Kapag pinag-uusapan natin ang sangkatauhan sa panahon ni Noe, alam ng lahat na ang pagpapatayan at panununog, pagnanakaw at pang-aagaw, at kalaswaan ay naging ikalawang kalikasan ng mga tao ng panahong iyon. Itinaboy nila ang Diyos at hindi sinunod ang mga salita ng Diyos, at sa huli sila ay winasak ng Diyos sa pamamagitan ng malaking baha. Pagkatapos ay pagmasdan natin ang mga tao sa mundo ngayon: Iginagalang nila ang masama, at maaaring makita ng tao ang mga lugar tulad ng mga karaoke bar, foot massage parlor, taberna at mga club ng sayawan sa mga kalye at looban ng bawat lungsod; kumakain ang mga tao, umiinom at nagpapakasaya, nagpapakasasa sa kasiyahan ng laman; karamihan sa mga tao ay nakikipagtagisan sa bawat isa para sa kasikatan, kapakinabangan, at katayuan, nakikipaglaban sa bawat isa, nandadaya laban sa iba, at nanlilinlang ng bawat isa, hindi eksepsyon ang mga magkakaibigan at magkakamag-anak. Ang mga tao ay nasusuya sa katotohanan, minamahal nila ang kawalang-katarungan, at namumuhay sa kasalanan; walang nagkukusang-loob na hanapin ang katotohanan o hanapin ang tunay na daan, at hayagan pa nilang itinatanggi at kinakalaban ang Diyos. Lahat ng sangkatauhan ay namumuhay sa ilalim ng pamamahala ni Satanas, at kahit na ang mga naniniwala sa Panginoon ay inilulugmok ang kanilang mga sarili upang makasunod sa mga nauuso sa mundo. Pinagnanasahan nila ang mga makasalanang kasiyahan, palaging namumuhay sa siklo ng pagkakasala at pangungumpisal, at hindi nila isinasagawa ang mga turo ng Panginoon bagaman alam na alam nila ang mga ito. Ang gayong mga eksena ay hindi maiwasang magpaalala sa propesiya ng Panginoong Jesus dalawang libong taon na ang nakararaan: “At kung paano ang nangyari sa mga kaarawan ni Noe, ay gayon din naman ang mangyayari sa mga kaarawan ng Anak ng tao. Sila’y nagsisikain, sila’y nagsisiinom, sila’y nangagaasawa, at sila’y pinapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok sa daong si Noe, at dumating ang paggunaw, at nilipol silang lahat. … Gayon din naman ang mangyayari sa araw na ang Anak ng tao ay mahayag” (Lucas 17:26–30). Makikita natin mula sa propesiyang ito na kapag ang mga tao ng mga huling araw ay naging kasingtiwali at sama ng mga tao sa panahon ni Noe, muling paparito ang Panginoon. Ngunit sa anong paraan magpapakita ang Panginoon? At paano natin Siya dapat salubungin?
Maraming tao ang sumasambit sa talatang ito sa Biblia: “Mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian” (Mateo 24:30). Naniniwala sila na sa pagbabalik ng Panginoon, Siya ay hayag na nakasakay sa ibabaw ng isang ulap, at itataas Niya tayo nang direkta sa kaharian ng langit at makikita Siya ng lahat, kaya wala silang ginagawa kundi ang maghintay na dumating ang Panginoon sakay ng isang ulap. Gayunpaman, ang totoo ay naipagsawalang-bahala na natin ang mga propesiya sa biblia na nagsasabing mayroong isa pang paraan ng pagbalik ng Panginoon, tulad ng “Narito, Ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw” (Pahayag 16:15). “Kaya’t kung hindi ka magpupuyat ay paririyan Akong gaya ng magnanakaw….” (Pahayag 3:3), “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko” (Pahayag 3:20), “Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:27), at “Kaya nga kayo’y magsihanda naman; sapagka’t paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip” (Mateo 24:44). Binabanggit ng mga propesiyang ito ang pagbabalik ng Panginoon “gaya ng magnanakaw”, at na Siya ay “nakatayo sa pintuan at tumutuktok.” Nagpapatunay ito na darating ang Panginoon nang tahimik at patago, at na mangyayari ito nang walang nakakaalam. Binanggit din ng mga talatang ito “ang pagparito ng Anak ng tao” at “paririto ang Anak ng tao,” at ang anumang pagtukoy sa “ang Anak ng tao” ay nangangahulugan ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Tanging ang Isang isinilang ng tao at nagtataglay ng normal na pagkatao ang matatawag na “ang Anak ng tao”; kung ang Panginoon ay dumating sa anyo ng Kanyang espirituwal na katawan matapos ang Kanyang muling pagkabuhay, hindi Siya matatawag na “ang Anak ng tao.” Kaya, ipinapakita nito na sa mga huling araw, ang Panginoon ay babalik sa katawang-tao upang gumawa sa gitna ng tao nang palihim.
