Mag-subscribe

Menu

Alam Mo Ba Kung Paano Lulutasin ang Iyong Pagiging Magagalitin?

Tanong: Sa kabila ng pagiging isang mananampalataya sa Panginoon sa loob nang maraming taon, nabubuhay pa rin ako sa loob ng isang siklo ng pagkakasala at pagtatapat at mainitin ang ulo ko. Nasa bahay man o sa aking kumpanya, kapag ang iba ay nagsabi o gumawa ng isang bagay na hindi ko gusto, hindi ko mapigilan ang aking sarili na mawalan ng pasensya—labis akong naguguluhan dito. Nais kong hanapin kung paano lulutasin ang aking pagiging magagalitin at maitigil ang pagkakasala at kung paano maisagawa ang mga aral ng Panginoon.

Paano Lulutasin ang Iyong Pagiging Magagalitin

Sagot: Hello, ang problemang inilalarawan mo ay napaka-karaniwan sa mga mananampalataya. Kung nais nating malutas ang ating pagiging magagalitin, dapat muna nating matuklasan ang pinagmumulan ng galit. Sa katunayan, dahil sa kontrolado tayo ng ating makasalanang kalikasan kung kaya’t madalas tayong mawalan ng pagtitimpi at ipakita ang pagiging mainitin ng ulo kapag nahaharap sa mga bagay na hindi umaayon sa ating mga ideya. Halimbawa, kinokontrol ng ating kayabangan at mapagmataas na kalikasan, palagi nating iniisip na ang ating sariling mga opinyon ay kumpleto at pinakatama, na nais na magkaroon ng panghuling salita sa lahat ng bagay at nais ang iba na kumilos ayon sa ating sariling mga nais. Sa sandaling ang ating mga pamilya, kaibigan o kasamahan ay gumawa ng isang bagay na salungat sa ating sariling mga ideya o hindi makinig sa atin, mawawala ang ating pagtitimpi at pagagalitan sila, hindi mapigilan ang ating sarili. Bilang karagdagan, dahil dinidirekta tayo ng ating makasarili at sakim na kalikasan, lahat ng ginagawa natin ay para sa ating sariling pakinabang, at sa sandaling masira ang ating mga interes, mawawalan tayo ng pagpipigil at ibubunyag ang ating pagiging mainitin ang ulo. ... Makikita na ang ating makasalanang kalikasan ang sanhi upang magalit tayo at ilantad ang pagiging mainitin ng dugo. Kung hindi malulutas ang ating makasalanang kalikasan, walang paraan para malutas natin ang ating galit. Kapag nakakaranas ng mga bagay na hindi natin gusto, kahit na pilit nating pigilan ang ating sarili, napipigilan lamang natin ang ating sarili nang ilang sandali at maaaring mawala ang ating pagtitimpi sa susunod na sandali.

Marahil ay itatanong ng ilang tao, “Matapos nating tanggapin ang pagtubos ng Panginoong Jesus, hindi ba’t napatawad na ang ating mga kasalanan? Bakit naiwawala natin ang ating pagtitimpi kahit pa sa ating mga sarili, bakit nasa ilalim tayo ng kontrol ng ating makasalanang kalikasan at hindi makatakas sa pagkaalipin ng kasalanan?” Tingnan natin ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos, at pagkatapos ay mauunawaan natin. Sabi ng Diyos, “Ang mga kasalanan ng tao ay maaaring mapatawad sa pamamagitan ng handog para sa kasalanan, ngunit walang paraan ang tao para lutasin ang suliranin kung paano siya hindi na muling magkakasala at kung paanong ang kanyang makasalanang kalikasan ay ganap na maiwawaksi at mababago. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad dahil sa gawain ng pagpapapako sa krus ng Diyos, ngunit ang tao ay patuloy na namuhay sa dati niyang tiwaling maka-satanas na disposisyon. Dahil dito, ang tao ay dapat na ganap na mailigtas mula sa kanyang tiwaling maka-satanas na disposisyon upang ang makasalanang kalikasan ng tao ay maaaring ganap na maiwaksi at hindi na kailanman muling mabubuo, at sa gayon ay tinutulutang mabago ang disposisyon ng tao. Kakailanganin nito na maunawaan ng tao ang landas ng paglago sa buhay, ang daan ng buhay, at ang daan upang baguhin ang kanyang disposisyon. Kakailanganin din na ang tao ay kumilos alinsunod sa landas na ito, nang sa gayon ang disposisyon niya ay unti-unting mababago at makakapamuhay siya sa ilalim ng sikat ng liwanag, upang ang lahat ng ginagawa niya ay maging kaayon ng kalooban ng Diyos, upang maiwaksi niya ang kanyang tiwaling maka-satanas na disposisyon, at upang makalaya siya mula sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas, at sa gayon ay ganap na makalaya mula sa kasalanan. Saka lamang matatanggap ng tao ang ganap na kaligtasan.

Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na nagawang tiwali ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay bumalik na sa katawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na lupain. Ang lahat ng nagpapasailalim sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malalaking pagpapala. Sila’y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.

Mauunawaan natin mula sa mga salitang ito ng Diyos na sa Kapanahunan ng Biyaya, isinagawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos ng sangkatauhan, na nagpahintulot sa sangkatauhan upang mapatawad ang mga kasalanan at makatakas mula sa pagkondena at pagsumpa ng mga batas. Hangga’t tatanggapin natin ang kaligtasan ng Panginoong Jesus at manalangin sa Kanya upang magtapat, ang ating mga kasalanan ay patatawarin ng Panginoon at makakakuha tayo ng kapayapaan at kagalakan mula sa Kanya. Ang ginawa ng Panginoong Jesus ay ang gawain ng pagtubos, upang mapatawad ang mga kasalanan ng tao at palayain ang tao mula sa pagkondena ng mga batas. Ngunit ang ating makasalanang kalikasan ay nananatili pa rin, na kung saan ay mas malalim kaysa sa kasalanan at mas mahirap lutasin, at ang pangunahing sanhi ng ating paggawa ng mga kasalanan at paglaban sa Diyos. Lahat tayo ay may personal na karanasan nito: Sa kabila ng pagsusumikap nating pigilan ang ating laman, hindi natin kayang isagawa ang mga salita ng Panginoon at hindi mapigilan ang ating galit, sundin ang Diyos at maging matapat na tao. Kapag nakatagpo tayo ng mga bagay na nakakaapekto sa ating sariling interes, magsasabi tayo ng kasinungalingan at manlilinlang; kapag ang mga sakuna na likas o gawa ng tao ay dumating sa atin, kapag nakatagpo tayo ng mga pagsubok at pagdurusa, tayo ay mangangatuwiran sa Diyos, lalaban sa Diyos, at sisisihin pa at ipagkakanulo Siya. Ang listahan ay nagpapatuloy. Makikita na kung ang ating makasalanang kalikasan ay mananatiling hindi malulutas, mabubuhay tayo magpakailanman sa masakit na ikot ng pagkakasala at pagkatapos ay pagtatapat at hindi makalaya mula sa mga gapos at paghadlang ng kasalanan.

Minsang sinabi ng Diyos, “Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t Ako’y banal” (Levitico 11:45). “Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man” (Juan 8:34–35). Nakatala sa Mga Hebreo 10:26-27: “Sapagka’t kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan, Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway.” Ang Diyos ay banal at matuwid, kaya’t ang mga taong patuloy na nagkakasala at lumalaban sa Diyos ay hindi maaaring makapasok sa kaharian ng langit. Samakatuwid, ayon sa Kanyang plano ng pamamahala upang iligtas ang sangkatauhan at ang tunay na mga kinakailangan ng tiwaling sangkatauhan, ang Diyos ay magpapahayag ng katotohanan sa mga huling araw upang maisakatuparan ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos at upang malutas ang pangunahing problema na ang tiwaling sangkatauhan ay kinokontrol ng kanilang satanikong kalikasan. Iyon ang paraan upang ang tao ay unti-unting mapapalaya ang kanilang sarili mula sa kanilang makasatanas na disposisyon, malinis at makapasok sa kaharian ng langit. Ito ay katulad ng iprinopesiya ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan” (Juan 16:12–13). “Ang nagtatakuwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:48). At nasusulat sa 1 Pedro 4:17, “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios.” Sabi sa Pahayag 22:14, “Mapapalad ang nangaghuhugas ng kanilang damit, upang sila’y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay, at makapasok sa bayan sa pamamagitan ng mga pintuan.” Malinaw na sa pamamagitan lamang ng pagtanggap sa gawain ng paghatol na ginawa ng nagbalik na Panginoon ay malulutas natin ang ating pagiging magagalitin, lubusang maitapon ang mga gapos at paghadlang ng kasalanan, at malinis ang ating makasalanang kalikasan.

paano-lulutasin-magagalitin

Ngayon, tanging Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang hayagang nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay nagbalik na. Nagpahayag Siya ng katotohanan at isinagawa ang gawain ng paghatol simula sa bahay ng Diyos upang ganap na madalisay ang sangkatauhan at mailigtas sila mula sa gapos ng mga kasalanan sa huling pagkakataon, sa gayon natutupad ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoong Jesus upang ipahayag ang katotohanan at upang gawin ang gawain ng paghatol. Kung gayon paano ginagawa ng Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw, ang gawain ng paghatol upang linisin ang mga tao. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Sa mga huling araw, si Cristo ay gumagamit ng sari-saring katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos.

