Ipinanganak ako sa isang pamilyang Kristiyano at, noong bata pa ako, sumasama ako sa aking mga magulang sa mga pagsamba. Pinanatili ko pa rin ang aking pananampalataya sa Panginoon nang tumanda na ko at inumpisahang basahin ang Biblia araw-araw at magpunta sa simbahan tuwing Linggo. Hindi ko alam kung bakit, subalit sa paglipas ng panahon, nag-umpisa akong makaramdam ng kahungkagan sa aking puso; hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa Panginoon kapag nananalangin ako at hindi ko nararamdamang naliliwanagan ako kapag binabasa ko ang Biblia. Naramdaman kong napakalayo ko sa Panginoon, at nagdulot ito ng kirot sa aking kalooban. Nang sabihin ko sa aking ama ang tungkol dito, sinabi lamang niya na kinakailangan kong sumampalataya sa Panginoon. Kalaunan, madalas akong naghanap ng mga sermon ng mga pastor upang pakinggan at nanuod ng maraming pelikulang dapat sana’y nakapagbigay-sigla sa aking pananampalataya. Pinagsikapan ko ring itigil ang paggawa ng mga bagay na hindi nakaayon sa mga hinihingi ng Panginoon, subalit nanlalamig pa rin ang puso ko.
Isang araw, nanuod kami ng asawa ko ng isang pelikulang Kristiyano sa YouTube. Nang magsimula ang pelikula, isinusulat ng pangunahing tauhan ang kanyang sariling mga karanasan, at sinabi niya, “Dalawang libong taon na ang nakararaan, nangako ang Panginoong Jesus sa Kanyang mga tagasunod, ‘Narito, Ako’y madaling pumaparito’ (Pahayag 22:7).” Ang pahayag na ito mula sa Biblia ang agad na nakapukaw sa amin. Ang mga propesiya sa Pahayag ay pawang mga hiwaga, at sinasabi dito ng pangunahing tauhan ang tungkol sa propesiyang ito. Ano ang susunod niyang sasabihin? Nagpatuloy kami sa panunuod nang may tumitinding pang-uusisa.
Ang pangunahing tauhan ay inaresto at inuusig ng CCP dahil naniniwala siya sa Diyos. Habang nasa bilangguan, nakilala niya si Kapatid na Zhao na sumasampalataya sa Makapangyarihang Diyos, at nakatiyempo ang kapatid na ito na abutan siya ng isang piraso ng papel. Nakasulat rito na: “Huwag kang masiraan ng loob, huwag manghina, at gagawin Kong malinaw ang mga bagay-bagay para sa iyo. Ang daan tungo sa kaharian ay hindi masyadong patag; walang ganyan kasimple! Nais ninyo na madaling magkamit ng mga pagpapala, hindi ba? Ngayon, ang bawat tao ay magkakaroon ng mapapait na pagsubok na haharapin. Kung wala ang mga ganitong pagsubok, ang mapagmahal na pusong taglay ninyo para sa Akin ay hindi titibay at hindi kayo magkakaroon ng tunay na pag-ibig para sa Akin. Kahit na binubuo lamang ang mga pagsubok na ito ng maliliit na bagay, dapat dumaan ang lahat ng tao sa mga iyon; magkakaiba lamang ang antas ng kahirapan ng mga pagsubok sa bawat tao. … Ang mga nakikibahagi sa Aking kapaitan ay tiyak na makikibahagi sa Aking katamisan. Iyan ang Aking pangako at Aking pagpapala sa inyo” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Sa mga huling araw na ito ay kailangan ninyong magpatotoo sa Diyos. Gaano man kalaki ang inyong pagdurusa, dapat kayong magpatuloy hanggang sa kahuli-hulihan, at maging sa inyong huling hininga, kailangan pa rin kayong maging tapat sa Diyos at magpasakop sa pagsasaayos ng Diyos; ito lamang ang tunay na pagmamahal sa Diyos, at ito lamang ang malakas at matunog na patotoo” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Naantig nang husto ang pangunahing tauhan matapos niyang mabasa ang dalawang pahayag na ito; lubos na gumaan ang kanyang kalooban, at nahanap ang kanyang pananampalataya at lakas. Namangha rin kaming mag-asawa sa dalawang siping ito. Ang mga ito ay may awtoridad, lubhang makapangyarihan, at lubhang nakakaantig! Para bang ang Diyos mismo ang tuwirang nagsasalita sa amin, sinasabi sa amin kung anong dapat naming gawin. Bagamat nakita ko kung gaano kahirap ang landas ng pananampalataya sa Diyos, hindi ko alam kung bakit, ngunit nakadama ako ng kasiyahan mula sa kaibuturan ko, at sa pakikinig sa mga salitang ito nabigyan ako ng pananampalataya at lakas. Hindi ko maiwasang isiping, “Saang lugar sa mundo nanggaling ang mga salitang ito? Maaari nga kayang mga salita ito ng Diyos? Maaari nga kayang nagbalik na ang Panginoon? Ngunit kapag naparito ang Panginoon, dapat naparito Siya na nasa isang alapaap, at hindi pa naman natin nakikita ang anumang palatandaan ng Kanyang pagparito na nasa isang alapaap.” Kahit medyo naguluhan ako, nasiyahan ako talaga sa mga salitang ito, at bumaling akong may pananabik sa aking asawa at sinabing, “Dakila ang mga salitang ito! Hindi pa ako nakabasa ng mga salitang may ganoong kapangyarihan kailanman.” Sandali ko munang inihinto ang pelikula, naghanap ng kuwaderno, at kinopya ang mga salitang ito.
