Bible Verse of the Day Tagalog
Sa buhay, kapag nakakatagpo ka ng isang bagay na hindi mo kayang harapin ng sarili mong kakayahan, huwag kalimutan na sinabi ni Jesus, “Hindi maaari ito sa mga tao, datapuwat hindi gayon sa Diyos: sapagkat ang lahat ng mga bagay ay may pangyayari sa Diyos” (Marcos 10:27). May awtoridad at kapangyarihan ang Diyos at kayang gawin ang mga bagay na itinuturing nating imposible. Hangga't tayo ay may tunay na pananampalataya sa Diyos at tunay na umaasa sa Kanya, makukuha natin ang tulong ng Diyos upang malampasan ang lahat ng mga paghihirap. Ang sumusunod na nilalaman ay makakatulong sa iyo na maunawaan ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos at mapalakas ang iyong pananampalataya sa Diyos. Mangyaring basahin pa.
Sinabi ng Panginoong Jesus, “Hindi maaari ito sa mga tao, datapuwat hindi gayon sa Diyos: sapagkat ang lahat ng mga bagay ay may pangyayari sa Diyos” (Marcos 10:27). Sa tuwing babasahin natin ang talatang ito, mararamdaman natin ang mga salitang ito na may awtoridad at kapangyarihan na hindi taglay ng tao. Ang Diyos lang ang makakagawa ng mga bagay na imposible sa atin at mga bagay na sa tingin natin ay imposible. Gaya ng nakatala sa Bibliya, nang pangunahan ni Moises ang mga Israelita palabas ng Ehipto at wala nang mapuntahan, na may Dagat na Pula sa harap nila at hukbo ng Ehipto sa likuran nila, nanalangin siya sa Diyos, at hinati ng Diyos ang Dagat na Pula, kaya't ang mga Israelita ay nakatawid sa Dagat na Pula nang ligtas; Pagkasabi ni Jesus ng isang salita, si Lazaro, na apat na araw nang patay, ay lumabas sa libingan; Gumamit si Jesus ng isang pangungusap para pakalmahin ang hangin at dagat. Ang mga katotohanang ito ay nagpapatotoo sa awtoridad at kapangyarihan ng Diyos.
Tulad ng sabi ng mga salita ng Diyos, “Ang awtoridad ng Diyos ay nasa lahat ng dako, sa bawat oras, sa bawat sandali. Ang Langit at lupa ay lilipas, ngunit ang Kanyang awtoridad ay hindi kailanman lilipas, sapagkat Siya ay ang Diyos Mismo, Siya ang nag-aangkin ng natatanging awtoridad, at ang awtoridad Niya ay hindi nalalagyan ng hangganan o nalilimitahan ng mga tao, mga pangyayari, o mga bagay, ng espasyo o ng heograpiya. Sa lahat ng panahon, hawak ng Diyos ang Kanyang awtoridad, ipinakikita Niya ang Kanyang lakas, ipinagpapatuloy gaya ng dati ang Kanyang gawaing pamamahala; sa lahat ng panahon ay pinamamahalaan Niya ang lahat ng bagay, naglalaan para sa lahat ng bagay, isinasaayos ang lahat ng bagay—gaya ng palagi Niyang ginagawa. Walang sinuman ang makapagpapabago rito. Ito ay totoo; ito ang hindi nagbabagong katotohanan mula pa noong unang panahon!”
Mula sa mga salita ng Diyos, makikita natin na ang Diyos lamang ang may natatanging awtoridad at ang Kanyang awtoridad ay laging kasama natin, na namumuno sa lahat ng bagay sa atin. Ito ay isang katotohanan na hindi maitatanggi ng sinuman. Maliwanag na ang Diyos na ating pinaniniwalaan ay makapangyarihan at may dakilang awtoridad at kapangyarihan. Kapag nakatagpo tayo ng mga paghihirap, hangga't taos-puso tayong umaasa sa Diyos, matatanggap natin ang Kanyang tulong at malalampasan ang mga ito.
Sabi ng Diyos, “Napakasimple nito ngayon: Tumingin ka sa Akin gamit ang iyong puso at kaagad na magiging malakas ang iyong espiritu. Magkakaroon ka ng landas sa pagsasagawa, at gagabayan Ko ang bawat hakbang mo. Mabubunyag sa iyo ang Aking salita sa lahat ng sandali at sa lahat ng dako. Saanman o kailanman, o gaano man kasama ang kapaligiran, bibigyan Kita ng malinaw na pagtingin, at mabubunyag sa iyo ang Aking puso kung titingin ka sa Akin gamit ang iyong puso; sa ganitong paraan ay tatakbo ka sa iyong patutunguhan at hindi kailanman maliligaw.”
Kung nais mong basahin ang marami pang mga salita ng Diyos upang matuto nang higit pa tungkol sa Kanyang awtoridad at kapangyarihan at magkaroon ng pananampalataya na umasa sa Diyos upang harapin ang lahat ng uri ng hamon sa hinaharap, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng online chat window sa ibaba ng aming website. Halina't mag-usap tayo online!