Unang Pananaw:
“Sapagka’t ang ating pagkamamamayan ay nasa langit; mula doon ay hinihintay naman natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesucristo: Na siyang magbabago ng katawan ng ating pagkamababa, upang maging katulad ng katawan ng kaniyang kaluwalhatian, ayon sa paggawa na maipagpapasuko niya sa lahat ng mga bagay sa kaniya” (Filipos 3:20–21).
“Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka’t tutunog ang pakakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin” (1 Corinto 15:52).
Sa pamamagitan ng mga talatang ito, iniisip ng ilang tao na ang Panginoon ay makapangyarihan, kaya kapag bumalik Siya at nagpakita sa atin, ang mga imahe ng ating laman ay mababago sa isang iglap, sa isang kisap-mata, at tayo ay aangat sa langit upang salubungin ang Panginoon, at hindi na tayo maghihirap mula sa kontrol at pagkakatali ng kasalanan, at magiging ganap na banal at papasok sa kaharian ng langit.
Ikalawang Pananaw:
“Kayo’y mangagpakabanal; sapagka’t ako’y banal” (1 Pedro 1:16).
“Narito, ako’y madaling pumaparito; at ang aking ganting-pala ay nasa akin, upang bigyan ng kagantihan ang bawa’t isa ayon sa kaniyang gawa” (Pahayag 22:12).
Batay sa mga salitang ito ng Panginoong Jesus, iniisip ng ilang tao na ang Panginoon ay matuwid at banal, kaya gagantimpalaan o parurusahan Niya ang bawat isa ayon sa kanilang mga aksyon kapag Siya ay bumalik. Gayunpaman, kung, kahit nakagawa man tayo ng mga kasalanan o hindi, gagawin tayong banal ng Panginoon kaagad at direkta tayong ira-rapture sa kaharian ng langit, kung gayon ang pagpasok sa kaharian ng langit ay kaunti lang ang kinalaman sa ating mga gawa. Kung ganito ang mangyayari, gayon ang sinabi ba ng Panginoong Jesus, “upang bigyan ng kagantihan ang bawa’t isa ayon sa kaniyang gawa,” ay mapapawalang halaga? Samakatuwid, hindi sila sumasang-ayon sa pananaw na ang mga tao ay mababago kaagad at mara-rapture sa makalangit na kaharian.
Sunod, magfefellowship tayo tungkol sa kung ang mga tao ba ay mababago kaagad at madadala sa kaharian ng langit.
Ang pananaw na ang mga tao ay mababago kaagad at madadala sa makalangit na kaharian ay batay sa sinabi ni Pablo, “Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka’t tutunog ang pakakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin” (1 Corinto 15:52). Tulad ng alam natin, ang Panginoong Jesus ay hindi kailanman sinabi na ang tao ay mababago kaagad at ibabalik sa kaharian ng langit, at kahit ang Kanyang mga alagad maliban kay Pablo ay nagsabi ng gayong bagay. Gayunman, maaari bang gamitin ang salita ni Pablo bilang batayan para sa mga pinaniniwalaan ng mga mananampalataya? Ang Panginoong Jesus ay ang Hari ng makalangit na kaharian, ang Tagapagpahayag ng katotohanan; ang mga salita lamang ng Panginoon ang nagdadala ng awtoridad. Kaya, sa bagay na pagpasok sa kaharian ng langit, dapat lamang nating sundin ang mga salita ng Panginoong Jesus bilang pangwakas. Si Pablo ay isang tao lamang, isang apostol na inatasan upang ipalaganap ang ebanghelyo; hindi siya si Cristo, at hindi maipapahayag ang katotohanan, at ang sinabi niya ay maaari lamang kumatawan sa kanyang sariling mga karanasan at kaalaman. Kaya hindi maiiwasan na ang kanyang salita ay nahahaluan ng kalooban ng tao. Bukod dito, hindi nangahas si Pablo na magsabi na ang kanyang salita ay kinasihan ng Diyos, ni banggitin na ang kanyang mga sulat bilang salita ng Diyos; madalas niyang sinimulan ang kanyang mga sulat sa mga simbahan nang “Si Pablo, na tinawag na maging apostol ni Jesucristo sa pamamagitan ng kalooban ng Dios” (1 Corinto 1:1) o “Si Pablo at si Timoteo, na mga alipin ni Cristo Jesus” (Filipos 1:1), o iba pang kahalintulad na salita. Maliwanag na ang salita ni Pablo ay hindi maaaring kumatawan sa salita ng Diyos, at hindi siya ang magpapasya kung makakapasok tayo sa kaharian ng langit. Kaya, mali para sa atin na maghintay na maitaas sa makalangit na kaharian sa pagbabalik ng Panginoon batay sa salita ni Pablo.
