“Hindi ang bawa’t nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa Akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa Iyong pangalan, at sa pangalan Mo’y nangagpalayas kami ng mga demonyo, at sa pangalan Mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag Ko sa kanila, Kailan ma’y hindi Ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7:21–23).
Mayroong isang uri ng mga tao na laging tumatawag na “Panginoon, Panginoon” at nagpapalaganap ng ebanghelyo, nagtatrabaho nang husto, at nagsasakripisyo para sa Panginoon. Bakit sinabi ng Panginoon na ang gayong mga tao ay manggagawa ng katampalasanan? Maaari kayang hindi makapapasok ang mga tao sa kaharian ng langit sa pamamagitan ng pagsusumikap? Ngayon, sama-sama nating hanapin ang sagot.
Mula sa mga salita ng Panginoon, mauunawaan natin na ang mga gumagawa lamang ng kalooban ng Ama ang makakapasok sa kaharian ng langit. Hindi kailanman sinabi ng Panginoon na ang mga nagtatrabaho nang husto ay maaaring makapasok sa kaharian ng langit. Maraming kapatid ang mayroong ganoong pagkalito: “Ipinangangaral namin ang ebanghelyo ng Panginoon sa Kanyang pangalan, nagsasakripisyo, ginugugol ang aming sarili, at nagtatrabaho ng husto. Ito ay paggawa ng kalooban ng Ama. Sa gayon, sa pagbabalik ng Panginoon, tayo ay madadala sa kaharian ng langit. Ngunit bakit sinasabi ng Panginoong Jesus na ang ganitong uri ng mga tao ay hindi kwalipikadong pumasok sa kaharian ng langit?”
Tingnan muna natin ang mga punong saserdote na Judio, eskriba, at mga Fariseo dalawang libong taon na ang nakalilipas. Alam na alam nila ang mga banal na kasulatan at ipinangaral ang ebanghelyo sa malayo at malawakan. Sa mga mata ng mga tao, marami silang pinaghirapan at nagtrabaho nang husto, kaya sila dapat ang higit na karapat-dapat sa pag-apruba ng Diyos. Ngunit bakit napailalim sila sa sumpa at pagkondena ng Panginoon? Ipinaliwanag nila ang mga batas sa templo upang sabihan lamang ang mga tao roon na sumunod sa batas, ngunit sila mismo ang lumabag dito, sinasamsam ang mga pag-aari ng mga balo at pinapatay ang mga propeta. Ipinaliwanag nila ang mga salita ng mga banal na kasulatan upang maiangat ang kanilang mga sarili para tingalain sila ng iba at sa gayo’y madala sa harap nila ang iba. Hindi sila nagpatotoo kahit kaunti sa Diyos. Nang ang Panginoong Jesus ay dumating upang gumawa, hindi nila ito hinanap o siniyasat, bagkus parang alipin na sumunod sa batas. Bukod rito, kinondena nila, siniraang-puri, at nilapastangan ang Panginoong Jesus batay sa kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon, at sa literal na kahulugan ng mga banal na kasulatan. Upang maprotektahan ang kanilang sariling katayuan at kita, hindi nila pinayagan ang mga mananampalatayang Judio na sundin ang Panginoong Jesus. Inusig nila at inaresto ang mga disipulo ng Panginoong Jesus, at nakipagtulungan sa gobyernong Romano para ipako Siya sa krus. Sa huli, sila ay isinumpa ng Diyos. Mula rito, makikita natin na kahit na ang ilang tao ay maaaring magtrabaho nang husto, magsakripisyo, magdusa, at magbayad ng halaga, hindi ito nangangahulugang kilala nila ang Diyos, sinusunod Siya, at isinasagawa ang mga salita ng Diyos, ni nangangahulugan din na sila ay mga taong nagmamahal sa Diyos, nagpapalugod sa Kanya, at gumagawa ng kalooban ng Diyos. Samakatuwid, hindi maaaring makapasok ang mga tao sa kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng pagtatrabaho nang husto.
Sinabi ng Panginoong Jesus, “Iibigin mo ang Panginoon mong Diyos ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pag-iisip mo. Ito ang dakila at pang-unang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili” (Mateo 22:37–39). “Kung kayo’y magsisipanatili sa Aking salita, kung magkagayo’y tunay nga kayong mga alagad Ko” (Juan 8:31). Mula sa mga salita ng Panginoon, makikita natin na ang tunay na paggawa ng kalooban ng Diyos ay nangangahulugang paggalang sa Diyos bilang pinakadakila sa puso, pagsunod sa gawain at salita ng Diyos, pagsunod sa mga utos ng Diyos, at pagsasagawa ayon sa kalooban at mga kinakailangan ng Diyos. Ibig sabihin, gaano man karami ang ating tinatalikuran at ginugugol, gaano man tayo maghirap sa paggawa, wala dapat tayong personal na mga ambisyon at hangarin at huwag gawin ang mga bagay na ito upang makakuha ng pagpapala, kundi upang sundin at palugurin ang Diyos. Dapat tayong maging masaya na isakripisyo ang lahat para sa Diyos upang sundin ang kalooban ng Diyos, hindi upang makipagkalakalan sa Diyos o humingi ng Kanyang mga gantimpala. Kahit na nahaharap tayo sa mga pagsubok, pagdurusa, o anumang hindi kasiya-siyang mga kapaligiran, dapat wala tayong reklamo laban sa Diyos, sumunod sa mga pangangasiwa at pagsasaayos ng Diyos, at magpatotoo para sa Diyos. Ito lamang ang paggawa ng kalooban ng Diyos. Kung nilalabag natin ang mga kinakailangan ng Diyos at tinalikuran ang Kanyang atas sa atin, hindi tayo mga tao na gumagawa ng kalooban ng Ama.
