sa krus bilang walang-hanggang handog para sa sangkatauhan, na kumuha ng mga kasalanan ng sangkatauhan at nakamit ang gawain ng pagtubos ng Kapanahunan ng Biyaya. Ito ang kaligtasan na ipinagkaloob ng Diyos sa tao sa Kapanahunan ng Biyaya. Sa pamamagitan ng pagtanggap ng kaligtasan ng Panginoong Jesus, naging kwalipikado tayong lumapit sa harap ng Diyos sa panalangin. Hangga’t kinikilala natin ang pangalan ng Panginoon, naniniwala sa Kanya sa ating mga puso, at nangungumpisal at nagsisisi sa Panginoon, ang mga kasalanan natin ay patatawarin. Magagawa nating masiyahan sa lahat ng kapayapaan at kagalakan na nagmumula sa Diyos—ito ang pagkamit ng kaligtasan ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya, at ito ang tunay na kahulugan ng pagpapawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya. Malinaw nating nakikita ang kaligtasan ng Panginoong Jesus ay ang kaligtasan ng pagpapatawad ng mga kasalanan, at ito ang nakamit sa pamamagitan ng ating paniniwala sa Panginoon. Hindi na tayo hinahatulan at malalagay sa kamatayan sa ilalim ng batas, ngunit hindi ito nangangahulugang ganap na tayong nakamit ng Diyos o nakamit ng walang-hanggang kaligtasan ng Diyos. Iyon ay sapagkat hindi tayo tinubos ng Panginoong Jesus sa ating mga satanikong kalikasan. Basahin natin ang ilang mga sipi ng mga salita ng Diyos upang makakuha ng higit na kalinawan dito.
Sabi ng Diyos, “Sa panahong iyon ang gawain ni Jesus ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan. Ang mga kasalanan ng lahat ng naniwala sa Kanya ay napatawad; hangga’t ikaw ay naniwala sa Kanya, ikaw ay Kanyang tutubusin; kung ikaw ay naniwala sa Kanya, hindi ka na isang makasalanan, ikaw ay pinawalang-sala sa iyong mga kasalanan. Ito ang kahulugan ng pagiging ligtas, at mapangatwiranan sa pamamagitan ng pananampalataya. Nguni’t sa yaong mga naniwala, mayroon pa ring nanatiling mga mapanghimagsik at sumalungat sa Diyos, at mga kailangan pang dahan-dahang alisin. Ang kaligtasan ay hindi nangahulugan na ang tao ay lubusang nakamit na ni Jesus, sa halip ang tao ay wala na sa kasalanan, na siya ay pinatawad na sa kanyang mga kasalanan: Kapag ikaw ay naniwala, hindi ka na kailanman nasa kasalanan pa.” “Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad sa pamamagitan ng Diyos na nagkatawang-tao, nguni’t hindi ito nangangahulugan na ang tao ay walang kasalanan sa kalooban niya. Ang mga kasalanan ng tao ay maaaring mapatawad sa pamamagitan ng handog para sa kasalanan, nguni’t hindi magagawang lutasin ng tao ang suliranin kung paano siya hindi na muling magkakasala at kung paanong ang kanyang makasalanang kalikasan ay ganap na maiwawaksi at mababago. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad dahil sa gawain ng pagpapapako sa krus ng Diyos, nguni’t ang tao ay patuloy na namuhay sa dating tiwaling maka-satanas na disposisyon. Dahil dito, ang tao ay dapat na ganap na mailigtas mula sa tiwaling maka-satanas na disposisyon upang ang makasalanang kalikasan ng tao ay maaaring ganap na maiwaksi at hindi na kailanman muling mabubuo, at sa gayon ay tinutulutang mabago ang disposisyon ng tao. Kakailanganin nito na maunawaan ng tao ang landas ng paglago sa buhay, ang landas ng buhay, at ang paraan upang baguhin ang kanyang disposisyon. Kakailanganin din na ang tao ay kumilos alinsunod sa landas na ito, nang sa gayon ang disposisyon ng tao ay unti-unting mababago at makakapamuhay siya sa ilalim ng pagsikat ng liwanag, at upang maaaring magawa niya ang lahat ng bagay ayon sa kalooban ng Diyos, iwaksi ang tiwaling maka-satanas na disposisyon, at lumaya mula sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas, at dahil dito ganap na makakalaya mula sa kasalanan. Doon lamang matatanggap ng tao ang ganap na kaligtasan.”
