May tunay bang kasarian ang Diyos? Ang Panginoong Jesus ay nagkatawang-tao bilang isang lalaki, ngunit ito ba ay nagpapahiwatig na ang Diyos ay lalaki? Ito ay isang katanungan na walang sinuman ang maaaring makapagpaliwanag nang malinaw. At ito ay dahil wala akong kaalaman sa Diyos at puno ng mga pananaw tungkol sa kasarian ng Diyos na muntik ko nang mapalampas ang pagkakataon na salubungin ang Panginoon. Kaya sa ibaba ay sasabihin ko sa lahat ang tungkol sa aking karanasan at umaasa na makatutulong ito.
Noong bata pa ako, nagpunta ako kasama ang aking ina sa isang lokal na iglesia upang dumalo sa mga pagpupulong. Nang pag-usapan namin ang katotohanan tungkol sa kasarian ng Diyos, ang pastor, ang aking tiyuhin, ay madalas na ibinabahagi sa'min ang mga bersikulong ito mula sa Biblia, “Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak” (Juan 17:1). “Pararamihin kong lubha ang iyong kalumbayan at ang iyong paglilihi; manganganak kang may kahirapan; at sa iyong asawa ay pahihinuhod ang iyong kalooban, at siya’y papapanginoon sa iyo” (Genesis 3:16). “Datapuwa’t ibig ko na inyong maalaman, na ang pangulo ng bawa’t lalake ay si Cristo, at ang pangulo ng babae ay ang lalake, at ang pangulo ni Cristo ay ang Dios” (1 Corinto 11:3). Sinabi niya, “Tinawag ng Panginoong Jesus ang Diyos ng Ama sa langit. Tinawag ng Diyos ng langit ang Panginoong Jesus na Anak. Dahil sila ay Ama at Anak, ito ay nagpapahiwatig na ang Diyos ay lalaki. Higit pa, ang babae ang pinagmulan ng kasalanan ng sangkatauhan at sinumpa; ang pangulo ng babae ay lalaki. Kaya ang Diyos ay lalaki.” Kaya naman, sa aking puso, labis na naniniwala ako na ang Diyos ay lalaki at Siya ay babalik bilang lalaki. Hanggang isang araw, nakilala ko si Kapatid na Li ...
Isang araw noong Abril ng 2018, nakilala ko sina Kapatid na Wang at Kapatid na Li sa Facebook. Madalas kaming nagpupulong online. Minsan, pinatotohanan ni Kapatid na Li na ang Panginoong Jesus ay nagbalik na bilang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos at na Siya ay nabubuhay kasama natin. Pagkarinig sa balitang ito, nagulat ako at nalugod. Nalugod ako dahil ang Panginoong Jesus ay bumalik. Nagulat ako dahil bumalik ang Panginoon bago ako maging handa na salubungin ang Kanyang pagbabalik. Nang gabing iyon, pagkatapos ng pulong, nahiga ako sa aking kama, at sobrang nasasabik para makatulog. Kaya bumangon ako upang maghanap ng impormasyon tungkol sa Ang Simbahan ng Makapangyarihang Diyos sa Internet. Bilang resulta, nalaman ko na ang kanyang ipinangaral ay ang mga turo ng Kidlat ng Silanganan. Nagulat ako, dahil naalala ko kung paano ang aking tiyuhin, noong bata pa ako, ay madalas na sinasabi sa akin na ang Kidlat ng Silanganan ay nagpapatotoo na ang ikalawang pagbabalik ng Panginoon ay sa anyo ng isang babae, at sinabihan akong huwag maniwala dito. Sa puntong iyon, ang aking puso ay nakipagdigma sa sarili nito. Naisip ko, “Nitong mga huling araw, matapos na pakinggan ang komunyon ni Kapatid na Li, maraming katotohanan akong naintindihan, tulad ng kung paano makilala ang tunay na Kristo at mga huwad na Kristo, ang katotohanan na ang sangkatauhan ay tiniwali ni Satanas, ang katuparan ng mga propesiya ng pagdating ng Panginoon, kung paano maging isang matalinong birhen na sumasalubong sa pagbabalik ng Panginoon, at iba pa. Ang mga katotohanang ito ay nagpahintulot sa akin na magkaroon ng bagong kaalaman sa gawain ng Diyos at maunawaan ang maraming misteryo sa Biblia. Dapat ko bang ipagpatuloy ang pagsisiyasat, o tumangging magkipagkitang muli kay Kapatid na Li?” Paulit-ulit kong pinag-isipan ang bagay na ito buong gabi.