Sa katunayan, ang pagpasok sa makalangit na kaharian ay hindi kasing simple ng iniisip natin. Sinabi ng Panginoong Jesus, “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). Malinaw ang mga salita ng Panginoon. Tanging ang mga gumagawa lamang ng kalooban ng makalangit na Ama ang makakapasok sa kaharian ng langit. Tinutukoy nila ang mga tao na hindi lamang nagtatrabaho at gumugugol para sa Diyos ngunit sumusunod din sa mga salita ng Diyos at isinasagawa ang mga ito sa lahat ng bagay; ang lahat ng ginagawa nila ay para mapalugod at mahalin ng Diyos. Tulad ni Abraham, hindi siya nangatwiran sa Diyos, ni nagreklamo tungkol sa Diyos nang hilingin ng Diyos na ibigay ang kanyang nag-iisang anak na si Isaac bilang handog; sa halip, talagang ibinalik niya si Isaac sa Diyos ayon sa mga kinakailangan ng Diyos. Sa huli, dahil sa kanyang patotoo ng pagsunod, si Abraham ay naaprubahan ng Diyos. Si Pedro ay isa pang halimbawa: Maaari niyang pastulan ang simbahan alinsunod sa mga iniaatas ng Diyos nang ipinagkatiwala sa kanya ng Diyos ang simbahan; nang naharap sa pagpako sa krus sa kaniya ng gobyerno ng Roma, kaya niyang sumunod sa kamatayan, at ipinako sa krus para sa Diyos, na may dalang matunog na patotoo. Makikita na ang mga gumagawa ng kalooban ng Ama sa langit ay hindi lamang ginugol ang kanilang sarili para sa Diyos sa panlabas, ngunit mayroon ding patotoo ng pagsunod, at pagpapakita ng pag-ibig sa Diyos. Kung gayon, tingnan natin kung ano ang pamumuhay natin sa ating pananalig sa Diyos. Madalas tayong namumuhay sa kasalanan, kumikilos nang may kasakiman at may masamang pag-iisip, at nagmamalasakit lamang sa ating mga interes sa lahat, kahit na maaari tayong magtrabaho para sa Panginoon, magdusa at magbayad ng presyo upang maikalat ang ebanghelyo; madalas tayong nagsasabi ng kasinungalingan sa kabila ng ating sarili para sa ating kapakanan, at kapag ang iba ay gumawa ng isang bagay na lumalabag sa ating mga interes, makikipaglaban tayo sa kanila, na hindi lubos na maisasagawa ang mga salita ng Panginoon, nang walang kaunting paggalang sa Panginoon; patuloy lang tayong nananalangin sa Panginoon para sa kapayapaan at kagalakan kapag nangyayari sa atin ang hindi kasiya-siyang bagay, at hindi nakatuon sa paghahanap ng kalooban ng Panginoon at pagsasanay sa Kanyang mga salita, at sisihin at huhusgahan natin ang Panginoon kapag hindi Niya tinanggal ang mga hindi kanais-nais na bagay…. Ang lahat ng ito ay nagpapakita na talagang wala tayong pagsunod o pagmamahal sa Diyos, at hindi ang mga taong gumagawa ng kalooban ng makalangit na Ama. Kaya, paano posible na babaguhin ng Panginoon ang ating mga imahe kaagad at dadalhin tayo sa makalangit na kaharian kapag bumalik Siya?