Sa puntong ito, maaaring nalilito ang ilan at iniisip, “Parehong ipinropesiya ng Biblia na ang Panginoon ay paparito sa mga ulap at na Siya ay makikita ng lahat, ngunit paparito rin ang Panginoon sa katawang-tao nang palihim. Hindi ba ito pagkakasalungatan?” Sa katunayan, walang pagkakasalungatan sa mga salita ng Diyos. Ang pagparito ng Panginoon ay nangyayari sa dalawang paraan: Ang isang paraan ay paparito Siya nang hayagan kasama ng mga ulap, habang ang isa pa ay ang pagparito Niya nang palihim gaya ng magnanakaw. Lahat ng iprinopesiya ng Diyos ay magkakatotoo at matutupad, subalit gumagawa ang Diyos nang paisa-isang yugto, at may plano sa Kanyang gawain. Magkakatawang-tao muna ang Diyos at paparito nang palihim upang isagawa ang Kanyang gawain ng pagliligtas sa tao, at pagkatapos ay hayagan Siyang magpapakita sa lahat, nakasakay sa ibabaw ng isang ulap, upang gantimpalaan ang mabubuti at parusahan ang masasama.
Natupad na ang mga propesiya sa pagbalik ng Panginoon, kumakatok ang Panginoon, paano natin Siya sasalubungin? Sumali sa aming mga online meeting upang malaman.
Bakit pumarito muna ang Diyos nang palihim? May kinalaman ito sa gawaing ginagawa ng Diyos sa Kanyang pagpapakita sa mga huling araw. Basahin natin ang mga talatang ito mula sa Biblia: “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Pedro 4:17). “Ang nagtatakuwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:48). “At sinasabi niya ng malakas na tinig, Matakot kayo sa Dios, at magbigay kaluwalhatian sa Kaniya; sapagka’t dumating ang panahon ng Kaniyang paghatol: at magsisamba kayo sa gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat at ng mga bukal ng tubig” (Pahayag 14:7). “Ang magtagumpay, ay gagawin Kong haligi sa templo ng Aking Dios, at hindi na siya’y lalabas pa doon” (Pahayag 3:12). “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi Siya magsasalita ng mula sa Kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na Kaniyang marinig, ang mga ito ang Kaniyang sasalitain: at Kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13). At sinasabi ng mga salita ng Diyos, “Bagama’t maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako” (Paunang Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Makikita natin mula sa mga salitang ito na sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw, Siya ay magpapahayag ng mas maraming katotohanan at magsasagawa ng gawain ng paghatol. Gagamitin Niya “ang salita na Kanyang binanggit” upang hatulan at ilantad ang ating mga katiwalian, upang tayo ay makapagnilay sa ating mga sarili, makamit ang tunay na pagsisisi at magbago, sa huli ay malinis ng Diyos at maging mga mananagumpay, na pinapatnubayan papasok sa Kanyang kaharian. Ito ay dahil bagaman tayo ay natubos ng Panginoong Jesus at ang ating mga kasalanan ay napatawad, ang ugat ng ating pagkakasala, iyon ay ang ating makasalanang kalikasan, ay nananatili pa rin sa ating kaibuturan at kontrolado nito, hindi natin maiwasan na madalas pa ring makagawa ng mga kasalanan. Narito ang ilan lamang halimbawa: Kapag ang ibang tao ay gumagawa ng mga bagay na laban sa sarili nating mga interes, maaari natin silang kamuhian at kahit pa ang kagalitan sila; karaniwang sinasabi natin na magiging tapat tayo sa Diyos at susundin Siya, pero kapag may nangyayaring hindi natin gusto, nagkakaroon tayo ng maling pag-unawa at sinisisi ang Diyos at, sa mas grabeng pangyayari, inaabandona pa natin ang Diyos. Ipinapakita