Habang nagsusulat ako, muli kong binasa ang mga ito: “Huwag kang masiraan ng loob, huwag manghina, at gagawin Kong malinaw ang mga bagay-bagay para sa iyo. Ang daan tungo sa kaharian ay hindi masyadong patag; walang ganyan kasimple!” Tumingin ako sa asawa ko at sinabing, “‘Ang daan tungo sa kaharian’?” Naisip ko, “Ang Diyos lamang ang makaaalam kung ano ang daan patungo sa kaharian. Sinasabi ngayon ng mga salitang ito ang tungkol sa landas tungo sa kaharian, at hindi maaaring sinalita lamang ito ng sinumang karaniwang tao—isa itong bagay na Diyos lamang ang makapagsasabi!” Nagpatuloy ako sa pagbabasa: “Ngayon, ang bawat tao ay magkakaroon ng mapapait na pagsubok na haharapin. Kung wala ang mga ganitong pagsubok, ang mapagmahal na pusong taglay ninyo para sa Akin ay hindi titibay at hindi kayo magkakaroon ng tunay na pag-ibig para sa Akin. Kahit na binubuo lamang ang mga pagsubok na ito ng maliliit na bagay, dapat dumaan ang lahat ng tao sa mga iyon; magkakaiba lamang ang antas ng kahirapan ng mga pagsubok sa bawat tao. … Ang mga nakikibahagi sa Aking kapaitan ay tiyak na makikibahagi sa Aking katamisan. Iyan ang Aking pangako at Aking pagpapala sa inyo.” Ang tono ng mga salitang ito ay nagbigay sa akin ng pakiramdam na sinalita ang mga salitang ito ng isang taong may kapamahalaan sa lahat ng bagay, na nagtatapat sa atin at tuwiran at taos-pusong sinasabi sa atin na ang daan tungo sa kaharian ay hindi madali; dapat makaranas ang bawat tao ng magkakaibang dami ng sakit at paghihirap, subalit ito’y para lumago ang ating tunay na pananampalataya sa Diyos at tunay na pagmamahal para sa Diyos—ito ay pag-ibig at pagpapala ng Diyos sa tao. Bigla akong nakakita ng liwanag. Lagi kong pinaniwalaan noon na ang pagsampalataya sa Diyos ay nangangahulugan na ang lahat ng bagay ay dapat na tumakbo nang maayos at walang aberya sa buhay, at na pagpapala ito ng Diyos. Naniwala ako na kung tayo’y nasalanta ng sakuna o kalamidad tulad ng mga hindi mananampalataya, isang masamang bagay iyon, at maniniwala pa akong pinarurusahan tayo ng Diyos. Ilang taon na ang nakalilipas, nawala ang lahat ng aking pag-aari dahil sa isang lindol. Noong panahong iyon, naniwala akong hindi ako binantayan o iningatan ng Diyos, at pinasama ang loob ko nito nang husto habang nanlulumo ako sa aking mga maling-paniniwala tungkol sa Diyos. Ngayong binabasa ko na ang mga salitang ito mula sa pelikula, nagbago ang aking saloobin sa mahihirap na sitwasyong tulad nito, at naisantabi ko sa wakas ang mga maling-paniniwala tungkol sa Diyos na dala-dala ko nang ilang taon. Naunawaan ko na rin na dapat akong sumunod, manalangin sa Diyos, hangarin na maunawaan ang mga ginagawa ng Diyos nang dumating sa akin ang paghihirap at pagdurusa, at sa paggawa nito ay hindi ako magiging mahina at negatibo. Pasalamatan ang Panginoon, nahanap ko rin sa wakas ang landas sa pagtatatag ng tunay na pananampalataya sa Diyos!
