Read more!
Read more!

Bakit Kailangang Magkatawang-tao ng Diyos Upang Gawin Niya Mismo ang Gawain ng Paghuhukom sa mga Huling Araw?

Tanong:

Ginamit ng Diyos si Moises para gawin ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, kaya bakit hindi ginagamit ng Diyos ang mga tao para gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw, kundi sa halip ay kailangan Niyang maging tao para gawin Niya Mismo ito?

Sagot:

Kung bakit kailangang maging tao ang Diyos para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw ay tanong na ikinababahala ng maraming nauuhaw sa katotohanan at naghahanap sa pagpapakita ng Diyos. Ito rin ay tanong na may kaugnayan sa kung tayo ba ay dadalhin sa kaharian ng langit. Kaya, napakahalaga na maunawaan ang aspetong ito ng katotohanan. Bakit kaya dapat magkatawang-tao Mismo ang Diyos para gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw sa halip na gamitin ang tao para gawin ang Kanyang gawain? Ito ay pinagpapasiyahan ayon sa katangian ng gawain ng paghatol. Dahil ang gawain ng paghatol ay ang pagpapahayag ng Diyos sa katotohanan at pagpapahayag ng Kanyang matuwid na disposisyon upang lupigin, madalisay, at mailigtas ang sangkatauhan. Basahin natin ang isang talata mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos.

Ang gawain ng paghatol ay sariling gawa ng Diyos, kaya kailangang likas na magawa ito ng Diyos Mismo; hindi ito maaaring gawin ng taong Kanyang kahalili. Sapagkat ang paghatol ay ang panlulupig sa tao sa pamamagitan ng katotohanan, hindi mapag-aalinlanganan na nagpapakita pa rin ang Diyos sa larawan ng nagkatawang-taong imahe upang gawin ang gawaing ito sa mga tao. Na ibig sabihin, sa mga huling araw, gagamitin ni Cristo ang katotohanan upang turuan ang mga tao sa buong mundo at upang ipaalam ang lahat ng katotohanan sa kanila. Ito ang gawain ng paghatol ng Diyos”.

Sa mga huling araw, Si Cristo ay gumagamit ng iba’t-ibang mga katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at mga gawa. Ang mga salitang ito ay sumasaklaw sa iba’t-ibang mga katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Lalung-lalo na, ang mga salitang nagbubunyag kung papaanong itinatakwil ng tao ang Diyos ay sinalita kung paanong ang tao ay isang mismong larawan ni Satanas at pwersa ng kaaway laban sa Diyos. Kapag ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol, hindi lang Niya basta nililinaw ang kalikasan ng tao sa pamamagitan ng ilang mga salita, ngunit nagsasagawa ng pagbubunyag, pakikitungo, at pagpupungos nang pangmatagalan. Ang gayong pagbubunyag, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mapalitan ng mga ordinaryong salita ngunit ng katotohanan na hindi tinataglay ng tao kailanman. Ang gayong paraan lamang ng paggawa ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lang ng gayong paghatol mahihikayat ang tao, na makumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at makamtam ang tunay na pagkilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at ang katotohanan tungkol sa kanyang pagiging mapanghimagsik. Ang gawain ng paghatol ang magbibigay-daan sa tao upang malaman nang higit ang kalooban ng Diyos, ang layunin ng paggawa ng Diyos, at ang mga misteryo na hindi kayang maunawaan ng tao. Ipahihintulot din nito na makilala at malaman ng tao ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, at upang matuklasan din ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gayong gawain ay ang mismong gawain sa paglalantad ng katotohanan, daan, at buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na isinagawa ng Diyos”.

Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos nakikita natin na ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay kinabibilangan ng pagpapahayag ng maraming aspeto ng katotohanan, pagpapahayag ng disposisyon ng Diyos, ng lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos, pagbubunyag ng lahat ng hiwaga, paghatol sa mala-satanas na katangian ng tao na pagkalaban sa Diyos at pagtataksil sa Diyos, paglalantad at pagsusuri sa pananalita at kilos ng tao, at pagbubunyag ng banal at matuwid na diwa at hindi nasasaktang disposisyon ng Diyos sa buong sangkatauhan. kapag ang pinili ng Diyos ay dumaranas ng paghatol sa mga salita ng Diyos, ito ay parang kaharap nila ang Diyos, nalalantad at hinahatulan Niya. Kapag hinahatulan ng Diyos ang tao, dapat Niyang itulot na makita nila ang pagpapatunay ng Kanyang matuwid na disposisyon, na para bang nakikita ang banal na diwa ng Diyos, na parang nakikita ang malaking liwanag na nakatutok mula sa kalangitan, at ang makita ang salita ng Diyos ay tulad ng isang espadang magkabila ang talim na nakatarak sa puso at espiritu ng tao, na sanhi ng pagdanas ng tao ng di maipaliwanag na pagpapahirap. Sa paraang ito lamang makikilala ng tao ang kanyang sariling tiwaling diwa at ang katotohanan ng kanyang katiwalian, makadarama ng matinding pagkapahiya, itatago ang kanyang mukha sa kahihiyan, at magpapatirapa sa harap ng Diyos sa tunay na pagsisisi, at sa gayon magagawa niyang tanggapin ang katotohanan at mamumuhay ayon sa salita ng Diyos, lubusang aalisin sa kanyang sarili ang impluwensya ni Satanas, at maliligtas at gagawing perpekto ng Diyos. Ang gawaing tulad ng paghatol, pagdadalisay, at pagliligtas ng tao ay magagawa lamang ng Diyos na nagkatawang-tao mismo.

Sa pagdanas ng paghatol ng salita ng Makapangyarihang Diyos, nadama nating lahat kung paanong ang kabanalan at matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi nasasaktan ng mga tao. Bawat titik ng salita ng Diyos ay nagtataglay ng karingalan at poot, bawat salita ay tumatama sa kaibuturan ng ating puso, lubusang inilalantad ang ating mala-satanas na kalikasan na pagkalaban at pagtataksil sa Diyos, gayundin ang mga elemento ng tiwaling disposisyon na nakabaon sa kaibuturan ng ating mga puso kaya’t tayo mismo ay hindi makita ang mga ito, tinutulutan tayong makilala kung paanong ang ating kalikasan at diwa ay puno ng pagmamataas, pagmamalinis, kasakiman, at panlilinlang, paano tayo namumuhay ayon sa mga bagay na ito, gaya ng mga buhay na diyablong gumagala sa mundo, hindi nagtataglay ng kahit kaunting bahid ng pagkatao. Ang Diyos ay namumuhi at nasusuklam dito. Napapahiya tayo at puno ng panghihinayang. Nakikita natin ang sarili nating kababaan at kasamaan at nalalaman na hindi tayo marapat na mabuhay sa harap ng Diyos, kaya’t nagpapatirapa tayo sa lupa, handang tanggapin ang kaligtasan ng Diyos. Sa pagdanas ng paghatol ng salita ng Makapangyarihang Diyos, tunay na nasasaksihan natin ang pagpapakita ng Diyos. Nakikita natin na ang kabanalan ng Diyos ay hindi nadudumihan at ang Kanyang pagkamatuwid ay hindi nasasaktan. Kinikilala natin ang pinakamarubdob na mga hangarin at tunay na pag-ibig kung saan sinisikap ng Diyos na iligtas ang tao at nakikita ang katotohanan at diwa ng ating katiwalian sa mga kamay ni Satanas. Kaya’t sa ating mga puso, nagsisimula tayong makadama ng paggalang sa Diyos at maligayang tinatanggap ang katotohanan at sinusunod ang mga plano ng Diyos para sa atin. Sa ganitong paraan, ang ating tiwaling disposisyon ay dahan-dahang dinadalisay. Ang mga pagbabagong nakamit natin ngayon ay bunga ng pagkakatawang-tao ng Diyos para magawa ang gawain ng paghatol. Kaya’t makikita mo, na tanging kapag ipinapahayag ng pagkakatawang-tao ng Diyos ang katotohanan, ipinapahayag ang matuwid na disposisyon ng Diyos at lahat ng mayroon at kung ano Siya upang magawa ang gawain ng paghatol, noon lamang nakikita ng tao ang pagpapakita ng tunay na liwanag, ang pagpapakita ng Diyos, at nagsisimulang magkaroon ng tunay na kaalaman tungkol sa Diyos. Tanging sa ganitong paraan madadalisay at maliligtas ang tao. Bukod kay Cristo, walang tao ang makagagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw. Basahin natin ang isa pang talata ng salita ng Makapangyarihang Diyos.

Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Walang sinuman ang mas angkop, at karapat-dapat, kaysa sa Diyos sa katawang-tao para sa gawain ng paghatol sa katiwalian ng laman ng tao. … Lubos lamang na matatalo si Satanas kung hahatulan ng Diyos sa katawang-tao ang katiwalian ng sangkatauhan. Dahil tulad sa tao na nagmamay-ari ng normal na pagkatao, maaaring direktang hatulan ng Diyos sa katawang-tao ang hindi pagkamatuwid ng tao; ito ay ang tatak ng Kanyang likas na kabanalan, at ang Kanyang pagka-katangi-tangi. Tanging ang Diyos ang karapat-dapat na, at nasa posisyon upang hatulan ang tao, sapagka’t Siya ang nagmamay-ari ng katotohanan, at pagkamatuwid, at kaya magagawa Niyang hatulan ang tao. Yaong mga wala sa katotohanan at pagkamatuwid ay hindi akma na hatulan ang iba”.

Dahil lamang sa mga paghatol na ito kaya nagagawa ninyong makita na ang Diyos ay isang Diyos na matuwid, na ang Diyos ay ang Diyos na banal. Dahil sa Kanyang kabanalan at pagiging matuwid kaya Niya kayo hinatulan at dumalaw ang Kanyang matinding galit sa inyo. Sapagkat maaari Niyang ibunyag ang Kanyang matuwid na disposisyon kapag nakikita ang pagiging rebelyoso ng sangkatauhan, at dahil maaari Niyang ibunyag ang Kanyang kabanalan kapag nakikita ang karumihan ng sangkatauhan, sapat ito upang ipakita na Siya ay Diyos Mismo na banal at walang dungis, ngunit naninirahan din sa lupaing marumi. Kung Siya ay isang tao na dinudungisan ang sarili niya kasama ng iba pa at kung wala Siyang anumang mga elemento ng kabanalan o isang matuwid na disposisyon, hindi Siya magiging karapat-dapat para manghatol sa pagiging hindi matuwid ng sangkatauhan o maging hukom ng sangkatauhan. Kung hahatulan ng tao ang tao, hindi ba ito magiging parang pagsampal sa kanilang sariling mukha? Paano nagkaroon ang isang tao ng karapatan para hatulan ang kaparehong tao, na kasingdumi lamang nila? Ang kaisa-Isa na maaaring humatol sa lahat ng maruming sangkatauhan ay ang banal na Diyos Mismo, at paano magagawang hatulan ng tao ang mga kasalanan ng tao? Paano magkakaroon ng kakayahan ang tao na makita ang mga kasalanan ng tao, at paano sila magiging kuwalipikado upang kondenahin ang tao? Kung hindi tinaglay ng Diyos ang karapatan na hatulan ang mga kasalanan ng tao, kung gayon paano Siya naging ang matuwid na Diyos Mismo? Kapag ang tiwaling mga disposisyon ng mga tao ay nabunyag, Siya ay nagsasalita upang hatulan sila, at sa gayon lamang nila makikita na Siya ay banal”.

Mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos malinaw nating nakikita na ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay kailangang isagawa sa pagpapahayag ng katotohanan, ng disposisyon ng Diyos, at pagkamakapangyarihan at karunungan ng Diyos upang lupigin, madalisay, at magawang perpekto ang tao. Nagpapakita ang Diyos Mismo upang gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Ang gawaing ito ay tanda ng pagsisimula ng isang kapanahunan at pagwawakas ng isa pa. Ang gawaing ito ay dapat isagawa ng Diyos na nagkatawang-tao, walang taong makagagawa ng gawaing ito sa Kanyang ngalan. Bakit kaya marami ang naniniwala na dapat gamitin ng Diyos ang mga tao upang gawin ang lahat ng Kanyang gawain, sa halip na magkatawang-tao upang gawin Niya Mismo ang gawain? Hindi ito kapani-paniwala! Talaga bang tanggap ng sangkatauhan ang pagdating ng Diyos? Bakit kaya palaging maraming tao ang nagnanais na gamitin ng Diyos ang mga tao para gawin ang Kanyang gawain? Ito ay dahil sa ang mga tao ay gumagawa ayon sa kanilang mga pagkaintindi, ginagawa nila ang bagay ayon sa naiisip ng mga tao na dapat na pagsasagawa nito, kaya madali para sa mga taong sambahin ang ibang tao, iangat sila sa pedestal at sundin sila, ngunit ang paraan ng paggawa ng Diyos ay hindi kailanman ayon sa pagkaintindi ng tao, hindi Niya ginagawa ang mga bagay ayon sa iniisip ng tao na paraan ng paggawa nito. Kaya’t ang tao ay nahihirapang tumugma sa Diyos. Ang diwa ng Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Ang disposisyon ng Diyos ay banal, matuwid at hindi nasasaktan. Gayunman ang taong tiwali ay lubusang ginawang tiwali ni Satanas, at puno ng disposisyong mala-satanas, at nahihirapan silang maging tugma sa Diyos. Kaya’t nahihirapan ang tao na tanggapin ang gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos at hindi handang pag-aralan at imbestigahan, sa halip ay sinasamba ang tao at bulag sa pananampalataya sa kanyang gawain, tinatanggap at sinusunod ito na para bang ito ay gawain ng Diyos. Ano ang problema dito? Masasabi mong, walang kaalam-alam ang sangkatauhan kung ano ang ibig sabihin ng maniwala sa Diyos at danasin ang Kanyang gawain, kaya’t, ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay dapat nakapaloob sa pagpapahayag ng katotohanan sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao upang malutas ang lahat ng mga problema ng tiwaling sangkatauhan. Tungkol naman sa tanong ninyo kung bakit hindi ginagamit ng Diyos ang tao para gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw, kailangan pa ba itong sagutin? Ang diwa ng tao ay tao, ang tao ay hindi nagtataglay ng banal na diwa, kaya’t hindi kaya ng tao na ipahayag ang katotohanan, ipahayag ang disposisyon ng Diyos, ang lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos, at hindi magagawa ang gawain ng pagliligtas ng sangkatauhan. Kahit hindi na banggitin, ang mga tao ay ginawang tiwali lahat ni Satanas, at likas na makasalanan, kaya’t ano ang kwalipikasyon nila para hatulan ang iba pang tao? Yamang ang marumi at tiwaling tao ay walang kakayahang dalisayin at iligtas ang kanyang sarili, paano niya aasahan na madadalisay at maililigtas niya ang iba? Ang gayong mga tao ay mapapahiya lamang kapag hindi handa ang iba na tanggapin ang kanilang paghatol. Ang Diyos lamang ang matuwid at banal, at ang Diyos lamang ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Kaya’t ang gawaing paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay kailangang maisagawa sa pamamagitan ng Kanyang pagkakatawang-tao. Walang taong makagagawa ng gayong gawain, iyan ang katotohanan. Hindi pa rin ba natin ito maunawaan?

