Patuloy na lumalaki ang mga sakuna at lahat ng mananampalataya ay sabik na hinihintay ang pagparito ng Tagapagligtas, nananabik na maitaas sa kalangitan habang sila’y tulog para makipagkita sa Panginoon at para matakasan ang pagdurusa ng mga tumitinding sakuna ngayon. Bakit sila napakakumpiyansang naghihintay na bumaba ang Panginoong Jesus at dalhin sila pataas para makatagpo Siya? Naniniwala sila na dahil napatawad na ang kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya nila sa Panginoong Jesus, hindi na sila nakikita ng Panginoon na makasalanan, mayroon sila ng lahat ng kailangan nila, at dadalhin sila diretso sa kaharian pagparito ng Panginoon. Pero ang nakalilito para sa marami ay na dumating na ang malalaking sakuna, kaya’t bakit hindi pa pumaparito ang Panginoon? Marami ang nagsimula nang mapaisip kung talaga bang paparito ang Panginoon o hindi. Kung hindi, hindi ba’t nangangahulugan ’yon na maaari silang mahulog sa sakuna at mamatay anumang oras? Maraming pastor ang nagsasabi ngayon na paparito ang Panginoon sa kalagitnaan o sa katapusan ng mga sakuna, hindi alam kung paano pa ito ipaliliwanag. Pero tama ba ’yon? Hindi sinalubong ng mundo ng relihiyon ang Panginoon, pero nangangahulugan ba ’yon na hindi Siya pumarito? Alam nating lahat na nangako ang Panginoon na madadala ang Iglesia ng Philadelphia bago ang mga sakuna at poprotektahan Niya sila mula sa pagdurusa sa mga sakuna. Talaga bang sisirain ng Panginoon ang Kanyang pangako? Hinding-hindi. Totoo na ang Panginoon ay hindi pumarito sakay ng isang ulap para dalhin ang mga mananampalataya sa langit tulad ng nakinita ng mga tao, pero alam nating lahat na ang Kidlat ng Silanganan ay palagiang nagpapatotoo na nagbalik na Siya bilang ang Makapangyarihang Diyos, na nagpapahayag ng maraming katotohanan, at ginagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos. Ang mga tao mula sa lahat ng denominasyon na nagmamahal sa katotohanan ay narinig na ang tinig ng Diyos sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at bumaling sa Kanya, ay nadala sa harap ng trono ng Diyos, kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos araw-araw, dumadalo sa handaan ng kasal ng Cordero. Naranasan nila ang paghatol at paglilinis ng Makapangyarihang Diyos at may matunog na patotoo. Namumuhay sila sa presensiya ng Diyos, masayang pinupuri Siya. Kumpara sa walang katapusang kalagayan ng pagkatakot sa mga sakuna ng mundo ng relihiyon, ito’y gabi at araw. Maraming mananampalataya ang iniisip, ang Makapangyarihang Diyos ba na pinapatotohanan ng Kidlat ng Silanganan ay ang Panginoong nagbalik? Gumagawa ba talaga ang Panginoon ng isang hakbang ng gawain ng paghatol sa mga huling araw? Pero marami pa rin ang may pagdududa, tulad ng, “Napatawad na ng Panginoon ang mga kasalanan ko at hindi Niya ako nakikita bilang isang makasalanan. Dapat Niya akong dalhin diretso sa langit pagbalik Niya. Bakit hindi Niya ako dadalhin agad sa itaas, kundi gagawa pa ng isang hakbang ng gawain ng paghatol sa mga huling araw?” Siyasatin natin nang kaunti ang paksang ito ngayon. Ang pagiging napatawad ba sa ating mga kasalanan ay nangangahulugang makakapasok tayo sa kaharian?
