Read more!
Read more!

Walang Sinumang May Katawan ang Makakatakas sa Araw ng Poot

Ngayon, pinagsasabihan Ko kayo para sa kapakanan ng inyong sariling kaligtasan, upang ang Aking gawain ay sumulong nang maayos, at upang ang Aking kauna-unahang gawain sa buong sansinukob ay maaaring maisakatuparan nang higit na angkop at ganap, ibinubunyag ang Aking mga salita, awtoridad, kamahalan, at paghatol sa mga tao ng lahat ng bayan at bansa. Ang Aking gawain na ginagawa kasama ninyo ay ang umpisa ng Aking gawain sa buong sansinukob. Bagama’t ngayon na ang panahon ng mga huling araw, alamin ninyo na ang “mga huling araw” ay isa lamang pangalan ng isang kapanahunan; gaya lamang ng Kapanahunan ng Kautusan at ng Kapanahunan ng Biyaya, ito ay tumutukoy sa isang kapanahunan, at nangangahulugan ng kabuuan ng isang kapanahunan, sa halip na sa huling ilang taon o buwan. Nguni’t ang mga huling araw ay hindi gaya ng Kapanahunan ng Biyaya at ng Kapanahunan ng Kautusan. Ang gawain ng mga huling araw ay hindi isinasakatuparan sa Israel, kundi sa gitna ng mga Gentil; ito ay ang paglupig ng mga tao mula sa lahat ng bansa at tribo sa labas ng Israel sa harap ng Aking trono, upang ang Aking kaluwalhatian sa buong sansinukob ay makapupuno sa kosmos at sa papawirin. Ito ay upang maaaring makamtan Ko ang mas dakilang kaluwalhatian, upang ang lahat ng nilikha sa lupa ay maaaring maipasa ang Aking kaluwalhatian sa bawat bansa, pababa sa lahat ng salinlahi magpakailanman, at nang ang lahat ng nilikha sa langit at lupa ay makakakita sa lahat ng kaluwalhatian na Aking natatamo sa lupa. Ang gawaing isinasakatuparan sa panahon ng mga huling araw ay ang gawain ng panlulupig. Hindi ito ang paggabay sa mga buhay ng lahat ng tao sa lupa, kundi ang konklusyon ng hindi-nasisira at libong-taong buhay ng pagdurusa ng sangkatauhan sa lupa. Dahil dito, ang gawain ng mga huling araw ay hindi makakatulad sa ilang libong taon ng gawain sa Israel, ni hindi rin ito magiging katulad lamang sa ilang taon ng gawain sa Judea na nagpatuloy ng dalawang libong taon hanggang sa pangalawang pagkakatawang-tao ng Diyos. Dinaranas lamang ng mga tao sa mga huling araw ang muling pagpapakita ng Manunubos sa katawang-tao, at tinatanggap nila ang personal na gawain at mga salita ng Diyos. Hindi ito aabot ng dalawang libong taon bago dumating ang katapusan ng mga huling araw; ang mga iyon ay maikli, kagaya noong isinakatuparan ni Jesus ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya sa Judea. Ito ay dahil sa ang mga huling araw ay ang konklusyon ng buong kapanahunan. Ang mga iyon ay ang kaganapan at ang katapusan ng anim-na-libong-taong plano ng pamamahala ng Diyos, at tinatapos ng mga iyon ang paglalakbay ng sangkatauhan sa buhay ng pagdurusa. Hindi dinadala ng mga iyon ang buong sangkatauhan tungo sa isang bagong kapanahunan o pinahihintulutan ang buhay ng sangkatauhan na magpatuloy; wala iyang kabuluhan para sa Aking plano ng pamamahala o para sa pag-iral ng tao. Kung ang sangkatauhan ay magpatuloy nang ganito, kung gayon sa malao’t madali sila ay lalamunin nang buo ng diyablo, at