Dumating na ang mga Araw ni Noe: Paano Tayo Makakasakay sa Arka ng mga Huling Araw?
- Quick Navigation
- 1. Ano ang Dapat Nating Mahiwatigan Mula sa Tila Muling Paglitaw ng Panahon ni Noe?
- 2. Ano ang Mga Prinsipyo ng Gawain ng Diyos upang Iligtas ang Tao?
- 3. Ang Panginoon ay Unang Paparito nang Lihim Kapag Bumalik Siya sa mga Huling Araw
- 4. Paano Matutupad ang Mga Propesiya ng Hayagang Pagdating ng Panginoon
- 5. Maaaring gusto mo rin
Ano ang Dapat Nating Mahiwatigan Mula sa Tila Muling Paglitaw ng Panahon ni Noe?
Ang buong sangkatauhan ay nabubuhay ngayon sa ilalim ng sakop ni Satanas at nagiging mas malalim na tiwali sa bawat araw na dumadaan. Ang mga positibong bagay ay kinokondena, ang mga negatibong bagay ay pinanghahawakan sa mas mataas na pagpapahalaga ng mga tao sa mundo, at ang sangkatauhan ngayon ay isang matinding tagasuporta ng kasamaan. Sa partikular, ang lahat sa anumang malaking lungsod ay makikitaan ng mga karaoke bar, restawran, at mga club na sayawan, ang bawat isa ay punong-puno ng kasamaan at kalaswaan. Nagagalak ang mga tao sa pagkain, pag-inom, pagsasaya, pagpapasasa sa mga pisikal na pagnanasa, at nawala nila ang kanilang dignidad at integridad. Walang pag-ibig sa pagitan ng mga tao, at ang lahat ay napaka-makasarili at kasumpa-sumpa. Para sa pera o para sa kita, ang mga tao ay nakikipagtunggali sa isa’t isa, nakikipagbangayan at dinadaya ang bawat isa, at pati na pumupunta upang makipag-suntukan. Kahit na ang mga magkapatid, mga magulang at anak, kaibigan at kamag-anak ay tulad nito, na napapalayo sa bawat isa nang labis para sa kapakinabangan. At hindi lamang ang mga di-mananampalataya ang kumikilos ng tulad nito. Maraming mga kapatid na naniniwala sa Panginoon ang hindi nasusunod ang mga turo ng Panginoon, na sumunod sa mga kalakaran ng mundo, at naghahabol sa uso, nagnanasa ng kayamanan, at nandaraya para sa posisyon. Ang ilang mga mananampalataya ay simpleng hindi dumadalo sa mga pagpupulong sa simbahan, at kapag ginagawa nila, marami ang pumupunta para lamang makibahagi sa kasiyahan, upang ilako ang kanilang mga paninda, upang makahanap ng isang romantikong kapareha, gumawa ng mga pakikipag-ugnay, at iba pa—ang iglesia ay dahan-dahang nagiging bahagi na ng mundo. Ngayon sa mundong ito na nagtataguyod ng kasamaan at pinipihit ang katotohanan, walang nagmamahal sa katotohanan o nagkukusa upang hanapin ang gawain at pagpapakita ng Diyos, at walang nag-iisip tungkol sa kung paano maging matapat at maglakad sa tamang landas ng buhay na alinsunod sa mga salita ng Diyos. Sa halip, lahat ay nagnanasa ng kasamaan, inabandona nila ang kanilang mga sarili sa bisyo, at kumikilos sila nang walang pagpipigil.