Malinaw na sinabi ng mga salita ng Diyos na ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan alinsunod sa mga pangangailangan ng sangkatauhan sa panahon na iyon. Ang ating mga kasalanan ay pinatawad sa pamamagitan ng ating pananalig sa Panginoon, at nagagawa nating lumapit sa harap ng Diyos upang manalangin at sumamba sa Kanya. Ito ay dahil lahat sa biyaya ng Diyos. Nangangahulugan ito na hindi na Niya binibilang ang ating mga kasalanan, ngunit hindi ito nangangahulugan na malaya na tayo sa kasalanan. Yamang hindi inalis ng Panginoon ang satanikong kalikasan na kinukubli natin sa loob natin—iyon ay, ang ating makasalanang, satanikong kalikasan o satanikong disposisyon na kumokontrol sa atin ay napakalalim pa rin na nakabaon—tayo ay madaling kapitan ng pagiging mapagmataas, katusuhan, pagkamakasarili, pagkasuklam, kasamaan, at kasakiman. Ang mga ganitong satanikong disposisyon ay mas malalim pa at mas mahigpit na nakaugat kaysa sa kasalanan. Habang kinokontrol tayo ng mga ganitong satanikong disposisyon, hindi pa rin natin maiwasang magawang magkasala at sumalungat sa Diyos. Halimbawa, maaari nating matuklasan na ang isang katrabaho ay gumawa ng isang bagay na hindi alinsunod sa kalooban ng Diyos at nais na ituro ito sa kanila, ngunit pinangungunahan ng ating satanikong disposisyon na pagiging tuso, natatakot tayo na sa pagtuturo ng isyu ay masugatan ang kapurihan ng ibang tao at makakaapekto sa ating kakayahang makitungo nang maayos sa kanila. At kaya sa karamihan ng oras, pinipili nating panatilihing bukas ang isang mata at sarado ang isang mata, na sa huli ay pumipinsala sa mga interes ng simbahan. Pareho lang ito sa bahay. Kapag ang ating mga anak ay tumutol sa kung ano ang ating itinakda, alam natin na dapat tayong magsanay ng pagpaparaya at pagtitiis tulad ng itinuro sa atin ng Panginoon, at pag-usapan ito nang maayos kasama nila. Sa halip, kontrolado tayo ng ating mapagmataas, mapagpahalaga sa sarili na satanikong disposisyon at nararamdaman na bilang mga magulang, maaari nating sabihin at gawin ang nais natin, at ang ating mga anak ay dapat lamang sumunod. Kung hindi, masasaktan nila ang ating dignidad bilang mga magulang, at sa gayon ay hindi natin maiwasang maiwala ang ating pasensya at pagagalitan ang ating mga anak. Kinokontrol din tayo ng ating makasarili, kasuklam-suklam na mga satanikong disposisyon, palaging iniisip ang ating pansariling interes. Kapag naramdaman nating naninindigan tayo upang makinabang mula sa ating pananampalataya at tatanggap ng pagpapala ng Diyos, masaya tayo at walang pagod na tinatahak ang mga lansangan upang ibahagi ang ebanghelyo, nagsasagawa tayo ng mga sakripisyo at ginugugol natin ang ating sarili. Ngunit sa sandaling nakatagpo tayo ng sakit, kamalasan, o ilang uri ng kasawian , sinisisi natin at hindi nauunawaan ang Diyos. Sinubukan din nating mangatuwiran sa Kanya, sumalungat sa Kanya, at pagsisihan ang lahat ng ating ginugol sa nakaraan. Nabubuhay tayo nang kabuuan sa pamamagitan ng ating mga tiwaling disposisyon at nahihirapang magsanay ng katotohanan. Kahit na mayroon tayong kaunting pasensya, pagpapaubaya, pagpapatawad, at pag-unawa sa iba, kahit na gumawa tayo ng ilang mga bagay para