yaong mga kaluluwa na nabibilang sa Akin sa kahuli-hulihan ay mawawasak sa mga kamay nito. Ang Aking gawain ay tatagal lamang ng anim-na-libong taon, at Ako ay nangako na ang pagkontrol ng masama sa buong sangkatauhan ay hindi rin tatagal nang higit sa anim-na-libong taon. At ngayon, tapos na ang oras. Hindi Ko na ipagpapatuloy o ipagpapaliban pa: Sa panahon ng mga huling araw Aking lulupigin si Satanas, babawiin Ko ang lahat ng Aking kaluwalhatian, at babawiin Ko ang lahat ng kaluluwa sa lupa na kabilang sa Akin upang itong mga kaluluwang naghihinagpis ay maaaring makawala sa dagat ng pagdurusa, at sa gayon matatapos na ang Aking buong gawain sa lupa. Simula sa araw na ito, hindi na Ako kailanman magkakatawang-tao sa lupa, at hindi na muling gagawa pa sa lupa ang Aking Espiritu na nagkokontrol-ng-lahat. Ako ay gagawa lamang ng isang bagay sa lupa: Huhubugin Kong muli ang sangkatauhan, isang sangkatauhan na banal at siyang Aking tapat na lungsod sa lupa. Nguni’t alamin ninyo na hindi Ko lilipulin ang buong mundo, hindi Ko rin lilipulin ang buong sangkatauhan. Iingatan Ko yaong natitirang ikatlong bahagi—ang ikatlong bahaging nagmamahal sa Akin at lubusan Kong nalulupig, at sila ay Aking gagawing mabunga at mapagparami sa lupa kagaya ng ginawa ng mga Israelita sa ilalim ng kautusan, binubusog sila ng masaganang mga tupa at baka at lahat ng kasaganaan ng lupa. Ang sangkatauhang ito ay mananatili sa Akin magpakailanman, nguni’t hindi ito ang magiging karumal-dumal na maruming sangkatauhan sa ngayon, kundi isang sangkatauhan na natipon mula sa lahat niyaong Aking mga natamo. Ang sangkatauhang iyon ay hindi mapipinsala, magagambala, o makukubkob ni Satanas, at magiging ang tanging sangkatauhan na mananatili sa mundo pagkatapos Kong nagtagumpay laban kay Satanas. Ito ang sangkatauhan na nalulupig Ko na ngayon at nagtatamo ng Aking pangako. At sa gayon, ang sangkatauhan na nalulupig sa panahon ng mga huling araw ay siya ring sangkatauhan na maliligtas at magtatamo ng Aking walang-hanggang mga pagpapala. Ito ang tanging magiging patunay ng Aking tagumpay laban kay Satanas, at ang tanging mga nasamsam sa Aking pakikipaglaban kay Satanas. Itong mga nasamsam sa digmaan ay Aking naililigtas mula sa sakop ni Satanas, at ang tanging pagkakabuu-buo at bunga ng Aking anim-na-libong-taong plano ng pamamahala. Sila ay nagmula sa bawat bansa at denominasyon, mula sa bawat lugar at bayan, sa buong sansinukob. Sila ay galing sa iba’t ibang lahi, may iba’t ibang wika, kaugalian at mga kulay ng balat, at sila ay nakakalat sa lahat ng bansa at denominasyon sa buong mundo, at maging sa bawat sulok ng mundo. Hindi magtatagal, sila ay magsasama-sama upang buuin ang isang ganap na sangkatauhan, isang pagtitipon ng tao na hindi kayang abutin ng mga puwersa ni Satanas. Yaong mga nasa gitna ng sangkatauhan na hindi Ko nailigtas at nalupig ay tahimik na lulubog sa kailaliman ng dagat, at masusunog ng Aking tumutupok na apoy nang walang-hanggan. Lilipulin Ko itong luma at sukdulan ang karumihang sangkatauhan, kagaya ng paglipol Ko sa mga panganay