Ipinapakita sa atin ng mga salita ng Diyos na ginagamit ng Diyos ang mga katotohanang ipinahayag Niya sa mga huling araw upang hatulan ang tiwaling sangkatauhan, iyon ay, ginagamit Niya ang katotohanan upang linisin ang tiwaling sangkatauhan ng kanilang satanikong disposisyon at upang malutas ang problema ng kanilang kalikasan at diwa: paglaban sa Diyos. Sa gawain ng paghatol sa mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos ay nagpapahayag ng mga salita upang maibunyag ang mga misteryo ng 6,000 taong plano ng pamamahala ng Diyos at ipinapakita sa atin ang daan tungo sa pagdadalisay at kaligtasan sa ating pananampalataya. Sa parehong oras, lubos Niyang inilalantad ang ating kalikasan at diwa na napatiwali ni Satanas, ang katotohanan ng ating katiwalian, at ang mga pinag-ugatan ng ating mga kasalanan. Sa pamamagitan ng paghahayag at paghatol ng mga salita ng Diyos, makikita natin nang malinaw kung gaano tayo kalubha na nagawang tiwali ni Satanas, na napuno tayo ng mga satanikong disposisyon ng kayabangan, kasamaan at panlilinlang, at walang pagiging tao sa ating ipinamumuhay. Pinapayagan tayo nitong tunay na magsisi at magawa tayong kusang tanggapin ang pagkastigo at paghatol ng Diyos, mga pagsubok at pagpipino, at handang hangarin ang katotohanan at ang pagbabago ng disposisyon at umasal nang alinsunod sa mga salita ng Diyos. Unti-unti, napapalaya natin ang ating sarili mula sa mga kontrol at paghihigpit ng ating tiwaling satanikong disposisyon. Nakamit ito sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos.

Kunin ako bilang halimbawa. Kapag nakikipag-ugnayan ako sa mga kaibigan at pamilya, sa sandaling nagsalita o kumilos sila sa isang paraan na hindi ko gusto, magagalit ako at ilalantad ang init ng dugo sa aking sarili. Sa tuwing nawawala ang aking timpi, magsisisi ako na hindi ko napigilan ang aking galit at pagkatapos ay mananalangin ako sa Diyos upang ipagtapat ang aking mga kasalanan. Pagkatapos, gayunpaman, uulitin ko lang ang parehong mga dating pagkakamali. Nagdurusa talaga ako, ngunit kahit anong pilit kong pigilan ang sarili ko, hindi ko kayang lutasin ang aking pagiging magagalitin. Isang beses, nawalan ng trabaho ang aking nakababatang kapatid na babae at nababalisa siya. Humingi ako ng tulong sa maraming tao at sa wakas ay nakakita ako ng trabaho para sa aking kapatid. Naisip ko na ang aking kapatid na babae ay tiyak na magiging masaya, ngunit sa aking pagkabigla, sinabi niya na gusto niya ng isang madaling trabaho na may mataas na suweldo at kalaunan ay tinanggihan niya ang alok na trabaho nang hindi ito tinatalakay sa akin. Nagalit ako nang malaman ang tungkol dito at pinagalitan ang aking kapatid na hindi niya lubos na pinahalagahan ang aking kabaitan. Nagsikap ako upang makahanap ng trabaho para sa kanya, ngunit talagang tinanggihan niya ang alok na trabaho bago ito talakayin sa akin, hindi ako iniisip. Matapos mawala ang aking pagtitimpi sa aking kapatid na babae, nakaramdam ako ng labis na pagkabalisa at naisip na hindi ko dapat siya tratuhin nang ganoon. Pagkatapos ay lumapit ako sa Diyos upang manalangin sa Kanya at hanapin kung paano lutasin ang problemang ito. Kinalaunan, binasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos, “Sa sandaling magkaroon na ng katayuan ang isang tao, madalas ay mahihirapan na siyang kontrolin ang kanyang damdamin, kaya’t masisiyahan siyang samantalahin ang mga pangyayari upang ipahayag ang kanyang kawalang-kasiyahan at ilabas ang kanyang mga damdamin; madalas siyang sumisiklab sa matinding galit kahit walang malinaw na dahilan, upang ibunyag lamang ang kanyang kakayahan at malaman ng ibang tao na ang kanyang katayuan at pagkakakilanlan ay iba roon sa mga ordinaryong tao. Siyempre, ang mga tiwaling tao na walang anumang katayuan ay malimit ding mawawalan ng kontrol. Ang kanilang galit ay kadalasang dulot ng pinsala sa kanilang indibiduwal na mga benepisyo. Upang mapangalagaan ang kanilang sariling katayuan at dignidad, madalas na ilalabas ng tiwaling sangkatauhan ang kanilang mga damdamin at ibubunyag ang kanilang mayabang na kalikasan. Ang tao ay sisiklab sa galit at ilalabas ang kanyang mga damdamin upang maipagtanggol ang pag-iral ng kasalanan, at ang mga pagkilos na ito ang mga paraan ng tao upang maipahayag ang kanyang kawalang-kasiyahan; puno ang mga ito ng karumihan, ng mga pakana at mga intriga; puno ang mga ito ng katiwalian at kasamaan ng tao; higit pa rito, puno ang mga ito ng mga matayog na mithiin at pagnanasa ng tao.

