Read more!
Read more!

Paano Makilala ang Tinig ng Diyos: 4 na Pangunahing Paraan

Ipinopropesiya ng Pahayag, “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko(Pahayag 3:20). “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia(Pahayag 2:7). Binabanggit lahat ng mga talatang ito na ang Panginoon ay magpapahayag ng higit pang mga salita sa atin at gagamitin ang Kanyang mga salita upang kumatok sa mga pintuan sa ating mga puso kapag bumalik Siya sa mga huling araw. Ibig sabihin, ang pinakamahalagang bagay upang batiin ang Panginoon ay dapat tayong makinig sa tinig ng Diyos para makilala ang Kanyang tinig, sapagkat sa pamamagitan lamang nito maaari nating masalubong ang Panginoon. Sa gayon, alam mo ba kung paano makilala ang tinig ng Diyos? Nasa ibaba ang apat na landas kung paano makilala ang tinig ng Diyos.

Quick Navigation
1. Ang Tinig ng Diyos ay may Awtoridad at Kapangyarihan
2. Maipapakita ng mga Salita ng Diyos sa mga Tao ang Landas ng Pagsasagawa sa Bagong Kapanahunan
3. Maibubunyag ng mga Salita ng Diyos ang mga Misteryo ng Gawain ng Pamamahala ng Diyos
4. Maaaring Ilantad ng Mga Salita ng Diyos ang Katiwalian ng mga Tao

1. Ang Tinig ng Diyos ay may Awtoridad at Kapangyarihan

Dapat nating malaman na kung ang nagkatawang-taong Anak ng tao ay nagpapahayag ng katotohanan o ang Espiritu ng Diyos ay nagsasalita ng mga pahayag, palagi Siyang nagsasalita sa buong sangkatauhan sa Kanyang pagkakakilanlan bilang ang Lumikha. Kaya’t ang mga salita ng Diyos ay tiyak na mayroong awtoridad at kapangyarihan. Ito ang mararamdaman natin kapag naririnig natin ang tinig ng Diyos. Kuning halimbawa ang mga salitang ito na sinalita ng Panginoong Jesus: “Ibibigay Ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit(Mateo 16:17–19). “Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa’t ang Aking mga salita ay hindi lilipas(Mateo 24:35). “Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang kabuhayan: ang sumasampalataya sa Akin, bagama’t siya’y mamatay, gayon ma’y mabubuhay siya; At ang sinomang nabubuhay at sumasampalataya sa Akin ay hindi mamamatay magpakailanman(Juan 11:25–26). Kapag naririnig natin ang mga salitang ito, nadarama natin na nagtataglay sila ng awtoridad at kapangyarihan at hindi masasalita ng sinumang normal na tao, at natitiyak natin mula sa kaibuturan ng ating mga puso na ito ang tinig ng Diyos.

Kaya, ang pagkilala sa tinig ng Diyos ay hindi nakasalalay sa kung gaano kalaki ang ating kakayahan, kundi nakadepende sa ating mga puso. Kinakailangan nito ang pakikinig sa tinig ng Diyos gamit ang ating mga puso at pakikiramdam nito sa ating espiritu. Sinabi ng Panginoong Jesus, “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya(Mateo 25:6). “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin(Juan 10:27). Samakatuwid, kapag naririnig natin ang isang tao na nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay bumalik na, dapat tayong tumuon sa pakikinig sa tinig ng Diyos upang batiin ang Panginoon. Hangga’t natitiyak natin sa ating mga puso na ang mga salitang ito ay katotohanan lahat at may awtoridad at kapangyarihan, hindi ba iyon pakikinig sa tinig ng Diyos at pagsalubong sa Panginoon?

2. Maipapakita ng mga Salita ng Diyos sa mga Tao ang Landas ng Pagsasagawa sa Bagong Kapanahunan

Sinabi ng Diyos, “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan Ko(Juan 14:6).

Ang mga salita ng Diyos na nagkatawang-tao ay nagpapasimula ng isang bagong kapanahunan, ginagabayan ang buong sangkatauhan, naghahayag ng mga hiwaga, at ipinapakita sa tao ang direksyong dapat niyang sundan sa bagong kapanahunan.” Mula sa lahat ng ito makikita na ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan, at maaari silang maging buhay natin at ipakita sa atin ang landas ng pagsasagawa sa bagong kapanahunan. Ito ay isang bagay na hindi maaaring gawin ng sinumang nilikhang nilalang at isang landas din kung paano makikilala ang tinig ng Diyos.