na anak at mga baka sa Ehipto, itinira lamang ang mga Israelita, na kumain ng karne ng tupa, uminom ng dugo ng tupa, at nagtatak ng dugo ng tupa sa hamba ng kanilang mga pinto. Hindi ba’t ang mga taong Aking nalulupig at mula sa Aking pamilya ay siya ring mga taong kumakain ng laman ng Cordero na Ako at umiinom ng dugo ng Cordero na Ako, at Aking natubos at sumasamba sa Akin? Hindi ba sila ang mga uri ng tao na laging sinasamahan ng Aking kaluwalhatian? Hindi ba yaong mga wala ng laman ng Cordero na Ako, ay tahimik nang nakalubog sa kailaliman ng dagat? Ngayon sumasalungat kayo sa Akin, at ngayon ang Aking mga salita ay tulad lamang niyaong mga sinabi ni Jehova sa mga lalaking-anak at mga lalaking-apo ng Israel. Nguni’t ang katigasan sa kaibuturan ng inyong mga puso ay nagsasanhi ng Aking poot para maipon, nagdudulot ng higit pang pagdurusa sa inyong mga laman, higit pang paghatol sa inyong mga kasalanan, at higit pang poot sa inyong di-pagkamakatuwiran. Sino ang maliligtas sa Aking araw ng poot, kung ganito ang turing ninyo sa Akin sa ngayon? Kaninong di-pagkamakatuwiran ang kayang makatakas sa Aking mga mata ng pagkastigo? Kaninong mga kasalanan ang makakaiwas sa mga kamay Ko, ang Makapangyarihan sa lahat? Kaninong paglaban ang makakatakas ng Aking paghatol, ang Makapangyarihan sa lahat? Ako, si Jehova, ay nagsasalita sa inyo, mga inapo ng pamilyang Gentil, at ang mga salitang binibigkas Ko sa inyo ay higit sa lahat ng pagbigkas sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya, nguni’t kayo ay mas matigas pa sa lahat ng tao sa Ehipto. Hindi ba ninyo iniipon ang Aking poot habang Ako ay mapayapang gumagawa ng Aking gawain? Paano kayo makakatakas nang walang-pinsala mula sa araw Ko, ang Makapangyarihan sa lahat?

Ako ay nakagawa at nakapagsalita sa ganitong paraan kasama ninyo, Ako ay gumugol ng napakaraming lakas at pagsisikap, nguni’t kailan ba kayo nakinig sa malinaw na sinasabi Ko sa inyo? Saan kayo yumukod sa Akin, ang Makapangyarihan sa lahat? Bakit ninyo Ako tinatrato nang ganito? Bakit lahat ng inyong sinasabi at ginagawa ay pumupukaw ng Aking galit? Bakit napakatigas ng inyong mga puso? Pinabagsak Ko ba kayo kahit minsan? Bakit wala kayong ginagawa kundi gawin Akong nalulungkot at nababalisa? Hinihintay ba ninyo ang araw ng poot Ko, si Jehova, na dumating sa inyo? Hinihintay ba ninyo na ipadala Ko ang galit na pinukaw ng inyong pagsuway? Hindi ba ang lahat ng Aking ginagawa ay para sa inyo? Nguni’t laging ang turing ninyo sa Akin, si Jehova, ay ganito: ninanakaw ang Aking mga alay, inuuwi ang mga handog sa Aking altar papunta sa tirahan ng lobo upang pakainin ang mga batang lobo at ang mga anak ng mga batang lobo; lumalaban sa isa’t isa ang mga tao, humaharap sa isa’t isa na may galit sa mga mata at mga tabak at sibat, itinatapon ang mga salita Ko, ang Makapangyarihan sa lahat, sa palikuran upang maging kasing-dungis ng dumi. Nasaan ang inyong integridad? Ang inyong pagkatao ay naging kahayupan! Ang inyong mga puso ay malaon nang mula’t sapul na naging bato. Hindi ba ninyo alam na ang panahon kung kailan