Nagpatuloy akong iniisip ang tungkol sa mga salitang: “Ang mga nakikibahagi sa Aking kapaitan ay tiyak na makikibahagi sa Aking katamisan. Iyan ang Aking pangako at Aking pagpapala sa inyo.” Ibinunyag ng mga salitang “tiyak,” “pangako,” at “pagpapala” ang awtoridad at kapangyarihan ng Nagsasalita. May mga ipinapagawa Siya sa atin, ngunit pinangangakuan Niya rin tayo; higit pa roon, may kapangyarihan Siyang tuparin ang mga pangakong ito. Niyanig ng mga salitang ito ang aking puso, at hindi ko lubos na maisip kung paanong parehong-pareho ang tono ng mga salitang ito sa tonong ginamit ng Panginoong Jesus. Katulad noong sabihin ng Panginoong Jesus, “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan Ko” (Juan 14:6–7). “Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang kabuhayan: ang sumasampalataya sa Akin, bagama’t siya’y mamatay, gayon ma’y mabubuhay siya” (Juan 11:25). “Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Malibang kayo’y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit” (Mateo 18:3). Nakapaloob din sa mga salitang ito ang mga hinihingi at pangako ng Panginoon, at kinakatawan ng mga ito ang pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos. Kapag dinirinig natin ang mga ito, nararamdaman natin ang awtoridad at kapangyarihan ng mga salita ng Diyos, at nagkakaroon ng pagpipitagan sa Diyos sa ating mga puso. Nang makita namin na ganito ang mga salitang nasa pelikulang ito, kapwa naramdaman naming mag-asawa na hindi naman parang sinalita lamang ang mga ito ng isang karaniwang tao, kundi parang katulad ng mga ito ang tinig ng Diyos. Gayunman, hindi nanggaling sa Biblia ang mga salitang ito, kaya saang lugar sa mundo nanggaling ang mga ito? Naguguluhan ngunit nasasabik, nagpatuloy kami sa panunuod ng pelikula.
Ikinagulat namin na, sa mga sumunod na bahagi ng pelikula, sinabi ni Kapatid na Zhao sa pangunahing tauhan habang nagtatrabaho sila na nakabalik na ang Panginoong Jesus, at na Siya’y nagkatawang-tao at naparito nang lihim upang tuparin ang gawain ng paghatol at paglilinis sa tao sa mga huling araw. Naguluhan kaming mag-asawa rito noong una, dahil dati na naming pinaniniwalaan na babalik isang araw ang Panginoong Jesus na nasa alapaap. Subalit sinabi ni Kapatid na Zhao sa pelikula na, “Hinihintay lang natin ang pagbalik ng Panginoon batay sa mga propesiya ng Kanyang pagbaba sakay ng ulap, pero nakaligtaan natin ang iba pang mga propesiya tungkol sa pagbalik ng Panginoon. Malaking pagkakamali ito! Maraming bahagi ng Biblia ang naglalaman ng mga propesiya tungkol sa pagbalik ng Panginoon. Halimbawa, ang mga propesiya ng Panginoon: ‘Narito, Ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw’ (Pahayag 16:15). ‘Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya’ (Mateo 25:6). Nariyan din ang Pahayag 3:20, ‘Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko.’ At sa Kapitulo 17 ng Lucas, ‘Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito.’ Binabanggit sa mga propesiyang ito ang pagbalik ng Panginoon na ‘gaya ng magnanakaw,’ ang pagdating ng Anak ng tao, na nagsasalita Siya sa mga tao habang kumakatok sa pinto, at iba pa. ’Di ba nito ipinapakita na sa pagbabalik ng Panginoon, maliban sa pagbaba Niya sa madla na sakay ng ulap, palihim din Siyang bababa? Kung naniniwala tayo na darating lang ang Panginoon na sakay ng ulap, paano matutupad ang mga propesiya na lihim Siyang darating? … Maraming propesiya sa Biblia tungkol sa pagbalik ng Panginoon sa mga huling araw. Kung iwawaksi natin ang iba pang mga propesiya, pero ililimita lang ang paraan ng pagbalik ng Panginoon batay sa isa o dalawang bahagi ng Biblia na bababa Siya sakay ng puting ulap, hindi makatwiran ’yon, ’di ba? Sa gayong paraan malamang na lumagpas ang pagkakataon nating sumalubong sa Kanyang pagbalik, at hindi Niya tayo tanggapin.” Dahil dito, inilabas naman ang aming Biblia at tiningnan isa-isa ang mga salita ng mga talatang ito. Habang ginawa namin ang ito, naisip ko, “Talaga nga palang sinasabi ng mga talatang ito na darating din ang Panginoon nang lihim, kaya’t mukhang hindi lamang ang pagdating ng Panginoon na nasa mga alapaap ang tanging paraan ng Kanyang pagbabalik. Talagang iminulat nito ang aking mga mata.”