Sa wakas ay dumating na ang umaga. Agad kong tinawagan si Kapatid na Wang, na nasa Europa upang magsaliksik kasama ko, upang sabihin sa kanya ang tungkol sa aking kalituhan. Matapos marinig ang sinabi ko, sinabi niya, “Mayroon din akong ilang mga pagdududa, ngunit dahil nagsimula na tayong magsaliksik, dapat nating malinawan ang mga katanungan. Kung tumutugma sa katotohanan ang ibinahagi ni Kapatid na Li, patuloy tayong magsasaliksik. Kung hindi, hindi pa huli upang itigil ang pagsasaliksik.” Sandali akong nag-isip at nadama na siya ay tama. Kaya’t nanalangin kaming magkasama sa Panginoon upang hilingin sa Kanya na bigyan kami ng karunungan, upang malaman namin kung paano makilala ang tama mula sa mali.
Sa gabi, nang magkakasama kami, ipinahayag ko ang aking pagkalito kay Kapatid na Li, “Kapatid, nang hanapin ko online ang pangalang ‘Makapangyarihang Diyos’ kagabi, nalaman ko na ang Diyos ay nagkatawang-tao muli at Siya ay babae. Ngunit naniniwala ako na ang Diyos ay lalaki, tulad ng Panginoong Jesus. Naitala sa Biblia na sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak’ (Juan 17:1). Tinawag ng Panginoong Jesus ang Diyos ng langit na Ama. Tinawag ng Diyos ng langit si Jesus na Anak. Dahil Sila ay Ama at Anak, hindi ba ito nagpapahiwatig na ang Diyos ay lalaki? Kaya, sa palagay ko ang Diyos ay dapat na lalaki kapag Siya ay bumalik. Paano Siya magiging babae?”
Pagkarinig nito, matiyagang sinabi ni Kapatid na Li sa akin, “Kapatid, tungkol sa kung paano natin dapat maintindihan ang pangungusap na ito na binigkas ng Panginoong Jesus, tingnan natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, ‘Nang tinawag ni Jesus sa pangalang Ama ang Diyos sa langit habang Siya ay nananalangin, ito ay ginawa lamang mula sa pananaw ng isang taong nilikha, dahil lamang sa dinamitan ng Espiritu ng Diyos ang Kanyang Sarili bilang isang karaniwan at normal na tao at nagkaroon ng panlabas na panakip ng isang nilikhang pagkatao. Kahit na ang nasa loob Niya ay ang Espiritu ng Diyos, ang Kanyang panlabas na anyo ay nanatili pa ring yaong sa karaniwang tao; sa madaling salita, Siya ay naging ang “Anak ng tao” na sinabi ng lahat ng tao, kabilang si Jesus Mismo. Sabihin nang Siya ay tinawag na Anak ng tao, Siya ay tao (maging lalaki man o babae, sa alin mang kaso ay isa na may panlabas na pabalat ng isang tao) ipinanganak sa isang normal na sambahayan ng mga karaniwang tao. Samakatuwid, ang pagtawag ni Jesus sa Diyos sa langit sa pangalang Ama ay katulad lamang ng kung paano ninyo Siya tinawag na Ama noong una; ginawa Niya ang ganoon mula sa pananaw ng isang taong nilikha.’ Mula sa mga salitang ito ay makikita natin na noong tinawag ng Panginoong Jesus na Ama ang Diyos ng langit habang Siya ay nananalangin, ginawa ito ng Panginoon mula sa pananaw ng isang nilikhang nilalang. Ito ay katulad ng pagtawag natin ang Diyos ng langit na Ama habang binibigkas natin ang panalangin ng Panginoon. Ipinahahayag nito ang pagiging mapagkumbaba at pagkamasunurin ng Panginoong Jesus, ngunit hindi ito nangangahulugan na ang Diyos ay lalaki. Alalahanin natin ang Genesis 1:27 na sinasabing, ‘At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae.’ Mula dito ay natutunan natin na ginawa ng Diyos ang lalaki at babae sa Kanyang larawan. Kung panghahawakan natin ang ating maling pananaw at iisipin na ang Diyos ay dapat magkatawang-tao bilang lalaki, kung gayon ay paano natin ipaliliwanag kung bakit ginawa ng Diyos ang babae sa Kanyang larawan? Hindi ba’t taliwas iyon sa Genesis? Ang totoo, ang Diyos ay maaaring lumikha hindi lamang ng lalaki kundi maging babae sa Kanyang larawan. Samakatuwid, ang Diyos ay maaaring magkatawang-tao bilang lalaki o babae. Kaya hindi natin maaaring ipagpalagay na ang Diyos ay lalaki.”