Habang pinagmamasdan natin ito, naaalala natin ang panahon ni Noe. Ang mga tao noong panahong iyon ay walang pakialam tungkol sa kung may Diyos o wala, at hindi rin sila gumagalang sa Diyos o sumunod sa Kanyang mga turo. Sa kabaligtaran, nakagawa sila ng lahat ng uri ng mga masasamang gawi na sumusuway sa Diyos, tulad ng pagpatay, panununog, pagnanakaw at panloloob. Napakahalay nila sa likas na katangian, nagpapakasal sila nang paulit-ulit, ang kanilang mga saloobin at mga gawa ay punong-puno ng kasamaan at sila ay hindi matiis ang pagka-tiwali. Kaya’t pinarusahan sila ng Diyos at winasak ng baha. Sa kasalukuyan, ang mga tao sa mundo ay kasing tiwali at kasing sama ng mga tao noong panahon ni Noe, mas nakahihigit pa. Dalawang libong taon na ang nakalilipas, ang Panginoong Jesus ay nagpropesiya: “At kung paano ang nangyari sa mga kaarawan ni Noe, ay gayon din naman ang mangyayari sa mga kaarawan ng Anak ng tao. Sila’y nagsisikain, sila’y nagsisiinom, sila’y nangagaasawa, at sila’y pinapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok sa daong si Noe, at dumating ang paggunaw, at nilipol silang lahat. … Gayon din naman ang mangyayari sa araw na ang Anak ng tao ay mahayag” (Lucas 17:26–30). Ang mga salita ng Panginoon ay nagsasabi sa atin ng isang napakahalagang bagay: Kapag ang mga tao sa mga huling araw ay naging tiwali at masasama tulad ng mga tao sa panahon ni Noe, iyon ang magiging araw ng pagdating ng Anak ng tao, ang araw na babalik ang Panginoon. Kaya paano tayo makasasakay sa arka ng mga huling araw bago dumating ang malaking kapighatian?
Nauugnay na mga Video:
Ano ang Mga Prinsipyo ng Gawain ng Diyos upang Iligtas ang Tao?
Kung nais nating sumakay sa arka ng mga huling araw, maaari nating isipin muna ang mga prinsipyo ng gawain ng Diyos upang mailigtas ang tao sa panahon ni Noe. Sa panahong iyon, ang sangkatauhan ay umabot na sa sukdulan ang kasamaan at kabulukan at ginalit ang disposisyon ng Diyos. Hindi agarang winasak ng Diyos ang mga tao ng panahon na iyon, dapatwa’t, sa halip ay gumawa upang iligtas ang tao. Una, tinawag ng Diyos si Noe upang gumawa ng arka, pagkatapos ay ginamit Niya si Noe upang maipalaganap ang ebanghelyo sa mga tao noong panahong iyon, sinabi sa kanila na gagawin ng Diyos ang gawain ng pagwasak sa mundo. Sinabi sa kanila ni Noe na dapat silang magsisi, tanggapin ang ebanghelyo ng Diyos, at sumakay sa arka, at sa ganoong paraan lamang sila makakaligtas. Ipinangaral ni Noe ang ebanghelyo na ito sa loob ng isang daang taon at ito ang panahon kung saan binigyan ng Diyos ang mga tao ng pagkakataon upang magsisi—ito ang pag-ibig ng Diyos sa tao. Ngunit ang sangkatauhan sa panahong iyon ay hindi naniniwala kay Noe. Tinuya nila siya, at umasa sila sa kanilang sariling mga pagkaintindi at haka-haka upang limitahan ang gawain ng Diyos, sa paniniwalang imposible na magpabagsak ang Diyos ng mga baha upang wasakin ang mundo. Tumanggi silang maniwala sa anumang hindi nila nakikita sa kanilang sariling mga mata, at kaya wala ni isa sa kanila ang tumanggap ng ebanghelyo ng Diyos. Nang natapos na ng Diyos ang Kanyang gawain upang mailigtas ang tao, sinimulan Niyang pakawalan ang mga baha upang parusahan ang lahat ng mga gumagawa ng masama. Sa oras na iyon, ang pintuan ng arka ay selyadong nakasara, at bukod sa walong katao ng pamilya ni Noe na nakaligtas, ang bawat isa, ang lahat nang sumuway sa Diyos at gumawa ng lahat ng uri ng kasamaan, ay inanod ng mga baha—napalampas nila ang kanilang pagkakataong mailigtas ng Diyos. Mula rito, makikita natin na ang mga prinsipyo ng Diyos sa Kanyang gawain upang mailigtas ang tao ay maaaring nahahati sa dalawang yugto: Una sinusubukan Niyang iligtas ang tao, pagkatapos ay pupuksain Niya sila. Ang gawain ng Diyos upang mailigtas ang tao ay ang pagbibigay Niya sa tao ng pagkakataon upang magsisi, at ginagawa din ito upang ilantad ang tao at paghiwalayin ang bawat isa ayon sa kanilang uri. Ang mga taong nakikinig sa mga salita ng Diyos at kumikilos ayon sa hinihingi ng Diyos, at sa mga hindi naniniwala sa mga salita ng Diyos, na tumatanggi na tanggapin ang gawain ng pagliligtas ng Diyos, ngunit sa halip ay ang mga tumututol at nagrebelde sa Diyos, ang lahat na lubusang inilantad sa pamamagitan ng gawain ng pagliligtas ng Diyos. Tanging pagkatapos na maihiwalay ng Diyos ang mabuti sa masama na sinisimulan Niya ang gawain ng pagtukoy sa hantungan ng mga tao at ng pag-gantimpala sa mabuti at pagparusa ng masasama. Ang mga hantungan ng mga tao sa gayon ay naitakda na at ang mga masasama ay winasak, at ang pag-ibig at katuwiran ng Diyos ay napapaloob dito.