Nagpatuloy si Kapatid na Zhao sa kanyang pagbabahagi, na sinasabing, “Ipinropesiya ng Biblia na darating ang Panginoon ‘gaya ng magnanakaw,’ at, ‘Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya.’ ‘Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito.’ Naisakatuparan ng pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos ang mga propesiyang ito. Sa tingin, mukha Siyang karaniwang tao. Nagsasalita Siya na parang normal na tao. Sino ang makakaisip na Siya ang pagpapakita at gawain ng Panginoon? Tinutupad nga nito ang propesiya na babalik ang Panginoon na ‘gaya ng magnanakaw.’ ‘Kaya’t kung hindi ka magpupuyat ay paririyan Akong gaya ng magnanakaw’ (Pahayag 3:3). Ang propesiyang ito ay tumutukoy sa biglang pagkalat ng pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos sa bawat denominasyon, na parang magnanakaw—imposibleng may makaalam nito. Pinatototohanan ng Kanyang mga mangangaral ang Kanyang mga salita sa lahat ng naghahangad sa pagpapakita ng Diyos, at matiyaga nilang ipinapaliwanag ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Ito ang Panginoon na kumakatok sa pinto. Simula nang magpakita at gumawa ang Makapangyarihang Diyos, patuloy na Siyang malupit na tinugis at pinahirapan ng gobyernong Chinese, at dumanas Siya ng baliw na pagkalaban, pagtuligsa, at pagtanggi ng iba’t ibang relihiyon. Marami pa ngang masasamang espiritu at demonyo na hayagang umatake, tumuligsa, at lumapastangan sa Makapangyarihang Diyos online. Lubos nitong tinutupad ang propesiyang binanggit ng Panginoon: ‘Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito.’ Kung hayagan nang bumaba ang Panginoon sakay ng ulap tulad ng palagay ng mga tao, tiyak na luluhod sa pagsamba ang mga trigo, kambing, masasamang lingkod, at anticristo para tanggapin ang Makapangyarihang Diyos. Paano naman sila ilalantad? Palagay ko kahit mga demonyo ng CCP at lahat ng walang pananalig ay tatanggapin din ang Makapangyarihang Diyos. Paano isasagawa ang gawain ng Diyos sa mga huling araw? Kaya kung nagkatawang-tao ang Diyos bilang Anak ng tao para magpakita at gumawa, saka lang matutupad at matatapos ang mga propesiyang ito na binanggit ng Panginoong Jesus, pati na ang gawain ng Panginoon kapag nagbalik Siya sa mga huling araw. …”
Nagpatuloy pa si Kapatid na Zhao, na sinasabing, “Kung hindi natin tatanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, hindi natin mauunawaan ang mga propesiyang ito. Dumating na ang Makapangyarihang Diyos at nagpahayag ng lahat ng katotohanan para dalisayin at iligtas ang sangkatauhan, at ginagawa Niya ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Nakikinig ang Kanyang mga tupa sa Kanyang tinig, at pinakikinggan ng matatalinong dalaga mula sa bawat denominasyon ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos at alam nila na iyon ang katotohanan, na iyon ang tinig ng Diyos, at bumaling na silang lahat sa Makapangyarihang Diyos. Ito ang pagdadala. Nadala sa langit ang mga taong ito sa harap ng luklukan ng Diyos, at nahatulan at nakastigo sa harapan ng hukuman ni Cristo. Sila ang unang dadalisayin, gagawing mga mananagumpay ng Diyos, at magiging mga unang bunga. Tinutupad nito ang propesiyang ito mula sa Pahayag: ‘Ang mga ito’y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka’t sila’y mga malilinis. At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon. Ang mga ito’y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero. At sa kanikaniyang bibig ay walang nasumpungang kasinungalingan: sila’y mga walang dungis’ (Pahayag 14:4–5). Matapos bumaba nang lihim ang Diyos at gawing mga mananagumpay ang grupong ito, kumpleto na ang Kanyang dakilang gawain. Pagkatapos niyon, bababa Siya sakay ng ulap at hayagang magpapakita sa lahat ng bansa, sa lahat ng tao. … Tutuparin niyan ang propesiya sa Pahayag 1:7: ‘Narito, siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya.’ Ito ang magiging tagpo ng hayagang pagbaba ng Panginoon sakay ng ulap, at lahat ay makikita Siya. Makikita rin ng ilan sa mga kumalaban at tumuligsa sa Makapangyarihang Diyos ang Kanyang pagbaba sakay ng ulap, kaya nga ‘lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya.’ Gumagawa ang Diyos nang yugtu-yugto at na may plano. Halos lahat ng propesiya tungkol sa pagbalik ng Panginoon ay natupad na ngayon. Ang natitira na lang ay ang mga propesiya na hayagan Siyang bababa sakay ng ulap pagkaraan ng malaking kapahamakan.”
