Kumusta Brother Zhicheng,
Kamakailan lamang, isang tanong ang gumugulo sa akin, at nais kong humingi ng mga sagot mula sa inyo: Maraming taon na akong naniniwala sa Panginoon, at palagi akong tumatalikod, gumugugol sa Diyos, at ginagawa ang gawain ng Panginoon, dahil palagi akong naniniwala na kapag naniwala ako sa ganitong paraan, kapag dumating ang Panginoon, hahayaan ako nitong maitaas sa kaharian ng langit. Ngunit kamakailan lamang, nakita ko sa Biblia na sinabi ng Panginoong Jesus, “Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo'y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo'y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo'y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma'y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7:21-23). Nalilito ako dito. Bakit hindi maaaring pumasok sa kaharian ng langit ang mga nagpapakalat ng ebanghelyo, nagpapagaling ng may sakit, at nagpapalayas ng demonyo sa ngalan ng Panginoon? At bakit sinasabi ng Panginoon na sila ang mga gumagawa ng kasamaan? Nangangahulugan ba ito na tayo na nagtatrabaho, tumatalikod at gumugugol sa Diyos ay hindi yaong mga gumagawa ng kalooban ng Ama sa langit? Ano ang mga pamantayan sa pagpasok sa kaharian ng langit? Maaari ka bang magsabi tungkol sa iyong opinyon?
Muguang
Kumusta Kapatid na Muguang,
Pagbati!
Marami sa ating mga kapatid ang nalilito sa mga tinanong mo. Ibabahagi namin ang pagkaintindi namin tungkol sa iyong mga tanong. Sinabi ng Panginoong Jesus: “Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo'y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo'y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo'y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma'y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7:21-23). Sa talatang ito, sinabi sa atin ng Panginoong Jesus ang pamantayan sa pagpasok sa kaharian ng langit. Mula dito, naiintindihan natin na ang pamantayan kung saan hinuhusgahan ng Diyos kung ang isang tao ay maaaring pumasok sa kaharian ng langit ay hindi nakabatay sa kanyang mga panlabas na pag-uugali, kung ang karamihan sa mga tao ay sumang-ayon sa kanya, o kung gaano siya nagtatrabaho, gumugugol sa Diyos, at tumatalikod, ngunit sa halip ay batay sa kung siya ay isang taong gumagawa ng kalooban ng Diyos.
Gamitin natin ang mga Fariseo upang magpaliwanag. Hindi lamang sila naglakbay patungo sa malalayong sulok ng mundo upang mangaral at magtrabaho, labis na naghirap dahil doon, ngunit kumakapit din sa alituntunin ng Biblia sa lahat ng bagay. At mapagmahal din sila sa mga tao. Sa mga mata ng tao, marami silang nagawang mabubuting bagay at relihiyoso, ngunit nang dumating ang Panginoong Jesus upang gumawa ng bagong gawain, kahit na nakita nila ang awtoridad at kapangyarihan sa gawain at pangangaral ng Panginoong Jesus, hindi sila naghanap o nagsaliksik. Sa halip, natakot sila na kapag sumunod ang mga mananampalataya sa Panginoong Jesus, walang susuporta sa kanila, kaya gumawa sila ng maraming sabi-sabi at nagbigay ng huwad na patotoo upang marahas na hatulan at siraan ang Panginoong Jesus upang hadlangan ang mga Hudyo mula sa pagtanggap sa gawain ng Panginoong Jesus, at sa huli ay nakipagtulungan sa gobyernong Romano upang ipako ang Panginoong Jesus. Mula rito, makikita natin na kahit na tinahak nila ang landas ng pagtalikod at paggugol sa Diyos, hindi nila sinusubukang paluguran ang Diyos, at sa halip ay ginagamit ang kanilang pagtatrabaho at pangangaral bilang isang paraan upang itaas at patotohanan ang kanilang sarili upang ang mga mananampalataya ay tumingala at humanga sa kanila. Ang diwa ng kanilang mga ikinilos ay sinusubukan nilang makipagkumpitensiya sa Diyos para sa mga taga-sunod at dominahin ang mga piniling tao ng Diyos. Ito ay nagpapakita sa atin na sila ay may likas na katangian na kinasusuklaman ang katotohanan at nilabanan ang Diyos. Samakatuwid, sinabi ng Panginoong Jesus na ang ganitong uri ng mga tao ay mga gumagawa ng masama, na ganap na naaayon sa mga katotohanan. Kaya, kahit gaano pa katinding paghihirap ang tila dinadala natin o kung gaano man karaming gawain ang tila ginagawa natin mula sa labas, hindi nito kinakatawan ang pagsunod sa kalooban ng Diyos. Ito ay dahil kung ang ginagawa natin ay hindi ginawa dahil sa pagsaalang-alang sa kalooban ng Diyos at upang paluguran ang Diyos, ngunit sa halip ay nakontamina ng ating sariling mga intensiyon, at ginawa sa ngalan ng ating mga personal na interes, hindi sasang-ayunan ng Diyos ang pagtalikod at paggugol na ito, at kaya naman tiyak na hindi tayo makakapasok sa kaharian ng langit.