Sa katunayan, ang Panginoon, kapag Siya’y bumalik sa mga huling araw, ay gumagawa rin muna upang iligtas ang tao, pagkatapos Siya ay hayag na magpapakita upang gantimpalaan ang mabuti at parusahan ang masama. Iyon ay, kung nais nating sumakay sa arka ng mga huling araw, kung gayon kailangan muna nating tanggapin ang gawain ng lihim na pagdating ng Diyos. Sa puntong ito, maraming mga kapatid ang maaaring nag-aalinlangan, at maaaring nagtataka, “Hindi ba darating ang Panginoon nang hayagan na nakasakay sa isang puting ulap kapag bumalik Siya sa mga huling araw?” Iniisip nila ito sapagkat sinasabi sa Bibliya, “Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa’t mata” (Pahayag 1:7). Kung ang Panginoon ay talagang darating nang hayagan kasama ng mga ulap, tulad ng pinaniniwalaan natin, kung gayon walang sinumang maglalakas-loob na labanan ang Diyos, at paano mangyayari ang gawain ng pagkilala sa mabuti mula sa masama? Dapat nating maingat na tingnan ang Bibliya, bukod sa mga talata na nagpropesiya na ang Diyos ay darating nang hayagan kasama ng mga ulap, mayroon ding maraming mga talata na naglalarawan kung paano darating nang lihim ang Diyos.
Ang Panginoon ay Unang Paparito nang Lihim Kapag Bumalik Siya sa mga Huling Araw
Maraming mga talata sa Bibliya na nagbabanggit nang lihim na pagdating ng Diyos, halimbawa: “Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw” (Pahayag 16:15). “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6). “Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:27). “Kaya nga kayo’y magsihanda naman; sapagka’t paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip” (Mateo 24:44). “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24-25). Ang mga propesiya na ito ay nagsasabi na ang pagdating ng Diyos ay magiging gaya ng isang magnanakaw, na nangangahulugang darating ang Diyos nang lihim sa mga huling araw. Binanggit din ng mga talatang ito “ang pagparito ng Anak ng tao” at “paririto ang Anak ng tao.” Ang “Anak ng tao” ay tumutukoy sa Diyos na nagkatawang-tao. Tanging ang isang tao lamang na ipinanganak ng tao na may isang normal na katawan ng tao ang maaaring tawaging “Anak ng tao,” samantalang kung Siya ay dumating bilang isang espiritwal na katawan, hindi Siya matatawag na “Anak ng tao.” Halimbawa, ang espiritwal na katawan ng Panginoong Jesus pagkatapos niyang muling mabuhay ay maaaring tumagos sa mga pader at maitago ang Kanyang sarili sa himpapawid. Ang gayong higit-sa-natural na espiritwal na katawan ay hindi matatawag na “Anak ng tao.” Ipinapakita nito sa atin na kapag ang Panginoong Jesus ay bumalik sa mga huling araw, Siya ay paparito sa gitna ng tao nang lihim na may suot na normal, na ordinaryong laman. Siya ay lilitaw mula sa labas tulad ng isang normal, na ordinaryong tao, ngunit walang makakapagsabi sa Kanyang tunay na pagkakakilanlan o posisyon at ito ay pinananatiling lihim mula sa mga tao. Tanging kapag nagsimula na siyang gumawa at magsalita ng Kanyang mga salita upang mailigtas ang tao na makikilala Siya ng mga nakakakilala sa Kanyang tinig. Ang mga hindi makaka-kilala ng Kanyang tinig ay pakikitunguhan Siya bilang isang normal na tao, at susuwayin nila Siya, tatanggihan Siya at pati na hahatulan Siya. Tulad ng panahon na ang Panginoong Jesus ay nagkatawang-tao upang maisagawa ang Kanyang gawain, Siya’y itinuring ng mga Pariseo bilang isang ordinaryong tao lamang, at nilabanan nila Siya, hinatulan Siya, at ipinako Siya sa krus. Sa huli, sa panahon kung saan ang nagkatawang-taong Diyos ay lihim na pumarito, napalagpas ng mga Pariseo ang kaligtasan ng Panginoon at pinarusahan ng Diyos dahil sa kanilang nagawang masasamang gawi na pagsuway sa Diyos. Bukod dito, sa pamamagitan lamang ng pagkakatawang-tao sa mga huling araw na maaaring makatiis ang Diyos ng maraming pagdurusa. Kung Siya ay dumating nang hayagan kasama ng mga ulap, ang lahat ng mga tao ay matatakot at magsisipag-yukod sa lupa, at walang maglalakas-loob na kalabanin Siya. Kung iyon ang mangyayari, kung gayon ang mga propesiya na nagsasabi tungkol sa lihim na pagdating ng Panginoon ay hindi matutupad.