Pagkatapos kong marinig ang kanyang pagbabahagi, ang ilan sa mga posas na gumagapos sa aking puso ay nabuksan. Napagtanto ko na noong tinawag ng Panginoong Jesus ang Diyos ng langit na Ama habang Siya ay nananalangin, ginawa Niya ito mula sa pananaw ng nilikhang nilalang. Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang Diyos ay lalaki. Bukod dito, ginawa ng Diyos ang lalaki at babae sa Kanyang larawan. Samakatuwid, ang Diyos ay maaaring magkatawang-tao bilang lalaki o babae.
Bago matulog, humiga ako sa aking kama at inisip ang ibinahagi ni Kapatid na Li. Nadama ko na ito ay magandang ebidensiya ngunit muli akong nagkaroon ng alinlangan kapag iniisip ang mga bersikulo sa Biblia, “Pararamihin kong lubha ang iyong kalumbayan at ang iyong paglilihi; manganganak kang may kahirapan; at sa iyong asawa ay pahihinuhod ang iyong kalooban, at siya’y papapanginoon sa iyo” (Genesis 3:16), “Datapuwa’t ibig ko na inyong maalaman, na ang pangulo ng bawa’t lalake ay si Cristo, at ang pangulo ng babae ay ang lalake, at ang pangulo ni Cristo ay ang Dios” (1 Corinto 11:3). Naisip ko, “Malinaw na sinabi sa mga bersikulo na ito na ang mga babae ay sinumpa. Paano magkakaroon ng awtoridad ang Diyos kung ang Diyos ay nagkatawang-tao bilang babae? Higit pa, noon, ang karamihan sa mga disipulo ng Panginoon ay lalaki; ngayon, ang lahat ng mga mangangaral at mga pastor ay lalaki din. Kaya paanong ang ikalawang pagbabalik ng Diyos ay sa anyo ng isang babae?” Nag-umpisa muli akong pag-isipan ang mga tanong na ito nang paulit-ulit, at hindi nagawang makatulog sa gabing iyon.
Nang sumunod na gabi, nakatanggap ako ng tawag mula kay Kapatid na Li, kaya sinabi ko sa kanya ang aking mga pagdududa. Matapos marinig ang tungkol sa mga ito, ibinahagi niya ito, “Sa katunayan, pagkatapos kumain si Eba ng bunga mula sa puno ng kaalaman ng mabuti at masama na sinabi sa kanya ng Diyos na Jehova, ‘At sa iyong asawa ay pahihinuhod ang iyong kalooban.’ Ang layunin ng Diyos ay upang mamuhay nang nagkakasundo ang sangkatauhan. Ito ang hinihingi ng Diyos sa lahat ng nilikhang sangkatauhan na nabubuhay sa lupa, kaya ito ay isang bagay na dapat nating sundin, ngunit ganap na walang kaugnayan sa Diyos na nagkatawang-tao. Tulad noon sa Kapanahunan ng Kautusan, nang hingin ng Diyos na Jehova sa sangkatauhan na sundin ang Araw ng pahinga. Ang mga bagay na ito ay kailangang sundin ng sangkatauhan ngunit hindi ng Diyos. Kaya hindi natin maaaring hilingin sa Panginoong Jesus na sundin ang mga ito. Idagdag pa, sa Marcos 2:27–28 ay sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Ginawa ang sabbath ng dahil sa tao, at di ang tao ng dahil sa sabbath: Kaya’t ang Anak ng tao ay panginoon din naman ng sabbath.’ Katulad nito, ang mga salitang ‘ang pangulo ng babae ay lalaki’ ay patungkol sa sangkatauhan, na gumawa ng mga kasalanan. Kaya hindi natin magagamit ang bersikulo na ito upang matukoy na ang Diyos ay hindi maaaring magkatawang-tao bilang isang babae.”
