Read more!
Read more!

Bible Verse of the Day Tagalog - Paliwanag sa Isaias 41:10

Bible Verse of the Day Tagalog

Huwag kang matakot, sapagkat Ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagkat Ako'y iyong Dios; Aking palalakasin ka; oo, Aking tutulungan ka; oo, Aking aalalayan ka ng kanang kamay ng Aking katuwiran.

Sa madilim at masamang lipunang ito, madalas tayong nahaharap sa maraming paghihirap tulad ng pagdurusa sa buhay, pressure mula sa trabaho, pagpapahirap ng karamdaman, pagkabigo sa pag-aasawa, panganib at paghihirap, at hindi natin alam kung paano haharapin ang mga ito. Huwag mag-alala! Basahin ang paliwanag na ito sa Isaias 41:10 para mapalago ang iyong pananampalataya at kalakasan sa lahat ng uri ng mga paghihirap, upang umasa ka sa Diyos para malampasan ang mga ito.

Kapag nakatagpo tayo ng mga paghihirap at panganib, ang mga salita ng Diyos na ito ay makapagbibigay sa atin ng pananampalataya at kalakasan. Ang Diyos ay tapat. Kung palagi tayong aasa sa Kanya sa ating mga puso, sasamahan Niya tayo, papalakasin ang ating pananampalataya, tutulungan tayong mapagtagumpayan ang mga paghihirap, at palalayain tayo sa panganib. Tulad noong ang mga Israelita ay nahaharap sa pagsalakay at paglusob ng mga Filisteo, sila ay labis na natakot at tumakas nang makita si Goliath, isang higanteng Filisteo. Tanging ang batang si David ang nagsabi sa Filisteo, “Ikaw ay naparirito sa akin na may tabak, at may malaking sibat at may kalasag; ngunit ako'y naparirito laban sa iyo sa pangalan ng Panginoon ng mga hukbo, ng Diyos ng mga kawal ng Israel na iyong hinahamon. Sa araw na ito ay ibibigay ka ng Panginoon sa aking kamay(1 Samuel 17:45-46). Ang mga salita ni David ay nagpapakita sa atin na ang Diyos ay may lugar sa kanyang puso at na ang Diyos ay kasama niya, kaya siya ay umasa sa Diyos upang talunin ang malakas na kaaway at makita ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos. Sa ating buhay, nakakaharap din natin ang lahat ng uri ng "kaaway," tulad ng mga pampinsyal na problema sa buhay, masalimuot na pakikipag-ugnayan sa ibang tao, mabibigat na trabaho, panganib at paghihirap. Ngunit hangga't ipinagkakatiwala natin ang ating mga paghihirap sa Diyos at tunay na umasa sa Kanya tulad ng ginawa ni David, bibigyan Niya tayo ng pananampalataya at lakas at tutulungan tayo.

Tulad ng sabi ng mga salita ng Diyos, “Manahimik sa loob Ko, sapagkat Ako ang inyong Diyos, ang inyong tanging Manunubos. Dapat ninyong payapain ang inyong mga puso sa lahat ng sandali at mabuhay sa loob Ko; Ako ang inyong bato, ang inyong tagapagtaguyod. Huwag magkaroon ng ibang isip, ngunit buong-pusong sumandal sa Akin at Ako ay tiyak na magpapakita sa inyo—Ako ang inyong Diyos!

Napakasimple nito ngayon: Tumingin ka sa Akin gamit ang iyong puso at kaagad na magiging malakas ang iyong espiritu. Magkakaroon ka ng landas sa pagsasagawa, at gagabayan Ko ang bawat hakbang mo. Mabubunyag sa iyo ang Aking salita sa lahat ng sandali at sa lahat ng dako. Saanman o kailanman, o gaano man kasama ang kapaligiran, bibigyan Kita ng malinaw na pagtingin, at mabubunyag sa iyo ang Aking puso kung titingin ka sa Akin gamit ang iyong puso; sa ganitong paraan ay tatakbo ka sa iyong patutunguhan at hindi kailanman maliligaw.

Kung nais mong basahin ang marami pang mga salita ng Diyos tungkol sa pag-asa sa Kanya at magkaroon ng higit na pananalig sa Diyos, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng online chat window sa ibaba ng website. Ikalulugod naming makipag-ugnayan sa iyo online.

Share