Read more!
Read more!

Paano malalaman ang kalooban ng Diyos sa mga bagay na kinakaharap natin

Sa ating mga buhay, makakaharap tayo ng iba’t ibng mga bagay na kapwa maliit at malaki araw-araw. Kung hindi natin alam ang kalooban ng Diyos, wala tayong patutunguhan at hindi natin malalaman kung ano ang gagawin upang makamit ang papuri ng Diyos. Kung gayon alam mo ba kung paano malalaman ang kalooban ng Diyos sa mga bagay na dumarating sa iyo? Narito sa ibaba, nais kong sabihin sa iyo ang dalawang landas ng pagsasagawa.

Paano malalaman ang kalooban ng Diyos (1): Tumahimik sa Harap ng Diyos upang Magdasal at Maghanap

Kapag nakakaranas tayo ng isang bagay na hindi umaayon sa ating sariling kagustuhan, alam mo ba kung paano malalaman ang kalooban ng Diyos? Sabi ng Diyos, “Magsihingi kayo, at kayo’y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo’y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y bubuksan(Mateo 7:7).

Sa tunay na buhay, dapat kang magdasal tuwing may nangyayari sa iyo. Sa pinakaunang pangyayari, dapat kang lumuhod at magdasal—ito ay mahalaga. Ipinamamalas ng pagdarasal ang iyong saloobin sa Diyos sa Kanyang presensya. Hindi mo ito gagawin kung wala ang Diyos sa puso mo. Sinasabi ng ilang tao, ‘Nagdarasal ako ngunit hindi pa rin ako nililiwanagan ng Diyos!’ Hindi mo dapat sabihin iyan. Tingnan mo muna kung tama ang mga motibasyon mo sa pagdarasal; kung totoong hinahanap mo ang katotohanan at madalas kang magdasal sa Diyos, liliwanagan ka Niya nang maayos sa ilang bagay upang maunawaan mo—sa madaling salita, tutulungan ka ng Diyos na makaunawa.

Ang mga salita ng Diyos ay ipinapakita sa atin na kapag nakatagpo tayo ng isang bagay na salungat sa ating kagustuhan, ang mga pinakaimportanteng bagay ay ang pagtanggap at pagsunod, at humarap sa Diyos upang magdasal at hanapin ang kalooban ng Diyos. Ito ang landas ng pagsasagawa upang malaman ang kalooban ng Diyos. Kapag pinatatahimik natin ang ating puso sa harap ng Diyos, at naghahanap at nananalangin sa Diyos nang may masunuring puso, makikita ng Diyos na tama ang ating mga puso at liliwanagan tayo upang maunawaan ang Kanyang kalooban, nang sa gayon ay magkaroon tayo ng landas ng pagsasagawa at makamit ang pagsang-ayon at mga biyaya ng Diyos.

Gawing halimbawa si Job. Nang ang lahat ng kanyang kayamanan at pag-aari at kanyang mga anak ay kinuha sa kanya, pumunta siya sa harap ng Diyos upang magdasal at maghanap nang may masunuring puso. Sa paggawa nito, naunawaan niya ang kalooban ng Diyos na si Jehova at nalaman na ito ay isang pagsubok at pagpipino ng Diyos na dumating sa kanya upang suriin ang kanyang pananampalataya, debosyon, at pagsunod sa Diyos. Nalaman niya rin na lahat ng mayroon siya ay ipinagkaloob ng Diyos at may dahilan ang Diyos sa pagbawi nito. Matapos maunawaan ang kalooban ng Diyos, sinabi ni Job, “Hubad akong lumabas sa bahay-bata ng aking ina, at hubad na babalik ako roon: si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis; purihin ang pangalan ni Jehova” (Job 1:21). “Tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Dios, at hindi tayo tatanggap ng masama?” (Job 2:10). Sa pamamagitan ng pagdarasal at paghahanap, naunawaan ni Job ang kalooban ng Diyos, at hindi lamang siya hindi nagsalita nang makasalanan, bagkus ay nagdala pa siya ng isang maugong na patotoo para sa Diyos. Sa gayon siya ay pinuri ng Diyos, nagpakita sa kanya mula sa isang bagyo, at ipinagkaloob sa kanya ang mas maraming mga biyaya. Makikita na kung ang isang tao ay nakakaranas ng hindi kaaya-ayang pangyayari, tanging sa pagdarasal at paghahanap nang may masunuring puso natin mauunawaan ang kalooban ng Diyos.