Ngayon, bakit ginamit ng Diyos ang tao upang gawin ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan? Ito ay dahil sa ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan at ang paghatol ng mga huling araw ay sadyang magkaiba. Sa Kapanahunan ng Kautusan, ang mga tao ang bagong silang na lahi ng tao, sila ay hindi pa masyadong nagawang tiwali ni Satanas. Ang gawain ng Diyos na Jehova ay kinapalooban noon ng pagpapanukala ng mga batas at kautusan upang magsilbing gabay sa sinaunang tao kung paano mamuhay sa lupa. Ang yugtong ito ng gawain ay hindi para baguhin ang disposisyon ng tao, hindi nito kinailangan ang pagpapahayag ng mas maraming katotohanan. Kinailangan lamang gamitin ng Diyos ang tao para ipahatid ang itinakda Niyang mga batas sa mga Israelita, para malaman ng mga Israelita kung paano susunod sa mga batas, sambahin si Jehova, at mamuhay nang normal sa lupa. Sa paggawa nito, ang yugtong iyon ng gawain ay nakumpleto. Kaya’t, maaaring gamitin ng Diyos si Moises upang makumpleto ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, hindi Siya kinailangang magkatawang-tao upang personal na isagawa ang gawain. Kung ihahambing, ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay para iligtas ang sangkatauhan, na lubhang ginawang tiwali ni Satanas. Ang pagpapalabas ng ilang talata ng salita ng Diyos at pagpoproklama ng ilang batas ay hindi sapat sa kasong ito. Napakaraming katotohanan ang kailangang maipahayag. Ang likas na disposisyon ng Diyos, lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos ay kailangang maipahayag nang lubusan, ang katotohanan, ang daan, at ang buhay ay kailangang mabuksan para sa lahat ng tao, na para bang ibubunyag ng Diyos ang Kanyang Sarili nang harapan sa sangkatauhan, tinutulutan ang tao na maunawaan ang katotohanan at makilala ang Diyos, at sa paggawa nito, lubusan Niyang dinadalisay, inililigtas at ginagawang perpekto ang sangkatauhan. Kailangan itong gawin ng Diyos Mismo sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao, walang taong makakagawa nito sa Kanyang ngalan. Maaaring gamitin ng Diyos ang mga propeta upang ilabas ang ilang talata ng Kanyang salita, ngunit hindi pinapayagan ng Diyos ang mga propeta na ipahayag ang likas na disposisyon ng Diyos, ang lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos, o ipahayag ang buong katotohanan, dahil ang tao ay hindi karapat-dapat na gawin ito. Kung ginamit ng Diyos ang tao upang ipahayag ang kabuuan ng Kanyang disposisyon at katotohanan, malamang na ipahiya nila ang Diyos, dahil ang tao ay may tiwaling disposisyon, nanganganib na pagtaksilan niya ang kanyang sariling mga pagkaintindi at guni-guni, mayroong mga karumihan sa kanyang gawa, na madaling magpapahiya sa Diyos at iimpluwensya sa kabuuan ng pagkaepektibo ng gawain ng Diyos. Gayundin, malamang na kunin ng tao ang lahat ng mayroon siya at hangarin ang lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos, taglay ang mga karumihan sa kanyang gawain para sa katotohanan. Ito ay humahantong sa maling pagkaunawa at pagkapahiya ng Diyos. At, kung gagamitin ng Diyos ang tao upang ipahayag ang kabuuan ng Kanyang disposisyon at katotohanan, dahil sa mga karumihan ng tao, ang mga tao ay hindi magiging handang tumanggap at baka kalabanin pa ito. Sa gayon si Satanas ay maghahanap ng kamalian at gagawa ng mga pagpaparatang, pag-aalabin ang apoy ng kawalan ng kasiyahan ng tao sa Diyos, susulsulan ang mga pag-aalsa, at susulsulan silang bumuo ng sarili nilang malayang kaharian. Ito ang kahihinatnan ng paggawa ng tao sa gawain ng Diyos. Lalo na sa kaso ng pagliligtas ng Diyos sa labis na tiwaling tao sa mga huling araw, ang mga tao ay hindi madaling tumanggap at sumunod sa gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Kaya’t kung ginamit ng Diyos ang mga tao para gawin ang gawaing ito, ang mga tao ay malamang na hindi tumanggap at sumunod. Hindi ba’t katotohanan ang mga ito? Tingnan ang mga elder at mga pastor ng relihiyosong daigdig, ang pagkalaban at pagkondena ba nila sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay kaiba sa paraan ng pagkalaban noon ng mga punong saserdoteng Judio at ng mga Fariseo sa Panginoong Jesus? Ang gawain ng pagliligtas ng Diyos sa tiwaling sangkatauhan ay hindi madali. Kailangan nating maunawaan kung paano nag-iisip ang Diyos!