Sa pamamagitan ng paghatol at paghahayag ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, naunawaan ko na mayroong isang dahilan kung bakit sumisiklab sa galit ang tiwaling sangkatauhan. Kapag ang ating personal na dangal at interes ay nasugatan, ipinapahayag natin ang ating kawalang-kasiyahan at ibinubunyag ang init ng dugo at kalikasan upang mapangalagaan ang ating personal na interes at mukha, kulang sa katwiran na dapat taglayin ng isang may wastong pagkatao. Ganito tayo kinokontrol ng ating sariling kayabangan at mapagmataas na tiwaling kalikasan. Hinihimok ng ating mapagmataas na kalikasan, naniniwala tayo na ang ating sarili ay ang pinakamahalaga, laging nais na maging panginoon sa iba, at bigyan ng malaking importansya ang ating interes, mukha at katayuan. Sa sandaling ang mga salita o pagkilos ng iba ay nakakaapekto sa ating sariling interes, mukha at katayuan, magagalit tayo upang ipahayag ang ating kawalang-kasiyahan at ipakita ang ating kapangyarihan upang makinig ang iba sa atin. Napagtanto ko na ang dahilan kung bakit ako sumiklab sa galit at pinagalitan ang aking kapatid na babae ay dahil hindi siya nakikinig sa akin, sa halip, tinanggihan ang alok na trabaho nang hindi muna ako sinangguni at naisip kong tinrato niya ako bilang hindi mahalaga. Napagtanto ko na ang lahat ng ito ay sanhi ng aking mapagmataas na disposisyon, na humantong sa akin upang ituring ang aking sarili na napakataas, nais ang ibang mga tao na makinig sa akin, at ihayag ang pagiging mainit ng dugo sa sandaling ang aking interes ay naiipit.

Matapos kong malaman ang pinagmumulan ng aking galit at makita nang malinaw kung gaano ako kasama at kapangit kapag ako ay namuhay sa aking mapagmataas na disposisyon, nagsimula kong kamuhian at kasuklaman ang aking sarili mula sa kaibuturan ng aking puso, at hinahangad na hindi ipakita ang pagiging mainitin ng dugo at pagiging likas na kinamumuhian ng Diyos. Natagpuan ko rin ang resolusyon na talikdan si Satanas, isagawa ang katotohanan at sundin ang Diyos.

Nang maglaon, kapag naharap ako sa mga bagay na hindi ayon sa gusto ko at malapit ng mawala ang aking pagtitimpi, nagdarasal ako kaagad sa Diyos at patatahimikin ang aking sarili sa harap ng Diyos upang pagnilayan kung bakit naramdaman ko na parang nawawalan ako ng pagtitimpi. Pagkatapos ay babasahin ko ang mga salita ng Diyos, at sa pamamagitan ng patnubay ng mga salita ng Diyos ay nakakuha ako ng lakas na talikdan ang laman at isagawa ang katotohanan. Bagaman mababaw ang aking karanasan, talagang natutunan ko mula rito na wala tayong paraan upang malutas mismo ang ating tiwaling disposisyon. Ang gawain lamang ng Diyos na paghatol at pagkastigo sa mga huling araw ang makaliligtas sa atin mula sa pagkaalipin at pinsala ng tiwaling disposisyon at mabago at linisin tayo.

Samakatuwid, kung nais nating malutas ang ating magagalitin na pag-uugali at lubusang itapon ang mga gapos at kadena ng kasalanan, dapat nating tanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, na nag-iisang daan upang tayo ay madalisay at makamit ang totoong kaligtasan.

Tala ng Patnugot:

Nagtitiwala ako na sa pamamagitan ng pagbabasa ng artikulong ito ay mahahanap mo ngayon ang landas upang malutas ang isang magagaliting pag-uugali. Kung nais mong matuto nang higit pa o may iba pang mga katanungan, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng live chat.

Mag-iwan ng Tugon