Sa atin na nagsasabing naniniwala sa Panginoon ngayon, tingnan natin ang ating sarili at tukuyin kung sumusunod ba tayo sa kalooban ng Diyos. Mukha man nating tinatalikuran ang mga bagay-bagay, ginugugol ang ating mga sarili, nagdurusa, at nagbabayad ng halaga para sa Panginoon, ngunit sa katunayan, madalas na bigo nating isagawa ang mga salita ng Panginoon at patuloy na ibinubunyag ang mga satanikong disposisyon tulad ng pagiging mayabang at mapagmataas, buktot at mapanlinlang. Habang sinasabing gumugugol tayo para sa Panginoon, madalas tayong gumagawa ng mga kahilingan sa Panginoon sa ating mga puso at balak na gugulin ang ating mga sarili kapalit ng mga pagpapala ng Diyos. Halimbawa, ang ilang tao ay nag-aasam na gumaling ang kanilang sakit, ang iba ay ang magkaroon ng payapang pamilya, ang iba ay para lumago ang kanilang negosyo, ang iba ay ang magkaroon ng matagumpay na karera, ang iba ay ang makapunta sa langit, atbp. Sa sandaling isaayos ng Diyos ang mga kapaligiran para sa atin na hindi angkop sa ating mga kuru-kuro, o hindi kanais-nais na mga bagay, magkakaroon tayo ng maling pagkaunawa at mga reklamo sa Panginoon, ang ating pananampalataya ay magiging malamig, at magiging negatibo at mahina tayo. Magkakaroon tayo ng mas kaunting motibasyon na gumugol para sa Panginoon kaysa dati at ipagkakanulo ang Panginoon at iiwanan Siya. Makikita mula rito na sa ating paniniwala sa Panginoon, hindi tayo nakatuon sa pagsasanay ng mga salita ng Diyos, pagsunod at pagpapalugod sa Diyos, kundi ito ay nabahiran ng ating sariling mga intensyon at hangarin, at nakikipagpalitan tayo sa Diyos. Puno tayo ng mga tiwaling disposisyon at namumuhay sa kasalanan, kaya paano tayo tatawaging mga taong gumagawa ng kalooban ng Diyos? Paano tayo makapapasok sa kaharian ng Diyos? Ito ay tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus: “Katotohanan, katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailanman: ang anak ang nananahan magpakailanman” (Juan 8:34–35). At sinasabi ng Mga Hebreo 12:14: “Ang pagpapakabanal na kung wala ito’y simoman ay ‘di makakakita sa Panginoon.” Kapag natanggal lamang natin ang ating mga satanikong tiwaling disposisyon at naisagawa ang mga salita ng Panginoon, maaari tayong matawag na mga taong gumagawa ng kalooban ng Diyos, at maging kwalipikadong pumasok sa kaharian ng Diyos.
Basahin muna natin ang ilang mga kasulatan, “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi Siya magsasalita ng mula sa Kaniyang sarili; kundi ang anumang bagay na Kaniyang marinig, ang mga ito ang Kaniyang sasalitain: at Kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13). “Ang nagtatakuwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:48). “Pakabanalin Mo sila sa katotohanan: ang salita Mo’y katotohanan” (Juan 17:17).
Mula rito, nakikita natin na dahil sa ating mga pangangailangan bilang tiwaling sangkatauhan, ang Panginoon ay darating upang gumawa ng isang yugto ng gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos sa mga huling araw upang lubusang dalisayin at iligtas ang sangkatauhan, para hindi na tayo mabigkis at makontrol ng kasalanan. Noong ang Panginoong Jesus ay gumagawa, dahil ang mga tao sa oras na iyon ay may maliit na tayog at hindi maunawaan ang higit pa at mas mataas na mga katotohanan, hindi kailanman sinabi sa atin ng Panginoong Jesus ang lahat ng mga katotohanan na kailangan natin bilang tiwaling sangkatauhan upang makamit ang totoong kaligtasan. Sa halip, sa mga huling araw, ang Panginoong Jesus ay darating upang magsalita sa atin at lilinisin ang mga bahid at maling intensyon at hangarin ng ating paniniwala sa Diyos upang makamit natin ang totoong pagsunod at paggalang sa Diyos. Samakatuwid, kapag naririnig natin ang isang taong sumasaksi na ang Panginoon ay bumalik na upang ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng paghatol, dapat tayong magkaroon ng puso na maghanap at magsiyasat nang may kababaang loob at pakinggan ang tinig ng Diyos. Sa ganitong paraan lamang tayo magkakaroon ng pagkakataon na maging ang mga gumagawa ng kalooban ng Ama, at sa gayo’y madala sa kaharian ng langit.