Una, tingnan natin kung may anumang biblikal na batayan para sa ideya na ang mga napatawad na ay maaaring makapunta diretso sa kaharian. Mayroon bang mga salita mula sa Panginoon para suportahan ito? Kailan sinabi ng Panginoong Jesus na ang mga napatawad ang kasalanan ay maaaring direktang makapunta sa kaharian ng langit? Hindi rin sinabi ng Banal na Espiritu na pahihintulutan no’n ang isang tao na diretsong makapasok sa kaharian. Dahil walang biblikal na batayan o mga salita mula sa Panginoon bilang katunayan, bakit napakasigurado ng mga tao na sila’y madadala pagparito ng Panginoon? Wala itong anumang katuturan. Ang Panginoon ay gumawa ng malinaw na pahayag na ito tungkol sa kung sino ang maaaring makapasok sa kaharian ng langit: “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). Mula rito, makasisiguro tayo na ang pagiging napatawad lang ay hindi sapat para makapasok sa kaharian. Bakit hindi ’yon sapat? Unang-una, ang pagiging napatawad sa mga kasalanan ay hindi nangangahulugang nadalisay ka, na nagpapasakop ka sa Diyos, o na isinasakaturapan mo ang kalooban ng Diyos. Malinaw nating nakita lahat na kahit ang mga mananampalataya na napatawad ang mga kasalanan ay palagiang nagsisinungaling, nandaraya, nagiging buktot at mapanlinlang. Mapagmataas sila, at hindi makikinig sa sinuman sa sandaling mayroon na silang kaunting kaalaman sa Biblia. Nakikipaglaban sila para sa kapangyarihan at pakinabang at namumuhay sa kasalanan na kung saan hindi nila mapalaya ang kanilang sarili. Malinaw na ipinapakita nito na sa kabila ng pagiging napatawad, ang mga tao’y marurumi at tiwali pa rin, at nagkakasala sa lahat ng oras. Hindi lang sila nabibigong tanggapin ang katotohanan at magpasakop dito, kundi hinahatulan at nilalabanan nila ang Diyos. Katulad ng mga Fariseo, kinokondena, hinahatulan, at nilalapastangan nila ang Panginoon, at ipinako pa Siyang muli sa krus. Pinatutunayan nito na maaaring napatawad ang mga kasalanan ng sangkatauhan, pero tayo’y marumi at tiwali pa rin, at ang ating tiwaling diwa ay salungat sa Diyos. Sinasabi ng mga salita ng Diyos, “Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t Ako’y banal” (Levitico 11:45). “Ang pagpapakabanal, na kung wala ito’y sinuman ay ’di makakakita sa Panginoon” (Mga Hebreo 12:14). Kaya, iyong mga namumuhay sa kasalanan ay hindi karapat-dapat sa kaharian—wala itong duda, at ganap na natutukoy ng matuwid at banal na disposisyon ng Diyos. Sinong mananampalataya ang mangangahas na ihayag na malaya siya sa kasalanan, na hindi na siya nagkakasala at nakamit na ang kabanalan? Wala ni isa. Kahit iyong mga dakila’t tanyag na espirituwal na tao na nagsulat ng napakaraming espirituwal na gawa ay hindi mangangahas na sabihing naalis na nila ang kasalanan at naging banal na sila. Sa katunayan, magkakapareho ang lahat ng mananampalataya, namumuhay sa kalagayan ng pagkakasala sa araw at pagtatapat sa gabi, mapait na nagpupumiglas sa kasalanan. Lahat sila’y nakararanas ng matinding sakit ng pagkakakulong ng mga gapos ng kasalanan. Ano ang ipinapakita ng katunayang ito? Ipinapakita nito na iyong mga napatawad ang kasalanan ay hindi pa natakasan ang kasalanan at naging banal, kaya maaari nating sabihin nang may katiyakan na hindi sila karapat-dapat sa kaharian ng langit. Tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus, “Katotohanan, katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailanman: ang anak ang nananahan magpakailanman” (Juan 8:34–35). Nakikita natin na walang biblikal na batayan para sa pagpasok sa kaharian dahil napatawad ang iyong mga kasalanan, kundi ito’y pawang kuru-kuro ng tao.