nito na hindi pa natin naiwawaksi sa sarili natin ang mga gapos at pagpipigil ng kasalanan, na namumuhay pa rin tayo sa estado ng pagkakasala at pagkatapos ay pangungumpisal, at na kailangan natin ang Diyos na nagkatawang-tao para isagawa ang gawain ng paghatol upang malinis ang ating katiwalian nang ganap at minsanan. Kapag narinig natin ang tinig ng Diyos, naitaas tayo sa harap ng Diyos, at naranasan ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, kapag ang ating mga tiwaling disposisyon ay nadalisay, at tayo ay makakapagpasakop sa Diyos, makakasamba sa Diyos at makakaibig sa Diyos sa anumang kalagayan, iyon ang oras na tayo ay nagawa nang mananagumpay ng Diyos. Sila ang 144,000 na mananagumpay na ipinropesiya sa Aklat ng Pahayag, at lubos nitong tinutupad ang Kabanata 14, talata 4 sa Pahayag: “Ang mga ito’y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka’t sila’y mga malilinis. At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saan man Siya pumaroon. Ang mga ito’y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero.” Kung ang Panginoon ay unang bumalik sa ibabaw ng ulap nang may dakilang kaluwalhatian, kung gayon ang mga tao ay magpapatirapa ng kanilang mga sarili upang sambahin Siya. Magkagayon ay hindi magiging posible na ilantad ang pagiging mapanghimagsik at pagkalaban sa Diyos sa loob ng kalikasan ng tao, at magiging walang saysay para sa Diyos na magpahayag ng mga katotohanan na nakatuon sa ating mga pagpapahayag ng katiwalian upang mahatulan tayo. Kahit na ibunyag ng Diyos ang ating tiwaling diwa, hindi natin ito tatanggapin, at hindi tayo madadalisay at mababago. Kung ganoon ang mangyayari, hindi maisasagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng paggawa ng mga mananagumpay.
At saka, sa mga huling araw, ilalantad din ng Diyos ang lahat ng uri ng tao, paghihiwalayin ang bawat isa ayon sa kanilang uri, at gagantimpalaan ang mabuti at parurusahan ang masama. Kung ang Panginoon ay bumalik sa ibabaw ng ulap na may dakilang kaluwalhatian, makikita Siya ng lahat at magpapatirapa ng kanilang mga sarili sa lupa upang tanggapin Siya at magpasakop sa Kanya. Walang tao, naniniwala man siya sa Diyos o nabibilang kay Satanas, mahal man niya ang katotohanan o hindi, sinunod man niya ang Diyos o kinalaban Siya, ay maibubunyag ng Diyos. Kung gayon, ang pag-aani at pagtatahip na isinalaysay sa Biblia at ang gawain ng paghihiwalay ng bawat isa ayon sa kanilang uri, paghihiwalay ng tupa mula sa mga kambing, trigo mula sa panirang damo, at marami pang iba, ay hindi mangyayari. Bagaman alam ng Diyos kung sino ang mabuti at kung sino ang masama, kung ang mga tao ay hindi maibubunyag, hindi nila iyon tatanggapin, at lalong hindi sila makukumbinsi nito. Kung kaya’t malinaw na ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw upang iligtas ang tao nang minsanan at ganap, upang gumawa ng grupo ng mga mananagumpay, at upang paghiwalayin ang bawat isa ayon sa kanilang uri. Upang magawa ito, kailangan muna Siyang magkatawang-tao at pumarito nang palihim. Kapag ang isang grupo ng mananagumpay ay nabuo na, ang panahon ng palihim na paggawa ng Diyos ay matatapos, at saka lamang paparito ang Diyos nang hayagan kasama ng mga ulap, nagpapakita sa lahat ng bansa at mga tao upang magsimulang pagpalain ang mabubuti at parusahan ang masasama. Lahat ng mga tumanggap sa gawain ng paghatol ng Diyos at mga nadalisay ay papatnubayan sa huli papasok sa kaharian ng Diyos, habang ang mga hindi tumanggap sa gawain ng nagkatawang-taong Diyos, at nanlaban, nanira, at naglapastangan sa Diyos, ay mabubunyag na lahat bilang masasamang mga tagasilbi at panirang damo. Ang gayong mga tao ay matatangay sa mga sakuna ng may sobrang pananangis at pagngangalit ng mga ngipin. Pagkatapos lamang niyon matutupad ang propesiyang ito mula sa Aklat ng Pahayag: “Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa Kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kaniya” (Pahayag 1:7).