Tulad ng sa huling yugto ng Kapanahunan ng Kautusan kung kailan ang mga tao ay nagkakasala nang higit pa, walang handog ang makakatubos ng kanilang mga kasalanan, at naharap sila sa peligro na mahatulan at mapatay sa ilalim ng batas, alinsunod sa mga pangangailangan ng sangkatauhan, ang Diyos ay gumawa ng isang yugto ng gawain ng pagtubos at ipinahayag ang daan ng pagsisisi. Tinuruan Niya ang mga tao na magtapat at magsisi, magpatawad sa iba nang pitumpung beses na makapito, mahalin ang Panginoon nang buong puso, kaluluwa, at isipan, mahalin ang iba tulad ng kanilang sarili, at higit pa. Ang mga salita at gawain ng Panginoong Jesus ang nagwakas sa Kapanahunan ng Kautusan, nagsimula ng Kapanahunan ng Biyaya, at ipinakita sa mga taong nasa kapanahunang iyon ang direksyon ng bagong kapanahunan. Hangga’t kumikilos ang mga tao alinsunod sa mga salita ng Panginoong Jesus, matatamasa nila ang kapayapaan at kagalakan na nagmumula sa Panginoon, hindi na mapapailalim sa pagkondena ng batas, at maaaring magpatuloy na mabuhay sa harap ng Diyos.

Ngayon, sa mga huling araw, kahit na tinubos tayo ng Panginoong Jesus at napatawad ang ating mga kasalanan, nabubuhay pa rin tayo sa isang masamang siklo ng paggawa ng mga kasalanan sa araw at pagkatapos ay pagtatapat sa mga ito sa gabi, hindi mapalaya ang ating sarili mula sa gapos ng kasalanan. Halimbawa, madalas tayong nagsisinungaling at nanlilinlang upang maprotektahan ang ating sariling mga interes. Kapag nahaharap tayo sa karamdaman o problema sa ating buhay, maaari nating hindi maintindihan, sisihin, at ipagkanulo ang Diyos. Ito ay ilan lamang sa maraming mga halimbawa. Nakakaramdam tayo ng labis na pagkabalisa tungkol sa pamumuhay sa kasalanan, ngunit walang sinuman ang maaaring magpakita sa atin ng paraan upang linisin ang ating mga kasalanan.

Ipinropesiya ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan(Juan 16:12–13). “Ang nagtatakuwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:48). “Pakabanalin Mo sila sa katotohanan: ang salita Mo’y katotohanan(Juan 17:17). Malinaw, na kapag ang Panginoon ay bumalik sa mga huling araw, ipapahayag Niya ang katotohanan upang ganap na linisin at baguhin tayo, upang lubos nating maiwaksi ang mga gapos ng kasalanan at matamo ang pagdadalisay. Ang mga salita lamang ng Diyos ang may gayong awtoridad at kapangyarihan, at maaaring wakasan ang lumang kapanahunan at simulan ang bagong kapanahunan, at ituro sa tao ang isang bagong landas ng pagsasagawa ayon sa kanilang totoong mga pangangailangan.

Kaya, kapag ang isang tao ay nagpapalaganap ng ebanghelyo ng pagbabalik ng Panginoon sa atin, at nagpapatotoo na ang bumalik na Panginoon ay nagpahayag ng mga bagong salita sa mga iglesia, matutukoy natin kung ang mga salitang ito ay mga pahayag ng Diyos at kung ang Panginoong Jesus ay bumalik sa pamamagitan ng pakikinig sa mga salitang ito para makita kung itinuturo nila ang mga landas upang iwaksi ang mga tanikala ng kasalanan at matamo ang pagdadalisay.