Bilang karagdagan, ang dahilan kung bakit kaya nating tanggapin ang mga salita ni Pablo bilang pamantayan sa pagpasok sa makalangit na kaharian ay dahil hindi natin gusto ang katotohanan. Malinaw nating nalalaman na mayroon tayong katiwalian sa loob ng ating sarili, ngunit ayaw nating talikuran ang ating laman at isagawa ang salita ng Panginoon upang mabago ang ating sarili. Naghihintay lamang tayo sa Panginoon na baguhin ang ating mga imahe kaagad sa Kanyang pagbabalik upang makamit natin ang mga pagpapala mula sa Kanya nang hindi kinakailangan na maghirap o magbayad ng isang presyo. Bilang resulta, ginagamit natin ang mga salita ni Pablo upang maaliw ang ating sarili. Sa totoong buhay, wala sa atin ang nakatuon sa pagsasagawa ng mga salita ng Panginoon, at madalas nating pinapalayaw ang ating sarili, nagbibigay ng libreng laya sa pagkalat ng kasalanan, at walang katiting sa puso na pagkatakot sa Diyos. Nabubuhay tayo sa kasalanan tulad ng isang hindi naniniwala, at hindi nagsisisi, ngunit madalas nating sinasabi, “Naniniwala ako sa Panginoon nang maraming taon, pinatawad ng Panginoon ang aking mga kasalanan, at kapag bumalik ang Panginoon, gagawin Niya akong banal kaagad, kaya’t ako ay magiging kwalipikado pa rin upang makapasok sa kaharian ng langit.” Sa totoo lang, ang ating pananampalataya na tulad nito ay mauuwi sa wala sa huli. Sabi ng Diyos, “Kayo’y mangagpakabanal; sapagka’t ako’y banal” (1 Pedro 1:16). Kung hindi natin maiiwasan ang ating tiwaling disposisyon o matamo ang paglilinis, hindi natin makikita ang mukha ng Diyos. Posible na ang mga taong gumagawa lamang ng kalooban ng Ama sa langit ang mababago kaagad at mara-rapture sa kaharian ng langit; gayunpaman, tayo na madalas na nagkakasala ay hindi kailanman mababago kaagad at dadalhin sa kaharian ng langit.
Ang ilang mga tao ay nagsasabi, “Ang Diyos ay makapangyarihan, kaya bakit hindi Niya tayo baguhin agad at gawing banal tayo sa isang salita?”
Tunay na totoo na ang Diyos ay makapangyarihan. Nilikha ng Diyos ang kalangitan at lupa at lahat ng mga bagay ng isang salita; Muling binuhay ng Diyos si Lazaro ng isang salita. Tiyak, kaya ng Diyos na agad na baguhin tayo at gawin tayong banal sa Kanyang awtoridad at kapangyarihan, ngunit hindi Niya gagawin, sapagkat may mga panuntunan sa likod ng gawain ng Diyos. Ang Diyos ay may Kanyang makapangyarihang aspeto pati na rin ang Kanyang praktikal na aspeto, at hindi Siya kailanman gumagawa ng anumang bagay na walang layunin.
