"At sinabi niya sa kanila, Magsisunod kayo sa hulihan ko, at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao." - Mateo 4:19
Mula sa mga salita, makikita natin ang palagay at pagtatalaga ng Panginoong Jesus kay Pedro at sa kanyang kapatid. Nang matapos ang gawain ni Jesus, pinalaganap nina Pedro at ng kanyang kapatid ang ebanghelyo ng Panginoon sa bawat sulok ng mundo kasama ng iba pang mga apostol, tulad ng sinabi ni Jesus, "Gagawin kitang mangingisda ng mga tao." Sa modernong panahon, tungkulin rin natin na ipangaral ang ebanghelyo.
Sabi ng mga salita ng Diyos, "Maaari mo bang ipahayag ang disposisyon ng Diyos sa kapanahunan sa akmang wika na may kabuluhan sa kapanahunan? Sa pamamagitan ng iyong karanasan sa gawain ng Diyos, maaari mo bang detalyadong ilarawan ang disposisyon ng Diyos? Paano mo mailalarawan ito nang naaagpang, naaangkop? Upang sa pamamagitan nito, maaaring matuto ang iba tungkol sa iyong mga karanasan. Paano mo ipapasa ang iyong mga nakikita at mga karanasan sa mga yaong nakakaawa, dukha, at tapat na relihiyosong mga mananampalataya na nagugutom at nauuhaw sa pagkamatuwid at naghihintay sa iyo upang akayin sila? Anong uri ng mga tao ang naghihintay sa iyo upang akayin sila? Naguguni-guni mo ba? Namamalayan mo ba ang pasanin na iyong binabalikat, ang iyong komisyon, at ang iyong pananagutan? Nasaan ang iyong makasaysayang pandama ng misyon? Paano ka magsisilbi bilang isang mabuting panginoon para sa susunod na kapanahunan? Mayroon ka bang dakilang pandama ng pagiging panginoon? Paano mo ipaliliwanag ang panginoon ng lahat ng mga bagay? Ito ba ay tunay na ang panginoon ng lahat ng nabubuhay na mga nilalang at lahat ng materyal sa mundo? Ano ang mga plano na mayroon ka para sa pagsulong ng susunod na hakbang ng gawain? Ilang mga tao ang naghihintay sa iyo upang ikaw ay maging kanilang pastol? Ang gawain mo ba ay mabigat? Sila ay dukha, kaawa-awa, bulag, at nawawala, naghuhumiyaw sa kadiliman, “Nasaan ang daan?” Lubhang nananabik sila sa liwanag, tulad ng isang bulalakaw, upang biglang bumulusok at pagwatak-watakin ang pwersa ng kadiliman na nang-api sa mga tao sa loob ng maraming mga taon. "
“Dapat ninyong malaman, na kapag ang Aking gawain ay pinalalawak, ikakalat Ko kayo, at papaluinKo kayo, gaya nang pinalo ni Jehova ang bawa’t isa sa mga tribo ng Israel. Ang lahat ng ito ay gagawin upang palaganapin ang Aking ebanghelyo sa buong daigdig, at palaganapin ang Aking gawain tungo sa mga bansang Gentil, nang sa gayon ang Aking pangalan ay maaaring madakila ng parehong mga matatanda at mga bata, at ang Aking banal na pangalan ay dakilain ng mga bibig ng mga tao mula sa lahat ng mga tribo at bansa. Sa huling kapanahunang ito, padadakilain Ko ang Aking pangalan sa gitna ng mga bansang Gentil, sasanhiing makita ng mga Gentil ang Aking mga gawa, upang maaari nila Akong tawaging ang Makapangyarihan-sa-lahat dahil sa Aking mga gawa, at gawin ito upang ang Aking mga salita ay maaaring matupad sa lalong madaling panahon. Ipaaalam Ko sa lahat ng tao na hindi lamang Ako Diyos ng mga Israelita, kundi ang Diyos din ng lahat ng mga bansa ng mga Gentil, kahit na iyong Aking naisumpa. Hahayaan Ko na makita ng lahat ng tao na Ako ang Diyos ng buong sangnilikha. Ito ang Aking pinakadakilang gawain, ang layunin ng Aking plano ng gawain para sa mga huling araw, at ang tanging gawain na matutupad sa mga huling araw.”
Mula sa mga taimtim at maalab na mga salita, ipinahayag ng Diyos ang Kanyang agarang pagnanais na mailigtas ang mga tao. Inakay tayo ng Diyos sa Kanyang tahanan sa pamamagitan ng mga tao, mga bagay at ipinagkaloob sa atin ang katotohanan upang magkaroon tayo ng pagkakataong maligtas. Gayunpaman, marami pa ring tao ang nabubuhay sa kadiliman at naghahanap sa liwanag na walang kaalaman sa Diyos. Pasan ang atas ng Diyos, dapat nating tularan ang mga apostol ng mga nakaraang henerasyon at gampanan ang ating bahagi sa pagpapalaganap sa ebanghelyo ng Diyos.