Makatuwiran at batay sa mga katotohanan ang ginawang pagbabahagi ni Kapatid na Zhao, at natalos ko sa aking puso na tunay ngang naparito na ang Panginoon, na nagkatawang-tao Siya at naparito sa kalagitnaan natin nang lihim! Napagtanto naming mag-asawa kung gaano kami kahangal na lagi kaming kumapit sa ideya na darating ang Panginoon na nasa alapaap, subalit kasabay nito, naramdaman naming napakapalad namin na marinig ang dakilang balita ng pagdating ng Panginoon nang lihim. Hindi nakapagtataka na naramdaman naming na ang mga salitang ito ay talagang may awtoridad at makapangyarihan, na para bang ang mga ito’y tinig ng Diyos. At lumabas na ang mga ito’y tunay ngang mga salitang sinabi ng Diyos Mismo!
Patuloy naming pinanuod ang pelikula nang punung-puno ng kasabikan, at narinig namin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos na nagsasabing: “Maraming taong walang pakialam sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ng sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sakay ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyon ng matinding katuwaan sa iyo, subalit dapat mong malaman na ang sandali na nasasaksihan mong bumababa si Jesus mula sa langit ay ang sandali rin ng pagbaba mo sa impiyerno para maparusahan. Iyon ang magiging panahon ng pagwawakas ng plano ng pamamahala ng Diyos at gagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga tanda ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga tanda, at sa gayon ay napadalisay na, ay nakabalik na sa harap ng luklukan ng Diyos at nakapasok na sa yakap ng Lumikha. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na ‘Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo’ ang sasailalim sa walang-hanggang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga tanda, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng matinding paghatol at nagpapakawala ng tunay na landas ng buhay. Kaya nga maaari lamang silang harapin ni Jesus kapag hayagan Siyang nagbabalik sakay ng puting ulap. Masyado silang sutil, masyadong tiwala sa kanilang sarili, masyadong mayabang. Paano gagantimpalaan ni Jesus ang gayon kababang-uri? Ang pagbabalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga may kakayahang tanggapin ang katotohanan, ngunit para sa mga hindi nagagawang tanggapin ang katotohanan ito ay isang tanda ng paghatol. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at tanggihan ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging mangmang at mayabang, kundi isang taong sumusunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Habang binabasa ko ang mga salitang ito na lumilitaw sa screen, napaisip ako, “Ang mga ‘tinatawag na banal’ ba ang mga hindi tumatanggap sa gawain ng Diyos kapag naparito Siya nang lihim, kundi mga naghihintay lamang sa Panginoong Jesus na dumating na nasa alapaap? Sa maraming taon, halos ang buong mundo ng relihiyon ay naghihintay sa pagparito ng Panginoong Jesus na nasa mga alapaap. Subalit malinaw na sinasabi ng mga salitang ito na kung para tayong bulag na kumakapit sa ideya ng pagparito ng Panginoon na nasa mga alapaap at tumatangging tanggapin ang katotohanan na naparito na ang Diyos nang palihim sa kalagitnaan natin, kung gayon ay mapaparusahan tayo ng Diyos, dahil sa panahong iyon ang gawain ng Diyos sa mga huling araw na paghatol at paglilinis sa tao ay matatapos na. Mabagsik ang tono ng mga salitang ito, at nakararamdam tayo ng takot dahil dito. Subalit kasabay nito, pakiramdam natin ay pinaaalalahanan tayo ng mga salitang ito, pinapayuhan at pinalalakas ang ating loob, sa pag-asang baka sakaling tayo’y maging mga tao na hinahanap at tinatanggap ang katotohanan, at hindi bulag na nilalagyan ng hangganan ang gawain ng Diyos at itinatatwa ang katunayan ng Kanyang pagbabalik. Nararamdaman naming hindi pinapayagan ng disposisyon ng Diyos ang anumang pagkakasala laban sa mga salitang ito, at punong-puno ang mga ito ng awtoridad at kapangyarihan. Maliban sa Diyos, sino pa ang makalulutas sa mga hiwaga ng Biblia tungkol sa pagparito ng Panginoon? Sino pa ang tutukoy ng katapusan ng tao? Tanging Diyos lamang ang makagagawa ng mga bagay na ito.”