Sa panahon ni Noe, ang sangkatauhan ay napinsala nang malalim, na nagpasasa sa pagkain, pag-inom, paggawa ng kasiyahan, kasamaan, at prostitusyon. Nabubuhay sa kasalanan, wala silang lugar para sa Diyos sa kanilang mga puso; ayaw nilang sumamba sa Diyos. Ito ang dahilan kung bakit nagpasya ang Diyos na sirain ang masamang sangkatauhan na ito. Bago winasak ng Diyos ang masamang mundo, inutusan Niya si Noe na itayo ang arka; Sinunod ni Noe ang panuto ng Diyos at ginugol ang higit sa 100 taon na itinayo ito. Gayundin, sa panahong ito, ipinangaral ni Noe ang ebanghelyo sa mga tao na nakapaligid sa kanya, ngunit walang naniniwala sa kanyang mga salita. Ang pangwakas na resulta ay nang dumating ang oras ng Diyos, ipinadala ng Diyos ang baha upang lipulin ang lahat sa oras na iyon, at ang pamilya lamang ni Noe na walo ang nakaligtas sa baha dahil natatakot si Noe sa Diyos at iniwasan ang kasamaan. Sa ating mga paniwala at imahinasyon, palagay natin na dapat ay dinala muna ng Diyos ang pamilya ni Noe kaagad sa himpapawid dahil Siya ay makapangyarihan, kaya’t hindi na kailangang maglagay ng maraming pagsisikap si Noe sa pagtatayo ng arka. Ngunit, bakit hindi ito ginawa ng Diyos? Posible bang ang Diyos ay walang kakayahang gawin ito? Syempre hindi. Mula nang simulang itayo ni Noe ang arka hanggang sa makumpleto niya ito, ang Diyos, dahil sa pag-ibig at pagmamalasakit sa sangkatauhan, na umaasa pa rin at hinihintay na magsisi ang sangkatauhan at tumalikod mula sa kanilang masasamang pamamaraan, na kung saan ipinakita ang Kanyang sukdulang pagpapaubaya at awa sa sangkatauhan. Tanging kung ang sangkatauhan ay hindi maiiligtas, kailangan ng Diyos na puksain sila.
Gayon tayo ay kumuha ng halimbawa, Nang ang Panginoong Jesus ay naging laman upang tubusin ang sangkatauhan. Nabuhay Siya sa mundo nang tatlumpu’t tatlo at kalahating taon, nakaranas ng pagdurusa sa mundo, at tinanggihan, siniraang-puri at hinatulan ng sangkatauhan; sa huli, Siya ay malupit na ipinako sa krus bilang handog ng kasalanan para sa sangkatauhan. Sa pagsasalita tungkol sa pagpapako sa Panginoon, karaniwang iniisip natin na hindi na dapat ipako sa krus ang Diyos dahil Siya ay napaka-makapangyarihan, at sa isang salita, maaaring matubos ng Diyos ang sangkatauhan sa kasalanan. Gayunpaman, ang gawain ng Diyos ay salungat sa ating mga palagay. Personal na nagkatawang-tao ang Diyos bilang Anak ng tao at dugo upang maisagawa ang Kanyang gawain, at inaalay ang Kaniyang sarili bilang handog na kasalanan upang tubusin ang sangkatauhan, upang sila ay mabuhay dahil sa Kanyang pagtubos. Ipinapakita nito ang praktikal na panig sa gawain ng Diyos. Bilang karagdagan, mula sa muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus na naganap tatlong araw pagkatapos Siyang namatay, makikita natin na ang Diyos ay nagtataglay ng dakilang kapangyarihan, at may awtoridad na makawala sa mga gapos ng kamatayan at Hades. Ganitong aspeto ng pagka-makapangyarihan ang ipinakikita ng Diyos. Kung sa oras na iyon ay pinatawad ng Diyos ang lahat ng kasalanan ng sangkatauhan sa isang salita, kung gano’n paano mailalantad ang mala-demonyong kakanyahan ng paglaban sa Diyos ng mga Fariseo? Paano makukumbinsi si Satanas? At paano maipakikita ang matuwid na disposisyon ng Diyos? Maliwanag, na ginagamit ng Diyos ang Kanyang praktikal na gawain upang mailantad ang lahat ng mga tao, na naghihiwalay sa mga mapagmahal sa katotohanan mula sa mga napopoot sa katotohanan; kasabay nito, sa pamamagitan ng Kanyang praktikal na gawain, maaari niyang talunin si Satanas, ipahiya si Satanas at makumbinsi ito. Ipinapakita nito sa atin na ang Diyos ay napaka-makapangyarihan at marunong.