dumarating ang araw ng Aking poot ay ang panahon kung kailan Ko hinahatulan ang masasamang ginawa ninyo sa Akin, ang Makapangyarihan sa lahat, ngayon? Akala ba ninyo na sa pamamagitan ng panlilinlang ninyo sa Akin sa ganitong paraan, sa pagtatapon ng Aking mga salita sa putikan at hindi pagdinig sa mga iyon—iniisip ba ninyo na sa pamamagitan ng pagkilos nang ganito sa Aking likuran kayo ay makatatakas sa Aking napopoot na titig? Hindi ba ninyo alam na kayo ay nakita na ng mga mata Ko, si Jehova, nang ninakaw ninyo ang Aking mga alay at pinagnasaan ang kung anong mayroon Ako? Hindi ba ninyo alam na noong ninakaw ninyo ang Aking mga alay, ginawa ninyo ito sa harapan ng altar kung saan ang mga alay ay inihahandog? Paano ninyo napapaniwalaang sapat ang inyong katusuhan para linlangin Ako sa ganitong paraan? Paano ba maaalis ang Aking nagngangalit na poot sa inyong mga karumal-dumal na kasalanan? Paano ba palalampasin ng Aking ngitngit ang inyong masasamang gawain? Ang kasamaan na inyong ginagawa ngayon ay hindi nagbibigay ng daang palabas para sa inyo, bagkus ito ay nag-iipon ng pagkastigo para sa inyong kinabukasan; pinupukaw nito ang Aking pagkastigo, ang Makapangyarihan sa lahat, patungo sa inyo. Paano makatatakas ang inyong masasamang gawain at masasamang salita mula sa Aking pagkastigo? Paano makararating ang inyong mga panalangin sa Aking mga tainga? Paano Ako magbubukas ng labasan para sa inyong di-pagkamakatuwiran? Paano Ko pababayaan ang inyong masasamang gawain sa paglaban sa Akin? Paano Ko hindi puputulin ang inyong mga dilang makamandag kagaya ng sa ahas? Hindi kayo tumatawag sa Akin para sa kapakanan ng inyong pagkamakatuwiran, bagkus iniipon ang Aking poot dahil sa inyong di-pagkamakatuwiran. Paano Ko kayo mapapatawad? Sa mga mata Ko, ang Makapangyarihan sa lahat, ang inyong mga salita at kilos ay marungis. Ang mga mata Ko, ang Makapangyarihan sa lahat, ay nakakakita sa inyong di-pagkamakatuwiran bilang walang-tigil na pagkastigo. Paano maaalis ang Aking matuwid na pagkastigo at paghatol sa inyo? Dahil ginagawa ninyo ito sa Akin, ginagawa Akong malungkot at napopoot, paano Ko mahahayaang makawala kayo sa Aking mga kamay at mahiwalay sa araw na Ako, si Jehova, ay kakastigo at magsusumpa sa inyo? Hindi ba ninyo alam na ang lahat ng masasama ninyong salita at mga binibigkas ay nakarating na sa Aking mga tainga? Hindi ba ninyo alam na ang inyong di-pagkamakatuwiran ay nakadungis na sa Aking banal na balabal ng pagkamakatuwiran? Hindi ba ninyo alam na ang inyong pagsuway ay nakapukaw na sa Aking matinding galit? Hindi ba ninyo alam na noon pa ninyo Ako iniiwang nagngingitngit, at noon pa ninyo sinusubukan ang Aking pasensiya? Hindi ba ninyo alam na nasira na ninyo ang Aking katawang-tao, naging basahan na ito? Nakapagtiis Ako hanggang ngayon, anupa’t pinakakawalan Ko ang Aking galit, hindi na mapagparaya tungo sa inyo. Hindi ba ninyo alam na ang inyong masasamang gawain ay nakarating na sa Aking mga mata, at ang Aking mga hinagpis ay narinig na ng Aking Ama? Paano Niya mapapayagang ituring ninyo Ako nang ganito? Hindi