Paano Matutupad ang Mga Propesiya ng Hayagang Pagdating ng Panginoon
Tuwing pinag-uusapan natin ang tungkol sa pagdating ng Panginoon nang lihim upang maisagawa ang Kanyang gawain kapag Siya’y bumalik, ang ilang mga kapatid ay hindi nauunawaan. Iprinopesiya rin ng Bibliya na, kapag bumalik ang Panginoon, magpapakita Siya sa atin nang hayagang dumarating kasama ng mga ulap, kaya paano matutupad ang dalawang mga propesiyang ito na lubhang magkaiba? Ang bawat salita na sinasalita mula sa bibig ng Diyos ay, sa katunayan, magaganap; ang maiiba lamang ay ang pagkasunod-sunod kung paano sila matutupad. Bukod dito, ang mga propesiya na ito ay natutupad nang paisa-isa na naaayon sa mga hakbang ng gawain ng Diyos. Ibig sabihin, sa mga huling araw, ang Diyos ay unang darating nang lihim upang maisagawa ang Kanyang gawain ng pagliligtas ng tao, at pagkatapos ay magpapakita na dumarating nang hayagan kasama ng mga ulap. Ang paraan ng paggawa ng Diyos nang mga yugto ay direktang konektado sa gawaing gagawin Niya sa mga huling araw. Basahin natin ngayon ang ilang mga talata mula sa Bibliya: “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi Siya magsasalita ng mula sa Kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na Kaniyang marinig, ang mga ito ang Kaniyang sasalitain: at Kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13). “Sapagka’t ang Ama’y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob niya sa Anak ang buong paghatol” (Juan 5:22). “Binigyan Siya ng Ama ng kapamahalaang makahatol, sapagka’t Siya’y anak ng tao” (Juan 5:27). “Ang nagtatakuwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:48). “Pakabanalin Mo sila sa katotohanan: ang salita Mo’y katotohanan” (Juan 17:17). Malinaw na nakikita natin mula sa mga talatang ito na, kapag bumalik ang Panginoon sa mga huling araw, magpapahayag Siya ng maraming katotohanan para magtubig at magtustos sa atin. Ang mga katotohanang ito ay mga katotohanan na hindi natin nauunawan o napakinggan noon sa loob ng buong panahon na naniniwala tayo sa Panginoon. Ang mas mahalaga pa nga ay, kapag bumalik ang Panginoon, personal Niya tayong gagabayan upang makapasok sa mga katotohanang ito para lumago ang ating espirituwal na buhay. Bukod dito, sa pundasyon ng gawain ng Panginoong Jesus, ang Diyos ay gagawa ng isang bagong yugto ng gawain—ang gawain ng paghatol—upang dalisayin tayo sa ating mga kasalanan at patnubayan tayo na maiwaksi ang mga kadena ng kasalanan nang minsanan. Ito ang gawaing isinasagawa ng nagkatawang-taong Diyos sa panahon na kung kailan Siya gumagawa ng lihim na gawain.