Naririnig ang kanyang pagbabahagi, natanto ko na ang mga salitang ito ay patungkol sa ating mga tao at hindi ko dapat gamitin ang mga bersikulo na ito upang limitahan ang kasarian ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Gayunpaman, hindi ko pa naiintindihan kung bakit ang Diyos ay nagpakita sa atin ngayon bilang isang babae. Kung ang Diyos ay nagpakita bilang isang lalaki, hindi ba’t mas madali para sa atin na tanggapin? At hindi ba mas mapapadaling gawin ang gawain Diyos? Kaya sinabi ko ang aking mga tanong. Pagkatapos ay binasa ng Kapatid na Li ang dalawang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa akin, “Noong una, nang pumarito si Jesus, Siya ay lalaki, nguni’t kapag dumating ang Diyos sa pagkakataong ito, Siya ay babae. Mula rito, makikita mo na nilikha ng Diyos ang kapwa lalaki at babae para sa kapakanan ng Kanyang gawain, at sa Kanya ay walang pagkakaiba ang kasarian. Kapag dumarating ang Kanyang Espiritu, maaari Niyang kunin ang anumang uri ng katawang-tao na gusto Niya at maaari Siyang katawanin ng katawang-taong yaon. Maging lalaki man o babae, maaari nitong katawanin ang Diyos hangga’t ito ay ang Kanyang nagkatawang-taong lamán. Kung si Jesus ay nagpakita bilang isang babae nang Siya ay dumating, sa madaling salita, kung isang sanggol na babae, at hindi isang lalaki, ang ipinaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, ang yugtong yaon ng gawain ay kapareho ding matatapos. Kung gayon ang naging sitwasyon, ang kasalukuyang yugto ng gawain ay kailangan sanang kumpletuhin ng isang lalaki, nguni’t pareho pa ring makukumpleto ang gawain. Ang gawaing ginawa sa alinmang yugto ay parehong makabuluhan; hindi naulit ang alinmang yugto ng gawain ni sumasalungat sa isa.” “Kung Siya ay nagkatawang-tao lamang bilang isang lalaki, ituturing Siya ng mga tao bilang isang lalaki, bilang Diyos ng mga lalaki, at hindi Siya kailanman paniniwalaan bilang Diyos ng mga babae. Kung gayon, paniniwalaan ng mga lalaki na ang Diyos ay mayroong kaparehong kasarian gaya ng mga lalaki, na ang Diyos ay ang pinuno ng mga lalaki—at paano naman ang mga babae? Ito ay hindi makatarungan; hindi ba ito pagtratong may pagtatangi? Kung magkagayunman, kung gayon lahat silang iniligtas ng Diyos ay magiging mga lalaki kagaya Niya, at walang magiging kaligtasan para sa mga babae. Nang nilalang ng Diyos ang sangkatauhan, nilikha Niya si Adan at nilikha Niya si Eba. Hindi lamang Niya nilikha si Adan, nguni’t kapwa ginawa ang lalaki at babae sa Kanyang larawan. Ang Diyos ay hindi lamang Diyos ng mga lalaki—Siya ay Diyos din ng mga babae.”
Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, ibinahagi niya ito sa akin, “Ang Diyos ay Espiritu sa diwa at walang kasarian. Nagkakatawang-tao lamang siya at nagpapakita sa atin bilang lalaki o babae dahil sa mga pangangailangan ng gawain. Kapag natapos na ang gawain ng nagkatawang-taong Diyos, ang Diyos ay babalik sa espirituwal na mundo. Sa panahong iyon, walang pagkakaiba sa kasarian. Samakatuwid, kung ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay lalaki man o babae, maaari pa rin Niyang gawin ang gawain ng pagliligtas ng sangkatauhan. Sa mga huling araw, ang pagdating ng Diyos upang gumawa bilang isang babae ay may praktikal na kahalagahan. Dahil ang Panginoong Jesus ay dumating upang gawin ang Kanyang gawain bilang lalaki noong panahong iyon, ang lahat ng tao ay naniwala na ang Diyos ay lalaki. Kung ang Diyos ay hindi dumating upang gawin ang Kanyang gawain bilang isang babae sa panahong ito, kung gayon ang mga tao ay habambuhay na iisiping ang Diyos ay lalaki, at iisipin natin na ang Diyos ay Diyos ng mga lalaki at ang mga lalaki ay habambuhay na higit na mas maunlad kaysa sa mga babae. Ang Diyos ay nagkatawang-tao bilang isang babae sa mga huling araw upang mapaglabanan ang ating mga paniniwala at mga imahinasyon, baligtarin ang ating maling pananaw na ang Diyos ay maaari lamang magkatawang-tao bilang lalaki, at pahintulutan tayong makita na ang Diyos ay ang Diyos ng lahat ng sangkatauhan at na maaari Siyang magkatawang-tao bilang lalaki o babae.”
Matapos marinig ang mga salita ng Diyos at ang pagbabahagi ng Kapatid, bahagyang naliwanagan ako. Ang Diyos pala ay walang kasarian. Kung magkatawang-tao man ang Diyos bilang lalaki o babae, hangga’t Siya ang nagkatawang-taong Espiritu ng Diyos, kung gayon Siya ay Diyos mismo. Sa mga huling araw, ang Diyos ay lumitaw at gumagawa bilang isang babae upang baligtarin ang ating mga maling pananaw sa Diyos, at pahintulutan tayong makita na ang Diyos ay patas at makatuwiran, na ang mga lalaki at babae ay pantay-pantay sa Kanya, at Siya ay nagliligtas hindi lamang ng lalaki kundi babae rin. Kung hindi ito ginawa ng Diyos, hindi tayo magkakaroon ng tunay na kaalaman tungkol sa Kanya. Ang ginagawa ng Diyos ay napakahalaga. Naalala ko kung paano ako namumuhay sa aking mga maling konsepto at mga imahinasyon at nilimitahan ang Diyos sa pagiging lalaki. Nang marinig na ang Diyos ay nagpakita upang gawin ang Kanyang gawain bilang isang babae, ako ay puno ng mga pagdududa. Kung ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay hindi nalutas ang aking pagkalito ng paunti-unti, tiyak na tumanggi ako sa gawain ng Makapangyarihang Diyos at pinalampas ang pagkakataon na salubungin ang Panginoon. Nang maisip ko ito, kumibot ako at hindi ko mapigilan ang pagbukal ng aking mga luha. Taos-puso akong nagpasalamat sa Diyos para sa Kanyang biyaya at kaligtasan.
Mahal kong mga kapatid, natapos ko na ang pagbabahagi ng aking karanasan. Labis akong naaantig sa tuwing iniisip ko ang panahong iyon ng pagsasaliksik ng gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Muntik ko nang mapalampas ang pagkakataon na salubungin ang Panginoon dahil wala akong kaalaman sa Diyos. Ngunit ang Diyos ay nahabag sa akin—inayos Niya ang pagbabahagi sa akin ng kapatid, at niliwanagan at pinatnubayan ako ng Kanyang mga salita—kaya nagawa kong maunawaan ang katotohanan tungkol sa kasarian ng Diyos at bumalik sa Kanya. Salamat sa Diyos!