Sa isang banda, ang gawain ng paghatol ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ay ang hatulan, dalisayin at iligtas ang sangkatauhan, sa kabilang banda, at higit na mahalaga, ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan at pagpapahayag ng disposisyon ng Diyos at ng lahat ng mayroon at kung ano Siya upang matulutan ang sangkatauhan na tunay na malaman at maunawaan ang Diyos, at makita ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao. Basahin natin ang ilang talata mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos.

Para sa lahat ng mga nabubuhay sa laman, ang pagbabago ng kanilang disposisyon ay nangangailangan ng pagtaguyod ng mga layunin, at ang pagkilala sa Diyos ay nangangailangan na masaksihan ang tunay na mga gawa at ang tunay na mukha ng Diyos. Kapwa ay maaari lamang makamit sa pamamagitan ng nagkatawang-taong katawan ng Diyos, at ang kapwa ay maaari lamang matupad sa pamamagitan ng normal at tunay na katawan. Ang dahilan kung bakit mahalaga ang pagkakatawang-tao, at kung bakit dapat ito ay nasa lahat ng tiwaling sangkatauhan. Dahil ang mga tao ay hinihingang makilala ang Diyos, ang mga imahe ng malabo at hindi pangkaraniwang mga Diyos ay dapat maiwaksi mula sa kanilang mga puso, at dahil kinakailangan nilang alisin ang kanilang tiwaling disposisyon, dapat muna nilang malaman ang kanilang tiwaling disposisyon. Kung tanging tao ang gagawa sa pagwawaksi ng mga imahe ng malabong Diyos mula sa mga puso ng mga tao, kung gayon siya ay mabibigo na makamit ang tamang epekto. Ang mga imahe ng malabong Diyos sa mga puso ng mga tao ay hindi maaaring mailantad, maiwaksi, o ganap na mapaalis sa pamamagitan ng mga salita lamang. Sa paggawa nito, sa huli ay hindi pa rin posible na palayasin ang malalim na pagkabaon ng mga bagay na ito mula sa mga tao. Tanging ang praktikal na Diyos at ang tunay na larawan ng Diyos ang maaaring ipalit sa mga malabo at hindi pangkaraniwang mga bagay na ito upang pahintulutan ang mga tao na unti-unting malaman ang mga ito, at sa ganitong paraan lamang maaaring makamit ang takdang epekto.... Tanging ang Diyos Mismo ang maaaring gumawa ng Kanyang sariling gawa, at walang sinuman ang maaaring gumawa ng gawaing ito na Kanyang kahalili. Hindi mahalaga kung gaano kayaman ang wika ng tao, hindi niya kaya na magsalita nang maliwanag ang katotohanan at pagiging karaniwan ng Diyos. Maaari lamang makilala ng tao ang Diyos sa mas kapaki-pakinabang na paraan, at maaari lamang Siyang makita nang mas malinaw, kung ang Diyos ay personal na gagawa sa gitna ng tao at ganap na itatanghal ang Kanyang larawan at ang Kanyang pagka-Diyos. Ang epektong ito ay hindi maaaring makamit sa pamamagitan ng anumang maka-lamang tao”.

Ang mga guni-guni ng tao ay, kung tutuusin, walang laman, at hindi mapapalitan ang tunay na mukha ng Diyos; ang likas na disposisyon ng Diyos, at ang gawain ng Diyos Mismo ay hindi mapapagpanggapan ng tao. Ang hindi-nakikitang Diyos sa langit at ang Kanyang mga gawain ay maaari lamang dalhin sa lupa sa pamamagitan ng Diyos na nagkatawang-tao na personal na gumagawa ng gawain Niya sa pagitan ng mga tao. Ito ang pinaka-mainam na paraan kung saan nagpapakita ang Diyos sa tao, kung saan ang tao ay nakikita ang Diyos at nalalaman ang tunay na mukha ng Diyos, at hindi ito maaaring matamo sa pamamagitan ng isang hindi nagkatawang-taong Diyos”.