Sa puntong ito, ang unang tanong sa isip ng maraming tao ay, yamang hindi tayo mapapapasok no’n sa kaharian ng langit, ano ang magpapapasok sa atin? Ano ang landas patungo sa kaharian? Sabi ng Panginoong Jesus, “Kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). Ito ang kinakailangan, walang duda. Paano natin makakamit ang paggawa sa kalooban ng Diyos at pagpasok sa kaharian? Sa katunayan, itinuro tayo ng Panginoong Jesus patungo sa landas matagal na panahon na ang nakararaan. Tingnan natin ang mga propesiya ng Panginoong Jesus para sa mas mabuting pagkaunawa. Sabi ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan” (Juan 16:12–13). “Pakabanalin Mo sila sa katotohanan: ang salita Mo’y katotohanan” (Juan 17:17). “Kung ang sinumang tao’y nakikinig sa Aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi Ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi Ako naparito upang humatol sa sanlibutan, kundi upang iligtas ang sanlibutan. Ang nagtatakuwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47–48). “Ang Ama’y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob niya sa Anak ang buong paghatol” (Juan 5:22). Maraming beses na ipinropesiya ng Panginoong Jesus ang Kanyang pagbabalik, at ang mga bersikulong ito ang Kanyang mga propesiya para sa gawaing Kanyang gagawin pagbalik Niya, na pagpapahayag ng maraming katotohanan para gawin ang gawain ng paghatol, pag-akay sa mga tao tungo sa lahat ng katotohanan, ganap na pagliligtas sa sangkatauhan mula sa kasalanan at mula sa mga puwersa ni Satanas, at sa huli’y pagdadala sa atin sa Kanyang kaharian para magkaroon tayo ng magandang destinasyon. Iyon ang dahilan kung bakit talagang dapat nating tanggapin ang gawain ng paghatol ng Panginoon pagbalik Niya. Hanggang sa makamit natin ang katotohanan, hindi tayo maaaring maging ganap na malinis sa katiwalian at ang ating makasalanang kalikasan ay hindi maaaring malutas. Iyon lang ang paraan para alisin ang kasalanan at maging banal, at maging karapat-dapat sa pagpasok sa kaharian ng Diyos. Kailangang malinis ang ating mga tiwaling disposisyon para ganap na malutas ang ating makasalanang kalikasan. Kailangan nating alisin ang ating mga tiwaling disposisyon para mapalaya mula sa mga puwersa ni Satanas at magpasakop sa Diyos at gawin ang Kanyang kalooban. Kung hindi, hindi tayo magkakaroon ng karapatan sa kaharian. Kaya’t maaari tayong makasiguro na tanging ang mga nalinis sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw ang maaaring maging mga gumagawa ng kalooban ng Diyos. Pinatutunayan nito na ang pagtanggap sa paghatol at paglilinis ng Diyos sa mga huling araw ang tanging landas para makapasok sa kaharian. Basahin natin ang ilang sipi ng mga salita ng Diyos tungkol dito. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang isang makasalanang tulad mo, na katutubos pa lang, at hindi pa nabago, o nagawang perpekto ng Diyos, makakaayon ka ba ng puso ng Diyos? Para sa iyo, na ang dating ikaw pa rin, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at na ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa pagliligtas ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka magiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, puno ka ng karumihan, sakim ka at masama, ngunit ninanais mo pa ring bumaba na kasama ni Jesus—hindi ka ganoon kasuwerte! Nalaktawan mo ang isang hakbang sa iyong pananalig sa Diyos: Natubos ka pa lang, ngunit hindi pa nabago. Para maging kaayon ka ng puso ng Diyos, kailangang ang Diyos Mismo ang gumawa ng gawain ng pagbabago at paglilinis sa iyo; kung ikaw ay tinubos lamang, wala kang kakayahang magtamo ng kabanalan. Dahil dito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa magagandang biyaya ng Diyos, dahil nalaktawan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pagperpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang katutubos pa lang, ay walang kakayahang direktang manahin ang pamana ng Diyos” (“Tungkol sa mga Pangalan at sa Pagkakakilanlan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Bagama’t maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay” (Paunang Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ganap na malinaw ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya. Ito’y para lang patawarin ang mga kasalanan ng tao at nakumpleto lang ang kalahati ng gawain ng pagliligtas. Tanging ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ang ganap na makalilinis at makapagliligtas sa sangkatauhan. Kailangang tanggapin ng mga tao ang mga katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos at ang Kanyang paghatol at pagkastigo, tapos ang kanilang katiwalian ay maaaring malinis at mabago at maaari silang maging mga taong sumusunod sa Diyos at ginagawa ang Kanyang kalooban, at karapat-dapat sa Kanyang kaharian. Sa madaling salita, magkakaroon sila ng pasaporte para makapasok sa kaharian ng langit. Masasabi natin na ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos ay ang pinakamahalaga’t pinakaimportanteng hakbang ng gawain ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan, at ito ang hakbang na magtatakda sa pagpasok ng isang tao sa kaharian. Kung mawawala ang pinakaimportanteng hakbang, kung hindi mararanasan ang paghatol at pagiging nalinis ng Makapangyarihang Diyos, ito ay nangangahulugang ganap na pagkabigo sa iyong pananampalataya. Gaano ka man katagal nang nananampalataya, gaano ka man nagsikap magtrabaho o gaano man karami ang isinuko mo, kung tatanggihan mo ang Makapangyarihang Diyos, lahat ’yon ay para sa wala, at pagsuko ’yon sa kalagitnaan. Hindi ka makapapasok sa kaharian. Iyon ay magiging isang panghabambuhay na pagsisisi!
Paano gumagawa ang Diyos para hatulan, linisin, at iligtas ang sangkatauhan para dalhin tayo sa Kanyang kaharian? Basahin natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos: Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos” (“Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang lahat ng nakaranas ng paghatol at pagkastigo ng Diyos ay lubos na nauunawaan na kung wala ang mga salita ng Diyos na naglalantad sa ating katiwalian at diwa, hindi natin makikita kailanman kung gaano kalalim tayong nagawang tiwali, kung gaano kalubha ang ating katiwalian. Kung hindi hinatulan, kinastigo, tinabasan, iwinasto at dinisiplina ng Diyos, hindi natin maaalis kailanman ang ating mga tiwaling disposisyon at mahihirapan pa tayong tunay na makilala ang ating sarili. Hindi nakapagtatakang napakaraming mananampalataya ang hindi maiwasang palaging magkasala at magtapat, tapos ay magtapat at magkasala ulit nang hindi nakikita na ang ugat ng kanilang kasalanan ay ganap na nasa pagiging lubos na nagawang tiwali ni Satanas. Nagkakamali pa rin sila ng paniniwala na maaari silang dumiretso sa langit dahil napatawad sila. Ito’y tunay na bulag at kahangalan, at ganap na walang kamalayan sa sarili. Nakakamit lang ang tunay na pagsisisi sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng Makapangyarihang Diyos, at nakakamit lang ang pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan sa pamamagitan ng pagkilala sa matuwid na disposisyon ng Diyos. Sa gayon lang tayo makakasamba at makakapagpasakop sa Diyos, at magiging mga taong gumagawa ng Kanyang kalooban. Maaari mo lang itong tunay na malaman matapos maranasan ang paghatol ng Diyos sa mga huling araw at malinis.