Ngayon, nauunawaan natin na ang bawat hakbang ng gawain ng Diyos ay ginagawa sa atin ng praktikal sa pamamagitan Niya, at ito ay hindi lamang magliligtas at magpeperpekto sa tao kundi ilalantad rin ang tao at aalisin. Tulad ng alam nating lahat, sa mga huling araw, gagawin ng Diyos ang gawain sa paghihiwalay ng lahat ayon sa kanilang uri; Ihihiwalay Niya ang trigo sa mga damo, mga tupa mula sa mga kambing, at ang mga mabubuting alipin mula sa mga masasamang lingkod. Kung hindi gagampanan ng Diyos ang Kanyang gawain nang praktikal, paano mailalantad ang mga tunay na mananampalataya at ang mga huwad na mananampalataya? Kaya, ang ating pag-asa sa Panginoon na agad na baguhin tayo at dalhin tayo sa makalangit na kaharian batay sa ating mga pang-unawa at imahinasyon ay hindi sumusunod sa praktikal na gawain ng Diyos.
Dahil may praktikal na panig sa gawain ng Diyos, hindi Niya agad na babaguhin ang ating mga imahe at dadalhin tayo sa kaharian ng langit. Kung gayon paano gagawin ng Diyos ang Kanyang gawain ng paglilinis sa tao sa mga huling araw?
Sa totoo lang, mayroong mga propesiya sa Bibliya na binabanggit ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Halimbawa, “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13); “Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:48); “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Pedro 4:17). Sinasabi sa atin ng mga propesiya na ito na kapag ang Diyos ay bumalik sa mga huling araw, ipapahayag Niya ang katotohanan upang gawin ang gawain ng paghatol, gagabayan tayo sa lahat ng katotohanan, at praktikal na lulutasin ang ating makasalanang kalikasan, upang makamit natin ang paglilinis. Kaya, ang gawain ng paglilinis ng Diyos ay talagang hindi kasing simple ng sandali ng pagbabago sa ating imahinasyon. Tulad ng sinasabi ng isang sipi ng mga salita, “Kailangan ninyong makita ang kalooban ng Diyos at makita na ang gawain ng Diyos ay hindi kasing-payak ng paglikha sa mga kalangitan at lupa at sa lahat ng bagay. Dahil ang gawain sa kasalukuyan ay ang baguhin ang mga nagawa nang tiwali, na naging labis na manhid, at dalisayin ang mga nilikha na pagkatapos ay inimpluwensyahan ni Satanas, hindi para likhain sina Adan o si Eva, lalong hindi upang gawin ang liwanag o likhain ang lahat ng uri ng mga halaman at hayop. Ang Kanyang gawain ngayon ay gawing dalisay ang lahat ng nagawa nang tiwali ni Satanas upang sila ay mabawi at maging kung anong mayroon Siya at maging Kanyang kaluwalhatian. Ang ganoong gawain ay hindi kasing-payak ng inaakala ng tao na paglikha ng kalangitan at lupa at ng lahat ng bagay, at hindi rin ito katulad ng gawaing pagsumpa kay Satanas sa walang-hanggang kalaliman gaya ng inaakala ng tao. Sa halip, ito ay upang baguhin ang tao, upang yaong negatibo ay gawing positibo at upang gawin kung anong mayroon Siya yaong hindi naman sa Kanya. Ito ang kuwentong napapaloob sa yugtong ito ng gawain ng Diyos. Kailangan ninyo itong mapagtanto, at hindi dapat pasimplehin nang husto ang mga bagay-bagay. Ang gawain ng Diyos ay hindi katulad ng anumang karaniwang gawain. Ang hiwaga nito ay hindi maiisip ng utak ng tao, at ang karunungan nito ay hindi makakamit ng gayon. Sa yugtong ito ng Kanyang gawain, hindi nililikha ng Diyos ang lahat ng bagay, at hindi Niya winawasak ang mga iyon. Sa halip, binabago Niya ang lahat ng Kanyang nilikha at dinadalisay ang lahat ng bagay na nadungisan na ni Satanas. Kaya, nararapat na simulan ng Diyos ang gawain na lubhang napakalaki, at ito ang buong kahalagahan ng gawain ng Diyos. Mula sa mga salitang ito, naniniwala ka ba na ang gawain ng Diyos ay napakapayak?” (“Napakapayak ba ng Gawain ng Diyos na Tulad ng Inaakala ng Tao?”)