Ang pagdating ng Diyos sa katawang-tao ay una sa lahat upang makayang makita ng mga tao ang tunay na mga gawa ng Diyos, upang magkatotoo ang walang hugis na Espiritu sa katawang-tao, at hayaan ang mga tao na makita at madama Siya. Sa ganitong paraan, ang mga nagawa Niyang ganap ay isasabuhay Siya, ang mga ito ay makakamit Niya, at magiging ayon sa Kanyang puso. Kung ang Diyos ay nagsalita lamang sa langit, at hindi aktwal na dumating sa lupa, ang mga tao ay maaring hindi pa rin magagawang makilala ang Diyos, maari lamang silang mangaral ng mga gawa ng Diyos ginagamit ang walang laman na teyorya, at hindi magkakaroon ng mga salita ng Diyos bilang realidad. Ang Diyos ay pangunahing naparito sa lupa upang kumilos bilang isang huwaran at modelo para sa mga taong makakamit ng Diyos; sa ganitong paraan lamang maaaring makilala ng mga tao ang Diyos, at mahipo ang Diyos, at makita Siya, at doon lamang sila maaaring tunay na makamit ng Diyos”.

Wawakasan na ng nagkatawang-taong Diyos ang kapanahunan nang ang likod lamang ni Jehovah ang nagpakita sa sangkatauhan, at tatapusin din ang kapanahunan ng paniniwala ng sangkatauhan sa isang malabong Diyos. Sa partikular, ang gawain ng huling nagkatawang-taong Diyos ay dinadala ang lahat ng sangkatauhan sa isang kapanahunan na mas makatotohanan, mas praktikal, at mas kaaya-aya. Hindi lang Niya tatapusin ang kapanahunan ng kautusan at doktrina; mas mahalaga, ibinubunyag Niya sa sangkatauhan ang isang tunay at pangkaraniwang Diyos, na matuwid at banal, na nagbubukas ng gawain ng plano sa pamamahala at nagpapakita ng mga misteryo at hantungan ng sangkatauhan, na lumikha sa sangkatauhan at dadalhin sa katapusan ang gawaing pamamahala, at nanatiling nakatago ng libo-libong taon. Dadalhin Niya ang kapanahunan ng kalabuan sa isang ganap na katapusan, tatapusin Niya ang kapanahunan kung saan ang buong sangkatauhan ay ninais na hanapin ang mukha ng Diyos ngunit hindi nagawa, wawakasan Niya ang kapanahunan na kung saan ang buong sangkatauhan ay naglingkod kay Satanas, at aakayin ang buong sangkatauhan hanggang sa dulo ng isang ganap na bagong panahon. Ang lahat ng ito ay ang kinalabasan ng gawain ng Diyos sa katawang-tao sa halip na Espiritu ng Diyos”.