ba ang alinman sa Aking mga ginagawa sa inyo ay para sa inyong kapakanan? Subalit sino sa inyo ang naging mas mapagmahal sa gawain Ko, si Jehova? Ako ba ay magiging di-tapat sa kalooban ng Aking Ama dahil marupok Ako, at dahil sa pighating napagdusahan Ko? Hindi ba ninyo nauunawaan ang Aking puso? Kinakausap Ko kayo gaya ng ginawa ni Jehova; hindi ba napakarami na Akong tinalikuran para sa inyo? Kahit na Ako ay nakahanda na pasanin ang lahat ng pagdurusang ito para sa kapakanan ng gawain ng Aking Ama, paano kayo makalalaya mula sa pagkastigo na Aking ipinapataw sa inyo dahil sa Aking pagdurusa? Hindi ba ninyo Ako natatamasa nang sobra-sobra? Ngayon, Ako ay ipinagkaloob sa inyo ng Aking Ama; hindi ba ninyo alam na mas marami kayong natatamasa kaysa sa Aking mapagbiyayang mga salita? Hindi ba ninyo alam na ang Aking buhay ay ipinagpalit sa inyong buhay at sa mga bagay na inyong kinalulugdan? Hindi ba ninyo alam na ginamit ang buhay Ko ng Aking Ama upang labanan si Satanas, at ipinagkaloob din Niya ang Aking buhay sa inyo, nagsasanhi sa inyo na tumanggap nang makasandaang beses, at tinutulutang makaiwas kayo sa napakaraming tukso? Hindi ba ninyo alam na sa pamamagitan lamang ng Aking gawain kayo ay nakaiwas sa maraming tukso, at sa maraming nagliliyab na pagkastigo? Hindi ba ninyo alam na dahil lamang sa Akin kaya pinapayagan kayo ng Aking Ama na magsaya hanggang sa ngayon? Paano ninyo naaatim na manatiling napakatigas ng ulo ninyo ngayon, na para bang naging manhid na ang inyong puso? Paanong ang kasamaan na inyong ginagawa ngayon ay makatatakas sa araw ng poot na susunod sa Aking pag-alis mula sa lupa? Paano Ko matutulutan yaong mga napakatigas ng ulo na matakasan ang galit ni Jehova?

Gunitain ninyo ang nakaraan: Kailan naging galit ang Aking titig, at ang tinig Ko’y malupit, sa inyo? Kailan Ako nakipagtalo sa inyo? Kailan Ko ba kayo pinagsabihan nang wala sa katuwiran? Kailan Ko ba kayo pinagsabihan nang harap-harapan? Hindi ba ito para sa kapakanan ng Aking gawain kaya Ako ay nananawagan sa Aking Ama upang ingatan kayo mula sa tukso? Bakit ninyo Ako tinatrato nang ganito? Kahit kailan ba’y nagamit Ko ang Aking awtoridad upang pabagsakin ang inyong mga laman? Bakit ninyo Ako sinusuklian nang ganito? Matapos kayong mag-urong-sulong tungo sa Akin, hindi kayo mainit ni malamig, at pagkatapos ay tinatangka ninyong utuin Ako at pagtaguan Ako ng mga bagay-bagay, at ang inyong mga bibig ay puno ng dura ng mga di-matuwid. Sa tingin ba ninyo ay madadaya ng inyong mga dila ang Aking Espiritu? Sa tingin ba ninyo ay matatakasan ng inyong mga dila ang Aking poot? Sa tingin ba ninyo ay makakapagbigay ng paghatol ang inyong mga dila sa mga gawa Ko, si Jehova, paano man ng mga ito naisin? Ako ba ang Diyos na binibigyang-hatol ng tao? Mapapayagan Ko ba na ang isang maliit na uod ay lumapastangan sa Akin? Paano Ko mailalagay ang ganoong mga anak ng pagsuway sa gitna ng Aking mga walang-hanggang pagpapala? Ang inyong mga salita at gawa ay matagal nang naglantad at humatol sa inyo. Nang Aking iniunat ang mga kalangitan at nilikha ang