sa kapakinabangan ng iba, iyon ay panandaliang mabuting pag-uugali lamang. Sa sandaling may isang bagay na nakaantig sa ating mga personal na interes, ang ating satanikong kalikasan ay sumisiklab; nasasangkot tayo sa mga intriga at mga personal na pakikibaka; nagkakaroon tayo ng poot sa iba at nais pa nating maghiganti. Ito ang mga bagay na personal na nararanasan nating lahat. Patuloy tayong nagdarasal at marahil ay nag-aayuno pa, ngunit hindi lamang natin mapigilan ang ating sarili. Ipinapakita nito sa atin na ang ating mga kasalanan ay hindi lamang isang isyu ng panlabas na pag-uugali, ngunit ang ating kalikasan ay nagmula kay Satanas at ito ay malamang na lilitaw sa anumang oras, mangingibabaw sa ating mga salita at gawa, ginagawa tayong magkasala sa kabila ng ating sarili. Sabi ng Diyos, “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man” (Juan 8:34–35). “Magpakabanal nga kayo at kayo’y maging mga banal; sapagka’t ako’y banal” (Levitico 11:44). Makikita natin dito na ang Diyos ay banal, at kung ang ating satanikong kalikasan ay maiiwang hindi nalutas, kung hindi tayo malilinis sa mga lason ni Satanas, patuloy tayong madalas na magkakasala at lalabanan ang Diyos. Alam nating lahat na ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, at sa gayon, gaano man katagal tayong na naniniwala sa Panginoon, kung hindi malulutas ang ating makasalanang kalikasan, kung ang ating satanikong disposisyon ay hindi mababago, hindi tayo magiging isa sa mga tao ng kaharian ng langit. Haharapin natin ang napipintong panganib na maparusahan ng Diyos, na masila sa mga sakuna. Ang uri ng taong iyon ay talagang hindi makakakamit ng walang-hanggang kaligtasan mula sa Diyos.
Kaya kung gayon, paano natin makakamtan ang walang-hanggang kaligtasan ng Diyos? Ipinropesiya ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13). “At kung ang sinomang tao’y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47–48). At sabi sa 1 Pedro 4:17, “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios.” Alam ng Panginoong Jesus na ang mga yaong natubos pa lamang mula sa kautusan ay hindi makakakamit ng higit pa kaysa sa pagkukumpisal at pagsisisi sa pundasyon ng pagkilala ng kanilang kasalanan. Hindi nila makakaya ang anumang mas malalim na katotohanan tungkol sa kung paano makatakas mula sa kasalanan. Ang Panginoong Jesus ay maunawain sa kakulangan sa paggulang ng sangkatauhan, at kaya sa panahon na iyon hindi Siya nagpahayag ng mga katotohanan para makamit ng mga tao ang pagdadalisay. Sa halip, ipinropesiya niya na kailangan Niyang bumalik sa mga huling araw at gawin ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos, upang sabihin sa atin ang lahat ng mga katotohanan na kinakailangan upang madalisay at ganap na mailigtas ang sangkatauhan. Pinapayagan nitong malaman natin ang landas sa pagbabago sa disposisyon, alisin ang ating sarili sa ating pagka-makasalanan, at pinapayagan tayo na iwaksi ang ating satanikong, tiwaling disposisyon, at makamit ang kadalisayan at makamtan ang walang-hanggang kaligtasan. Tulad ng sinasabi sa Hebreo 9:28, “Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa’y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa kaniya.”