Ang katotohanan ay, na habang hinihintay natin na dumating ang Panginoon na nakasakay sa isang ulap, ang Panginoong Jesus ay talagang nakabalik na bilang ang nagkatawang-tao na Makapangyarihang Diyos. Sinimulan ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang lihim na gawain upang mailigtas ang tao noong 1991, at sa oras na iyon ang gawain ng Diyos ay tinapos ang Kapanahunan ng Biyaya at sinimulan ang Kapanahunan ng Kaharian. Ipinahayag Niya ang lahat ng mga katotohanan upang ang tao ay makakamit ng kaligtasan, isinagawa Niya ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos, at lubos Niyang dinadalisay at nililigtas ang lahat ng mga lumalapit sa harapan Niya. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at pagdanas ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, hindi lamang natin naaabot ang tunay na pag-unawa sa matuwid na disposisyon ng Diyos na hindi nagpapahintulot ng pagkakasala, ngunit nalalaman din natin ang ugat ng ating mga kasalanan. Nagagawa nating kapootan ang ating mga sarili at talikdan ang ating laman; nagiging determinado tayong isagawa ang katotohanan; unti-unting nagsisimulang umusbong sa loob natin ang isang pusong may takot sa Diyos, pinatototohanan natin ang mga pagbabago sa ating mga disposisyon, at pagkatapos ay nagagawa nating maging mananagumpay na ginawa bago dumating ang kapighatian. Ngayon, ang mga patotoo ng karanasan ng paghatol at pagkastigo ng mga piniling bayan ng Diyos at ang kanilang pagbabago ng disposisyon, pati na rin ang mga patotoo ng mga mananagumpay, ay nailathala online. Ang mga pagbigkas at gawain ng Makapangyarihang Diyos ay ganap na tinutupad ang lahat ng mga propesiya sa Bibliya tungkol sa lihim na pagdating ng nagkatawang-taong Diyos, isinasagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, binuksan ng Diyos ang balumbon, gumagawa ang Diyos ng mga mananagumpay, at marami pa.
Ang lahat ng nakakarinig ng tinig ng Diyos habang ang Makapangyarihang Diyos ay lihim na gumagawa ay ang mga matalinong dalaga. Kapag tinanggap na nila ang gawain ng paghatol ng Diyos, magagawa na nilang maialis ang kanilang mga sarili sa kasalanan at malinis at maperpekto ng Diyos; nagiging mga mananagumpay sila na nagmamahal sa Diyos, gumagalang sa Diyos at sumusunod sa Diyos, at nakakamit nila ang kaligtasan ng Diyos bago dumating ang matinding kapighatian. Ipinapakita nito sa atin na sa panahon na isinasagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol nang lihim, ang gawain na ito ay walang iba kundi ang pagliligtas at pag-ibig sa mga taong tunay na nananampalataya sa Diyos at naghahangad ng katotohanan. Sa kabaligtaran, para sa mga mangmang na dalaga na kumakapit sa kanilang sariling mga paniwala at imahinasyon at hindi tinatanggap ang lihim na gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, pati na rin para sa lahat ng mga satanikong pwersa na kumakalaban, naninirang-puri at nilalapastangan ang Diyos, ang gawain ng Diyos ay naglalantad sa kanila, inaalis sila at hinahatulan silang lubos. Ito ang karunungan ng gawain ng Diyos. Kapag ang isang pangkat ng mga mananagumpay ay nabuo sa panahon ng lihim na gawain ng Diyos, ang lahat ng mga nagmamahal sa katotohanan at ang mga naiinis sa katotohanan, ang mabubuting alipin at masamang alipin, ang mga matalinong dalaga at ang mga mangmang na dalaga, ang tupa at mga kambing—lahat ay mahihiwalay ayon sa kanilang uri. Ang Diyos sa panahong iyon ay pormal na magsisimulang pakawalan ang mga sakuna, at gagantimpalaan Niya ang mabuti at parurusahan ang mga masasama. Siya rin ay hayagang magpapakita sa lahat ng mga tao na nakasakay sa isang puting ulap, at kapag nangyari iyon, ang gawain upang mailigtas ang tao sa lihim na pagdating ng nagkatawang-taong Diyos ay magiging ganap na kumpleto, at ang pintuan ng biyaya sa arka ng mga huling araw ay isasara. Sa oras na iyon, ang mga tumanggap ng gawain ng Diyos sa mga huling araw at ang mga nadalisay at nailigtas ng Diyos ay pagpapalain ng Diyos at papatnubayan Niya sila sa Kanyang kaharian. Ang mga tumanggi na tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw habang Siya ay gumagawa nang lihim, gayunpaman, at ang mga kumakalaban at kumokondena sa nagkatawang-tao na Diyos, ay hindi lamang mawawala ang kanilang pagkakataon na maligtas ng Diyos, ngunit mahuhulog sa gitna ng mga sakuna at maparurusahan. Ito ay tiyak na tinutupad ang mga salitang ito mula sa Bibliya: “Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa Kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kaniya” (Pahayag 1:7). “At kung magkagayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian” (Mateo 24:30). Ang mga salitang “ng nangagsiulos sa Kaniya” ay tumutukoy sa mga kumakalaban at kumokondena kay Cristo ng mga huling araw. Sapagkat makikita nila na ang Isa na kanilang nilabanan at kinondena ay walang iba kundi ang nagbalik na Panginoong Jesus, samakatuwid mawawala nila ang kanilang pagkakataon na mailigtas ni Cristo ng mga huling araw, at kanilang babayuhin ang kanilang mga dibdib at makakaramdam ng labis na pagsisisi at sakit. Pagkatapos “magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa” ay nangangahulugan na ang mga yaong gaya ng mga tao sa panahon ni Noe na habang buhay na naiwala ang kanilang pagkakataon na makasakay sa arka.