Sa tuwing nakakaranas tayo ng isang bagay na hindi umaangkop sa ating sariling mga hangarin, hangga’t naghahanap at nagpapasakop tayo sa ating mga panalangin, mauunawaan natin ang kalooban ng Diyos. Halimbawa, noon, nagkasakit ako ng malubha at naharap sa kamatayan. Kahit na wala akong sinabi, ang aking puso ay napuno ng hindi pagkaunawa at pagsisi sa Diyos. Naisip kong naniniwala ako sa Panginoon sa loob ng maraming taon at palaging nagsusumikap, kaya paano ako nagkaroon ng napakalubhang sakit? Bakit hindi ako prinotektahan ng Diyos? Habang mas iniisip ko ito, lalo akong tumutol sa aking puso, nakaramdam ng sobrang pagkabalisa at pagkaapi. Napagtanto kong mali ang aking estado, at sa gayon ay humarap ako sa Diyos upang manalangin at hanapin ang kalooban ng Diyos. Napagtanto ko: Kapag ang lahat ay nagiging maayos para sa akin, masigasig akong gumugugol para sa Diyos, at walang mga reklamo kahit gaano pa ako kapagod. Ngunit nang ako ay nagkasakit, wala ako ng katulad na lakas na mayroon ako sa nakaraan, at napuno ng mga maling pagkaunawa at paninisi sa Diyos. Kung gayon, para saan talaga ang paggugol ko para sa Diyos? Hindi ba’t kapalit lamang iyon ng mga pagpapala ng makalangit na kaharian at para sa mas mabuting kapalaran at biyaya? Nang masira ang aking pagnanais na makakuha ng mga pagpapala, napuno ako ng mga reklamo at hindi pagkakaunawaan tungkol sa Diyos—paano ako naging mapagmahal at naging matapat sa Diyos? Ako ay simpleng sumusubok na makipagtawaran sa Diyos; sinusubukan kong gamitin Siya at linlangin Siya! Paano magiging karapat-dapat sa Kanyang papuri ang gayong pananampalataya sa Diyos? Nang napagtanto ko ito, sa wakas ay naintindihan ko na inayos ng Diyos ang sitwasyong iyon upang maipakita ang aking mga motibo upang makakuha ng mga pagpapala sa pamamagitan ng aking paniniwala sa Diyos at upang mabago ang aking mga maling pananaw sa aking paniniwala sa Diyos.

Sa pagkaunawa sa mabuting intensyon ng Diyos sa pagligtas sa akin, lalo akong nagsisi. Naisip ko, “Ang Diyos ang Manlilikha at ako ay isang nilikha.” “Ang paniniwala sa Diyos at pagsamba sa Diyos ay isang batas sa langit at isang prinsipyo sa lupa. Maging mapalad man ako o mapasailalim sa kalamidad, dapat akong maging tapat sa Diyos, at hindi dapat makipagkasunduan sa Diyos. Ito ang konsensiya at dahilan na dapat mayroon ako bilang isang nilikhang nilalang.” Kaya’t nanalangin ako at gumawa ng isang resolusyon sa Diyos: “kahit na gumaling ako o hindi, magpapasakop ako sa Iyong mga pangangasiwa at pagsasaayos at hindi na gagawa ng anumang labis na kahilingan sa Iyo. Hindi mahalaga kung mga biyaya o kapahamakan ang dumating sa akin, gagampanan ko nang maayos ang aking tungkulin upang gantihan ang Iyong pag-ibig.” Pagkatapos kong manalangin sa Diyos ng ganito, nakaramdam ako ng kapanatagan at kapayapaan sa loob. Hindi nagtagal pagkatapos niyon, gumaling ang aking karamdaman.