Ngayon, ang mga propesiya na ito ay nangatutupad na. Ang Panginoong Jesus ay bumalik upang lumakad sa gitna natin nang matagal na, at ipinapahayag Niya ang lahat ng mga katotohanan upang dalisayin at ganap na mailigtas ang sangkatauhan, sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos. Inilunsad niya ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos upang lubusang lutasin ang makasalanang kalikasan ng tao, na pinapayagan ang mga tao na malinis sa kanilang mga kasalanan. Ito ang walang-hanggang kaligtasan na ipinagkakaloob sa atin ng Diyos. Ngayon, tingnan natin ang ilang mga sipi ng mga salita ng Diyos upang masuri nang mas malalim kung paanong ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay maaaring linisin ang mga kasalanan ng tao at magdala sa kanila ng walang-hanggang kaligtasan.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sa mga huling araw, si Cristo ay gumagamit ng sari-saring katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat mabuhay nang normal ang tao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos.”
“Maraming paraan ang Diyos para maperpekto ang tao. Ginagamit Niya ang lahat ng uri ng sitwasyon para pakitunguhan ang tiwaling disposisyon ng tao, at gumagamit ng iba’t ibang bagay upang ilantad ang tao; sa isang bagay, pinakikitunguhan Niya ang tao, sa isa pa ay inilalantad Niya ang tao, at sa isa pa ay ibinubunyag Niya ang tao, hinuhukay at ibinubunyag ang ‘mga hiwaga’ sa kaibuturan ng puso ng tao, at ipinakikita sa tao ang kanyang kalikasan sa pamamagitan ng paghahayag sa marami sa kanyang mga kalagayan. Pineperpekto ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng maraming pamamaraan—sa pamamagitan ng paghahayag, pakikitungo, pagpipino, at pagkastigo sa tao—para malaman ng tao na ang Diyos ay praktikal.”
Makikita natin mula sa mga salita ng Diyos na sa mga huling araw, ang gawain ni Cristo na paghahatol at paglilinis sa sangkatauhan ay pangunahing ginagawa sa pamamagitan ng pagbigkas ng mga salita. Ang mga salita na ipinahayag ng Diyos sa mga huling araw ay nagtataglay ng iba’t ibang aspeto ng katotohanan. Halimbawa, inilalantad nito ang mga mga paghahayag ng mga taong nabubuhay sa pamamagitan ng mga satanikong disposisyon tulad ng pagmamataas, pagiging makasarili, at panlilinlang; kung paano makamit ng mga tao ang pagpapasakop at takot sa Diyos; ang tamang pananaw sa pananalig na dapat nating panghawakan bilang mga mananampalataya. Ang lahat ng mga salitang ito ay naghahayag ng matuwid na disposisyon ng Diyos, at sila ay pagpapahayag ng kung ano ang mayroon at ano ang Diyos. Para sa sangkatauhan, na nagawang tiwali ni Satanas, ang mga katotohanang ito sa loob at ng kanilang sarili ay isang malupit na paglalantad at isang matuwid na paghatol—kinokondena at sinusumpa nila ang sangkatauhan habang dinadalisay din sila. Tulad ng sabi ng Bibliya, “Sapagka’t ang salita ng Dios ay buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso” (Mga Hebreo 4:12). Dapat nating tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, at pagkatapos ay dumaan sa pagpungos, pakikitungo, pagsubok at pagpipino ng iba’t ibang mga tao, mga kaganapan, at mga bagay na itinakda ng Diyos. Ito ang tanging paraan upang makita natin ang ating sariling kapangitan, karumihan, at ang ating paghihimagsik at paglaban sa Diyos, pagkatapos ay magsisimula tayong mapoot sa ating sarili. Pagkatapos ay maaari nating magawa ang tunay na pagninilay sa sarili at pagsisisi habang nakikita rin ang disposisyon ng Diyos na hindi tinatanggap ang anumang pagkakasala, nagkakaroon ng mga puso na may paggalang sa Diyos, at maging handa na tanggapin ang paghatol, pagkastigo, pagsubok, at pagpipino; matatanggap natin ang katotohanan bilang sariling batas para sa ating pag-uugali. Unti-unti, ang ating tiwaling disposisyon na napakalalim na naka-ugat sa loob natin ay maaaring malinis, nang paunti-unti. Ito ay tulad ng isang baso na puno ng maruming tubig, at bilang ang katotohanan—ang malinis na tubig—ay patuloy na ibinubuhos sa baso na iyon, ang dumi ay nahugasan at napalitan. Bago mo malalaman ito, nalinis na ang baso, at ang naiwan sa loob nito ay ang kristal na malinaw, dalisay na tubig.
