Mga kaibigan, madalas ba kayong makaramdam ng pagsisisi at nakokonsensya dahil nawalan kayo ng pasensya at nakakasakit ng iba? Gusto ninyong makontrol lagi ang inyong sarili ngunit paulit-ulit na nabibigo? Nais niyo bang malaman kung paano ganap na malutas ang inyong pagiging magagalitin? Ang mga sumusunod na talata sa Bibliya tungkol sa galit at kaugnay na nilalaman ay magpapakita sa inyo ng paraan.
Kayo’y mangagalit at huwag kayong mangakasala: huwag lumubog ang araw sa inyong galit: Ni bigyan daan man ang diablo.
Maglikat ka ng pagkagalit, at bayaan mo ang poot: huwag kang mabalisa, iya’y maghahatid lamang sa paggawa ng kasamaan.
Siyang makupad sa pagkagalit ay may dakilang paguunawa: nguni’t siyang madaling magalit ay nagbubunyi ng kamangmangan.
Ang pagibig ay mapagpahinuhod, at magandang-loob; ang pagibig ay hindi nananaghili; ang pagibig ay hindi nagmamapuri, hindi mapagpalalo. Hindi naguugaling mahalay, hindi hinahanap ang kaniyang sarili, hindi nayayamot, hindi inaalumana ang masama; Hindi nagagalak sa kalikuan, kundi nakikigalak sa katotohanan; Lahat ay binabata, lahat ay pinaniniwalaan, lahat ay inaasahan, lahat ay tinitiis.
Ang malubay na sagot ay nakapapawi ng poot: nguni’t ang mabigat na salita ay humihila ng galit.
Siyang nagagalit na madali ay gagawang may kamangmangan: at ang taong may masamang katha ay ipagtatanim.
Ang taong magagalitin ay humihila ng kaalitan, at ang mainiting tao ay nananagana sa pagsalangsang.
Huwag kang makipagkaibigan sa taong magagalitin; at sa mainiting tao ay huwag kang sasama.
Ang bait ng tao ay nagpapakupad sa galit. At kaniyang kaluwalhatian na paraanin ang pagsalangsang.
Huwag kang magagalitin sa iyong kalooban: sapagka’t ang galit ay nagpapahinga sa sinapupunan ng mga mangmang.
Datapuwa’t ngayon ay inyo namang layuan ang lahat ng mga ito: galit, kapootan, paghihinala, panunungayaw, mga salitang kahalay-halay na mula sa inyong bibig.
Ang mainiting tao ay humihila ng pagtatalo: nguni’t siyang makupad sa galit ay pumapayapa ng kaalitan.
Ang lahat ng kapaitan, at kagalitan, at pagkakaalit, at kadaldalan, at panglilibak, ay mangaalis nawa sa inyo, pati ng lahat ng masasamang akala.
Datapuwa’t sinasabi ko sa inyo, na ang bawa’t mapoot sa kaniyang kapatid ay mapapasa panganib sa kahatulan; at ang sinomang magsabi sa kaniyang kapatid, Raca, ay mapapasa panganib sa Sanedrin; at ang sinomang magsabi, Ulol ka, ay mapapasa panganib sa impierno ng apoy.
Nalalaman ninyo ito, minamahal kong mga kapatid. Nguni’t magmaliksi ang bawa’t tao sa pakikinig, magmakupad sa pananalita, magmakupad sa pagkagalit; Sapagka’t ang galit ng tao ay hindi gumagawa ng katuwiran ng Diyos.
Lumayo ka sa kasamaan, at gumawa ka ng mabuti; hanapin mo ang kapayapaan at habulin mo.
Pasanin ninyo ang aking pamatok, at magaral kayo sa akin; sapagka’t ako’y maamo at mapagpakumbabang puso: at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa.
Siyang makupad sa pagkagalit ay maigi kay sa makapangyarihan; at siyang nagpupuno sa kaniyang diwa ay maigi kay sa sumasakop ng isang bayan.
Ang taong may malaking poot ay magtataglay ng parusa: sapagka’t kung iyong iligtas iyong marapat na gawin uli.
Ang mga sandata ng aming pakikilaban ay hindi ukol sa laman, kundi sa harapan ng Dios ay may kapangyarihang gumiba ng mga kuta; Na siyang gumigiba ng mga maling haka, at ng bawa't bagay na matayog na nagmamataas laban sa karunungan ng Dios, at bumibihag sa lahat ng pagiisip sa pagtalima kay Cristo.
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Sa sandaling magkaroon ng katayuan ang isang tao, madalas ay mahihirapan na siyang kontrolin ang kanyang damdamin, kaya’t masisiyahan siyang samantalahin ang mga pagkakataon upang ipahayag ang kanyang pagkayamot at ilabas ang kanyang mga nadarama; madalas siyang magpupuyos sa matinding galit nang walang malinaw na dahilan, nang sa gayon ay maihayag ang kanyang kakayahan at maipaalam sa ibang tao na ang kanyang katayuan at pagkakakilanlan ay iba roon sa mga ordinaryong tao. Siyempre, ang mga tiwaling tao na walang anumang katayuan ay malimit ding mawalan ng kontrol. Ang kanilang galit ay kadalasang dulot ng pinsala sa kanilang mga pansariling kapakanan. Upang mapangalagaan ang kanilang sariling katayuan at dignidad, madalas na nailalabas ng tiwaling sangkatauhan ang kanilang mga nararamdaman at naibubunyag ang kanilang mapagmataas na kalikasan. Ang tao ay magpupuyos sa galit at ilalabas ang kanyang mga nadarama upang maipagtanggol at mapagtibay ang pag-iral ng kasalanan, at ang mga pagkilos na ito ang mga paraan kung paano ipinahahayag ng tao ang kanyang pagkayamot; puno ang mga ito ng karumihan, ng mga pakana at mga intriga, ng katiwalian at kasamaan ng tao; at higit sa lahat, puno ang mga ito ng mga matayog na mithiin at pagnanasa ng tao.
Hinango mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II”
Bago ka gumawa ng anuman, dapat mo munang pag-isipan kung ito ay talagang kinakailangan. Kung hindi mo pa ito masyadong napag-iisipan, siguruhin mong payapa ka. Bago ang lahat ng ginagawa mo, bago ka sumabog sa init ng dugo mo, kailangan mo munang pakalmahin ang iyong sarili, tawagin ang pangalan ng Diyos, at isipin kung ang ginagawa mo ay alinsunod sa Kanyang kalooban; kung ang ginagawa mo ay hindi kasiya-siya sa Diyos, tutulungan ka Niyang supilin ang init ng dugo mo, nang paunti-unti, at ayusin ang sitwasyon. May pakinabang ba ito sa iyo? Kung ang mga tao ay masyadong mailap kapag sila ay magkakasama, mahihirapan silang bumalik sa pinakaunang kalagayan ng kanilang ugnayan, kaya, kapag ikaw ay pabulalas na, kapag malapit nang sumabog ang pagiging natural at ang init ng ng dugo mo, at kapag ang pagiging natural at init ng dugong ito ay makasasakit ng kapwa, dapat ay mag-isip ka sandali, at siguruhing mas magdasal sa Diyos. Ang mga kapatid sa simbahan, mga miyembro ng pamilya—dapat na makitungo ka nang maayos sa kanilang lahat. Ito ang pinakamaliit na kailangan.
Hinango mula sa “Ang Pinakamahalagang Prinsipyo para sa Pagsasagawa ng Pagpasok sa Katotohanang Realidad”