Ngayon sa tingin ko malinaw na sa atin ang lahat na ang ruta patungo sa kaharian ay napakakongkreto at napakapraktikal, na hindi lang ito pagiging napatawad at paghihintay na dalhin tayo ng Panginoon, tapos dadalhin tayo diretso sa langit. Hindi ’yon makatotohanan—’yon ay ’di magkakatotoong pangarap. Kung gusto nating pumasok sa kaharian ng langit, ang pinakaimportante ay ang pagtanggap sa paghatol at pagkastigo ng Makapangyarihang Diyos para maaaring malinis ang ating katiwalian at maaari nating gawin ang kalooban ng Diyos. Sa gayon magiging karapat-dapat tayong tumanggap ng mga pangako at pagpapala ng Diyos, at madala sa Kanyang kaharian. Kung tatanggi tayong tanggapin ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos, hindi natin makakamit kailanman ang katotohanan at buhay o malilinis ang ating katiwalian. Ang pag-asam lang na dalhin tayo ng Panginoon sa langit sa ganitong paraan ay gawain ng isang hangal, at ang mga taong ’yon ang mga hangal na dalaga na mahuhulog sa mga sakuna, tumatangis at nagngangalit ang mga ngipin. Masasabi natin na ang pagtanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay pagiging naitaas sa harap ng Kanyang trono. Kailangan pa rin nating tanggapin ang mga katotohanang ipinahahayag Niya at ang Kanyang paghatol at pagkastigo, alisin ang katiwalian at malinis, para sa huli ay maaari tayong maprotektahan at mapanatili ng Diyos sa mga sakuna, at makapasok sa magandang destinasyong inihanda Niya. Ang pagtanggap sa Makapangyarihang Diyos sa salita nang hindi tinatanggap ang katotohanan, at hindi nagpapasakop sa Kanyang paghatol at pagkastigo, ay hindi tunay na pananampalataya, at hindi ito pagiging isang taong tunay na nagmamahal sa katotohanan. Hahantong silang nalantad at naalis. Tapusin natin ito sa isa pang sipi mula sa Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Pinakakatawa-tawang mga tao sa mundo yaong mga nagnanais na makamit ang buhay nang hindi umaasa sa katotohanang sinabi ni Cristo, at mga ligaw sa guni-guni yaong mga hindi tinatanggap ang daan ng buhay na dinala ni Cristo. Kaya naman sinasabi Ko na magpakailanmang kamumuhian ng Diyos yaong mga taong hindi tinatanggap si Cristo ng mga huling araw. Si Cristo ang pasukan ng tao patungo sa kaharian sa mga huling araw, at walang sinuman ang makalalampas sa Kanya. Walang sinuman ang maaaring gawing perpekto ng Diyos kundi sa pamamagitan ni Cristo lamang. Naniniwala ka sa Diyos, at sa gayon dapat mong tanggapin ang Kanyang mga salita at sundin ang Kanyang daan. Hindi mo maaaring isipin lamang ang magkamit ng mga pagpapala habang wala kang kakayahang tumanggap ng katotohanan at walang kakayahang tumanggap ng paglalaan ng buhay. Darating si Cristo sa mga huling araw upang mabigyan ng buhay lahat yaong mga tunay na naniniwala sa Kanya. Alang-alang sa pagtatapos ng lumang kapanahunan at ang pagpasok sa bago ang Kanyang gawain, at ito ang landas na dapat tahakin ng yaong lahat ng mga papasok sa bagong kapanahunan. Kung wala kang kakayahang kilalanin Siya, at sa halip pinarurusahan, nilalapastangan, o inuusig din Siya, kung gayon nakatadhana kang masunog nang walang-hanggan at hindi kailanman makapapasok sa kaharian ng Diyos. Dahil ang Cristong ito ang Mismong pagpapahayag ng Banal na Espiritu, ang pagpapahayag ng Diyos, ang Siyang pinagkatiwalaan ng Diyos na gawin ang Kanyang gawain sa lupa. Kaya naman sinasabi Ko na kung hindi mo tatanggapin ang lahat ng ginagawa ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon nilalapastangan mo ang Banal na Espiritu. Maliwanag sa lahat ang ganting matatanggap ng yaong mga lumalapastangan sa Banal na Espiritu” (“Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).