Ilang ulit na naming pinanuod ng asawa ko ang pelikulang ito. Niyanig kami ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa pinakasentro ng aming pagkatao at nabunyag ang mga hiwaga ng pagbabalik ng Panginoon; alam naming walang taong makakapagsabi ng mga salitang ito. Hindi kami kailanman nangahas na maniwalang nakabalik na ang Panginoon, ngunit ang katotohanan ay talaga ngang nakabalik na ang Panginoon, at naramdaman naming napakapalad namin at sa aming pagkabigla ay nag-umapaw kami sa tuwa. Hindi kami kailanman nangahas na maniwalang magagawa naming salubungin ang pagbabalik ng Panginoon sa tanang buhay namin!
Tumagal nang ilang araw ang aming pagkasabik. Isang araw, tinawagan ko ang aking asawa habang papunta ako sa trabaho, at habang lalo naming pinag-uusapan ang tungkol dito, lalo pa naming naramdaman na ang mga salitang ito ay mga salita nga ng Diyos. Sinabi niya sa akin nang may pananabik, “Kailangan kong magkaroon ng aklat na ito!” Sabik na sabik kaming malaman kung ano ang susunod na gagawin at kung paano kami makasasalubong sa Panginoon, kaya nang makarating ako sa bahay galing sa trabaho noong araw ding iyon, hinanap naming mag-asawa “Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos” online at natagpuan ang opisyal na website ng Iglesia.
Nang nasa opisyal na website na kami, nakita namin ang aklat na Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao at lubhang nasabik kami. Una, nabasa naming sinasabi ng Makapangyarihang Diyos sa Paunang Salita na: “Ang ‘paniniwala sa Diyos’ ay nangangahulugan ng paniniwala na mayroong Diyos; ito ang pinakasimpleng konsepto patungkol sa paniniwala sa Diyos. Bukod pa riyan, ang paniniwala na mayroong Diyos ay hindi kapareho ng tunay na paniniwala sa Diyos; sa halip, ito ay isang uri ng simpleng pananampalataya na may matitinding kahulugang pangrelihiyon. Ang ibig sabihin ng tunay na pananampalataya sa Diyos ay ang mga sumusunod: Batay sa paniniwala na ang Diyos ang may kapangyarihan sa lahat ng bagay, dinaranas ng isang tao ang Kanyang mga salita at Kanyang gawain, inaalis ang tiwaling disposisyon ng isang tao, pinalulugod ang kalooban ng Diyos, at nakikilala ang Diyos. Ganitong uri lamang ng paglalakbay sa buhay ang matatawag na ‘pananampalataya sa Diyos.’ Subalit madalas ituring ng mga tao ang paniniwala sa Diyos bilang isang simple at walang-kabuluhang bagay. Nawala na sa mga taong naniniwala sa Diyos sa ganitong paraan ang kahulugan ng maniwala sa Diyos, at bagama’t maaari silang patuloy na maniwala hanggang sa kahuli-hulihan, hindi nila kailanman matatamo ang pagsang-ayon ng Diyos, dahil tumatahak sila sa maling landas.” Napabuntong-hininga ako kung gaano kadakila ang mga salitang ito, at alam kong ang mga ito ang katotohanan. Para sa amin, napakahalaga ng mga salitang ito, at ganap na binago ng mga ito ang dati naming mga konsepto tungkol sa pananampalataya sa Diyos. Dati, ang alam lamang namin ay kailangan naming basahin nang basahin ang Biblia, manalangin nang manalangin, at makinig nang makinig sa mga sermon, at masasabi na naniwala kami sa Diyos para lamang pagpalain at mabiyayaan. Wala