Mula rito makikita natin na kapag nakakaranas tayo ng isang bagay na hindi kanais-nais, dapat tayong tumahimik sa harap ng Diyos upang maghanap, sapagkat sa ganitong paraan lamang natin mauunawaan ang kalooban ng Diyos at magkakaroon ng isang landas ng pagsasagawa.

Paano malalaman ang kalooban ng Diyos (2): Hanapin ang Kalooban ng Diyos sa Kanyang mga Salita

Kung nais nating malaman ang kalooban ng Diyos, bukod sa pagdarasal at paghahanap, ang pinakamahalagang bagay ay basahin ang mga salita ng Diyos at hangarin na malaman ang kalooban ng Diyos sa Kanyang mga salita. Tulad ng sabi ng mga salita ng Diyos, “Paano magkakasama ang Diyos at ang tao? Paano mo makikilala ang Diyos? Paano gumagawa ang Diyos sa tao? Ginagamit Niya ang mga salita upang ihayag ang Kanyang kalooban, gumagamit ng mga salita upang patnubayan ka sa tamang landas na dapat mong lakaran, gumagamit ng salita upang subukin ka, at gumagamit ng mga salita upang sabihin sa iyo ang lahat ng mga kinakailangan at pamantayan na mayroon Siya para sa iyo. Unawain ito, at maiintindihan mo ang ugat ng bagay. Hindi namamalayan, nauunawaan mo ang lahat ng aspeto ng katotohanan sa loob ng mga salita ng Diyos: ang mga prinsipyo ng pakikisalamuha sa iba at pagharap sa mga bagay-bagay, kung paano pakitunguhan ang mga kapatid, paano harapin ang gawain sa iglesia at ang iyong mga tungkulin, paano mo mararanasan ang mga pagsubok, paano maging matapat sa Diyos, paano isuko ang mga bagay at kung paano pakitunguhan ang mundo. Ang lahat ng mga katotohanang ito ay matatagpuan sa loob ng mga salita ng Diyos, at sinabi ng Diyos ang lahat ng mga ito sa iyo.

Alam nating lahat na ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan, ang kung ano ang mayroon ang Diyos at kung ano Siya, at kumakatawan sa kalooban ng Diyos. Ang mga salita ng Diyos ay sinabi sa atin ang lahat: kung aling mga tao ang gusto ng Diyos at kung aling mga tao ang kinamumuhian ng Diyos, kung kanino nakadirekta ang pagkagalit ng Diyos, kung sino ang pinaparusahan Niya, ang Kanyang emosyonal na estado, ang Kanyang hinihingi sa mga tao, ang Kanyang kalooban para sa sangkatauhan, kung paano dapat tratuhin ng mga tao ang mga salita ng Panginoon at kung paano nila tatanggapin ang Panginoon. Kaya, hangga’t hinahanap natin ang mga salita ng Diyos kapag nakakatagpo tayo ng mga isyu, maiintindihan natin ang kalooban ng Diyos at makakahanap ng wastong landas ng pagsasagawa.