Habang ang Diyos na nagkatawang-tao ay gumagawa nang palihim, ano ang maaari nating gawin upang salubungin ang Panginoon? Sinasabi sa Pahayag 3:20, “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko.” Sinasabi sa Mateo 25:6: “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya.” Makikita natin mula sa mga talatang ito na sa mga huling araw, gagamitin ng Diyos ang Kanyang mga pagbigkas upang kumatok sa ating mga pinto, at gagamit Siya ng mga tao upang isigaw sa atin ang balita na ang Kasintahang lalake ay nagbalik na. Kapag mayroong nangangaral ng ebanghelyo sa atin, samakatuwid, dapat tayong maghanap nang may bukas na puso at magtuon sa pakikinig sa tinig ng Diyos. Hangga’t nakikilala natin ito bilang ang tinig ng Diyos, dapat tayong magmadali na tanggapin at magpasakop, at makisabay sa bilis ng gawain ng Diyos sa mga huling araw. Ito ang ibig sabihin ng salubungin ang pagbalik ng Panginoon.
Sa kasalukuyan, tanging ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang hayagang nagpapatotoo na pumaritong palihim sa katawang-tao ang Panginoon at na Siya ay ang Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw. Ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ang milyun-milyong mga salita at isinasagawa ang Kanyang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos, dinadalisay at inililigtas ang lahat ng lumalapit sa Kanyang harapan. Nagpakita ang Makapangyarihang Diyos at nagsasagawa na ng Kanyang gawain sa loob ng halos 30 taon na, at nakagawa na Siya ng isang grupo ng mga mananagumpay—ang gawain ng paghatol ng Diyos ay nalalapit na sa katapusan nito. Ang mga sakuna ay sunud-sunod na nagaganap sa buong mundo; ang mga araw ni Noe ay nalalapit na. Dapat tayong maging matatalinong dalaga at magmadaling siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, dahil sa paggawa nito ay magkakaroon tayo ng pagkakataong masalubong ang Panginoon at madala bago dumating ang mga sakuna. Kung panghahawakan natin ang ideya na ang Diyos ay paparito kasama ng mga ulap, tumatangging maghanap at magsiyasat sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, kung gayon ay aabandonahin tayo at tatanggalin ng Panginoon, at matatangay tayo sa mga sakuna at parurusahan. Tulad iyon ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Maraming taong walang pakialam sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ng sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sakay ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyon ng matinding katuwaan sa iyo, subalit dapat mong malaman na ang sandali na nasasaksihan mong bumababa si Jesus mula sa langit ay ang sandali rin ng pagbaba mo sa impiyerno para maparusahan. Iyon ang magiging panahon ng pagwawakas ng plano ng pamamahala ng Diyos at gagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga tanda ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan” (“Kapag Namasdan Mo na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).