kaming ideya na ang ibig sabihin ng tunay na pananampalataya sa Diyos ay ang maranasan ang mga salita ng Diyos at trabahuhin ang kinasasaligan ng paniniwalang ang Diyos ang Kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay. Napakalalim at metikulosong ipinaliwanag ng mga salitang ito ang tunay na kahulugan ng pananampalataya sa Diyos at nagbibigay ng ganoon kalinaw na daan pasulong! Lalo akong nakumbinsi na ang mga salitang ito ay galing sa Diyos at tinig ng Diyos; tanging Diyos lamang ang makapagbubunyag ng katotohanan at ng tunay na kahulugan ng pananampalataya sa Diyos nang napakalinaw. Patuloy naming binasa: “Ang Diyos at ang tao ay hindi maaaring banggitin nang magkapantay. Ang Kanyang diwa at Kanyang gawain ay pinakamahirap na maaarok at maintindihan ng tao. Kung hindi personal na ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain at sinasambit ang Kanyang mga salita sa mundo ng tao, hindi mauunawaan ng tao ang kalooban ng Diyos kailanman. Kaya nga, kahit yaong mga naglaan na ng kanilang buong buhay sa Diyos ay hindi matatanggap ang Kanyang pagsang-ayon. Kung hindi sinimulan ng Diyos ang Kanyang gawain, gaano man kahusay gumawa ang tao, mababalewala iyon, dahil ang mga iniisip ng Diyos ay laging magiging mas mataas kaysa mga iniisip ng tao, at ang karunungan ng Diyos ay hindi kayang maintindihan ng tao. Kaya nga sinasabi Ko na yaong mga nagsasabing ‘lubos na nauunawaan’ nila ang Diyos at ang Kanyang gawain ay walang kakayahan; lahat sila ay hambog at mangmang. Hindi dapat bigyang-kahulugan ng tao ang gawain ng Diyos; bukod pa riyan, hindi kayang ilarawan ng tao ang gawain ng Diyos. … Yamang naniniwala tayo na mayroong Diyos, at yamang nais nating palugurin Siya at makita Siya, dapat nating hanapin ang daan ng katotohanan, at dapat tayong humanap ng daan upang makaayon ng Diyos. Hindi tayo dapat makipagmatigasan sa paglaban sa Kanya. Anong kabutihan ang posibleng mangyari sa gayong mga pagkilos?” Pagkatapos basahin ang pahayag na ito, napagtanto ko na tayong lahat ay mga indibiduwal na tao lamang, mga walang-kabuluhan magpakailanman. Sa kabilang dako, ang Diyos ay magiging Diyos magpakailanman. Ang Kanyang mga salita at gawain ay naglalaman ng napakaraming hiwaga na hindi natin maaarok, at pagdating sa gawain ng Diyos, dapat tayong magkaroon ng mapagpakumbaba at naghahanap na saloobin; hindi tayo maaaring gumawa na lamang ng konklusyon nang basta-basta. Ang pahayag na ito ay nagbigay sa atin ng isang landas ng pagsasagawa para sa paghahanap at pag-iimbestiga sa matuwid na daan. Nagbasa pa ko ng mga salita ng Diyos na nagsasabing, “Maaaring nabuksan mo na ang aklat na ito para magsaliksik, o sa hangaring tanggapin ito; anuman ang iyong saloobin, sana’y basahin mo ito hanggang dulo, at hindi mo ito agad isasantabi.” Sa pagbabasa ko nito, naramdaman ko kung gaano kataos sa puso ang mga salitang ito, na para bang tuwirang nakikipag-usap ang Diyos sa amin at patuloy kaming inaakay upang hanapin ang mga salita at gawain ng Diyos. Nagpasya akong patuloy na basahin ang aklat na ito at makipag-ugnayan sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.