Halimbawa, kapag tayong mga nananampalataya sa Diyos ay isinasagawa ang ating mga tungkulin sa iglesia, hinihimok tayo ng ilang tao na kumita ng pera at mag-ipon ng kayamanan. Sa mga oras na katulad nito, kung hinahangad natin ang katotohanan sa mga salita ng Diyos, malalaman natin ang kalooban ng Diyos. Malinaw na sinabi sa atin ng Panginoong Jesus, “Sapagka’t ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanglibutan at mawawalan siya ng kaniyang buhay? o ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay?(Mateo 16:26). “Sinoma’y hindi makapaglilingkod sa dalawang panginoon: sapagka’t kapopootan niya ang isa, at iibigin ang ikalawa: o kaya’y magtatapat siya sa isa, at pawawalang halaga ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod sa Dios at sa mga kayamanan(Mateo 6:24). Mula sa mga salitang ito, nalalaman natin na ang kalooban ng Panginoon para sa atin ay maging kontento sa sapat na damit at pagkain kaysa sa mag-ipon pa ng kayamanan, at bilang mga mananampalataya sa Diyos, dapat nating hanapin ang katotohanan at kamtin ang katotohanan bilang ating buhay, sapagkat sa ganitong paraan lamang tayo makakakuha ng papuri ng Diyos at makakapasok sa kaharian ng Diyos. Kung hindi natin hinahangad na malaman ang kalooban ng Diyos sa mga salita ng Diyos, maiisip natin na ang mga salita ng tao ay may katuturan din kaya’t isusuko natin ang paggawa ng ating mga tungkulin upang kumita ng pera. Sa ganitong paraan, mahuhulog tayo sa pakana ni Satanas at malulubog sa tukso, nilalayuan at pinagkakanulo ang Diyos.

Tingnan natin ang isa pang halimbawa. Ngayon, nagsimula na ang mga malalaking sakuna at ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon ay pangunahing natutupad na, at sa gayon ang Panginoon ay malamang na bumalik na. Gayunpaman, maraming tao ang hindi pa sinasalubong ang Panginoon. Paano natin malalaman ang kalooban ng Diyos sa Kanyang mga salita tungkol sa bagay na ito? Dapat nating hanapin kung ano ang sinabi ng Diyos tungkol sa pagsubong sa Panginoon. Sinabi ng Panginoong Jesus, “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya(Mateo 25:6). Ang Aklat ng Pahayag ay naglalaman din ng mga sumusunod na propesiya, “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko(Pahayag 3:20). “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia(Pahayag 2:7). Malinaw na sinabi ng mga salitang ito na kapag naririnig natin ang isang tao na nagpapatotoo na ang Panginoon ay bumalik na, dapat tayong magmadali upang salubungin Siya, na ang Panginoon ay kakatok sa mga pintuan ng puso ng mga tao sa pamamagitan ng Kanyang mga pagbigkas, at yaong tumatanggap matapos marinig ang tinig ng Panginoon ay masasalubong ang Panginoon. Sa gayon, mayroon tayong isang landas ng pagsasagawa: Pagkarinig sa isang tao na nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay nagbalik at nagpapahayag “kung ano ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia,” dapat nating hanapin at suriin kung ang mga salitang ito ay naglalaman ng katotohanan at kung sila ay tinig ng Diyos. Sa sandaling makumpirma natin na ang mga ito ay tinig ng Diyos, dapat nating tanggapin at sundin—hindi ba iyon pagsalubong sa Panginoon? Kaya, kahit na ano ang makaharap natin, hangga’t hinahanap natin ang katotohanan sa mga salita ng Diyos malalaman natin ang kalooban ng Diyos at makakahanap ng isang landas ng pagsasagawa.

Hangga’t nauunawaan natin ang dalawang mga landas sa itaas, mauunawaan natin kung paano malalaman ang kalooban ng Diyos at magkakaroon ng tamang landas ng pagsasagawa sa mga tao, pangyayari at mga bagay na nakakaharap natin.

Tala ng Patnugot:

Kung ang artikulong ito ay naging kapaki-pakinabang sa iyo, mangyaring ibahagi ito sa iba. Kung mayroon kang anumang iba pang pagkalito o mga paghihirap sa iyong paniniwala, mangyaring i-click ang icon ng online chat sa ilalim ng pahinang ito upang makipag-ugnayan sa amin. Narito kami 24 na oras bawat araw upang sagutin ang inyong mga katanungan.

Share