Ang gawaing paghatol ng Diyos sa mga huling araw sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao ay talagang makahulugan. Ang Diyos ay nagkatawang-tao sa lupa sa mga huling araw, namumuhay na kasama ng mga tao at nagpapahayag ng Kanyang salita sa sangkatauhan, ipinapahayag ang sariling disposisyon ng Diyos at ang lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos sa madla. Kung sino ang mahal ng Diyos at sino ang kinapopootan ng Diyos, kanino nakatuon ang galit ng Diyos, sino ang pinaparusahan Niya, ang Kanyang tunay na damdamin, Kanyang mga kahilingan sa mga tao, Kanyang layon para sa mga tao, ang ulirang pananaw ng tao sa buhay, mga pinahahalagahan, atbp., Ipinapaalam Niya ang lahat ng ito sa sangkatauhan, Tinutulutan ang tao na magkaroon ng malinaw na mga mithiin sa buhay upang hindi sila kailangang magbakasakali sa malabong paghahangad ng relihiyon. Ang pagpapakita ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay lubusang nagwakas sa kapanahunan kung kailan “tanging ang likod ni Jehova ang nagpakita sa sangkatauhan,” at nagbigay wakas sa kapanahunan ng paniniwala ng tao sa malabong Diyos. Lahat ng nakaranas sa salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay may iisang pagkaunawa: Kahit na dumaan tayo sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, tiniis ang lahat ng uri ng pagsubok at pagpipino, at lubhang pinahirapan ng brutal, mabagsik na paghahanap at pang-uusig ng Komunistang Gobyerno ng Tsina, nakita natin ang matuwid ng disposisyon ng Diyos na dumating sa atin, nakita natin ang kamaharlikahan at poot ng Diyos at ang Kanyang pagkamakapangyarihan at karunungan, nakita natin ang pagpapatunay ng lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos, na para bang nakita natin ang Diyos Mismo. Kahit na hindi natin nakita ang espirituwal na katawan ng Diyos, ang likas na disposisyon ng Diyos, ang Kanyang pagkamakapangyarihan at karunungan, at ang lahat ng mayroon at kung ano Siya, ay ibinunyag sa atin sa kabuuan, na para bang dumating sa atin ang Diyos, nang harapan, tinutulutan tayong tunay na makilala ang Diyos at magkaroon ng pusong may takot sa Diyos para masunod natin anuman ang mga plano ng Diyos para sa atin hanggang kamatayan. Nadarama nating lahat na sa salita at gawain ng Diyos ay nakikita at nakikilala natin ang Diyos sa praktikal at tunay na paraan, at lubusang inalis ang lahat ng mga pagkakaintindi at ilusyon at naging mga tunay na nakakakilala sa Diyos. Noon, inisip natin ang disposisyon ng Diyos bilang mapagmahal at maawain, naniniwalang patuloy na patatawarin ng Diyos ang mga kasalanan ng tao. Ngunit matapos dumaan sa paghatol ng salita ng Makapangyarihang Diyos, talagang naunawaan natin na ang disposisyon ng Diyos ay hindi lamang maawain at mapagmahal, ito rin ay, matuwid, maharlika, at puno ng poot. Ang sinumang magkakasala sa Kanyang disposisyon ay parurusahan. Sa gayon, maaari nating igalang ang Diyos, tanggapin ang katotohanan at mamuhay ayon sa salita ng Diyos. Sa pagdanas ng gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, tunay at praktikal na naunawaan nating lahat na ang disposisyon ng Diyos ay banal, matuwid, at hindi nasasaktan, naranasan ang habag at pag-ibig ng Diyos, tunay na napahahalagahan ang pagkamakapangyarihan at karunungan ng Diyos, nakilala kung paano ibinaba ng Diyos ang Kanyang Sarili nang lihim, nalaman ang Kanyang marubdob na mga balakin, maraming kaibig-ibig na mga katangian, ang Kanyang tunay na damdamin, Kanyang katapatan, Kanyang kariktan at kabutihan, ang Kanyang awtoridad, soberanya, at ang Kanyang pagsusuri sa lahat, atbp. Lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos ay lumitaw sa ating harapan, na para bang nakikita natin ang Diyos Mismo, tinutulutan tayong makilala ang Diyos nang harapan. hindi na tayo naniniwala at sumusunod sa Diyos batay sa ating mga pagkaintindi at ilusyon, kundi nakadarama ng tunay na paggalang at pagsamba sa Diyos, at tunay na sumusunod at umaasa sa Diyos. Talagang natanto natin na kung hindi personal na nagkatawang-tao ang Diyos upang ipahayag ang katotohanan at hatulan ang tao, hindi natin kailanman makikilala ang Diyos, at hindi makakayang alisin sa ating sarili ang kasalanan at magkamit ng pagdadalisay. Kaya kahit paano pa itong tingnan, Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay kailangang gawin Mismo ng Diyos na nagkatawang-tao, walang makagagawa nito sa Kanyang ngalan. Ayon sa mga pagkaintindi at ilusyon ng tao, kung gagamitin ng Diyos ang tao para gawin ang gawain ang paghatol sa mga huling araw, hindi Niya magagawang kamtin ang minimithing epekto.

Share