Kasalukuyan, Ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay nalalapit na sa katapusan nito at ang pintuan ng biyaya ay malapit nang isara. Sabi ng Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos, “Sinasabi Ko sa inyo, tiyak na yaong mga naniniwala sa Diyos nang dahil sa mga palatandaan ay tiyak na nasa kategorya ng mga daranas ng pagkawasak. Yaong mga hindi kayang tumanggap sa mga salita ni Jesus na nagbalik na sa katawang-tao ay tiyak na mga anak ng impiyerno, mga inapo ng arkanghel, ang kategorya na sasailalim sa walang-katapusang pagkawasak. Maaaring walang pakialam ang maraming tao sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ninyo nang sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sa ibabaw ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyan ng matinding katuwaan sa inyo, subalit dapat ninyong malaman na ang sandali kung kailan nasasaksihan ninyong bumababa si Jesus mula sa langit ay iyon din ang sandali ng pagbaba ninyo sa impiyerno para maparusahan. Sa panahong iyon magwawakas ang plano ng pamamahala ng Diyos, at mangyayari iyon kung kailan ginagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga palatandaan ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga palatandaan, at sa gayon ay napadalisay na, ay makakabalik na sa harap ng luklukan ng Diyos at makakapasok na sa yakap ng Lumikha. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na ‘Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo’ ang sasailalim sa walang-katapusang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga palatandaan, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng malupit na paghatol at nagpapakawala ng tunay na landas ng buhay. Kaya maaari lamang silang pakitunguhan ni Jesus kapag hayagan Siyang bumabalik sa ibabaw ng puting ulap. Masyado silang sutil, masyadong tiwala sa kanilang sarili, masyadong mayabang. Paano magagantimpalaan ni Jesus ang gayon kababang-uri? Ang pagbabalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga kayang tumanggap ng katotohanan, nguni’t para sa mga hindi kayang tumanggap ng katotohanan, ito’y tanda ng paghuhusga. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at itakwil ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging isang mangmang at mapagmataas na tao, kundi isang taong sumusunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang.” Dapat nating maunawaan ngayon na ang hayagang pagdating ng Diyos kasama ng mga ulap ay ang oras na tutukuyin Niya ang mga kahahantungan ng mga tao, at ang oras na hayag Niyang paparusahan at wawasakin ang lahat ng mga sumasalungat sa Kanya, iyon ang magiging pangwakas na yugto ng gawain ng Diyos. Tanging habang ang Diyos ay lihim na gumagawa na maaaring maligtas ang tao, at sa pamamagitan lamang ng pagtanggap sa lihim na gawain ng Diyos tayo makakasakay sa arka ng mga huling araw. Ngayon na nahaharap tayo sa ebanghelyo ng pagbabalik ng Panginoon, dapat ba nating iwanan ang lahat ng ating mga paniwala at maging mga matalinong dalaga na naghahanap at nagsisiyasat nang may bukas na kaisipan? O tayo’y magiging katulad ng mga tao sa panahon ni Noe at pipiliin na huwag paniwalaan ito o huwag pansinin, at higit pa na tanggihan at hatulan ang ebanghelyo ng pagbabalik ng Panginoon? Ang bawat isa sa atin ay dapat mag-isip ng mabuti at malalim patungkol dito!