Nagpadala kami ng mensahe gamit ang chat function sa website ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at nakipag-ugnayan sa amin ang mga kapatid mula sa Iglesia. Pagkatapos niyon, madalas na kaming nagbabasa ng mga salita ng Diyos kasama ang mga kapatid online, at ibinabahagi ng bawat isa sa amin ang kani-kanyang sariling mga karanasan at pagkaunawa. Habang parami nang parami ang binabasa naming mga salita ng Makapangyarihang Diyos, naunawaan namin ang maraming katotohanan, gaya ng kung paano tinutupad ng Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, ang pagkakaiba sa pagitan ng inililigtas at ng pagtatamo ng ganap na kaligtasan, kung ano ang ibig sabihin ng dinadala o tinitipon, kung anong uri ng tao ang makapapasok sa kaharian ng langit, at ang hiwaga ng pagkakatawang-tao. Partikular na sinasabi ng Makapangyarihang Diyos na: “Nang pumarito si Jesus sa mundo ng tao, pinasimulan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at winakasan ang Kapanahunan ng Kautusan. Sa mga huling araw, minsan pang naging tao ang Diyos, at sa pagkakatawang-taong ito ay winakasan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at pinasimulan ang Kapanahunan ng Kaharian. Lahat ng nagagawang tumanggap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay aakayin tungo sa Kapanahunan ng Kaharian, at bukod pa riyan ay magagawang personal na tumanggap ng patnubay ng Diyos. Bagama’t maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.” “Mula sa gawain ni Jehova hanggang sa gawain ni Jesus, at mula sa gawain ni Jesus hanggang sa gawain sa kasalukuyang yugto, ang tatlong yugtong ito ay sumasaklaw sa kabuuang lawak ng pamamahala ng Diyos, at lahat ng ito ay gawain ng isang Espiritu. Mula nang likhain ang mundo, lagi nang pinamamahalaan ng Diyos ang sangkatauhan. Siya ang Simula at ang Wakas, Siya ang Una at ang Huli, at Siya ang Siyang nagpapasimula ng kapanahunan at Siyang naghahatid sa kapanahunan sa katapusan nito. Ang tatlong yugto ng gawain, sa magkakaibang kapanahunan at lugar, ay tiyak na gawain ng isang Espiritu. Ang lahat ng naghihiwalay sa tatlong yugtong ito ay sumasalungat sa Diyos” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Pagkatapos mabasa ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, naunawaan ko na ang tinupad lamang ng Panginoong Jesus ay ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan, at hindi ang gawain ng paghatol at paglilinis sa tao sa mga huling araw at ang pagliligtas sa tao nang lubusan. Bagamat ang ating pananampalataya sa Panginoon ay nangangahulugang napatawad ang ating mga pagkakasala, hindi napapawi ang ating makasalanang kalikasan, at iyon ang dahilan kung bakit may kakayahan pa rin tayong magkasala sa lahat ng pagkakataon at pagkatapos ay mangumpisal, at hindi nagagawang makawala sa mga tanikala ng kasalanan. Sa kinasasaligan ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, ipinahahayag ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan sa mga huling araw at isinasagawa ang gawain ng paghatol upang linisin at iligtas ang tao nang lubusan. Ang Makapangyarihang Diyos at ang Panginoong Jesus ay iisang Diyos na may magkaibang katawagan at tumutupad ng magkaibang gawain sa iba't ibang kapanahunan. Sa pagdanas lamang ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw maaaring malinis ang ating mga tiwaling disposisyon at maaari tayong maging marapat na makapasok sa kaharian ng Diyos. Napakahalagang malaman natin ang impormasyong ito. Ibinunyag sa atin ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang mga katotohanan at hiwagang ito na may kinalaman sa gawain ng Diyos, at naantig kami nang lubos. Tunay ngang mga salita ng Diyos ang mga ito! Maliban sa Diyos, wala nang ibang makapagtatapos sa matandang kapanahunan at makapaglulunsad ng isang bago.
Dagdag pa rito, ibinubunyag ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang maraming katotohanan na may kaugnayan sa pagsasagawa, gaya ng mga prinsipyo ng pagsasabuhay ng normal na pagkatao, mga prinsipyo ng pagtuturing sa mga tao nang patas, at marami pa. Tunay nga na kayamanan ng mga katotohanan ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, kaya natutupad ang mga salita ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13). Lubos kaming naging kumbinsido na ang Makapangyarihang Diyos ay totoo ngang ang Panginoong Jesus na nagbalik, at ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay mga pagpapahayag ng Diyos, ang balumbon na binubuksan gaya ng pagkakapropesiya sa Pahayag.
Sa pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, naunawaan namin ang maraming katotohanang hindi namin kailanman naintindihan noon, at sa pamamagitan ng pananalangin sa Makapangyarihang Diyos at pagbabasa sa Kanyang mga salita, ang mga hinarap naming mga problema sa pang-araw-araw naming buhay ay nalutas lahat. Tunay na nagsimula kaming mamuhay na harapang kasama ang Diyos, at naramdaman naming napakasaya namin sa kaibuturan ng aming mga espiritu! Natutuhan ko rin kung gaano kahalaga na marinig ang tinig ng Diyos kapag sinasalubong ang Panginoon, at pinasasalamatan ko ang Diyos sa pag-akay sa amin sa bawat hakbang upang marinig ang Kanyang tinig at salubungin ang pagbabalik ng Panginoon!