Kunin, bilang halimbawa, ang ating satanikong disposisyon ng pagmamataas na nangunguna sa atin. Sa ating mga buhay, nais natin na palaging magpamalas ng kapangyarihan at mayroon paghuling desisyon, at kahit na ano man ang ating ginagawa, nais natin na pakinggan tayo ng iba. Lubos tayong walang kakayahan na magpakumbaba sa pakikipag-negosasyon sa iba. Nayayamot tayo at nagagalit kapag ang pananaw ng iba ay hindi naaayon sa sarili natin, ngunit matapos maipakita ang init ng ulo natin, nababagabag tayo, at nagkakaroon ng kadiliman sa loob ng ating mga espiritu. Hindi natin madama ang presensya ng Diyos. Sa ganitong panahon, ang mga salita ng Diyos ay sumasa-atin, pinapangaralan tayo, at minsan hinahayaan ng Diyos ang mga nasa paligid natin na ilantad at pakitunguhan tayo. Nakakatamo tayo ng ilang kaunawaan ng tiwaling mga disposisyon na naibunyag sa mga pangyayaring ito, at kung anong uri ng mga pag-iisip at paniwala ang ipinamumuhay natin; nangyayari ito sa pamamagitan ng pagtanggap sa paghahatol, pagbubunyag, pagpupungos, at pakikitungo ng mga salita ng Diyos. Natatanto natin na ang pagkawala ng ating pasensya ay nagmumula sa disposisyon ng pagmamataas, na ibinubulalas natin ang sama ng loob upang pangalagaan ang ating mga pansariling interes, dangal, at katayuan, na ito ay hindi pagpapahayag ng angkop na katwiran, at na palaging ninanais natin na pakinggan at sundin tayo ng iba. Ito ay tulad ng arkanghel na gustong kontrolin at pangibabawan ang iba; ang kakanyahang ito ay pakikipag-paligsahan para sa posisyon sa Diyos. Kapag napagtanto natin ang lahat ng ito, nakakakuha tayo ng pag-unawa sa mga pakana ni Satanas para tiwaliin ang sangkatauhan, at nagagawa nating kapootan ang ating sariling katiwalian. Hindi na natin ninanais na mamuhay sa gayong paraan. Nakakatamo din tayo ng kalinawan sa ating sariling pagkakakilanlan at katayuan bilang karaniwang nilalang; makikita na wala tayong pinag-iba sa kahit sino, at sa patuloy na pakikipag-ugnayan sa iba ay nagiging handa tayong ipamuhay ang wastong pagkatao na ayon sa hinihingi ng Diyos, upang mapanatili ang isang mababang pagkilala sa ating mga salita at gawa, at makinig sa mga mungkahi ng iba sa mga talakayan. Ganito natin nakakamit ang totoong kapayapaan at kagalakan matapos ang bawat pagkakataon na isinasagawa natin ang katotohanan, upang hindi na tayo mamuhay pa sa loob ng pasakit at pagkabigo ng pagkakasala at matapos ay magtatapat. Ang ating pag-ibig at pananampalataya sa Diyos ay magpapatuloy din sa paglago. Sa pamamagitan ng ganitong uri ng praktikal na karanasan ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, nalalaman natin kung sino ang kinaluluguran ng Diyos at kung sino ang Kanyang hinahamak; kung sino ang inililigtas ng Diyos at kung sino ang Kanyang tinanggal; sino ang pinagpapala ng Diyos at kung sino ang Kanyang sinusumpa. Naunawaan din natin na ang Diyos ay tunay na nagsisiyasat at namumuno sa lahat, na Siya ay nasa ating tabi, praktikal na gumagabay at nagliligtas sa atin. Sa puntong ito, nakakamit natin ang isang puso ng may paggalang sa Diyos, ang ating mga tiwaling disposisyon ay nababago, at kapag nakatagpo tayo ng mga suliranin, magagawa nating hanapin ang katotohanan, isagawa ang katotohanan, at magpasakop sa Diyos. Sa paglipas ng panahon, nagagawa nating maipamuhay ang isang tunay na kawangis ng tao. Lahat ng ito ay bunga na natatamo mula sa pagdanas sa paghatol at pagkastigo ng Diyos.