3. Maibubunyag ng mga Salita ng Diyos ang mga Misteryo ng Gawain ng Pamamahala ng Diyos

Maaaring ibunyag ng mga pahayag ng Diyos ang mga misteryo ng gawain sa pamamahala ng Diyos—ito ay isa pang landas upang makilala ang tinig ng Diyos. Alam nating lahat na ang gawain ng Diyos ay ang pinakadakilang misteryo at tanging ang Diyos Mismo ang maaaring maghayag nito. Kaya, ang mga salita ng Diyos ay maaaring ipaliwanag nang malinaw ang plano ng pamamahala ng Diyos. Kung ang mga ito man ay mga bagay na nangyari sa nakaraan, mga bagay na nangyayari sa kasalukuyan, o mga bagay na magagawa sa hinaharap, maaaring sabihin sa atin ng mga salita ng Diyos ang lahat tungkol sa mga ito.

Tulad ng pagdating ng Panginoong Jesus upang magsagawa ng gawain, hindi lamang Niya itinuro sa mga tao kung paano magtapat at magsisi, maging mapagparaya at matiisin, at higit pa, ngunit inihayag din Niya ang mga misteryo ng kaharian ng langit at ang mga kondisyon sa pagpasok dito, at iba pa. Halimbawa, sinabi sa atin ng Panginoong Jesus, “Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit(Mateo 4:17). “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit(Mateo 7:21). Ipinapakita sa atin ng mga salita ng Panginoon na ang mga gumagawa lamang ng kalooban ng Ama sa langit, na nagsasagawa alinsunod sa mga salita ng Diyos sa lahat ng bagay, nakakamit ang tunay na pagsisisi at hindi na maghihimagsik o lalabanan ang Diyos, ay kaisa ng isip ng Diyos at maaaring makapasok sa kaharian ng langit. Kung hindi ipinahayag ng Panginoong Jesus ang misteryong ito, hindi natin malalaman ang pamantayan at mga kondisyon para sa pagpasok sa kaharian ng langit.

Minsang ipinropesiya ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi Siya magsasalita ng mula sa Kaniyang sarili; kundi ang anumang bagay na Kaniyang marinig, ang mga ito ang Kaniyang sasalitain: at Kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12–13). Malinaw na sinabi sa atin ng Panginoon na marami pa ring mga bagay na hindi Niya nasabi, sapagkat sa panahong iyon ang tayog ng tao ay masyadong kulang at hindi makaya ang mga ito. Kaya’t ipinropesiya ng Panginoong Jesus na Siya ay muling darating sa mga huling araw at sasabihin sa tao ang lahat ng mga katotohanang hindi nila nauunawaan at mga bagay na darating. Samakatuwid, hangga’t natitiyak natin na ang Diyos Mismo lamang ang maaaring maghayag ng lahat ng mga katotohanan at misteryo, makikilala rin natin ang tinig ng Diyos at masasalubong ang Panginoon.

4. Maaaring Ilantad ng Mga Salita ng Diyos ang Katiwalian ng mga Tao

Sabi ng Mga Hebreo 4:12–13, “Sapagka’t ang salita ng Dios ay buhay, at mabisa, at matalas kaysa alinmang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at madaling kumilala ng mga pag-iisip at mga haka ng puso. At walang anumang nilalang na hindi nahahayag sa Kaniyang paningin: nguni’t ang lahat ng mga bagay ay hubad at hayag sa harapan ng mga mata Niyaong ating pagsusulitan.” Ang Diyos ang Lumikha at kayang suriin ang mga puso ng tao; ang mga salitang ipinahayag ng Diyos ay kayang ilantad ang diwa ng kalikasan ng mga tao at ang pinagmumulan ng kanilang katiwalian—ito ay isang bagay na walang sinumang tao ang makagagawa. Ito ang ikaapat na landas upang makilala ang tinig ng Diyos.

Halimbawa, ang mga tao sa panahong iyon ay walang kakayahang makita nang malinaw ang kalikasan at diwa ng pagpapaimbabaw ng mga Fariseo, samantalang inilantad sila ng Panginoong Jesus sa mga salitang ito, “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t tulad kayo sa mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwa’t sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na karumaldumal(Mateo 23:27). “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t nangagbibigay kayo ng sa ikapu ng yerbabuena, at ng anis at ng komino, at inyong pinababayaang di ginagawa ang lalong mahahalagang bagay ng kautusan, na dili iba’t ang katarungan, at ang pagkahabag, at ang pananampalataya: datapuwa’t dapat sana ninyong gawin ang mga ito, at huwag pabayaang di gawin yaong iba(Mateo 23:23). Malinaw, ang Diyos lamang ang sumusuri sa kaibuturan ng mga puso at isipan ng mga tao at nakakakita sa pinakadiwa ng kalikasan ng tao. Ito ay isa sa mga natatanging katangian ng mga salita ng Diyos.