Kung ikukumpara natin ang ating mga sarili sa kanila, matutuklasan natin na hindi rin natin sinusunod ang kalooban ng Diyos. Kahit na naniwala tayo sa Panginoon sa loob ng maraming taon, at nagdusa rin, nagtrabaho, tumalikod, at gumugol sa Diyos, hindi maikakaila na nakagapos pa rin tayo sa ating makasalanang kalikasan, madalas na nagkakasala, at walang kakayahan na isagawa ang mga salita ng Panginoon. Halimbawa, madalas tayong nagsisinungaling at nanloloko upang protektahan ang ating mga sariling interes. Matapos nating gumugol ng kaunti para sa Panginoon, iniisip pa rin natin na tayo ang mga labis na nagmamahal sa Panginoon, at nag-uumpisa tayong madalas na ilantad ang ating arogante at mayabang na satanikong disposisyon, gayundin ang pagmamaliit sa ating mga kapatid na hindi tumututol at mahina. Upang panatilihin ang ating mga sariling posisyon, madalas tayong makipag-kompitensiya sa ating mga katrabaho upang magkamit ng yaman at reputasyon. Kapag nagtatrabaho tayo at nangangaral, hindi pa rin natin sinasadyang itaas at patotohanan ang ating sarili upang sambahin tayo ng iba. Habang naniniwala tayo sa Panginoon, nakikipagkalakalan pa rin tayo sa Kanya at hinihingi sa Kanya na biyayaan tayo. Kapag napapahamak o nahihirapan tayo, maaari nating sisihin at kahit pa ipagkanulo Siya. Habang naniniwala tayo sa Panginoon, maaari rin tayong sumamba at sumunod sa mga tao, at pakinggan ang mga salita ng mga tao sa harap ng sa Panginoon. Kahit na labis tayong gumugugol para sa Panginoon, wala tayong paggalang sa Kanya at madalas na ilantad ang mga masama, satanikong disposisyon tulad ng pagkamakasarili, pagmamataas at panlilinlang. Kapag dumarating sa atin ang mga pagsubok, tayo ay nanganganib na ipagkanulo ang Diyos. Kung ganito, paano natin tatawagin ang ating mga sarili na mga taong gumagawa ng kalooban ng Diyos?
Kung ganoon, anong kahulugan ng paggawa ng kalooban ng Ama? Ang isang tao na maaaring gawin ang kalooban ng Ama sa langit ay nangangahulugang maging isang taong maaaring mahalin ang Diyos, at papurihan ang Diyos bilang dakila, na may takot sa Diyos at tinatalikuran ang kasamaan, na nagsasagawa ng salita ng Diyos, na sumusunod sa mga utos ng Diyos, na madalas na nagpupuri at nagpapatotoo sa Diyos, na totoong gumugugol paa sa Panginoon nang hindi humihingi ng anuman o naghahanap ng anumang kapalit, na kayang manindigan at magpatotoo sa Diyos sa kabila ng mga pagsubok, at sumusunod sa mga orkestrasyon at pagsasaayos ng Diyos. Ito ang kahulugan ng paggawa ng kalooban ng Diyos. Gaya ng sinabi ng Panginoong Jesus: “Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. Ito ang dakila at pangunang utos” (Mateo 22:37-38). Kahit na maaari tayong masigasig na gumugol para sa Panginoon, nakatuon lamang tayo sa paggawa ng mga panlabas na gawa, at bihirang magsagawa o maranasan ang mga salita ng Panginoon. Samakatuwid, bagama't naniwala tayo sa Panginoon sa loob ng maraming taon, wala tayong lubos na kaalaman tungkol sa Kanya, ni hindi tayo natatakot sa Kanya, at lalo nang hindi natin nagawang baguhin ang ating masamang disposisyon. Bukod pa rito, tayo ay madalas na nabubuhay sa estado ng pagkakasala at pagkumpisal, at hindi pa mga tao na masunurin sa Diyos. Kaya, kahit gaano pa ang maging pagdurusa o pagtrabaho, at kahit gaano pa karaming mabubuting gawain ang mukhang ginagawa natin, kung hindi natin maisasagawa ang mga salita ng Panginoon at maging isang tao na nagmamahal at sumusunod sa Panginoon, hindi natin matatamo ang pagsang-ayon ng Diyos, at hindi nararapat na pumasok sa kaharian ng langit. Dahil napakalinaw na sinabi sa atin ng Panginoong Jesus: “Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21).
Mula rito, maiintindihan natin na ang pagtatrabaho at pagkilos lamang ay hindi makakamit ang pagsang-ayon ng Diyos. Tanging sa taimtim na pagsasagawa ng salita lamang ng Panginoon, pinananatili ang mga turo ng Panginoon habang nagtatrabaho tayo, hinahanap ang taos-pusong pag-ibig at pagsunod sa Diyos, at nagiging isang taong gumagawa ng kalooban ng Diyos ay makapapasok tayo sa kaharian ng langit. Kapatid na Muguang, umaasa ako na nakatulong sa iyo ang pagbabahagi sa itaas, at sana ay maipagpatuloy natin ang pag-uusap sa sulat kung may iba ka pang mga katanungan.
Zhicheng