Sa, kasalukuyan, ang piniling bayan ng Diyos, na taimtim na sumusunod sa Makapangyarihang Diyos, ay nakaranas ng paglilinis at pagbabago ng kanilang tiwaling mga disposisyon sa iba’t ibang antas. May iba’t ibang mga patotoo ng kanilang mga karanasan sa official website ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos; ang mga ito ay mula sa mga personal na karanasan ng mga piniling tao ng Diyos sa Kanyang mga salita at gawain. Mayroong mga patotoo ng pagdanas sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, pagwaksi ng tiwaling disposisyon at pamumuhay nang angkop na pagkatao; mayroong mga patotoo ng paglutas sa pagiging mapanlinlang at maging isang matapat na tao; Mayroong mga patotoo ng pagtakas mula sa gapos ng katanyagan, pakinabang at estado, at paglakad sa tamang landas sa buhay; mayroong mga patotoo sa pagdanas sa pagmamalupit at kahirapan, ngunit napagtagumpayan si Satanas. Mayroon ding mga patotoo sa pagkilala sa matuwid na disposisyon ng Diyos, ng pag-ibig at pagpapasakop sa Diyos, ng paglilingkod sa Diyos at pagiging tapat sa Kanya, at marami pa. Ang mga Kapatid na ito ay nakaranas ng tunay na pagsisisi at pagbabago. Sila ang mga nakatamo ng walang hanggang kaligtasan ng Diyos—sila ang mga tao ng kaharian ng Diyos.
Ang gawain ng Diyos upang hatulan at linisin ang sangkatauhan ay malapit nang matapos. Ang mga sakuna sa mga huling araw ay nagsimula na; mga salot, mga lindol, mga sunog, at mga taggutom ay nagaganap na. Sa mga huling araw na ito, kung paano natin makakamtan ang walang-hanggang kaligtasan mula sa Diyos ay direktang nauugnay sa napakahalagang bagay ng kung makakakuha tayo ng daan sa kaharian ng langit. Nais mo bang makatakas sa mga gapos ng kasalanan? Nais mo bang makatanggap ng walang-hanggang kaligtasan mula sa Diyos, makapasok sa kaharian ng langit, at makakamit ng pangangalaga at proteksyon ng Diyos? Kung gayon, kailangan nating tanggapin ang paghatol at paglilinis ni Cristo sa mga huling araw. Ito lamang ang ating pagkakataong makamit ang pagbabago sa ating mga disposisyon, makapasok sa kaharian ng Diyos, at makatanggap ng walang-hanggang kaligtasan. Tulad ng sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Silang mga nagnanais na makamtan ang buhay nang hindi umaasa sa katotohanan na sinambit ni Cristo ay ang mga pinakahibang na tao sa mundo, at silang mga hindi tumatanggap ng daan ng buhay na inihatid ni Cristo ay mga ligaw sa guni-guni. At sa gayon sinasabi Ko na ang mga tao na hindi tumatanggap sa Cristo ng mga huling araw ay magpakailanmang kamumuhian ng Diyos. Si Cristo ay ang daanan ng tao patungo sa kaharian sa mga huling araw, na walang sinuman ang makakalampas. Walang sinuman ang maaaring gawing perpekto ng Diyos kundi sa pamamagitan ni Cristo lang.”
Mas matuto sa aming Kaligtasan at Ganap na Kaligtasan page, o sa nauugnay na nilalaman sa ibaba