lahat ng bagay, hindi Ko tinulutan ang kahit anong nilalang na lumahok ayon sa kanilang kagustuhan, lalong hindi Ko tinulutan ang kahit na anong bagay na gambalain ang Aking gawain at Aking pamamahala ayon sa kagustuhan nito. Wala Akong hinayaang tao o bagay; paano Ko kahahabagan yaong mga malupit at hindi-makatao tungo sa Akin? Paano Ko mapapatawad yaong mga nag-aalsa laban sa Aking mga salita? Paano Ko kahahabagan yaong mga sumusuway sa Akin? Ang kapalaran ba ng tao ay wala sa mga kamay Ko, ang Makapangyarihan sa lahat? Paano Ko maituturing ang iyong di-pagkamakatuwiran at pagkamasuwayin bilang banal? Paano madudungisan ng iyong mga kasalanan ang Aking kabanalan? Ako ay hindi nadudungisan ng karumihan ng di-matuwid, ni kinatutuwaan Ko ang mga alay ng mga di-matuwid. Kung ikaw ay tapat sa Akin, si Jehova, makukuha mo ba para sa sarili mo ang mga alay sa Aking altar? Magagamit mo ba ang iyong makamandag na dila upang lapastanganin ang Aking banal na pangalan? Makakapag-alsa ka ba laban sa Aking mga salita sa ganitong paraan? Maituturing mo ba ang Aking kaluwalhatian at banal na pangalan bilang isang kasangkapan upang maglingkod kay Satanas, ang masama? Ang Aking buhay ay inilalaan para sa kasiyahan ng mga banal. Paano kita mahahayaang paglaruan ang Aking buhay ayon sa iyong kagustuhan, at gamitin ito bilang isang kasangkapan sa alitan ninyo? Paano kayo nagiging napaka-walang-puso, at kulang na kulang sa daan ng kabutihan, sa kung paano kayo nakikitungo sa Akin? Hindi ba ninyo alam na naitala Ko na ang inyong masasamang gawain sa mga salitang ito ng buhay? Paano ninyo matatakasan ang araw ng poot kapag kinastigo Ko ang Ehipto? Paano Ko kayo mahahayaang labanan at sumuway sa ganitong paraan, nang paulit ulit? Sinasabi Ko sa inyo nang malinaw, pagdating ng araw, ang inyong pagkastigo ay magiging higit na di-matitiis kaysa roon sa Ehipto! Paano ninyo matatakasan ang Aking araw ng poot? Sinasabi Ko sa inyo nang buong katotohanan: Ang Aking pagtitiis ay inihanda para sa inyong masasamang gawain, at umiiral para sa inyong pagkastigo sa araw na iyon. Hindi ba kayo ang siyang magdurusa ng matinding-poot na paghatol kapag napuno na Ako sa Aking pagtitiis? Hindi ba ang lahat ng bagay ay nasa mga kamay Ko, ang Makapangyarihan sa lahat? Paano Ko mapapayagang suwayin ninyo Ako nang ganito, sa ilalim ng kalangitan? Ang inyong mga buhay ay magiging napakahirap dahil nakatagpo ninyo ang Mesiyas, na nasabing Siyang darating, nguni’t hindi dumating kailanman. Hindi ba kayo ang Kanyang mga kaaway? Si Jesus ay nakipagkaibigan sa inyo, nguni’t kayo ang mga kaaway ng Mesiyas. Hindi ba ninyo alam na bagama’t kayo ay mga kaibigan ni Jesus, ang inyong masasamang gawain ay pumuno ng mga sisidlan niyaong mga karumal-dumal? Kahit na kayo ay napakamalapit kay Jehova, hindi ba ninyo alam na ang inyong masasamang salita ay nakarating na sa mga tainga ni Jehova at pumukaw ng Kanyang poot? Paano Siya magiging malapit sa iyo, at paano Niya hindi susunugin ang iyong mga sisidlan, na puno ng masasamang gawain? Paanong hindi Siya naging iyong kaaway?

Share