Ang aktwal na mga katotohanan ay tulad ng sinabi ng talatang ito. Sa pasimula, nilikha ng Diyos ang langit at lupa at ang lahat ng mga bagay sa isang salita. Matapos tayong mga tao ay napinsala ni Satanas, ang mga satanikong lason ay naging ating buhay, tulad ng “Ako ang sarili kong panginoon sa buong langit at lupa,” “Hayaang lumago ang mga sumusunod sa akin at mamatay ang mga tumututol sa akin,” “Habang nabubuhay ang puno para sa balat nito, nabubuhay naman ang tao para sa kanyang mukha,” at “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba.” Sa pamumuhay sa mga satanikong lason na ito, ang isinasabuhay natin ay ang pagiging mapagmataas at kapalaluan, katusuhan at kabuktutan, at pagka-makasarili, at iba pang mga satanikong disposisyon. Hindi natin naisasagawa ang mga salita ng Panginoon, at madalas na nabubuhay sa kasalanan at nilalabanan ang Diyos, nawawala ang pagkakahawig sa taong nilikha ng Diyos sa pasimula. Sa mga huling araw, ipinahahayag ng Diyos ang katotohanan at ginagawa ang paghatol upang malutas ang ating katiwalian, at sa parehong panahon ay praktikal Niyang pinakikitunguhan at pinupungusan tayo, at sinusubukan at pinipino tayo, upang makita natin nang malinaw ang katotohanan ng ating katiwalian ni Satanas at ang pinagmulan ng ating pagtutol sa Diyos, makatamo ng ilang totoong kaalaman sa matuwid na disposisyon ng Diyos at ang Kanyang kabanalan, at magkaroon ng isang puso na may paggalang sa Kanya. Sa gayon maaari lamang nating tunay na kapootan ang ating mga tiwaling disposisyon, ipagkanulo ang ating sarili, at kumilos alinsunod sa mga salita ng Diyos. At kapag mas isinasagawa natin ang katotohanan, mas higit na paggalang at pagsunod sa Diyos ang magkakaroon tayo sa ating mga puso; sa huli, matututunan natin na sundin ang mga salita ng Diyos sa lahat ng bagay, at maging mga taong gumagawa ng kalooban ng Diyos. Ibig sabihin, nangangailangan ito ng mahabang proseso para payagan tayo ng Diyos na napinsala nang malalim na makamit ang katotohanan at maging mga taong nakakaalam at sumusunod at sumasamba sa Diyos. Kaya, ang gawaing ginagawa ng Diyos at ang halaga na binabayaran Niya sa atin sa mga huling araw ay mas higit na malaki kaysa sa yaong nasa paglikha ng Diyos sa mundo. Ang Diyos ay gumagawa sa atin ng praktikal; kailangan nating sumailalim sa mga pagdurusa at makipagtulungan sa Diyos. Tinatanggap natin ang paghahatol at pagparusa ng mga salita ng Diyos, nararanasan ang Kanyang gawain, at isinasagawa ang Kanyang mga salita, at sa gayon lamang na maaari nating tanggalin nang paunti-unti ang ating katiwalian, at sa huli, tayo ay magiging mga taong nakikinig sa mga salita ng Diyos at lumalakad sa daan ng Diyos. Sa gayon, nakakamit tayo ng Diyos, habang kasabay nito ay tinatalo Niya si Satanas. Ito ang kinakailangang proseso kung saan makakamit natin ang buong kaligtasan. Tulad ng sa Pahayag 22:14 na propesiya, “Mapapalad ang nangaghuhugas ng kanilang damit, upang sila’y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay, at makapasok sa bayan sa pamamagitan ng mga pintuan.”
Samakatuwid, kapag naririnig ang isang tao na nagpapatotoo na ang Panginoon ay bumalik na, at ipinahayag ang katotohanan upang gawin ang gawain ng paghatol at pagdadalisay sa mga huling araw, dapat nating agad na isantabi ang ating pananaw na tayo’y mababago kaagad at mara-rapture sa makalangit na kaharian, at tanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Sa ganitong paraan maaari lamang tayong magkaroon ng pagkakataong makamit ang pagdadalisay at makapasok sa kaharian ng langit.