Mula sa pagbabahagi sa itaas, nauunawaan natin na ang mga salita ng Diyos ay may awtoridad at kapangyarihan at magagawang ipakita sa mga tao ang bagong direksyon na susundan, ipahayag ang mga misteryo ng plano ng pamamahala ng Diyos, at ilantad ang katiwalian ng sangkatauhan. Kung matututunan nating makilala ang tinig ng Diyos, magagawa nating salubungin ang Panginoon.

Ngayon, sa buong mundo ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos lamang ang lantarang nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay bumalik na bilang ang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos. Sa pundasyon ng gawaing pagtubos ng Panginoong Jesus, ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos. Ibinubunyag Niya ang lahat ng katotohanan at misteryo na may kinalaman sa kaligtasan at pagiging perpekto ng sangkatauhan, tulad ng misteryo ng anim na libong taong plano ng pamamahala ng Diyos, ang misteryo ng pangalan ng Diyos, ang misteryo ng pagkakatawang-tao ng Diyos, paano umunlad ang sangkatauhan hanggang sa ngayon, paano ginagawang tiwali ni Satanas ang mga tao, paano hakbang-hakbang na inililigtas ng Diyos ang mga tao, paano malulutas ng mga tao ang kanilang mala-satanas na kalikasan at makamit ang pagdadalisay, kung paano tinutukoy ng Diyos ang katapusan ng bawat uri ng tao, ang magagandang tanawin ng hinaharap na kaharian, at higit pa. Hindi lamang iyan, ang katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay naglalantad din ng tiwaling disposisyon ng paglaban sa Diyos. Nagagawa nitong ipaunawa sa atin na kahit na sa panlabas ay nagsusumikap tayo para sa Panginoon, madalas pa rin tayong magsinungaling at linlangin Siya, walang pasubali sa Kanya, nananatiling mapagmataas, mayabang, at mapagmatuwid sa sarili, at madalas na ipagparangal ang ating sarili at magpakitang-gilas. Bukod dito, hinahayaan din tayo nitong malaman na ang paggugol natin para sa Diyos ay lahat para makakuha ng mga pagpapala at gantimpala, at makapasok sa kaharian ng langit, sa halip na dahil sa ating pag-ibig sa Diyos o upang sumunod sa Diyos—nakikipagtawaran lamang tayo sa Diyos. Ang mga nakaranas ng gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos ay nagkaroong lahat ng ilang pagbabago sa kanilang mga disposisyon sa buhay, at nagbunga ng lahat ng uri ng mga karanasang patotoo kung paano nagbago ang kanilang mga tiwaling disposisyon. Ang mga patotoong ito ay nailathala sa website ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos para sa mga tao sa buong mundo upang mahanap at masiyasat. Maraming mga tunay na mananampalataya na naghahangad sa katotohanan ang nakarinig ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at naramdaman na mayroon silang awtoridad at kapangyarihan, at sila ang katotohanan at maaaring maging buhay ng tao, at sila ang tinig mismo ng Diyos. Natukoy nila na ang Makapangyarihang Diyos ay ang bumalik na Panginoong Jesus, isa-isang bumalik sa harap ng trono ng Diyos, at dumalo sa piging ng kasal ng Cordero. Tiyak na tinutupad nito ang propesiya sa Aklat ng Pahayag, “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko(Pahayag 3:20).

Ngayon, kung nais nating salubungin ang Panginoon, dapat nating aktibong hanapin at siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at masigasig na basahin ang Kanyang mga salita upang makita kung ang mga ito ay tinig ng Diyos at kung ang Makapangyarihang Diyos ay ang bumalik na Panginoong Jesus.

Tala ng Patnugot:

Sa pamamagitan ng pagbabahagi sa itaas, alam na nating lahat ngayon ang susi sa pagtanggap sa Panginoon ay pakinggan ang tinig ng Diyos, at nauunawaan din natin ang apat na mga landas kung paano makilala ang tinig ng Diyos. Kung mayroon ka pa ring hindi maunawaan, mangyaring huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin gamit ang mga online chat buttons sa ibaba. Online kami 24 oras sa isang araw handa na sagutin ang iyong mga katanungan.

Share